webnovel

Kabanata 7: A date with William Alcazar

"Nasa likod tayo ng simbahan." Sagot nito.

Napatingin siya sa paligid napakatahimik at napapalibutan pa ito ng maraming kakahoyan.

Mayroon ding upuan at ilaw sa bawat gilid nito. Hindi din gaano ka dilim sapagkat napakaliwanag ng buwan.

Napansin niya ang isang alitaptap na lumilipad patungo sa kaniya hanggang sa unti-unti ng nagsilabasan ang iba.

"Napakaganda." Saad niya habang dinadakip sa kaniyang palad ang isa sa mga alitaptap.

"Maganda nga." Saad nito na nakapagpalingon sa kaniya.

Napagtanto niya na nakatitig pala ito sa na wari'y natutuwa sa ginagawa niya.

"Mukha ba akong nakakatawa pansin ko lagi mo nalang akong pinagtatawanan." Saad niya at tinaasan ito ng kilay.

"Hindi naman gaano." Nakangiting pilyong saad nito.

"Sobrang ganda dito sa panahon niyo masyado pang magubat at tahimik." Saad niya ng ialis ang tingin dito mahirap na at baka siya ay mahulog sa kamay nito.

"Ganito naman talaga lagi dito." Sagot nito sa kaniya.

"Sa panahon ko hindi." Isasagot niya sana ito ngunit tumahimik na lamang siya.

"Kaya nga nakakatuwa lang pag ikaw na mismo ang saksi sa mga nakasulat sa libro. Tunay na kahanga-hanga nga ang panahong ito kahit medyo magulo." Pagbibiro niya.

"May katuwiran ang iyong sinabi." Pagsang-ayon nito sa kaniya.

Nananatili muna silang nakaupo sa bangko.

"William naisip ko lang bakit mo ginawa yun? Ang ibig kung sabihin bakit mo inanunsyo napapakasalan mo ako sinabi ko naman sa iyo na okay lang naman." Saad niya habang nakatingin sa binata.

Hindi siya nito sinagot at nakatingin lamang sa kawalan.

"William?" Pagtawag niya dito.

Hindi maintindihan ni Marga ngunit bigla siyang hindi naging comportable sa reaksyon nito.

Ang mukha ng binata ay walang expression hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito.

Napagtanto niyang hindi nalang sana siya nagtanong dahil alam narin niya ang sagot.

"Nag-eexpect ka ba Marga na sasabihin niyang kasi nagustohan na kita sa unang pagkikita natin. Wag kang hangal hindi ito romeo and juliet na nalove at first sight sa isa't-isa." Saway niya sa sarili.

Nabulabog ang kaniyang pag-iisip ng bigla itong ngumiti ng pilyo.

"Natakot ba kita? Binibiro lang kita binibini tunay na kakaiba ang iyong ugali kaya hindi ka naman mahirap mahalin." Sagot nito sabay tayo.

"Malapit ng matapos ang misa kailangan munang umuwi ihahatid na kita." Dagdag nito sabay lahad ng kamay sa kaniya.

Nakatingala lamang siya dito at agad na tinanggap ang kamay ng binata.

"Pilyo ka nga William Alcazar." Natatawang saad niya dito.

"Hindi naman nagpapakatotoo lamang." Birong sagot nito.

Naglakad na sila pauwi habang nag-uusap, maraming bagay din ang nalaman niya tungkol kay William.

Tulad na lamang na pilyo nga talaga ito sa kanilang magkakaibigan. Marunong ito sa lahat ng bagay at ang tanging pinakaayaw nito ay sinasaway sa kaniyang gustong gawin.

"Spoiled brat." Sa isip niya ngunit di niya mapigilang matawa habang iniisip iyon.

"Bakita ka natatawa pakiramdam ko ako ang iyong tinatawanan." Saad nito sa kaniya.

"Hindi naman." Nakangising saad niya.

Napakamot na lamang ito sa kaniyang ulo.

"Andito na pala tayo." Saad ni William.

"Oo nga nuh hindi ko napansin maraming salamat sa iyong paghatid William." Saad niya.

"Isang karangalan para sakin ang ihatid si binibining Davis." Nakangiting saad nito.

"Isang karangalan din na makausap ang isang Alcazar." Natatawang saad niya.

Nagkatawanan silang dalawa at hinintay siya nitong makapasok muna sa loob.

Nakangiting humiga si Marga sa kaniyang kama. Nang biglang naalala niya na ikakasal nga pala siya sa lalaking iyon.

"Kung ikakasal man lang ako sa ganun kabait at kaguwapong nilalang bonga talaga!" Sa isip niya.

"Hala lagot ako kay ama nakita nga pala ako ni Tiya Carolina patay!" Kinakabahang saad niya.

Narining niya ang pagdating ng karwahe at agad niya iyong sinilip sa bintana.

Napansin niyang tumatawa ang kaniyang ama na ipinagtataka niya.

Nagulantang siya sa biglaang pagkatok ng kaniyang pinto.

"Margareth gising ka pa ba?" Tanong ni Carolina.

Agad niyang binuksan ang pinto at bumungad ang nakacrossed arms na kamay nito.

Pumasok ito sa loob ng kwarto at umupo sa kaniyang kama kumuha ito ng suklay at pinaupo siya.

"Bago namatay ang iyong ina ay hinabilin ka niya sa akin. Tinuring narin kitang sarili kung anak ayokong makaranas ka ng hinagpis o paghihirap kung maaari ay tutol ako sa inyong pag-iisang dibdib." Saad nito.

Napalunok siya sa sinabi nito ngunit ramdam niya ang sinceredad sa bawat salita na sinabi ng kaniyang tiyahin.

Hindi alam ni Marga kung ano ang isasagot.

"Iha alam ba ito ni Casim?" Saad ni Carolina.

Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng tiyahin ngunit kinabahan siya sa pangalang iyon.

"Ho? Sino si Casim?" Takang tanong niya.

Nabitawan nito ang suklay at tila hindi makapaniwala sa kaniyang tanong.

Nagising si Marga sa boses ni Will mukhang nakabalik na siya sa kasalukuyan.

"Thank goodness you are awake kanina pa kita ginigising nanginginig ka aniyang takot na takot. Dinala kita dito sa bahay ko dahil ito yung pinakamalapit sa bayan." Saad nito.

Tiningnan niya kung saan galing ang boses ni Will.

"Puwede mo ba akong ihatid pauwi ayokonang lumabas." Mahinang saad niya.

"Bukas na kita ihahatid nagpaalam na ako kay Diego anong nangyayari sayo bigla ka atang nag-iba." Saad nito.

"W-wala." Nauutal na sagot niya.

Iniwan muna siya nito sa kwarto sapagkat gabi na pala ng siya ay nagising.

"Casim." Wala sa sariling sambit niya habang inaalala ang sinabi ng Tiya Carolina niya.

Biglang kumidlat ng napakalakas at pati ang kaniyang paghinga ay naging mahirap.

Napansin niyang iba na ang kaniyang hinihigaan. Pati ang amoy ng kwarto ay nag-iba din.

"Akin ka lang Margareth akin lang." Napatigil si Marga sa narinig na boses damang-dama niya iyon sa kaniyang tenga.

Kinabahan siya sa boses na ito ngunit hindi niya maigalaw ang sarili.

Biglang humigpit ang paghawak nito sa kanyang magkabilang pulsohan.

Inamoy nito ang kaniyang buhok at ang kaniyang leeg. Nanginginig siya sa takot sa naturang lalaki.

"Bakit mo nagawa sa akin ito Margareth nangako ka." Saad nito sa kaniya.

Umiyak lamang si Marga sapagkat wala siyang alam sa mga pangyayari.

Mas kinatakutan niya ang pangyayaring iyon kaysa noong siya ay naaksidente.

Bigla siyang hinila nito sa buhok at kinarga pahiga sa isang kahon.

"Maawa ka please wag." Umiiyak na saad niya ngunit napansin niya na bigla itong may itinakip.

Napagtanto niyang balak siyang ilibing nito ng buhay.

Umiiyak na humihingi siya ng tulong habang hinahampas ang kabaong.

Naramdaman niya ang pagsakit ng kaniyang binti at braso.

Napahiyaw siya sa sakit pakiramdam niya ay magkakapasa pa siya.

Gustohin man niyang humingi ng tulong ngunit mukhang walang nakakarinig sa kaniya.

Pagkalabas ni Willance sa kwarto ay agad siyang bumaba sa nakatagong basement.

Biglang nagring ang kaniyang telepono at agad niya itong sinagot.

"Nakita mo na ba ang iyong hinahanap?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Oo nakita ko na siya." Sagot niya.

"Wag mong kalimutan ang binilin ko sayo Willace." Paalala nito at agad binaba ang telepono.

"Hindi ko iyon makakalimutan." Mahinang saad niya.

Binuksan niya ang isang kahon na katabi ng isang panyo.

May nakaukit na M.D na initials sa gilid na mukhang ibinurda doon ng may-ari.

Kinuha niya ang lumang notebook na mayroong nakapangalan na William Alcazar.

Minulat siya ng kaniyang ama-amahan tungkol sa mga Alcazar at gaano ito kamakapangyarihan noon at ngayon.

Hindi alam ng tiyuhin ang tungkol sa lumang notebook na iyon.

Tinago niya ito sapagkat pakiramdam niya ay dapat iyong ilihim dito.

Nagdadalawang isip siya kung bubuksan niya ito o hindi.

Ngunit kinain din siya ng kuryusidad kaya agad niyang binuksan.

"Ika-19 ng Enero,

Nakilala ko ang isang napakagiliw na babae hindi siya katulad ng iba. Nagsasalita siya ng kakaibang lenguahe at gumagawa ng di pangkaraniwang paraan. Lubos akong nadali sa angkin nitong kagandahan na siyang nagtulak sa aking bumaba at ito'y titigan. Huli na ng aking nalaman ito pala ang bunsong anak ng Heneral-" Napatigil siya.

"Sandali hindi ito ang kuwento bakit ganito?" Nagtatakang saad niya.

Sa pagkakaalam niya ay si Alejandra Montemayor ang pangalan ng babaeng inibig ni William Alcazar.

Pinagpatuloy niya ang pagbabasa at nagulat siya ng malaman na ang tinutukoy nga nito ay si Margareth Davis.

Sumagi sa isip niya ang babaeng lagi niyang napapanaginipan.

Patakbo siyang lumabas at sumakay sa kaniyang motorsiklo biglang umulan ng malakas. Ngunit hindi siya tumigil hanggang sa narating niya ang bahay ng mga Davis.

Naalala niya ang sinasabing amoy ni Marga kaya agad siyang nagpunta sa pangalawang palapag.

Madilim ang paligid at naririnig niya ang kaniyang yapak sa buong paligid.

Kinuha niya ang safety knife sa kaniyang bulsa at ginamit iyon sa pader. Sa sobrang kalumaan ay agad iyong nasira mas lalong naamoy niya ang pabango.

Binuksan niya ang ilaw at lumantad sa kaniya ang napakagandang kwarto.

Kusang gumalaw ang kaniyang kamay at kinuha ang mga telang puti na nakatakip sa bawat bagay.

Nakaayos ang lahat ng gamit at wala ring dumi lahat iyon ay mayroong nakaukit na Margareth D.

Natigilan siya ng mapansin ang nakasabit na malaking bagay sa pader.

Nakuha ng kaniyang pansin ang isang lubid at wala sa sariling hinila niya ito.

Hindi siya nagkakamali ito ang babaeng nasa kaniyang panaginip.

Napaluhod siya ng makita ang portrait ng dalaga hindi niya alam ngunit kusa siyang napaluhod dito.

次の章へ