"Hello, Sophia. Ready ka na ba?" Isang ngiti ang naging sagot ng bata sa tanong ni Valerie. "Matutulog ka lang pagkatapos paggising mo, magiging okay na ang lahat." Tumango ang bata at inabot ang kamay ni Valerie. Nang pisilin ni Sophia ang kamay ni Valerie ay naintindihan agad ng dalaga ang gustong sabihin ng bata. Tinanguan niya sila Hazel at Sarah para maghanda na para sa operasyon.
Sa labas ng tent ay tahimik ang lahat. Sabay-sabay na nagdadasal para kay Sophia.
....
"Madilim na, mahirap ng makita ang daan. Mabuti pa ay magpalipas muna tayo ng gabi at bukas pagsikat ng araw ay saka tayo mag-umpisa ulit." Sabi ni Iggy sa mga kasama.
"Cap!" Tawag ni Andre kay Luke ng patuloy ito sa paglalakad palayo sa kanila.
"Captain Villacorta!" Si Iggy na ang tumawag kay Luke pero kagaya kay Andre ay parang wala itong nadinig at patuloy na naglakad sa masukal na kagubatan.
Sinundan ni Iggy si Luke at hinawakan ang braso ng binata para pigilan ito. Tinabig ni Luke ang kamay ni Iggy.
"Hahanapin ko si Valerie." Sigaw ni Luke. Muling hinawakan ni Iggy ang braso ng binata pero bigla siyang tinulak nito. Napikon na si Iggy kaya hinawakan niya ang kwelyo ni Luke. Nakita ng ORION at PHOENIX na mukhang magkakapikunan ang dalawa kaya nagmamadali silang lumapit para pigilan kung matuloy sa away ang pag-uusap ng dalawang lalaki.
"Alam ko na nag-aalala ka kay Valerie! Pinsan ko yun, Captain Villacorta! Pero huwag mong pairalin ang tigas ng ulo mo! Pare-pareho nating hindi kabisado ang lugar, palagay mo ba ay mailigligtas natin sila kung pati tayo ay mapapahamak!?" Para namang natauhan si Luke sa sinabi ni Iggy kaya dahan-dahan niyanh binaba ang kamay na hinawak na din niya sa kwelyo ni Iggy kanina.
"Pasensiya na..." Tanging nasabi ni Luke.
.....
"Doktora..." Tawag ni Sarah sa dalaga ng makita nitong ginalaw ni Valerie ang ulo.
"Okay lang ako." Sagot ni Valerie.
Kanina pa nag-aalala sila Hazel at Sarah kay Valerie. Matapos mapuno ang isang bag ng dugo ni Valerie ay nagpahinga ito. Sinunod ni Hazel si Ka Mario na kunan ng dugo. Pagkatapos lang ng ilang minuto ay napuno na ng matanda ang bag ng dugo. Gusto pa sana nila Hazel at Sarah na pahabain ang pahinga ng doktora pero kusa na itong pumasok ng tent. Nakita nila na namumutla ang doktora pero nagmatigas ito na gawin na ang operasyon ni Sophia.
.....
"Ka Mario, maupo nga po kayo. Bilin ni Doktora ay dapat magpahinga kayo." Sabi ni Dante na pilit pinapaupo ang matanda. Matapos kunan ito ng dugo ay nahilo ang matanda kaya binilinan agad ni Valerie ang mga kasama na kailangan ay bed rest si Ka Mario pero sadya talagang matigas ang ulo ng matanda.
"Ano'ng oras nga daw matatapos ang operasyon?" Tanong ni Mario kahit na sinabi na ni Valerie kanina kung gaano katagal ang operasyon ni Sophia. "Apat na oras daw po." Sagot ni Dante. "Ano'ng oras sila nagsimula?" Muling tanong ni Mario. "Alas siyete na po ng gabi." Ginamit ni Mario ang daliri para magbilang.
"Halos hatinggabi na sila matatapos. Magpaluto ka ng makakain nila Doktora. Tiyak na gutom ang mga iyon pagkatapos ng operasyon." Nangiti si Dante dahil nagawa na niya ang sinabi ni Mario.
"Huwag po kayong mag-alala. Binilin ko na po kila Kanor at Arman ang mga dapat gawin. Ang kailangan n'yo ngayon ay magpahinga para may lakas kayo bukas para alagaan si Sophia." Nakahinga ng maluwag si Dante ng makitang humiga na si Mario at hindi na nagmatigas pa.
....
Nagsalit-salit ang ORION at PHOENIX sa pagpapahinga at pagbabantay. Ngayon ay oras ng dalawang Captain para magbantay.
"Pasensiya na kanina." Sabi ni Luke ng sila na lamang ni Iggy ang gising. Isang ngiti ang sagot ni Iggy.
"Huwag kang mag-alala, ayon sa imbestigasyon sa nangyari kanina, hindi talaga masasama ang mga kumuha kila Valerie. Ang mga balang pinawalan nila ay puro sa pader ang tama. Sinigurado nila na walang masasaktan sa ginawa nila. Mukhang oras ang gusto nilang patagalin." Kumunot ang noo ni Luke.
"Dalawang nurse, mga gamit sa ospital, at si Valerie. Mukhang may matinding pangangailangan ang grupo nila at sigurado ako na hindi materyal na bagay iyon." Patuloy ni Iggy.
"Bukas ay malalaman ang totoong dahilan nila." Sabi ni Luke at isang tango ang sagot ni Iggy.
.......
Sabay-sabay na huminga ng malalim sila Valerie, Sarah, at Hazel ng matagumpay nilang matapos ang operasyon ni Sophia. Matapos magbihis ay lumabas si Valerie para sabihin sa lahat ang magandang balita.
Nagising si Mario sa sigawan na nangyayari sa labas kaya dali-dali siyang tumayo at tumakbo palabas.
"Ka Mario, okay na si Sophia!" Sigaw ni Dante. Tumingin ang matanda kung saan nakatayo si Valerie. Dahan-dahan itong lumapit sa dalaga.
Nakangiti si Valerie pero ng makita na palapit si Mario sa kanya na tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ay tumulo na din ang mga luha niya.
"Salamat doktora, maraming maraming salamat." Sabi ni Mario na hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Valerie.
"Walang anuman po." Sagot ni Valerie.
.......
"Let's move!" Sigaw ni Iggy at muling nag-umpisa ang ORION at PHOENIX sa paglalakad papasok sa mas masukal na kagubatan.