webnovel

Chapter 33

"Nakikiusap ako Doktora, ayoko ng may madamay pa. Ayoko ding mapahamak si Hazel." Naguguluhan man si Valerie ay nakuha niya pa ding ngumiti sa kaharap.

"Relax lang, Sarah. Kung anuman ang problema mo, handa akong tumulong sa'yo. Sa ngayon ay kailangan mo munang ibaba yang baril mo dahil tiyak na magkakagulo kapag may nakakita sa'yo." Sabi ni Valerie. Kita ng dalaga ang pagdadalawang-isip ng kaharap kaya muli siyang nagsalita.

"Pangako, tutulong ako sa'yo." Nakangiting sabi ni Valerie. Ramdam ni Sarah ang katotohanan sa sinabi ng doktora kaya sumunod naman siya dito at itinago ang baril.

"Pwede mo bang sabihin sa 'kin kung ano'ng problema?" Umiling si Sarah. "Wala na tayong oras Doktora. Sa labas ay may nag-iintay na sa ating sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami galing at saan tayo pupunta dahil nakatakip ang mga mata ko. Kailangan na nating lumabas dahil kapag lumagpas ako sa oras ay papatayin nila si Hazel at tiyak na magkakagulo dito." Hindi malaman ni Valerie ang gagawin. Ang alam lang niya ay ayaw niyang mangyari ang sinabi ni Sarah.

Walang atubiling sumunod siya kay Sarah na nauna ng maglakad palabas ng CR. Dere-deretso silang lumabas papunta sa entrance ng convention center.

....

"Cap!" Tawag ni Arater kay Iggy at tinuro ang monitor kung saan makikita ang mga signals ng trackers na ikinabit nila sa bawat phone ng mga Cardiologists. Sa kabuuan ay may 30 lamang na mga doctors ang naka-attend sa convention.

Tiningnan ni Iggy ang kanyang phone at nakumpirma niya na si Valerie nga ang palayo sa grupo ng mga Cardiologists. Tiningnan niya ang mga CCTV monitors at kumunot ang kanyang noo ng makita kung paano sumunod ang pinsan sa babae sa harap nito.

"Identity check now!" Sabi ni Iggy at itinuro ang babae na sinusundan ni Valerie. Pamilyar sa kanya ang mukha ng babae pero gusto niyang masigurado kung tama ang kanyang hinala. Matapos ang ilang minuto ay nagsalita si Axl.

"Cap! Isa sa mga nurses na kinidnap nung nakaraang linggo!" Sabi ni Axl. "Shit!" Mura ni Iggy sabay takbo palabas ng security room kasunod ang buong PHOENIX.

....

Nasa labas na sila Valerie at Sarah ng huminto ang isang itim na van sa harap nila.

"Valerie!" Sigaw ni Iggy na nagpalingon sa dalaga pero huli na para umatras pa dahil nahila na sila ng mga armadong lalaki papasok sa loob ng van.

Hahabulin pa sana nila Iggy ang sasakyan pero isang puting van naman ang huminto sa harap nila. Nanlaki ang mata ni Iggy ng makita ang mga baril na nakatutok sa kanila. "Cover!" Ang tanging naisigaw ni Iggy bago napuno ng mga putok ng baril ang buong lugar.

....

"Bakit!? Sabi n'yo walang ibang madadamay!" Nagwawala si Sarah sa loob ng sasakyan. "Huwag kang mag-alala, Sarah, tumupad kami sa pangako. Ligtas si Hazel." Sabi ng isa sa mga armadong lalaki na si Dante. "Pero ang mga tao sa loob, wala silang kinalaman dito!" Patuloy pa din sa pagwawala si Sarah.

"Sarah..." tanging nasabi ni Valerie at para namang nahimasmasan ang dalaga ng madinig ang boses ng doktora.

"Ganyan, dapat magpakabait ka tulad na lang niya." Sabi ng isa pang armadong lalaki na si Kanor at tumingin kay Valerie.

"Siya na ba ang pinakamagaling na doktor na kailangan ni Ka Mario?" Tanong ng isa pang armadong lalaki na si Arman at tumango si Sarah.

"Maganda pa kayo sa araw doktora pero hindi na po kami magpapakilala dahil pagkatapos ng inyong trabaho ay maghihiwalay din naman tayo ng landas." Kung isang normal na pagkakataon ay matatawa si Valerie sa sinabi ni Dante pero ngayon ay hindi niya alam kung ano ang nararamdaman.

"Sarah!" Nanlaki ang mata ni Valerie ng mawalan ng malay ang dalaga. "Huwag po kayong mag-alala doktora, pinatulog lang namin siya." Sabi ni Kanor.

"Huwag!" Sabi ni Valerie ng makita niyang may ituturok din sa kanyang syringe na alam niya ang laman. "Kung may ipapagawa kayo sa akin pagdating natin sa inyong lugar, mas gugustuhin ko na normal ang aking pag-iisip. Kung itutusok n'yo sa akin 'yan ay hindi ko masisigurado kung pagdating natin sa lugar ninyo ay gising na ako." Inilayo naman ni Dante ang syringe mula kay Valerie. "Pasensiya na Doktora." Sabi ni Kanor pagkatapos ay nilagyan na ng piring ang mga mata ni Valerie.

....

"Report!" Sabi ni Iggy sa kadadating lang na sila Barack, Bjorn, at Bond mula sa pag-iinspeksyon sa loob ng convention center.

"Wala ng iba pang doktor ang nawawala. Wala ding ibang nasaktan sa loob. Sa ngayon ay isa-isa ng inihahatid ng grupo ng HAWK at mga pulis ang mga Cardiologists sa kani-kanilang hotel. Kapag nakapag-ayos na silang lahat at agad din silang ihahatid sa kanya-kanyang lugar. Cancelled na ang Cardiologists Convention, Cap!" Sabi ni Barack.

"Arater..." Tawag ni Iggy sa kanyang 1st Lieutenant. "Cap, moving pa din sila sa mga oras na 'to. Sana lang ay hindi mawala kay Valerie ang tracker." Naikuyom ni Iggy ang kamao. "Axl, ano'ng sabi sa taas?" Tanong ni Iggy. "Cap, in contact na sila sa ORION. Dahil magiging busy ang HAWK sa pag-aasikaso sa mga Cardiologists ay mas minabuti nilang tawagin na ang ORION para sa rescue mission." Naisuntok ni Iggy ang kamao sa kanyang mesa. Naintindihan naman ng mga kasama niya ang nararamdaman ng kanilang Captain dahil hindi ibang tao ang nakidnap kanina.

....

"Pre, kailan ang balik ni Valerie?" Tanong ni Andre habang buhat ang natutulog na anak. "Friday ay tapos na ang convention pero magstay pa siya doon ng Saturday at Sunday para makipag-bonding kay Iggy. Monday ko siya susunduin sa airport." Sagot ni Luke habang tatawa-tawang tinitingnan si Andre.

"Sigurado, puro durian ang uwi noon." Sabi ni Abigail na kinangiwi ng mukha ni Luke. "Wala eh, kailangan ng masanay." Sabi ni Luke na kinangiti nila Andre at Abigail.

Sabay na tumunog ang emergency alert ng phone nila Luke at Andre kaya nagkatinginan sila. Pati naman si Abigail ay kinabahan dahil alam niya ang ibig sabihin noon. Sabay ng pagbubukas nila ng message sa kanilang phone ay ang pagbukas din ng pinto at pumasok ang mga naka-full battle gear na sila Aziz, Bowie, Ceasar, at Darwin.

次の章へ