webnovel

Chapter 21

"Bang!" Sabay-sabay na pumutok ang sniper guns nila Luke, Valerie, at Boyan pagkatapos ay halos walang madidinig na ingay sa paligid. Nagsimulang lumakad si Arater papunta sa lugar kung saan nakapila ang target papers ng tatlo at isa-isa niya itong tiningnan. Nagtaka ang lahat ng kuhanin ni Arater ang bawat target paper at saka pinagsama-sama. Nang magsimula ng maglakad pabalik si Arater ay nagsimula na din tumambol ang dibdib ni Valerie. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito.

"Lord, 'wag naman po. Ayoko pong magkaroon ng boyfriend ng wala sa oras at lalo po, ayoko sa mayabang." Mahinang dasal ni Valerie. Nagulat naman siya ng biglang tumabi sa kanya si Boyan. "Babe..." Bulong nito sa kanya. Inumangan naman niya ito ng suntok pero tumawa lamang ang binata.

Nang makalapit si Arater ay tiningnan niya sila Luke, Valerie, at Boyan. Kumunot ang noo ni Valerie ng magtagal sa kanya ang tingin ni Arater saka ngumisi. Lalong kinabahan ang dalaga.

"Hindi ko inaasahan ang naging resulta pero humanga ako sa kanya. Phoenix, mukhang hindi sa atin ang taon na ito." Lumaki ang ngiti sa mukha ni Boyan. Lalapit na sana siya kay Arater pero natigil siya ng magsalita itong muli.

"ORION, congratulations!" Sabi ni Arater. Tahimik pa din ang lahat ng madinig ang announcement ni Arater pero ng mag-sink in na sa kanila ang sinabi ng binata ay sabay-sabay na sumigaw ang mga miyembro ng ORION at pinuntahan ang kanilang Captain. Si Boyan ay tulala at hindi makapaniwala sa nadinig. Bigla niyang inagaw ang mga target paper na hawak ni Arater. Nanlumo siyang lalo ng makita na talagang si Luke ang nanalo. Pangatlo lamang siya sa kanilang tatlo.

.......

Matapos ibigay ang mga Certificates of Completion sa bawat miyembro ng ORION, PHOENIX, at HAWK, ay ibinigay naman sa nanalong grupo ang isang hugis baril na trophy bilang patunay na sila ang kampeon sa taong ito. Pagkatapos ay pumunta na sila sa canteen ng Base Camp para pagsaluhan ang inihandang dinner ng ORION.

Uupo na sana si Valerie sa upuang nakalaan sa kanya ng tumunog ang kanyang phone.

"Val, emergency, ASAP!" Ito ang laman ng text na pinadala ni Abigail. Hindi na nag-reply si Valerie. "Pasensiya na kayo pero mauuna na ko. Kailangan ako sa ospital ngayon." Paalam ng dalaga sa lahat. Tumayo si Iggy para sana ihatid ang pinsan pero nakita niyang tumayo din si Luke. "Ihahatid na kita." Sabi ng binata saka tumayo mula sa kinauupuan. Bago lumayo sa grupo ay ang phone naman ni Luke ang tumunog.

.......

Mula ng umalis sila Luke at Valerie sa Base Camp ay tahimik lang ang binata. Nagtataka man ang dalaga ay hindi na siya nagtanong pa. Sa likod ng ospital siya nagpahatid kay Luke. Pagdating nila doon ay naka-abang na sa dalaga ang kanyang kaibigan. Hindi na bumaba si Luke. "Kita na lang tayo mamaya." Sabi ng binata saka mabilis na umalis. Matapos iabot ni Abigail ang scrub suit kay Valerie ay mabilis na nagpunta sa Doctor's quarter ang dalaga at nagbihis.

.......

"Si Tito Damian ang patient mo." Napatigil si Valerie sa paglakad papunta sa Emergency Room. "Hinimatay siya sa bahay kanina. Mukhang kailangan na niya ang emergency operation, Val." Patuloy ni Abigail.

Agad nakita ni Valerie na magkayakap sila Luke at ang ina nitong si Lucy ng makarating sila ni Abigail sa Emergency Room. Nang makita siya ng binata ay pilit itong ngumiti sa kanya.

"Tita..." Tawag ni Valerie kay Lucy. Mabilis naman bumitaw si Lucy sa anak at mahigpit na yumakap sa dalaga. "Please save my husband. Please save him." Iyak ng iyak si Lucy habang nagsasalita. Sumikip naman ang dibdib ni Valerie sa pinipigil na pag-iyak. "Ma..." Tawag ni Luke sa ina. "Kailangan makita ni Valerie si Papa." Patuloy ng binata. "Tita, check ko lang po si Tito then, mag-usap po tayo later." Saka lang bumitaw si Lucy sa pagkakayakap sa dalaga.

.......

"Controlled ang sugar ng patient, normal din ang ibang laboratory tests. The problems are..." Tumingin si Valerie kay Genesis. "We need to do two operations, Coronary Artery Bypass Grafting and the removal of the Pericardial Cyst. Kayang-kaya natin ang una but the second, we need to discuss it with the family." Sumakit ang ulo ni Valerie sa nadinig na paliwanag ni Genesis. Delikado ang pagtatanggal ng Pericardial Cyst sa isang pasyente. Madaming pwedeng mangyari at isa na dito ay ang pagkamatay.

.......

Naglalakad si Valerie papunta sa Suite Room kung saan naka-admit si Damian. Dahil wala sa sarili ay hindi niya napansin ang makakasalubong niya sa hallway.

"Ay!" Tili ni Valerie ng mabunggo siya sa dibdib ng kasalubong. "So..." Hindi na natapos ng dalaga ang paghingi ng paumanhin sa nabunggo dahil ng itaas niya ang paningin ay nakilala niya na agad ito.

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo." Nakangiting sabi ni Luke. Alam ni Valerie na pinipilit lang ng binata na maging masigla. "Gising na ba si Tito Damian?" Tango ang isinagot ng binata. "Si Tita Lucy?" Muling tanong ng dalaga. "Kausap si Tito Fort." Sagot ng binata. Nang tumingin si Valerie sa paper bag na dala ni Luke ay saka lang naalala ang sadya sa dalaga.

"Dinner muna tayo." Aya ni Luke kay Valerie. Sa canteen ng ospital nagpunta ang dalawa. Kahit parehas na walang gana ay pinilit nilang ubusin ang pagkain.

Matapos ang matagal na katahimikan, si Luke ang unang nagsalita.

"Balak sana ni Papa after na ng kasal nila Andre at Abigail magpapa-opera pero mukhang hindi na pwede. Ang tigas kasi ng ulo niya. Sinabi kasi na magpahinga lang pero..." Ramdam ni Valerie na pinipigil ng binata ang kanyang emosyon.

"Pahangin tayo sa labas." Nang hindi sumagot si Luke ay hinawakan ni Valerie ang kamay nito at hinila patayo.

Dinala niya ang binata sa rooftop ng ospital. Ito ang tambayan niya kapag gusto niya munang magpahinga. Minsan ay kasama niya ang TOP pero mas madalas ay mag-isa lang siya dito. Kapag na-stress siya sa operasyon na gagawin niya ay dito siya naglalagi para mag-isip at magmuni-muni.

Naupo sila sa gazeebo na nakatayo sa gitna. Dahil gabi na ay maliwang ang buong rooftop dahil sa mga ilaw na nakapaligid dito. Naiilawan din ang mga iba't ibang mga bulaklak na nakatanim sa paligid nito.

Huminga ng malalim si Valerie bago tumingin kay Luke. Nakita niya ang takot at pag-aalala sa mga mata ng binata.

"Trust me" Sabi ni Valerie. Magsasalita sana si Luke pero muling nagsalita ang dalaga. "Iyan ang sinabi mo sa akin noong may hawak akong bomba. Eventhough reservist ako ng PHOENIX and I undergone the training, iba yung feeling kapag actual na. But, you were there and you've given me that two words na naging enough for me para maging kampante kahit nasa delikado tayong sitwasyon. Now, it's my turn." Seryosong sabi ni Valerie na nagpatahimik kay Luke.

"Trust me." Nakatingin si Valerie sa mga mata ni Luke. "Tito Damian will get through this. I, we, will do our best and HE will do the rest." Nakaturo ang kamay ni Valerie sa langit. Ngumiti si Luke. Nagulat si Valerie ng bigla siyang yakapin ng binata. "Thank you." Bulong ng binata pagkatapos ay gumanti na din ng yakap si Valerie.

"Ha'ay, talaga naman." Nagulat sila Luke at Valerie ng madinig ang boses ni Abigail kaya mabilis silang lumayo sa isa't isa. Nakatawa namang lumapit si Abigail kasama ang boyfriend na si Andre.

"Nagmamadali pa naman kaming lahat na nagpunta dito tapos PDA ang aabutan ko." Sabi ni Andre. "Nag-uusap lang kami." Sabi ni Luke. "Ah, TTHH." Kumunot ang noo nila Luke at Valerie sa sinabi ni Abigail. "Hindi naman kasi kayo HHWW, holding hands while walking. TTHH, talk talk while hug hug." Nakangiting sabi ni Abigail. "Hahaha! Corny mo!" Sabi ni Valerie.

"Gusto kayong maka-usap nila Tito Damian at Tita Lucy." Pagbabago ng topic ni Abigail. Tumango ang dalawa at sabay na tumayo. Nagulat si Valerie ng kuhanin ni Luke ang kanyang kamay saka nag-umpisang maglakad. "O, hayan, HHWW na." Pahabol na sigaw ni Abigail bago sila sumunod ni Andre pababa.

次の章へ