webnovel

Chapter 2

"Alam na kaya ni Luke ang nangyayari?" Mahinang tanong Lucy sa asawa nito. "Sigurado iyon." Maikling sagot naman ni Damian. "Don't worry, everything will be alright." Hinawakan ng mahigpit ni Damian ang kamay ng asawa.

Ramdam ng bawat isa ang dahan-dahang pagbaba ng eroplano sa runway at kasabay noon ay ang mga kabog ng kanilang mga dibdib.

.......

"Andre?" Tawag ni Luke. "In position, Cap." Sagot ng binata. "Aziz? Bowie?" Muling tawag ni Luke sa dalawa pang kasama. "Nakapwesto na, Cap." Sagot ng dalawa. "Ceasar? Darwin?" Muling salita ni Luke. "Monitoring, Cap." Sagot ng huling dalawa. "Okay, alam n'yo na ang gagawin." Sabi ni Luke bago sumakay sa sasakyan na hiningi ng mga hijackers. "Roger, Cap!" Sabay-sabay na sagot ng Orion Swat Team.

.......

"Lakad!" Sigaw ng mga armadong lalaki sa mga pasahero.

"Captain!" Sigaw ng co-pilot ng biglang bumagsak ang inaalalayan niyang piloto.

"Anak naman ng tokwa! Tapusin n'yo na nga 'yan ng madali tayo!" Sigaw ng leader. Itinutok naman ng isa sa mga armadong lalaki ang baril nito sa nakahandusay na piloto. "Bang!"

.......

"Andre!" Sigaw ni Luke sa kaibigan ng madinig ang putok ng baril. "Mahirap ang visual, Cap. Hindi pa sila nakakalabas." Mahinahong sagot ni Andre sa Captain ng Orion habang nakasilip sa sniper gun niya. Alam niya ang nararamdaman ng binata dahil kabilang sa mga hostages ay ang mga magulang nito.

"Got the visual, Cap." Singit ni Aziz. "Ay, magagaling ang mga tukmol!" Sabi ni Bowie ng makita na nakapalibot ang mga hostages ng grupo ng mga hijackers. "Moving." Singit naman nila Ceasar at Darwin. "Cap!" Tawag ni Andre. "Just be ready. Ang importante ay ang mga hostages." Sabi ni Luke. "Roger!" Sabay sabay muling sabi ng Orion.

.......

"Gago, bakit hindi mo tinuluyan!? Galit na tanong ng leader ng grupo. "Boss, sayang naman. Ang ganda eh." Kung wala lang sana sila sa ganitong sitwasyon ay matatawa si Valerie dahil sa nadinig mula sa lalaki. "Puro talaga 'yang kalibugan mo pinapairal mo!" Galit pa ding sabi ng leader sabay hampas ng baril sa ulo ng kasama.

"Iha, okay ka lang?" Tanong ni Damian kay Valerie. "Opo." Mabilis na sagot ng dalaga sabay tingin sa pilot na nakahiga pa din sa sahig. Tiningnan niya ang pulso nito at ng makasigurado ay nagsagawa na siya ng first aid procedure. Nilagay ang dalawang kamay sa dibdib ng piloto at nagsagawa ng compressions. Napangiwi si Valerie ng maramdamn ang sakit ng daplis ng bala na tumama sa braso niya.

"Ako na iha, lalong magdudugo ang sugat mo." Nakita ni Damian ang umaagos na dugo mula sa braso ng dalaga. "Okay lang po." Hindi tumigil sa pagbibigay ng compression si Valerie. Nagulat pa siya ng lumapit si Lucy sa kanya. "Amina na muna ang braso mo, iha. Honey." Tawag ni Lucy sa asawa at naintindihan naman ni Damian ang ibig sabihin ng asawa. Pinalitan niya si Valerie habang tinalian naman ni Lucy ng puting panyo ang braso ng dalaga.

"Tigilan n'yo na yan! Lumabas na tayo!" Sigaw ng leader pero hindi tumayo sila Valerie na patuloy ang pagbibigay ng first aid sa piloto. "Aba't!" Lumapit ang leader sa kanilang tatlo at itinutok ang baril kay Valerie. "Kung hindi ka tinuluyan ng ungas na 'yon, ibahin mo ko!" Galit na sabi ng leader at lalong idiniin ang baril sa ulo ng dalaga. "Tayo!" Muling sigaw ng leader. "Iha, tara na, sa tingin ko ay enough na ang compressions na ginawa natin. Huwag kang mag-alala, nandyan na panigurado ang anak ko." Sabi ni Damian na kinakunot ng noo ni Valerie. Tiningnan niya ng masama ang leader saka dahan-dahan tumayo pero napatigil siya ng biglang mangisay ang piloto. "Shit! Oxygen!" Wala sa loob na tumakbo si Valerie para maghanap ng oxygen na susuporta sa inaatake sa pusong piloto. Hindi niya napansin na sa kanyang paktakbo ay itinutok ng leader ang baril nito sa kanya pero bago pa nito maiputok ang baril ay halos sabay sabay ng bumagsak sa sahig ang mga hijackers.

.......

"Pa! Ma!" Sigaw ni Luke ng makita ang mga magulang. Mabilis namang niyakap ni Lucy ang kanyang anak. "Okay lang ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Luke sa mga magulang lalo at nakitaan niya ng mga bahid ng dugo ang mga ito. "Okay lang kami." Sagot ni Damian.

"Cap!" tawag ni Andre kay Luke. "Tito, Tita, okay lang po kayo?" Baling ni Andre sa mga magulang ng kaibigan. Sabay naman tumango ang mag-asawa. Napansin ni Luke na parang may hinahanap ang ama.

"Pa, may problema ba?" Tanong ni Luke. "Wala naman, hinahanap ko lang yung dalaga na sumagip doon sa piloto." Sagot ni Damian sa anak. "Si Valerie po?" Si Andre ang nagtanong. "Nasaan siya?" Tanong ni Lucy. "Nandoon po, binibigyan po ng first aid yung sugat niya." Hindi na inintay ni Damian at Lucy na magsalita ang dalawang binata, sabay silang naglakad papunta kung nasaan si Valerie.

.......

"Konti lang sana ang stitches kaya lang napwersa kaya lumaki." Sabi ng doctor na nagtatahi kay Valerie. Ngumiti lang ang dalaga. Nagulat pa siya ng may biglang humawak sa balikat niya.

"Kamusta iha?" Nakangiting tanong ni Lucy. "Okay lang po. Kayo po?" Balik na tanong ni Valerie. "Okay naman kami, iha." Sagot ni Damian. "Ako nga pala si Damian Villacorta, siya naman ang aking may bahay na si Lucy." Pagpapakilala ni Damian. "Valerie Villaflores po." Magalang naman na sabi ng dalaga. "Val!" Sabay-sabay silang napatingin kay Andre na tinawag ang dalaga.

"Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Lucy. "Opo, Tita. Bestfriend siya ng mapapangasawa ko. By the way, Tito, heart surgeon din po siya kagaya n'yo at sa pagkakaalam ko, siya po ang pinakabatang surgeon dito sa Pilipinas." Namula si Valerie sa sinabi ni Andre. "I see, kaya pala alam niya agad ang gagawin kanina." Sabi ni Damian. "Napakatapang mo kanina iha, napahanga mo kami lahat." Sabi naman ni Lucy. "Nako, Tita Lucy, kung alam n'yo lang po." Napatigil si Andre ng makitang nakatingin ng masama sa kanya si Valerie, nag-peace sign lang siya dito.

"Ehem...ehem..." Tikhim ni Luke na parang nakalimutan na siya ng mga magulang at kaibigan. "Nandyan ka pala, Luke." Nakangising sabi ni Damian sa anak. "Oo nga, Pa, nakakita lang kayo ng maganda, nakalimutan n'yo na ang gwapo n'yong anak." Sabi ni Luke na hindi inaalis ang tingin kay Valerie. "Valerie, this is our son, Captain Luke Villacorta." Pagpapakilala ni Lucy sa anak. Nakahanda na sanang makipagkamay si Luke sa dalaga ng biglang tumunog ang telepono nito.

"Yes, okay, I'm on my way." Yun lang at pinindot na ni Valerie ang end call saka humarap sa mga kausap. "Pasensya na po kayo pero may naka-schedule po kasi akong OR today kaya mauuna na po ako sa inyo." Sabi ni Valerie. "Makakapag OR ka ba sa ganyang condition?" Tanong ni Damian. "Malayo po ito sa bituka." Nakangiting sabi ni Valerie. "Kailangan namin kayong dalin sa base para sa report." Napatingin si Valerie kay Luke ng magsalita ang binata. "Pwede bang pagkatapos na lang ng OR ko? Mas mahalaga ang pasyente ko kesa sa report na kailangan n'yo." Ramdam nila Damian, Lucy, at Andre ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Cap, ako ng bahala." Nakakunot ang noo na tumingin si Luke kay Andre. "Saka na ko magpapaliwanag, Cap." Dugtong ni Andre.

Matapos lagyan ng benda ang sugat ni Valerie ay nagpaalam na ang dalaga sa mag-asawa. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ng dalaga ang binata bago ito umalis.

Kasunod niya si Andre na nag-offer na ihatid na siya sa ospital.

"Ano'ng ginawa ko dun?" Takang tanong ni Luke. Nagkatinginan ang mag-asawang Damian at Lucy saka nagkangitian ng lihim. "Hindi ka lang kasi sanay. Lukas, hindi lahat ng babae ay laging magkandarapa sa'yo." Sabi ni Lucy. "Ma, Luke, okay?" Inis na sabi ng binata ng madinig ang tagalog term ng kanyang pangalan. Natawa si Damian sa usapan ng mag-ina.

次の章へ