webnovel

Chapter 17 - Enemies to Lovers Part 1

Date: May 19, 2020

Time: 10:00 P.M.

Nasa Midnight hall na sila Chris, at nagsisimula na mag-prepare para sa kanilang photoshoot. Kanya-kanyang makeup artist ang kasama ng iba't ibang participants. Sina Chris at Jade naman ay nakaupo lamang at nagkukwentuhan muna, habang hinihintay ang makeup artist na na-hire ni Chris.

"Buti na lang, Chris, advanced ka mag-isip at nakapaghire ka agad ng makeup artist natin. Alam mo, nawala sa isip ko!" sinabi ni Jade kay Chris at nahihiya dahil hindi siya nakapag-prepare.

"Ayos lang, Ms. Jade, buti naalala ko nga kagabi na photoshoot pala natin ngayon." hirit ni Chris.

Dumating bigla sa Julian, tumabi kay Chris at kinausap ito.

"Bakit hindi pa dumadating ang makeup artist niyo, Chris?"

"Parating na din sila, nag-message na sila sa akin. Na-delay lang ng kaunti, pero okay lang."

"Good, para naman mapanood kita habang inaayusan ka nila."

Nagtaka si Chris at natawa na lang kay Julian. Nahiya siya dahil ayaw niya na panoorin siya habang inaayusan, kaya sumabat naman si Jade, "Chris, don't worry, may naka ready ako na curtains d'yan. Gagamitin ko para walang makapanood sa'yo!" sabay umirap si Jade kay Julian.

"Ako, pwede ba ko manood habang inaayusan si Chris?" Biglang sumulpot si Jin out of nowhere na naka jersey at pawis na pawis.

"Jin! Ba't nandito ka agad?" Nagulat si Jade nang makita niya si Jin na nasa likod lang nila.

Sumama ang tingin bigla ni Julian, at umalis muna ito dahil nakita niya na naman si Jin.

"Tapos na kasi 'yung match namin. Binilisan ko para makapanood ako ng photoshoot niyo, buti hindi pa kayo nagsisimula." hingal na hingal na pagkakasabi ni Jin.

"Relax ka lang muna d'yan, Jin. Oo nga pala, sinong nanalo?" tanong ni Jade.

"Siempre, tayo ulit!" natutuwang ibinalita ni Jin.

Masaya sina Jade at Chris dahil panalo na naman ang department nila. Dumating na rin ang makeup artists nina Chris at Jade.

"Ms. Jade, nandito na po 'yung mag-aayos sa atin." pinaalala ni Chris kay Jade.

Lumapit na ang makeup artist kay Chris, "Good morning po, Sir Chris, sorry po medyo na-late kami."

"Ay hindi, okay lang, mamaya pa naman kami mag start din sa photoshoot. Mag pahinga muna kayo ng kasama mo saglit, tapos tsaka tayo mag start."

Pinagpahinga muna saglit ni Chris ang mga make-up artist, at nagbihis muna sila ni Jade para hindi na sila mahirapan mag palit mamaya 'pag naayusan na sila.

Nagpaalam muna si Jade at Chris kay Jin na magpapalit muna sila. Kaya naman, naghintay na lang muna si Jin at nagbantay ng kanilang mga gamit nang bigla siyang nilapitan ni Julian at umupo sa tabi nito.

Nagulat si Jin dahil tumabi ito sa kanya, kaya naman nginitian niya ito at inasar na naman.

"Oh, Julian, ba't napaupo ka dito? May kailangan ka ba?"

"Wala akong kailangan! Wala kasi akong makausap doon sa pwesto ko! Nabobored ako, kaya naghahanap ako ng makakaaway!" sagot ni Julian ngunit hindi siya nakatingin kay Jin dahil nahihiya siya dito.

"Hindi mo naman sinabi na kailangan mo ng kaibigan. Nandito naman ako!" nakangiting sagot ni Jin.

"Kaaway ang kailangan ko hindi kaibigan!" Tumingin si Julian kay Jin na nanliliit ang kanyang mga mata.

"Okay! Sige, naghahanap ka ng 'kaaway' para tapos ang usapan." pabirong sinabi ni Jin, "Pakipot din pala 'tong Julian na 'to eh. Ang lakas loob sabihin na gusto niya si Chris, pero pagdating sa ganitong situation, hiyang hiya sabihin 'yung totoo na gusto niya lang makipagkaibigan at makipagkwentuhan." nasa isip niya.

"Naabutan mo ba kagabi 'yung mga stalls sa labas ng building?" biglang tinanong ni Julian.

"Oo! Ang dami nga namin napuntahan. May ganoon pala dito lagi pag company anniversary?"

"Oo, laging nagtatayo sila ng maraming stalls 'pag malapit na 'yung company anniversary. Tapos may concert din pagkatapos ng final event"

"Oh talaga? Nice! Mukhang masaya to ah? Kilala mo ba mga guest?" tanong ni Jin.

"Hindi pa, pero baka mamaya o bukas i-post nila kung sino 'yung guest. Oo nga pala Jin, Sorry kahapon." hirit ni Julian habang hindi makatingin sa mga mata ni Jin dahil naiilang siya.

"Ha? Sorry saan?"

"Sa inasal ko kahapon. Hindi naman ako ganoon talaga. Akala ko kasi nang-iinis ka kahapon, kaya medyo hindi ako natuwa." paliwanag ni Julian.

"Sa totoo lang iniis talaga kita." nasa isip ni Jin, "Ah, wala 'yun. Sorry din kahapon kung nagulo ko kayo sa workshop, at na "face-the-wall" ka dahil sa akin." pabirong sinabi niya.

Inakbayan ni Jin  si Julian sa balikat at tinapik ito. Pero dahil ilang pa rin si Julian sa kanya, ay tinanggal nito ang kamay niya sa balikat at tila nandidiri, kaya umalis na naman ito sa tabi niya.

"Tingnan mo 'yun, ayaw ata ng inaakbayan siya!" bulong ni Jin sa kanyang sarili habang natatawa siya dahil sa reaction ni Julian.

Kababalik lang nina Chris at Jade, at nakapagpalit na rin sila ng kanilang mga susuotin para sa photoshoot. Ang theme ng kanilang damit ay 50s/Retro fashion. Si Jade ay nakasuot ng sundress, gloves at heels, habang si Chris naman ay nakablack leather Jacket na may kasamang t-shirt sa loob, denim jeans, at boots.

Napatingin si Jin kay Chris pagpasok nito sa pintuan at kahit hindi pa naayusan, ay tila parang bumagal ang mundo para sa kanya nang makita niya ito na nakangiti sa kanya pagpasok.

Lahat ng nasa loob ng Midnight Hall ay napatingin kay Chris at pinag-uusapan siya, dahil natutuwa sila at sobrang nagwapuhan sa kanya. Pati si Julian ay nakatitig lamang kay Chris na naglalakad papalapit kay Jin.

Habang papalapit si Chris sa kinatatayuan ni Jin, hindi makagalaw si Jin at nakatitig lamang sa kanya. Kaya naman nang makatayo na si Chris sa harap ni Jin, tinanong niya kung maayos ang pagkakasuot ng leather Jacket nito at ang kanyang boots.

"Grabe Chris, masyado mo naman ata ginagalingan? Tsaka 'yung suot mo na naman, ang mamahal na naman nito." pabirong sinabi ni Jin.

"Palitan ko na lang ba 'yung suot ko?" nag aalala na tanong ni Chris.

"Hindi! 'Wag mong palitan. Bagay sa'yo! Ang cute mo lalo tingnan dito, nakakatuwa. Hindi maangas tingnan pero ang cute mo tingnan sa leather jacket at denim." nakangiting sinabi ni Jin habang tinatanggal niya isa-isa ang mga fur na galing sa leather jacket sa cheeks ni Chris.

Lumapit na rin ang makeup artist kina Chris at Jade upang masimulan na silang ayusan dalawa.

Pinaupo na sila pareho at nakatapat sila isang malaking salamin. Pinapanood lang ni Jin na ayusan sila at nasa likod lang siya ni Chris. Tinali ng makeup artist ang bangs ni Chris upang hindi muna  makasagabal habang nililinis ang mukha nito.

"Nakakatuwang panoorin na inaayusan si Chris. Hindi ko alam pero satisfying panoorin. Ang cute kasi lalo na nakataas ang buhok niya sa harap, bagay pala sa kanya 'yung nakaipit 'yung buhok sa harap! Pero kahit ano naman ata bagay sa kanya! Buti na lang hindi ako kasali dito, baka matalo lang kami. Kayang kaya na 'to ni Chris!" nasa isip ni Jin habang masaya siya na pinagmamasdan na inaayusan si Chris.

Pinapanood lang ni Jin si Chris habang nilalagyan na ito ng make-up. Dahil nasa likod lang ni Chris si Jin at nakikita niya ito sa salamin na nasa harap niya, napansin niya na nakangiti sa kanya si Jin, kaya nginitian niya ito pabalik.

Biglang uminit ang pakiramdam ni Jin nang makita niyang nginitian siya ni Chris sa salamin, kaya naman pilit niyang pinipigilan ang kanyang sarili. Sa tuwing pakiramdam niya na parang naaakit siya bigla kay Chris, tinatatak niya sa kanyang isip na "kapatid" ang turing dapat dito.

Para mabaling ang attention niya, tumitingin siya sa ibang mga participants na inaayusan. Ngunit kahit anong gawin niya, kahit tumingin siya sa iba, kay Chris pa rin talaga bumabalik ang kanyang attention.

"Aarrrghhh! Kay Chris talaga bumabalik 'yung tingin ko! Teka nga, si Julian nga puntahan ko. Mukhang inaayusan na rin siya eh. Siya na lang muna guguluhin ko!" nasa isip ni Jin, para matigil muna ang kanyang kahibangan.

Lumapit siya sa pwesto kung saan inaayusin si Julian at tumayo siya sa likod nito.

Dahil isang malaking salamin ang nasa tapat ni Julian, habang nakaupo siya at inaayusan ng makeup artist, nakita niya si Jin na nakatayo sa kanyang likod.

"Oh, wala kang magawa tapos dito ka naman manggugulo, Jin?" tanong ni Julian.

"Bored ako, naghahanap ako ng kaaway. Ikaw muna aawayin ko." pabiro ni Jin.

"Bahala ka d'yan, mas mabobored ka dito. Hindi kita kakausapin, hindi ako magsasalita habang inaayusan ako!"

"Okay lang, papanoorin lang kita habang inaayusan ka ng makeup artist mo." nakangiting sinabi ni Jin.

Hindi na nagsalita si Julian at hinayaan niya na lang si Jin na nakatayo sa kanyang likod.

"Pogi ka pala Julian, lalo na 'pag naayusan." hirit ni Jin habang tinatapik niya ang likod ni Julian.

Nagulat naman si Julian sa sinabi ni Jin, kaya biglang namula ang kanyang mukha. Napansin ng makeup artist ito at akala niya ay napasobra siya nang pagkakalagay ng blush on sa mukha nito.

"Hala, Sir Julian, saglit. Naparami po ata bigla 'yung blush on, teka bawasan ko!" nag-aalalang sinabi ng makeup artist kay Julian.

"Hindi po, tama lang po. Namumula lang talaga siya!" asar ni Jin.

"Umalis ka na nga dito! Nanggugulo ka lang!" naaasar na sinabi ni Julian.

Umalis na si Jin habang natatawa siya dahil sa namumulang mukha ni Julian nang sinabihan niya ito ng gwapo.

"Nakakainis 'tong Jin na 'to! Teka, ba't ba ko namumula, pinuri niya lang naman ako! Kaso si Jin 'yung pinakaunang lalaki na pumuri sa akin! Hindi pwede! Si Chris lang ang gusto ko! Bawal ako magkagusto sa kups na 'yun!" bulong ni Julian sa kanyang sarili habang umiiling siya.

"Sir Julian, relax ka lang muna, mahihirapan ako iblend 'to, medyo namumula ka pa at masyado malikot ulo mo."  hirit ng makeup artist.

Meanwhile, bumalik na ulit si Jin sa pwesto nila Chris at napansin niya na wala ang makeup artist ni Chris.

"Chris, nasaan 'yung makeup artist mo?"

"May kinuha lang siya saglit na makeup na nakalimutan niya ilagay sa kit niya."

Napansin ni Jin na parang napasobra ang lagay na lipstick kay Chris.

"Chris, 'wag kang gagalaw—"

Nagtaka si Chris kung bakit hindi siya pinapagalaw ni Jin kaya pinagmamasdan niya ang nais gawin nito.

Lumapit si Jin kay Chris, at dahan dahan niyang pinunasan ang mga lips ni Chris gamit ang kanyang thumb, para mabawasan ang pagkapula nito.

Nagulat si Chris sa ginawa ni Jin kaya hindi siya nakagalaw, ngunit hinayaan niya lang ito. Habang pinupunasan ni Jin ang kanyang mga labi, ay hindi niya mapigilan na mapatingin sa mga mata nito.

Habang nakatingin si Jin sa mga labi ni Chris, napansin niya na tinititigan siya nito sa mga mata kaya tinitigan niya rin si Chris pabalik.

"Sorry, Chris, hindi ko napigilan na punasan 'yung mga labi mo. Medyo napakapal kasi 'yung lagay ng makeup artist sa'yo, Pero, Arrgghhh! Ang lambot talaga ng mga labi mo!  Parang gusto kong halikan! Whaaatt! Pero hindi pwede! Bawal 'yun,Jin! Bawal! Hindi 'yun pwede mangyari. No!" sinisigaw ni Jin sa kanyang isip habang pinapakita niya sa labas ay sobrang kalmado siya.

"Ayan, Chris, okay na. Medyo napakapal kasi 'yung lipstick mo kaya binawasan ko. Mas okay na tingnan ngayon."

Nginitian ni Chris si Jin pagkatapos at saktong dumating na rin ang make up artist at dala ang makeup remover.

"Medyo napasobra po kanina 'yung lipstick ni Chris, binawasan ko na lang po." biglang sinabi ni Jin sa makeup artist ni Chris.

"Kaya nga eh, kumuha ako ng lipstick remover, nagulat ako pagdating ko okay na. Anong ginamit mo?" tanong ng makeup artist.

"Ummmm." Hindi makasagot si Jin dahil nahihiya siya sa ginawa niya.

"Pinunasan niya 'yung  lips ni Chris gamit 'yung thumb niya! Makeup remover is shaking!" biglang sumingit si Jade na kinikilig kilig pa.

Nanlaki ang mata ng makeup artist at napatingin kay Chris at Jin, "Ano ba 'yan! Hindi ko tuloy nadatnan! Nakakainis naman! Ulitin niyo! Kakapalan ko ulit 'yung lipstick ni Sir Chris!" pabirong sinabi ng makeup artist.

"Go! 'Yung mapulang mapula para mahirapan si Jin magtanggal!" pabirong sinabi ni Jade.

"Di ko na pala need ng lipstick remover. Kakapalan ko rin ang blush-on, Sir Jin ikaw na ang magbawas ah?" pabirong sinabi ng make-up artist.

"Yas! Go! I give you the authority!" hirit naman ni Jade.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nagsimula na tawagin ang mga participants pagkatapos maayusan para magsimula na sa photoshoot. May mga departments na tapos na sa photoshoot habang ang iba ay naghihintay ng kanilang turn.

Si Julian at Maxene ng Research and Development na ang kinukuhaan ng photo at pinapanood sila nina Jade sa 'di kalayuang pwesto. 

"Actually, magaling si Julian sa mga ganito. Ang ganda niya magdala ng damit no'?" biglang sinabi ni Jade.

"Oo, siguro kasi nadadala ng katawan niya, tsaka bagay sa kanya." dagdag ni Jin.

Nalungkot si Chris nang marinig ito, dahil pakiramdam niya ay baka magfail siya sa photoshoot. Napansin naman ito Jin kaya agad niya itong kinausap.

"Uy, Chris, Bakit ka malungkot? Dahil ba sa sinabi namin? 'Wag ka magalala, hayaan mo si Julian, isipin mo lang 'yung photoshoot mo." nakangiting Sinabi ni Jin habang pinapalakas niya ang loob ni Chris.

"Eh kasi, hindi ako marunong mag pose sa mga pictures. Hindi nga ko marunong ngumiti ng maayos sa harap ng camera, baka mamaya sigawan lang ako ng photographer." nangangambang sinabi ni Chris.

"Anong hindi marunong ngumiti? Hindi mo kasi nakikita sarili mo, Chris. Pero ako, oo, nakikita ko na natututo ka ng mas ngumiti lagi. Kaya alam ko kaya mo 'yan! 'Pag nag-aalangan ka ngumiti, tumingin ka lang sa akin, Chris." hirit ni Jin.

Dahil sa sinabi ni Jin, napangiti bigla si Chris at nawala ang pangamba nito.

"Ganiyan, Chris! Ilabas mo 'yang mga killer smile mamaya! Nako, tingin ko pati photoshoot mananalo tayo nito!" sinabi naman ni Jade.

Natapos na ang photoshoot nila Julian at Maxene kaya tinawag na sina Jade at Chris para sa turn nila.

Bago umalis sina Chris at Jade, ay hinawakan ni Jin ang kamay ni Chris at kinausap ito.

"Chris, sobrang lamig ng kamay mo. 'Wag ka kabahan, nandito lang ako 'pag kinakabahan ka. Hanapin mo lang ako dito sa pwesto ko, hindi ako aalis sa kinatatayuan ko. Tapos isipin mo na ako lang 'yung tao sa loob ng room okay ba?"

"Okay! Thank you, Jin!"

Huminga muna ng malalim si Chris at sabay na sila ni Jade tumungo sa pwesto kung saan sila kukuhaan para sa photoshoot.

Pinagmamasdan lang ni Jin ang mga ganap sa photoshoot nina Chris, nang biglang sumigaw ang photographer.

"Ano ba 'yan! napakastiff mo naman! Ayusin mo naman! Hindi sapat 'yung cute ka lang pero hindi ka nagpopose!" galit na sinabi ng photographer kay Chris.

Nagulat si Jin at pati na rin ang lahat ng nasa room, at napatingin kina Jade at Chris.

"Umayos ka naman please? May mga kasunod ka pa oh!" naiinis na sinabi ng photographer.

Pinapagalitan si Chris ng photographer dahil nahihirapan siya mag pose para sa kanilang photoshoot.

Mahahalata mo ang dismayadong mukha ni Chris, dahil hindi niya magawa ito ng tama. Si Jade naman ay hinahaplos ang likod ni Chris para damayan siya, at sinasabi na okay lang at kaya niya ito.

"Wala bang pwedeng magturo sa kanya kung anong mga pwedeng gawin? Nadedelay na tayo oh!" sigaw ng photographer.

Naawa si Jin nang makita niya na pinapagalitan si Chris ng photographer. Gusto niya tumulong ngunit hindi niya alam kung anong pwede gawin, dahil hindi wala naman  siyang alam sa pagpho-photoshoot.

Tumungo si Jin kung saan nakapwesto sila Chris, ngunit nang malapit-lapit na siya, ay naunahan na siya ni Julian at kinausap ang photographer.

"Ako na lang po magtuturo kay Chris muna. If pwede po, 'yung susunod na lang muna ang mauna. Tapos after na lang  nila, sina Chris ulit." pakiusap ni Julian.

"Okay, sige. Turuan mo si Chris. Gusto ko pagdating niya ulit dito, hindi na siya stiff. Please lang!" naiinis na sinabi ng photographer habang si Chris ay nakayuko na dahil sa kahihiyan.

Hinawakan ni Julian ang magkabilang balikat ni Chris, at kinausap ito ng pabulong.

"Okay lang 'yan, Chris, minsan may mga ganyang photographer talaga. Nawala siguro sa isip niya na hindi naman lahat ng kasali dito ay professional model"

Huminga ng malalim si Chris at inilabas itong lahat. Pinunasan niya ang kanyang mga mata na medyo naluluha.

"Thanks, Julian. Kaya ko 'to! Hindi kasi talaga ako mahilig magpakuha ng picture kaya nahihirapan ako. Wala din akong background sa ganito, kaya mukhang kailangan ko ng tulong mo. Sorry naistorbo pa kita." sinabi ni Chris habang nakayuko at nahihiya kay Julian.

Pumunta sila sa isang spot at tinuruan muna ni Julian si Chris kung paano o anong mga pose ang pwede niyang gawin pagsabak niya ulit sa photoshoot.

Pinapanood lang sila ni Jin sa malayo at tila nadismaya siya, hindi sa nakikita niya, pero sa sarili niya.

"Ang lakas pa ng loob ko magsabi na gagawin ko lahat para kay Chris, kaso sa ganito pa lang walang wala na ko agad. Buti pa si Julian, natulungan niya si Chris. Mukhang hindi na ko kailangan dito." bulong ni Jin sa kanyang sarili habang dismayado siya.

Lumabas na rin siya ng Midnight Hall na nakayuko at tila balisa. Nakita ni Jade na lumabas ng room si Jin na malungkot at naawa siya para dito. Tatawagin niya dapat, ngunit hindi niya na ito ginawa pa dahil pinapanood niya rin si Chris habang tinuturuan ni Julian.

Dire-diretso lang ang lakad ni Jin habang malalim ang kanyang iniisip. Malungkot siya dahil ang nasa isip niya ay wala siyang kwenta at walang silbi.

"Akala ko kaya ko lahat, hindi pala. May mga bagay na hindi ko din pala kayang gawin para sa ibang tao. Nadisappoint ako sa sarili ko nang makita ko na nalulungkot at pinapagalitan sa Chris. Hindi ko alam na pwede pa lang umabot sa gano'n. Wala akong magawa kung hindi manood na lang. Hindi ko alam ang gagawin, pero si Julian, natulungan niya agad si Chris. Wala ka talagang kwenta, Jin! Arggghh!" Naiinis na sinasabi ni Jin sa kanyang sarili.

Habang naglalakad siya, hindi niya napansin na nakalabas na pala siya ng building at malapit na bumangga sa isang stall. Isang hakbang na lang niya ay mauuntog na siya sa stall nang biglang may pumigil sa kanyang paglalakad at hinablot ang kanyang kanang braso.

"Jin! Nawawala ka na naman sa sarili mo!" sinigawan ni Rjay si Jin nang hawakan niya ito sa braso at pinipigilan ang paglalakad nito.

Natauhan si Jin nang makita niya na pinigilan siya ni Rjay sa paglalakad.

"Ikaw pala 'yan, Rjay, sorry hindi ko napansin." paliwanag ni Jin.

"Anong sorry sorry? Anong nangyari, bakit nawala ka na naman sa sarili mo ha?" tanong ni Rjay.

Napakamot na lang ng ulo si Jin at hindi alam kung anong sasabihin.

"May ginagawa ka ba ngayon?" tanong ni Rjay.

"Sa totoo lang, wala, at hindi ko alam ginagawa ko." malungkot na sagot ni Jin.

Napailing na lang si Rjay at habang hawak niya ang braso ni Jin, ay dinala niya ito sa isang ice cream stall malapit sa building nila.

"Oh, ba't tayo kakain ng ice cream, Rjay?" tanong ni Jin habang dinadala at hawak siya ni Rjay papalapit sa isang ice cream stall.

"Dito muna tayo tumambay at magrelax. Ang tagal na natin di kumakain ng ice cream! Tsaka, para naman mag kwento ka kung anong nangyari."  paliwanag ni Rjay.

Nang makapasok na sila sa ice cream stall, ay umorder na sila agad at pagkatapos ay umupo sa isang bakanteng table habang naghihintay.

"Saan ka ba galing? Tsaka ba't nakajersey ka pa? Galing ka ba sa match niyo?" tanong ni Rjay.

"Oo, katatapos lang ng match namin. Hindi pa pala ko nakakapagpalit, nakalimutan ko." sinabi ni Jin habang nagkakamot ng ulo.

Dumating na ang kanilang inorder na tig-isang pint ng cookies and cream para kay Jin, at Pistachio naman para kay Rjay. Nagsimula na sila kumakain ng ice cream, at nagtanong na ulit si Rjay.

"So anong nangyari at saan ka galing, Jin?"

"Wala lang. Galing ako sa lugar na hindi naman ako kailangan, pero nakikigulo ako."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" nagtaka si Rjay dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Jin na lugar na hindi siya kailangan at nakikigulo lang siya.

"Eh kasi, totoo naman. Wala naman akong ganap doon  pero nandoon ako nanggugulo."

"Huh? Please explain. 'Di ko talaga maintindihan."

"Alam mo ba 'yung pakiramdam na 'yung gusto mong tumulong, pero wala kang magawa kasi hindi mo alam yung gagawin mo tsaka wala kang alam?" tanong ni Jin.

"Hmm, oo minsan nararamdaman ko 'yan. Oh bakit anong mayroon naman doon?"

"Para kasing... nakakadisappoint pala."

"Alam mo, Jin, hindi ka naman perfect, kaya 'wag mong masyadong damdamin kung may mga bagay ka na hindi kayang gawin. Tsk!"

"Eh kasi sabi ko gagawin ko lahat, hindi ko pala kaya lahat."

"Tao ka lang, gagawin mo ang best mo, pero hindi lahat kaya mong gawin. Hindi ibig sabihin noon na wala kang tulong. Sabihin natin na hindi mo alam talaga 'yung gagawin, pero pwede namang moral support. At least, kahit papano may effort pa rin" paliwanag ni Rjay.

"Nakakahiya kasi ibang tao pa 'yung tumulong, tapos ako dahil wala akong magawa, umalis na lang ako." hirit ni Jin.

"So nahihiya ka at disappointed ka sa sarili mo, feeling mo wala kang kwenta?" tanong ni Rjay.

"Oo, parang gano'n na nga." disappointed na sinabi ni Jin at nagbuntong hininga.

"Hay nako, Jin. Hindi ko alam sa'yo bakit kasi lahat ng bagay pinapasok mo? Hindi mo kaya lahat gawin, pero sabi ko nga, nand'yan ka para sumuporta. At least, nasa tabi ka at alam nilang hindi mo sila iiwanan."

"Eh pakiramdam ko wala pa rin naman akong silbi kung nandoon lang ako tapos walang  magawa."

"Wala tayong magagawa doon. Sabihin nating, kunwari, may project kami sa department namin. Tapos, kailangan ko ng tulong mo. Matutulungan mo ba ko?"

"Oo naman, tutulungan kita!" nakangiting sagot ni Jin.

"Alam mo ba 'yung gagawin?" tanong ni Rjay.

"Hindi ko alam kasi hindi naman ako sa department niyo naka-assign." nahihiyang sagot ni Jin.

"So anong gagawin mo?"

"Hmm, itatanong ko kung anong pwede kong maitulong. Kung maaari, aaralin ko para makatulong ako kahit paano. Kung hindi ko magawa, sasamahan pa rin kita para alam mo na nakasupport lang ako." sagot ni Jin.

Ngumiti lang si Rjay kay Jin na parang nakuha na nito ang sagot, at nagpatuloy sa pagkain ng Ice cream.

"So tingin mo dapat bumalik ako doon tapos ipakita ko na susupportahan ko sila kahit papaano?" Tanong ni Jin.

"Oo, gano'n na nga!"

"Kahit wala akong ginagawa o magawa?"

"Naalala mo ba noong birthday ko?"

"Oo bakit, Rjay?"

"'Di ba sobrang lungkot ko noon kasi walang pumunta? Pero pumunta ka. Kahit ikaw lang mag isa, 'yung presence mo lang na nandoon, kahit wala kang ginawa, kahit nakikain ka lang, nakakagaan na 'yun ng loob." pabirong sinabi ni Rjay.

"So pakiramdam mo na basta nandoon ako, eh nakakadagdag ng ease sa pakiramdam?"

Nginitian lang ni Rjay si Jin, at hindi na ulit siya sumagot at patuloy na kumain ng ice cream.

Nakapagdecide bigla si Jin dahil sa pag-uusap nila ni Rjay.

"Alam mo Rjay,  'di ko alam na magaling ka na pa lang mag comfort ng tao! Nagbabago ka na ah?"

Nahiya bigla si Rjay sa sinabi sa kanya, at patuloy na kumakain para mabaling ang attention habang kinakausap si Jin.

"Baliw ka talaga, Jin! Sa'yo ko 'yun natutunan!"

"Thank you, Rjay. Tingin ko kailangan ko na bumalik doon."

Tumayo bigla si Jin at naisipan na bumalik ulit sa Midnight Hall.

"Huy! 'Yung ice cream mo hindi mo pa nauubos, Jin!" sinigawan ni Rjay si Jin, ngunit hindi na ito narinig dahil nakatakbo na ito at nakalayo na rin agad.

Napailing na lang si Rjay dahil iniwan siya mag-isa ni Jin, kaya naman  kinuha niya ang ice cream nito at kinain na lang din ito... gamit ang spoon ni Jin.

"Para na kaming nag indirect kiss ni Jin nito." bulong ni Rjay sa kanyang sarili at pagkatapos ay nagscoop ng isang spoon ng ice cream sa isang pint na cookies and cream ni Jin at patuloy itong inubos, "Pero, thank you ah? Iniwan mo ko mag isa! Bakit ba 'yun nagmamadali?" Napailing na lang si Rjay habang mag-isa na inuubos ang ice cream ni Jin.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Meanwhile, Susunod na ulit sila Chris para sa photoshoot session, ngunit, medyo nalulungkot siya dahil hindi niya makita ang kanyang hinahanap. Kaya naman tinanong niya si Jade.

"Ms. Jade, nakita niyo po ba si Jin?"

"Lumabas si Jin, pero hindi ko na alam kung saan siya pumunta."

"Gano'n po ba?" nababalisang tanong ni Chris.

"Don't be sad, Chris. Biglang susulpot 'yan si Jin! May detector 'yan na 'pag kailangan mo siya. Tingnan mo mamaya andiyan na siya." nakangiting sagot ni Jade para gumaan ang loob ni Chris.

"Sana nga po, Ms. Jade. Thank you!" hirit ni Chris, at ngumiti na ulit siya. Nilalakasan niya ang kanyang loob dahil gusto niya na maging proud si Jin sa kanya.

"My gosh! Where's Jin when you need him! Wala siya kung kailan kailangan ni Chris ng moral support niya! Baka mapahiya ako sa sinabi ko kay Chris! Jin, pumunta ka na dito!" sinisigaw na ni Jade sa kanyang isip.

Tinawag na sina Chris at Jade ng photographer. Medyo mababakas pa rin ang lungkot sa mga mata ni Chris kaya nag-aalala si Jade dahil baka mapagalitan na naman si Chris ng photographer.

Nang makarating na ulit sila sa pwesto at nasa harap na sila ng camera, ay may biglang sumulpot sa pinto ng Midnight Hall at sumigaw.

"Chris!  Kaya mo 'yan! Galingan mo! Talunin mo sila lahat! Chris lang malakas!"

Biglang dumating si Jin, sumisigaw at nginingitian si Chris para i-cheer ito. Napatingin ang lahat pati ang photographer dahil sa lakas ng boses niya.

Ang lungkot na nararamdaman ni Chris ay napawi at biglang napalitan ng saya.

Napansin naman ito ni Jade kaya gumaan ang loob niya. Tinapik niya sa balikat si Chris at sumenyas ng thank you kay Jin, habang nag okay sign naman ito pabalik sa kanya.

Nagsimula na sina Chris at Jade sa kanilang session. Nanonood si Jin nang biglang dumating si Luna at tumabi sa kanya.

"Ang ganda ng mga pose ni Chris 'no? Parang kanina lang kabadong kabado siya, pero ngayon parang mas confident na siya." biglang kinausap ni Luna si Jin na siyang ikinagulat nito.

"Uy! Luna andyan ka na pala. Tapos ka na ba?"

"Hindi pa, last kami sa photoshoot session. Pero, Jin, nakakatuwa lang 'no? Kasi 'yung friend natin, hindi natin alam na kaya niya pala gawin 'yung mga ganitong bagay." nakangiting sinabi ni Luna habang pinapanood niya si Chris at sobrang proud siya dito.

"Oo nga, nakakatuwa lang, kasi dati tahimik lang siya at walang kinakausap. Pero tingnan mo ngayon, unti-unti na siya nagkakaroon ng confidence sa sarili niya."

"Oo, Jin. Noong nakita ko si Chris na kasali dito, nagulat ako. Kasi hindi ko akala na si Chris mag pa-pageant! Hindi ko alam kung kakayanin niya, kasi hindi siya sanay sa harap ng maraming tao. Gusto niya laging nakatago."

"Pero tingnan mo siya ngayon. Hindi na siya gaanong nahihiya. Nadadala niya na 'yung sarili niya." natutuwang sinabi ni Jin at tumingin siya kay Chris at nag okay sign ulit sa malayo. Pati rin si Luna na nag wa-wave ng kamay at sinusupportahan sina Jade at Chris.

Nagsalita ang photographer at kinausap ulit si Chris.

"Chris..."

Nagtinginan ang lahat at kabado sa sasabihin ng photographer dahil baka pagalitan na naman si Chris. Nakahawak na si Jade sa likod ni Chris, para anytime na pagalitan siya ng photographer, ay yayakapin niya ito.

Si Jin at Luna naman ay inaabangan din ang sasabihin ng photographer at kabado.

"Chris, good job! Mas gumanda 'yung mga photos mo kaysa noong nagsimula tayo kanina! Hindi ko alam kung nadala 'to ng itsura mo, pero ang ganda ng mga shots mo at feeling ko nakatingin ako sa isang painting!  So, good Job, Chris!" bati ng photographer ngunit strikto pa rin ang kanyang itsura at hindi ngumingiti.

Nang marinig ito ng lahat, ay pinalakpan nila si Chris. Kanina ay tinitingnan nila at naawa sila para kay Chris dahil pinaglitan ito. Ngunit ngayon, napalitan ng tuwa at nag chi-cheer ang lahat para sa kanya.

Tuwang tuwa si Jade para kay Chris kaya niyakap niya ito ng mahigpit. Halos maluha-luha si Chris sa tuwa dahil sa pagkakataong ito, hindi siya nag fail. Tumingin siya kay Jin para makita kung anong reaction nito, at nakita niya na tuwang tuwa ito para sa kanya at pinapalakpakan siya sa malayo.  Tumingin din siya kay Julian at sumenyas ng 'thank you' sa malayo. Si Julian naman ay tumango at nakangiti lamang at natutuwa para kay Chris.

Habang busy ang lahat at nag checheer kay Chris, ay nilapitan ni Jin si Julian para kausapin ito.

"Julian."

"Oh ano! manggugulo ka na naman?"

"Thank you, Julian." nakangiting bati ni Jin.

"Thank you saan?" naiinis na tanong ni Julian.

"Sa pagturo mo kay Chris kung paano 'yung gagawin."

"Sa totoo lang, wala naman akong ginawa. Tinuruan ko lang siya ng kaunti, tapos nakuha niya naman agad. Siya talaga 'yung nag effort, kasi kahit anong ituro ko sa isang tao kung hindi naman pag e-effortan, wala rin!"

Inakbayan ni Jin si Julian na agad naman nitong tinanggal dahil naiilang ito. 

Kahit na tinanggal ni Julian ang kamay ni Jin sa kanya ay nginingitian pa rin siya nito. Hindi niya alam kung ano ang ire-react niya dahil napatingin siya sa mga mata ni Jin at tila bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Ninais ni Jin na makipag shake hands kay Julian ngunit nagtaka ito at iniisip na baka isa na naman sa mga pranks ni Jin.

"Oh ano naman 'yan, Jin?"

"Hindi kasi maganda 'yung simula natin. Kaya gusto ko makipagkaibigan, and sorry din kung naasar kita noong una."

"Hmmp!"  hindi na nagsalita si Julian at namumula na siya dahil sa paraan ng pakikipagusap ni Jin sa kanya.

Hindi nakipagshake hands si Julian at tumalikod ito kay Jin.

"Nakakainis! bakit nag f-flutter 'yung puso ko? Hindi 'to pwede! Kaaway at kaagaw ko si Jin kay Chris! Hindi ako pwede magkagusto sa kaaway ko!"

"Bahala ka d'yan, Jin!"

Umalis na Julian at lumayo sa kinatatayuan ni Jin.

"Tingnan mo 'to, nahiya pa sa akin! Pero thank you Julian. Sorry kung mali 'yung tingin ko sayo noong una kitang nakilala." bulong ni Jin sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya si Julian na naglalakad papalayo sa kanya.

Pinuntahan ni Chris si Jin nang matapos sila sa photoshoot at tuwang tuwa siya.

"Jin! Okay ba 'yung ginawa ko kanina? Nakita mo ba?" tuwang tuwa si Chris ng tinanong niya si Jin.

"Oo, Chris! Sobrang galing mo! Sobrang proud kami sa'yo ni Luna  noong nakita ka namin na hindi na nahihirapan. Pero, mas lalo kaming naging proud, noong pinuri ka ng photographer! Good job, Chris! Alam mo ba pinagmamalaki namin sa mga katabi namin kanina na tropa ka namin?" nakangiting hirit ni Jin at hinawakan niya ang buhok ni Chris at hinaplos ito, "Sorry, Chris, kung wala akong naitulong kanina noong napagalitan ka. Hindi ko alam 'yung gagawin ko. Hindi ko kasi alam kung paano ka susuportahan, hindi naman ako magaling sa mga ganoong bagay." dagdag ni Jin.

Nginitian ni Chris si Jin at sinagot ito, "Okay lang, Jin. Alam ko na hindi mo forte 'yung mga ganitong bagay. Ako din, hindi ko alam ito, kaya naiintindihan ko kung anong nararamdaman mo. Pero 'yung presence mo lang na alam ko nand'yan ka, okay na sa akin 'yun! Pakiramdam ko may sumusuporta sa akin."

"Tama nga si Rjay, buti na lang nakita ko siya, ay mali... siya pala nakakita sa akin kanina." nasa isip ni Jin.

Biglang sumingit sina Luna at Jade habang pinapanood nila si Jin na patuloy sa paghahaplos sa buhok ni Chris.

"Ms. Jade, ako din haplusin mo rin 'yung buhok ko! Gusto ko din may gagawa din noon for me!" Parinig ni Luna.

"Halika dito, para hindi ka mainggit... ay bawal girl! Masisira buhok mo! Hayaan na nga natin 'tong dalawang 'to!" pabiro ni Jade.

"Oo masyadong sweet, nakakainis! 'Wag tayo dito, Ms. Jade, nakakasakit ng puso para sa tulad nating mga single!" hirit ni Luna

"Ang hirap maging single, pero mas mahirap ang makakita ng naglalandian sa harap mo!" hirit naman ni Jade.

Umalis na sina Jade at Luna at napailing na lang si Jin at natawa sa mga parinig ng dalawang babae, ngunit patuloy lang niya na hinahaplos  ang buhok ni Chris.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Kakauwi lang ni Jin sa kanyang bahay ng mga 7:45 p.m. after matapos ang photoshoot session nila Chris at maihatid ito sa bahay. Nadatnan niya ang mga cartolina at mga pens sa living room kaya nagtaka siya.

"Para saan 'to? Bakit may cartolina at mga colored pentel pens? May project ba si Jin Tanda? Reporting?" sinabi ni Jin sa kanyang sarili habang kinakalikot niya ang mga gamit sa living room na nakakalat.

Biglang dumating si Jon at kinuha ang mga cartolina at pens na nakakalat sa living room at itinago na ito nang bigla siyang tinanong siya ni Jin.

"Para saan naman 'yan?"

"Ahh 'to? Wala! May inaayos kasi ako para sa project na hindi ko natuloy sa panahon ko. Naisipan ko na ituloy 'yung design habang nandito ako" paliwanag ni Jon.

"Okay, sige! Pinakain mo na ba si Bullet?" tanong ni Jin habang nilalapitan niya si Bullet para karagahin.

"Oo naman. So kamusta 'yung photoshoot?" tanong ni Jon.

"Pinagalitan si Chris. Naawa nga ko kaso wala akong magawa kasi hindi ko alam kung paano siya tutulungan." kwento ni Jin.

"So iniwanan mo si Chris?" tanong ni Jon.

"Oo." malungkot na sagot ni Jin.

"Baliw ka! Ba't mo iniwanan?" naiinis na tanong ni Jon.

"Eh wala naman akong silbi doon."

"Kahit na! Basta nandoon ka lang!"

"Parehas kayo ni Rjay ng sinabi. Buti nakita niya ko, ayon, nag-usap kami saglit. Dahil sa kanya, kaya binalikan ko si Chris" sagot ni Jin.

"Good! Buti naman! Baliw ka talaga 'no?—" Biglang napatigil si Jon sa kanyang nasabi.  "Ay mali! Parang sinasabihan ko sarili ko! 'Wag mo iwanan si Chris sabi ko sa'yo!" nag aalala na sinabi ni Jon.

"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya. Pero gusto ko lang magtanong, hindi ko alam kung sasagutin mo 'to?" Nahihiyang tanong ni Jin habang niyayakap niya si Bullet at tinatago niya ang kanyang mukha.

"Ano naman 'yun?" tanong ni Jon.

"Kamusta si Chris sa oras niyo? Siguro ang laki na ng pagbabago niya 'no? Siguro hindi na siya katulad noong dati na tahimik lang. Ang dami niya na siguro achievements?" nakangiting tanong ni Jin.

Tinitingan lang ni Jon si Jin ng seryoso. Hindi pa rin niya masabi at naghihintay pa rin siya ng tamang oras para aminin ang katotohanan. Para sa kanya ay failed siya dahil hindi niya nailigtas si Chris. Pero para sa kanya, kung patuloy na nabubuhay si Chris sa kanyang panahon, iyon din ang Chris na madadatnan niya.

"Wala ako sa tabi niya, kaya maaga siya nawala. Pero ngayon, nandito ako para baguhin 'yun. Gagawin natin totoo ito! This time, hindi ko hahayaan na mawala pa si Chris ng isa pang beses!" nasa isip ni Jon. "Oo Jin, sobrang kilalang kilala na si Chris! 'Yung dating Chris na nagtatago lang at madalas nagbabasa, hindi na siya ganun. Sobrang busy na at akala mo artista laging may paparazzi" sagot ni Jon at tinago niya ang totoo kay Jin. "Sorry Jin kung nagsinungaling ako. Pero gagawin kong katotohanan 'to, wag ka magalala." nasa isip ni Jon.

"Wow! 'Di na ako makapaghintay! Gusto ko makita 'yung araw na 'yun!" masayang hirit ni Jin at tila na-eexcite siya para kay Chris.

"Ako din, Jin, gustong gusto ko makita yung araw na 'yun"  sagot ni Jon na tila may lungkot sa kanyang mga mata, ngunit determinado na mabago ang nakatakda.

May mga luha na pumatak sa mga mata ni Jon at napansin ito ni Jin.

"Oh ba't ka naiiyak? Hindi ko pupunasan 'yan! Bahala ka punasan 'yan kadiri ka!" pabirong sinabi ni Jin habang kumukuha ng towel.

Binato ni Jin ang towel kay Jon at pumasok na siya sa kwarto upang magpahinga.

Nang mag isa na lamang ulit si Jon, napaisip siya na paano kung buhay pa nga si Chris sa panahon niya at iniisip kung ano ano ang mga pagbabago na makikita niya.

Gustong gusto niya nang mailigtas si Chris sa lalong madaling panahon upang makabalik na siya sa kanyang  oras. Ngunit naalala niya na after mailigtas si Chris, may 6 years pa siyang hihintayin para mabuo ang time machine.

Pero nasa isip niya, dahil mananatili pa siya ng mas matagal, ay makikita niya ang mga pagbabago na matutunghayan niya kay Chris kaya okay na rin ito sa kanya habang hinihintay ang oras ng kanyang pagbabalik.

End of Chapter 17

次の章へ