webnovel

Chapter 12: Unrequited Love

Date: April 4, 2020

Time: 6:30 P.M.

"Rjay, saglit lang ah? May titingnan lang ako. Parang kilala ko kasi 'yung nakikita ko eh" paalam ni Jin habang hinihintay ang kanilang sukli sa pinagbilhan nila ng oysters.

"Sige, sundan na lang kita. Hintayin ko lang tong sukli natin."

Umalis na si Jin sa stall ng mga seafood kung saan sila namimili ni Rjay, at pinuntahan niya ang lugar kung saan nakatayo ang taong parang pamilyar sa kanya. Nakatalikod ang taong ito, kaya naman dahan-dahan niya itong nilapitan.

"Holdup 'to! 'Wag kang kikilos!"

Tinutok niya ang kanyang ballpen sa likod ng taong pamilyar sa kanya upang biruin ito. Natatawa siya dahil sa biro niya sa taong ito, ngunit pagkaharap ng taong binibiro niya-

Smack!

Biglang nawalan si Jin ng malay dahil sa lakas ng sapak na kanyang tinamo. Si Jon pala na nakatalikod at namimili ang namukaan ni Jin. Akala ni Jon ay hinoldap talaga siya kaya naman napalakas ang kanyang pag sapak kay Jin pagkaharap niya at hindi niya na napigilan ang kanyang sarili.

"Ako pa talaga sa laki kong 'to ang nanakawan mo ah! Sino ka ba?" Tiningnan ni Jon kung sino ang taong nasapak niya na nakahandusay na sa sahig. "Whaaaat! Ikaw pala yan Jin!" Nanlaki ang mga mata ni Jon at tila nag-alala sa ginawa niya. Tiningnan sila ng mga tao sa kanilang paligid dahil sa di inaasahang pangyayari, at hindi rin naman niya sinasadya na masapak ang batang Jin dahil nagbibiro lamang ito.

Kakakuha pa lang ni Rjay ng sukli sa pinagbilhan nila ng oysters. Hinanap niya si Jin dahil bigla ito nawala sa paningin niya. Nakita niya na may taong nagkukumpulan kaya pinuntahan niya ito at nakita niya si Jin na nakahandusay sa sahig at agad niya itong nilapitan.

Ginigising ni Rjay si Jin ngunit hindi ito nagkakamalay. Habang tinatapik niya ang mukha nito at kinakabahan sa nangyari, biglang nagsalita si Jon na medyo naiinis.

"Ayan kasi, may mga biro na hindi nakakatawa."

Tumingin si Rjay ng masama sa nagsalita, at nang makita niya na si Jon pala ito-

"Kayo po pala yan, Kuya Jon! Kayo po ba may gawa nito?"

"Oo, hayaan mo na siya. Magiging okay din mamaya si Jin. Matatauhan din siya! Magaling talaga sa kalokohan eh!" natatawang sagot ni Jon.

"Napalakas po ata 'yung sapak niyo sa kanya, Kuya Jon?"

"Oo nga eh. Ako na bahala sa kanya. Bubuhatin ko na lang muna si Jin. Teka, tapos na ba kayo mamili?"

"Malapit na po. Isa na lang bibilhin namin."

"Ah, dairy products na lang ba?"

"Paano niyo po nalaman?"

"Ito na naman ako, Advanced magisip Mahuhuli ako nito eh!" napagtanto ni Jon sa kanyang isip, "Nakita ko kasi 'yung binili mo, mukhang magluluto ka ng baked oysters. Nakita ko 'yung ingredients mo dairy products na lang kulang." palusot niya

"Opo yun na lang. Hmmm, paano kaya 'to?"

"Wag ka mag alala, samahan na lang kita. Bubuhatin ko na lang si Jin sa likod ko. Ako na lang tutulong sayo na maghanap ng mga magagandang quality para sa gagawin mo." nakangiting sagot ni Jon.

"Thank you Kuya Jon!"

Habang kausap ni Rjay si Jon, ay nakatitig lamang siya sa mga mata nito at hindi mapalagay sa kanyang nakikita. Weird para sa kanya, dahil pakiramdam niya ay kay si Jin ang kinakausap niya at nakikita. Napapansin niya ito sa mga mata at ngiti ni Jon, ngunit iniisip niya na lamang na dahil magkapatid sila, at may mga similarities silang dalawa.

Binuhat na ni Jon ang walang malay na katawan ni Jin na nakahiga sa sahig. Kinarga niya ito at pinuwesto sa likod niya. Dahil karga niya ito, kinuha na muna ni Rjay ang mga dala niya para hindi siya mahirapan sa pagkarga kay Jin.

Nagsimula na sila tumungo sa bilihan ng dairy products at habang naglalakad, naisip na kausapin ni Jon si Rjay upang tanungin kung bakit nasa wet market sila ng batang Jin, kahit alam niya ang pakay nito. Ito ay isa sa mga acts niya bilang si Jon, at maging mapagpanggap pansamantala.

"Bakit pala kayo nandito ni Jin? Para saan yung bibilin niyo?"

"May paglulutuan po kasi ako nito. Ireregalo ko sa isang tao."

"Wow naman! Mukhang special yung pagbibigyan mo niyan ah?" nakangiting sinabi ni Jon.

"Ito din 'yung sinabi sa akin ni Jin kanina ah?" napagtanto ni Rjay sa kanyang isip. "Siempre po, special na araw niya eh. 'Wag niyo na lang po sabihin kay Jin-" hirit ni Rjay.

"Oo alam ko na 'yan, na para sa akin 'yang baked oysters. Kunwari na lang magugulat ako." nasa isip ni Jon, "Okay, ano ba 'yun?" nagkukunwaring tanong niya.

"Para po kasi kay Jin 'to. Malapit na kasi birthday niya 'di ba? Naisip ko na bigyan siya ng baked oysters, ayaw niya kasi ng mga materyal na bagay pag binibigyan ko siya. Kaya tingin ko, hindi niya na 'to matatanggihan." paliwanag ni Rjay.

"Ayos! Sarap niyan! Oo favorite niya nga 'yan! Pwede ba humingi din?" Pabirong sinabi ni Jon.

"Sige po! Gagawan ko na lang din po kayo, Kuya Jon."

"Nice. aabangan ko yan ah?"

"Sige po! Oo nga pala, mukhang magiging special ang birthday ni Jin ngayon 'no?" biglang sinabi ni Rjay.

"Huh? Bakit naman?"

"Kasi, ngayon lang siya mag bi-birthday na may kasama siyang family member. Never niya na kasi naranasan mag birthday na may kasama kahit isa, for years. Pero ngayon, mukhang magiging masaya siya." paliwanag ni Rjay habang masaya siya para kay Jin na hanggang ngayon ay wala paring malay at nakasandal sa balikat ni Jon.

Hindi alam ni Jon kung malulungkot o matutuwa ba siya sa sinabi ni Rjay, dahil para sa kanya ay laging naiinis si Jin kapag magkausap sila. Pero natutuwa siya na nakausap niya si Rjay ngayon, dahil sa panahon niya, hindi na sila masyadong nagkakausap nito at hindi niya alam kung bakit.

"Pero, siempre baka manibago siya. Kasi lagi siyang mag isa sa birthday niya eh. Isa pa, wala siyang ginagawa sa birthday niya! Sayang daw kasi budget niya at ginagawa niya na lang na normal na araw para hindi mabigat sa pakiramdam." paliwanag ulit ni Rjay.

Nagulat si Jon dahil natandaan pa ni Rjay ang kanyang sinabi noong nag-usap sila noong birthday nito noong December 2015 tungkol sa birthday niya at ang pagiging mag-isa niya sa buhay.

"Oo, 'yun din ang sabi niya sa akin. Pero maswerte pa rin naman 'yang batang yan, kasi nand'yan kayong mga kaibigan niya. Kaya hindi niya nararamdaman na nag iisa siya." Medyo naiiyak si Jon at naluluha na ang mga mata niya ngunit pinipigilan ito.

"Kuya Jon, naiiyak po ba kayo?" natatawang tanong ni Rjay nang mapansin niya na nagiging teary eyed na si Jon.

"Ah hindi, napuwing lang ako. Hindi ko mapunasan yung mata ko."

Napansin ni Rjay na hindi mapupunasan ni Jon ang mga mata nito dahil sa position nito. Kapag tinanggal ni Jon ang mga kamay niya na humahawak kay Jin, tiyak malalaglag ito. Kaya naman kinuha ni Rjay ang kanyang panyo sa bulsa ng pants niya, at kinausap si Jon para magpaalam sa nais niyang gawin.

"Kuya Jon, sorry po sa gagawin ko ah?"

"Ano 'yun?"

"Tayo na lang po kayo dyan!"

Nakatigil lang si Jon sa kanyang kinatatayuan nang biglang pinunasan ni Rjay ang mga luhang patulo na sa mga mata niya. Habang pinupunasan ni Rjay ang mga mata niya, ay nakatitig sila sa isa't isa.

Rjay's POV

Sa tuwing nakatingin ako sa mga mata ni Kuya Jon, pakiramdam ko, si Jin lang rin ang tinitingnan ko. Ngunit, biglang pumapasok sa isip ko na magkapatid nga sila kaya ganoon na lang ang nararamdaman ko siguro. Kaso, hindi ko mapigilan ang sarili ko, hindi ko alam kung bakit pati kay Kuya Jon, pakiramdam ko na natitipuhan ko din siya gaya ng feelings ko para kay Jin? Sobrang gwapo niya sa paningin ko at halos magkamukha sila ni Jin, mas matured lang siya tingnan dahil sa pagiging balbas sarado niya. Parang siya yata ang pangalawang lalaki na mafa-fall ako! Pero sabi ko sa sarili ko, straight ako at si Jin lang ang lalaking magugustuhan ko sa buong buhay ko, kaso baka maging exception pa si Kuya Jon! Isa pa, magkapatid naman sila at magkamukha kahit papaano, medyo daddy look lang si Kuya Jon para sa akin, pero sige, siya na ang last at wala ng iba! Siya na ang pinakahuli kong lalaking magugustuhan!

Pagkatapos kong punasahan ang naluluhang mata ni Kuya Jon, tinago ko na ang panyo ko sa bulsa, at hindi ko na to lalabhan pa!

"Hala Rjay, akin na yung panyo. Lalabhan ko na lang 'yan at nakakahiya sa'yo"

"Ayoko, Kuya Jon, sorry! Sa akin lang ang luha mo. Haha!" nasa isip ko, pero hindi ko 'yun pwedeng sabihin sa kanya. Kaya naman, iba ang sinabi ko, "Wag na po, okay na 'yun, papalaban ko na lang sa amin." palusot ko sa kanya.

"Sigurado ka ah?"

"Opo, Kuya Jon, hayaan mo na. Tara na po ba?" paanyaya ko sa kanya.

Nagsimula na kami maglakad patungo sa bilihan ng mga dairy products habang buhat buhat niya pa rin sa likod niya si Jin. Nakikita ko na medyo nabibigatan siya kay Jin dahil lumalabas na ang mga veins sa mga braso at kamay niya, pero napaka sexy tingnan! Nakakainis! Hindi ko mapigilang tingnan ito! Pinapawisan rin siya dahil medyo mainit ang lugar at gusto ko itong punasan gamit ang panyo ko, kaya lang baka mailang siya sa akin.

Tiningnan ko naman ang lagay ni Jin sa likod ni Kuya Jon at wala pa rin siyang malay. Nag aalala na ako para sa kanya dahil kanina pa siya walang malay. Ganoon ba talaga kalakas manapak si Kuya Jon? Dapat pala mag ingat ako sa kanya kung ayaw ko matulad kay Jin.

Nang makapunta na kami sa bilihan ng dairy products, si Kuya Jon ang nagtuturo ko ano ang brand na dapat kong bilihin at ako naman ang kumukuha ng mga ito. Tinanong ko si Kuya Jon habang namimili kaming dalawa.

"Magaling din po ba kayo magluto gaya ni Jin? "

"Oo naman! Mas masarap ako magluto dito." pagmamalaki niya.

"Talaga po? Patikim ako minsan!"

Gusto kong matikman ang luto ni Kuya Jon kung masarap nga ba talaga ito. Kasi si Jin, masarap siya mag luto. Pwede na nga siya maging chef, o kaya maging house-husband...ko! Hahaha!

"Sure, sa birthday nito ni Jin, kung pupunta ka?"

"Pupunta po ako, kaso baka matalo yung baked oysters ko kuya Jon!"

"Sus! Pahumble ka pa! Masarap din siguro 'yan, siempre mukhang paghahandaan mo eh!" natatawang sagot niya.

Habang pinapanood ko kung paano tumawa si Kuya Jon, iisa lang din sila ni Jin! Nakakainis! Masyado silang magkatulad, baka mahirapan ako mamili sa kanilang dalawa. Kaso naalala ko, lahat ng gusto ko nakukuha ko. "Dalawa na lang silang pipiliin ko!"

Pagkatapos naming mabili lahat ng ingredients sa market, wala pa rin kamalay-malay si Jin, kaya naman tinanong ko na ang nakapa-hot na kapatid niya.

"Kuya Jon, okay lang po ba kaya si Jin? Kanina pa po 'yan walang malay eh?"

"Ah, siya ba? 'Wag mo na siya pansinin. Natutulog lang 'tong bata ko, tingnan mo."

Nilapit ko ang aking mukha kay Jin upang makita kung natutulog nga talaga siya. Grabe! Ang sarap niya talaga pagmasdan! Napaka-amo ng mukha niya habang natutulog. Parang gusto ko na lang din siya samahan at magpapakarga ako kay kuya Jon para tabihan siya matulog! Habang pinagmamasdan ko siya, biglang nag sleep talk si Jin.

"Whaaat! Pahinging kumot pati unan. Ang tigas ng unan ko. Hmm, halika dito ch-" Naputol ang sasabihin ni Jin dahil biglang sumingit si Kuya Jon.

"Oh 'di ba? Nakatulog na ang kumag!"

"Pero sino ang babanggitin dapat ni Jin? Si Chris ba?" Bigla akong nakaramdam ng selos at inis, ngunit dahil nasa harap ko si Kuya Jon at ayaw kong mapansin niya ito, agad akong ngumiti at kinausap siya. "Kaya nga po! Mukhang matagal tagal na hindi nakaranas ng piggyback ride kaya natuwa ata masyado hanggang sa nakatulog."

"Oo. kaya hayaan na lang natin siya maranasan niya 'yung mga di niya pa nararansan. Oo nga pala Rjay, akin na yung pinamili ko. Isabit mo na lang sa isa kong braso."

"Sure po ba kayo? Hindi kayo mahihirapan niyan? Ipahatid ko na lang po kayo sa driver namin pauwi?"

"Ay wag na Rjay. Maglalakad na lang ako. Malapit na lang naman na kami dito."

"Nope, ayoko. Gusto ko pa sila makasamang dalawa. Gusto ko pang titigan si Kuya Jon ng mas matagal. Sasama ako sa kanya pauwi sa bahay nila." walang makakapigil sa akin, kahit si Kuya Jon pa, "Ay sige po. Sasama na lang din ako, Kuya Jon, para may katulong ka mag buhat."

"Okay, sige lang!"

"Pwede din po ba ako magpaturo kung paano mag prepare ng baked oysters mamaya pag nasa inyo na tayo?"

"Yun lang pala eh! Sige ba!"

"Mission success! Buti nalang at pumayag si Kuya Jon sa gusto ko. Wala talaga akong gusto na hindi nakukuha!" natutuwa kong sinabi sa isip ko.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Kararating lang namin sa tapat ng bahay nina Jin, at pinaabot sa akin ni Kuya Jon ang susi ng padlock sa kanang bulsa ng shorts niya.

"Hehe!"

Kunwari ay nahihiya pa ako na kunin ito, ngunit sa loob loob ko, ay tatagalan ko ang pagkuha! Dahan-dahan kong pinasok ang kamay ko sa bulsa ng pants ni Kuya Jon. Nais ko sanang tagalan ang paghahanap ng susi sa bulsa niya dahil alam ko madali ko lang ito makukuha. Kaso, pagpasok ng kamay ko, medyo nahihirapan ako dahil may maliit na bulsa pa sa loob nito at nandoon ang susi. Mahirap kunin ang susi kaya napatingin ako kay Kuya Jon.

"Grabe naman 'to, Kuya Jon! Makukuha ko pa ba 'yung susi sa bulsa mo?" tanong ko sa kanya habang nakatingin siya sa akin na medyo nahihiya.

"Sorry, Rjay, gusto mo ako na lang kumuha muna? Ibaba ko muna si Jin?"

"No! Ako ang kukuha!" Gusto ko ang ginagawa ko, kaya hindi ako magpapa-awat, "Hindi Kuya Jon, okay na, makukuha ko din, wait ka lang." sagot ko sa kanya habang kinakapa ko ang susi sa maliit na bulsa sa loob ng bulsa ng pants niya. Gusto ko ang ginagawa ko kaya ayaw ko na siya ang kukuha nito!

Medyo napapaurong ang legs ni Kuya Jon habang sinusubukan kong kunin ang susi sa maliit na bulsa.

"Saglit! Nakikiliti ako!" natatawang sinabi ni Kuya Jon.

Dinatnan na ako ng hiya dahil nahihirapan na siya kasi may naramdaman akong tumulo niya na pawis sa kanang braso ko. Kinuha ko na ang susi para hindi na kami magtagal pa kahit ayaw ko na matapos sa ginagawa ko.

"Nakuha ko na, Kuya Jon!"

Wala na akong choice kung hindi kunin na ang susi, para makapasok na kami sa loob ng bahay nila at maibaba niya na si Jin, dahil hindi na siya komportable sa posisyon niya. Lumapit na ako sa tapat ng pinto nila at ginamit ang susi ng padlock.

Click!

Pinauna ko na si Kuya Jon na makapasok habang buhat niya si Jin, at kinuha ko naman ang mga pinamili namin at diniretso ito sa kitchen nila at nilapag sa floor.

Pinasok muna ni Kuya Jon si Jin sa kwarto para ihiga sa kama, habang inaayos ko naman ang pinamili namin sa kitchen. Nang makalabas na siya sa kwarto, pinuntahan niya na ako sa kitchen, at tumayo sa harap ko. Hindi ko inaasahan ang nakita ko! Isang Kuya Jon na nakatopless ang bumungad sa akin habang nakayuko ako at nag-aayos ako ng mga pinamili namin sa kitchen!

"Ready ka na ba, Rjay" tanong ni Kuya Jon na nakatayo sa harap ko.

Dahil nakayuko ako, dahan-dahan akong tumingala at hindi ko naiwasan na makita ang napakaganda niyang katawan, at aaminin ko, mas maganda pa sa katawan talaga ni Jin! Napalunok na lamang ako at saka nagtanong.

"Re-ready po saan, Ku-kuya Jon?" nahihiya kong sinabi sa kanya habang nakatingala ako sa kanya.

"Tuturuan kita gumawa ng baked oysters 'di ba?!" sagot ni Kuya Jon habang nakangiti siya at napakalight ng aura niya. Kinuha niya ang kulay green na apron na nakasabit malapit sa pintuan ng kitchen at sinuot niya iyon.

"Mygahd!"

Gusto ko sanang kuhaan ng picture si Kuya Jon! Napaka-hot niya habang nakatopless at may suot na apron! Shoot! Bagay na bagay sa kanya lalo na kita mo ang naghuhumiyaw niyang biceps at triceps! Hindi ko alam kung makakapag-focus pa ba ako sa pagtuturo niya o sa kanya ako magfo-focus? Pero naisip ko, why bother if I can do both?

Tumayo na ako ng maayos at pumunta sa harap ng kitchen counter nila. Pagkatapos, tumabi na sa akin si Kuya Jon dala ang mga ingredients na kailangan para sa pag prepare ng baked oysters.

"G na, Rjay." paanyaya sa akin ni Kuya Jon. Nginitian ko siya at pakiramdam ko, nasa langit ako habang kasama siya! Sorry Jin, pero sa kuya mo muna ako habang natutulog ka! Haha!

Sinimulan na ni Kuya Jon ang pagtuturo sa akin kung paano mag-prepare ng Baked Oyster. Nakatingin lang ako sa kanya at nakatitig sa mga labi niyang may pagka light pink-ish at napaka kissable katulad ng kay Jin habang nagsasalita siya. Parang anytime, gusto ko itong halikan, pero hindi maaari, baka matulad ako kay Jin na nakahandusay at walang malay sa kama!

"I can't."

Sabi ko mag fofocus ako sa tinuturo niya at sa kanya mismo, pero hindi ko pala kaya! Papanoorin ko na lang siya at manonood na lang ako ng tutorial sa bahay! Hahaha! Pero, alam mo kung anong nakakatawa? Parehas lang sila ni Jin magturo! 'Yung paraan kung paano sila magsalita at magbigay ng instructions? Napaka-nostalgic! Feeling ko, nasa college ulit ako at nagpapaturo ng assignment kay Jin, o kaya parang deja vu! Habang seryoso niyang inaayos ang mga oysters sa counter, bigla ko siyang tinawag.

"Kuya Jon?"

"Bakit, Rjay?"

"Shoot! Ang pogi talaga nakakainis!" Biglang tumingin sa akin si Kuya Jon at nakangiti na naman siya sa akin! "May nakapag tanong na ba sa'yo o nakapag sabi na kahawig mo si Jin?"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Kuya Jon nang tanungin ko siya at tila kinabahan.

"Ummm. Oo, 'yung iba. Sabi ko na lang magkamukha talaga siguro kami kasi magkapatid kami." natatawang sagot niya.

Sabi nila Jin at Kuya Jon, magkapatid sila at naniniwala naman ako doon. Kaso, all this time akala ko only child lang si Jin. Inalam ko rin ang background ng family niya pero wala namang nabanggit doon na may kapatid siya. Pero naisip ko na baka private na tayo si Kuya Jon kaya hindi nila sinasabi.

"Ah! Kasi kahit saang angulo ko tingnan, kamukhang kamukha mo talaga siya. Lagyan ko lang ng bigote si Jin tas palakihin mo pa ng kaunti ang katawan, magiging kambal na kayo!"

"Gano'n ba? Pero siempre mas pogi ako sa kanya, hindi ba?"

"Shoot! Pinapapili niya ba ako? Parehas naman sila!" sigaw konsa aking isip. "Sige po, Kuya Jon, mas pogi ka kasi ikaw ang nasa harap ko. 'Pag si Jin ang nasa harap ko, sasabihin ko siya naman!" sagot ko sa kanya.

"Hay nako! Wala na tayo patutunguhan nito eh. Tuloy na nga natin!"

Nagsimula na ulit magturo si kuya Jon at pinapanood ko lang siya. Hindi ko iniintindi kung anong sinasabi niya. Mas pinag-aaralan ko pa ang facial structure ng mukha niya. Kahit nagsasalita rin siya, wala akong maintindihan pero pinapakinggan ko lang boses niya. Magkaboses din sila ni Jin kung papakinggan mo ng maigi. But, I'll give them the benefit of the doubt, dahil "magkapatid" sila. Habang pinapakinggan ko lang siya magsalita, at dahil masyado na akong na-carried away, hindi ko napansin na tinatawag niya na pala ako!

"Rjay!"

Biglang hinawakan ni Kuya Jon ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. Hihi!

"Yes, Kuya Jon?" sagot ko sa kanya at bigla akong naging alerto at baka sapakin niya ako.

"Ako naman magtatanong sa'yo, Rjay."

"Ano po 'yun, Kuya Jon?"

"Kamusta naman si Jin bilang kaibigan?"

Ito ang pinaka ayaw kong tanong sa lahat eh. Iniiwasan ko 'to pag gusto malaman ni Jin kung kamusta siya bilang kaibigan. Ngayon naman, si Kuya Jon ang nagtatanong! Masyado kasing madrama at cheesy, isa pa, baka kasi madulas ako pag nagkwento ako. Pero dahil si Kuya Jon naman ito, sige, this will be an exception.

"Hmmm. Si Jin po? Baka marinig niya! Tulog pa rin ba?"

"Oo tulog pa 'yun baka bukas na 'yun gumising."

"Tinatanong din kasi ako ni Jin ng mga ganito. Kaso hindi ko sinasagot. Sobrang cheesy kasi!"

"Ahh. Wag ka mag alala, secret lang natin 'to."

"Sige po. Wag mo na lang po sasabihin. Pero-" Bago ako magsalita, tiningnan ko muna si Kuya Jon, at mukhang interesado siyang malaman ah? Baka siguro siempre gusto niya malaman kung ano ugali ng kapatid niya dahil hindi sila nagkasama ng matagal. Naisip ko na sabihin lahat ng magaganda tungkol kay Jin, para plus points ako kay Kuya Jon! "Si Jin kasi, bilang kaibigan, masasabi ko na ang swerte ko na nakilala ko yang tao na 'yan. Pero sa totoo lang, kung hindi unang lumapit si Jin sa akin, hindi ako magbabago. Isa siya sa may pinakamalaking part ng buhay ko. Pakiramdam ko nga siya nagpabago sa akin eh. Hindi kasi ako ganoon ka approachable dati. Competitive din ako palagi, gusto ko nasa akin lahat ng attention at gusto ko ako ang pinakamagaling sa lahat. Pero nagbago 'yun noong nakilala ko siya at naging kaibigan. Sa kanya ko natutunan 'yung salitang "Tayo" na dati ang alam ko lang ay 'ako'."

Pagkatapos ko magpaliwanag kay Kuya Jon, parang naluha ata siya ng slight? Napasobra ata ang pagkukwento ko sa kanya at masyado niyang dinamdam? Haha!

"Mayroon pa bang kasunod, Rjay?" tanong ni Kuya Jon habang medyo nagiging teary-eyed na.

"Sa lahat ng tao, si Jin din ang pinaka pinagkakatiwalaan ko. Hindi ako ni-let down niyan kahit isang beses. Tuwing kailangan ko ng tulong, isang tawag ko lang d'yan. Pwede niya na nga palitan si superman eh! Parang kapatid na rin talaga turing ko kay Jin. Siguro parang mas nakakatandang kapatid. Meron din naman akong nakakatandang kapatid, kaso hindi na kami magkasama. Pero parang pakiramdam ko, nagkaroon ng isa pang kapatid kahit hindi kami magkadugo. Iba din kasi siya, alagaan ka niya pero hindi niya ipapakita sayo na nag-aalala siya. Ipapakita niya sayo ng pabiro which is nakakatuwa kasi lagi lang kaming masaya dalawa."

Napangisi si Kuya Jon pagkatapos ko magkwento. Bakit kaya? Natutuwa siguro siya kay Jin, kasi nagawa niya maging okay sa likod ng malungkot na buhay na pagiging mag-isa.

"Salamat Rjay, kahit papano, isa ka talagang tunay na kaibigan para kay Jin. Pero, tatanawin ko na isang malaking utang na loob 'to na tinuring mo na kapatid si Jin kahit hindi kayo magkadugo." nakangiting sagot sa akin ni Kuya Jon.

"Yayakapin ko ba siya para i-comfort? Kailangan niya kaya?" Kaso naisip ko, baka sapakin lang niya ako. 'Wag na lang! "Ayun po. Sorry ang haba ng sagot ko kuya Jon. Madrama po ba yung sinabi ko?"

"Oo, pwede na pang teleserye!"

Bumalik na ulit si Kuya Jon sa pagtuturo at nagsimula na siyang maghiwa ng ibang mga ingredients na kailangan para sa baked oysters. Tinitingnan ko ang kamay niya at medyo may mga kalyo at sugat na ito, siguro dahil sa pag work-out niya. Napansin ko din na may suot siyang bracelet kagaya ng kay Jin at kay Chris.

"Saglit? Bakit wala ako nito!" Binasa ko ang nakasulat na pangalan sa bracelet niya at ang nakasulat ay "Jin T". Anong Ibig sabihin noon? "Jin Torres"? Kaya naisip kong itanong itonsa kanya, "Kuya Jon. May tanong ulit ako."

"Ano 'yun? 100 pesos na to ah?"

"Nako kuya Jon! Kidding aside, napansin ko kasi 'yung bracelet mo nakalagay 'yung pangalan ni Jin tas may 'T'. Ano ibig sabihin noon?"

Hinihintay ko ang sagot ni Kuya Jon at medyo napatigil siya. Tumitingin siya sa paligid at hindi ko maintindihan kung bakit. "Naghahanap ba siya ng sagot sa kitchen?" Pagkatapos niya tumingin-tingin sa paligid, ay sinagot niya na ang tanong ko.

"Ahh, ito ba? Pangalan ni Jin 'to. Hiningi ko kay sa kanya kasi mahilig kasi ako sa mga ganito. Eh wala naman ako pakialam kung may pangalan o wala, gusto ko lang yung design kaya hiningi ko sa kanya."

"Oh, kaya pala. Sige po, hindi na kita guguluhin. Baka mamaya tumaas pa ang question fee mo. Ahaha!"

Pogi sana si Kuya Jon, pero minsan ang weird niya lang talaga. Pero, that's okay! Sana lang hindi muna siya magka-girlfriend or boyfriend!

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Natapos na rin sa training and cooking session 'kuno' silang dalawa at kahit hindi naman talaga nakinig si Rjay. Nagsimula na rin sila magligpit ng mga kalat at ang kanilang mga ginamit na utensils. Habang nag-aayos at naglilinis sila sa kitchen, may naisip si Jon na gawin, at binahagi niya ito kay Rjay.

"Rjay, alam ko pupunta ka sa birthday ni Jin. Balak ko kasi siya isurprise sa birthday niya. Matagal na panahon na rin kasi siya hindi nakakaranas ng birthday party. Mukhang kailangan ko ng tulong niyo nila Chris at Luna. G ba kayo?"

"Sure po! Gusto mo po gumawa ako ng G.C. natin para sa birthday ni Jin?"

"Okay yan. Sige sige!"

"May messenger po ba kayo?"

"Wag messenger!" pasigaw na nasabi ni Jon na ikinagulat ni Rjay

"Sorry po, Viber?"

"Sige okay 'yan! Viber na lang."

Naisip bigla ni Jon na hindi pwede ang Messenger, dahil iisa lang sila ni Jin. At isa pa, mabubuko sila sa surprise na gagawin nila 'pag nagkataon. Kahit hindi rin ito naganap noon sa panahon niya, gusto niya lang naman na kahit isang beses na maranasan ng batang Jin na magkaroon ng party sa 21st Birthday nito. "Wala naman sigurong masamang mangyayari kung gagawin ko 'to? 'Di ba!" nasa isip ni Jon.

Nagsimula na rin gumawa si Rjay ng G.C. sa Viber at pinangalanan niya itong "Secret/Surprise 21st Birthday Party for Jin". Nag-add na si Rjay ng mga members ng G.C. at isa isa niya na nilagay sina Jon, Chris at Luna.

Pop!

Nagnotify na sa phone ni Jon ang G.C. na ginawa ni Rjay at binuksan niya ito.

Created April 4 2020, 7:30 Pm "Secret/Surprise 21st Birthday Party for Jin"

Luna: O M! Legit ba to?

Chris: Nice!

Rjay: Oo, si Kuya Jon ang may pasimuno! Haha!

Jon: Pasensya na kayo, naabala ko kayo.

Luna: Hele keye Jen, ekey leng pe. Hihihihi!

Rjay: Hanggang dito ba naman Luna? Talaga?

Luna: Bakit ba? So anyways... ano ba ang plano? Keye Jen, ene pe yeng plene neten? Hehehe!

Jon: Ganito, sa April 6 na kasi birthday ni Jin diba? Sa araw na yun... wag niyo siya papansinin.. Kunwari wala kayong pakialam sa kanya. Wag niyong sasabayan kumain. Okay ba? Basta kunwari iniiwasan niyo siya tska nakalimutan niyo birthday niya. Wag niyo rin babatiin. Kaya ba?

Luna: Ay, papatampuhin tas with matching surprise, gusto ko yan. G ako! Gagalingan ko umacting hahaha! May naisip na ko!

Rjay: Sakin walang problema kasi hindi naman kami pareho ng department, kaya hindi kami mahihirapan ni Luna. Chris, anong balak mo? Pareho kayo ng Department ni Jin

Chris: Parang hindi ko yata kaya na hindi mamansin. Baka mabuko tayo

Jon: Kaya mo yan Chris. Isipin mo lang galit ka sa kanya. Basta ikaw ng bahala. Kunwari, busy ka kaya ayaw mo siya kausapin. Kunin mo lahat ng trabaho. Pag tinulungan ka niya, sabihin mo kaya mo na ng sarili mo okay ba?

Chris: Sige po! Para sa surprise kakayanin ko po.

Jon: Good. Malinaw tayo sa part na yan. Basta ang plano, iparamdam niyo kay Jin na hindi niyo siya pinapansin ng isang buong araw. magtataka yan. Kung kulitin man kayo, wag niyo rereplyan. Pag nagtampo, mas maganda mas para mas maganda, ma-susurprise siya! So Balak ko, since ang April 6 ay monday, pagkatapos ng shift niyo, tsaka kayo pumunta dito. Mas maganda mauna kayo kay Jin. Mag ingat kayo kasi susundan kayo nun. Maniwala kayo sakin, hindi kayo titigilan niyan dahil hindi niyo siya papansinin. So pakiramdam niya may nagawa yan. Kahit wag na kayo magsabay sabay na pumunta dito basta galingan niyo nalang lumusot. Ako na bahala mag ayos dito... Dito tayo sa likod ulit.

Rjay: G ako!

Luna: Ako din! Awayin ko nga si Jin ng araw na yan! Hahaha!

Chris: G din po ako. problema ko lang talaga si Jin.

Jon: Ayan. basta maliwanag na ah. Ang kailangan gawin kay Jin palunkutin niyo muna. Kahit hindi niyo makita na malungkot yan sa labas, sa loob ang lungkot niyan. Emotional yan pero hindi niya papakita sa inyo. Basta if may questions kayo magping lang kayo sa GC natin. Thank you and sorry sa abala.

"Ayan! Naka set na tayo ng plano. Salamat Rjay sa tulong. Oo nga pala, kung itong baked oysters 'yung ireregalo mo kay Jin, ipadeliver mo na lang dito sa amin bago mag 6 p.m. para hindi mo na dalhin sa office. Okay ba?" tanong ni Jon.

"Sige po. Iniisip ko din po kung paano ko siya dadalhin sa office, pero gano'n na lang po siguro. Ipapadeliver ko na lang sa bahay niyo." nakangiting sagot ni Rjay.

"All right! Teka Rjay, mag 8 p.m. na, kailangan mo na din pala umuwi. Gusto mo ba ihatid na kita sa inyo? Malapit lang din naman kami sa inyo."

Naisip ni Rjay na magpakipot at sabihing wag na siyang ihatid. Ire-reverse psychology niya si Jon, dahil nararamdaman niya na hindi ito papayag na umuwi ng mag-isa.

"Ay 'wag na po Kuya Jon, nakakahiya! Ako na lang po mag isa, maglalakad lang ako, malapit lang naman, tsaka wala naman pong sira-ulo diyan sa labas."

"Hindi, okay lang. At saka tinulungan mo din naman ako ngayon para sa birthday ni Jin kaya hayaan mo na lang ako. At saka gabi na, delikado mag lakad sa labas mag-isa." hirit ni Jon.

"Bull's eye! Madali naman ako kausap! Haha!" nasa isip ni Rjay, dahil tagumpay ang pag reverse psychology niya. "Hmm, Sige po kayo po bahala, Kuya Jon. Tara na po ba?" paanyaya ni Rjay na kunwari ay nahihiya ito ngunit gusto niya naman talaga na ihatid siya.

Tinanggal na ni Jon ang kanyang apron at sinabit muli malapit sa pinto ng kitchen, at pagkatapos ay kumuha ng light green na t-shirt na nakapatong sa kanyang sofa na hinihigaan sa living room. Pagkatapos niya mag-suot ng t-shirt, lumabas na sila ni Rjay sa bahay upang ihatid na ito pauwi.

Nagsimula na silang maglakad at sumusulyap ng tingin si Rjay kay Jon 'pag may pagkakataon. Napapaisip pa rin siya hanggang ngayon na tila si Jin ang kasama niya buong magdamag kahit hindi naman talaga, para sa kanya. Napatitig siya kay Jon at pinagmamasdan ang side profile nito.

"Arrrgghh! Jin na Jin!" Nasa isip ni Rjay.

Napansin ni Jon na tinititigan siya ni Rjay, kaya tiningnan niya ito pabalik at nginitian.

"May madumi ba sa mukha ko? Pangit ba ko?" tanong ni Jon.

"Hindi po! Wala pong madumi! Gwapo po kayo! Top 1 kayo, tapos top 2 si Jin, top 3 ako! Haha!" nahihiyang sagot ni Rjay habang nakayuko na siya.

"Aba! Pinauna mo pa si Jin, Nagpaubaya ka pa talaga!" natatawang sagot ni Jon.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Pagkatapos ng limang kanto mula sa bahay nila Jin, ay nakarating na rin sila sa bahay ni Rjay. Tumayo na sila sa tapat ng gate ng bahay ni Rjay at nagharap silang dalawa para magpaalam sa isa't isa.

"Salamat sa paghatid, Kuya Jon! Papasok na po ako sa bahay!" nakangiti at nahihiyang paalam ni Rjay.

"Sure! Anytime. Pag may kailangan ka, Rjay, sabihin mo lang sa akin." nakangiting hirit ni Jon.

"Kayong dalawa ang kailangan ko ni Jin." Bulong ni Rjay sa kanyang sarili.

"Ha? Anong sabi mo?"

"Wala po! Papasok na ako! Thank you ulit!"

Hinintay ni Jon na makapasok si Rjay sa bahay nito bago siya umalis. 'Iyon ay para masigurado na ligtas ang kanyang kaibigan na nakauwi at nakapasok ng bahay. Umalis na rin siya pagkatapos na makapasok ni Rjay, at habang naglalakad pauwi, biglang nag-ring ang kanyang phone. Kinuha niya ang kanyang phone sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Hmm? Tumatawag si Chris? Bakit kaya? May problema kaya siya?" Sinagot niya ang tawag ni Chris pagkatapos ito makita.

Jon: Hello Chris? Ba't ka napatawag, may problema ba?

Chris: Hello po, Sir Jon, para 'to sa birthday ni Jin, yung plano po.

Jon: Oh, bakit? May problema ba?

Chris: May bigla akong naalala. Kasi meron po kaming officemate na shiniship kaming dalawa ni Jin. Sorry po, pero pag nakita niya kami na hindi nagpapansinan, tingin ko po may gagawin na naman siyang kakaiba.

Biglang naalala ni Jon na baka mahirapan si Chris dahil kay Jade na lagi silang kinukulit 'pag hindi sila dalawa nag-uusap ng maayos sa office.

Jon: Okay, ganito na lang, kausapin mo na lang si Ms. Jade tungkol sa plano niyo, okay ba?

Chris: Kilala niyo po si Ms. Jade?

Napa-facepalm na lang si Jon bigla dahil nawala sa isip niya na wala siya sa sarili niyang oras at kinakausap niya si Chris bilang "Jin".

Jon: Ahhhmmm. Nakwento lang sakin ni Jin na may makulit daw siyang senior, Ms. Jade daw pangalan. Haha! Kaya naman napagkamalan ko na si Ms. Jade yun base sa kwento mo.

Chris: Ahh. kaya po pala. Opo siya nga. Sige sasabihan ko na lang po siya pag nagsimula na siya gumawa ng moves niya.

"Phew! Ang dami ko ng pinalusot sa kanila" nasa isip ni Jon.

Jon: Oh sige, Chris. May iba ka pa bang gustong sabihin?

Chris: Opo, pakisabi po kay Jin na sorry, hindi ko po sinasadya yung kanina sa elevator

Jon: Bakit? Ano nangyari?

Chris: Nakakahiyang pangyayari po. Sa kanya na lang po kayo magtanong. Hindi ko po kayang sabihin eh.

Jon: Okay sige. Bye, Chris!

Chris: Bye din po, Sir Jon!

Pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa ni Chris, hindi namalayan ni Jon na nakauwi na rin pala siya at nasa tapat na siya ng kanyang bahay. Pumasok na siya sa loob at nakita niya si Jin na nakaupo sa sofa sa living room at nakatingala lamang sa ceiling. Dinaanan niya lang si Jin at tumungo siya sa kitchen upang kumuha ng 2 bote ng beer sa ref. Pagkatapos ay bumalik siya ng living room, umupo sa sofa sa tabi ni Jin at inabot ang isang malamig na bote ng beer.

"Oh, anong problema mo? Spill." tanong ni Jon.

"Wala, may naalala lang ako."

"Ano? 'Yung tungkol kay Chris ba yan?"

Nahiya si Jin bigla at napalagok ng beer at pagkatapos ay tinanong niya na si Jon.

"Paano mo nalaman! Oo nga pala, alam mo na lahat ng mangyayari." nanganambang sinabi ni Jin.

"Hindi, hindi ko alam 'tong nangyari. Bago ito para sa akin. Tumawag si Chris sa akin kanina, sabi niya sabihin ko daw sayo na nag so-sorry daw siya. Hindi ka daw kasi sumasagot ng phone. Ano ba nangyari?" tanong ni Jon at siya naman ang lumagok ng beer.

"Huh? tumawag ba siya? Hindi ko alam. Natutulog ako eh." hirit ni Jin.

"So ano nangyari nga?" tanong ni Jon.

"Haaayy, ganito kasi. Wala naman may gusto ng pangyayari, kaso kasi ang bilis lang talaga ng mga kaganapan! Eh kasi-"

"Kasi ano?"

"Hinaharangan ko si Chris sa mga tao, kasi 'yung likod niya hindi pa magaling. So kaharap ko siya, at medyo magkalapit kami. Sa hindi inaasahan, nang mag tulakan 'yung mga tao papasok ng elevator-"

"Oh tapos?" Medyo kinakabahan si Jon.

"Nahalikan ko si Chris sa forehead!" hirit ni Jin at nilagok niya na ang natitirang beer sa kanyang bote dahil sa kahihiyan.

"Whaaaatt! Ayun lang pala! Akala ko naman kung ano! Akala ko na trap kayo sa elevator dahil sa kagagawan niyong dalawa! Oh ano naman kung nahalikan mo siya? Aksidente lang naman."

"Hindi ko napigilan sarili ko! Ang tagal ko nahalikan si Chris! Mga lampas isang minuto!" naiiyak na sinabi ni Jin dahil sa hiya.

"Whaaaaatt! Hindi mo agad tinanggal" Gulat na gulat si Jon, ngunit natatawa siya.

"Oo! Hindi ko agad natanggal! 'Yung katawan ko parang nag freeze!" sagot ni Jin at pagkatapos, kinuha niya ang beer na hawak ni Jon at ito ang inubos naman niya.

"So nahihiya ka ngayon sa ginawa mo?" tanong ni Jon.

"Oo! Pero ang malala, 'wag mo ko i-jujudge ah? Ikaw ang bahala mag-guide sa akin!"

"Sige, tuloy mo lang. Makikinig ako."

"Hindi ko alam! Pero, hindi ko ma-gets kung bakit nagustuhan ko 'yung nangyari kanina! Nalilito na ko!" tanong ni Jin sa kanyang sarili at kay Jon habang nangingiyak na dahil hindi niya na alam ang kanyang gagawin.

Hindi alam ni Jon kung maaawa siya o matatawa kay Jin. Para sa kanya, okay ang nangyari sa dalawa, pero gusto niya pa rin na si Jin ang mag sort-out ng nararamdaman nito para kay Chris. Ang sa kanya lang, mag-aadvice siya pag alam niyang hindi na tama ang nangyayari.

"Nalilito ka kasi hindi mo alam kung bakit gusto mo na nahalikan mo si Chris?" tanong ni Jon.

"Oo!"

"Bakit ka naman nalilito? May dapat bang ikalito?" tanong ni Jon habang kumukuha pa ulit siya ng dalawang bote ng beer sa ref na nasa kitchen nila.

"Eh kasi, kaibigan ko si Chris. Alam mo naman 'yung kiss natin sa forehead, pinakaspecial para sa atin 'yun 'di ba? Kapag ginawa natin 'yun sa isang tao, ibig sabihin mahal natin yung tao na yun." paliwanag ni Jin.

Nakaupo na si Jon muli sa sofa at inabot na kay Jin ang bote ng beer at nagtanong.

"Ohhh, mahal mo na ba kaya mo nagustuhan?" tanong ni Jon.

"Doon nga ko nalilito! Wala pa ko sa point na mahal ko si Chris! Although mahal ko siya bilang kaibigan at kapatid, pero hindi ko alam bakit yung puso ko, bakit parang gusto 'yung nangyari! Pero yung isip ko sinasabi na hindi pwede kasi kaibigan ko si Chris. Hindi talaga ako pwede magkagusto sa kanya kasi pareho kaming lalaki!" naiiyak na sinabi ni Jin habang iniinom ang kanyang beer.

"Jin, kahit pareho kayong lalaki o sabihin na nating kahit pareho babae, o kaya babae at lalaki, lahat yan pwede magmahal. Iba na ngayon, ano ka ba! 2020 na pero pinipilit mo pa rin maging close-minded! 'Pag nararamdaman ng isang tao na may mahal siya, mapababae man o lalake, sundin lang niya 'yung puso niya. Sundin niya kung saan siya sasaya. Iisa lang ang buhay natin, pagkakait pa ba natin sa sarili natin 'yung mga bagay na pwede magpasaya sa atin?" paliwanag ni Jon.

"Ehh kasi! Arrgghhh! Hindi ko alam kung mahal ko na ba si Chris o nai-infatuate lang ako! Baka natutuwa lang din ako sa kanya eh. Hindi ko alam kung feelings ba 'to na platonic o romantically. Sa'yo ko 'to sinasabi kasi kung may mas nakakakilala sa akin, ikaw 'yun! So anong masasabi mo?" tanong ni Jin.

"Ang masasabi ko lang sa'yo, take your time. 'Wag mo madaliin 'yung sarili mo. Kahit magkaiba 'yung sinasabi ng isip at puso mo ngayon, dadating 'yung point na magtutugma din sila. Basta sa ngayon, hayaan mo na lang muna 'yung sarili mo maging masaya. 'Wag mo pigilan 'yung sarili mo. Tandaan mo, Mag-isa na lang tayo, hindi tayo masaya sa buhay natin pero pinipilit natin kasi ayaw natin maging malungkot tayo habangbuhay." paliwanag ni Jon.

"Eh kasi, kaya ako mas nalilito, kasi hindi naman ako ganito kay Rjay. Bestfriend kami ni Rjay pero never ko iniisip to or never akong nalito. Pero bakit pagdating kay Chris, ibang usapan na?" tanong ni Jin.

"Si Rjay kasi, best friend natin 'yan, kapatid na talaga ang turing natin d'yan. Wala tayong kapatid, kaya parang naging brother figure natin si Rjay at 'yun na ang tumatak sa atin. Si Chris naman, gusto ko ikaw ang mag-decide para sa kanya. Gusto ko na i-process mo 'yung totoong feelings mo para sa kanya. Pag narealize mo na, ang kauna unahan mong taong sasabihan ay hindi ako, kung hindi si Chris. Okay ba?" sagot ni Jon.

"Hmmm." Inubos ni Jin ang beer sa kanyang bote at nagsalita muli. "May sense ka din pala kausap eh no? Akala ko walang sense kausap yung sarili ko! Pero dahil sayo, kahit papano nabawasan ang pagiging lito ko." pabirong sinabi ni Jin.

"Hay! Oo nga pala, birthday na natin sa 6, may balak ka ba?" tanong ni Jon.

"Ako pa talaga tinanong mo! Malamang matutulog para kinabukasan na agad. Alam mo naman tayo, taga kain lang tayo sa birthday ng iba pero hindi tayo maghahanda ng birthday natin!" pabirong sinabi ni Jin.

"Kahit kailan talaga! Umalis ka na nga sa sofa ko! Matutulog na nga ko, inantok lang ako sa beer na to." hirit ni Jon.

Tumayo na si Jin at tumalikod na kay Jon, nang biglang siyang nagsalita muli.

"Pero seriously, salamat nandito ka. Kahit papano, pakiramdam ko may pamilya ako." hirit ni Jin. Lumingon muli siya kay Jon, at nagkatinginan sila saglit at biglang nag asaran na para silang nasusuka sa isa't isa.

"Ang drama natin! Pwe!" pabirong sinabi ni Jon.

"Oo nga kadiri 'no? Tigil na nga natin, kinikilabutan ako!" natatawang hirit ni Jin at dumiretso na siya sa kanyang kwarto, habang si Jon naman ay nilapag ang hawak na bote ng beer sa sahig at saka humiga sa sofa.

Nakatingin lamang siya sa ceiling at nag iisip ng mga bagay bagay. Naaawa siya para sa batang Jin dahil sa pagkalito nito na nararamdaman para sa sarili. Alam niya na maaayos din ng batang Jin ang totoo nitong nararamdaman balang araw. Ayaw niya lang na madaliin ito at sabihin kung ano ang dapat nitong maramdaman para kay Chris, dahil kapag nagkataon, baka mafall-out of love ang dalawa nang biglaan.

"Hindi 'yun pwede mangyari, dahil maaapektuhan ang timeline naming dalawa. Marami pang magaganap sa mga susunod, pero ako, may 9 months nalang ako bago mangyari ang ikinatatakot ko. Kailangan magawan ko ng paraan kung paano maliligtas si Chris sa pangyayaring 'yun."

Gusto niya din malaman kung bakit napunta si Chris sa building na iyon, at sino ang may gawa. "Anong gusto nila kay Chris? Bakit siya pinatay? Sinong pumatay sa kanya? Ang daming tanong sa isipan ko, pero tingin ko, mas maganda 'tong pagkakamaling nangyari na sa oras na ito ako napunta. Mas mahaba ang oras ko para imbestigahan kung ano talaga ang nangyari."

End of Chapter 12

次の章へ