webnovel

CHAPTER 3:

[ Sheryl Cho POV ]

Another day, another mission nanaman para i-stalk si myloves. Vacant time namin ngayon kaya maluwag ang oras para sa kaniya. Mula rito sa may library na kung saan kaming tatlo ay nag-aaral, I mean dalawa lang pala silang nag-aaral dahil nasa iba ang focus ko. Mula sa may bintana ng library ay kita kong nasa baba si Coen kasama ang mga tropa nyang lalaki.

"Hoy tigilan mo na nga iyang kaka picture sa kaniya, hindi ka ba nagsasawa?" bulong ni Bentlee

"Kung siya ba naman iyung pinipicturan mo sinong hindi magsasawa sa kaniya" sagot ko habang patuloy paring siyang kinukuhanan ng litrato

"Hoy, pinapakita mo ba talaga kay Dewey kung gaano ka kabaliw sa lalaking iyan? Mahiya ka naman ng kaunti sa kaniya" saad nito

Binitawan ko naman ang camera at tumingin sa kaniya.

"Bakit? Sigurado naman akong dumaan din sa ganitong situation si Dewey, tama ba? Kaya naiintindihan niya rin iyong nararamdaman ko ngayon"

"Actually, hindi ko pa nagagawa ang bagay na iyan" sagot nito habang nagsusulat

"Anong ibig mong sabihin? Never ka bang may nagustuhang babae?"

"Parang ganun na nga. Kaya hindi ko alam kung anong klaseng feelings ba ang nararamdaman mo sa kaniya" sagot nito

"Imposible naman na wala ka pang nagugustuhang babae? Oh kaya naman may mga nagkakagusto sa iyo. Isa kang top student, cute ka rin, i'm sure na meron ding naghahabol sa iyo" saad ni Bentlee

"Never pa akong nagkagusto sa isang babae, simple lang akong estudyante, nakikita nila ako na parating mag-isa at nag-aaral. Kaya siguro wala rin akong time para sa mga ganiyan." saad nito

"Pero never ka pa bang nakapasok sa isang relationship? Alam mo gusto gusto ko ng maranasan iyon pero malalagot naman ako sa family ko, kaya sobra akong naiinggit kapag may mga kaibigan akong nakaranas na ng ganun" saad ko

"Meron, naranasan ko na iyon pero nagkamali ako. Hindi lahat ng tao may magandang hangarin sa iyo. Kaya i'm sure na may dahilan din ang parents mo kaya sobrang strict pa nila sa iyo" saad niya

"Napaka lungkot naman ng puso mo. Hayaan mo hindi pa naman ang huli ang lahat, dito sa college marami ka pang makikilalang babae. Expert kami sa paghahanap ng magagandang babae para sa blind date mo. Kaya kung ready ka na ulit sabihan mo lang kami" saad ni Bentlee

"Hindi niyo na dapat gawin iyan, wala rin naman akong time sa mga ganiyan eh. Okay lang naman na single akong tao" saad nito

"Nakakalungkot rin na maging single noh, lalo na't may nagugustuhan kang tao, katulad niya" saad ko habang nakakatitig kay Coen mula sa baba

Dahil siguro sa inis ni Bentlee sa akin ay ibinigay nito ang libro at notebook sa akin na may kasamang ballpen.

"Alam mo, mas mabuti siguro na mag-aral ka muna bago mo ulit pagpyestahan si Coen. Go! isulat mo na iyan. Marami pa tayong gagawin, wag ka munang lumandi dyan okay?" saad ni Bentlee

"Oo na~ mag-aaral na" saad ko

Kita ko naman na napatawa ng bahagya si Dewey habang si Bentlee naman ay seryosong nag-aaral. Paano nila nagagawang makapag aral ng ganiyang kaseryoso? Mag-aral na nga para magustuhan naman ako ni Coen kahit papano.

[ Junseo Cho POV ]

BLACKBIRD MODELLING AGENCY

Sa araw na ito ay panibagong theme nanaman ang i sho-shoot namin. From the 80's and 90's na retrong damit na ginawa mismo ni Hyol ang ngayo'y isinusuot sa mga model na nandito para sa next shoot.

Inihanda ko narin ang camera ko para sa shoot nila. Pose dito, pose doon, rampa dito rampa doon. Pagkatapos ng pang 80's na photoshoot ay pang 90's na theme naman ang i ra-rampa at i mo-model nila. Tanging tunog lang ng camera at instruction ng director ang naririnig ng lahat mula dito sa studio.

Pagkatapos agad ng shoot ay nagpatawag si Hyol na siyang CEO para magsagawa ng isang meeting. Mga models, photographer na isa na ako doon at ang director lang ang kasama sa meeting na gaganapin.

Nakaupo kaming lahat maliban sa mga model na nakatayo at nakaharap sa amin ngayon. Katabi ko si Hyol at katabi naman niya sa right side ang director na nag ma-manage sa lahat ng mga model.

"Masaya ako sa mga nagiging resulta ng shoot niyo araw araw, sa bawat mga collection na inilalabas natin nakakaipon tayo ng mga magagandang reviews sa mga tao. Nakikita ko rin ang kasipagan ninyo everyday kaya keep up the good work" bati ni Hyol sa lahat

"Thank you po!" sagot nila

"Syempre gusto ko ring batiin at pasalamatan ang napaka husay ninyong photographer, dahil sa kaniya mas gumaganda ang image niyo sa mga magazine na inilalabas natin. Keep it up Junseo" puri nito

Napangiti naman ako ng bahagya dahil sa puri niya, ewan ko lang kung totoo ba iyan o kaplastikan nanaman.

"Kaya ko kayo napatawag dahil malapit nang maganap ang elimination para sa mga rarampa for the world fashion week. Kaya this coming week madalang muna ang photoshoot natin dahil mag fo-focus kayo sa pagte-training mula sa pagrampa at sa kasuotan na gagamitin ninyo. Ginagawa ko na ang magiging theme natin for the world fashion week, kaya mas mataas ngayon ang expectations ko sa inyo" saad nito

Sa world fashion week na gaganapin ay ilalabas namin at ipapakita ang magaganda naming collection na dadaluhan ng mga sikat na designer sa buong mundo. Mahalaga ito para kay Hyol dahil ipapakita niya sa buong mundo ang natatangi niyang talento sa paggawa ng magagandang damit. Dahil dito magiging busy lalo ang mga model at ako naman magkakaroon na sa wakas ng time para sa bar na itinayo ko.

"Napag-usapan namin na simula bukas, mag i start na ang competition bawat isa sa inyo para sa gaganaping elimation. Each one of you ay may mga task na dapat magkaroon kayo ng isang sponsor sa isang company at dapat mataas din ang makukuha niyong score mula sa kanila" saad ng director

Bakas naman sa bawat isa sa kanila ang excitement at ang ilan naman ay mukhang kinakabahan para dito.

"Kung meron man sa inyong nahihirapan lumapit lang kayo sa amin para magawan natin agad ng sulusyon. Pagkatapos ng meeting makikita niyo na sa board ang mga pangalan niyo at by next day lalabas na agad ang resulta ng mga scores niyo base sa kung anong company ang kukuha sa inyo. Sa mga makakakuha ng matataas na ranking until the last day of elimination sila na ang pasok para i represent ang collection natin sa world fashion week. I will looking forward for your best result. Kung wala na kayong tanong, tapos na ang meeting" saad nito

Tumango naman silang lahat at nagsi-alisan narin mula sa studio kung saan din kami nag meeting. Nauna na ring umalis ang director at kami na lang dalawa ni Hyol ang natitira sa loob.

"So elimation na pala this coming week, napaaga ata" saad ko habang nakaupo pa rin

"Mas maaga, mas maganda. Mas makakapag practice pa sila ng mabuti para mapili sila. Kung iniisip mo na wala kang gagawing trabaho dito nagkakamali ka, magkakaroon pa rin sila ng kaniya kaniya nilang shoot para sa sponsor na maibibigay sa kanila, at ikaw ang i aasign ko para doon. Kaya dapat pagbutihin mo din ang trabaho mo" saad nito habang ang ce-cellphone

"Nagkita kami ulit" saad ko

"Who? Saan? Kailan?"

"Nung isang araw, sa may bar. Iyong employee ko pala ang nagbigay ng number mo sa kaniya, nakalimutan ko na ako pala ang nag utos na number mo ang ibigay at hindi sa akin"

Nagulat naman siya sa sinabi ko kaya inalis niya muna ang focus niya sa kaka cellphone at humarap sa akin.

"Huh?! Ano? Bakit mo naman binigay sa employee mo iyong number ko??" reklamo nito

"Sorry na, hindi kita pipigilan na magalit sa akin ngayon"

"Alam mo nakakainis ka na, idinadamay mo pa ako sa mga problema mo"

"Wala narin naman na siyang magagawa"

"Hoy Junseo, mag focus ka na lang muna sa passion mo ngayon, alam nating hindi naging maganda ang pinagdaanan mo sa past relationship mo. Ikaw at ikaw pa rin ang mag dedecide para sa sarili mo kaya ingatan mo na iyan ha?" payo nito

"Mauuna na ako, gagawin ko pa iyung mga damit na i re-represent natin sa world fashion week. Magkita na lang tayo mamaya" dugtong pa nito sabay tapik sa braso ko

Umalis na nga ng tuluyan si Hyol at nakaupo parin ako with matching malalim ang iniisip. Malaki rin ang naitulong ni Hyol sa buhay ko kaya until now buhay pa rin ako. Pero anyway dahil tapos narin naman na ang work ko dito dumaan muna ako sa office ni mama.

Cho Deom Corporation

Pagpasok ko sa office, nadatnan ko si mama na nakaupo habang busy sa trabaho niya. Umupo naman ako sa sofa para magpahinga at agad naman akong napansin ni mama.

"Bakit? Himala ata at binisita mo ako dito. Kumusta ang baby ko? May problema ba?" saad ni mama

"Nothing mom, Katatapos lang ng work ko at sinadya ko talagang dalawin kayo dito. Okay lang po ba kayo?"

"Huwag mo akong alalahanin, okay lang ang mama mo dito kahit na maraming dapat asikasuhin. Ayaw mo ba talagang magtrabaho dito sa kompanya? Mas makakabuti kung dito ka magtrabaho kaysa sa iba" saad nito habang patuloy parin sa work niya

"Pinipilit parin po ba kayo ni grandma about diyan?"

"Actually dalawa silang pumipilit sa akin kaya hindi ako makatanggi na pilitin ka rin, kaya anong magagawa ko? Ang sabi nila kausapin daw kita about dito kapag nagkita tayong dalawa"

Napabuntong hininga na lang ako sa mga oras na iyon. Ayokong ma dissapoint sa akin si lola lalo na si papa, pero ang pagiging photographer talaga ang gusto ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako kapag tinanggap ko ang offer nilang magtrabaho sa company. Except sa hussle sa work at madaming aasikasuhin, wala talaga akong interest na magkaroon ng parte sa company. I want to live as a normal person as long as i am happy sa gusto kong gawin.

Tumayo naman ako mula sa sofa at lumapit kay mama.

"Gusto nyo pong mag dinner tayo mamaya? Libre ko" aya ko

Tumigil naman si mama sa ginagawa niya at napatingin sa akin.

"Ngayon lang po ako nakadalaw dito kaya pagbigyan nyo na po ako. Masama pong mag trabaho na walang laman ang tiyan, hindi po kayo makakapag focus sa trabaho kapag ganyan"

"You look different today, are you sure you are my son?" biro ni mama

"Hihintayin ko po kayo sa malapit na restuarant dito. Nagpareserve na po ako kaya hindi na po kayo makakatanggi. See you later" saad ko

Tuluyan ko na ngang iniwan si mama sa office niya. Mamayang 8pm pa naman ang dinner namin ni mama kaya pupunta muna ako sa bar para mag work. Habang paalis mula sa building ay nakasalubong ko naman si papa at agad ko naman itong binati.

"Papa"

"Oh, napadalaw ka, Kanina ka pa ba dumating?"

"Opo, dinalaw ko lang po si mama sa office niya. Paalis narin po ako"

"Kumusta naman ang trabaho mo? Kumakain ka ba ng tama? Pumapayat ka, baka naman puro ka trabaho at nakakalimutan mo ng alagaan ang sarili mo?"

"Papa, okay naman po ako at maayos naman po ang lahat. Huwag din po kayong magpakapagod sa trabaho niyo mukhang nababawasan narin kayo ng timbang"

"Hindi ko naman maiwasan na magpahinga dahil marami din kaming tinatrabaho ng mama mo" saad nito

I admire my parents so much for their hard work not just by the sake of our company kung hindi pati narin sa aming dalawa ng sister ko. Dahil sa pagsusumikap nilang dalawa noong una, ganito na kalawak ang narating ng company namin.

"Sa susunod kung libre ka, magkape naman tayong dalawa. Nami-miss ko ng gawin iyon kasama ka"

"Sounds good. Sure po why not"

"Sige na mauuna na ako may meeting pa kami" sabay tapik sa balikat ko

"Mag-iingat po kayo" saad ko

Umalis na nga ng tuluyan si papa para pumunta sa meeting sila. Sumakay na rin ako ng kotse at tumungo na sa bar para magtrabaho.

[ Dewey Santos POV ]

Marami ng mga student ang nagsisilabasan dahil uwian na. Tapos narin ang klase namin kaya isa rin kami sa mga nagsisiuwian. Isang black na kotse naman ang kanina pang nakaparada sa may gate ng school para sunduin si Sheryl.

Iba talaga kapag mayaman, siya lang naman ang anak ng may-ari ng school na ito pero hindi excepted ang bagay na iyon. Kahit na anak pa siya ng may-ari ng school wala siyang special treatment dito, hindi siya iba sa lahat.

Kung paano i trato ng school ang ibang student ganito rin ang trato sa kaniya. I'm sure na ginagawa nila sa kaniya ito dahil kailangan din niyang matuto sa lahat ng bagay at tumayo sa sarili niyang paa.

"Mauuna na ako sa inyo, bukas ulet. Mag-iingat kayo" saad nito bago sumakay sa kotse

"Mag-iingat ka rin! See you tomorrow!" saad ni Bentlee

Ngumiti naman ako kay Sheryl sabay kumaway habang paalis ang kotseng sinasakyan niya.

"Tara na" yaya ni Bentlee ni sa akin

Tumugon naman ako at naglakad na kami papunta sa may bus stop. May isa nang paparating na bus sa amin pero iba ang daan pauwi sa bahay kaya nauna ng sumakay si Bentlee sa akin.

"Hindi ka sasakay?"

"Iba ang way ng bus pauwi sa amin, mag hihintay na lang ako ng kasunod"

"Okay, mauuna na ako. Mag-iingat ka"

"Hmm, ikaw rin" saad ko

Umalis na nga ang unang bus na dumating kaya naghintay pa ako ng kasunod na bus para makauwi na. Sa paghihintay ko mula rito ay may nakita akong isang tao na parang familiar sa akin na may kasamang isang lalaking matangkad na sobrang sweet nila sa isa't-isa.

"Sandali... parang familiar sa akin iyong lalaking iyon.."

"Bakit? ano bang meron?? bakit mo ako iniiwasan ng ganito??"

"Tumigil kana! masaya na ako sa iba, tigilan mo ako!"

"Hindi.. hindi ako titigil.. alam kong hindi ka masaya sa kaniya tama ba?? alam kong ako lang ang mahal mo kaya bakit mo tinatanggi sa lahat ang relasyon nating dalawa!!"

"Tama.. hindi ako dapat magkamali, siya iyong lalaki iyun.. Anong ginagawa niya?"

Natandaan ko na ang mukha niya, siya iyong lalaki sa may court na nagmamakaawa kay Krein na balikan siya. Ang lakas niya magsabi ng ganun pero tignan mo nga naman ang twist, hindi alam ni Krein na niloloko rin siya ng gagong ito. Karma is real nga naman.

Sobrang sweet nila sa isa't isa na parang nakakalimutan niyang nasa isang relasyon siya. Pinapanood ko parin sila sa mga susunod pang mangyayari at kalaunan ay sumakay siya sa kotse ng lalaking kasama niya.

Gusto kong sundan at alamin ang lahat, at ang totoo kung bakit niya ngayon niloloko si Krein pero ano nga bang pake ko sa dalawa? Kung may problema sila sa kanila na lang iyon.

Pero inaalala ko rin ang lagay ni Krein sa mga oras na hindi niya alam na niloloko na siya, kaya nagpasya akong sumakay ng taxi para sundan silang dalawa. Parang sa mga pelikula lang ang galawan ko, para akong isang spy agent na dapat tapusin ang isang mission.

Huminto na ang taxing sinasakyan ko at kita kong dito nga pumunta ang kotseng sinakyan nila. Bumaba ako para makita kung saan sila pumunta at bumungad sa akin ang isang...

Bar??

Anong klaseng Bar ito?? Puro mga lalaki lang ang nakikitang kong pumapasok at lumalabas mula rito. Nasa tapat lang ako ng bar habang nagtatago sa gilid, hindi na ako tumawid para lang makita ko sila ng malapitan.

Okay na ang spot na ito para makita ko kung totoong niloloko niya si Krein. Pinicturan ko sila ng palihim habang papasok sa bar na sobrang sweet sa isa't-isa at may pahawak hawak pa sa buhok, pati iyong mismong bar pinicturan ko rin.

Gusto kong pumasok sa loob para makita kung anong meron pang dapat makita. Sa tingin ko hindi sapat itong evidence na nakuha ko pero pwede narin dahil makikita mo talagang may something sa kanila.

Agad kong sinend ang nakuhanan kong picture kay Krein gamit ang new number ko kaya hindi niya malalaman na ako iyong nag message sa kaniya.

"Ikaw na ang humusga, nakuha ko ito ngayong gabi lang. Hanapin mo na lang ang lugar na ito para makita mo kung anong totoo"

*Message sent*

Siguro tama rin ang desisyon ko na malaman niya ang about dito. Hinayaan ko na lang kung anong nagaganap sa dalawang iyon at nagpasya na rin akong umuwi, pero hindi maalis sa curiosity ko kung anong klaseng bar iyon kaya pagkauwi ko sa bahay dumiretso ako agad sa kwarto at binuksan ang computer para i search ang name ng bar na iyon.

Paradise Bar, searching...

Lumabas agad sa result ang parehong bar na nakita ko kanina kaya pumunta ako agad sa description nito. Hindi ito simpleng bar at sikat ito sa lahat. May kakaiba akong nalaman about sa bar na ito. Ang bar na iyon ay exclusive lang sa mga lalaki at sa mga hindi straight na lalaki??

Teka... tama ba ako ng iniisip? Kaya ba puro mga lalaki lang ang nakikita ko sa lugar na iyon at doon nga silang pumuntang dalawa dahil...

Isa itong...

g-gay bar??

[ Junseo Cho POV ]

Kakatapos lang ng dinner namin ni mama kaya inihatid ko na siya muli sa office.

"Sigurado po ba kayong hindi pa po kayo uuwi? Ihahatid ko na po kayo"

"Hihintayin ko na lang ang papa mo para sabay na kami umuwi. Umuwi ka na para makapagpahinga ka narin" saad ni mama

"Para parin kayong mag college sweethearts. I will go now" saad ko

Umalis narin ako para makauwi na sa bahay. Nagpatayo na ako ng sarili kong bahay dahil sa mga naipon ko sa trabaho, sila mama, papa at Sheryl naman ang magkakasama. Mag-isa lang ako sa bahay pero minsan hindi dahil dito rin umuuwi ang kapatid ko para lang ubusin ang lahat ng pagkain ko dito at saka makitulog. Kagaya ngayon...

"Oh kuya!" bungad nito sa akin habang hawak hawak ang plato na may lamang kimchi rice

I told you.. siya lang naman ang taga ubos ng pagkain ko dito.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka umuwi sa bahay?"

"Nagpaalam ako kay mama na dito ako matutulog sa bahay mo, hindi ba binaggit sa iyo ni mama?"

Haysss si mama talaga.

"Sige na, pagkatapos mong kumain patayin mo ang ilaw. Matutulog na ako"

"Sandali kuya, hindi ka kakain? Nagluto pa ako ng kimchi rice baka gusto mo rin"

"Hindi na, nag dinner na kami ni mama kaya busog pa ako" saad

"Nag dinner?! Bakit hindi niyo ko sinama!" sigaw nito habang papasok ako sa kwarto ko

"Next time ka na lang sumama. Goodnight na" saad ko

"Kuya naman eh! ang daya niyo talaga!" reklamo nito

Pumasok na ako ng kwarto sabay tanggal ng coat ko at tuluyang humiga sa malambot kong kama. Napaka sarap humiga~

Sa right table ko naman ay nakita ko ang camera ko na nakalimutan kong iligpit, pero bago iyon ay kinuha ko muna ito para tignan.

Gabi iyon nang magdesisyon akong pumunta sa tulay para kuhanan ito ng litrato. Maganda kasi ito kapag gabi dahil napapalibutan ito ng magagandang ilaw na nagliliwanag sa daan. Sa pagpicture ko sa tulay na iyon ay may isang lalaking na tila estudyante pa siya ang napasama at pumukaw ng pansin ko.

Kumusta na kaya siya?? Nakalabas kaya siya ng maayos sa hospital??

[ Dewey Santos POV ]

Another day, another spy moves nanaman tayo.

After class ay hindi muna ako umuwi agad sa bahay at dumiresto ako agad sa bar kung saan ko sila nakita kagabi. Pero this time hindi muna sila ang pakay ko, dahil sa curiosity ko about sa bar na iyon ay susubukan kong pumasok at tignan kung ano ang nasa loob nito.

Nasa pintuan pa lang ako ng bar pero kinakabahan na ako feeling ko hindi na ako makakalabas ng buhay. Puro mga lalaki lang talaga ang nakikita ko at masasabi nating may kakaiba talaga dito, alam niyo na.

Nilakasan ko na ang loob ko at dumiretso na akong pumasok sa loob ng bar. Halata mo pa lang pagpasok mo na puro mayayaman ang mga nandito, mga mukhang professional, mga VIP ang datingan, maaayos ang mga kasuotan nila, at higit sa lahat ang gu-gwapo nila.

Ang iba siguro dito mga nag mo-model dahil sa ganda ng postura nila. Lahat ng mga nandito umiinom ang iba naman tamang kwentuhan at landian moments.

Pero hindi mo talagang aakalain na hindi sila straight dahil ang ma-macho nila, sobrang layo ng katawan ko sa kanila, mukha kasi akong patpat. Pinagtitinginan din ako ng ibang mga tao rito dahil nga isa lang akong student at lahat sila mga senior at professional ng tignan.

Dumiretso na ako sa counter para umupo at umorder ng drinks para tikman kung anong mga lasa nito. College naman na ako kaya legal na.

"Ah- excuse me po.. pwede po ba akong umorder ng isang beer?" tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon

"Hindi kami nag se-serve sa mga estudyanteng kagaya mo. Kasing age mo lang ang kapatid ko kaya alam ko kung anong dapat. Alam mo ba kung anong klaseng bar ito?" saad niya

"A-alam ko po ang bagay na iyan.. kaya po ako nandito dahil-"

"Hindi appropriate para sa isang katulad mo ang pumunta sa ganitong lugar, tumingin ka sa paligid mo, para malaman mo kung anong sinasabi ko. Umuwi ka na lang sa inyo. Alis na" saad nito sabay pumunta na sa ibang costumer

Hindi nya talaga ako binigyan ng kahit na anong drinks mula roon at hindi niya na ako pinansin ulit, kaya nagpasya na rin akong umalis at umuwi na. Tama siya, ang layo ng hitsura ko compare sa mga nandito.

[ Junseo Cho POV ]

Hinihintay na lang namin ang last costumer at magsasarado na kami. Tinutulungan ko na rin ang employee ko na magligpit ng ibang mga gamit dito para less na lang ang ililigpit namin mamaya.

"Boss, may nakaiwan po ata ng wallet ng isa nating naging costumer kanina" saad ng employee ko

"May I see??" saad ko

Kinuha ko naman ang wallet na ibinigay niya sa akin para tignan kung sino ang may-ari nito. May mga ilang pera, card at picture niya. Namumukaan ko siya, siya iyung estudyante kanina na umorder dito.

"Sige, ako na ang bahalang mag sauli nito, kung hanapin niya ulit ito dito, sabihan mo ako agad"

"Opo Boss"

Tinignan ko ulit ang wallet niya at ang id picture na nakalagay doon.

Dewey Santos??

So, Dewey Santos pala ang pangalan niya.

[ Dewey Santos POV ]

Sumapit na ang panibagong araw at papasok na ulit ako sa school, ugali kong I check muna ang wallet ko bago ako sumakay ng bus pero this time mukhang nawawala dahil hindi ko makita sa bag ko. Kinapa kapa ko rin sa bulsa ng pantalon ko kung nailagay ko ba ito kagabi pero parang wala naman akong naalala.

"A-asaan na iyung wallet ko?"

Patuloy ko pa ring hinahap ang wallet ko sa bag at sa bulsa ng pantalon ko pero hindi ko talaga mahanap. Saan ko naman nalagay iyon?? Hindi ko pa naman nilalabas ang wallet ko simula kahapon pag-uwi. Paano na ako papasok nito?? Wala pa naman akong extrang perang dala.

Hinanap ko pa rin ang wallet ko for the last baka makita ko pa siya ng biglang may isang kotseng kulay itim ang huminto sa tapat ko.

"Dewey! Pasakay ka na ba? Sumabay ka na sa akin" aya ni Sheryl mula sa loob ng sasakyan

"Ah- Ka-kasi.."

"Tara na, sumabay ka na. Kung tatayo ka pa diyan ma la-late na tayo" saad nito

"Oh- si-sige" sagot ko

Hindi na ako nakatanggi at sumakay na ako sa kotse nila para sumabay na kay Sheryl pumasok. Sino ba namang mahihiya pa sa ganitong sitwasyon? Kung hindi pa ako sasabay at pinairal ko pa ang hiya ko baka ma late pa ako ng lalo ngayon.

Hanggang sa school at sa pagsapit ng vacant time namin ay aligaga pa rin ako kakahanap sa wallet ko at napansin naman nila ito agad.

"Dewey, may nawawala ba sa iyo? Pansin ko kanina ka pa may hinahanap, sabihin mo lang sa amin kung ano iyun para mahanap din namin" saad ni Bentlee

"Nawawala kasi iyong wallet ko kanina pa, hindi ko naman matandaan kagabi kung saan ko inilagay"

"Wallet mo? Hindi naman namin napansin kahapon na nilabas mo iyong wallet mo, baka na misplace mo lang siya, oh kaya naiwan mo sa bahay nyo" saad ni Sheryl

"Oh kaya naiwan mo sa ibang lugar kung may iba ka pang pinuntahan bago umuwi sa inyo" saad ni Bentlee

"Ibang lugar? Wala naman akong pinun- Teka.. Tama!"

"Ano? Naalala mo na??"

"Oo, alam ko na kung saan, naalala ko na kinuha ko pala iyon sa bulsa ko para kumuha ng pera, nailagay ko iyon doon at nakalimutan ko ng kunin. Haaayyyyyy ang tanga ko" saad ko

"Ang mahirap niyan kung may iba nang taong kumuha, alam mo naman ang paligid natin ngayon akala ng iba sa kanila na kapag walang nang nag mamay-ari. Sana nandoon pa iyon kapag binalikan mo, sa ngayon dahil wala kang madukot na pera, kami na bahala ni Bentlee sa lunch mo. Ano? Tara? Kumain na tayo!" saad ni Sheryl

Arghhhhhh Nakakahiya! Napagastos pa sila ng wala sa oras. Sana madatnan ko pang buhay ang wallet ko doon, sana rin nasa mabuting kamay ito.

Uwian na namin at kagaya ng dati sabay kaming pumupunta ni Bentlee sa bus station kahit na iba ang way namin pauwi. This time pupunta nanaman ako sa bar na iyon para hanapin ang wallet ko, sana may nagtabi noon kung sino man iyong nasa counter that time.

Papasok na ako ng bar ng makita ko ng malapitan iyong lalaking karelasyon ngayon ni Krein with the same guy na kasama niya nung isang araw. Kaya napatago ako ng wala sa oras sa likod ng isa sa mga sasakyan na nakaparada roon.

"Ito na ang allowance mo, mag-aral kang mabuti para hindi ako magalit sa iyo okay? Maganda na ang relasyon natin kaya ayoko nang makipag kita ka pa sa kaniya, maliwanag ba?"

"Don't worry, naghahanap na ako ng perfect time para makapaghiwalay narin sa kaniya. Kaya huwag ka ng magtampo. Salamat dito, tawagan na lang kita kapag nakauwi na ako"

Ito ang mga narinig kong pag-uusap mula sa kanila, so confirm na may relasyon nga silang dalawa. Sobrang kapal ng lalaking ito, after niyang sirain ang connection namin ni Krein ganito pa ang gagawin niya sa kaniya??

Paalis na ako mula rito pero napahinto ako nang may marinig akong isang boses ng pagsita mula sa likod ko.

"Excuse me?? Sino ka? Anong ginagawa mo diyan?"

Dahil sa gulat ko napaharap ako sa kaniya at nakita ko ring nagulat din siya nang humarap ako. Nanlaki ang mga mata niya at may balot ng pagtataka ang mukha niya ng makita niya ako sa mga oras na iyon.

"Huh? Te-teka?? Ikaw iyung-?"

Hindi ako nakapagsalita that time at nakatingin lang sa kaniya habang nakaturo ang isang daliri niya sa akin. Nabalot na rin ako ng hiya dahil ang nakakita sa akin ay iyong lalaki din na nasa bar na nagsita at kumausap sa akin.

Ano nang gagawin ko???

Namukaan niya kaya ako???

Yari na, you're dead Dewey... You're DEADDDDD

次の章へ