webnovel

CHAPTER 11 "ANNOYINGLY HANDSOME"

PAGKATAPOS magpunas ng mga shelves ay muling naging abala si Ara sa pagbabalik ng mga libro. Dahilan kaya hindi niya ang mabilis na paglipas ng mga oras.

Past six na at sarado na ang library.

Kapag ganoon ay busy na sila sa paglilinis ng aklatan. At dahil nga silang dalawa ni Daniel ang naka-duty para sa oras na iyon ay hindi maiwasan ni Ara ang makaramdam ng matinding discomfort dahil sa presence ng binata.

"Kung gusto mo pwede ka nang magpahinga, ako nalang ang gagawa nito," ang mabait na wika ni Daniel habang busy siya sa pagwawalis.

Humaplos sa puso ni Ara ang sinabing iyon ng binata pero hindi niya maialis ang ginawang paghalik nito sa kaniya noong isang araw kaya katulad ng dati ay nangibabaw na naman ang inis na nararamdaman niya para sa lalaki.

"Mapapagalitan ako kapag ginawa ko ang sinasabi mo," mas malamig pa yata sa yelo ang tono na ginaamit ni Ara.

Sinadya niya iyon para maipakita kay Daniel ang matinding disgusto niya para rito pero parang walang epekto iyon sa lalaki. Dahil iba ang naging reaksyon nito. Matamis itong ngumiti habang nasa mga mata nito ang matinding amusement para sa kanya.

"Okay," anito hindi parin napapalis ang magandang ngiti sa mga labi. "ako nalang ang magma-mop kung ganoon," dugtong pa nito.

Hindi na kumibo si Ara. Pero sa kabila ng pananahimik niya ay hindi parin niya napigilan ang sarili na sundan ng tingin ang papalayong bulto ng lalaki. At katulad ng inaasahan nagbalik ito na dala ang isang spin mop.

Sa simula ay parehong walang gumagawa ng ingay sa kanilang dalawa. Pero parang hindi nakatiis si Daniel dahil hindi nagtagal ay nagsimula itong sumipol sa saliw ng awiting You And Me ng Lifehouse.

Dahil doon ay mabilis na nagbalik sa isipan ni Ara ang eksena na nakita niya kanina sa roof deck at iyon ang dahilan kaya muli na naman niyang naramdaman ang isang pamilyar na haplos ng damdamin sa kaniyang puso.

Nakakailang man pero sa kabilang banda ay kinikilig parin siya.

Para siyang abnormal, kung iyon ang tamang deskripsyon sa kanya nang mga sandaling iyon ay hindi niya tiyak. Pero iyon kasi ang nararamdaman niya at tingin niya ngayon sa sarili niya dahil sa maraming magkakahalong emosyon na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

Nagpatuloy si Daniel sa pagsipol at kahit hindi niya aminin, talagang natutukso siyang lingunin ang lalaki.

Para kasing iyon ang dahilan ng ginagawa nito.

Nararamdaman niyang gusto ni Daniel na lumingon siya at sulyapan ito. At dahil nga masyadong malakas ang urge ay hindi rin napigilan ni Ara ang sarili na gawin iyon. Para lang pagsisihan ang lahat dahil talagang literal na namula ang mukha niya nang kindatan siya ng lalaki kasama ang isang pilyo at mapanganib na ngiti.

"Bwisit ka talagang lalaki ka!" hindi na napigilan ni Ara ang sarili niya dahil sa tindi ng pagkapahiya na kaniyang naramdaman.

"Oh, bakit naman ako naging bwisit? Ang ayos-ayos kong nagma-mop dito eh," nagpipigil ng tawa na sagot sa kaniya ni Daniel na tumigil pa sa ginagawang pagma-mop saka siya tinitigan ng tuwid sa kaniyang mga mata.

Lalong nagtumindi ang pagkairita na nararamdaman ni Ara nang mula sa pagkakatitig niya sa mga mata ng binata ay nakita niya ang pagkislap ng matinding amusement mula roon. Kaya naman hindi na niya napigilan ang sarili na lapitan at tarayan ang binata.

"Tumigil ka nga sa pagpi-pretend mo na parang wala kang alam? Wala ka yata talagang gagawin na matino sa buhay ko, impakto ka!" aniyang sa mariin ngunit nanggagalaiti sa inis na tono.

Inasahan ni Ara na sa sinabi niyang iyon sa lalaki ay titigil na ito at makikita niya ang pagkatalo sa aura ng mukha nito, pero nagkamali siya. Dahil lalo lang siyang nagalit sa sumunod na ginawa ng binata.

"Kanina lang nagba-blush ka, ngayon tinatawag mo na akong impakto, hindi ko na tuloy mapigilan ang mapaisip," si Daniel na makahulugan pa ang ngiting inilapit ang mukha sa kanya.

Wala na yatang isang dangkal ang layo ng mukha nila sa isa't-isa kaya naman malayang bumalandra sa mukha ni Ara ang mabangong hininga ni Daniel. At iyon ang dahilan kaya bigla niyang naramdaman ang mabilis na pagtatayuan ng maliliit na balahibo niya sa kanyang batok. Habang ang masarap na kilabot sa kabuuan niya ay hindi rin niya kaya itanggi.

"A-Anong---?" hindi na siya pinatapos ni Daniel sa iba pa niyang gustong sabihin dahil muli itong nagsalita.

"Magtrabaho na tayo, saka, sabay na tayong umuwi ah? Tutal sa isang baranggay lang naman tayo nakatira eh," anito pa sa kanya.

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Ara sa narinig. "Anong isang baranggay?" ang taka niyang tanong.

Nagkibit ng mga balikat niya si Daniel saka ipinagpatuloy ang ginagawa. " Mahirap mag-explain kasi masyadong mainit ang ulo mo sa akin ngayon. Saka ko nalang ipapaliwanag sa iyo ang lahat," anitong umangat pa ang magagandang mga kilay kalakip ang isang makahulugan na ngiti.

Naiiling na umikot ang mga mata ni Ara. "Ayoko nga, bakit ako sasabay sa'yo sa pag-uwi?"

"Gabi na, mahirap kung magko-commute ka," sa pagkakataong ito ay iba na ang tono ng pananalita ni Daniel.

Wala na roon ang pang-aasar at sa halip ay seryoso at totoong concern ang naramdaman niya. Kaya lang iba ang sinasabi sa kanya ng isipan niya.

Malaki ang atraso sa kanya ni Daniel.

For the first time sa buhay niya bilang isang estudyante ay naipatawag siya sa Guidance Office dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya sa harapan pa mismo ng napakaraming estudyante. Hindi lang iyon dahil sa pakiramdam na nabastos at napahiya siya.

First kiss niya iyon.

At iyon ang hindi niya matanggap hanggang ngayon.

Hindi siya makapaniwala na kinuha lamang sa kaniya ng binata ang first kiss niya sa ganoong paraan.

Normal naman siguro ang reaksyon niya na ganito.

Kahit sinong babae iyon ang gusto.

Ang first kiss dapat special at ibinibigay lamang iyon sa isang espesyal na tao sa isang espesyal na pagkakataon at tamang panahon. At hindi katulad ng nangyari sa kanya. Hindi katulad ng nangyari sa kanila ni Daniel.

NASA labas na si Ara ng malaking gate ng kanilang university at naghihintay ng masasakyan na jeep nang hintuan siya ng isang kulay itim na kotse. Agad na dumamba ang matinding takot sa dibdib ng dalaga kaya siya napa-atras. Pero agad rin naman iyong naglaho nang ibaba ng driver ang bintana sa side na passenger.

"Halika na!" ang tawag sa kanya ni Daniel na nakaupo sa harapan ng manibela ng kotse.

Noon inis na inirapan lang ni Ara ang binata saka na naiiling na humakbang at naglakad. Inisip niyang makukuha na ni Daniel ang ibig niyang ipakahulugan sa ginawa niyang iyon pero nagkamali na naman siya. Kamuntik pa siyang mapatili nang marinig na nagsalita ang binata mula sa loob ng kotse nito na kasalukuyang sumasabay sa ngayon ay mas mabilis na niyang paghakbang.

"Ara!" tawag pa nito.

"Hindi ka ba talaga titigil? Pwede ba? Wala akong panahon sa mga pang-aasar mo!" ang galit niyang singhal sa binata.

"Nag-aalala lang ako sa'yo, sumakay ka na, magagalit na sa akin ang mga kasunod ko," si Daniel ulit na itinigil pa nito ang kotse sa mismong tapat niya.

Sa ginawang iyon ng binata ay agad na gumawa ng ingay sa paligid ang magkakasunod na pagbusina ng mga sasakyan na kasunod nito.

"Sumakay ka na!" untag ni Daniel sa kaniya kaya parang noon lang siya natauhan at kumilos para sumakay sa kotse nito.

"Walang hiya ka talagang lalaki ka!" ang nanggagalaiti sa inis na sabi ni Ara nang tuluyan na ngang patakbuhin ng binata ang kotse nito.

Narinig niya ang mahinang tawa na naglandas sa lalamunan nito bago nagsalita. "Mag-seatbelt ka," ang tanging naging sagot ng lalaki.

Nakasimangot na nilingon ni Ara ang binata saka walang anumang salita na ikinabit ang seatbelt.

"That's my girl," anito pa bilang comment sa ginawa niya.

Muli niyang nilingon si Daniel na nang mga sandaling iyon ay maganda ang pagkakangiti. Hindi nagsalita si Ara, dahil ang totoo kahit hindi niya aminin, nakaramdam siya ng kilig sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng binata.

Si Daniel Trinidad, gwapo, mayaman at ayon kay Jason, matalino. Lahat nalang yata ng mgagandang traits na pwedeng magustuhan ng isang babae sa isang lalaki ay taglay nito. Maliban sa isa, nakakapikon ito kung mang-asar.

Gwapo pero nakakaasar.

Iyon siguro ang description na perfect para sa binata kung siya ang tatanungin.

次の章へ