webnovel

Chapter 51: Overheard Plan

MAXINE'S POV

Hindi ako dinalaw ng antok kaya napabangon na lang ako sa kama. Pabalik-balik sa isip ko ang lahat ng mga sinabi sa akin ni Luna kanina. Hindi ako makapaniwala pero halata namang hindi siya nagsisinungalin. Napatayo ako at nilapitan ang drawer. Kinuha ko 'yong isang frame at saka naupo muli sa kama. Ito 'yong picture naming tatlo nina Arif at Lawrence no'ng high school kami. Maganda ang samahan namin no'ng high school at halos hindi kami mapaghiwalay na tatlo. Nitong college ayos din naman ang samahan namin walang pinagbago. Nagbago lang ang lahat nang mangyari ang aksidente sa kanilang dalawa. Tandang-tanda ko pa ang araw na 'yon bago pa man mangyari ang aksidente.

FLASHBACK

Pagbaba ko mula sa kwarto nabungaran ko sina Lawrence at Arif dito sa salas ng bahay namin. Kakagising ko lang kasi napagod ako sa kaka-practice ng volleyball kahapon.

"Hi, Max." Masiglang bati sa akin ni Lawrence.

"Ano´ng ginagawa niyo dito?" Natatamad ko pang tanong.

"May gagawin ka ba mamaya?" tanong ulit ni Lawrence.

"Mamaya? Wala naman. Why?" Pabagsak akong naupo sa sofa. Napatingin ako kay Arif na walang imik at halos hindi makatingin sa akin.

"Well... Uhm... mabuti naman kung wala kang gagawin mamaya kasi..." Nangunot ang noo ko kay Lawrence.

"What?" Naupo si Lawrence sa sofa´ng kinauupuan ko. Si Arif naman ay nanatiling nakatayo.

"We can´t tell you right now." Napatingin ako kay Lawrence.

"Why not? Ano ba ´yon? Tell me I´m curious." Napaayos pa ako ng upo.

"Malalaman mo rin mamaya, Max. Susunduin ka na lang namin ni Arif by 6 PM, okay? We´ll have to go."

"What is it?" Napatayo na si Lawrence.

"Pakisabi na lang kay tita umalis na kami. Bye." Nauna ng umalis si Lawrence matapos akong ngitian ng maluwang. Napatayo ako at binalingan si Arif.

"Arif, ano ba ´yong sinasabi no´n?"

"Uhh... H-Hindi ko rin alam eh. Sige alis na kami." Nangunot ako sa reaksyon niya. Napailing na lang ako.

Magsi-six PM na pero hindi pa rin ako makapag-decide kung ano ang isusuot ko. Hindi ko alam kung ano ang meron pero feeling ko kasi may magandang mangyayari ngayong gabi.    Napangiti ako nang makapili na ako ng maisusuot.

Tiningnan ko ang kabuuan ko matapos makapagpalit.

"Beautiful," puri ko sa aking sarili. Sinukbit ko na ang aking bag at saka bumaba na.

"Hi, anak." Paakyat din sana siya.

"Hi, mom." Napatingin din ako sa kabuuan ni mommy.

"Where are you going, mom?" Nagtuloy ako sa sofa at naupo. Tiningnan ko ang bag ko kung kompleto ang laman. Wala naman akong nakalimutan. Naupo din si mom.

"May urgent lakad tayong tatlo ng Dad mo. Mabuti naman at bihis ka na pala."

"Urgent lakad? Saan?"

"Oh? Hindi ko ba nasabi sa´yo kanina? May family dinner tayo with Tita Arlene mo."

"Family dinner? Why today, mom? May lakad kami nina Arif eh."

"Really?" Pareho kaming natigilan at napatingin sa may gawi ng gate nang may magbusina.

"I think its Arif and Lawrence." Ilang sandali nakita ko ang dalawa na papalapit sa amin.

"Hi, Tita Macy. Hi, Max." bati nila sa aming dalawa.

"Hi, boys." Napatingin ako sa suot nila. They´re wearing a formal outfit.

"Ang gagwapo niyo namang dalawa."

"Ang ganda niyo rin po ngayon, tita." Napangiti si mom sa sinabi ni Lawrence.

"Thank you." Medyo tahimik lang naman si Arif. Kanina ko pa siya napapansing tahimik.

"Arif, hindi ka ba sasama sa family dinner natin later? Lawrence, ijo, sumama ka na rin sa amin." Nagkatinginan silang dalawa.

"Family dinner, tita Macy? H-Hindi po nabanggit sa akin ni Arif."

"N-Nawala din sa isip ko." Napatayo ako.

"Ano ba kasi ang pupuntahan nating tatlo? Nalilito ko ng tanong. "May party ba? Sino´ng may birthday? Anniversary?"

"Max, this day is really im-" Nahinto sa pagsasalita si Lawrence ng magsalita si daddy na kabababa lang.

"Are you ready? Let´s go?" Napalapit na siya sa amin. Binati nila si dad.

"Mabuti naman at kasama si Lawrence. Let´s go baka ma-late pa tayo."

"But dad meron kaming ibang lakad today." Napatingin sa akin si Daddy.

"Where?" Napatingin ako kay Lawrence at Arif.

"Uhm... Don´t worry it´s not that important. Siguro saka na lang natin ituloy ´yong lakad natin ngayon. You just go ahead, guys." Pansin ko na parang pilit na ang ngiti ni Lawrence.

"Come with us, ijo. You´re a family so you can join us." Aya ni mommy. Bahagyang napangiti si Lawrence.

"It´s okay, tita, may lakad din po kasi ako ngayon eh. Saka na lang po siguro."

"Okay."

"Una na po ako sa inyo. Tito, I´ll go ahead. Enjoy po kayo sa dinner."

"Sige." Nginitian niya kami saka tumalikod na at lumabas.

"Tito. Tita. Ihahatid ko muna si Lawrence kasi wala siyang dalang sasakyan. Susunod na lang po ako sa inyo."

"Okay, ijo." si mom. Patalikod na sana siya nang muli niya akong balingan. Tiningnan niya ako ng diretso.

"Max." Nilapitan niya ako at biglang niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya. Maya-maya bumitaw na siya at tiningnan ako.

"See you later." Nagpaalam din siya kay na mom at dad at saka umalis na.

"A-Ano´ng problema niya?" Napatingin ako kay mommy na bahagyang napatawa.

"A sudden hug? Hmm..." Napailing na lang ako.

END OF FLASHBACK

Ibinaba ko ng frame. ´Yon ang huling sandali na nagkasama kaming tatlo. Hindi ko alam kung ano ang nangayri sa kanila matapos nilang umalis ng bahay. Nalaman lang namin ang nangyari noong...

FLASHBACK

Napatingin ako sa kanilang lahat. Mula kay Ara, kay tito Rafino na kanina pa tingin nang tingin sa relos niya, kay Tita Arlene tapos kay mom at kay dad. We´re all waiting for Arif. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Arif pero hindi naman niya sinasagot.

Nasaan na ba siya? Ang tagal naman ni Arif gutom na ako eh. Akala ko ba ihahatid niya lang si Lawrence?

"Mom. Dad. Hindi pa ba tayo kakain? I´m really hungry." reklamo ni Ara.

"Mabuti pa nga na mauna na tayong kumain. Ernest. Macy. Pasensya na kayo sa anak kong ´yon."

"Oo nga pasensya na kayo, Ernest. Macy." si Tita Arlene.

"It´s okay. Ngayon lang naman siya na-late eh. Baka napasarap ang kwentuhan nila ni Lawrence."

"Paano kumain na tayo. Baka gutom na rin ´tong si Maxine." Bahagya akong napangiti.

"Don´t mind me, tita. Mauna na po kayong kumain I´ll wait for Arif baka papunta na po ´yon dito."

"Are you sure?" si Tito Rafino.

"Yes po." Nagsimula na silang kumain. Napainom na lang ako ng favorite pineapple ko habang patingin-tingin sa phone. Wala pa ring tawag. Naibaba ko na lang muna sa table ang aking phone.

"Excuse me lang po magre-restroom lag po ako." Napatayo na ako nang biglang mag-ring ang aking phone. Napatingin silang lahat sa doon.

"Si Arif," sabi ko sa kanila. Napangiti naman si tita Arlene at sinenyasan ako na sagutin ito.

"Arif, where are you? Kanina pa kami naghihintay sa´yo eh. Malapit ka na..." Natigilan ako nang magsalita ang nasa kabilang linya. Biglang nanlamig ang aking katawan. Agad na tumulo ang luha sa pisngi ko. Parang hindi ako makahinga. Alam kong nagtaka silag lahat sa reaksyon ko. Nakaramdam ako ng paghihina. Naibagsak ko ang cellphone na hawak ko. Nanginginig ang katawan ko.

"What´s wrong, anak?" Napatayo si Tita Arlene.

"Max, b-bakit?" Lahat sila worried na din.

"S-Si A-Arif... S-Si Arif na-naaksidente. S-Si Arif, Tita." Lahat kami nag-panic na lalo na si tita Arlene at tito Rafino.

END OF FLASHBACK

Napatayo ako at binuksan ang curtains ng bintana. Lumanghap muna ako ng hangin. Ang dami kong nalaman ngayon at lahat ´yon napakahirap paniwalaan.  May nakalimutan akong gawin. Kinuha ko ang cellphone ko sa may side table at tinawagan si Arif-si Lawrence pala. Sana lang gising pa siya ngayon. Nakailang ring na.

[ "Maxine. Bakit ka napatawag? It´s late." ]

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Pinakinggan ko lang ang boses niya. Hindi ko man lang nahalata na hindi pala siya si Arif.

[ "Hello? Max?" ] Hindi ko naisip na kaya pala niyang gawin ang ganito sa kaibigang matalik niya. Hindi pala talaga namin kilala ang pagkatao ni Lawrence.

[ "Max. Are you there?" ]

"A-Arif."

[ "Are you okay?" ]

"Yeah. Hindi lang ako makatulog." Napabalik ako sa may bintana. Kahit paano naman naging mabuti rin siya sa akin. Kailangan ko rin siyang intindihin kasi kung ako ang nasa katayuan niya sa mga oras na ´yon baka hindi ko rin alam ang gagawin ko.

"Why? What´s wrong? Baka marami mo lang inisip. You can share it with me. Ano´ng problema?" ] Malamig ang pakikitungo niya sa akin nitong mga nagdaang araw pero ngayon parang siya pa rin talaga ang Lawrence na mabait sa akin noon. 

"Bigla ko kasing na-miss si Lawrence." Hindi siya kaagad nakaimik. Narinig ko siyang napabuntong-hininga.

[ "I-I miss him too. I really miss him." ]

"Tingin mo kaya binabantayan niya tayo ngayon?"

[ "O-Oo naman. Palagi lang siyang nandyan para sa´tin lalo na sa´yo, Max." ]

Lawrence.

"Arif. Pwede ba tayong magkita bukas? May gusto sana akong sabihin sa´yo eh."

[ "Oo naman. Saan?" ]

"Sa school. Tatawagan na lang ulit kita bukas."

[ "Okay." ]

"Arif, whatever happens I´m still your bestfriend. I´m sorry."

[ "Huh?" ] Alam kong naguguluhan siya sa mga sinasabi ko.

"Ibababa ko na. Goodnight, Arif." Binabaan ko na siya. Napabuntong-hininga ako.

"I´m so sorry, Lawrence. Kailangan kong gawin ´to for Arif."

LUNA´S POV

"Luna, let´s go." Narinig kong tawag sa akin ni Paulo mula sa labas ng kwarto ko. Sabay kasi kaming papasok ngayon.

"Andyan na." Isinuot ko na muna ´yong ID ko at saka palabas na sana nang maalala ko ang aking cellphone na nakapatong sa mesa. Nilapitan ko ito at kinuha. Napatingin ako sa katabing bulaklak at sandali itong pinagmasdan.

"Kumusta na kaya siya ngayon? Tatlong araw na lang at isang buwan ko na siyang hindi nakikita. Nakalimutan niya na siguro ako." Narinig ko na naman ang pagtawag ni Paulo kaya napalabas na rin ako.

"Bakla, let´s go. Mali-late na ako eh."

"Tara na nga eh." Nagtuloy na kami ng school.

"See you later, Luna. Babush!"

"Bye." Nagmamadali na siyang umalis. Nagtuloy na rin ako sa paglalakad papunta sa first class namin sa may GS Lib.

Napahinto ako nang makarating ako dito sa may isang daan papuntang canteen. Nabungaran ko si Viel na nasa may shed. Napatayo siya nang makita ako at saka lumapit sa akin.

"H-Hi, Luna." Naiilang pa nitong bati sa akin.

Naalala ko ang sinabi ni Cloud.

"Luna, hanggat maari iwasan mo muna si Viel Fabregosa."

"Bakit naman?"

"Basta."

Bakit nga pala niya ako pinapaiwas kay Viel?

Tiningnan ko si Viel na napapatungo lang at halos hindi ako matingnan ng diretso. Parang kakaiba siya ngayon.

"L-Luna, pasensya na nga pala sa nangyari kahapon."

"Ano ba kasi ang nangyayari sa'yo, Viel?" Napatingin siya sa akin.

"Hindi ko nga rin alam eh. Nagtataka nga rin ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Para bang may kung sinong nagkokontrol sa akin." Nangunot ang noo ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Biglang may humaltak kay Viel.

"Layuan mo si Luna."

"Arif." Agad-agad kong nilapitan si Arif at inalis mula sa pagkakahawak nito sa damit ni Viel. Hinarap niya ako.

"May ginawa na naman ba siya sa'yo?" Napatingin lang ako kay Arif at saka napailing. Binalingan niya ulit si Viel.

"I am warning you, Viel. Huwag na huwag mo na ulit lalapitan si Luna." Hinawakan ako  ni Arif sa kamay at saka inilayo kay Viel. Hinayaan ko na lang siya.

Napahinto lang kami nang marating namin ang field. Nasa may gilid lang kami kasi medyo mainit na ang araw. Pareho kaming napatingin sa mga kamay namin na magkahawak pa rin.

"I-I'm sorry." Agad inalis nito ang kamay.

"O-Okay lang." Sandali kaming natahik. Maya-maya napabaling ako sa kaniya.

"Uhm... Ari-"

"Luna."

"Huh?" Naiilang siyang napangiti.

"F-Free ka ba mamayang gabi?"

"Mamayang gabi? Wala naman akong gagawin, bakit?"

"Uhm... Can I... Can I take you out for dinner?"

"D-Dinner?" Napatango siya.

Hindi ako maaaring mag-aksaya ng panahon dahil dalawang araw na lang ang natitira. Kailangan ko ng maibalik si Arif sa katawan niya.

"Luna."

"Huh? Ahhh... Si-" Natigilan ako sa pagsasalita nang mag-ring ang cellphone sa bulsa niya.

"Wait a second." Kinuha niya ang cellphone at sandali akong tiningnan.

"Sagutin ko lang."

"Sige."

"Why? Okay. See you later." Binalingan niya ako.

"It's Max."

"Ah."

"Luna, I have to go. May kailangan lang akong kausapin. We'll talk later." Napatango na lang ako saka siya umalis na. Tinanaw ko na lang siya.

Maya-maya cellphone ko naman ang nag-ring. Si Max. Sinagot ko agad.

[ "Luna, mag-uusap kami ni Arif ngayon. May gusto lang akong i-confirm sa kaniya pero 'wag kang mag-alala kasi hindi ko naman babanggitin sa kaniya ang nalalaman ko." ]

"Sige."

[ "Magkita tayo mamaya para mapag-usapan natin ang next na gagawin, okay?" ]

"Okay." Binabaan niya na ako. Napabuntong-hininga ako at saka naglakad na ulit.

Malapit na ako sa may kubo nang mapahinto ako. Napatingin ako kay Nico na nakatayo hindi kalayuan sa aking daraanan. Diretso siyang nakatingin sa akin. Bigla akong nagtaka pero nakuha ko pa rin siyang ngitian. Nilapitan niya ako.

"N-Nico." Bigla niya na lang akong nginitian. Nailang ako pero nginitian ko na lang din siya.

"Hi, Luna. May klase ka malapit dito?"

"Ah. Oo. Sa... Sa GS Lib."

"I see."

"Maiwan na muna kita mali-late na kasi ako eh."

"Oh, okay. See you around."

"Sige." Nakahakbang na ako nang banggitin niya ang aking pangalan kaya napabaling ulit ako sa kaniya.

"Hmm?"

"Sana lang pag-isipan mong mabuti ang mga desisyon mo, Luna. I'm hoping for the best. I'll go ahead." Siya na ang naunang umalis. Nangungunot ang noo ko habang nakatingin sa papalayong si Nico.

Ano'ng ibig niyang sabihin?

MAXINE'S POV

Narito ako sa second floor ng SBM Building habang nakatanaw sa may gate kung saan maraming abalang mga estudyanteng pabalik-balik sa loob at labas ng campus. Napabuntong-hininga ako.

"What bothers you?" Napatingin ako sa nagsalita.

"Arif." Napaharap din siya sa tinitingnan ko. Sandali kaming natahimik.

"Naiinggit ako sa iba sa kanila." Napatingin ako sa tinutukoy niya na mga estudyanteng dumaraan. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang magpatuloy.

"'Yong iba sa kanila normal lang ang mga buhay. Walang ibang iniisip kundi pumasok sa school, uuwi ng bahay, mag-aaral. Nakakainggit lang 'yong mga taong wala masyadong pinoproblema sa buhay."

"You're right." Sandali ulit kaming natigilan. Maya-maya napatingin ako sa kaniya. Pinagmasdan ko sandali ang mukha niya.

"Arif, tinuring mo ba talaga akong kaibigan?" Napatingin siya sa akin. Blangko ang reaksyon.

"Of course. Ano'ng klaseng tanong 'yan?"

"Naitanong ko lang. Bigla ka kasing nagbago simula nang mamatay si... si Lawrence. Kung nabuhay kaya siya mula sa aksidente tingin mo gaya pa rin kaya tayo ng dati ngayon?" Muli siyang napatanaw sa malayo.

"Hindi ko rin alam. Maybe? I have no idea." sabi niya na hindi ako binalingan. Bahagya akong natawa.

"Alam mo naiisip ko nga na sana biglang magpakita sa atin ngayon si Lawrence para maisumbong kita sa kaniya. Hindi mo na kasi ako inaalagaan eh." Napatingin na siya sa akin. Siya naman ang bahagyang napatawa.

"Ingatan mo 'yang hinihiling mo baka magkatotoo." Natigilan ako sa sinabi niya.

No way! Mas pipiliin ko pa rin si Arif kaysa sa'yo, Lawrence. I'm so sorry.

"M-May gusto nga pala akong itanong sa'yo, Arif."

"What is it?" Nakaharap na siya sa akin.

"Bago kayo maaksidente saan sana ninyo ako balak dalhin no'n ni Lawrence? Ano ba'ng meron no'ng araw na 'yon?" Nakangunot ang noo ko dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano nga ba ang mangyayari sana noon. Nangunot ako lalo nang mapatawa siya.

"It's not really important." Napatango na lang ako. Feeling ko may hindi siya sinasabi sa akin.

"By the way, are you busy later?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Uhm... In-invite ko si... si Luna for dinner."

"Ah. It's okay. I understand. Maybe next time?"

"Sure." Napatango ako. Napatingin siya sa relos na suot.

"Balik na muna ako may practice kami ng basketball ngayon eh."

"Sige." Nginitian niya ako at saka umalis na. Tinanaw ko lang siya saglit na makalayo.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan kaagad si Luna. Sinagot naman nito kaagad.

[ "Max." ]

"Luna, you'll go with Lawrence later, okay? I-text mo kaagad sa akin kung nasaan kayo para makasunod ako. Don't forget the necklace, okay?"

[ "Okay." ]

"See you later." Binabaan ko na siya ng tawag.

"Kailangan ko na talaga 'tong gawin."

LUNA'S POV

"Saan tayo?" tanong ni Jedda. Palabas na kami galing sa unang subject.

"Sa mini na lang muna." Wala pa kaming class after kaya naisip namin na tumuloy muna sa mini. Busy naman si Paulo ngayon. Naupo kami sa isang bakanteng upuan. Marami-rami din ang estudyanteng tumatambay dito.

"May plano ka na ba kay Lawrence?" Natabunan ko agad ang bibig ni Je.

"Hinaan mo kaya boses mo mamaya may makarinig pa sa atin eh." Inalis ko ang kamay ko.

"Sorry."

"Sinabi ko kay Maxine ang tungkol dito at handa siyang tumulong."

"Ano'ng reaksyon niya?"

"Gulat din syempre. Ngayon na-realized niya na kung bakit iba siya kung pakitunguhan ni Arif dati. Ito ay dahil nga si Arif ay hindi talaga si Arif kundi si Lawrence." Napatango-tango si Je. Parang may kakaiba akong naramdaman kaya nagpalinga-linga ako. Para kasing may kaluluwa na malapit lang sa'kin pero wala naman akong nakita.

"Bakit?" Napabaling ako kay Je. "W-Wala lang."

"Kakampi ba talaga natin ang Maxine na 'yon?"

"Oo naman. Nakikita at nararamdaman ko na gusto niya rin na tulungan si Arif."

"Mabuti kung gano'n. So, ano nga'ng plano? Sabihin mo lang kasi baka may maitutulong kaming dalawa ni Paulo."

"Inimbita ako ni Arif na mag-dinner mamaya. Doon namin gagawin 'yong plano. Isusuot namin kay Arif ang kwentas na bigay no'ng espiritista. Teka, kailangan ko pa nga palang makausap 'yong kaluluwa ni Arif."

Naghiwalay muna kami ni Jedda. Naglakad-lakad ako sa mga hallway at tumuloy sa SBM. Kailangan kong makausap si Arif para masabi ko sa kaniya ang plano namin mamaya. Naalala ko si Maxine. Tinawagan ko na siya at sinagot din naman nito ang cellphone.

"Hello, Maxine? Nasa'n ka ngayon?"

[ "Nasa gym, why?" ]

"Ah... Wala lang natanong ko lang."

[ "I see. Wait, nakausap mo na ba si Lawrence?"] Hininaan niya ang huling sinabi.

"Hindi pa nga eh. Kailangan ko nga rin pala siyang makausap para sabihin na pumapayag ako sa alok niyang mag-dinner kami sa labas."

[ "Okay. Balitaan mo ako." ]

"Sige." Binabaan ko na siya ng tawag. Nagtuloy na ako papunta sa gym.

Nahinto ako sa paglalakad at napatingin sa may court. Nakita ko si Arif na naglalaro ng basketball kasama ang team nila. Mukhang nagpa-practice sila. Abalang-abala siya sa ginagawa. Napatingin din ako sa isang tao-este kaluluwa na nakatayo sa may puno at nakamasid kay Arif. Nilapitan ko siya.

"Ehem." Napatingin siya sa'kin. "Dito lang pala kita makikita." Pinagmasdan niya ulit si Arif.

"Hindi ka naglalaro ng basketball, di ba? Si Lawrence talaga, oh."

"Tss. Ano na naman ang kailangan mo?"

"Wala naman may kailangan lang akong sabihin sa'yo."

"Sabihin mo na." Pareho kaming napatingin kay Arif na naglalaro.

"Alam mo ba na kailangan mo ng makabalik kaagad sa katawan mo kasi kung hindi magiging abo ka, Arif."

"I know." Napatingin ako sa kaniya na nakatingin pa rin kay Lawrence.

"Alam mo? Bakit wala kang ginagawa? Hahayaan mo na lang na maging abo ka? Hahayaan mo na lang ang katawan mo kay Lawrence? Hahayaan mo na lang na mapunta kay Lawrence ang pamilya mo?" Tiningnan ako saglit ni Arif

"Tingin mo wala akong ginagawa?"

"May plano ka?" Ibinalik niya ang paningin kay Lawrence.

"Oo naman."

"Ano? Sabihin mo sa'kin tutulungan kita. Siya nga pala may plano rin kasi kami ni Max eh." Napabalik-tingin siya sa akin nang marinig ang pangalan ni Maxine.

"Si Maxine?"

"Oo. Sinabi ko na sa kaniya ang lahat ng tungkol sa'yo. Gusto ka rin niyang tulungan. Mamaya magdi-dinner kami ni Lawrence sa labas at doon namin gagawin ang plano. May ipapakita ako sa'yo." Kinuha ko agad sa bag ang dala-dala kong kuwentas na bigay no'ng espiritista. Ipinakita ko ito kay Arif.

"Ano naman 'yan?"

"Galing ito sa isang espiritista. Ang sabi niya kailangan ko raw itong maisuot kay Lawrence para lumabas siya sa katawan mo." Napaisip din si Arif.

"Mamaya pumunta ka sa lugar na pupuntahan namin ni Lawrence. Kailangan nando'n ka para makapasok ka sa katawan mo kapag napalabas na namin si Lawrence."

Biglang naglaho si Arif sa harap ko.

"Luna." Napatingin ako sa tumawag na si Lawrence. Napalapit siya sa akin.

"A-Arif."

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Ah... Pinuntahan talaga kita eh."

"Why?"

"Di ba tinatanong mo kung free ako mamaya? Kasi parang hindi ko yata nasagot 'yong tanong mo na 'yon kanina eh. Oo, pumapayag na ako na mag-dinner tayo mamaya."

"Talaga? Wow. Thank you, Luna."

"Wala lang 'yon."

"Saan ba tayo pupunta?"

"Uhm... Bahala na mamaya. Susunduin na lang kita sa boarding house niyo, okay? 7 PM."

"7 PM, sige." Napangiti siya ng maluwang.

ARIF'S POV [THE GHOST]

Lumitaw ako sa engineering building. Napaharap ako sa direksyon kung nasaan sina Luna at Lawrence. Nag-uusap pa rin silang dalawa.

"Ehem." Napatingin ako sa tumighim. Bahagya akong napangisi at napabalik nang tingin kay na Lawrence na ngayon ay naglalaro na ulit ng basketball.

"Sa wakas nahanap din kita."

"Bakit? Hindi naman ako nagtatago, ah."

"Siguro naman alam mo na kung sino ako." Saglit akong napatingin sa kaniya.

"Oo naman. Ikaw si Cloud, di ba? Ang tagahatid at tagasundo ng mga kaluluwang kagaya ko." Napatingin din siya sa tinitingnan kong si Lawrence.

"Hindi ka ba naiinggit sa kaniya?" Tukoy niya kay Lawrence. "Ikaw dapat ang naglalaro doon." Natawa ako. Hinarap ko siya gano'n din ito sa'kin.

"I'm not playing basketball. I just paint... and draw."

"I see. Pero ikaw sana ang kausap niya ngayon." Sinundan ko ang itinuro niya. Si Max at si Lawrence. Nag-uusap sila sa gilid. Napatiim-bagang ako.

"Kailangan mo ng kunin ang katawan mo, Arif. Alam mo naman na siguro kung ano ang mangyayari kapag hindi ka agad nakabalik. You only have this day and tomorrow. Kung ayaw mong maging abo umisip ka agad ng paraan para makabalik sa katawan mo."

"Hindi ba misyon niyo rin na kunin si Lawrence? Kapag tuluyan na akong naging abo, permanente na sa katawan ko ang kaluluwa ni Lawrence. Mission failed for you." Naglaho na ako. Naiwan siyang napaisip din.

CLOUD'S POV

Napatingin ako kay Lawrence na kausap pa rin si Maxine.

Bakit hindi ko agad napansin 'to?

Bumalik na ako sa taas para ibalita sa kanila ang nalaman ko. Wala na kaming oras. Nakita ko sina Sky at Azine na nag-uusap. Nilapitan ko agad sila.

"Nandito ka na pala." Sabi ko kay Sky.

"Kadarating ko lang din."

"Kumusta 'yong plano? May nalaman ba kayo?" Tanong ni Azine. Pareho naming sinundan ni Sky si Max at Luna. Binalingan ko si Sky.

"Ano'ng nangyari sa lakad mo, Sky?"

"Ang dami kong nalaman nang sundan ko si Maxine kanina kaya lang naguguluhan ako."

"What do you mean? Ano'ng mga nalaman mo?" Curious na tanong ni Azine.

"Kanina no'ng nag-uusap sina Maxine at Arif may... parang may pinag-uusapan sila na hindi ko maintindihan. Parang pareho silang may pinupunto hindi ko lang alam kung ano 'yon. Pero may mas nakakagulat pa akong narinig." Tutok na tutok si Azine sa ibinabalita ni Sky.

"Ano?" si Azine.

"Pagkatapos nilang mag-usap at pagkatapos makaalis ni Arif tinawagan ni Maxine si Luna. 'You'll go with Lawrence later, okay? I-text mo kaagad sa akin kung nasaan kayo para makasunod ako. Don't forget the necklace, okay?' 'Yan ang mismong sinabi niya."

"Ano'ng ibig niyang sabihin?" si Azine ulit. Naguguluhan na siya.

"Hindi lang 'yan meron pa. Isang beses ko pa silang narinig na nag-uusap sa phone. Tinatanong ni Maxine kung nakausap na ba ni Luna si Lawrence. I'm also confused now, bro. It means alam nila pareho kung nasaan si Lawrence. Pero nasaan nga ba siya? Hindi ba sabi ni San Pedro nagtatago ang Lawrence na 'yon sa katawan ng isang tao. Kanino kayang katawan?"

"Kay Arif." Pareho silang napatingin sa akin.

"What?!" Gulat na bulalas ni Azine. Hindi rin siya makapaniwala.

"Habang sinusundan ko si Luna kanina, narinig ko silang nag-uusap ng kaibigan niya."

FLASHBACK

May plano ka na ba kay Lawrence?"

"Hinaan mo kaya boses mo mamaya may makarinig pa sa atin eh."

"Sorry."

"Sinabi ko kay Maxine ang tungkol dito at handa siyang tumulong."

"Ano'ng reaksyon niya?"

"Gulat din syempre. Ngayon na-realized niya na kung bakit iba siya kung pakitunguhan ni Arif dati. Ito ay dahil nga si Arif ay hindi talaga si Arif kundi si Lawrence."

END OF FLASHBACK

Naglaho agad ako kanina nang mapansin ko si Luna na naramdaman yata ang presensya ko.

"Si Lawrence ay nasa katawan ni Arif? Nasa'n ang kaluluwa ni Arif ngayon? Alam na ba niya kung ano ang mangyayari sa kaniya kapag hindi siya agad nakabalik sa kaniyang katawan?"

"Nakausap ko na siya kanina at alam niya na ang tungkol do'n. Magkikita si Luna at Lawrence mamaya for dinner. May inihanda silang plano para kay Lawrence."

" 'Yong kwentas. Narinig ko si Maxine na may nabanggit na kwentas. Ano 'yon?" Takang sabi ni Sky.

*****

"Inimbita ako ni Arif na mag-dinner mamaya. Doon namin gagawin 'yong plano. Isusuot namin kay Arif ang kwentas na bigay no'ng espiritista."

*****

"Ang sabi ni Luna galing daw 'yon sa isang espiritista. Kailangan lang daw na maisuot ang kwentas sa katawan ni Arif kung nasaan ang kaluluwa ni Lawrence. Isang pangontra marahil ang kwentas na 'yon."

"May dinner date sila?" Pareho kaming napatingin kay Azine.

"Huwag ka ng magselos, bro. Malapit naman ng mawala ang karibal mo eh." Sinaway ko agad si Sky.

"Sorry. Pasensya na po, Panginoon."

"Kailangan nando'n din tayo kapag isinagawa nila Luna ang plano nila. Kailangan nila ng ang tulong natin. After all misyon din natin si Lawrence."

"Can I... Can I come with you?"

"No. -No!" Sabay pa naming turan ni Sky.

"Last day mo na bukas, Azine. Mag-isip ka muna bago ka kumilos. Huwag mong sayangin ang paghihirap mo para makabalik sa katawan mo. Wala ka na ulit chance kapag sinuway mo pa ulit ang kahit isa sa mga kautusan. Naiintindihan mo ba?" Wala siyang imik.

Sana lang hindi siya magpadalos-dalos ng desisyon.

______________________________________________________

Lovelots 💙💙💙

次の章へ