webnovel

Chapter 18: In love?

LUNA'S POV

Napatingin sa akin si Sky. Ngayon ay nakahawak ako sa braso niya at sinusubukan siya'ng pigilan. Paakyat na sana siya ng hagdan. Biglang nagbago ang expression niya mula sa blangko hanggang sa pagtataka.

Ano 'yon?

"Bitawan mo ako." Hindi ko siya sinunod.

"May susunduin ka na naman ba? Sino?" Tiningnan niya ako.

"Bakit ko naman sasabihin sa 'yo?" Binitawan ko na siya.

"Dahil ililigtas ko siya."

"Hindi ka Diyos." Saktong tinalikuran niya na ako kaya sinundan ko siya at hinarang.

"Sino siya?"

"Sky." Napatingin kami sa nagsalita.

"Azine. Ano'ng ginagawa mo dito?" Lumapit siya sa may pwesto namin.

Magkakilala sila?

Siya a-ang... Hindi! Tiningnan ko si Sky at napangiti ito ng bahagya.

"S-Siya ba?" Hindi niya ako sinagot sa halip si Azine ang binalingan.

"Sumama ka sa akin."

Totoo nga. Hindi pwede. It's all my fault. Nagsimula na sila'ng maglakad.

"S-Sandali."

Si Sky lang ang tumingin sa akin. Lumapit ako sa dalawa pero kay Azine ako direktang nakatingin. Sandali lang siya'ng tumingin pero iniwas din agad sa ibang direksyon.

"A-Aalis ka na?"

"Oo. Hindi ba at 'yon ang gusto mo."

"Hindi!" Agad ko'ng sagot na ikinatingin niya sa akin. Walang expresyon ang mukha niya.

"A-Ang ibig ko'ng sabihin... Sorry! Nagalit ka ba sa sinabi ko ka-kahapon? Hindi ko naman sina-"

"Bumalik ka na sa loob. Tara na." aya niya kay Sky.

"Te-" Tuluyan na ako'ng umalis kaya wala na ako'ng nagawa kung hindi ang ang tanawin na lang sila.

Umalis na siya. Wala na si Azine. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Hinipo ko ang aking dibdib na parang sumama ang pakiramdam.

Umakyat siya na galit sa akin. Kasalanan ko.

Bumalik na ako kay na mama. Napatingin siya sa akin.

"Are you okay, Luna? May sakit ka ba?" Hinipo pa ni mama ang noo ko.

"Okay lang po ako." walang gana ko'ng sagot.

Matapos ang misa umuwi lang kami sa sa bahay at nananghalian. Mga bandang 1 AM na kami pumunta sa Boac. Nag-grocery muna kami saka ako inihatid ni mama sa dorm.

"Hi, Tita Yvvone!" bati ni Aliya nang makarating kami sa itaas.

"Hi, Aliya!"

"Hello po, Tita!" bati pa rin nina Chendy at Elay.

Kompleto na sila dito pero nasa'n si Paulo?

"Maupo ka muna, Tita Yvvone."

"Salamat, Aliya." Naupo si Mama sa solong upuan.

"Kumusta kayo dito?"

"Ayos lang naman po, Tita." si Aliya.

"Hindi pa umuuwi si Paulo?" tanong ko.

"Hindi pa, Luna, ewan lang namin kung uuwi 'yon," sagot ni Elay sa tanong ko.

Nagtuloy lang muna ako sa kwarto ko at ibinaba ang dala ko'ng paper bag saka muling lumabas. Nag-uusap lang sila.

"Saan ilalagay 'to?"

Napatingin kami kay Kuya Toffe na bitbit ang mga pinamili namin kanina. Honestly, si mama lang ang namili sinusundan ko lang siya.

Si Kuya Toffe pala anak siya ng may-ari nitong dorm at minsan ay bumibisita din siya dito para i-check ang mga borders. Medyo close ko na rin naman siya. Sakto kasi'ng naabutan namin siya dito sa labas kaya nagpatulong na kami sa kaniya na iakyat ang mga dala ko. Binata pa rin lang 'to pero nasa 30s na yata sa kalkula ko.

"Dito na lang Kuya Toffe sa mesa ako na bahala mamaya."

"Thanks, Toffe."

"Salamat, Kuya Toffe."

"Sige." Bumaba na rin siya matapos 'yon.

Doon kasi 'yon tumatambay sa may laundy shop sa baba na pagmamay-ari din nila.

Napatayo na si mama. "Oh, paano I have to go, Luna."

"Hatid ko na po kayo sa ibaba."

"Bye, Tita." si Chendy. Sumunod na rin na nagpaalam sina Aliya at Elay.

"Bye! Bye! Aral kayo'ng mabuti, huh. Mag-iingat kayo'ng lahat, okay?"

"Okay po. Ingat din po kayo." si Aliya.

Iginiya ko na si mama pababa. Hinarap niya muna ako no'ng nasa may tapat na kami ng kotse.

"Aalis na ako mag-iingat ka dito, okay?" Niyakap ko lang siya at gano'n din ito. Sandali lang naman 'yon.

"Oh, sige na. Kumain ka sa tamang oras, huh. Tatawagan na lang kita. Luna, tumawag ka sa 'kin whenever you need anything, okay? 'Wag puro aral mag-enjoy ka din, 'nak."

"Salamat, 'ma. Ingat po sa pagda-drive."

"Okay."

Hinalikan ko na siya sa pisngi saka pumasok sa loob ng kotse. Nag-wave na lang ako sa kaniya gano'n din ito sa akin. Tinanaw ko na lang ang papalayo niyang kotse saka bumalik sa dorm.

"Luna, nakauwi na si Tita?" tanong ni Aliya.

"Oo." Naupo ako sa tabi ni Aliya.

"Ang dami mo na namang grocery kasama na ba kami diyan?" biro ni Elay.

"Syempre naman. Saan ko pala 'to ilalagay lahat?"

"Diyan na lang sa cabinet, Luna."

"Hello, guys! Na-miss niyo ba ako?" Napatingin kami'ng lahat sa hyper na nagsalita.

"Paulo!" Ibinaba niya muna ang mga dala sa mesa saka naupo sa may tabi ko.

"Luna, andiyan ka na pala."

"Kadarating ko rin lang."

"Ibig sabihin kaaalis lang din ni Tita Yvonne?"

"Oo."

"Sayang hindi ko naabot."

"May next time pa naman. Siya nga pala mabuti na lang nandito ka na. Ikaw na bahala dito sa mga groceries, ikaw na maglagay sa cabinet."

"Hindi mo ako tutulungan? Ang bait mo talaga sa akin bakla ka." Inismiran ko lang siya at tumayo.

"Dito lang muna ako sa kwarto."

"Okay."

Inalis ko sa paper bag 'yong bulaklak at ipinatong sa mesa. Tinabi ko na muna ang paper bag saka naupo sa harap niyon. Pinagmasdan ko lang ang bulaklak na nakabukadkad na. Bigla ako'ng nakaramdam ng lungkot. Wala na si Azine. Umakyat na siya sa langit. Kasalanan ko.

************

FLASHBACK

Bakit?"

"A-Ano'ng bakit?"

"Hindi ba't tinawag mo ako kani-kanina lang. Bakit?"

"Ang kapal mo, ha."

"Luna, 'wag mo ako'ng isipin palagi kasi naririnig at nararamdaman kita."

************

PRESENT

"Azine. Azine." tawag ko sa pangalan niya.

Pinakiramdaman ko ang paligid Napalingon ako sa likod ko pero nadismaya ako dahil wala namang Azine'ng lumitaw. Napabuntong-hininga ako. Hinarap ko ang bulaklak.

"Sinungaling!" kausap ko sa bulaklak na para ba'ng si Azine ang kausap ko. "Naririnig at nararamdaman daw ako hindi naman. Naiinis ako sa 'yo! Hindi ka man lang nagpaalam sa akin na aalis na pala."

Nangalumbaba ako sa harap ng bulaklak.

*************

FLASHBACK

"Luna."

"Iwanan mo muna ako, Azine."

"Hindi ako aalis."

*************

FLASHBACK

"Oh, ano pa ang ginagawa mo dito?"

"Sabi ko sa'yo 'di ba dito lang ako kaya hindi ako aalis."

"Ewan ko sa 'yo."

**********

FLASHBACK

"Pwede ba sa susunod mag-iingat ka naman? Huy, Maria Luna Del Mundo, hindi ka immortal baka nakakalimutan mo. At saka pwede ba 'wag mo na akong itataboy dahil sa susunod kahit sabihin mong umalis ako hindi ko gagawin. Huy, pinapaalalahanan lang kita ha, hindi lahat ng multo ay mabait kasi 'yong iba pwede kang saktan. Ayst! Ang tigas pa naman ng ulo mo."

"Huy, huy, huy, huy, ka din. Maka-huy na naman 'to isang beses mo lang sinabi pangalan ko ah tapos huy na lahat. Ano ba talagang problema mo at para kang inaapoy sa galit diyan? Nakakainis ka rin eh. Bahala ka nga sa buhay mo diyan."

*************

PRESENT

"Ilang beses mo ng sinabi sa akin na hindi ka aalis pero umalis ka pa rin. Okay lang naman sa 'kin eh k-kasi talaga namang aalis ka rin para umakyat ng langit hindi ko lang inaasahan na ngayon na pala 'yon. Tapos hindi ka man lang nagpaalam. Masaya ako na nakaakyat ka na sa langit pero... bakit ganito ang nararamdaman ko? Nalulungkot ako na hindi na ulit kita makikita. Azine, nasa'n ka na ba?"

Natigilan ako nang may biglang tumighim. Boses niya 'yon. Napalingon ako at nakita ko si Azine na nakaupo sa gilid ng kama. Nakadikwatro pa habang sa ibang direksyon nakatingin.

Kanina pa ba siya dito?

"Ang akala ko ba gusto mo na ako'ng umalis, eh, bakit nagdadrama ka ngayon diyan? Sana hindi na lang kita binigyan ng bulaklak na 'yan kung 'yan din lang pala ang gusto mo'ng kausapin kaysa sa akin. Tsk! Aalis na lang ako." Napatayo na siya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong nasa harap ko na si Azine. Napatayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan siya saka walang sabi-sabing niyakap ito. Alam ko'ng nagulat siya sa ginawa ko.

"Azine. Akala ko umalis ka na talaga eh," sabi ko pa habang yakap pa rin siya.

"Saan naman ako pupunta? Hindi ba sabi ko sa 'yo na hindi ako aalis." Binitawan ko na siya.

"S-Saan ka ba kasi nagpunta?"

"May inasikaso lang ako." Mataman ako'ng tiningan ni Azine. Ngayon ako nakaramdam ng pagkailang.

"B-Bakit?" Hinawi niya 'yong ilang hibla ng buhok ko na nakalaglag sa aking pisngi.

"Na-miss mo ba ako?" Nakatingin lang kami sa isa't isa. Ang lakas na ng tibok ng puso ko.

"Okay. You don't need to answer because I feel it already."

Hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap. Marami ko'ng gustong sabihin pero biglang nawala lahat.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? This is not good. Patay na si Azine. Kaluluwa na lang siya kaya... hindi ako pwedeng... hindi ako pwedeng ma-inlove sa kaniya. Hindi pwede. Ako lang ang masasaktan at the end. Pero bakit ganito ang puso ko ayaw niyang sumunod sa sinasabi ng isip ko? No way!

Maxine! Oo nga pala may girlfriend na siya.

Napabitaw ako bigla sa yakap niya nang maalala ko si Maxine.

"Why?"

"Puntahan mo na ang girlfriend mo baka nami-miss mo na siya."

"Kagagaling ko lang sa kaniya but she's still out of town."

Ano pa nga ba ang inaasahan ko malamang do'n muna siya sa girlfriend niya pupunta bago sa akin. Ano ba ako kay Azine? Wala lang.

"Hey!" Napangiti siya at lumapit sa akin.

"What's wrong?" Pinisil pa niya ng bahagya ang pisngi ko.

"Ano ba'ng ginagawa mo?" Napatawa si Azine.

"Ano ba'ng ginagawa ko?"

"Luna," dinig ko'ng tawag ni Paulo sa labas ng pintuan habang may kasamang pagkatok sa pinto.

Tiningnan ko si Azine na nakatingin sa akin at nakangiti pa rin. Iniwan ko na siya at pinagbuksan si Paulo.

"Ano'ng gusto mo'ng dinner?" bungad ni Paulo.

"Ikaw na lang bahala."

"Okay."

Umalis na siya kaya sinara ko na ang pinto. Pagtingin ko kay Azine nakaupo siya sa harap nang bulaklak at nilalaro-laro iyon.

AZINE'S POV

Masaya ako sa inasal ni Luna. She really missed me.

FLASHBACK

"A-Aalis ka na?"

Halatang lungkot na lungkot si Luna. Nagseryoso lang ako at hindi nagpakita ng kung anong emosyon.

"Oo. Hindi ba at 'yon ang gusto mo."

"A-Ang ibig ko'ng sabihin... Sorry! Nagalit ka ba sa sinabi ko ka-kahapon? Hindi ko naman sina-" She's guilty.

"Bumalik ka na sa loob. Tara na." aya ko kay Sky.

Matapos 'yon ay nagpunta na kami dito sa lugar ng mga grim ripper sa bungad ng langit.

"Azine," napatingin ako kay Cloud na siya'ng tumawag sa akin.

"Kumusta dito?"

"Gano'n pa rin."

"Seryoso ka ba sa sinabi mo sa akin kanina?" tanong naman ni Sky.

"Oo naman kailan ba ako nagbiro?"

"Ang alin? Ano'ng pinag-uusapan niyo?" nagtataka na rin si Cloud sa anumang tinutukoy namin ni Sky.

"Ito'ng si Azine balak mag-grim ripper."

"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang mukha ni Cloud.

"Oo nga. Pwede ba?"

"Seryoso ka ba talaga diyan? Dati no'ng pinipilit ka namin ayaw mo tapos ngayon... Sabihin mo, sino'ng nakapagpabago ng isip mo?" nang-aasar na tanong ulit ni Cloud.

"Sino talaga?"

Honestly, hindi pa sila grim ripper magkakilala na kami. Pinilit nila ako dating mag-grim ripper pero tinanggihan ko. Hindi ako kagaya ng ibang multo na hindi umaakyat sa langit dahil hindi matahimik. Sadyang ayoko lang muna talaga.

Ang sabi ko noon mahanap ko lang si Maxine aakyat na ako. Kaso ngayon biglang nagbago dahil kay Luna. Hindi ko alam ko'ng ano ang nararamdaman ko sa tampuhing babae'ng 'yon pero masaya ako sa tuwing nakikita ko siya. Masaya ako sa tuwing nakikita ko na nami-miss niya ako. Hindi ko alam ko'ng selos 'yong nakikita ko sa kaniya kapag si Max ang binabanggit ko pero nakakaramdam pa rin ako ng saya.

"Mabuti naman at naisipan mo na rin. Tara kausapin natin si San Pedro."

PRESENT

Hinarap ko si Luna na nakatayo lang at nakatingin sa akin. Napangiti ako.

"B-Bakit ka na naman ngumingiti diyan?" tanong niya habang napapatungo pa.

"I'm just happy to see you, Luna." Napatingin na siya ng diretso sa akin. She's really blushing.

"K-Kapag umalis ka pwede ba magpaalam ka sa akin?" Lumapit ako sa kaniya.

"Saan naman ako pupunta?"

"Hi-Hindi ko alam. Malay ko kung bigla ka na lang... umakyat sa langit."

"'Don't mind about it. Lumabas ka na at tulungan mo si Paulo magluto para naman matuto ka sa kitchen, okay?" Pinisil ko pa ng bahagya ang ilong niya saka sana maglalaho ulit pero...

"T-Teka..." hinarap ko siya.

"Hmm?"

"S-Saan ka pupunta? Baka..."

"May gagawin lang ako, Luna. Ah! Siya nga pala, from this day onwards magiging busy na ako ng kunti but I'll always come to visit you, okay?" Saka ako tuluyang naglaho.

LUNA'S POV

Nangunot ang noo ko. "Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya? Hindi kaya... inaalam niya na talaga kung paano siya makakaakyat sa langit?" Napailing ako sa sinabi ko.

Hindi naman siguro pero kung 'yon nga ayos din lang. Sigh.

Lumabas na lang ako. Nakita ko si Paulo at 'yong tatlo dito sa may kabilang side ng tables. May iba pa'ng nandito na boarders pero nasa kabilang side na table naman sila nakatambay. Kunti pa lang kami dito kasi mga umuwi sila tapos 'yong iba bukas na rin ang balik dito. Naupo ako sa tabi ni Aliya. Si Paulo naman ay abala sa pagluluto. Ilang oras na lang ay hapunan na rin kasi.

"Ano'ng niluluto ni Paulo?"

"Ginataang sitaw." Gulay. Sarap.

"Luna, kumusta 'yong game niyo itutuloy pa kaya?" Napatingin ako kay Chendy.

"Hindi ko alam kay sir Andrew."

Honestly, I don't want to talk about this again. Sana ma-feel naman nila.

"Malamang hindi na itutuloy 'yon, Chendy." si Aliya.

"Baka may hindi maganda na naman kasi'ng mangyari. Lesson learn na lang si sir. For sure hindi pa rin nakaka-recover ang lahat." Pagpapatuloy niya.

"May punto ka naman diyan pero wala namang may alam na gano'n ang mangyayari. Until now kinikilabutan pa rin ako," singit na rin ni Elay.

"Alam niyo sa tingin ko," si Paulo na lumapit na rin sa amin at nanatili lang nakatayo habang hawak-hawak ang sandok.

"'Wag niyo ng pag-usapan 'yan dahil may kasama tayo ditong kinakalimutan na 'yan." Nangunot ang mga noo nila.

"Sino?" Wala'ng ideyang tanong ni Elay.

Thanks, Paulo. Wala ng nagsalita pa ulit tungkol do'n. Si Paulo naman ay bumalik na sa pagluluto.

Kumain na kami matapos makapagluto.

"Luna, kumusta naman 'yong mga multong nakakasalamuha mo?" Napatigil ako sa pagkain at napatingin kay Paulo.

"Kailan ka pa naging interesado sa mga multo, Paula?" Natatawang tanong ni Aliya.

"Mamaya niyan pakitaan ka ng multo eh." si Chendy.

"Supla, ano! Nangungumusta lang naman eh."

"Bakit hindi na lang sila ang tanungin mo?" sabat ko. Napatingin naman sila sa akin. Binitawan ko muna ang kotsara'ng hawak ko. Iniangat ko ang kanang kamay ko at itinuro ang side ni Paulo. Sinundan nila ang tinuturo ko.

"Ayan lang sila oh." Napamulagat sila pare-pareho.

"Luna naman eh. Palayasin mo na sila, please!" si Elay. Si Paulo naman ay hindi na makapagsalita.

"Hindi naman nila kayo sasaktan eh, 'wag niyo lang silang iinisin." Napatawa pa ako dahil takot na takot na talaga sila.

Napatayo na ako.

"Saan ka pupunta, Luna?" si Paulo.

"Kakausapin ko lang sila." Binalingan ko si Princess at itong bata. "Sumunod kayo sa akin."

Dinala ko sila sa kwarto ko.

"Princess, hayaan mo ikaw na susunod ko'ng-"

Lumakad siya at nang tingnan ko ay papalapit pala siya sa bulaklak na bigay ni Azine.

"S-Saan galing ang bulaklak na ito?" Lumapit ako sa kaniya.

"Bigay ni... Regalo lang sa akin. Bakit?"

"Regalo ng isang multo?" Nangunot ang noo ko.

"Paano mo nalaman?"

"Ate Luna, ang bulaklak na 'yan ay mula sa tinatawag naming mha patay na Hardin ni Eva."

"Hardin ni Eva?"

"Ang Hardin ni Eva ay Hardin ng mga patay, Luna. Kahit gano'n ilang beses ko ng narinig na napakaganda raw ng lugar na iyon

at halos lahat ng kaluluwa ay nais makapumunta. Hindi pa kami nakakarating doon dahil tanging mga kaluluwang may posisyon lamang ang makakapasok sa harden," sabi ni Princess na sa bulaklak pa rin nakatingin.

"Mga kaluluwang may posisyon? Ano'ng ibig mo'ng sabihin?"

Naguluhan ako sa sinabi niya. Hinarap niya ako.

"Ang tinutukoy ko'ng mga kaluluwang may posisyon ay ang mga Grim Ripper, Luna, at ang mga kaluluwang magi-Grim Ripper pa lang. Sila lang ang pwedeng pumasok doon kasama ang mga Bosses namin maliban sa Pinakamataas."

Napanganga ako sa sinabi niya. Grim Ripper? Magi-Grim Ripper?

FLASHBACK

"T-Teka..."

"Hmm?"

"S-Saan ka pupunta? Baka..."

"May gagawin lang ako, Luna. Ah! Siya nga pala, from this day onwards magiging busy na ako ng kunti but I'll always come to visit you, okay?"

PRESENT

Dahil kaya magi-Grim Ripper na siya kaya sinabi niyang magiging busy na siya?

"Pinapawi ng bulaklak na ito ang lungkot, pangamba, pag-aalala at takot ng isang tao. Maswerte ka at nabigyan ka nito, Luna." Napangiti ako pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Princess.

Grim Ripper? Si Azine?

次の章へ