AZINE'S POV
Naupo ako sa tabi ni Luna na naka-beast mode pa din. Nagtatampo yata dahil hindi uuwi ang papa niya. Anyway, she's watching TV dito sa salas nila. But, I think, hindi naman siya nanonood eh kasi naman kanina pa nga siya nakaupo dito pero puro lang siya lipat nang lipat ng channel. Kahit ako nga nahihilo na sa kaniya. Sinubukan kong agawin sa kaniya 'yong remote pero hindi ko naman nagawa.
"Balak mo bang sirain 'yang TV?" bulalas ko.
Hindi niya ako sinagot sa halip naghanap na lang siya ng mapapanood. Binaba niya na 'yong remote no'ng makahanap siya ng action movie. Napasandal si Luna sa sofa at tinuon ang atensyon sa TV.
"Alam mo may sasabihin ako sa'yong secret." Napatingin siya sa'kin.
"Ano?" walang gana niyang tanong habang nakatingin pa din sa'kin.
"Ang panget mo pala kapag nakasimangot. Ha-ha-ha!" napabunghalit ako ng tawa.
Hindi ko mapigilang hindi matawa. Pagtingin ko kay Luna mataman lang siyang nakatingin sa'kin at seryoso ang mukha. Napatigil naman na ako sa pagtawa.
"Umalis ka na nga dito." bulyaw niya.
Pinatay niya 'yong TV at tumayo na kaya sinundan ko na lang siya papalabas.
"Saan ka pupunta?"
Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya.
Paglabas namin sa loob ng bahay medyo malaki din ang bunsuran nila na nababakuran ng sementong pader. May mga halamang namumulaklak sa likod at saka sa may harap. Nang masulyapan ko ang gate malapit lang pala ang kalsada pero may iba akong naaamoy mula sa kinatatayuan ko. Simoy ng dagat nga 'yon na nakompirma ko nang tuluyan akong makalabas. Nasa kabilang kalsada lamang.
Sinundan ko si Luna na nagpunta do'n sa nagkukumpulang mga tao. May tindahan pala dito na nagtitinda ng mga pagkain na hindi ko alam kung ano. Pinagmasdan ko na lang sila nang makalapit ako.
"Luna, libre naman diyan." Sabi no'ng isang babae sa kaniya.
"Oo nga Luna paawas ka naman oh." Sang-ayon nitong isa pang babae na kulot ang buhok.
"Ayan na naman ang mga Miss Libre. Sige, sige kumuha na kayo ako na magbabayad."
"Yes! Bait mo talaga, Luna," sabi ulit nitong kulot.
"Si Luna pa ba eh talagang mabait 'yan."
"Nang-uto pa talaga ang mga 'to." Napailing na lang siya.
Matapos makabili ay naupo muna si Luna kasi may bangko naman dito. May hawak na siya ngayong dalawang disposable na baso at nagsimula ng kumain. Naupo ako sa tabi niya at tiningnan siyang kumain.
"Takaw mo. Ano ba 'yan?"
Tiningnan niya ako pero bumalik din kaagad ang atensyon sa kinakain.
"Hindi ka pa nakakain nito?"
Napailing ako. "Nope. Masarap ba 'yan? Anong klaseng pagkain ba 'yan?"
"Kwek-kwek 'to tapos squid balls itong isa."
"K-Kwek-kwek and squid balls? Gusto ko ring matikman kaya ilibre mo rin ako." Napatingin siya sa'kin.
"Sige, pero mabuhay ka muna ulit."
Natawa pa siya sa'kin samantalang ako naman ay pinasaringan siya. Kakainis talaga 'tong babae na 'to.
Kapag ako nabuhay nga ulit matakot ka na.
Bumili pa siya ulit maya-maya at nakipag-kwentuhan do'n sa mga kabataang nandito. Hindi na naman ako pinansin.
"Naku, alis na ako ang dami ko ng nakain." maya-maya'y sabi ni Luna sa mga kakwentuhan. Kanina pa ako OP eh.
"Mabuti naman at napansin mo rin," singit ko.
"Kuya Bogs, magkano po lahat?"
"Bale 69 lahat, Luna."
Inabutan niya ng 100 pesos si Manong.
LUNA'S POV
"Sa'yo na ang barya, Kuya Bogs, okay?"
Natuwa naman si Kuya Bogs. "Wow! Thank you, Luna bait mo talaga. Mabuti umuwi ka ngayon."
"Sus! Bolero ka na din Kuya ha. Alis na po ako next time ulit." Nagkatawanan pa kami.
Tiningnan ko muna 'yong kaluluwa ng asawa ni Kuya Bogs na nakatayo sa tabi niya. Kanina ko pa siya napansin pero hindi naman niya ako ginugulo eh.
"Luna, " tawag niya sa'kin kaya napabalik ako ng tingin.
"Ipaalala mo naman sa asawa ko ang wedding anniversary namin, please? Sobrang abala niya sa pagtatrabaho kaya baka nakalimutan niya na." Nginitian ko siya.
"Kuya Bogs, 'yong wedding anniversary niyo nga pala ni Ate Milly 'wag mo raw po kakalimutan." Napangunot-noo si Kuya Bogs sa'kin.
"P-Paano mo nalaman?" Nginitian ko lang siya.
"Happy wedding anniversary po sa inyong dalawa."
Tinalikuran ko na sila. Alam kong nagtaka si Kuya Bogs sa sinabi ko. Paliko na sana ako papunta sa may dagat pero may natanaw akong nagtitinda ng ice cream. Parang ang sarap kasi ng malamig ngayon eh.
"Kuya, pabili po."
Tawag ko sa mamá at huminto sa tapat ko.
"Hindi ka pa ba nabubusog ang dami mo ng kinain kanina, ah?" Singit nitong si Azine na kanina pa bumubuntot sa'kin.
"Isa lang po 'yong nasa sweet cone."
Binayaran ko na siya at tumuloy na sa may dagat.
"Siguro may anaconda'ng laman 'yang tiyan mo." Pang-aasar niya pa.
"Ano naman sa'yo?"
Humanap muna ako ng mapupwestuhan nang makarating ako sa may dalampasigan. Naupo ako sa may ilalim ng punong talisay kasunod si Azine na naupo din. May mga naliligo din pala dito ngayon pero malayo naman sa'kin.
"Ito ang real place mo?"
"Oo," sagot ko habang kumakain ako ng ice cream.
Tumanaw-tanaw lang si Azine sa paligid. Sarap ng hangin dito nakaka-relax pa ang sorroundings.
"Teka, sagutin mo nga bakit hindi mo manlang sinabi sa'kin na uuwi ka pala dito?"
Kanina pa niya 'yan pinagpipilitan kaya pinasaringan ko na lang siya.
"Sabi ko na nga di ba papaano ko sasa-"
Pinutol niya ang sasabihin ko. "Maliban diyan. Nag-iwan ka manlang sana ng notes o kaya...maraming paraan. Ilang oras akong naghintay sa dorm mo kanina ha."
"Akala ko ba lahat ng pupuntahan ko alam mo?"
"Of course not! Hindi mo naman ako stalker, ano?" N
napabuntong-hininga na lang ako at inubos na lang ang kinakain ko.
Kanina pa ako may nararamdamang kakaiba dito parang bigla akong kinilabutan.
"Okay ka na ba?" mahinahong tanong niya.
"Okay naman ako ah." pagsisinungaling ko.
" 'Wag ka ngang in denial diyan, Luna. Eh, kaya ka nga kain nang kain kanina pa dahil na-badmood ka sa pag-uusap niyo ng mama mo."
Tiningnan ko na siya this time pero ito naman ay ibinaling ang tingin sa mga batang naliligo.
"Akala mo hindi ko napapansin na sa pagkain mo ibinabaling ang pagka-bad mood mo. Ang takaw mo kaya kapag nai-stress ka o kaya kapag galit ka," pagpapatuloy niya pa.
"Alam mo na pala nagtatanong ka pa diyan," asik ko.
Natawa lang siya sa'kin. Natahimik kami sandali at tanging simoy ng hangin at hiyawan ng mga naliligo lang ang maririnig.
"Tingnan mo sila." Maya-maya'y sabi ni Azine.
Napatingin na rin ako sa tinitingnan niya na mga batang naliligo kasama 'yong parents nila.
"Bigla akong nakaramdam ng inggit sa mga batang 'yon. Sa second life gusto ko ring maka-bonding ang family ko dito sa beach."
Napansin ko na puno ng aspirasyon ang mukha niya habang nakangiti na parang nangangarap.
Sana nga totoong may second life.
"Gusto mo'ng sumama?" Nakangiti niyang alok sa 'kin.
"Seryoso ka diyan?"
"Oo naman. Ikaw ang tumutulong sa'kin kaya pamilya na rin ang turing ko sa'yo."
Natawa ako. "So, ano kita...uhm kuya, tatay o lolo?" Napasimangot si Azine.
"Baliw! Kaya naman dapat bilang pamilya mo kailangan mong isangguni ang lahat sa'kin." Natawa ako ulit.
"Eh, para ka lang palang si papa eh."
"So? Basta, lahat dapat alam ko kahit mga manliligaw mo pa. Para naman kahit papaano kapag umalis na ako eh maalala mo pa rin ako, di ba? Subukan mo lang hindi ipaalam sa'kin ang lahat mumultuhin kita o kaya ipapa-bann kita sa heaven," ngingiti-ngiting anas niya.
Nawala na 'yong ngiti ko simula nang banggitin niya ang pag-alis niya.
"Oh, bakit na naman? Kanina lang tatawa-tawa ka pero nakasimangot ka na naman diyan?"
Napansin niya yata ang pag-iba ng mood ko. Napatayo na ako.
"Huy! Saan ka na?"
Hindi ko siya sinagot at umalis na. Kanina ko pa rin naman kasi gustong umalis dito kasi may nararamdaman akong ibang presensya. Napasunod na lang sa'kin si Azine.
AZINE'S POV
Napatayo na lang din ako at sinundan si Luna. Walkoutera talaga ang babaeng 'yon. Gusto ko pa naman mag-stay dito sa beach eh.
Papatawid na ako sa may kalsada samantalang nasa may unahan ko lang naman si Luna nang bigla akong mapahinto. Out of a sudden, bigla akong nakaramdam ng kakaiba hindi ko lang malaman kung ano. Napatingin ako sa mga paparating na sasakyan at mas lumala ang pakiramdam ko. Parang biglang tumibok 'yong puso ko pero alam ko namang imposible 'yon. Napahawak na lang ako sa dibdib ko na parang sumisikip naman ngayon.
Ano 'tong nararamdaman ko?
Napatingin ulit ako sa mga sasakyan na nalampasan lang ako. Tiningnan ko 'yong kamay ko na nagfi-fade na. Kinabahan na ako at mas sumikip na 'yong dibdib ko. Ang pakiramdam ko ay para akong namamatay ulit.
"Ahhhhh!" daing ko.
"AZINE!"
Napatingin ako sa sumisigaw na si Luna.
"L-Luna."
Napansin kong papalapit na siya sa'kin pero malayo pa siya ay napatumba na ako sa kalsada.
LUNA'S POV
Naiinis talaga ako sa multong 'yon.
"Bakit kasi hindi na lang si Maxine ang kulitin niya?"
Pasaway kasing kaluluwa eh.
"Huy, Azine-"
Napahinto ako sa pagsasalita nang hindi ko siya mahanap sa likuran ko at nakita ko siya sa may kalsada na parang hindi maganda ang pakiramdam. Nakahawak siya sa dibdib niya habang nakatanaw sa papalapit na mga sasakyan.
"A-Ano'ng nangyayari sa kaniya?" nag-aalala kong tanong.
Maya-maya napansin ko na rin na parang nagfi-fade siya kaya kinabahan na rin ako.
Azine!
Bigla akong nakaramdam ng takot. Out of nowhere biglang nahagip ng paningin ko si Sky na naka-upo sa nakahintong kotse. Nakatingin lang siya sa'kin. Alam ko na 'to kaya mas kinabahan ako.
Sinigawan ko na si Azine kaya napatingin siya sa'kin. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Nagsimula na akong humakbang papalapit sa kaniya kahit pa may mga sasakyan. Parang nanlambot ang tuhod ko. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit nang bigla siyang napahandusay sa may kalsada.
"AZINE!"
Agad na akong napalapit sa kaniya mabuti na lang nakalampas na 'yong mga sasakyan. Wala rin namang tao dito na makakakita sa 'kin para sabihing weird ako.
"Azine!"
Hinawakan ko siya pero hindi ko na magawa. Nagfi-fade pa rin siya. Namalayan ko na lang na nangilid na ang luha ko.
"Azine gumising ka. A-Ano'ng nangyayari sa'yo?"
Sinubukan ko ulit siyang hawakan pero gano'n pa rin. Tiningnan ko si Sky pero wala na siya do'n.
"Azine, gising. Azine."
Maya-maya napansin kong gumalaw na siya. Hindi na rin siya nagfi-fade ngayon.
"Azine," tawag ko sa kaniya.
"L-Luna." nanghihina niyang banggit sa pangalan ko.
"Ano'ng nangyari sa'yo?"
Nahahawakan ko na siya this time.
"I'm okay."
Tumayo na si Azine at tumabi na kami kasi may mga sasakyan.
"Ano'ng okay?"
Maya-maya ay napatawa pa siya kaya nainis ako.
"Nag-aalala ka sa'kin? Uy, concerned na siya sa'kin. Ha-ha-ha!"
Dahil sa inis ko tinalikuran ko na lang siya at umalis na. Hindi ko na lang pinahalata na nag-aalala ako sa kaniya kahit papaano.
Walkoutera talaga. sa isip ni Azine at napangiti pa.
AZINE'S POV
"Huy!" tawag-pansin ko kay Luna.
Hindi ako tiningnan ni Luna na kanina pa ako hindi pinapansin. Nakaupo lang siya sa kama niya at inaayos 'yong mga gamit niya na nasa bag.
Nandito na pala kami sa kwarto ni Luna kasi dito siya dumiretso pagka-walk out niya kanina. Honestly, hindi ko alam kung ano 'yong nangyari sa'kin kanina. Natakot din ako pero hindi ko na lang pinahalata kay Luna kasi takot na takot din siya kanina.
Kanina ko lang siya nakita na gano'n ang itsura. My heart felt. Susuyuin ko na lang muna siya ngayon galit na kasi agad. Ha-ha-ha!
Wala lang naman 'to.
Bago pa ako magsalita napansin ko ang kwarto niya na panay picture na naman no'ng idol niyang singer. Kainis.
"Hanggang dito ba naman picture pa rin nang lalaki'ng 'to ang makikita ko? Gano'n mo ba 'to ka-crush? Tsk!" sabi ko na kunyareng nagmamaktol pa.
Hindi niya ako pinansin at ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Tumighim muna ako. Ang hirap niyang suyuin. Gosh!
"Luna. Galit ka ba?" malambing kong tanong maya-maya.
"Do'n ka na sa girlfriend mo," inis niyang sabi.
Pinagtatabuyan na naman ako nito.
"Galit ka eh. Sorry na oh."
Hindi pa rin niya ako pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa. Maya-maya napatayo na siya at may nilagay na gamit sa drawer niya. Sinusundan ko lang naman siya at minsan ay lilitaw sa harap niya pero agad naman niya akong iiwasan. Hard to please naman ni Luna. Bawal siyang galitin.
"Alam mo mahihirapan ang magiging boyfriend mo sa'yo. Ang hirap mo palang suyuin." Hindi siya sumagot sa halip pinasaringan ako ng tingin.
"Lunaaa." Mukhang hindi niya talaga ako papansinin kaya may naiisip akong paraan. Naglaho na muna ako sandali.
LUNA'S POV
Napansin kong naglaho na si Azine. Mabuti naman dahil kanina pa ako naririndi sa kaniya. Tinigil ko na lang muna ang ginagawa ko at naupo sa kama. Napabuntong-hininga ako habang iniisip 'yong nangyari kay Azine kanina. Naalala ko 'yong hindi ko siya nahawakan dahil nagfi-fade na siya. Hindi kaya... Naipilig ko na lang ang isipin na tumatakbo sa isip ko. Ayokong isipin 'yon sa ngayon.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi! Naaawa lang talaga ako sa kaniya.
"Nakatulala ka na naman."
Napatingin ako kay Azine na biglang lumitaw sa may harap ko. Ang dalawang kamay niya ay nakalagay sa likod.
Ano' ng gimik niya?
"Bakit andito ka na naman?" nakasimangot ko'ng tanong.
"May ibibigay lang ako sa'yo." Nangunot ang noo ko sa kaniya.
Saka niya nilabas ang kamay at iniabot sa'kin ang isang bulaklak na pinagmasdan ko lang muna dahil nagagandahan talaga ako kahit hindi pa ito namumukadkad. Biglang nawala 'yong nararamdaman kong takot at inis dulot marahil ng bulaklak na hindi ko alam kung may mahika yata.
"Heto oh kunin mo na." Malambing na sabi ni Azine.
Hindi ko alam kung anong klaseng bulaklak ito dahil parang ngayon lang ako nakakita nang ganito kagandang uri ng bulaklak. [NOTE: Imaginary flower ☺️] Kulay lila ang may katamtamang bulaklak na ito na hindi ko pa ma-describe ang loob dahil hindi pa nga namumukadkad pero ayos na rin.
"M-Mahahawakan ko ba 'yan?" nag-aalinlangan ko'ng tanong.
"Bakit hindi mo subukan."
Hindi ko muna kinuha ang bulaklak kay Azine sa halip ay hinipo ko lang sandali ang isang nakakuyom na petals pero nagulat ako sa sumunod na nangyari no'ng madampian ko ito ng daliri ko kaya naman nabawi ko kaagad ang kamay ko sa pagkagulat. Biglang bumukadkad ng dahan-dahan ang mga talulot na para bang isang sanggol na humihikab mula sa pagkakatulog. Napakaganda nitong pagmasdan at manghang-mangha talaga ako. Nang pagmasdan ko ang namukadkad na bulaklak ay hindi nga ito pangkaraniwan at hindi ko pa rin ito nakita noon sa kung saan.
"Luna, para sa'yo."
Inilapit niya pa sa akin ang bulaklak.
Tiningnan ko muna si Azine saka ang bulaklak na kinuha ko na rin. Tinapat ko ito sa aking ilong at inamoy ang mabangong halimuyak na nanggagaling dito. Nawala ang lahat ng iniisip ko at para ba'ng kaya nitong gamutin ang anumang dinaramdam ng isang tao emotionally and mentally.
"A-Anong uri ng bulaklak ba 'to, Azine?" Naupo si Azine sa tabi ko.
"Hindi ko rin alam eh basta kinuha ko na lang 'yan sa hardin ni--- ahh... sa garden lang."
"Garden nino? Ninakaw mo ba 'to?" paseryosong biro ko.
"Hindi 'no. Paano naman ako makakapagnakaw eh patay na nga ako, di ba? Isa pa mukha ba akong magnanakaw?"
"Pero paano mo ito nahawakan?" usisa ko pa.
Napaisip siya at mukhang hindi alam ang sasabihin.
"Ayaw mo yata, eh ibalik mo nga sa akin."
Sinubukan niyang kunin sa akin ang bulaklak pero agad ko'ng inilayo sa kaniya.
"Binigay mo na sa 'kin babawiin mo pa?"
Natawa na lang ako sa reaksyon niya at binalingan ulit ang bulaklak.
"Wala ka bang sasabihin sa'kin?" Nangunot ang noo ko sa kaniya.
"Ano?" kunyari'y tanong ko.
"Hay naku wala!" Bumulong-bulong pa siya.
"Thank you! Sobrang ganda nang bulaklak na 'to."
Napahinto na siya at napatingin sa 'kin. Napangiti naman siya ng bahagya.
"Welcome! Itanim mo kaagad 'yan ha kasi baka mamatay parang ako. Ha-ha! Dapat alagaan mo 'yan ha kasi kung hindi..." Hinintay ko na lang ang sasabihin niya.
"Kung hindi mo aalagaan babawiin ko na lang sa 'yo 'yan."
"Mabubuhay ba 'to?"
"Syempre naman basta alagaan mo lang ng mabuti."
"Hmmm!"
Napatayo na ako pero tinawag ako ni Azine kaya napatingin ako sa kaniya.
"Saan ka pupunta?"
Hindi ko na siya nilingon. "Itatanim na po 'to baka kasi bawiin mo pa." Tuluyan ko na siyang iniwan at lumabas na ng kwarto.
Nasalubong ko si mama nang makababa ako. Natuon din ang tingin niya sa dala ko.
"Ano 'yan, 'nak?" usisa niya.
Si mama talaga obvious nama'ng bulaklak ang dala ko eh.
"Bulaklak po mama."
Sinubukan din ni mama na hawakan ang bulaklak pero agad ko'ng nilayo kaya napasimangot siya. Pansin ko'ng manghang-mangha rin ang itsura niya.
"Wow! Napakaganda naman niyan, 'nak. Saan galing 'yan?"
Hindi ko nabanggit mahilig din kasi si mama sa mga bulaklak at halaman at halos halos familiar na siya sa mga halaman.
"Sa'kin po tita," singit ni Azine na sumunod pala sa'kin. Hinayaan ko lang siya.
"Hmm... binigay lang po sa'kin. Mama, may extra flowerpot pa po ba tayo dito?"
"Hindi ko lang alam parang wala na yata. Ano ba'ng pangalan ng halaman na 'yan 'nak at parang kakaiba ang itsura? Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kagandang bulaklak eh."
Pasimple kong tiningnan si Azine kasi hindi ko rin alam kung ano ang pangalan nito. Since, wala naman 'tong pangalan may naisip na ako.
"Ano po 'to 'ma uhm...Azine."
"Azine?" Sabay na sabi ni mama at ni Azine. Wala akong maisip eh.
"Parang pangalan lang ng tao ah." Napangiti na lang din ako. Napangiti ng maluwang si mama at alam ko na ang ibig sabihin no'n.
"Anak, pwede ko bang makuhanan ng picture? Please?" Nagpa-cute pa si mama.
"Hindi po pwede." Tinalikuran ko na si mama at tinahak na ang daan pabalik sa kwarto ko.
"Huy, Maria Luna, isang picture lang naman eh. Ang damot naman. 'Nak!" Dinig ko pang sabi ni mama pero hindi ko na siya pinansin.
Pagkapasok ko sa kwarto kinuha ko 'yong mug na naiwan ko pala dito sa may study table at nilagay ang halaman do'n pansamantala.
"Mukha ba akong halaman?" tanong ni Azine na lumitaw sa may likuran ko.
"Hindi mo naman kasi sinabi sa'kin kung ano ang pangalan nito eh."
Hinayaan ko siya at kinuha ko na lang 'yong maliit na shoulder bag ko at sinukbit iyon.
"May pupuntahan ka ba?" Kinuha ko muna 'yong wallet ko sa bag at nilagay dito.
"Pupunta akong bayan."
"Huh? Bakit?"
"Bibili ako ng paso." Lumabas na ako at sinara ang pinto samatalang siya naman ay lumusot lang.
"Puntahan mo na lang kaya si Max at 'wag kang sumunod nang sumunod sa 'kin. Ano kita bodyguard?"
"Pwede. Sama ako."
Pagkababa ko hinanap ko si mama para makapagpaalam.
"Mama!" tawag ko sa kaniya.
"Yes, darling? May lakad ka?"
"Punta lang po akong bayan saglit may bibilhin lang po ako."
"Sige ingat." Lumabas na ako ng bahay kasunod si Azine.
__________________________________________________
Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙
Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.
Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.
MARAMING SALAMAT! ☺️