Chapter 11- Family Bonding
Hindi pa rin mawala sa isip ni Zeu ang mga nangyari ngayong araw. Gulat na gulat pa rin siya sa mga nangyari, lalong Lalo na sa kakaibang ginawa ni Munting Squeek at maging ang kanyang mga skills.
Ngayon, kasalukuyang nakahiga si Zeuz sa kanyang kama habang si Munting Squeek ay nasa tabi niya at nilalakbay ang mundo ng panaginip.
Hindi makatulog si Zeuz kahit malalim na ang gabi. Naaalala niya pa rin ang mga nangyari ngayong araw. Ang araw na ito ay tila isang linggo na sa knya dahil sa maraming ganap.
Dahil hindi makatulog si Zeuz nagiisip siya ng kanyang gagawin, kaya sinummon niya ang kanyang Summoning Grimoire upang tignan ito.
Binuklat niya ang pabalat ng libro at nakita niya ang information niya.
---------------------------------------
[Name]: Zeuz Trevor
[Clan]: Divine Tortoise Clan
[Age]: 9
[Main Class]: Summoner
[Rank]: Mid-Tier Bronze-Rank
[Sub-Class]: None
[Rank]: None
[Innate Ability]: Python-Scale Light Blade (Description: An ability to materialize a Python scale-like blade and use it as weapon)
Divine Tortoise Eyes (Description: Like a Divine, a Divine Tortoise Eyes is an ability to see through the information of certain object, beast and even human)
[Skills]: Soul Protection (Blessing)
Soul Protection (If the owner of this skill activate it, it gives the owner protection of his soul and body on any attack)
[Guardian Beast]: Yin Yang Beast
[Summon Beast]: Twin Spirit Soul Rodent (Soul Bond)
[Available Slot]: 1
----------------------------------------
[Your Summon Beast, Twin Spirit Soul Rodent bless you one of his former skill]
----------------------------------------
Maraming nagbago sa inpormasyon ni Zeuz. Isa na siya talagang ganap na Mid-Tier Bronze-Rank Summoner.
May skill na rin siya na [Soul Protection] na blessing sa kanya ni Munting Squeek. Kaya siguro hindi naapektuhan ang kanyang soul noong nagform sila ng blood contract.
May available slot pa rin siya for summon beast kahit nagform na siya ng blood contract kay Munting Squeek dahil umangat na ang kanyang Tier.
Dahil kada angat ng tier mapupunan ito ng slot.
Naging Mid-Tier Bronze-Rank Summoner siya dahil ang stage na ni Munting Squeek ay 6th-Stage Bronze-Rank na mahahambing sa Mid-Tier.
Nang makita niya na ang mga karagdagang inpormasyon sa kanyang Summoning Grimoire. Binuklat ni Zeuz ang susunod na page, sa pangalawang page makikita niya sa pinakataas nito ang larawan ng dalawang nilalang, pagong at ahas. Ang dalawang nilalang na iyon ay ang kanyang Guardian Beast na kasalukuyang natutulog sa Summoning Grimoire. Sinunod tignan ni Zeuz ang information na nasa baba ng larawan.
--------------------
[Name]: Xiao Yin and Xiao Yang
[Beast Name]: Yin Yang Beast
[Affinity]: Dark/Light
[Ranking]: 3rd-Stage Bronze-Rank
[Potential]: A-Grade
[Status]: Healthy, Sleeping
[Innate Ability]: Yin Yang Domain, Death Stare, Holy Scale
[Description]: Yin Yang Domain (Description: Domain which the area of domain feel that they are between death and life, in short this domain make your mind and soul choatic.)
Death Stare (Description: White means light, but when you stare at the white eyes of the Black Tortoise and this abilty is activated that means your death is coming.)
Holy Scales (Description: This Phython Scales are the most holy things in the world, this scale uses to purify the evil)
[Skills]: Call of Undead, Holy Healing, Shell-Scale Shield, Flash, Yin Yang Ball, Life-Death Energy Gathering
Call of Undead (A skill to call a dead body burried to the ground and make it move and fight)
Holy Healing (A Python/Yang produce a light through his mouth and when the light touches the injured target the wounds, bruises and etc. will be healed)
Shell-Scale Shield (The beast materialize a black tortoise shell with white python scale to use as a shield)
Flash (This give the beast ability to move like a shadow or move fast as light)
Yin Yang Ball (The two mouth of beast produce a ball like energy using their affinity and shoot it to target)
Life-Death Energy Gathering (This skill learn by the beast after consuming the Blue Ocean Turtle Grass. This skill help beast gather life and death energy faster than usual)
[Mythical Bloodline]: Black Tortoise
[Mythical Beast Description]: Black Tortoise is one of the four major constellation guardian.
----------------------
Walang gaanong nagbago sa inpormasyon nila Xiao Yin at Xiao Yang. Nadagdag ang kanilang pangalan na binigay ni Zeuz, normal na sa mga Summoner ang bigyan ng pangalan ang kanilang ang mga guardian and summon beast na mayroon sila.
Naging detalyado din ang mga skill nito dahil nakasaad na rito kung paano gamitin at ang epekto nito.
Mayroon rin namang nadagdag na skill ang guardian beast ni Zeuz ang [Life-Death Energy Gathering] na nadagdag isang araw pagkatapos nilang kainin ang binigay na herbs ni Tandang Dan na Blue Ocean Turtle Grass.
Kung susumain dahil sa Life-Death Energy Gathering na skill nila ay nasa peak of 3rd-Stage na sila kahit isang linggo pa lamang ang nakakaraan dahil ito sa mas mabilis ang paggather ng Light and Dark/Life and Death Energy.
Kaya sigurado si Zeuz na hindi tatagal magbre-breakthrough rin sila sa next stage. Pero kung lalakas ng patuloy ang kanyang Guardian Beast ay kakailanganin niya rin ng mas saganang soulforce. Dahil mas malakas o mataas na stage and rank mas makunsumo rin sa soulforce.
Kaya sinisiguro ni Zeuz na mapunan ang kanyang imbakan ng soulforce para masummon niya palagi sila Xiao Yin at Xiao Yang.
Nang nakuntento na si Zeuz sa nabasang information ng kanyang Guardian Beast ay binuklat niya ang susunod na pahina, ang information ni Munting Squeek.
Walang larawan na nakalagay sa pahina dahil wala sa loob ng Summoning Grimoire si Munting Squeek dahil nasa tabi ito ni Zeuz. Mapapansin na hindi tila Hindi nakokonsumo ang soulforce ni Zeuz. Ang dahilan nito ay hindi na kailangan ni Munting Squeek ang soulforce ni Zeuz para makalabas siya sa Summoning Grimoire at nagtagal sa labas.
Ang mga iyon ay may dahilan dahil si Munting Squeek ang nag- initiate ng blood contract kaya may responsibilidad din siya sa kanyang sarili.
Binasa ni Zeuz ang information ni Munting Squeek na nakasulat sa kanyang Summoning Grimoire
-------------------
[Name]: Munting Squeek/Little Squeek
[Beast Name]: Twin Spirit Soul Rodent (Soul Bond)
[Affinity]: Fire/Ice/Soul
[Ranking]: 6th-Stage Bronze-Rank
[Potential]: A-Grade
[Status]: Healthy, Sleeping, Hungry
[Innate Ability]: Soul Keep
[Description]: An ability to store the soul of the beast that the owner killed on the end of his/her tail.
[Skills]: Soul Freeze, Soul Ignite, Soul Command, Soul Bind, Twin Dragon Roar, Soul Search
Soul Freeze (Skill to freeze the soul of the target. The target will not able to move and gather essence until the owner of the skill deflect it.)
Soul Ignite (Skill to fire/burn the soul of the target. This skill can kill the target or scratch the target's soul.)
Soul Command (Skill able to command the soul that the owner store using his/her Soul Keep)
Soul Bind (Effect 1: Using this skill the target and owner are able to communicate and feel the each other feeling.
Effect 2: Using this skill to the soul that the owner keep, the two same soul can undergo variation of the soul)
Twin Dragon Roar (Owner can materialize two dragon using the energy of fire and ice, and make it attack.)
Soul Search (Able to sense living being's soul on the area of the owner and can feel the emotion and thoughts of the target)
-------------------
Namamangha pa rin si Zeuz sa nababasa niyang information ni Zeuz. Kinusot niya pa ang kanyang mga mata dahil Hindi pa rin talaga siya makapaniwala sa lakas na meron si Munting Squeek.
Naging masaya pa lalo si Zeuz sa dalawang salitang nabasa niya sa tabi ng beast name ni Munting Squeek, ang [Soul Bond].
Para sa mga Summoner mahalaga ang mga summon beast na maging soul bond nila dahil magiging konektado na sila sa isa't isa.
Kapag namatay ang soul bond ng isang Summoner malaki ang magiging masamang epekto nito sa soul ng Summoner. Pero, magrerevive din ito kung ang soul ng Summoner ay hindi pa nasisira I nawawasak o Hindi pa namamatay ang Summoner.
Masaya si Zeuz sa mga nababasa niyang information sa kanyang Summoning Grimoire kaya hindi niya namalayan na papasikat na pala ang araw.
Sumilip siya sa bintana ng kanyang bahay ay tsaka niya lamang napagtanto na maguumaga na pala kaya dali-dali siyang nagayos para pumunta sa burol.
"Munting Squeek, gising na pupunta na tayo sa burol para nagtre-training"
Ginigising ni Zeuz ang maliit na nilalang na sarap na sarap ang tulog sa kama.
"Inaantok pa ako, kaibigang Zeuz" Hindi na purong tunog ang naririnig ni Zeuz ng tumugon si Munting Squeek dahil sa blood contract nila naiintindihan na ni Zeuz ang sinasabi ni Munting Squeek sa kanya.
"Bilis na pasikat na ang araw bahala ka at hindi kita bibigyan ng pagkain mamaya." Pangungunsensya ni Zeuz sa munting nilalang na nakapikit kahit halata namang gising na.
Nang marinig ni Munting Squeek ang salitang pagkain ay nagmulat agad ang mata nito at gumapang pataas sa balikat ni Zeuz ang habang magiliw na nagsasalita ng;
"Pagkain, pagkain, kakain kami ni Zeuz ng pagkain---"
Natawa na lang si Zeuz sa ginagawa at sinasabi ni Munting Squeek. Kapag pagkain ang paguusapan talagang hindi mawawala si Munting Squeek sa usapan.
Nang maayos na ni Zeuz ang lahat lumabas na siya ng bahay kasama si Munting Squeek. Dinaanan nila ang daanan papunta sa burol, sa burol nagtre-training si Zeuz. Kung dati ay hapon lamang siya nagtre-training ngayon ay pati umaga dahil napagalaman niyang mas concentrated ang energy sa umaga. Kaya nagtre-training na rin siya kapag umaga Lalo pa at ngayong pataas na ng pataas ang antas nila Xiao Yin at Xiao Yang.
Narating nila ang burol ng ilang minuto lamang. Sinummon ni Zeuz ang kanyang Guardian Beast para makalanghap rin ng energy/essence.
"Magandang umaga, Xiao Yin"
"Magandang umaga, Xiao Yang"
Pagbati ni Zeuz sa kanyang Guardian Beast na masaya naman siyang tinugon ng mga ito.
"Magandang umaga rin, Papa" sabay na tugon ng batang lalaki at babae na tinig na nagmula kay Xiao Yin at Xiao Yang.
Samantala si Munting Squeek naman ay bumaba sa balikat ni Zeuz at lumapit sa dalawang magkadikit na nilalang. Nakatingala si Munting Squeek dahil malalaki na sila Xiao Yin at Xiao Yang.
Masaya namang tumingin sina Xiao Yin at Xiao Yang sa munting nilalang. Tinuturing na nilang kapatid si Munting Squeek at itinuturing rin nila itong guro.
Mula noong lumalanghap sila ng essence of nature ginagabay sila ni Munting Squeek ng tamang gawin sa paggather ng essence at energy. Kahit alam nilang mababa na ang rank ni Munting Squeek kaysa dati Hindi pa rin nila ito ginawang salungatin dahil naaalala nila ang nakakatakot na aura ni Munting Squeek.
Masaya rin si Zeuz sa nakikitang closeness ng kanyang Guardian Beast at Summon Beast na sina Munting Squeek, Xiao Yin at Xiao Yang.
Nagsimula na ang training ni Zeuz, nandiyan ang nagbubuhat siya ng bato na idadala niya sa kanilang bahagi, tumtbo ng paikot, push-up, sit-up at iba ibang pampalakas ng katawan.
Pagkatapos niyang magtraining lalanghap naman siya ng enerhiya/essence.
Umupo ng lotus position si Zeuz at ipinikit niya ang kanyang mata. Hindi nagtagal mapapansin ang iba't ibang kulay na enerhiyang pumapasok sa kanyang katawan. Mayroong puti, itim, pula, asul at iba pa na nagsisimbolo ng iba't ibang affinity.
Nagtagal ang panglanghap niya ng essence of nature ng ilang minuto. Huminto siya ng numinipis na ang enerhiya na kanyang nalalanghap.
Bago umalis sila Zeuz, humiling si Xiao Yin at Xiao Yang na maglaro. Bilang bagong gising pa lang na beast ang isip nila ay parang sa bata pa kaya normal Lang na sila ay maglaro. Hindi naman binigo ni Zeuz ang mga beast niya dahil gusto niya rin maramdaman ang pakiramdam ng naglalaro.
Hinahabol ni Zeuz ang kanyang mga beast dahil ayun ang napagkasunduan nilang laruin.
Hindi mahuli ni Zeuz ang mga beast dahil king mahuhuli na sana niya sina Xiao Yin at Xiao Yang ginagamit nila ang kanilang skill na [Flash]. Kung si Munting Squeek naman ang huhulihin ni Zeuz ay kinukuha ni Xiao Yang si Munting Squeek gamit ang kanyang bibig. Bagamat ahas si Xiao Yang ay wala siyang lason sa katawan.
Walang nahuli si Zeuz maski isa kina Munting Squeek, Xiao Yin at Xiao Yang kaya sumuko siya at humiga sa madamong burol.
Sa hindi kalayuan makikita ang pigura ng batang babae, si Melissa. Nagtungo si Melissa sa bahay ni Zeuz ngunit hindi niya ito nadatnan kaya pumunta siya sa burol kung saan palaging naroroon si Zeuz.
Naabutan ni Melissa ang eksena kung saan hinahabol ni Zeuz ang kanyang mga beast at nakita niyang nakangiti at tumatawa ang kaibigan kaya napangiti nalang siya.
"Kinuha man ng isang beast ang iyong pamilya, sa beast mo rin naman naramdaman ang pakiramdam ng isang pamilya"
Winika ni Melissa sa kanyang sarili habang nakatanaw kay Zeuz na nakikipaghabulan sa kanyang mga beast.
Natapos ang pakikipaglaro nila Zeuz at ng kanyang mga beast.
Pakikipaglaro na ginawa nilang libangan bilang isang pamilya.
Tinuring na ni Zeuz na Isa itong libangan para sa kanilang pamilya. Oo pamilya na binubuo ng siya, ng kanyang beast at magiging beast sa hinaharap.