Chapter 4 - Melissa
"Lolo Dan nakagawa ako ng low-level Tier-1 pillll!"
Wika ng isang tinig na nagmula sa loob ng malaking bahay na kahoy. Mababakas sa tinig ang saya.
Kilalang-kilala ng dalawang lalaki na nasa hardin ang narinig nilang tinig. Kilala ito no Zeuz dahil ang may-ari ng tinig ay ang kanyang tinutukoy na mahalaga rin sa kanya sa loon ng Divine Tortoise Clan.
Dahil sa narinig nilang tinig papasok na sana sila Zeuz at Tandang Dan sa loob ng bahay upang tignan ang sumigaw na tao sa loob nang biglang bumukas ang pinto ng bahay at bumungad sa dalawa ang isang batang babae.
Ang babae ay nasa edad siyam rin katulad ni Zeuz. Ang batang babae ay nakasuot ng kulay berde'ng bistida, may kulay brown na buhok na lumalagpas sa kanyang balikat, mayroon siyang berde'ng mata, mas matangkad lamang si Zeuz ng kaunti, at ang kutis niya ay hindi singputi ni Zeuz pero 'di rin naman siya kakulay ng lupa tulad ng ibang miyembro ng Divine Tortoise Clan.
Ang babaeng iyon ay si Melissa, Melissa Trevor, siya ay miyembro rin ng Divine Tortoise Clan. Si Melissa ay kababata ni Zeuz, mas matanda lamang ng kalahati'ng buwan si Melissa kay Zeuz. Nasawi rin ang magulang ni Melissa ng umatake ang Vicious Collosal Earth Bear, isa ang magulang ni Melissa sa pumigil na makapasok ang nasabing wild beast sa Divine Tortoise Clan.
Malapit sa isa't isa si Zeuz at Melissa simula ng sila ay bata pa dahil ang kanilang mga magulang ay magkakaibigan. Nang masawi ang kanilang magulang sa pagprotekta sa Divine Tortoise Clan ay mas naging malapit at nagkakaintindihan ang dalawa.
Si Melissa ay apo ni Tandang Dan, simula ng nasawi ang magulang niya si Tandang Dan na ang nag-alaga rito kaya naging interesado si Melissa sa larangan ng paggawa ng Alchemy. Pinangarap na ni Melissa sa murang edad na maging isang Diamond-Rank Alchemist katulad ng kanyang Lolo Dan.
Nagsisikap siyang alamin ang mga formula sa bawat pills na naituro sa kanya ng kanyang Lolo Dan. Kaya ng nakagawa siya ng kahit isang low-level Tier-1 pill ay sayang-saya siya dahil iyon ang unang gawa niyang pill na naging matagumpay dahil ang mga nakaraang paggawa niya ay palaging palpak kaya pinapagalitan siya minsan ng kanyang Lolo Dan dahil sa nasasayang na mga sangkap. Ngunit alam ni Melissa sa kabila ng galit ng kanyang Lolo Dan ay tinatama naman nito ang mga maling ginawa ni Melissa sa paggawa ng pills. Dahil alam din ni Tandang Dam na sa simula ng paggawa ng pills ay talagang maraming pagkakamali.
Pero ngayon ng narinig ni Tandang Dan ang tinuran ni Melissa na siya ay nakalikha ng low-level Tier-1 pill ay sadya talaga siyang namangha. At nang suriin niya ang pill na hawak ni Melissa ay mas Lalo siyang lubos na natuwa dahil totoo nga ang sinasabi ng kanyang apo. Malalaman ang tier ng isang pill dependw sa spiritual properties nito, essence of nature at ang epekto nito. Kung si Tandang Dan pa nga ay nakagawa lang ng Tier-1 pill noong siya ay labing-dalawang taong gulang na kaya makikita sa mukha ng matanda ang pagmamalaki, pagmamalaki dahil napalaki niya ng maayos ang batang babae na si Melissa.
Makikita rin ang pagkamangha sa mukha ni Zeuz, namamangha siya sa naabot na tagumpay ng kanyang kaibigan, hindi itatangi ni Zeuz na ninais nya ring maabot ang naabot ngayon ni Melissa. Pero, alam niya sa sarili niya na hindi kagaya ng kanyang kaibigan ang talentong mayroon siya sa larangan ng alchemy. Lalo pa ang line ng ninuno nila Tandang Dan at Melissa ay halos puro Alchemy ang pinagtutuonan.
"Talaga ba, Melissa? Anong pill ang iyong nalikha. Unti-unti mo ng natutupad ang iyong minimithi at tiyak ako na makakamit mo ito ng lubusan sa hinaharap"
Wika ng namamanghang si Zeuz kay Melissa na may hawak na lalagyang bote na may lamang kulay brown na maliit na bagay na hugis oblong.
"Isa itong Body Conditioning Pill para sa mga katulad nating naghahanda para sa nalalapit na Annual Summoner and Guardian Beast Awakening. Ang epekto ng pill na ito ay nakakamangha, nagagawa nitong pagandahin ang ating physique at ayusin ang imbakan ng ating soulforce"
Tugon ni Melissa na namumula sa hiya, nahihiya siya dahil sa pagsigaw hindi niya inaasahan na narito si Zeuz ang akala niya ay ang kanyang Lolo Dan lamang ang nasa hardin.
Masasabing ang Body Conditioning Pill ay may napakababang grado lamang ng pill, ngunit kung ang gagamit ng ganoong pill ay katulad nila Zeuz at Melissa na nasa siyam na taong gulang. Ang pill na na ito ay hinuhulma sa mas magandang estado ang katawan ng kakain nito at mas magiging maganda pa ang epekto ng pill kung sasabayan ito ng pagtre-training.
Binabalak itong bilihin ni Zeuz sa Clan Market dahil tamang-tama na siya ay siyam na taong gulang na at nagagawa niya namang mag-training araw-araw kaya siguro siyang magiging maganda ang resulta kung siya ay gagamit ng Body Conditioning Pill.
Samantala si Melissa ay matagal ng gumamit ng pill na ito, ito ang regalo ng kanyang Lolo Dao noong siya ay tumuntong sa siyam na taon.
Ang Body Conditioning Pill ay isamg beses lamang gamitin ng isang beses dahil kung gagamitin mo ito sa pangalawang pagkakataon Wala ng epekto ito sa iyong katawan o maaari ring mabaliktad ang epekto nito na imbes ayusin ang imbakan ng soulforce ay masira ito.
Pinagtuonan talaga ng pansin ni Melissa ang paggawa ng pill na ito dahil binabalak niya ring iregalo ang Body Conditioning Pill kay Zeuz sa kanyang kaarawan. Kaninang paggising ni Melissa ay nababahala siya dahil ito ang kaarawan ni Zeuz ngunit hindi pa siya nakakagawa ng pill. Sinusuban niya pa ito simula noong matapos ang kanyang kaarawan ngunit nauuwi lamang sa wala.
Kanina habang siya ay gumagawa ng pill ay nalalapit na rin noon si Zeuz sa kanilang tahanan kaya sumagi sa kanyang isip na humingi lang ng Body Conditioning Pill sa kanyang Lolo Dan. Ngunit ganoon na lamang ang saya nya ng ang kasalukuyang ginagawa niya ay nagtagumpay kaya dali-dali siyang lumabas upang ipakita at ipasuri ito sa kanyang Lolo Dan.
Ngunit ganoon na lamang ang hiya niya ng napansin niya na katabi ng kanyang Lolo Dan si Zeuz na pansin na pansin sa puti nitong balat at sa taglay nitong kagwapuhan kahit nakasuot lamang ng normal na kasuotan.
Inalis niya ang hiya niya dahil ngayon ang kaarawan ng kanyang kaibigang si Zeuz.
Dahil nga para kay Zeuz naman ang pill na kanyang ginawa walang pagka-atubili nitong inabot ang boteng naglalaman ng pill gamit ang kanyang kanang kamay habang ang kaliwa naman ay nakahawak sa kwintas na may taling kulay itim na galing sa sapot ng spider-type beast. Ang gagambang iyon ay maliit lamang ito ang Black Weaving Spider na walang attack skill, tanging para sa paggawa lamang ng mga fabric. At ang gagambang iyon ay aksidenteng napadpad sa tahanan ni Zeuz na siya namang nahuli ni Munting Squeek. At ang batong nakasabit sa tali ay ordinaryong bato lamang na kulay lupa. Inukit pa ito ni Zeuz sa hugis ng pagong bilang simbolo ng Clan na kanilang kinabibilangan at sa tila likuran ng pagong may nakaukit ring 'Z' at 'M' na ibig sabihin ay, Zeuz at Melissa. Ang kwintas na iyon ay regalo ni Zeuz kay Melissa noong kaarawan nito.
Ang regalong ito ay talaga namang nagustuhan ni Melissa dahil alam niya na ang kwintas na iyon ay gawa pa ni Zeuz. Kaya ginawa niya ang lahat upang mabalik ito sa pamamagitan ng Body Conditioning Pill dahil alam niya na kailangan ito ni Zeuz.
"Zeuz, ito ang munti kong regalo para sa iyong kaarawan". Inabot ni Melissa ang boteng may lamang Body Conditioning Pill kay Zeuz na siyang ikinagulat ng batang lalaki.
"Ngunit Melissa ang pill na yan ay ang una mong gawa kaya dapat lang na ikaw ang gumamit niyan" tangi ni Zeuz sa inaabot ni Melissa.
"Ang pill na ito ay wala ng epekto sa akin dahil niregaluhan na ako ni Lolo Dao noong ako ay nagsiyam at isa pa ang pill na ito ay ginawa ko talaga para sa iyong kaarawan"
"Maraming salamat, Melissa. Malaki ang maitutulong ng pill na ito sa akin, pinapangako sayo na ibabalik ko sa iyo ang iyong kabaitan"
"Hindi na kailangan, tayo ay magkaibigan kaya dapat lamang tayong magtulungan".
Nag-aalilangan man tinanggap pa rin ni Zeuz ang 'munting' regalo ni Melissa.
Si tandang Dan naman ay binigyan rin siya ng regalo na isang uri ng spiritual herbs na ang pangalan ay Blue Ocean Turtle Grass na nakalagay pa sa lalagyanang gawa sa salamin na puno ng tubig. Hindi lang si Zeuz ang nakatanggap ng ganito kundi pati rin si Melissa dahil sa susunod na linggo na nga daw gaganapin ang Annual Summoner and Guardian Beast Awakening. Ang sabi ni Tandang Dan na ang Blue Ocean Turtle Grass ay mas malaki ang tyansang makakatulong sa mga turtle o tortoise type of beast na gawing stable at maayos ang flow o pagdaloy ng spirit essence at essence of nature na makukuha sa kalikasan. Ang pagdaloy ng enerhiya sa nasabing beast ay mahahalintulad sa tahimik na daloy ng tubig ng karagatan. Pinayuhan sila na ipakain ang herb na iyon sa kanilang magiging Guardian Beast.
Binigay iyon ni Tandang Dan dahil naniniwala siya na si Zeuz at Melissa ay makakakuha ng guardian na angkop sa clan na kanilang kinabibilangan, o Tortoise-type beast.
Natuwang naluluha si Zeuz sa binigay ni Melissa at Tandang Dan.
Alam ni Zeuz sa sarili niya na ang mga regalong natanggap niya ay napakahalaga para sa taong tatahakin ang landas ng pagiging Summmoner.
Sa binigay ni Melissa ay napakalaking tulong noon para sa kanyang katawan at para sa kanyang soulforce.
Ang soulforce ay ang essence na hinihigop o nilalanghap sa kapaligiran. Ang soulforce ay ginagamit upang maisagawa ang summoning o pagtawag sa summon beasts.
Sa regalo naman ni Tandang Dan, makakatulong naman iyon sa kanyang magiging Guardian Beast kung ito man ay Tortoise-type. At isa pa alam ni Zeuz na ang tingin ni Tandang Dan sa kanyang spiritual herbs ay kayamanan kaya alam ni Zeuz na pinapahalagahan siya ni Tandang Dan at pati na rin ni Melissa.
Malaki ang pasasalamat ni Zeuz Trevor sa dalawang taong nakangiti sa kanyang harapan. Isang matandang Alchemist na tinuring siyang apo at tinuring niya ring Lolo at ang batang babae na matalik niyang kaibigan na nangangarap ring maging Alchemist.
Ang dalawang taong pinapahalagahan siya at pinapahalagahan niya. Laya nangako siya sa langit na susuklian niya ang kabutihan ng dalawang taong tinuring niyang pamilya, Hindi man ngayon pero sigurado siyang magagawa niya ito sa hinaharap.