webnovel

Chapter 46

"Nixon, please. I really need your help," habol ni McKenzie kay Kale habang nauuna ito papunta sa gym.Hindi kasi siya pinapansin nito at patuloy itong nagpapahabol sa kanya."Bakit hindi ka manghingi ng tulong do'n sa manliligaw mo? Ba't sakin pa? Eh yong mga friends mo, nasaan sila?""Look, I really really need your help. Can we talk privately? Please?" at may pahimas-himas siya sa braso ni Kale na nagtataka sa pagiging sweet niya for the past few days. Nakakalokong ngumiti ito sa kanya."Kiss muna bago kita tulungan," pang-aasar ni Kale, sinusubukan kung kakagat siya rito."Huwag mo akong subukan. Di mo alam kung anong kaya kong gawin.""Aba pumapalag ka na ah—Bigla niyang hinila si Kale palapit sa mukha niya."T-Teka, m-maraming tao rito," nauutal na sambit ni Kale kaya binitiwan agad niya ito."Duwag ka pala eh. So, mag-uusap na ba tayo at tutulungan mo ako o lulumpuhin—Mabilis nitong kinabig ang mukha niya at mabilis na ninakawan ng halik sa labi."Mamaya! Mag-uusap tayo sa motel. Hintayin mo ako sa cafeteria," sabay kindat nito sa kanya saka patakbong umalis patungong gym.Naiwan siyang hindi makapaniwala.Pagkatapos ng kanyang klase ay agad siyang pumunta sa cafeteria para maglunch."Hi gorgeous! You're late!""Woah! Fuck, baliw ka ba? Wag ka ngang nanggugulat. Stupid ka talaga!" gulat na sabi niya kay Kale na maagang nandoon at hinihintay siya."Anong pag-uusapan natin? Anong kailangan mo? Gusto mo ba ng good time with me?" nakangisi at pataas-taas ang kilay na sabi nito. Nang-aasar."I, uh you know, don't laugh at me pala and please don't judge me," nahihiyang sagot niya at nag-aalangan kung sasabihin niya talaga ang pakay niya.Biglang tumawa si Kale habang ang sama na ng tingin ni McKenzie sa kanya."Sorry, sorry. May naalala lang talaga ako. Go on, makikinig na ako, promise," wika nito ngunit nagpipigil pa rin ng tawa."Sinong naalala mo, si Ashley the Great? Ba't di mo sinama rito?""Akala ko ba mag-uusap tayo ba't nagseselos ka na? Chill ka lang Knight.""Wag kang feeling. I have my standards sa taong mamahalin ko at unang-una doon, hindi babae. Second, dapat mayaman at gwapo," confident na sagot niya."Hmm, duda ako pero sige sabi mo eh. May kilala akong mayaman, gwapo at syempre lalaki kaso wala na akong contact sa kanya, sayang. Irereto pa man din sana kita.""Thank you for your concern but no. Anyway, I need a job asap. That's why I want to talk with you privately," diretsang sabi niya rito. Napasandal si Kale sa kanyang upuan at tinatantya siya kung seryoso ba siya."Bakit kailangan mo ng trabaho? Mukhang hindi kasi bagay sayo. Mayaman ka at ikaw ang may-ari nitong university.""You might not believe me but I need funds because I have debts to pay. I don't own this university anymore. Look, I really need your help. I don't have any options na. Baka matulungan mo ako, please?" pagmamakaawa niya dahil desperado na siya."Bakit? May utang ka? Anong nangyari? If you don't mind," interesadong saad nito sa kanya."My Dad. Binebenta na niya lahat ng properties ko even my cars. Yong pinakapaborito kong McLaren, wala na! He sold it then yong Maserati tapos BMW at Audi, argh! My baby orange McLaren 570s is gone. Nakakaiyak. Daig ko pa ang heartbroken," madramang sabi niya rito habang nananahimik lang si Kale sa tapat niya."Alam mo ba kung paano ko pinaghirapan yon para makuha pero sa isang iglap, binenta ng napakagaling ko Daddy! Dugo't pawis ko ang isinakripisyo ko and I worked hard then poof, wala na! Sa dinami-raming pwedeng ibenta yon pa talagang pinakamamahal kong sasakyan! Alaga sa linis ko yon tapos hindi ko pinapagamit—nakakalungkot at nakakagalit! Paano ko na makukuha yon eh di ko na alam kung nasaan at kanino binenta!"Patuloy lang siya sa pagrarant pero tahimik pa rin si Kale."Hoy lesbian, wala ka bang sasabihin? Are you going to help me ba or not? Di ka ba naaawa sakin? Lubog na ako sa utang, my bank accounts are frozen, my properties are on sale. I'm losing everything na and you're the only one lang na pwede kong mahingian ng tulong.""Yong mga kaibigan mo? Nasaan sila? Pwede mo rin naman silang hingian ng tulong. Paniguradong marami silang connections na lalong makakatulong sayo. Bakit ako Knight ang naisipan mong hingian ng tulong? Pwede ka namang magtanong sa nanay mo. Paano pala ang pag-aaral mo rito kung naghihirap ka na?""Kaya nga humihingi ako ng tulong sayo di ba? My friends know nothing about working and jobs because they never tried having one. Puro daddy's money. May trabaho ka kasi kaya alam kong marami kang alam na pwedeng pag-applyan. The job they only know is the b-job if you know what I mean. Ay lesbian ka nga pala, di mo alam yon," maarteng sagot niya na ikinailing ni Kale na natutuwa sa nangyayari sa kanya ngayon."Nagkaboyfriend ka na ba? Edi natry mo na yon? Baka pwede mo ulit gawin tutal job din naman yon. What do you think Ms. Straight as pasta as she claims to be," asar na ganti nito."You know what, are you going to help me or not? Because we're wasting our time here." Nagpipigil na siya dahil ang daming sinasabing useless ng kausap niya."Hintayin mo ako sa building niyo mamaya, 5pm. Malalaman mo ang sagot ko. Bye Knight, see you later," nakangiting paalam nito saka siya iniwan.She was frustrated after Kale left. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya nito at pinapaasa lang. She had no choice kung di umasa dahil ito na lang pag-asa niya.Pagsapit ng 5pm ay naghihintay na siya sa labas ng kanilang room. She checked her phone. Hinahanap na siya ng kanyang mga kaibigan dahil ilang araw na rin siyang di sumasama sa kanila. She didn't bother to open their gc at once maseen niya ay tatatadtarin siya ng mga tanong nito."Hinintay mo nga ako. Let's go!" Minura niya ito dahil sa pagkagulat."Malamang sabi mo eh! San tayo pupunta?""Uuwi na syempre kaya bilisan mo na. Maglalakad lang tayo."Napangiwi na lang siya sa isiping maglalakad siya nang napakalayo. Ni minsan ay di siya naglakad ng ganon sa buong buhay niya."Can't we grab a taxi or something? It' safer and di pa tayo mapapagod. Imagine the time we could save and energy—"Gusto mong magkatrabaho di ba? Pwes, masanay ka nang maglakad ng ganito simula ngayon. Tara, kain muna tayong streetfoods pauwi!" at nagmadali nang naglakad si Kale na halos maiwan siya.Habang naglalakad at papadilim na, walang tigil sa karereklamo si McKenzie at wala ring tigil sa kasasaway si Kale at sinasalungat siya."Malinis ba at safe ang foods dito? And what is that curly thing over there? What foods are these? Magpizza na lang or any fastfood, mas okay­—"Kuya, dalawang order nga po sa kwek-kwek and that isaw curly thing over there," panggagaya nito sa kanya with matching eye roll pa na madalas niyang ginagawa. "Proben pa po, 20 pesos.""Stop doing that like bagay sayo. Frankly, para kang mentally retarded if that's the right word—Bigla siyang sinubuan ni Kale ng kwek-kwek na mainit pa sabay takip sa bunganga niya. Pagnguya ay napaso siya sa init at di kinaya ito."Isang kwek-kwek palang yan, naiiyak ka naItlog palang yan—aray! Ba't ka nangungurot!" hiyaw ni Kale. Napakasama ng tinging ipinupukol sa kanya ni McKenzie sabay kurot sa kabilang tagiliran niya."Teka, wait! Sorry na kasi, ang ingay-ingay mo kaya pinasakan ko na lang ng kwek-kwek. Masarap naman di ba? Ito, gulaman. Sorry na," pang-aalocpa nito sa kanya.Tinanggap niya ang inumin upang maibsan ang sakit mula sa pagkapaso ng dila niya. Naubos niya ito nang may reklamo."Kulang pa. Bilhan mo pa ako nitong cold sweet drink with pearl.""Sago't gulaman po yan hindi kaartehan ha? Sige kumuha ka na lang kung anong gusto mo diyan. Ako na ang magbabayad."Bigla niyang hinatak si Kale at naglakad na sila paalis. "Let's go, nakuha ko na yong gusto ko. Subuan mo pa nga ako niyang orange thingy." Di napigilang mapangiti ni Kale at sinubuan na niya ito."Anong munang tawag sa oramge thingy na 'to?""Subuan mo na lang ako!"Ngumisi nang todo si Kale."Masarap di ba? Mura pa. Puro pizza lang kasi ang alam mo. Mahal na nga, ang unhealthy pa. Aarte-arte ka pa, ikaw din pala ang makakaubos. Ganyan ka pala kapag sinusubuan.""It's my first time eating street foods and it's not that bad pala. Mas masarap pa nga siya kesa don sa binibili kong snacks. Kahit papaano may taste ka rin pala. Unhealthy din if you're going to eat these foods always.""Wala akong pake basta masarap. Kina Troy and Arian lang ako natuto kumain ng ganito. Saka yong mga pagkaing mahal, hindi masasarap lalo na sa mga fancy restaurants. Parang mga ewan. Kung ilalagay mo tong kwek-kwek doon, paniguradong may nakalagay na dahon sa tuktok tapos yong sauce na isang kutsara then yong kaartehan na parang pinipirmahan yong gilid ng plato gamit yong sauce. Parang tanga lang. They make things complicated. Tapos ang bill mo dalawang libo o higit pa di pa kasama yong drinks na juice lang sa kanto. Ikaw unicorn, sanay ka sa mga ganon no? Alam mo ba kung anong unang pinatikim nila sakin?" mahabang kwento nito habang naglalakad sila at pinapakain siya."Ayokong alamin. Gusto ko trabaho tapos pakainin mo lang ako," pang-aasar niya rito."Napakababoy talaga. Para kang si Natalie. Friend mo yon di ba? Kasarapan niya siguro yon."Nagpanting ang tenga niya sa narinig."What did you say?! Masarap si Nat?! Manyak!""Ha? Ang ibig kong sabihin, kasarapan niya sigurong kasamang magfoodtrip. Walang kaartehan hindi tulad nong iba diyan. Tama na ang lamon, Ms. Straight. Dalian mo nang magalakad, gabi na. Magmomotel tayo and quickie lang tayo para matapos agad," at nauna na ito sa paglalakad.Nablangko ang utak niya sa narinig. Napasapo sa kanyang dibdib."A-anong gagawin natin sa m-motel?" kinakabahan niyang tanong at napapalunok. First time niyang magmotel at ang kasama niya pa ay babaeng lesbian."Don't worry. Akong bahala sayo. Mabilis lang tayo," at hinawakan na siya sa kamay nang mahigpit. Tumindi ang kabog sa kanyang dibdib at kusa na lang siyang sumusunod dito.Nang makarating na sila sa tapat ng motel ay gusto na niyang umatras. Nagsisisi na siyang sumama rito."Nixon, anong gagawin natin dito? Look, it's my first time here. Umuwi na lang tayo please? Ayoko rito," pagsusumamo niya sa kasama at pilit hinihila ito paalis."It's also my first time here with a girl. Puro lalaki nakakasama ko rito but now is different. Ba't uuwi ka? Kailangan mo ng trabaho diba? Nandito ang trabaho mo sa motel—"Tangina, ayoko! Anong tingin mo sakin pokpok?! No! Bitiwan mo ako! Tatawagin ko si Daddy!""Shh, tumigil ka nga Knight! Ano bang pinagsasabi mo? Tara na sa loob nang makatapos at makaraos ka na! Gusto mo ng trabaho edi ito trabaho! Tara na! Hindi mababayaran ng hiya at kaartehan yang mga utang mo! Basta nagtatrabaho ka nang marangal at walang tinatapakang tao, okay na yon!" at hinila na siya papasok.Napadasal na lang siya sa kanyang isip.Pagpasok ay hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi habang siya ay paiyak na."Shh, calm down, Knight. Tumingin ka sakin. Gusto mo ng trabaho di ba? Ito na, binibigyan na kita ngayon. Just trust me okay?"Lalo lang siyang kinabahan at natatakot dahil madilim sa may entrada ng motel."Makinig kang mabuti. Pumasok ka sa room 02, diyan lang yon. Malapit sa atin. Ilang hakbang lang mula rito. Kumatok ka at lalabas si Mrs. Müller. Sabihin mo lang ang pangalan ko, papapasukin ka na niya. Sabihin mo na okay na at nagawa na ang kotse niya then kunin mo na ang bayad. Dalian mo, may pasok pa ako sa bar," at tinulak na siya nito.Sinunod niya ang mga sinabi nito at tumambad ang isang 50 years old na babae."Mrs. Müller? Magandang gabi po—"Wer bist du? Was sagst du? Aussteigen!" sigaw ng matandang babae at marahas na isinara ang pinto.Halos manindig ang balahibo niya at pakiramdam niya ay nagalit ang babae sa kanya. Dali-dali siyang bumalik kay Kale pero wala na ito.Hinanap niya ito pero wala talaga ito at nagpapanic na siya."Knight! Okay ka lang—Napayakap siya nang mahigpit dito at nakahinga nang maluwag."San ka ba galing? Can we go home na? I can't do this!""Bakit? Ano bang nangyari? Nakuha mo ba yong pera kay Mrs. Müller?" nag-aalalaang tanong sa kanya ni Kale habang hinahaplos ang likod niya."She yelled at me eh wala naman akong ginagawa! Binati ko lang siya tapos bigla siyang sumigaw na hindi ko maintindihan at pinagsarahan ako ng pinto! That woman is crazy!""Binanggit mo ba ang pangalan ko?""Hindi! Pa'no ko masasabi eh naghysterical na siya! Ang kapal-kapal na nga ng lipstick niya tapos, argh! She's getting into my nerves!" patuloy niyang reklamo na tila parang api na api."Try it again. Sabihin mo lang ang pangalan ko, magtatagalog na yon. German kasi yon si Mrs. Müller kaya pagpasensyahan mo na. I'll wait here. Naligo lang ako at nagpalit na tapos didiretso na tayo sa The Midnight Heaven.""Samahan mo na kasi ako para matapos na.""Fine. Let's go. Hold my hand." Sumunod na siya para matapos na. "Ikaw na ang kumatok."Inirapan niya muna ito bago kumatok. Hindi na siya kinakabahan at natatakot.Nagsalubong agad ang kilay ni Mrs. Müller nang makita siya ngunit biglang umaliwalas ang mukha nito nang makita si Kale at mabilis silang pinapasok nito."Wer ist sie—"Mrs. Müller, Tagalog po muna tayo. Siya po si Knight," pakilala nito sa kanya pero ang babae ay pangiti-ngiti kay Kale. "Girlfriend ko."Nagulantang siya sa sinabi nito lalo na hapitin siya nito sa bewang."I swear, this is the easiest way, Knight. Masyado kasi siyang chismosa at kung ano-anong tinatanong.""Oh! Napakagandang babae! Gaano na kayo katagal—"Mrs. Müller, nagawa at natapos na po ang kotse niyo. May gusto pa po ba kayong ipagawa o bilhin na bagong kotse. Baka meron po kami. Yong drawings ko pong iba, nasa inyo pa diba?""Magkano lahat? May gusto sana ako sa mga drawing plans mo kaso ang gusto ni husband ko ay kung may discount ba?""San po doon? Yong Scion KX-5 na luxury car? Pasensya na po pero isa po yon sa mga limited masterpieces ko na ginuhit. Wala na po kayong makikitang ganyang design kung di sakin lang. Kung gusto niyo pong makita yong model, pwede niyo pong bisitahin dito. Pakicontact na lang po yong agent," at saglit itong inasikaso ni Kale habang naguguluhan si McKenzie sa mga nangyayari."100,000 po lahat nong maintenance ng sasakyan niyo, Mrs. Müller. Regarding po sa Scion KX-5, fixed price na po at walang discount," at iniabot na nito ang cheque kay Kale. Nagpasalamat na sila saka umalis."Easy money!" masayang sabi ni Kale habang itinataas pa ang cheque."What was that? Anong trabaho mo? Ba't ang laki ng kinikita mo? I thought bartender ka lang? Ano yong Scion KX-5 luxury car na limited edition? Magkano yon Nixon? Are all of these true or some scam of yours? Kasi sobrang bilis ng mga pangyayari. Di ako naniniwala.""Shh, Knight! Baka may makarinig, top secret ko yon! Saka ko na lang sasabihin sayo pero one thing I can promise about it is di mo kayang bilhin yon. No offense but it's the truth. Tara na sa The Midnight Haven."Curious pa rin siyang malaman ang tungkol dito lalo na kay Kale. Ang daming tanong ang naglalaro sa kanyang isip habang lalo siyang napapalapit dito.Pagdating nila ng The Midnight Haven ay pinagbihis agad siya ni Kale at pinahiram ng damit pang-waitress."Ako ng bahala kay manager. Basta manguha ka na ng orders.""Ha? Paano ako magsisimula? Saan?" kinakabahan na naman niyang tanong dahil wala siyang alam sa mga ganitong bagay at baka magkamali siya at mapahiya.Binigyan siya ng papel at ballpen."Yan. Ililista mo lang ang orders ng mga customers tapos bawal kang babagal-bagal. Make no mistakes. Dapat mabilis ka at bawal magkamali. Tawagin mo lang ako kung need mo ng help. Don't be a bitch at wag mong papatulan o mumurahin yong customers kung hindi, ikaw ang kukunin ng bouncer. Sige ka. Be a good girl," turo sa kanya nito at pinabayaan na siya."Ms. Waitress!" tawag sa kanya ng isang lalaki. Paglapit niya ay grupo pala ito ng mga kalalakihan.Kinakabahan siyang nagtanong kung ano ang mga order nito ngunit pinapasadahan lang siya ng tingin ng mga iti mula ulo hanggang paa at tila pinagnanasaan siya."Excuse me, sino ka? Hindi ka empleyado rito. Sino ang kasabwat mo? Guard!" sigaw ng manager nang makita siya. Natataranta na siya ngunit bigla siyang kumalma."Manager Oli, ako po ang nagpasok sa kanya—"At sino ka para gawin yon? Bartender ka lang dito at ako ang manager. Wala kang karapatan magpasok ng kung sino-sino rito! Lahat ng mga empleyado, dadaan muna sakin bago makapagtrabaho rito! Alam mong hindi tayo hiring ngayon! Hindi ka na talaga natututo. Kayong dalawa, in my office now," at umalis na agad ito.Nagkatinginan silang dalawa at nginitian siya ni Kale.Kasasara lang ni McKenzie ng pinto nang pagalitan naman ni Manager Oli si Kale.Tahimik na nakayuko silang dalawa."Anong gagawin ko sa inyong dalawa ngayon lalo na sayo Oliveros? Kung tanggalin na kita tutal mas marami pang pwedeng ihire na matino at madaling pagsabihan.""Okay lang po manager kung tatanggalin niyo na po ako ngayon. Pabor din po sakin dahil mas makakapagpahinga na po ako nang maaga. Sasabihin ko na lang po kay Ashley. Nasa Germany pa rin ba siya ngayon?"Lalong uminit ang ulo ni Manager Oli at nagpipigil kay Kale."Pwede na kayong umalis ngayon," maawtoridad nitong sabi sabay alis saka malakas na isinara ang pinto."Tara, uwi na tayo. Narinig mo si manager. Tanggal na tayo."Umalis na sila."Wait! Ganon na lang yon? Ba't ang dali lang para sayo ng mga bagay-bagay? Basta sinabi, pumapayag ka kaagad. Ganyan ka ba talaga? Ano ka ba talaga? Yong totoo Nixon, mayaman ka ba talaga at nagpapanngap lang na mahirap?" seryosong tanong niya rito na ikinahinto ng huli habang naglalakad sila pauwi."San ka uuwi? Ba't sumasabay ka sakin?""Just answer my fucking question Nixon!"Hinarap siya nito."Kung ngayon ang tinutukoy mo, hindi ako mayaman. Nakita mo naman siguro kanina na binigyan ako ng cheque na nagkakahalaga ng 100,000. Hindi sakin napupunta ang lahat ng yon. May commission lang ako pero mas malaki ang porsyento ng mga mekaniko dahil sila ang trumabaho non, hindi ako. Ang pagiging bartender at waitress ko ay part-time ko lang para makalimot at magliwaliw. Kung gusto mong malaman ang tunay kong trabaho, nagdodrawing, nagpaplano at nagdedesign ako ng mga sasakyan saka ko ibinebenta. Gaya ni Mrs. Müller, isa siya sa mga loyal at regular client ko. May gusto ka pa bang malaman? No personal questions please.""Wala naman na. Sa ngayon. Tara uwi na tayo, doon na ako sa bahay mo matutulog.""Bakit sa bahay?! Wala ka bang bahay?""Wala pa akong trabaho kaya sayo muna ako tutuloy."At mabilis siyang tinakbuhan ni Kale at hinabol niya ito.

Sorry, late update guys! Next time ulit!

SarabiPalmacreators' thoughts
次の章へ