webnovel

Chapter 38

Abalang kumakain at nagkukwentuhan sina Silver, Natalie, Aubrey, Tyler, Black at Reign sa cafeteria nang bigla silang napahinto. Muntikan pang mabilaukan si Natalie habang si Silver naman ay nanlalaki ang mata habang puno pa ang bibig nito.

"Good morning guys! How are you? Sige, take your time eating. I'll wait here," masayang bati ni McKenzie sa mga kaibigan na lalong ikinatanga ng mga ito.

Hindi sila makapaniwalang lumingon kay McKenzie.

"G-Good morning Mc! It was very unusual of you na nandito ka. Bakit? Friday na at tapos na ang exams. Ano pang ginagawa mo rito? Kase di ba you were always like 'Exams are freakin' done! Omg, I'mma not pasok tomorrow coz why not? See you guys next week and don't chat me, I'm on my sweet vacation.' Di ko naman sinasabing umalis ka na pero-

"Oo nga Kenz! Ba't ka pa nandito? I thought gogora ka sa Swezerland. Ay oo nga pala. Sabi mo you only travel sa Europe kapag may boyfriend ka. I wonder where naman ngayong single ka."

"So what's the problem kung pumasok ako today? As if parang Friday the 13th ngayon 'yang mga pagmumukha niyo. C'mon guys, go eat your foods na. I'll be waiting here," nakangiting sabi ni McKenzie at umupo na sa tabi ni Aubrey.

"Want some, girl?" alok naman ni Aubrey sa kanya.

"No, thanks but guys, bili pa kayo ng foods. Kulang pa natin 'yan," utos niya sa mga lalaki.

"Wala kaming pera," sagot ng tatlo.

"Same," at sabay-sabay silang tumingin kay Silver.

"Oh, ba't kayo nakatingin sa akin?"

Naghahati-hati kasi sila sa iisang chichirya.

"Wassup mga bakla! Anong foods natin for today? Pahi-ay 'yan lang? Ano 'yan mga teh? Patuka?" mahaderang sigaw ni Johansen kasama sina Ian at Allison.

"Libre ka nga bakla. Sige na," hirit ni Natalie habang sinusundot ang tagiliran nito.

"Ay sis, kaya nga ako nandito eh. Ano palang latest chika?"

Nagkatinginan muna si Natalie at Silver saka nagkibit-balikat habang nakakalokong nakangiti.

"See you guys around," paalam ni McKenzie at umalis na.

'Di rin naman alam ni McKenzie kung ba't pa siya pumasok eh wala rin naman siyang gagawin. It was her first time na magkaganito. Papasok na nakangiti at nasa mood.

Para tuloy siyang tangang nakangiti habang naglalakad kaya 'di maiwasan ng mga iilang estudyanteng pagtinginan siya.

Nandito kaya siya? aniya sa isip nang makarating siya sa College of Engineering and Architecture building. 'Di rin niya alam kung ba't siya nagawi roon pero...may gusto lang siyang makita...

"Excuse me pero nandito ba si Nixon?" walang ano-ano'y tanong niya sa isang lalaking estudyanteng nakatambay sa hallway. Just saying her name, it excites her more and she can't wait to see the girl who made her smile last night.

"Di ko alam, miss. Nasa library ata."

Umalis na si McKenzie at dumiretso na sa library. Medyo may kalayuan ang library nila kaya kailangan niya ulit bumalik.

Pagdating niya sa library ay wala namang katao-tao maliban sa librarian.

Niloko lang ata ako no'ng lalaking 'yon ah! aniya sa sarili.

Inisa-isa niya ang bawat bookshelf. Nasa huling bookself na siya nang muntikan siyang matisod.

"What the?!" May nakaupo sa sahig habang hawak ang isang libro ng Fundamentals of Accounting.

"Nixon?" Postura pa lang nito ay alam na niya dahil ito lang naman ang nag-iisang may beanie na kilala niya.

Marahan niyang niyugyog ito sa una pero dahil ayaw nitong magising ay nilakasan niya ang pagyugyog.

"Hmm, natutulog pa-

Nahinto ito nang mapansin siya at mabilis na itinago ang libro.

"Anong ginagawa mo rito? Ba't nandito ka?"

"Hinahanap ka. Bakit? Masama? Hmm."

Napangisi naman si Kale.

"At bakit mo ako hinahanap? May kailangan ka ba o baka naman...may gusto ka ulit mangyari?" nakakalokong sabi nito sa kanya.

"Ay talaga ba? Eh ikaw? Paano mo nalaman ang number ko ha? Hmm? Are you stalking me?" ganting saad naman ni McKenzie.

"K-kapal mo naman! Sino ka para i-stalk ko? Umalis ka na nga!" at mabilis itong tumayo at iniwan siya.

"Ayoko nga at ba't nagagalit ka? Pero kung hindi, edi hindi! Pero ini-stalk mo talaga ako-

"Hindi nga! Ang kulit-kulit mo!"

"Kayong dalawa diyan, keep quiet! Nasa library kayo wala sa perya!" sita sa kanila ng masungit na matandang librarian.

Sinamaan siya ng tingin ni Kale at umupo na ito sa isa sa mga bakanteng upuan at naglabas ng laptop. Sa gilid nito ay ang librong hawak nito kanina.

Mabilis ding tumabi si MacKenzie rito. Habang hinihintay na magbukas ang laptop ay nakangiting nakatingin si McKenzie kay Kale. Nakakunot naman ang noo ng huli. Habang nag-ta-type ito sa excel ay lalong lumapit si McKenzie kaya halos magkadikit na sila.

"Hoy, ano ba! U-Umusog ka nga dun! Ba't ba dikit na dikit ka, 'di ako makagawa nang maayos dito!" reklamo nito sa kanya.

"Huh? I'm doing nothing. Besides, pinapanood lang kita. Mukha kasing dali na dali ka sa pag-ba-balance. Ten minutes na 'di pa rin parehas 'yong value," pang-aasar niya rito.

Sininghalan siya nito at iniwan. Pagbalik ay patong-patong na libro ang dala nito at pabagsak na inilapag sa mesa.

"Keep quiet!"

"Aanhin mo 'yang mga sandamakmak na libro ng accounting? Para sa'n ba 'yan? 'Di ba engineering ka?" makulit na tanong ni McKenzie habang naaaliw pa rin kay Kale.

"Wala. Tumahimik ka na nga lang!" Umupo na ulit ito at bahagyang lumayo kay McKenzie.

Ngumisi siya. "Make me," saka nag-lip bite. Wala sa sariling natabig ni Kale ang isang libro at nahulog ito. Nakaantabay na naman ang librarian.

'Di na maipinta ang mukha ni Kale kaya lalong lumapit si McKenzie kaya't nagtama ang kanilang mga tuhod na siyang ikinabigla ng huli.

"Mainit ba? Ba't namumula ka?" pilyang tanong niya. 'Di ito kumibo. Ipinatong naman niya ang kanang braso niya sa upuan.

'Di naman mapakali ang huli at pamali-mali ng na-i-ta-type.

"C'mon, just relax at 'wag kang magmadali. Take it slow," sabay himas ni McKenzie sa hita nito kaya malakas nitong nasipa ang mesa.

Nilapitan na sila ng librarian.

"Give me your-naghaharutan lang pala kayong dalawa! Akin na ang mga ID niyo!" Agad nilang iniabot ang kanilang mga ID. Nakita ng librarian ang kamay ni McKenzie sa hita ni Kale.

"McKenzie Knight Henderson? Anak ka ni Mr. Ralph Augustus Henderson? At ikaw naman...Kale Nixon Oliveros? I'll make a record for the both of you and claim your IDs at the disciplinary office!" at umalis na ito.

"Bullshit naman oh! 'Di ko na nga ma-balance 'tong pesteng 'to tapos 'yong ID ko nakuha pa! Ikaw kasi eh, ang harot-harot mo! Kung wala ka sana rito, 'di mangyayari 'to at puwede ba, alisin mo nga 'yang kamay mo sa hita ko! "

"So, kasalanan ko pa ngayon? Ikaw nga 'tong may kasalanan. Kung 'di ka sana clumsy, 'di tayo lalapitan no'ng maingay na librarian. At para saan ba kasi 'yang mga librong kinuha mo? Pantakip sa'ting dalawa huh?" malokong sabi naman niya rito.

"Bahala ka! Aalis na ako-

Mabilis at mahigpit na hinila ni McKenzie ang upuan nito palapit sa kanya. "Walang aalis! Dito ka lang! Oh, ano pang tinatanga-tanga mo, gumawa ka na! Magpokus ka muna, mamaya mo na ako titigan."

Sininghalan lang siya nito at pabalang na kumuha ng isang libro. Lihim namang napangiti si McKenzie.

Ang cute mo palang ma-stress, Nixon, aniya sa sarili habang pinapanood niya ang pagkunot ng noo nito sa tuwing nag-ta-type habang salitan itong nagbabasa ng libro.

"Para saan ba 'yan? Mag-iisang oras na tayo rito, 'di ka pa rin tapos. Do you need my help?" tanong niya habang nag-ce-cellphone.

"Binigay sa'kin ni Ms. Harris dahil ako lang daw 'yong exempted sa exams. Ako na raw bahala. 'Wag na, kaya ko na 'to," sagot nito habang patuloy sa ginagawa.

"Oh? You mean Ms. Thomasin Harris? The resident terror professor ng Accountancy Department. Madali lang naman mga pinapagawa niya pati exams. Pa'no napunta sa engineering 'yon?"

"Malay ko. Close ba kami? 'Di ka lang pala bully, ang hangin mo pa."

"Well, facts only. Lagi akong perfect sa kanya and favorite niya ako, duh! Akala mo ikaw lang magaling ha. So, do you need my help or nah? You don't need ng limpak-limpak na books, nandito naman ako. What do you think?" pangungumbinsi niya rito.

'Di naman makapag-isip kaagad si Kale dahil maraming tumatakbo sa isip niya. Iniisip niya na baka may kapalit ang tulong na iniaalok nito sa kanya dahil sa mga ngiting ipinapakita nito sa kanya. On the other side, kung tatanggapin niya ay matatapos na kaagad ang kanyang problema.

Bahala na!

"Have you made up your mind?" nakangiting tanong nito sa kanya habang may pataas-taas pa ng kilay. "Sometimes you need a help also. 'Di sa lahat ng pagkakataon magaling ka kaya ano pang hinihintay mo? Minsan lang akong maging mabait."

Mataman naman itong tiningnan ni Kale.

"Okay. 'Di ko alam."

Pinaningkitan naman siya nito ng mata.

"Oh, c'mon lesbi, I know gusto mo ng matapos 'yan. And I'm willing to help. Promise."

"Don't call me lesbi. May pangalan ako, unicorn."

"I don't care and I will call you whatever I want. At puwede ba, 'wag mo akong matawag-tawag na unicorn. So, ano na?" naiinip na niyang tanong.

"Mapilit ka rin talaga 'no? What if ganito na lang. Sagutan mo na 'to ngayon tutal sabi mo madali lang 'to tapos ililibre na lang kita ng kahit na anong gusto mo pagkatapos?" puno ng pag-asa na sabi ni Kale. Pinapanalangin niya na sana kumagat ito sa gusto niya. Dahil kung hindi, wala na siyang ibang choice.

"Uh-uh, ano ka joke? Ako ang unang nagtanong kaya 'wag mong ibahin ang usapan. Ang libreng tinatanggap ko lang ay condo o kaya sasakyan. Ayoko rin ng pera dahil marami ako niyan. Gusto ko 'yong maiba naman."

"Akala ko ba willing to help ka eh ba't ang demanding mo ata? Ang mahal mo naman pala. Ano bang gusto mo? 'Yong mas mura naman sa condo at sasakyan ah."

"'Yong 'di nabibili ng pera," makahulugang sagot ni McKenzie. Ikaw lang naman ang makakapagbigay ng gusto ko. "So deal?"

In-off at ibinaba na ni Kale ang monitor ng kanyang laptop saka ito inilagay sa kanyang bag. Finally ay nakapag-decide na siya at hinarap ang katabi.

"Fine, ano bang kapalit kung sakali?"

Lalong nagliwanag ang mukha ni McKenzie at abot-tenga ang ngiti nito.

"Malalaman mo lang 'pag pumayag ka na."

"Ha? Ang gulo mo naman, unicorn! Ang dami mong ekek. Baka ayaw mo talaga at pinag-ti-trip-an mo na naman ako. Salamat na lang. Magpapatulong na lang siguro ako sa iba-

"Just fucking say it!" biglang taas ng boses ni McKenzie nang marinig ang gagawin nito.

Napatingin si Kale sa paligid. Wala ang librarian. Huminga muna siya nang malalim bago magsalita.

"Ano bang sasabihin ko? Nasabi ko na na payag ako sa tulong mo. Um-oo na ako 'di ba?"

"I'm waiting."

'Di na rin talaga alam ni Kale ang sasabihin kay McKenzie. Bukod sa napakarami nitong sinasabi eh mas mauuna pa ata siyang masisiraan dahil dito at hindi sa accounting.

Wala na naman sigurong mapag-trip-an 'tong babaeng 'to. Ako na naman ang napili. Ang dami namang iba diyan na kaparehas niyang mayaman.

"Deal," at inilahad niya ang kamay kay McKenzie. Mabilis itong tinanggap ni McKenzie na 'di mapigil ang ngiti at marahan pang pinisil ang kanyang kamay.

"Good! Ang dali lang 'di ba? Since I'm willing to help with conditions, we'll talk about sa kung ano ang gusto ko in my penthouse." 'Di pa rin nito binibitiwan ang kamay ni Kale.

"Penthouse mo? 'Di ba puwedeng dito na lang sa library natin gawin?" naguguluhan at nag-aalalang sabi ni Kale rito.

"We'll do it in my own terms-

"Hoy Mc, nandito ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap. Anong ginagawa mo ri-Kale?! What's up bro?" masayang bati ni Silver.

Mabilis silang napabitiw sa isa't isa. Tumayo na si Kale at kinuha na ang mga librong hiniram upang isauli. Ayaw niyang mapansin ang kanyang mukha dahil alam niyang namumula 'yon dahil sa hiya? 'Di siya sure.

"Ano bang ginagawa niyo rito?! Umalis na nga kayo! Nakakaabala kayo nang sobra!"

"Woi, teka lang naman Mc. Ba't ka ba naninigaw? Ang lapit-lapit lang namin sa'yo oh! Wala naman kaming ginagawa ah, nagagalit ka diyan. Saka nasa'n na 'yong mabait at masayahing McKenzie na binati kami kanina ha? FYI, wala kang ginagawa no'ng dumating kami kaya pa'no ka maiistorbo aber? Neknek mo talaga!"

Umupo na ito sa tapat niya katabi si Natalie na abala sa pag-ce-cellphone.

"'Di pa ba kayo aalis? Bawal ang maingay at tambay dito sa library. Alis na kayo dali, mga istorbo," naiiritang sabi ni McKenzie sa dalawa.

"Luh, ikaw nga 'yong putak nang putak diyan, Kenz. Buti nga hinahanap ka pa namin eh saka ano bang ginagawa mo rito sa library? 'Di ka kaya nagpupunta rito tapos...ano ba 'yang mga santambak na libro? Nag-aaral ka? 'Wag na. Hanap ka na lang ng asawa, wala pang formula-Nic?! Nandito ka? Omg, love!" tili ni Natalie nang mapansin itong papalapit. Tumayo agad ito at sinunggaban ito ng yakap. Muntik na itong ma-out of balance.

'Di na maipinta ang mukha ni McKenzie at pinukulan nang masamang tingin ang dalawa. Napahawak tuloy siya sa isang nananahimik na libro at ngalingaling sanang ibato ito sa epal na kaibigan ngunit nagpigil siya.

"Hoy Mc! Kahit sa libro ka na lang maawa, 'wag na kay Nat. Bayaan mo na kung anong trip niya sa buhay. Close lang siguro siya kay Kale 'no? Mukha rin namang mabait si Kale kaya bet na bet siya ni Nat-

Agad na dumapo sa pagmumukha ni Silver ang librong hawak ni McKenzie.

"Ito isa pa, Zamora! Bagay na bagay sa'yo 'yan! Leche ka!" Pilit namang sinasalag ni Silver ang mga libro na ibinabato sa kanya.

"Ano ba Mc, tama na! Ba't ka ba nambabato? Shit! 'Pag 'tong ilong ko dumapa, manghihiram 'yang mukha mo sa unggoy!" Himas-himas na nito ang ilong habang ang isang braso nito ang nagsilbing shield niya.

"Nasa'n na silang dalawa? Nakita mo ba sila?!" balik-tanong na naman ni McKenzie kay Silver matapos nitong lumingon sa kaninang kinaroroonan ni Natalie at Kale.

"Mukha bang alam ko ha?! Eh kung hanapin mo kaya! Wala ka bang mata? Puntahan o sundan mo nang malaman mo. Nandiyan lang siguro sa tabi-tabi."

"Yow, yow, wazzup mga mare! Kain muna tayow habang mainit pa ang mga foods. Break it down yow, tugs tugs!" biglang sabat ni Reign sa kanila nang paalis na sana si McKenzie. Kasama nito sina Black, Tyler, Aubrey at Johansen na may dalang mga pagkain.

"Hey Zie!" sabay-sabay na bati nina Black at Tyler. "Kanina ka pa namin hinahanap. Buti na lang nag-chat si Nat sa'kin. Puwede bang kumain dito?" kapagkuwa'y sabi ni Tyler dito.

"Kenzie, shopping tayo later ha? We don't have classes naman na and it's time for us to celebrate and girl look, I found a new clothing line and the dresses are very so so amazing," yaya naman sa kanya ni Aubrey. Tumabi na ito sa kanya habang ipinapakita sa phone ang tinutukoy niya. Dumikit pa talaga ito sa kanya. Aubrey Collins, always and forever clingy to McKenzie.

"Aubrey, lumayo ka nga and no. I can't go shopping with you. I'm busy and I have important things to do. Si Silver o kaya Nat na lang ang yayain mo. I'm not in the mood but thanks for inviting me," naaalibadbaran niyang sabi rito. Nagkanda-halo-halo na ang nararamdaman niya dahil sa pagsulpot ng mga kaibigan niyang wala ng ibang ginawa kung 'di sirain ang napakagandang moment na mayroon sila ni Kale kanina.

"And what important things are those that you're busy with? Don't tell me you're flirting with other guys without me knowing-

"Excuse me, mga chikadora but puwede munang lumafang na oyats 'di ba? Bakla!" tili ni Johansen nang makita ang matalik na kaibigan. "Nandito ka palang bakla ka! 'Lika nga rito, na-miss kita!"

Iiwas na sana si Kale sa pagyakap nito ngunit 'di na niya kaya dahil hinihingal siya. Halos mapirat na siya sa yakap nito at nang matapos ay hinila na siya nitong umupo sa tabi ni Tyler. Pinagdikit-dikit ng mga ito ang mga mesa upang sama-sama silang lahat.

"Baks, ano bang nangyari sa'yo? Hingal na hingal ka ata? Wala kang beanie ngayon? Namumula ka pa oh," usisa ng mahaderang bakla.

"Hi sis, nandito ka pala bakla! Bagay ba sa'kin 'tong beanie? Akin na lang 'to Nic ha? Wala ng bawian 'to ha love!" sabay halik sa pisngi ni Kale. "Hmm, bango-bango talaga!"

'Di ito nakaligtas kay McKenzie kaya palihim niyang sinamaan ng tingin at pinapatay sa isip ang dalawa lalo na si Natalie na walang kamuwang-muwang. Pigil na pigil siya sa oras na 'yon lalo nang makita pa niyang suot ng kaibigan ang beanie ni Kale.

Kung kaya kong magpadugo ng ilong, Nat puwes, tagiliran mo pa kaya, aniya ng isip niya.

"Ano bang mga librong 'yan? Accounting? Sa ganitong time? Nakaka-stress sa eyes! Ilayo-layo niyo nga at sinong nag-aaral niyan? Gimme the chicken bucket please? Dali!"

Kinuha ni Kale ang mga libro at itinabi sa kanya. Abala na ang iba sa pagkuha ng mga pagkain habang si McKenzie ay walang pakialam maliban doon sa nag-iisang tao na ninakawan ng beanie.

"Girl, you don't like carbonara? Pizza?"

"Ha? Fries na lang," tipid niyang sagot kay Aubrey. Abala siyang pinapanood si Kale kung paano itong tahimik lang din na nakamasid habang nakaupo sa pagitan ni Johansen at Natalie.

"Baks, share na lang tayo ditey. Ano bang gusto mo? Get ka na bago ka pa maubusan ni Nat. Oy ha, maraming salamat sa laging libreng pakain niyo ha? Subuan na!" Sabay-sabay na silang kumain.

Paisa-isang kumukuha ng fries si Kale habang si Natalie naman ay panay ang papansin dito.

"Nic, gusto mo?" alok nito sa carbonara na kinakain.

"Meron pa ako nito oh," tukoy naman ni Kale sa hawak niyang isang pirasong fries. "Baka ikaw gusto mo pa ng fried chicken, kuha ka lang," alok naman nito.

"Baks, paabot nga ng isang libro," utos ni Johansen kay Kale habang ngumunguya ito ng friend chicken. Iniabot naman nito ang libro. "Ay beh, ba't accounting 'tong binabasa mo? 'Di ba engineering ka? O baka sinisira mo na buhay mo kaya double degree na bet mo now huh?"

Natawa naman nang mahina si Kale.

"Puwede, puwede pero mas bet ko kung fine arts. Anyway, may pinapagawa lang sa'kin kaya 'yan ang binabasa ko."

"Meganern? Sino naman? 'Di ba niya kayang gawin 'yan?" Saglit namang napaisip si Johansen habang si Kale naman ay puro subo lang ng pagkain na isinusubo sa kanya. "Need mo ba ng help? May kilala ako, si ano...si Ashleya! Sa accountancy siya dati, sa pagkakaalam ko. For sure, alam niya 'yan since basic lang naman nakalagay-pachung sino ba 'yang kuwit nang kuwit na 'yan?! Bubuntalin ko talaga!"

"Sorry, I'm late. I got busy with the student council. So, what did I miss?" Lumapit ito kay Kale at yumakap sa leeg nito. Ikinagulat naman ito ng huli.

"Kain na Ash, maraming pagkain oh," alok ni Kale ngunit inilapit pa nito ang mukha at kinain ang hawak niyang fries. Bigla na lang nanahimik ang lahat.

"Ahm, Ashley pero baka alam mo na, baka 'di makahinga si Nic kaya baka puwedeng ano...pakawalan mo na siya? Hehe. Kumain ka na rin pala may upuan pa rito oh," alanganing sabat ni Natalie saka inalok ang kabiserang pwesto ng mesa na malapit sa kanya.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Ashley. "Excuse me? May problema ba tayo?"

"Guys, napakasarap talaga ng foods 'no?" pag-iiba ni Johansen sa usapan. "Nga pala Ashleya, 'di ba sa accountancy ka no'ng first year? Baka knows mo 'to? May nagpapatulong kasi, baka bet mo lang. Baka lang naman," saka ipinakita ang libro.

Napataas na naman ng kilay si Ashley at lumapit kay Johansen.

"Depende. Sino ba nagpapatulong? Ikaw ba? I-search mo na lang sa internet," bored nitong sagot.

"Ay weh ba? Sure ka diyan ha? Baks, 'di pala alam ni Ashleya. May tutulong na ba sa'yo-

"Ow, si Kale Nixon ba? Yes, alam ko 'yan. Patingin nga," at hinablot nito kay Johansen ang libro.

"Ano ang hindi mo alam, babe? Tuturuan kita. Sino bang nagpapagawa niyan sa'yo? Ba't ikaw pa? It's not even your forte, 'di ba?" baling niya kay Kale na abala sa pagnguya.

"Buong 'yan 'di ko alam. Si Ms. Harris kasi, daming pinapagawa. 'Di ko naman puwedeng sabihing ayoko nga o 'di ko alam. Alam mo naman si ma'am, parang anaconda," natatawang sabi ni Kale.

Natawa rin si Ashley at mahina itong hinampas sa balikat. "Loko ka talaga! So, si Thomas pala? Grabe ka naman sa kanya. Mabait 'yon kung trip ka niya. Ayaw niya kasing naiisahan 'yon lalo na when it comes sa mga exams. Ayaw na ayaw niya kasi sa lahat is 'yong mga students na na-e-exempted sa exams niya. And kahit anong review mo o umiyak ka pa ng dugo, chances are, walang lalabas sa mga inaral mo kaya si Thomas, kasumpa-sumpa sa lahat ng professors pero magaling. By the way, she's a close friend of mine. If you want, I'll talk to her na lang about diyan sa task na in-assign sa'yo? What do you think?"

"Ay Ash...'w-'wag na, nakakahiya saka ano uhm..." mariing tanggi niya at nahagip din ng paningin niya si McKenzie na naka-poker face na nakapangalumbaba habang pinaglalaruan ang pagkain. Nang mapansin siya ay inirapan lang siya nito.

"Ano na ulit 'yon Kale Nixon?" Susundan na sana ni Ashley kung saan siya nakatingin ngunit mabilis niyang pinaharap ang mukha nito sa kanya.

"Okay na Ash, 'di mo na kailangang kausapin si Ms. Harris. Kaya ko naman nang sagutan at baka mas madagdagan lang ang ipapagawa niya sa'kin kapag nalaman niyang sa'yo ako nagpatulong pero maraming salamat din Ash sa offer mo."

"Oh, okay. If ever you change your mind, just call me ha?" saka nito ginulo ang buhok ni Kale. Nagtaka naman ito nang kaunti.

Umupo na si Ashley sa kabisera at hinablot ang beanie na suot ni Natalie kaya naudlot ang pagsubo nito ng pizza. Aamuyin pa sana ito ni Ashley nang mabilis din itong inagaw pabalik ni Natalie.

"Luh, ba't ka nang-aagaw? That's mine! Nic gave that to me." Inirapan lang ito ni Ashley at kumain na.

"Oh senyong mga bakla diyan, baka merong nakakubli pang accountancy major, gorabels na. Baka ililibre tayo ni baks ng meal for one week saka meryenda, 'di ba baks? Kung alam ko lang eh 'di sana ako na ang gagawa at magpapasa kaso major in landi landi lang si akes saka sarap lang ang ambag ko ditey," proud na proud na sabi ni Johansen sa lahat.

"Ay masarap ka lang? Walang ganda ganern? 'Wag kang papakabog, parang ako. Kahit saang anggulo maganda at masarap. Tingin sa harap, pak, Catriona, tingin sa likod, maala-Gal Gadot at 'pag side view, pak na pak, parang Pia," sabat ni Natalie at may palaro-laro pa sa dulo ng kanyang buhok na pink.

"Ay true ba, sis? Ganda mo nga, maala-Pia talaga, shet tapos 'yong buhok parang Kara lang, labet! Sinasabi ko talaga ikaw talaga dabest sis!" Sabay na humalakhak ang dalawa at nag-apiran pa. Pinapanood lang silang dalawa ng kanilang mga kasama maliban kay McKenzie na kanina pa badtrip.

"Sinasabi ko na nga ba, ako talaga 'yong kakambal ni Pia Wurtzbach tapos si Cara Delevingne ba 'yang tinutukoy mo? Nic, am I pretty or beautiful?" may pag-pout pa nitong tanong kay Kale.

Muntik naman nang mailuwa ni Kale ang kinakain at medyo alanganing bumaling dito.

"Ay teh, bastusan ka rin 'no? Pia Cayetano kasi saka anong Cara Delevingne ka diyan, baka Kara David yorn!"

"Pucha ka Nat, Pia Caye...gago talaga! Tapos Kara David amputa. Pero infairness tama si Johansen. Tama na nga 'yan, nag-uutuan lang kayong dalawa eh. Naghahanap kayo ng accountancy major 'di ba? Si Mc, accountancy, 3rd year laging perfect sa exams tapos maganda at habulin. Get niyo na, wala pang tanong may sagot na siya. Single din," pambibidang suhestiyon ni Silver at palihim na tumingin kay McKenzie na ngayon ay masamang nakatingin sa kanya.

"Luh, kj na Pilak palibhasa 'di mahal ah epal na naman. And besides, for sure, 'di naman niya tutulungan si love ko kasi busy siya and ayaw niya saka 'di sila close, 'di ba Kenz?" Hindi ito pinansin ni McKenzie.

"Bobo mo talaga Nat. Ikaw na nga 'tong dinadamay sa libreng meal, dami mo pang kuda. Ano, Kale? Payag ka ba?"

Nagpalit naman ng pwesto si Johansen at Ashley.

"Ah eh o-okay naman na ako, promise. 'W-'wag niyo na lang isipin. M-maraming salamat."

"See? She can handle it herself. Don't stress about it guys. For sure, she can answer it without someone's help, right?"

"Yaan niyo na kasi 'yan. Si Zie na mismo ang nagsabi saka kung 'di naman importante ba't gagawin? Reklamo mo na lang 'yong prof," malokong sabi ni Reign at inabutan pa ng pagkain si McKenzie.

"Guys, nahihilo ako. Excuse me, I'm not feeling well. Love, samahan mo me, 'di ko na kaya," tila nanghihinang sabi ni Natalie kay Kale. Nakakawit na ang braso habang nakahilig ang ulo nito sa balikat ng huli.

Sinalat naman ni Kale ang noo nito. "'Di ka naman mainit. Baka naparami ka lang ng kinain?"

"Samahan mo na, baka mamatay pa 'yan. CPR mo na rin baka 'di na humihinga," sarkastikong sabi ni McKenzie at nag-cellphone na.

Inalalayan na ni Kale si Natalie at umalis na. Hinatid pa ng tingin ni Ashley ang dalawa.

"What's going on between them?" tanong nito kay Johansen. Nagkibit-balikat lang naman ito.

Talagang inalalayan niya pa ang babaeng 'yon! Magsama sila! aniya ng isip ni McKenzie.

"Guys, una na kami. Tatambay muna kami kina Black. Pahiram muna ng boyfriend mo ha, Aubrey? Lagi naman kayong magkasama eh. Kami sa umaga, ikaw sa gabi," biro ni Reign kay Aubrey pero minura lang siya nito.

"Sama ako," segunda ni Silver. Inakbayan na ito ni Reign at umalis na silang apat nina Tyler.

Sina McKenzie, Aubrey, Ashley at Johansen na lang ang natira.

"Gogora na rin ako mga sis. Dahil mabait ako, ako na ang magtatapon ng mga kalat sa ngayon. Ashleya, 'di ka pa gogora?"

"No, nandito pa ang gamit ni Kale Nixon but mukhang mamaya pa siya so, dadalhin ko na lang 'yong gamit niya. Sasabay na ako sa'yo, Johanna." Kukunin na sana nito ang bag ni Kale ngunit mabilis itong kinuha palayo ni McKenzie.

"You can leave now. May gagawin pa siya rito. Don't worry, ako ng bahala rito sa bag niya. And looks like Johansen is waiting for you na oh."

"As far as I remember, 'di naman kayo close so, why? Unless...bait-baitan ka to get close with her then what? Pagti-trip-an mo na naman. Very Henderson-like. If you don't give me her bag, then I'll stay. You don't mind naman 'di ba?" diretsang sabi ni Ashley sa kanyang pinsan.

Kanina pa pikang-pika rito si McKenzie ngunit nagpipigil siya. Kung may kapangyarihan lang siyang para mawala ito ay kanina pa niya ginawa.

"Just shut up and leave. 'Di ka na kailangan dito. 'Wag ka na rin sanang bumalik," at nginitian niya ito nang peke.

"Ghad, nagsasabong na naman kayong dalawa! Para kayong mga kinder, ansasakit sa bangs. Ano na naman ba 'yang pinag-aawayan niyo ha? 'Yang bag ba talaga o si Kale? Ba't niyo ba pinag-aawayan? Inaano ba kayo?" talak sa kanila ni mahaderang Johansen.

"Wala!" sabay nilang sagot.

"Mga banla kayo! Tara na Ashleya, alam ko kung nasa'n si baks at ikaw naman warla, pakiingatan 'yong bag. Baka yariin ka no'ng may-ari, sige ka," at kinaladkad na nito si Ashley paalis dala rin ang kanilang mga kalat.

"What was that Kenzie-

"'Di ka pa rin ba aalis? Baka may gagawin ka na kasi ako meron pa."

"Gosh, why so init ng head mo huh? I can make sama sama here sa'yo so that you're not nag-iisa. I can stay here while scrolling on my phone and tell you what. Look at this guy, I think you both can hang out-

"Aubrey!"

"Fine, bitch! I'm leaving since my boyfriend is busy. You are busy. All of you are busy! I'll go to Alexander na lang. You owe me a visit Kenzie. Come over to my house when you're done, bye!"

Sa wakas, umalis na rin ang mga imbyerna.

Makalipas ang ilang minuto ay wala pa ring Kale na dumarating. Naburo na siya sa kahihintay kaya nag-scroll na lamang siya sa kanyang phone. Nothing new.

Nasa'n na kaya 'yon? Natuluyan na rin ata. Buti nga. Bahala siya!

Kung ano-ano ng tumatakbo sa isip niya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Pagtingin niya, ang masungit na librarian lang pala. Dahil hindi niya forte ang paghihintay ay umalis na siya dala ang bag ngunit hinarang pa muna siya ng librarian.

"Disciplinary office, 5pm. Pakisabi rin sa kasama mo."

Habang naglalakad sa kanilang campus ay nag-iisip siya kung saan pupunta. Tumingin siya sa kanyang relo. Alas-once pa lang ng umaga.

Dumiretso na lang siya sa office ng kanyang Daddy at patumbang umupo sa isa sa mga sofa doon. Nakipagtitigan muna siya sa wall clock doon, baka sakaling may maibigay itong gagawin niya pero wala.

When an idea sparked in her mind. She waited for the other line to answer as she dialed her Dad's number with the office's telephone.

"Hello, Dad?" she answered as soon as someone was already in call.

"Oh darling, that's it. You're hitting the right spot. Go deeper-

"Daddy? Hello? Dad?"

"Jesus, I'm close to cumming! Go and push that fat cock of yours deep inside of me darling!"

"Oh Madeline, I'm cumming!"

"God, sorry, wrong number!" and she ended the call.

Nailing-iling na lang siyang ibinalik ang telepono. Pagbalik niya sa sofa ay napatingin siya sa bag ni Kale. Naisip niyang buksan ito pero 'di naman siya pakialamera.

She placed the bag on her lap and stared at it for a moment.

Kale Nixon Oliveros.

I really hate you!

Kinuha na lang niya ang kanyang cellphone at inaliw ang sarili. Nagtingin siya sa kanilang gc pero wala namang bago. Puro katangahan lang ng mga lalaki kasama si Silver na nag-se-send-an ng mga pictures. Ina-update ang bawat isa pero magkakasama naman.

"Hoy seener, mag-react ka naman sa pics namin," reply sa kanya ni Silver.

"Saan?" maikling reply niya.

"Sa pictures nga namin. Bobo mo naman Mc."

"'Yong pake ko," at nag-send siya ng selfie na naka-middle finger. "Bilhan at dalhan mo nga ako ng lunch. Wala akong kasama. Hintayin ko rito sa office ni Dad."

"Ano ka, si Aubrey? Ayoko nga. Ba't wala kang kasama? Asan si Kale? Iniwan ka? Aw, kawawa naman!"

"Dalian mo! 'Di ako nakikipagbiruan!"

"Bye!"

Makalipas ang ilang minutong pagmumuni-muni ay may kumakatok na sa pinto.

"Ito na madam ang special delivery ala arte," bungad sa kanya ni Silver dala ang tatlong paper bags.

Nginitian niya ito nang pagkatamis-tamis at sinarhan na ng pinto.

Bago kumain ay pinicture-an niya muna ang mga pagkain saka in-upload sa kanyang IG story. Pagka-post niya ay mayroon kaagad anonymous user na nag-react at nag-comment.

"Is that mine? The bag I mean. Nice photo by the way. Happy lunch :)"

Muntik nang mabitiwan ni McKenzie ang kanyang cellphone. 'Di niya alam pero parang kiniliti ang kanyang puso sa comment na iyon. Agad din niyang pinindot ang notification at nakita niyang finollow siya no'ng nag-comment. Wala itong picture at mukhang kagagawa pa lang nito ng IG account.

"Hi. San ka?"

"Lesbi, ikaw ba 'yan?" paninigurado niya. Ayaw niya namang mag-assume but binanggit nito ang bag so she had an idea.

"Kale Nixon ako. San ka nga?"

"Send pic bago ko sabihin. Baka modus ka."

"Wala akong camera. San ka nga kasi? Send-an na lang kita mamaya."

Napa-roll naman siya ng mata. Baka nang-go-good time lang 'tong lesbi na 'to ah! pakunwari niya sa isip pero nakangiti siya habang nag-ta-type.

"I'm here sa office ni Dad, why? Ikaw, san ka ba?"

Agad itong nag-react sa message niya. Hinintay niya munang mag-reply ito dahil typing pa ito.

Minutes have passed but walang reply na dumating.

Dismayado niyang in-off ang cellphone at idinaan na lang sa pagkain ang lahat. Doon na siya nagpalipas ng maghapon at natulog. Saktong pagsapit ng 5pm ay nagising at umalis na siya sa opisina dala ang bag.

Naglalakad na siya papunta sa disciplinary office nang walang tigil sa pag-ring ang kanyang phone.

"Hello?! Ano na naman bang problema mo? Ang dami kong dala, tawag ka nang tawag!" Kilala na niya kung sino ang damuhong tumatawag sa kanya kaya 'di na niya ito binati pa.

"Ba't ba lagi kang nakasigaw Mc! Nandito na kami sa parking lot, hinihintay ka! Nasa'n ka na bang babae ka? Uwian na! Naglalandi ka na naman! Parehas kayo ni Nat! Dalian mo!" at in-end na nito ang tawag.

Nag-chat lang siya sa kanilang gc na mauna nang umuwi ang mga ito at itinago na niya ang kanyang phone.

Pagpasok niya sa disciplinary office ay nadatnan niya lang si Mr. Carter, isang P.E. instructor at nag-iisa sa loob na nakaupo sa harap.

"Good afternoon, Mr. Carter," bati niya rito saka umupo sa isa sa mga bakanteng upuan sa gitna sa harap.

"Good afternoon din, Ms. Henderson," bati rin nito sa kanya at binuklat nito ang isang makapal na notebook na listahan ng mga estudyanteng may bad records sa university.

"Galing dito si Mrs. Nguyen kanina at ini-report ang dalawang estudyante sa kanyang library kanina dahil sa paglabag sa mga alituntunin sa loob ng library at nahuli pa raw niyang may ginagawang sekswal ang mga ito kaya't itinala niya rito. Nandito ang pangalan mo at si Kale Nixon Oliveros. Nasaan siya?" kalmadong saad ni Mr. Carter habang taimtim siyang tinitingnan.

"'Di ko po alam sir kung nasaan siya."

Walangyang matandang 'yon! Napakamalisyosa! Kami? May ginagawang sekswal sa loob ng library?! That's bullshit! Sasabihin ko talaga kay Dad 'to!

"Ms. Henderson, nakikinig ka ba?" pukaw sa kanya ni Mr. Carter.

"Excuse me sir?"

"Uulitin ko, makinig kang maigi. Hindi tayo uuwi hangga't 'di dumarating si Ms. Oliveros kahit malapit ng mag-alas sais ng gabi. Hangga't wala siya, walang makakakuha ng ID. In short, 'di kayo makakapasok sa susunod na mga araw.

Also, this is your last warning. Another record in this office and you'll be expelled from this university. We only give three chances to student offenders and failing to abide with the rules and laws of the university again after will result to immediate termination of the student."

"Sir, with all due respect but you can't expel me from this university. In case you forgot, sir, I am the owner of this university."

Napangiti naman si Mr. Carter.

"Of course, Ms. Henderson. We know that. We are all aware of that but everything here in Henderson University is being led and monitored by your father, Mr. Ralph Augustus Henderson. Getting right to the point, no one is held under a special treatment especially when you violated a rule. As far as I can remember, you already have a record of bullying-

"Good afternoon, sir. I'm sorry, I'm late," hinihingal nitong bati. Umupo na ito sa gilid. Isang bakanteng upuan lang ang pagitan nila ni McKenzie.

"Sa wakas, kumpleto na tayo. Mabalik tayo sa sinasabi ko. Tandaan niyo, nasa elite school kayong dalawa at hindi namin tino-tolerate dito ang anumang gawain o ugali na magdudulot ng kaguluhan sa unibersidad na ito. Tulad ng dati, kayong dalawa rin 'yong sangkot sa pambubully 'di ba?"

Hindi naman sila makaimik.

"Si Ms. Henderson na nam-bully," at bumaling dito. "habang si Ms. Oliveros na binully," baling din niya rito.

"Matapos ang pam-bu-bully, ngayon nama'y kayong dalawa ay may ginagawang sekswal sa loob ng library. Alam niyo namang malaking eskandalo-

"Sir, wala po kaming ginagawang gano'n sa library! Wala pong katotohanan ang sinumang nagsabi niyan dahil wala po kaming dahilan para gumawa ng gano'n, 'di ba?" mariing tanggi ni Kale sa paratang sa kanila.

"Yes sir. Busy po kami sa pag-aaral at nananahimik sa library. Wala po sa isip namin ang gumawa ng kung anumang kahalayan. 'Di po namin gusto ng gano'n," segunda ni McKenzie.

Luh, plastik mo McKenzie Knight! tudyo ng isip ni McKenzie.

"Naglalandian daw kayo sa library."

"Sir, hindi po!" sabay nilang sagot.

"Pero 'yon daw ang nakita ni Mrs. Nguyen. Ang iingay niyo pa raw at 'di masita. Nakailang sita na raw siya pero 'di niyo pinapansin."

Pagkasabing 'yon ay napatingin si McKenzie kay Kale na saktong nakatingin din sa kanya. 'Di alam ni McKenzie na pinaniningkitan na siya ni Kale ng mata dahil sa nakasalamin ito.

"Sir, 'di po ako malandi saka may pamilya po ako at...s-straight po siya."

'Di makapaniwalang tumingin si McKenzie dito saka nakasimangot na humalukipkip.

"May gusto ka pa bang sabihin, Ms. Henderson bago tayo umuwi?"

Tila wala namang narinig si McKenzie at nag-cellphone na lang.

"Mukhang wala ng concerns, so to end this, both of you will assist Mrs. Nguyen in the library for a week. Tutulungan niyo siya sa pag-aayos ng mga libro at magiging in-charge sa kung sinuman ang manghihiram ng mga libro. Is that clear?"

"No, sir!" mabilis nilang pagtutol. Ayaw na nilang makasama o makita pa si Mrs. Nguyen. Baka ito pa ang paalisin nila doon.

"Okay. One week suspension, then. You're now dismissed. Goodbye," at umalis na si Mr. Carter.

Padabog na tumayo si McKenzie kaya't lumikha ito ng ingay sa kabuuan ng room. Wala itong pakialam sa paligid at umalis na lang.

"Unicorn, wait!" pigil ni Kale bago pa 'to makalabas ngunit marahas na binawi ni McKenzie ang kanyang braso at nagmamadali nang lumakad palayo rito.

Habang hinahabol siya ni Kale ay siya ring pabilis nang pabilis na lakad ni McKenzie.

"Unicorn! Pwede ba, huminto ka saglit?! Kanina pa ako napapagod kahahabol sa'yo. Paulit-ulit na rin kitang tinatawag, 'di ka tumitigil. Bingi ka ba ha?" Mahigpit nitong hinawakan sa braso si McKenzie habang habol ang hininga.

Matutuwa na sana si McKenzie pero lalo lang bumangon ang inis niya rito.

"Bitiwan mo nga ako! Uuwi na ako!" Pilit siyang kumakawala sa hawak nito hindi dahil sa naiinis siya kung 'di nakakaramdam siya ng kakaiba na bago lang sa kanya.

Ayaw din magpatalo ni Kale kaya inihampas-hampas sa kanya ni McKenzie ang sarili niyang bag.

"Ano ba! Nakakarami ka na ah! Teka-awat na sabi! Hahalikan talaga kita sige!"

Mabilis na tumigil si McKenzie at nakatulalang nakatingin dito nang bigla niyang maalala ang sinabi nito kanina.

"Walang hiya ka! Napakakapal talaga ng pagmumukha mong lesbi ka! Wala kang kwenta-

'Di na natapos ni McKenzie nang siniil siya nito ng halik. Nagpupumiglas pa siya ngunit lalo siyang hinapit nito palapit at mas pinalalim nito ang paghalik.

Pilit niya itong itinutulak ngunit wala na siyang nagawa. Tuluyan nang nabitiwan ni McKenzie ang bag at ikinawit na ang mga braso niya sa batok nito.

Their tongues danced in each other's mouth with equal intensity, exploring the depths of their blossoming wants. Her wandering hand found the hem of Kale's hoodie when Kale pulled away from the kiss. Her chest heaving as she's gasping for air and her intense pair of pitch black eyes clouded with unmistakable desire comes in contact with McKenzie's.

"O-okay ka na ba?"

"W-why did you t-that? M-may p-pamil-

"Kanina pa kita hinahanap. Kanina pa kita gustong makausap."

'Di makatingin nang diretso si McKenzie at mabilis na tumakbo palayo.

"Look, I-I'm sorry...'Di ko sinasadya-

"No, I-I mean o-okay lang. Uuwi na ako." Pahakbang na si McKenzie palayo.

"Puwede bang mag-usap muna tayo? Please? Kanina pa kita gustong makausap. Promise, usap lang talaga."

"Ano ba kasi 'yon?" Pilit niyang pinataray ang kanyang boses. "You only have one minute. Talk now."

"Uhm, about do'n sa accounting. Tutulungan mo pa rin ako 'di ba?"

"Forget it."

"Pero may deal-sige pala. Maraming salamat." Kinuha na ni Kale ang nahulog niyang bag at pinagpag ito. "Bye," malamig nitong sabi at naglakad na palayo.

Bigla namang na-guilty si McKenzie. Susundan sana niya itong nang biglang may humintong kulay orange na Lamborghini Huracan Spyder sa tapat ni Kale.

Pumasok na ito sa loob. Ang driver ng magarang kotse ay ang pinsan niyang si Ashley. Bahagya nitong ibinaba ang suot na aviator shades at kinawayan siya. Mapang-asar na ngiti ang iginawad nito sa kanya at pinaharurot na ang sasakyan paalis.

Malungkot niyang tinungo ang parking lot at umuwi na.

***

"Guys tara, bar tayo now," yaya ni McKenzie sa kanilang gc. Kanina pa siya 'di mapakali at nangungulit sa kanyang mga kaibigan upang iwaglit sa kanyang isipan ang nangyari kanina bago siya umuwi.

"Hard pass. Behave muna ako Mc."

"Libre mo ba Kenz? G ako. Ano, set na? Tara na? On the way na ako, say mo lang."

"Just come over in my place, Kenzie. I don't have kasama. I sent you a pm na."

Walang reply mula sa tatlong lalaki.

Several minutes have passed and now she's knocking at Aubrey's door.

"Girl! You came na!" at pinapasok na siya nito sa mansion.

"I want beer," walang ganang saad ni McKenzie at patumbang umupo sa sofa sa living room nina Aubrey. "Did you change the style and furnis? Kailan ka pa naging mahilig sa gray?"

"You sound like daddy, Kenzie. Don't you like champagne? Red wine? Or diamond jubilee?"

"Diamond jubilee?"

"Don't you know it? God, what a slapsoil friend. It's a Johnnie Walker. It can cost you almost four condo units, fyi," at hawak na ang diamond-shaped Baccarat crystal decanter ng tinutukoy nitong whisky.

"The hell Aubrey, seriously? Johnnie Walker? Mas marami pa ihi ko diyan. Pucha, juice na lang."

"Here," abot sa kanya nito ng malamig na tubig. "Sorry, not in the mood to make some juice."

Inirapan lang niya ito at umayos na ng upo saka nagdekwatro.

"So, anong gagawin natin ngayon? It looks like tayong dalawa lang here. Where's tito and tita?"

"Vacation in Norway. Wait," at iniwan siya nito upang puntahan ang kumakatok sa pinto. Napataas naman ang kilay niya nang makita ang kasama nitong lalaki na nakaakbay dito. She looked at Aubrey with a questioning look.

"Here comes my very issue friend," sarcastic nitong sabi sa kanya. "This is Alexander, my cousin and Alex, you already know her na, right?"

"Nice to meet you, gorgeous," and he winked at her. "Can we be friends? Are you from a cheering squad? You're pretty," Alex flashed his sweetest smile while waiting for McKenzie to take his right hand for a handshake.

Kung dati rati ay tinatablan siya sa mga ganitong banat sa kanya ng mga lalaking nagpapakilala at nadadala sa mga pangiti-ngiti na madalas ay 'di pa natatapos ang sinasabi ng mga ito ay nakikipag-shake hands na siya pero ngayon lalo lang siyang na-bored at parang may hangin lang na nagsasalita.

"I already know that but nah. I have enough friends and I don't have plans in having friends like a basketball squad," walang gana niyang sabi rito. Ni hindi rin niya pinansin ang nakalahad nitong kamay.

"What about more than friends? I'm willing." Malapad ang ngiti nito. "And it will be my pleasure if you'll join the cheering squad so that I can adore and see your beautiful face every practice. I know you're single. Bri told me."

"And it will be my greatest pleasure if you'll disappear right now. I'm not befriending a jerk lalo na kung basketball player pa."

"Paano mo nalaman na basketball player ako? Sinabi rin ba sa'yo ni Bri? Nga pala, my room is upstairs, to the right. If you change your mind, we can play Xbox or maybe, Netflix and chill." Kinindatan muli siya nito at umakyat na ito.

"God, Aubrey! Have you seen that?! Sobrang nakakainis 'yang pinsan mo! He's a total pain in the ass! Sana 'di mo na lang pinapunta rito. Napakayabang at napakahangin, napakapangit naman!" McKenzie bursted out.

"Si Alexander, ugly and mahangin? Oh Jesus, Kenzie! He's so kind kaya and are you visually impaired na? For goodness' sake, walang alien sa bloodline namin yet here you are...did you hit somethin' on your head or what? Can't you see? He has a physique to die for and for all the girls in our university, he's a walking wet dreams! My, poor McKenzie Knight Henderson can no longer spot which is ugly or not. I guess you'll be single forever." Naiiling pa ito na animo'y dismayado sa kanya.

"What?! Kind? 'Yon ang definition mo ng kind? Mukha ngang manyak! Plus he's a fucking basketball player! I freakin' hate basketball players, so yayabang, laging bench naman. And cheering squad? Ew, napaka-cheap!"

"So are you into nerd types now, huh?" pang-aasar nito sa kanya.

"Mas lalong hindi! They are stupid and boring!" Agad niyang ibinaling ang tingin sa iba.

"Okay. Let's go to my room. Have you had your dinner yet?"

'Di naman sumagot si McKenzie kaya hinila na siya ni Aubrey patungo sa kitchen. Ilang minuto lang ay pinaghain na siya nito ng pagkain.

"Pizza, pasta and wine? You call these dinner?"

"Yep. We seldom cook ni Alexander. We always order online only when my parents are away."

Nag-uusap pa sila nang biglang makarinig sila ng mabilis at mabibigat na yabag. Narinig na lang nila ang pagbukas ng pinto at malakas na pagsara nito.

"Sorry, ladies! Nag-dinner na ba kayo?" Sinilip naman nito ang pagkain nila. "Sa inyo na itong bucket ng chicken, kukuha lang ako ng dalawa. Nagkakanin ba kayo? Sa inyo na 'yang fries, akin na 'tong spag." Nanguha na rin ito ng plato at hinatian sila ng pagkain.

"Can I have your burger, Alex?"

"Sure. What about rice? Tig-isa na kayo, akin na 'tong apat. Tuna pie? Coke? Ayaw niyo? Ikaw miss? Anong gusto mo ako?" palusot ni Alexander kay McKenzie.

"Wait lang!" paalam nito sa kanila.

"Ang dami niya atang binili? Ang lakas niya namang kumain."

"Yeah, Alex really loves Jollibee kaya he almost buys everything in the menu."

Pagbalik nito ay may dala na itong limang boxes ng pizza at sabay-sabay na silang kumain.

"Thank you so much Alex. Sobra kaming nabusog ni Kenzie," pasasalamat ni Aubrey na nakasandal na sa upuan, himas-himas ang tiyan.

"Thank you din," nahihiyang sabi naman ni McKenzie.

"No problem, cuz, miss. Ako na magliligpit. Pwede na kayong magpahinga. Uuwi ka na ba? O dito ka matutulog? Sakto, wala akong katabi," pilyong sabi ni Alexander kay McKenzie na ikinaikot naman ng mata niya. Wiling-wili naman silang pinanonood ni Aubrey.

"You two look good together."

"'Yan, ganyan dapat. 'Yan ang gusto ko sa'yo eh kaya ikaw ang pinakapaborito kong pinsan sa lahat eh. Isa ka talagang tunay na Collins, Bri. Narinig mo 'yon, miss? Pakasalan mo na raw ako, baka maagaw pa ng iba. Sayang, malaki pa man din ako."

"Magligpit ka na nga lang diyan," masungit namang turan ni McKenzie rito.

"Sure, babe. Akyat ka na pala sa kwarto ko. Malinis at mabango doon, ikaw na lang kulang. Saglit lang ako, mag-shower ka na muna tapos kuha ka lang ng damit ko."

Kinikilabutan naman si McKenzie sa bawat salitang binibitiwan ni Alexander sa kanya. Gustong-gusto na sana niya itong sapukin sa mukha dahil 'di na siya natutuwa lalo na sa banat nito sa kanya.

"Aubrey, I need to go na. May iniuutos pa kasi sa akin si Dad. Thanks for tonight. Maybe next time, mag-o-overnight ako."

"Alright, so see you next week? I'm looking forward to that. Ingat ka girl, call me when you got home, ha?" Nagbeso muna silang dalawa bago maghiwalay.

"Wala rin ba akong goodbye kiss? Samahan na kita palabas." Pinauna na siya ni Alexander habang nakasunod ito sa kanya.

"Ingat ka sa pag-da-drive pauwi. Diretso uwi ka na lalo na't nag-iisa ka. Bye," at ti-nap nito ang pinto ng kanyang sasakyan. Nakangiti itong kumakaway habang papalayo siya.

****

"Excuse me, where is the bartender here with a beanie?" tanong agad ni McKenzie sa bartender na lalaki nang makarating siya sa The Midnight Haven.

"May beanie? Ah, si Nixon? Wala po siya ma'am. May pinuntahan po sila ni boss eh. Sa condo po ata ni boss, may gagawin lang ata." Nagpatuloy na ito sa paggawa ng cocktail drinks at pagkuha ng mga orders.

"Fuck!" sambit niya sa sarili at lumabas na.

Dumiretso na siya sa parking lot at at pabalang na pumasok sa kanyang sasakyan. Hindi niya alam kung ba't siya naiinis lalo na kay Ashley.

Nag-scroll muna siya sa kanyang phone upang kalmahin ang sarili nang mapunta siya sa profile ni Kale sa IG at sa convo nilang dalawa.

Nakatitig lang siya sa screen ng kanyang phone nang may marinig siyang umuungol.

"Babe please, isa pa. Let's get inside my car.I'll give you any thing, just don't leave me yet."

Tumingin siya rito at doon niya nakita ang taong hinahanap niya. Inaalalayan nito ang isang babae na halos 'di na makalakad

dahil sa kalasingan. May ibinubulong ito sa babae at sabay pang nagtawanan ang dalawa.

She felt a pang of jealousy when she shouldn't be. Imbes na umiwas na siya ng tingin ay pinanood niya pang lalo ang dalawa lalo na nang pumasok na ang dalawa sa isang kotse. Lumipas kalahating oras bago lumabas si Kale. Umalis na ang babaeng hinatid nito.

Bago ito makalayo ay bumaba na agad si McKenzie at hinabol ito.

"Shit! Tang-anong ginagawa mo rito?!" Muntik ng kumaripas ng takbo si Kale nang biglang may kumapit sa kanya na si McKenzie lang pala.

"Kanina pa kita hinahanap. Uuwi na tayo," diretsang sabi ni McKenzie at hihilahin na niya ito paalis nang 'di ito sumunod.

"I'm sorry ma'am. May trabaho po ako," at binawi na nito ang braso at lumakad na.

"Fine! Maghihintay ako rito hanggang sa matapos ka!"

Napahinto si Kale.

"Pumasok ka na sa loob. Baka mapano ka pa rito sa labas. Ako ng bahala sa drinks mo," malamig nitong sabi at nauna na.

Lihim namang napangiti si McKenzie at sumunod na rito.

"Sa'n ka pupunta?" tanong niya rito nang makaupo siya sa bar stool samantalang ito ay paakyat sa hagdan patungong 2nd floor ng bar.

"'Di ako mawawala. Uminom ka na lang. It's on me," at nawala na ito sa paningin niya.

Dahil minsan lang naman na may manlibre sa kanya, nag-order na siya ng kung ano-anong magugustuhan niya. Um-order na rin siya ng pulutan.

While drinking, she took some photos of herself, the people partying and the entire bar, and her drinks and foods.

Makalipas ang dalawang oras ay 'di man lang siya nalasing at 'di niya namalayan ang oras. Nagsiuwian na rin ang mga tao at tanging mga empleyado at iilang customers na lang ang natira.

Bigla namang tumigil ang mundo niya nang makita si Kale na pababa sa hagdan kasama ang dalawa nitong kaibigan na si Arian at Troy. Nasa gitna ito habang abala sa pag-u-unbutton ng suot nitong white long sleeves kaya malaya niyang nakikita ang leeg nito pababa sa collarbone nito.

Halos mahigit ang hininga niya nang magtama ang kanilang paningin. Kinindatan siya nito habang may mapaglarong mga ngiti sa labi nito na lalong ikinatanga niya.

"Ang alam ko, aso lang ang naglalaway."

'Di niya naramadaman na nakalapit na ito sa kanya.

"H-ha? Ano? Ako aso?! Lumayo ka nga!" Nginisian lang siya nito at nagtungo na ito sa employee's room.

"Hi Miss McKenzie! Kumusta na po kayo? Ngayon ka na lang po yata nagawi dito ah!" magiliw na bati ni Troy dito.

"Ay ma'am, 'wag niyo na lang pong pansinin ang kupal na ito. Konting pag-iingat lang po. Makati po kasi 'yan eh," sabat ni Arian.

Bahagya naman siyang natawa kahit wala namang nakakatawa.

"No, it's totally fine. Life's been busy kaya ngayon na lang din ako nakapunta rito."

"Baka naman po busy kayo sa boypren niyo, Miss McKen—

Bigla na lang dumating si Kale at binatukan si Troy.

"Tara na, uwi na tayo," tipid nitong sabi.

"Dude naman! Hilig mo na atang manakit ngayon ah! Tara na pala, bayaan mo 'yang si Arian. Feeling maganda."

"Eh di magpaganda ka rin kupal! 'Pag inggit, mukha kang singit!"

"'Wag mo na lang pansinin 'yong kaingayan nila," bulong niya kay McKenzie at nauna na silang lumabas.

"'What if sumabay ka na kaya sa 'kin? 'Di naman ako nakainom. Mag-uumaga na kaya at wala ng masasakyan," alok ni McKenzie. Pumayag ka, please!

"Thank you pero mag-o-overnight kami kina Troy. Umuwi ka na rin, baka may naghihintay na sa'yo."

Ikaw lang naman itong hinihintay ko.

"Then, 'di pa pala ako uuwi," matigas ang ulo niyang sagot dito na siyang ikinapikit ni Kale.

"Sigurado ka bang 'di ka nakainom—

"Sasama ka ba sa'kin o ako ang sasama sa inyo?"

'Di naman makapaniwala si Kale dito.

"Mag-o-overnight nga kami kina Troy—

"Okay, sasama ako. Wala naman sigurong problema kay Troy kung doon din ako makikitulog sa kanila—

Biglang nagsalubong ang kilay ni Kale sa sinabi niya.

"Maghintay ka rito. Magpapaalam lang ako sa kanila," at tumakbo na ito palayo.

Lumipas na ang labinlimang minuto ay 'di pa ito bumabalik.

"Asan na kaya ang taong 'yon? Ano bang paalam ang ginawa niya o baka—shit! Baka sa'kin nagpaalam!" Tangina talaga!

Bumaba agad siya ng sasakyan at pinuntahan ito. Wala ng katao-tao sa paligid at malalim na ang gabi. Tanging tanglaw na lang ng mga poste ang nagsisilbing liwanag. Nakita niyang wala na si Troy at Arian doon. Si Kale na lang ang nandoon sa harap ng bar at may kausap itong babae. Tila nagtatalo ang mga ito.

Ashley?! Ano na namang ginagawa niyang impaktang 'yan dito?

'Di na siya nagdalawang-isip pa na lumapit sa mga ito.

"Nixon?" tawag niya rito nang makalapit. Nagulat naman ito sa pagsulpot niya at mabilis na napalingon sa kanya.

Isinesenyas ng mata nito sa kanya na bumalik siya sa parking lot ngunit 'di niya na-ge-gets.

"Umuwi na tayo, umaga na oh! Kanina pa ako naghihintay, ano pa bang ginagawa mo?"

"What the fuck are you doing here, Henderson?! Siya ba ang dahilan ha Kale Nixon kaya kanina ka pa todo tanggi sa akin? May usapan na tayo 'di ba? Na sa condo ko tayo matutulog? Don't tell me na nakalimutan mo because that's bullshit!" Napapailing na ito sa galit habang naghihintay ng sagot kay Kale.

Dahil 'di makasagot at 'di alam ang isasagot ay nagkamot na lang siya ng ulo at salitang tinitingnan si Ashley at McKenzie.

"C'mon Nixon, let's go. Just let her be. And if I were you, kung ayaw niyang sumama sa'yo, then accept it! Don't force her to something that she doesn't want!"

"You! I don't fucking need your opinion! Masyado kang pakialamera. This is only between the two of us. Let's go Kale Nixon!" at hinawakan na niya ito sa braso para umalis na nang hinawakan naman ni McKenzie ang kabilang braso nito.

"Sa akin siya sasama!" Pinag-aagawan na nilang dalawa si Kale at halos walang gustong magpaawat kaya't itinulak ni Ashley si McKenzie ngunit bago pa makaganti si McKenzie ay inawat na ito ni Kale. Patuloy pa rin sa pagrarambulan ang dalawa kahit na naiipit na si Kale sa kanilang dalawa nang biglang may bumusina sa kanila.

"What's happening here?" sabi ng boses ng isang babae nang makababa ito. "Ms. Oliveros? Ms. Henderson and...Ms. Grey? Ano pang ginagawa niyo sa ganitong lugar ng ganitong oras?"

"Who are you? Go away!" sigaw ni McKenzie sa babae.

"Get lost!" segunda ni Ashley na gulo-gulo na ang buhok.

"P-Professor M-Montoya?" nauutal na bigkas ni Kale na ikinatanga ng dalawa niyang kasama.

"The one and only. Just call me Ysabel, Kale. Wala tayo sa university. So, anong kaganapan ito? At the middle of the night, nagrarambulan kayong tatlo? At kayong dalawa, ba't niyo pinag-aagawan si Kale? You're bleeding," at mabilis nitong dinampian ng panyo sa mukha si Kale.

"P-Professor, okay lang po ako—

"Ysabel."

'Di na sumagot si Kale at tinanggal na panyo nito sa mukha niya.

"You'll go with me now. 'Di ka safe sa dalawang 'yan. Look what they've done to your pretty face. Ako na ang maghahatid sa'yo," the professor said with finality in her voice.

"No. She's not coming with you. Mamaya kung saan mo pa siya dalhin," kontra ni McKenzie.

Natawa naman ito sa sinabi niya saka napasuklay sa mahaba at kulay itim nitong buhok.

"Madali naman akong kausap. You gave me no choice. I'll report this to the authorities and to the university as well or maybe, better if makaabot ito kay Mr. Henderson and Mr. Grey, right?"

"No!" mabilis na sagot ng magpinsan.

"Then, Kale, get inside the car. Ihahatid na kita." Pinagbuksan na ni Professor Montoya ng pinto si Kale. Tiningnan muna ito saglit ni Kale ngunit inginuso na nitong pumasok na siya. Sumunod na si Kale at malakas na isinara ni Professor Montoya ang pinto. Nakangiti itong sumakay at pinaharurot na ang sasakyan.

Lulugo-lugo at naiwang dismayado sina Ashley at McKenzie sa daan habang masaya silang pinanonood ng buwan at mga bituin mula sa kalangitan.

Unedited. Sorry if may mali sa mga names.

SarabiPalmacreators' thoughts
次の章へ