Maagang nagising at gumayak si McKenzie. Makalipas ang isang oras ay nakahanda na siya. Papasok na siya at nag-chat sa kanilang group chat na papunta na siya.
Habang nagmamaneho ay tiningnan niya saglit ang kanyang phone kung may nag-reply na sa kanilang group chat. But for the first time, she didn't receive any reply from them.
Nang makarating na siya ng Henderson University ay agad niyang ipinarada ang kanyang sasakyan sa isang private space kung saan tanging siya lang ang may karapatan na magparada. Kahit ang gang ay hindi puwede.
Dumiretso na agad si McKenzie sa cafeteria. 'Yon lang ang tanging lugar na pinupuntahan nilang magkakaibigan pagpasok.
Nang makarating siya, tumungo na agad siya sa kanilang famous place. But to her surprise ay naabutan niya ang anim na kaibigan na bising-bisi at tila mga aligaga. It looks they didn't notice my presence, sabi ng kanyang isip.
Ang aga naman ata para hindi nila ako pansinin. Don't try me guys.
At dahil wala pa ring lumilingon kay McKenzie ay malakas niyang ipinatong sa mesa ang kanyang Gucci bag dahilan para mahulog ang ilang papel na inaayos ng anim. I don't give a fucking care on what they're doing.
Dahil sa ginawa niya ay nakuha niya rin ang atensyon ng gang dahil nag-angat na ang mga ito ng tingin sa kanya. Akala nila palalampasin ko ang ginagawa nila ngayon. She glared at them.
'Di naman makatingin ang mga ito kay McKenzie nang diretso lalo na si Natalie na may namumuo ng butil ng pawis sa noo. Tinaasan niya ito ng kilay at bumaling naman siya sa iba na gano'n pa rin at alanganin ding sinalubong ng mga ito ang nakakamatay niyang tingin.
"What are you busy with?" mataray niyang tanong sa kanila saka humalukipkip.
"We're busy at accomplishing the requirements for the upcoming competition Kenzie," maarteng sagot naman sa kanya ni Aubrey saka siya inirapan.
How dare she to make an expression like that to me. I know we're close but I'm the only one who can make such face.
Pagkasabing 'yon ni Aubrey ay nagsitanguang parang mga aso ang iba. Sinamaan niya lalo ng tingin ito at lalong ngumisi ang huli sa kanya.
Since she doesn't give a shit on whatever they're busy with and being their leader, she spoke.
"Guys, mag-bar hopping tayo mamaya," McKenzie declared with finality.
Nang marinig nila ang sinabi nito ay halos mabitiwan nila ang kanilang mga hawak at gulat na gulat ang kanilang mga reaksyon.
Seriously, mukha silang mga tanga ngayon.
"Kenz, puwede bang next time na lang? Busy kami eh saka kailangan pa naming mag-prepare for the competition 'di ba guys?" sagot agad ni Natalie sa kanya saka bumaling sa iba.
"Oo nga naman Mc and besides, kaba-bar lang natin. After competition na lang siguro," pagsang-ayon naman ni Eiji.
"Palibhasa kasi hindi ka stress Zie kaya ang lakas mong magyaya!" pang-aasar naman ni Reign at tumawa-tawa pa.
Tahimik lang na nakatingin sa kanila ang tatlo. Napansin niyang hindi lang sila ang tao sa cafeteria.
Talagang ang kakapal ng mga mukha nila para pagkaisahan ako at hindi sumunod sa gusto ko. Sinusubukan talaga nila ang pasensya ko puwes pagbibigyan ko sila.
"So, tinatanggihan niyo na ako ngayon? Ayaw niyo talagang pumayag ha? Puwes, all of you are now k—" makahulugan at seryosong saad ni McKenzie pero biglang nagsalita si Tyler.
"I'm in Zie. Sasama akong mag-bar hopping mamaya tutal okay na ako para sa competition," mabilis na sagot ni Tyler sa kanya at ngumiti ito.
Mas nagmukhang tanga ang itsura ng iba dahil sa narinig kay Tyler. Napangiti tuloy si McKenzie ng wala sa oras.
Effective talaga kapag binanggit ko na ang linyang 'yon. Alam na alam na talaga ni Tyler kapag nagsimula na ako.
Napabuntonghininga na lamang ang iba at napasandal sa upuan. Napapailing dahil wala na silang choice.
Akala nila makakalusot sila sa 'kin pero nagkakamali sila. Sa huli, ako pa rin ang masusunod.
"Okay fine Kenz, you won. Pupunta na rin ako. Anong oras ba? Napaka-BI mo talaga kahit kailan," reklamo pa ni Natalie kahit pumayag na siya. Hay napakatanga talaga.
"'Yon oh! Magba-bar na naman tayo! Sa The Midnight Haven ba ulit tayo?" excited naman na sabi ni Reign.
Nang marinig ang lugar na 'yon ay biglang nag-apiran ang tatlong mokong. 'Di pa nakuntento ay may pasayaw-sayaw pa ang mga ito.
Para kay McKenzie, nakakahiya ang pinaggagagawa ng tatlong mokong nilang kasama at maski si Aubrey ay napatampal na lang sa kanyang noo. Dahil pumayag at nagkasundo na silang pito ay umalis na siya at pumunta na sa kanyang klase.
Pagdating niya sa kanilang room ay halos magkasabay lang sila ng propesor. Nag-discuss lang ito tungkol sa accounting. Nakinig lang si McKenzie nang kaunti.
Makalipas ang isa't kalahating oras ay natapos na ang kanilang napaka-boring na klase. Wala silang klase sa sumunod na subject dahil vacant.
She took her phone at nag-check ng kanyang social media. As usual, there's nothing new. Maraming nag-re-request at nag-fo-follow pero dinededma ko lang ni McKenzie. I don't know who they are so why give a goddamn fuck?
Nang magsawa siya'y napagpasyahan niyang umalis sa kanilang room at iniwan ang mga kaklaseng nag-re-review at kung ano-anong mga pinagkakaabalahan. The hell I care.
Naglibot-libot muna si McKenzie sa campus nang biglang nag-vibrate ang kanyang phone. "Ciao Innamorata, how are you doing today? Ti amo, amore mio, " it reads.
"I'm good, Innamorato. I love you too, amore mio," simpleng reply ni McKenzie sa kanyang nobyo. I don't know what to feel dahil bigla-bigla na lang siyang mag-me-message or what. Kahit papaano ay nakakaramdam ako ng tampo sa kanya lalo na at magkalayo kami. Bakas sa itsura niya ang kawalan ng gana't interes nang matanggap ang mensahe. Isang malalim na buntonghininga ang kanyang pinakawalan.
Itinago na niya ang kanyang selpon para maiwaglit na sa kanyang isipan ang kung anumang naiisip niya tungkol sa kanilang dalawa.
Dumiretso na si McKenzie sa cafeteria dahil lunch break na. Pagdating niya ay nandoon na ang gang sa kanilang famous place. Nagpasabay na siya kay Tyler na mag-order.
Labinlimang minuto ang lumipas ay dumating na si Tyler at i-sinerve na nito ipina-order niya. Sabay-sabay na silang kumain.
"Girls, anong oras tayo mamaya?" biglang tanong ni Reign sa kalagitnaan ng kanilang pagkain.
"After uwian natin. Diretso na agad tayo at ayoko ng naghihintay." Binigyang-diin ni McKenzie ang huling salita para ipaalam sa mga kasama na ayaw niya ng late.
Tumango na lamang ang anim at nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos ay nagpaalam na sila sa isa't isa dahil marami pang aasikasuhin ang iba. 'Di na sumagot pa si McKenzie at umalis na rin.
Buong maghapon ay nag-discuss lang ang mga propesor nina McKenzie at sinabihan din sila ng mga ito na maghanda para sa upcoming competition, kasama man o hindi. Napasimangot na lamang siya dahil dito. Ang dami namang alam.
Maaga silang pinauwi. May sampung minuto pa bago mag-alas cinco ng hapon. Dumiretso na si McKenzie sa parking lot at sandaling naghintay.
Mayamaya lang ay nakarinig siya ng pagbusina sa kanyang gilid at paglingon niya ay si Reign na kumakaway sa kanya habang sakay nito ang limang kaibigan.
Umalis na sila at makaraan ng labinlimang minutong biyahe ay nakarating na sila sa bar. Halos kabubukas lang nito at sila pa lamang ang customers.
Nag-order na sila ng alak at kung ano-ano pa at tulad ng dati ay nasa VIP lounge sila. Nagkuwentuhan muna ang magkakaibigan dahil sila pa lang ang nandodoon.
"Kumusta na kayo? Okay na ba ang mga requirements niyo?" panimula ni McKenzie.
"Oo Kenz. Minadali na namin kasi baka masungitan na naman kami ng iba diyan kaya bahala na," sarkastikong sagot naman ni Natalie sabay ngisi kay McKenzie. Tiningnan niya ito nang masama.
"Oh, mag-aaway na 'yan. Saan kayo, sa tanga o sa abnoy? Palag palag na!" pang-aasar ni Reign at tinambol-tambol pa ang modern table sa gitna nila.
Tinapik naman ito ni Black at nang magsasalita na si McKenzie ay bigla naman itong pinigilan ni Eiji at tinitigan siya sa mata na para bang sinasabi nitong magpigil siya dahil nag-iinit na naman ang kanyang ulo.
Bago pa may mangyari ay dumating na ang isang waiter at i-sinerve na sa kanila ang isang bucket ng beer at may kasama pang vodka at tequila. Nagsimula na silang mag-inuman. Ilang saglit lang ay naririnig na ang tugtugan mula sa labas ng VIP lounge.
Uminom lang sila nang kaunti at nagsimula nang sumayaw sa dance floor sa loob ng VIP lounge matapos makapili ng tugtog si Eiji. 'Di pa naman sila lasing dahil alam pa nila ang kanilang mga pinaggagagawa.
Nang mapagod ay nagdesisyon muna silang umupo habang si Aubrey at Black ay naiwang naghahalikan sa dance floor. Uminom na ulit sila.
"C'mon guys, let's get drunk and party! Bahala na bukas!" sigaw ni Eiji at sabay-sabay sila nag-toast at naghiyawan.
Nang makarami na sila ng inom ay napagpasyahan nilang bumaba kahit medyo nahihilo. Doon naman sila magpa-party. Bahala na rin 'yong dalawang mag-jowa ro'n, ani McKenzie sa isip.
Pagbaba'y agad na naghanap ng chix si Natalie at Eiji habang sina McKenzie, Reign at Tyler nama'y pumunta sa dance floor. Nagsimula na ulit silang sumayaw nang biglang humiwalay si Reign at may kahalikan na rin itong isang babae.
Makalipas ang ilang oras na pagpaparty at pag-iinom ng magkakaibigan ay nahihilo na si McKenzie kaya nagpasya itong lumabas muna at magpahangin. Iniwan muna niya si Tyler at 'di rin niya alam kung nasaan na ang iba.
Palabas na si McKenzie nang maalala niya ang lugar na aksidente niyang natagpuan, ang rooftop. Tulad ng una niyang punta ay napakaganda pa rin ng lugar. Pumunta na siya sa may railings at ipinatong ang kanyang mga braso bilang suporta saka lumanghap ng sariwang hangin. Hindi niya mapigilang hindi mapapikit.
Ang sarap naman dito. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam. Medyo naiibsan 'yong hilo na nararamdaman ko.
"Kawawa ka naman, ba't hindi ka na nadidiligan kaya tuyo't nalalanta ka na."
Biglang napadilat si McKenzie dahil sa gulat nang may biglang magsalita sa gilid niya at pagtingin niya ay nanumbalik na naman ang kanyang pagkainis at parang gusto niya uling manampal.
Nandito pala ang walang hiyang waitress at dinidiligan ang isang halaman na nasa tabi ko, nagngingitngit niyang sabi sa sarili.
"Hoy walanghiyang waitress! Ba't ka nandito? Sinusundan mo ba ako?" sigaw niya rito at matalim ang mga tinging ipinupukol dito.
Mas tumindi ang galit niya nang hindi man lang siya nito pinansin at nakatuon pa rin ang atensyon nito sa halaman. Nagmumukha tuloy tanga si McKenzie. Talagang iniinis mo akong waitress ka ha!
Dahil buwisit na buwisit na si McKenzie sa taong kaharap niya ngayon ay ngali-ngali niyang itong hinila-hila at sa halip na pigilan ito ng huli ay hindi pa rin ito natinag at 'di pa rin siya pinapansin.
Dahil mukhang walang pake ito ay mas marahas niyang hinila ito at sa kahihila ni McKenzie sa damit nito ay may nahagip ang kamay ni McKenzie—ang suot nitong kuwintas. Napigtas ito at sa pagkakataong ito ay nabitiwan nito ang hawak na rigadera at madilim ang mukhang tumingin sa kay McKenzie. Tinging tila gustong pumatay.
Agad-agad nitong kinuha ang kuwintas mula kay McKenzie at malakas siyang itinulak saka mabils na tumakbo palayo.
Naiwang nakatanga ron'n si McKenzie at pilit na inirerehistro sa kanyang isip ang nangyari. Dahil sa unang pagkakataon ay ngayon lang siya natakot at ngayon pa lang din nangyari na may tumulak sa kanya ng gano'n. Tulak na may kasamang panggigigil.
Ilang minuto pa bago siya tuluyang bumalik sa sariling ulirat. Nawala ata ang kanyang pagkalasing. Hindi alam ni McKenzie kung ba't nagmamadali siyang bumalik sa loob ng bar.
Pagbalik ay inilibot niya ang kanyang paningin sa buong bar ngunit hindi na niya nakita pa ito.
Parang may nag-uudyok sa akin na hanapin at kausapin siya. But this is not so me. Ano bang nangyayari sa akin?