"Ano'ng gagawin natin? Hayaan na lamang ang Green Valley ng kanila lamang? Nakakalimutan mo atang ang salaping binayad nila kapalit ng tulong natin ay tayo din ang nagbenepisyo. Saan mo mapupulot ang perang iyon? Tapos ngayong nangangailangan sila ng ibayong tulong para sa kanilang buhay ay parang tumatakas lamang tayo o di kaya ay tatalikuran natin ang nagbigay ng malaking pondo ng Peacock Tribe ganon ba?!" Inis na saad ni Peacock Tribe Chief Huang Chen habang hindi nito mapigilang ismidan ang kapatid nitong si Huang Song. Hindi siya ipokrito katulad ng pag-uugali ni Hiang Song.
Hindi niya makakayang sikmurain ang pag-uugali ni Huang Song na gustong impluwensyahan ang mga opisyales sa pagiging makasarili nito. Kaya nga sa kaniya ibinigay ng ama nila ang nasabing posisyon bilang Tribe Chief dahil sa totoo lang ay hindi naman niya ito gustong talaga ngunit sila lamang ang naglalabang kandidato para pumalit sa pwesto ng ama nila bilang bagong pinuno ng Peacock Tribe. Ngunit dahil sa sarili lamang nito ang iniisip nito, kailangan niyang siya mismo ang humawak ng mabigat na responsibilidad na dapat ay hindi naman talaga sa kaniya.
"Sinabi mo na ring tayo ang nakinabang. Wag mo akong unahan Huang Chen kung ayaw mong magkagulo tayo. Ang pinupunto ko lang rito ay ang kapakanan ng Peacock Tribe, not just for my own sake. Edi sana sinabi ko na, ituloy na yan eh alam naman nating lahat na walang maidudulot na mabuti ang Green Valley kundi salapi lamang, yun lang yun!" Seryosong saad ni Huang Song habang gustong ipasampal nito sa katotohanan sa nagmamagaling nitong kapatid na si Huang Chen.
Tila naagbulung-bulungan naman ang mga opisyales dahil sa sinabing ito ni Huang Song. Alam nilang tila ang sitwasyong ito ay pabor kay Huang Song lalo na at buhay maging ang pangalan ng Tribo nila ang nakasalalay rito, alangan namang magsitahimik lamang sila sa maaaring sasapitin nila sa hinaharap.
"Tama, wala din namang kwenta ang Green Valley na yan. Pesteng mahihinang nilalang lamang sila. After a year or two ay mabubura rin naman sila sa kasaysayan. Ano pa ang silbi ng mga yan." Sambit ng medyo bata pang opisyales. Maging ito ay nakikisawsaw na rin sa masilang usapang ito.
"Hindi ako papayag lamang na tayo ang pagduskitahan ng ibang mga kaharian lalo na ng mismong kaharian natin. Mabigat na parusa ang malalasap natin kung sakaling tulungan natin ang mga ito."di pagsang-ayong saad ng isa pang medyo batang opisyales ng Peacock Tribe. Halatang ang interes at layunin lamang ng Peacock Tribe ang maaaring gusto nitong isalba at ayaw niyang madamay sa mumunting mga angkan na sa tingin nila ay nakatadhana ng malusaw sa kasaysayan.
"Sang-ayon ako sa sinasabi nila, maging kaming mga nakakatanda sa inyo ay hindi namin isasakripisyo ang buhay namin sa walang halagang mga tao, panauhin man o hindi, kaibigan man o kaalitan." Sambit ng isang matandang lalaki na halatang pinaglipasan na ito ng panahon. Sa edad nitong mahigit pitong daang taon ay hindi kababakasan ng pagsang-ayon ito at nananatili pa rin itong Tribe Elder. Ito ay si Huang Wei Ran na itinuturing na isang mahalagang nilalang sa Peacock Tribe. Sa tagal na nitong nabubuhay ay mukhang normal na lamang ang ganitong klaseng pangyayari dahil nandirito na ito noon pa bago pa isilang si Huang Lim maging ang iba pang maituturing na nasa bagong henerasyon.
Dahil sa pagsalitang ito ni Huang Wei Ran ay tila tuluyan ng naging klaro ang diskusyon sa pagpupulong na ito sa Meeting Hall. Nang tingnan ni Huang Chen ang mukha ng ama nitong si Huang Lim ay mukhang alam niya na ang desisyon ng ama niyang ito na hindi nila matutulungan pa ang Green Valley o mas maiging tawaging Green Martial Valley Union dahil sa laki ng gulong umiiral na sa apat na kaharian maging ang Dou City.
Tila natuwa naman ang kaloob-looban ng lalaking opisyales na si Huang Song dahil maging ang Tribe Elder na si Huang Wei Ran ay napasang-ayon niya sa kaniyang naging desisyon na wag ng tulungan ang Green Valley.
Anlaki kasi ng risk na maaari nilang isugal sa oras na pag-initan sila ng malalaking pwersa. Who knows, baka sila pa ang magiging kawawa na ayaw nilang mangyari.
Sa huling bahagi ng pagpupulong ay majority ng mga opisyales ay kumbinsidong hindi na itutuloy ang pagsuporta sa Green Valley alinsunod na rin sa kagustuhan ng lahat ng mga opisyales.
...
"Ama, bakit di ka man lang nagsalita kanina. Alam mo naman na may balak talaga si Huang Song na sirain ang plano ko patungkol sa Green Valley. Dapat natin silang tukungan. All of our funds will be lost hmmp!" Puno ng inis na saad ni Huang Chen sa ama nitong si Huang Lim. Sa lahat ng ginawa niya ay ngayon pa nakabulilyaso.
"Ano'ng magagawa ko eh hindi ko naman gawain iyon. Isa pa ay wala akong papel na dapat gampanan pa lalo na at wala na ako sa posisyon. Everyone agrees so do I. Ano pa ba ang kailangan mo? We can a better way to find funds. Kung tutuusin ay malaki na nga ang nakuha nating salapi at yaman sa Green Valley, palibhasa mga mangmang kaya madaling mauto ang mga ito!" Puno ng panghahamak na sambit ni Huang Lim habang makikitang tila wala na itong balak pang bumalik o bigyan ng tulong ang Green Valley, marami na rin silang naibigay na kapalit sa kanila and that's it.
"Tama ka Ama, masyado na ring malala ang sitwasyon na kinakaharap ng Sky Flame Kingdom, I don't want to risk also pero matitigil ang suplay ng Blood Gem Crystal sa atin maging ang binabayad ng Green Martial Valley Union sa atin." Seryosong saad ni Huang Chen habang makikitang tila nanghihinayang talaga ito sa salaping pwede nilang makuha.
"Balita ko ay halos paubos na rin ang yaman ng maliit na lugar na iyon. Naghihirap na sila at halos wala na ring namimina na mataraas na kalidad ng Blood Gem Crystals kaya wala na ring rason upang makipag-ugnayan pa tayo sa mga ito." Puno ng pangmamaliit na saad ng matandang lalaki na si Huang Lim. Mayroon siyang tenga at mata sa Green Valley kaya hindi siya maaaring magbulag-bulagan para dito.
Napangisi na lamang ang mag-amang Huang habang makikitang hindi na rin nila kakailanganin pa ang Green Valley. Sapat na ang naipon nilang pondo. Wala silang pakialam kung mawala man ito dahil tapos na sila sa pagtulong rito. Ayaw nilang kontrahin ang ibang pwersa lalong-lalo na ang kanilang mismong kaharian ng Wind Fury Kingdom.