webnovel

Chapter 17

Now playing: Yours by Ella Henderson

Alice

Ang mga nangyaring kaganapan ay nananatili parin aming dalawa ni Raven. Walang sino man mula sa aking mga kaibigan ang nakakaalam pa sa mga nangyari. Wala pa ang may ideya, kung ano ba talaga ang namamagitan sa amin.

Lihim na mga tinginan, lihim na pag ngiti sa isa't isa, mga lihim na pag hawak kamay habang nasa kalagitnaan ng klase at mga lihim na bulungan na siyang nagbibigay ng kiliti sa aming mga sikmura, lahat iyon, napaka sarap damhin. Napaka sarap ulit-ulitin.

Araw-araw, sinusundo ako nito sa aking boarding house. Ngunit pagdating sa harap ng gate ay muling maghihiwlaay kami ng landas, alam kasi namin na kapag hindi namin iyon ginawa, tiyak na pagpipiyestahan kami ng lahat estudyante.

Maging sa pagpasok ko sa aking trabaho sa gabi, nagagawa nitong hintayin na matapos ang shift ko, para lamang maihatid ako ng safe sa bahay. Minsan pa nga eh, doon na rin ito natutulog.

Pero wag kayong marumi ang isipan, wala pang nangyayari sa aming dalawa. I mean...hindi pa ako handa, ano? Isa pa, hindi ko pa nga sigurado kung girlfriend na ba ako ni Raven o sadyang sweet lang talaga ito sa akin.

Araw-araw, nag papanggap kami sa harap ng marami na parang wala lang. Ngunit ang totoo, ang mga puso namin ay nag-uumapaw sa galak at saya. Ang tanging makikita sa aming mga mata ay ang nagsusumigaw naming mga damdamin. Punong-puno ang mga iyon ng milyon-milyong pangarap para sa aming dalawa.

Nakaka excite pala ang ma-in love, ano? Iyong magigising ka sa umaga na mayroong matatamis na ngiti sa iyong mga labi. At siya, ang taong unang papasok sa iyong isipan. Parang wala ng kahit na ano o sino ang makakasira sa mood mo. Lalo na at ang mukha nito ang unang makikita sa umaga, pagkatapos ay maka hawak kamay kayong maglalakad patungo sa eskwela.

Hayyyy. Napahinga ako ng malalim habang napapangiti sa aking isipan.

Nasaan kaya siya ngayon? Kumain na kaya siya? Iniisip din kaya niya ako? Iilan lamang iyan sa aking mga katanungan habang tinatapos ang aking gawain.

Naging abala kasi ako sa ginagawa naming project ni Lila, kaya hindi ko yata nabigyan ng maraming oras si Raven ngayon.

Hindi na kasi siya ang ka partner ko. Hindi na rin nito kailangan pa ng anumang tulong galing sa akin lalo na sa major subjects nito. Natuto na si Raven, sa maniwala man kayo o hindi pero...napaka laki na ng nagbago sa kanya. Naging mas masipag na rin ito ngayon sa kanyang pag-aaral, nakakatuwa nga dahil isa ako sa naging dahilan ng mga iyon.

What I mean is, dahil natutukan ko itong i-tutor noon.

Kagagaling ko lamang sa Science Department dahil kinailangan ko ng i-submit sa aming Science teacher ang katatapos lamang namin na project. Naglalakad na ako ngayon pabalik sa aming classroom, nang mayroon akong marjnig na nag kukwentuhan. At mas lalo pa akong na intriga nang marinig ang pangalan ni Raven.

"What? I can't believe na kaya niyang gawin iyon. I mean, she's just a girl. Right?" - G1

Napatango ang mga kaibigan nito.

"Saan niyo naman nakuha ang balitang iyan?" - G2

"Well, kalat lang naman ngayon sa buong campus ang ginawang pambubugbog ni Raven sa dati nitong kaklase. No wonder kung bakit nagawa rin niya iyon kay Derek." - G1

Napalunok ako ng mariin sa mga naririnig. Pero hinayaan ko na lamang muna ang mga ito at nakinig pa sa anumang mga sasasabihin nila.

"I heard, natanggal siya sa Taekwondo Team dati dahil sa nangyari." -G3

"Yeah. Ang alam ko rin, palipat lipat lamang siya ng school dahil palagi siyang nakikick-out. At itong school na ito ang last option na niya dahil walang private school na ang gustong tumanggap pa sa kanya. Tama?" -G4

Napatango ang lahat dahil sa sinabi nito at bilang pag sang-ayon sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng awa para kay Raven. Alam kong hindi niya magagawa iyon. Sa loob ng ilang buwan namin na magkasama ay kahit papaano, eh nakilala ko na siya. Kaya alam kong hindi niya magagawa ang bagay na 'yun ng walang dahilan.

Kaya sa halip na makinig pa sa mga tsismisan nila ay mabilis na inihakbang ko na ang aking mga paa papalayo, at agad na tinawagan ang number ni Raven ngunit hindi niya ito sinasagot.

Sinubukan ko na rin ang magtanong kina Billy, pero hindi rin alam ng mga ito kung nasaan si Raven.

Nag-aalala na ako, dahil pati mga kaibigan ko eh alam na ang usap-usapan sa buong campus.

Napuntahan ko na ang mga lugar na alam kong pwede niyang puntahan sa buong campus, pero hindi ko parin ito matagpuan. Hanggang sa makarating ako sa may likod ng Gym kung saan medyo liblib na ang lugar at wala ng mga estudyante pa ang pakalat-kalat.

Ang tanging maririnig lamang ay ang mga huni ng ibon at pagaspas ng mga dahon.

"Nandito ka ba para i-judge rin ako?" Rinig kong tanong ng isang kilalang boses.

Mabilis na lumapit ako rito noong makita si Raven naka upo sa damuhan habang mayroong hawak na yosi.

Naka tingin ito sa malayo at ang kanyang mga mata ay sobrang namumula, halata na kagagaling lamang nito sa pag-iyak.

Ilang buwan ko na ring nakakasama si Raven, pero ngayon ko pa lamang siya nakitang nagyosi. Alam ko na sobrang na i-stress na ito sa mga nangyayari.

Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kirot sa aking dibdib. Hindi kasi ako sanay na makita siyang ganito, ito ang kauna-unahang nasaksihan ko siyang lugmok at hindi alam ang gagawin.

Napalunok ako atsaka dahan-dahan na naupo sa kanyang tabi. Marahan na hinawakan ko rin ang kamay nito. Bago kinuha ang kanyang hawak na yosi, atsaka itinapon iyon sa malayo. Pilit na iniharap ko rin ang kanyang mukha sa akin.

"Hey, look at me." Mabuti na lamang at nakinig ito sa akin.

"Hindi ako napa rito para husgahan ka, Raven. Nandito ako dahil nag-aalala ako. At gusto kong samahan at damayan ka." Paliwanag ko sa kanya.

Nalulungkot ako kasi nasanay akong makita na masayahin siya, makulit, pasaway at parang walang problema na pinapasan. Pero ngayon...ibang iba ang Raven na nasa harapan ko, isang Raven na parang tuta na nawawala, isang Raven na nangangailangan ng alaga.

Hindi ito nagsalita. Sa halip ay basta na lamang niya akong niyakap at agad na nagsumiksik ang kanyang ulo sa aking leeg.

"I need your hug." Wika nito. Awtomatiko akong napangiti sa aking sarili atsaka ito niyakap pabalik. "Thank you for coming here." Dagdag pa niya.

Marahan naman na hinagod ko ang likod nito.

"Dito lang ako, Raven." Pagpapagaan ko pa sa loob niya. "Hindi ka nag-iisa. At kung ano man ang nangyari, totoo man iyon o hindi, wala akong pakialam, nakaraan na yun. Ang importante sa akin, eh iyong Raven na nasa harapan ko ngayon. Iyong Raven na, gusto ko at handa kong mahalin."

Kumalas ito mula sa pag yakap atsaka ako tinitigan sa aking mga mata.

"What if everything they say is true?" Tanong niya. Napalunok ako.

"What if I actually almost killed someone? Will you hate me too? Like them? Like my parents?" Medyo napiyok pa ang boses nito sa dulo.

Mabilis na nag-unahan ang mga luha sa kanyang pisnge habang itinatanong ang mga bagay na iyon.

"No! Of course not." Napahawak ako sa pisngi nito. "Totoo man iyon o hindi, tulad ng sabi ko, I don't care, Raven. Hindi mo kailangang mag-alala dahil naniniwala ako sayo."

Malungkot na napangiti siya habang pinupunasan ang sariling luha.

"Thank you, Alice." Kasabay noon ang muling pag yakap ko sa kanya. "Don't you want to know the whole story? Why did I do that? I swear, Alice. I also don't want to do that, I did it as self defense because---"

"Sabihin mo sa akin kapag handa kana, Raven." Putol ko sa kanya at muling kumalas sa yakap, pagkatapos ay mataman na pinagmasdan ang kanyang mukha.

"Huwag ngayon na para lang ipagtanggol mo ang sarili mo sa akin kahit na naniniwala naman talaga ako sayo." Dagdag ko pa.

"So what kung nagawa mo man iyon? Ang importante nagbago kana at pinagsisihan mo na ang nagawa mo." Binigyan ko ito ng mabagal na ngiti dahilan upang mapangiti na rin siya.

"I don't know what I've done to deserve someone like you. Nagkamali yata si Kupido sa pagpana sa puso mo." Natatawa na sabi niya.

At least ngayon, masaya na siyang muli. Kusa na lamang din na gumaan ang loob ko.

"Tulad mo, Raven. I was also born to love you."

Wala na akong balak pang alamin kung ano ba ang dahilan ng lahat. Kung totoo man iyon o hindi. Dahil para sa akin, nakaraan na iyon. Parte ng nakaraan niya iyon. Ang mas importante ay ang kung ano man ang nakikita kong pagkatao ni Raven ngayon.

At iyon ang tao na handa kong mahalin anuman ang mangyari.

Patuloy niyo lang po sanang suportahan ang kanilang kwento, marami pa po talagang mangyayari. Actually, nagsisimula palang talaga ang kanilang kwento. Hehe.

Jennexcreators' thoughts
次の章へ