webnovel

Chapter 8

Pagka uwi namin ay agad naman kaming kumain. Minessage ko pa si Lexord para makapag pasalamat. Nawala na din agad sa isip ko iyon ginawa nya kanina dahil nalibang akong makipag usap sa kapatid ko.

Kinabukasan ay maaga akong naligo at nag ayos. I wore a white high waisted ripped jeans and a yellow off shoulder long sleeve croptop, white flat sandals and yellow sling bag. Itinali ko ang buhok kong itim sa half ponytail at iniwan ang bangs sa magkabilang gilid nago mag spray ng perfume.

Nag polbo at liptint na lang din ako dahil wala na akong oras. Pagkababa ko ay nag uusap na sila nang kapatid ko sa living room. Nakita kong tinapik pa nang kapatid ko si Lexord bago silang lumingon na dalawa sa akin.

I saw Lexord parted his lips a little before smiling at me. "Tara na, hindi kapa nag be breakfast."

Nilingon ko ang kapatid ko. Mukhang kalmado na ngayon. "Take care, paki uwi ng Ate ko bago mag gabi."

Pagkasabi nya noon ay umalis na kami sa bahay. Sinabi ko na din sa kanya na pwede syang magdala nang bisita sa bahay kung nabo-bored sya pero mukhang ayaw naman nya kaya hindi ko na lang din kinulit.

"Saan ba punta natin?" Tanong ko sa kanya habang nag aayos nang sarili mula sa salamin ng sasakyan nya.

"At the café, we'll eat breakfast there." Nakangiting sabi pa nya bago lumingon sa akin.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at bahagyang nailang. Tumahimik na lang ako nang may nararamdaman akong kakaiba sa pakiramdam ko. Inignora ko na lang iyon.

"Pwede ba magpatugtog?" Sagot ko nang walang nagsasalita isa sa amin.

Tumango naman sya at tinulungan pa ako maka connect. I played some random chilling sounds, para lang may background. I felt relieve when I looked at the window of the car.

Napapansin ko na mabilis syang magmaneho kapag mga ganitong oras. Baka ayaw nyang abutan kami nang traffic? Because it's Sunday na din so mas maraming tao ang namamasyal.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa byahe pero nagising na lang ako sa boses nya.

"Krisha, we're here."

Tumango at at tahimik na pinatay iyong song dahil kanina pa pala naka play iyon. Nakitang kong 7:30 na at tinignan ko ang lugar.

I saw some rocks on the floor and some trees behind it. I even saw some autum leaves. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa ganda at mapatawa nang mapagtantong nag effort pa sya para lokohin ako.

"I almost got fooled. Wala nga pa lang autumn leaves dito sa Pilipinas!" Sigaw ko sa kanya at tumawa lang ang loko loko.

"Let's go." Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan iyon. Hinayaan ko na lang sya kahit hindi ko alam kung bakit nya ginagawa to.

"Parang kahapon lang umiiyak ka sa rejection pero ngayon naman, kasama mo ako? Date ba to?!" Pagpapanic ko sa kanya nang papasok kamo sa Café na sinasabi nya.

"What the fuck?" Sambit nya bigla at tinawanan ako. Sumimangot ako habang tinitignan ang lugar, hindi pamilyar sa akin!

"O sige kung ayaw mong may nag a assume sayo, sabihin mo kase!" Sigaw ko na at napatigil naman sya.

"We're near to my house, I own this Café." Seryosong sabi nya kaya nagulat naman ako doon.

"Seryoso kaba? Sino nang dinadala mong kaibigan dito?" Sunod sunod na tanong ko. Kaya pala hindi Pamilyar sa akin.

"No, I open my business just for now. So you'll see, you're the one who entering my Café." Saktong pagka pasok namin ay naamoy ko na ang kape at nakikita ko ang mga menu.

Hindi nya pa din binibitawan ang kamay ko nang may kausapin syang empleyado nya.

"Welcome to the Café Ma'am and Sir." Bati noong waitress kaya sa kanya ako napalingon.

Ngumiti lang ako at nagpasalamat. Na culture shock pa din ako! Bakit nya ako dinala dito?

May plano kaya sya o may ibang balak, or about business staff?

Anyways. Muntik ko nang makalimutan na kailangan ko syang obserbahan. Hindi ako pwede ma distract lang. Kina kailangan ko na din kumilos pagka tapos nito. Pinagbibigyan ko lang sya ngayon dahil kina kailangan kong makisama, para na din doon sa sayaw namin.

Pagka tapos nyang makipag usap ay inilalayan nya akong maupo. It was a table made by some woods. Beige ang kulay at some brown and white. Napaka kalmado nang music. Sa kulay pa lang ay magugustuhan mo nang pumunta dito.

"How long do you plan these?" Tanong ko sa kanya.

"Months ago, almost some people are living near at my Café shop. It's an easy plan and I hope this business will be successful someday." Sagot nya. Magsasalita na sana ako nang bigyan kami ng menu nung waiter kaya sa iba nabaling ang atensyon ko.

They have some bread, eggs, bacon, or some bacon sandwiches. Also the dessert food and some shakes drinks and also more types of coffee.

Itinuro ko na lang iyong mga gusto kong kainin at tikman. They have some egg rolls and mocha café. Iyon lang ang in order ko para makakain pa mamayang tanghalian.

Hindi ko kinakaya ang presyo ng iba. "Bakit ang mahal ng mga ibang pagkain dito?"

He looked at me, raising his brows. "Wala nang mura sa panahon ngayon Krisha."

"But your business is still starting diba? Paano naman iyong ibang tao na hindi nila afford iyong bilihin dito? You must earned the trust of your customers if tapos kana i promote itong business mo." Mahabang sabi ko. Nanghuhula na lang yata ako nang sa sabihin pero iyon yung naririnig ko sa ibang tao.

"U-huh, let me hear your opinion." Tinignan nya pa ako para ipagpatuloy iyon.

"If bago kapa lang, you must post a poster or some public in social media. Make your customers have an attention and promote your food products. Pero kung may mga kaibigan ka, let them help you with it. Kung willing sila, and it's good din if you earned the customer trust. Hindi naman na mahirap para sayo." Kibit balikat na sagot ko.

Medyo kinabahan ako dahil sa tingin nyang iyan. May mali ba sa sinabi ko?

"You're right but don't worry. Maybe it's my first time to have a business like these but I know a lot of people and I earned them a trust. Trust that my food don't have a poisoned." Tumawa sya sa sarili nyang sinabi kaya napa iling na lang ako.

"Pero seryoso nga, anong bang plano mo at bakit ka nagpapasama sakin ngayon?" Hindi ko na maiwasang mag tanong.

"To get to know each other well." Seryosong sabi nya bago uminom sa kape nya habang nakatingin sa akin.

Iyon lang pala. Wala namang problema sa akin. Magiging busy na nga lang ako sa ibang araw so baka hindi din kami magkita.

"Ngayon lang ako free, hindi mo na ulit ako ma aaya kung may next time." Sabi ko agad lara pa alalahanan sya.

"It's fine, I can accept a rejection. If you have a valid reason." Hinawakan nya ang kamay ko sa ibabaw nang table bago bitawan nang dumating na ang pagkain namin.

Nagsimula na kaming kumain at nag kwentuhan lang hanggang napunta sa seryosong usapan.

"Bakit pala kayo nag transfer na tatlo sa school?" Tanong ko out of curiosity.

"Just to find someone. Sandali lang dapat kami but Israel insist. He starting to like your friend." He confessed.

Hindi ko pinahalata ang gulat ko nang magsalita ulit sya. "He can love someone, but he chose the career over love. Pero ngayon na may nahanap syang hindi sya titigilan, he's giving up. Irish the girl stole my friend's heart and it's so cheesy to say this but it's dangerous."

"Paanong delikado?" Umakto akong walang alam at tinignan sya.

Hindi nya sinagot at tinignan lang ako. Maybe, he doesn't want to know me about it. Mas gusto kong ipagpatuloy ang pagkilos ko at imbestigahan sila. They're really something that got my interested at the first place.

Hanggang matapos kaming kumain ay sya na ang nagbayad. Kaya nakaupo lang ako habang nakikipag usap sya sa waitress na nagtanggap nung bill. Saan naman kaya kami nito? Iniisip ko pa lang na may pupuntahan kami ulit, parang napapagod na ako.

"Let's go." Sabay na kaming tumayo at nauna sya para buksan ang glass door bago paunahin ako.

Nang tignan ko sya, mukha syang may malalim na iniisip. Gusto ko syang tanungin pero baka hindi lang nya ulit ako sagutin gaya nang kanina. Mas pinili ko na lang na ma tahimik bago inubos iyong kape na hawak ko at inilagay sa trash can na nasa loob ng kotse nya sa backs eat.

"Anong problema?" Tinanong ko na nang ilang minuto na syang tahimik mula pa noong umalis kami sa Café.

"I'm sorry if I have to keep the secret." Mahinahong sabi nya bago ako tignan saglit at ibinalik ang tingin sa daan.

Tumango ako. "Ayos lang, hindi naman kailangan madaliin ang lahat. Sabi nga nang iba, baby steps and trust the process. It takes time."

Natawa sya doon kaya nakahinga ako nang maluwag. Nakakatakot sya kapag seryoso e, buti na lang at mukhang ok na sya ngayon dahil masaya na ulit ang mga mata nya.

"You're right it though. Thanks for making me smile." He sincerely said.

Masyado naman nya yatang sineseryoso ngayon ang ginagawa ko para sa kanya. "You're welcome."

Wala na ulit kaming napag usapan. Nasa kalagitnaan kami nang byahe nang may pumasok sa isip ko.

"Pwede ko ba tanungin about sa pangalan mo?"

Kumunot ang noo nya sandali at tinignan akk saglit. "Why, what's wrong about my name?"

Umiling naman ako. "Wala lang, parang ikaw lang may pangalan na ganoon eh. Lexord ba talaga iyong pangalan mo?" Tanong ko dahil matagal na din akong na cu curious. Hindi lang ako naimik dahil hindi ko naman siya gaano nakakausap pagkatapos namin mag practice nang sayaw.

"No," Natawa sya saglit. "It's Leiden Xord."

Ah iyon pala. Natahimik ako dahil sa nalaman ko ang totoong pangalan nya. Shor-cut lang pala iyon para mas mapaikli siguro. Sa bagay dahil ang haba din nang pangalan nya.

"How about you, I heard, you hate your second name to be mention?" Natawa sya sa sariling tanong.

Umirap ako. "Hindi naman, masyado lang kasing banal para sa akin. Alam mo naman, sa personality ko, parang hindi bagay na tawagin ako sa second name ko."

Pinaliwanag ko sa kanya. Hindi ko na din nan mababago yon. Ok naman sa akin pero ang sa akin lang kasi, parang masyadong perpekto kapag may tumawag sa akin noon. Para bang hindi ako pwede gumawa nang kasalanan kapag ganoon.

Tumango sya at naging seryoso na ulit. Ano ba, moody ba ang isang to?

"Krishiana." Tawag nya sa pangalan ko. Ayan na naman, pakiramdam ko ay kailangan ko maging alerto kapag full first name ang tawag nya sa akin eh. Mas kinakabahan lang ako.

Tumingin ako sa kanya, hindi nagsalita. Naghihintay na lang nang sa sabihin nya.

When the car stopper because of the stoplight. He looked at me and he says. "Do you know why it's dangerous?"

Napakunot ang noo ko. Inaalala ang topic namin kanina. "Bakit?"

"Because we're not allowed to fell inlove."

To be continued...

次の章へ