webnovel

Devil 55: Under The Sea

Someone's Pov

Matapos maisaayos ang kanilang mga gamit ay nag umpisa naring magtayo ng kanilang mga tent ang grupo.

Bumalik na rin agad sa kabihasnan ang ibang mga crew at babalik nalang kinabukasan upang sunduin sila habang naiwan naman ang dalawa pang crew upang pagsilbihan ang kanilang mga amo.

Hindi gaanong matao ang Anawangin Cove dahil hindi naman summer kaya naman mas maaliwalas ang kapaligiran.

Dahil halos lunch break na din ay tinapos nalang nila ang pagtatayo ng mga tent habang nag ayos naman ng mga pagkain sina Shane, Jichell at ang dalawang crew.

Ilang sandali pa ang nakalipas nang magtawag na ang mga naghain ng pagkain upang makakain na sila.

Hindi maikakailang pagod at gutom ang lahat dahil halos hindi naman sila nakakain ng agahan at tanging ang ilang snacks lang na dala nila ang kanilang nakain sa byahe.

Matapos ang kanilang pagsasalo ay nagkasundong mamasyal ang grupo habang mataas pa ang araw. Naiwan naman sa kanilang pwesto ang mga katiwala para narin may maiwang bantay sa kanilang mga kagamitan.

Maliit at madali lang ikutin ang paligid dahil meron lang dapat na daan silang sinusundan upang magtingin tingin sa paligid.

At bukod sa kanila ay meron ding ilang mga turista ang nag iikot na kasabay nila.

Habang naglalakad ay magkahawak kamay sina Jack at Zero. Magkasabay namang naglalakad sina Cody, Jichell at Third at nasa likod naman nila sina Drew at Shane na mukhang nagkakasundo narin.

"Hey guys, bukas na ng umaga tayo umakyat sa burol. Maganda raw panoorin ang sunrise dun." Ani Cody na nagsisilbing guide nila. Masyado kasi nitong pinaghandaan ang kanilang beach adventure.

"That's cool." Ani Third na medyo naexcite din.

"When will we going to swim?" Ani Jichell na mukhang gustong gusto ng pumunta ng dagat.

"Soon Jace. We'll just have to take this round sight seeing before we go to the beach." Ani Cody at ngumiti rito.

"Jichell, you're not allowed to swim remember?" Ani Shane na nasa likod nito.

"Mwo?? Bulgongpyeong hae!" (What??That's unfair!) Hindi makapaniwalang bulalas nito.

Napatawa naman si Shane sa inasal nito.

"What? What do you mean she's not allowed to swim?" Takang tanong din ni Cody kay Shane.

"Ask her. She knows it." Ani Shane.

"Shanix! Andwe!" (That's not true!) Maktol ni Jichell at lumapit kay Shane saka niyapos ang braso nito.

"Hayst! Anong ginagawa mo?" Inis na sita naman dito ni Shane.

Napatigil naman sina Jack at Natsu sa paglalakad.

"Why don't you ask Tanda about your condition." Ani Shane habang pilit na tinatanggal ang kamay nito sa braso nya.

Napabusangot naman si Jichell dahil alam nyang wala naman roon si Tanda upang tanungin tungkol sa condition nya.

"Dangsin-eun neomu uimiiss-eo! nado suyeonghago sip-eo." (You're so mean! I want to swim too.) Ani Jichell habang nakanguso.

Medyo natawa naman si Cody sa hitsura ni Jichell. Ang cute, shit! Aniya pa sa isip.

"What's the matter?" Ani Jack na lumapit sa kanila.

"Unnie, is it true that I'm not allowed to swim?" Medyo nakangusong tanong ni Jichell sa kanya.

Napataas naman ang kilay ni Jack at bahagyang pinagmasdan si Jichell. Lingid sa kaalaman ng lahat ay pinasadahan na niya ng magnetic scan si Jichell upang macheck kung naka On ba ang water resistance nito.

Habang hindi naman nakatiis si Third at nagtanong kay Cody.

"What is she saying? What language is that?"

Napangiti naman si Cody saka dumikit din kay Third.

"She's Korean." Sagot niya.

"She's weird." Nakangiwing komento ni Third.

"I know. But that's make her so cute, right? Geez, I think I'm in love." Ani Cody na waring nakalutang sa ulap habang nakatingin kay Jichell na noon ay nakapout.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Third.

"You're weird too!" Asik nito sa mukhang ewan na si Cody at lumayo na dito.

"Well, I'll take care of it later." Ani Jack nang makitang hindi lang maayos ang water resistance ng katawan nito.

"Jinjia! Aww, komawo Unnie!" (Really! Thank you Jack!) Masayang bulalas nito at bahagyang dinilaan pa si Shane saka muling sumabay kay Cody.

Muling nagpatuloy sa paglalakad ang grupo. Sumabay naman si Third kay Zero na hinihintay si Jack.

"Do you really have to make a PDA everytime you're with her?" Medyo nakasimangot na tanong ni Third sa tito nya.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Zero saka inakbayan.

"You know what? Why don't you just get a girlfriend of your own for you to understand what am I feeling right now. Right?" Aniya rito.

"Tsh! Even if I get a gf of my own. I won't be like a fool like you. FYI, you look like you're head over heels with her." Anito.

"I know. So what? I love her." Natatawang turan niya.

"Tsh! Eww!" Kunwaring nandidiring turan ni Third.

"You!" Asik naman ni Zero at bahagyang tinulak si Third. Natatawang mabilis na umiwas naman si Third ngunit sa kanyang pagbaling ay may nabangga siyang tao.

"Ouch..!" Anang babae na nabangga niya.

Gulat na napatingin siya rito.

"I'm sorry miss, I didn't mean to.." Mabilis na agap ni Third at inalalayan ang babaeng tumayo ngunit bahagya siyang natigilan nang makita ang hitsura nito.

Wow! She's beautiful! Una niyang napansin ang mga mata nito na kulang ang salitang 'maganda' upang ilarawan ang kagandahan nito.

"It's alright." Anang babae at bahagya lang tumingin sa kanya. She's wearing a simple black tank top and shorts with her black rubber shoes.

"Bunso! Ang tagal mo!" Tawag ng ilang kalalakihan sa di kalayuan.

"I'm coming!" Sigaw naman ng babaeng nabangga niya sa mga ito.

Bahagya pa siyang sinulyapan ng babae saka ito umalis at patakbong hinabol ang limang lalaki na mukhang kasama nito.

Wow! Who is she? Third ask himself while mesmerizing the girl's beauty.

"Hey, what happened to you? Did you know her?" Ani Zero sa tila natulalang pamangkin.

Noon lang naman waring natauhan si Third at napakurap.

"I hope so." Tanging nasabi niya saka sumabay na ritong maglakad.

Matapos nilang libutin ang maliit na lake sa likuran ng beach ay nagpasya narin silang maligo dahil halos magdadapit hapon na rin naman sila nakabalik sa kanilang pwesto.

Dahil excited nang maligo ay agad na nilapitan ni Jichell si Jack upang ayusin ang kanyang water resistance system.

Agad naman itong inayos ni Jack habang nasa loob sila ng tent nila ni Natsu.

Magkasama sila ni Natsu sa tent habang share naman sina Jichell at Shane. While on the bigger tent ay ang tatlong boys naman ang magkakasama na sina Drew, Cody at Third.

Matapos niyang ayusin ang water resistance ni Jichell ay naghanda narin siya upang magpalit ng isusuot niyang panligo. She wears a two piece black swimsuit na syang inihanda ni Jichell para sa kanya. Revealing her curve body and her white skin. Pero bago siya lumabas ay nagturok muna siya ng wargon blood for the safety of every one. Dahil kung hindi siya pwedeng maarawan ay hindi rin siya pwedeng magtagal sa ilalim ng sikat ng liwanag ng buwan.

Paglabas niya ay nakatapis nalang ng maliit na balabal si Jichell sa beywang nito while wearing a red laced swimsuit bra which covered with lace ang likod. Maganda iyon upang hindi makita ng kung sino ang kanyang safety brain na nasa kanyang likuran.

Habang naka two piece yellow swimsuit rin naman si Shane na bumagay sa kaputian nito.

Ilang beses palang siyang nakakaligo ng dagat mula nang magising siya sa glass kaya naman medyo nasasabik rin siya lalo na kung maraming isda siyang makikita.

She already scan the sea when she's in a yatch deck kanina. May bahagi sa ilalim ng dagat ang maraming coral at isda at gusto niyang puntahan iyon subalit nasa bandang gitna ito at malayo sa tabing dagat. Meron din siyang nakitang cave sa ilalim na gusto rin niyang puntahan.

"Jack, did you take your vitamin?" Tanong ni Shane.

"Yes." Aniya rito.

"Well, let's go?" Excited na turan ni Jichell.

"Psh! Oo na. Naayos lang ang water resistance mo excited ka na dyan." Nakairap na saad naman ni Shane.

"Yah, Unnie! I can understand Tagalog now you know?" Ani Jichell na nakanguso.

Noon naman naalala ni Shane na inayos nga pala ni Tanda ang safety brain nito nung kumain ito ng ice candy at malamang na may ginalaw pang iba si Tanda upang mas makaadapt ito sa paligid nito.

"Deh! Ara." (Yes, I know.) Nakairap na turan ni Shane dito.

Napailing nalang si Jack sa dalawa saka inaya na ang mga itong sumunod sa mga boys na nauna nang pumunta sa beach.

Habang daan ay halos sabay sabay na napalingon sa kanila ang lahat ng taong madaanan nila lalo na ang mga kalalakihan na hindi na naitago ang paghanga sa kanilang kagandahan at hubog ng katawan. Maraming napasipol at halos lumuwa naman ang mga mata ng ilan.

Wala namang naging reaction ang tatlo lalo na sina Jichell at Jack na wala sa isip ang magreact sa mga paghangang natatamo. Habang medyo nahihiya naman si Shane dahil sa kanilang tatlo ay sya lang ang matino ang takbo ng emosyon.

Tulala namang napatigil si Cody sa pagkuha ng bolang nilalaro nila nang mamataan ang tatlong babae na halos sundan pa ng tingin ng mga kalalakihan.

Agad siyang napatingin kay Jichell at halos mapanganga siya sa ganda ng balingkinitan nitong katawan. Ngunit agad din siyang naalarma sa mga matang pinupukol rito ng mga mapagnasang kalalakihan.

Mabilis niyang kinuha ang dalang balabal kanina at akmang pupuntahan ang tatlo nang makita niyang naroon na sina Zero at Drew at kapwa binalutan ng balabal sina Jack at Shane.

What the... Paano silang nakapunta agad dun? Takang tanong niya sa isip saka nilapitan si Jichell at binalutan din ng balabal ang katawan nito.

"What's the matter?" Takang tanong pa ni Jichell.

"Jace, ba't naman ganyan ang sinuot nyo?" Kamot sa batok na tanong niya.

"Why? Is it that bad?" Medyo nalungkot na tanong niya.

"No! Of course not! You're so beautiful with your swimsuit but this beach is not like a Boracay. It's just a small island which require no policy on what you wear." Paliwanag niya dahil wala naman kasi ni isang naliligo roon na naka two piece swimsuit.

"So what? You said that there's no require policy on what I wear. So, can't I wore what I like to wear to swim?" Ani Jichell.

Natigilan siya. Tama din naman ang sinabi nito pero sa dami ng lalaking nakatingin sa kanila ay sya naman ang mahihirapang mag adjust.

"But.."

"It's okay Cody Sean. Everybody can look at me but I'll prefer to be yours when it's necessary." Ani Jichell na ngumiti sa kanya. Natulala na naman siya sa sinabi nito at di agad nakasagot.

Samantala, halos patayin naman ni Zero sa tingin ang mga matang nakakita sa katawan ni Jack kanina.

Matapos niyang balutin ng balabal ang katawan ni Jack ay masama siyang tumingin sa nagtataka nitong mukha.

"What are you wearing Jack?" Di makapaniwalang tanong niya.

Takang tiningnan muna ni Jack ang suot niya saka muling tumingin kay Zero.

"Uhh.. A swimsuit I think?" Aniyang di pa sigurado dahil wala naman siyang alam sa kung anong tawag dito. All she knows was it's just an undies. At isa pa ay binigay lamang ito sa kanya ni Jichell at ito daw ang sinusuot kapag maliligo sa beach.

"You think? What the...Jack, can't you see that nobody here are wearing this kind of swim wear?" Di makapaniwalang bulalas ni Zero. Naunahan na naman siya ng inis sa mga taong nakakita ng katawan ni Jack kaya di na naman niya mapigilang di uminit ang ulo. At gusto nya ring sisihin ang sarili dahil sa pagkatulala nang makita si Jack at di agad nakakilos upang salubungin ito.

"Are you mad because I wear something that's not suitable for this place?" May bahid na lungkot na tanong ni Jack.

Natigilan si Zero sa nakitang hitsura ni Jack at bahagyang naalarma. Napalunok siya at napakamot sa batok.

"No! I..,I was just worried about you." Mabilis niyang agap dito.

Napakunot noo naman si Jack.

"Worried for what?"

"It's just that..." Napabuntong hininga siya at inayos ang balabal nito saka hinapit sa beywang.

"I'm just worried that every man in this island will snatch you from me if you keep wearing this tiny little things. And I...I don't want anybody else beside me sees your body as bold as this." Hirap na paliwanag niya upang hindi ito magtampo.

Noon naman naunawaan ni Jack ang dahilan ng violent reaction ni Natsu.

Bahagya siyang napangiti at tinitigan ito sa mukha.

"Are you getting jealous again?" Tanong ni Jack rito. Agad itong pinamulahan at nag iwas ng tingin.

"O-of course not..I... I was just..."

"Wanna go for a swim together? So that, nobody can see my body as much as you see it." Aniya rito upang maibsan ang nararamdam nito.

"What? Well, o-okay." Atubiling sagot nito.

However, nagulat din si Shane nang salubungin siya ni Drew at mabilis na tinabunan ang katawan niya.

"What's the problem?" Takang tanong nya dito.

"Everyone's looking at you. Why did you wore something like that in this remote island?" Madilim ang mukhang tanong ni Drew.

"Well, it's still a beach right? So what if we wore something like this? It's just a swimsuit." Aniya na hindi maintindihan ang dahilan ng pag init ng ulo nito.

Bahagya pa siyang nagulat nang hapitin siya ni Drew sa beywang at bahagyang iginiya sa malayo.

"Shane, nakikita mo ba kung ano ang kasuutan ng mga taong narito? I'm not saying na hindi bagay ang suot nyo pero sa nakikita ko mukhang pagsisimulan ng away ito ng lahat lalo na ng mga kalalakihan dito. We don't know this place and we don't know what on people's mind here." Paliwanag nito.

Napatingin siya sa paligid at mukhang sa kanila nga nakatingin ang lahat.

"Teka, k-kasalan ba namin na magsuot ng ganito? Eh, beach naman 'to eh natural na magsuswim suit kami. At saka wala namang nagsabi samin na bawal ang ganitong swim wear." Nakangusong sagot niya.

"I know. But still, we have to be careful." Anito.

Napabuntong hininga siya saka tumingin sa dito.

"So, what should I do now? I didn't bring any swimwear with me beside this." Medyo malungkot na saad niya. Nanghihinayang siya sa suot nila na hindi naman pala nila magagamit.

Napabuntong hininga din si Drew at nagulat pa siya nang bigla nitong hubarin ang suot nitong sando.

"What are you-!" Gulat na bulalas ni Shane subalit natigilan siya nang bigla nitong isuot sa kanya ang sando nito na umabot hanggang kalahati ng hita niya.

Tinanggal nito ang balabal niya at tiningnan kung okay na ba ang hitsura niya. Tiningnan nya rin ang suot niya at mukhang mas okay na nga ito ngunit natigilan siya nang mapatingin sa katawan ni Drew. Naka shorts na lang ito at top less.

Bahagya pa siyang napanganga nang makita ang six pack abs nito at makinis nitong balat.

Agad na nag-init ang mukha niya sa nakahaing pandesal sa harap niya at di niya napigilang mapaubo.

"Hey guys, where you going? Sama kami!" Sigaw ni Cody.

Sabay pa silang napatingin dito at nakitang sinusundan nito at ni Jichell sina Jack at Zero na palusong ng dagat. Kalmado na ang dagat di tulad kanina na malalaki ang alon.

"Drew, Shane! Let's go!" Aya pa sa kanila ni Cody at sumenyas na sumunod.

Nagkatinginan naman sila ni Drew saka sumunod sa mga ito.

Ilang sandali pa masaya nang nagtatampisaw sa dagat ang grupo.

Nasa bandang malalim sina Jack at Zero dahil pareho naman silang magaling lumangoy. Nasa bandang tabi naman sina Shane at Drew at nagpapadala lang sa flow ng tubig. Habang nagkakasiyahan namang magpahabol at sumuot sa ilalim ng alon sina Jichell, Cody at Third na mukhang magkakaedad sa takbo ng isip.

Natatawa lang silang pinapanood nina Shane at Drew habang naisip namang sumisid ni Jack sa ilalim.

"Wanna go for fishing?" Aya ni Jack kay Zero.

"What? Fishing? How will we gonna do that?" Takang tanong ni Zero.

Napangiti naman si Jack. "I know how." Aniya saka bumaling kay Shane.

"Andy, we'll go under the sea." Aniya rito at nag 'okay' sign naman sa kanya si Shane.

Bumaling siya kay Zero saka bahagyang lumapit rito.

"Do you trust me?" Tanong niya.

"Of course. But.. Are you sure we can fish here?"

"Uhuh...ready?" Tanong niya rito.

Napabuntong hininga naman si Zero saka napatango at pinuno ng hangin ang baga.

At sabay na nga silang sumisid ni Jack sa ilalim. Malabo ang tingin ni Zero sa ilalim ng tubig dahil wala siyang goggles na suot subalit hinayaan nalang niya iyon habang nakasunod kay Jack na nauunang lumangoy pailalim.

Medyo kinakabahan siya dahil nasa malalim na bahagi sila ng dagat at isa pa ay wala silang suot na kahit anong pwedeng proteksyon sakaling kapusin sila ng hininga. Ngunit sa hitsura ni Jack ay mukhang wala itong balak tumigil sa paglangoy hanggat hindi ito nakakakita ng isda na gusto nitong hulihin habang panaka nakang lumilingon sa kanya kung nakasunod ba siya rito.

Ilang sandali pa ang lumipas at masyado nang malalim ang nasisisid nila at medyo dumidilim narin sa bahaging iyon ng dagat at higit sa lahat ay medyo nauubusan na ng hininga si Zero kaya naman mabilis niyang hinuli si Jack at sumenyas na umangat na sila.

Bahagya siyang tiningnan ni Jack at nang makitang hirap na siya ay mabilis siya nitong siniil ng halik at binigyan ng hangin.

Mabilis na napahugot ng hininga si Zero sa bibig ni Jack.

Hindi niya alam kung papanong nabibigyan pa siya nito ng hangin gayong pareho lang silang nangangailang ng hangin.

Ngunit matapos niyang makapag-ipon ng hangin sa baga ay sinenyasan siya ni Jack kung okay na ba siya.

At nang sumenyas siya rito ng okay ay napangiti ito saka hinawakan ang kanyang kamay at iginiya sa mas malalim pang parte ng karagatan.

Hindi niya alam kung anong nangyari subalit matapos niyang makakuha ng hangin kay Jack ay bigla nalang luminaw ang paningin niya sa tubig na animo'y nakasuot narin siya ng goggles.

Kitang kita niya ang ilang mga isda na naglalangoy sa paligid ng isang tumpok ng coral sa ilalim nila.

Hindi niya maiwasang hindi humanga sa ganda ng mga ito.

At hindi rin niya alam kung gaano ba kalalim ang kanilang sinisid subalit ilang segundo lang ay naabot na nila ang kailaliman ng dagat at namangha siya nang tapakan ni Jack ang isang coral ay bigla itong nagliwanag na animoy binigyan sila ng ilaw upang makita pa nilang mabuti ang kagandahan ng paligid. Meron ding mga isdang nag glo-glow in the dark na iba't iba ang kulay kaya naman para naring naging colorful ang paligid nila.

This is amazing! Hindi makapaniwalang bulong niya saka napatingin kay Jack na animo'y anghel na nakalutang sa harap nya habang nakangiti at ipinapakita sa kanya ang kagandahan ng paligid.

She is amazing!

---

次の章へ