Zero's Pov
Matapos ang milagrong naganap samin ni Jack ay sabay na rin kaming lumabas ng clinic na nakakapagtaka lang na walang tao.
Ngunit nagulat ako nang makitang nasa labas ang nurse at ilang studyante na waring kanina pa hindi makapasok sa loob.
Gulat pa silang napatingin samin nang lumabas kami.
"Oh, Mr. Montero. Akala ko walang tao sa loob. I thought nailock ko sa loob ang pinto kanina." Takang tanong Nurse.
Napatingin ako kay Jack at di malaman ang sasabihin.
"Uh..ano.." Atubiling turan ko subalit biglang sumagot si Jack.
"I think the door was broken. We didn't lock it inside." Aniya.
"Ganun ba? Eh, teka. Ano palang ginawa nyo sa loob?" Tanong muli ni Nurse na nagpakaba sakin.
Akmang magsasalita palang ako nang muling sumagot si Salamander.
"I treated his wound." Walang emosyong sagot niya.
"Ha? Naku, nasugatan ka Mr. Montero? Ano, okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Biglang alalang tanong ni Nurse.
"Uh..Yeah..I'm fine. Maliit lang naman na sugat." Sagot ko na unti unti ng umiinit ang mukha.
"Your patients are waiting. Aren't you going to treat them?" Ani Jack kay Nurse.
"Ay naku, Oo nga pala. Pasensya na kayo sa abala." Nahihiyang turan nito saka binalingan ang ilang estudyante na naroon.
Habang naglalakad palayo sa clinic ay binasa ko ang text ni Cody.
"Nasa Outpost daw sina Shane." Saad ko.
"Okay." Aniya saka bahagyang lumapit sakin habang naglalakad.
Takang napatingin naman ako sa kanya.
"What are you doing?" Tanong ko.
Ngunit hindi niya ako sinagot bagkus ay naramdaman ko nalang na hinawakan niya ako sa kamay.
"Tsh, do you really need to do this?" Tarantang saad ko habang nagpalinga linga sa paligid.
Napangisi siya saka tumingin sakin.
"Why? Are you scared?"
"What? What are you saying?" Sagot ko subalit hinayaan ko na rin na magkahawak kamay kami habang naglalakad.
Sabagay wala naman akong pakialam kung makita kami ng lahat dahil wala naman akong girlfriend.
Huh? Teka...wala ba talaga akong girlfriend?
Bahagya akong natigilan sa isiping iyon. Parang may gusto akong maalala na hindi ko magawang maalala.
Bakit pakiramdam ko may isang taong malapit sa puso ko na matagal ko ng nakakasama subalit....
Sino sya??
Marahan akong napatingin kay Salamander.
Siya kaya yun? Pero, kelan lang naman kami nagkakilala. Kaya imposible. Pero bakit pakiramdam ko. May taong matagal ng nagmamay-ari ng puso ko?
"Are you alright?" Agad akong napalingon sa nagsalita ngunit natigilan ako nang magtama ang aming mga mata.
At sa di ko maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang isang pangitain ang aking nakita.
"Hi, my name is Jack." Nakangiting pakilala ng gwapong lalaki sa kaharap nitong babae.
"Um..I'm Allyna." Kiming sagot ng babae.
"Allyna, its a pretty name just like its owner." Nakangiting turan ni Jack saka inabot ang kamay ng babae at masuyong hinalikan sa likod ng kamay.
Agad namang pinamulahan ng mukha ang babae sa ginawa niya at bahagyang binawi ang kamay.
"Can I call you Ally?" Aniya rito.
"Okay." Tipid lang na sagot ng babae.
"Lyna, is everything alright?" Napatingin ang dalawa sa tumawag.
"Papà." Ani Ally saka napatayo.
Tumingin naman sa kanya ang lalaki na mukhang bata pa.
Kaya agad siyang tumayo at binati ito.
"¿Puedo saber quién eres?" (May I know who you are?) Tanong sa kanya nito.
"I'm Jack Ryder sir." Pakilala niya rito saka yumukod.
"Ah! You're Mr. Ryder's son." Anitong waring nakilala siya.
Napangiti siya saka agad siyang kinamayan.
"Nice to meet you Jack." Anito.
"My pleasure to meet you sir." Masayang bati naman niya rito.
"And this is my daughter Allyna. I assumed you already know her."
"Yes sir, we just exchanged our names when you came." Aniya rito.
"Well, bueno. I will entrust you my daughter in this evening. She's a bit shy so I hope you can guide her." Anang Daddy ni Ally saka bahagyang bumulong sa kanya.
"And she's only 15. So I hope you know what I mean Mr. Ryder." Anito at binigyan siya ng babalang tingin.
"Yes I do sir. Don't worry I have nothing but to build a friendship with your daughter." Ani Jack saka ngumiti.
Napatango tango naman ang lalaki saka lumingon kay Ally.
"I'm just gonna have a small talk with the Prime Minister, you stay here. Okay?" Anito sa anak.
"Yes Papà." Anang dalagita saka bahagyang tumingin kay Jack na noon ay abot teynga ang ngiti.
"Natsu?"
Bahagya akong napapilig nang marinig ang boses ni Salamander at muli akong napatitig sa mga mata niya.
What did I just saw?
Who are they??
Jack? Ally?
"Are you alright?" May himig pag aalalang tanong ni Jack.
Hindi ako nakasagot bagkus ay dahan dahan kong inabot ang mukha ni Jack at nang lumapat ang balat ko sa pisngi niya ay muli na naman akong nakakita ng kung anong pangitain.
Nagkakagulo ang mga tao. Lahat sila ay nakalab gown at waring tumatakas sa isang nakakatakot na pangyayari.
Nakatayo ako sa gitna ng pasilyo ngunit waring walang nakakakita sakin.
Hanggang sa marinig ko ang boses ng isang babae.
""Hello everyone!" Nanggaling ito sa isang silid.
"Y-you can talk?" Anang boses ng lalaki.
Takang lumapit ako sa pinto at akmang hahawakan ang doorknob nang tumagos dito ang kamay ko.
"Dr. Sakh. Don't you want to welcome me?" Muling wika ng babae. Sinubukan kong ilusot ang kamay ko sa pinto at nagulat pa ako nang lumusot ito. Kaya naman napahinga ako ng malalim at pikit matang lumusot sa pinto.
Nagulat pa ako ng nasa loob na ako nito. At nakita ko ang babaeng nasa harap ng mga doctors na naroon.
"Y-you know me!" Utal na wika ng isang doctor sa babae.
Iginala ng babae ang kanyang paningin sa paligid saka muling tumingin sa kausap na doctor.
"You want to kill me. Tss! But I'll kill you first." Nakangising sabi nito na nagbigay kilabot sakin at nanlaki nalang ang mga mata ko nang magimbal sa sumunod na nangyari.
Dagling nagbago ang anyo nito mula sa maamo at inosenting mukha ay nagkaroon ito ng mga itim na ugat sa gilid ng pisngi at leeg na umabot sa mga mata nito. Ang mga mata nitong nakakaakit tingnan ay binalot ng purong kulay itim. Ang balingkinitan at sexy nitong katawan ay biglang lumaki at humaba. Humaba rin ang mga pangil nito at nabanat ang bibig na halos umabot sa teynga nito. At unti unti itong naging halimaw.
Nanginginig na napaupo ako sa tabi habang takot na takot na nakatingin sa halimaw na nasa harap ko.
Ang itim na mga mata nito ay unti unting naging pula habang mas kumalat pa sa mukha at katawan nito ang itim na ugat na animoy sanga ng mga puno.
Ang magaganda at malantik nitong mga kamay ay nagkaroon ng matutulis at mahahabang kuko.
"You'll die... IN MY HAND!" Sigaw nito na lalong nagbigay kilabot sa buong katawan ko.
Nakakapangilabot ang boses nito na parang tatlong tao ang nagsasalita ng sabay at sa itsura nito na waring demonyo talaga.
"Allyna... " Waring natulalang sambit ng doctor na nasa harap nito habang nakatingin sa nakakakilabot na nilalang sa kanyang harapan.
Ngumisi lang sa kanya ang halimaw at balak na nitong sugurin ang doctor.
"Noooo!!!" Malakas na sigaw ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mga ito.
Biglang napatigil ang halimaw at nagulat pa ako ng dahan dahan itong tumingin sakin.
Kaya naman nataranta ako saka tumalikod sa mga ito at akmang tatakbo na sana nang bigla itong lumabas sa harap ko.
"Natsu?" Gulat akong napatingin dito.
"K-kilala mo ako?" Bulalas ko.
At lalo akong nagulat nang bigla itong magbago ng hitsura at maging tao muli.
Ngunit mas nagulat ako nang maging si Jack ito.
"S-salamander?" Di makapaniwalang bulalas ko.
"Natsu!"
Napanganga ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
"Natsu!" Ang malakas na tawag na iyon ni Jack ang nagpagising sa naglalakbay kong diwa.
Napakurap kurap ako habang habol ang aking hininga saka napatitig kay Jack na noon ay nag aalala.
"What's happening to you?" Takang tanong niya saka marahang pinahid ang mga luha sa pisngi ko. Napapikit ako.
"I saw you. I...I saw you became a monster Jack. What the..." Tarantang turan ko habang habol ang hininga saka napatingin sa kanya.
Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko saka ako iginiya sa isang sulok.
"What do you mean?" Kalmadong tanong niya.
Napahilamos ako sa mukha saka inalala ang nakita.
"I...I saw you in a lab..and you..you are a monster and you tried to kill someone and-!" Natigil ako sa pagsasalita ng masuyo niyang halusin ang magkabilang pisngi ko.
Napatitig ako sa mga mata niya.
"I know, you're not gonna believe me but I saw you Jack. It's not that I'm blaming you or something but I just saw you in some laboratory and you're...scary." Turan ko habang nanatiling nakatitig sa kanya.
Wala siyang reaksyon sa sinabi ko. Marahil ay hindi siya naniniwala sakin. At marahil ay iniisip niyang sinisiraan ko lang sya.
Subalit totoo ang sinasabi ko.
"It's alright. I believe you." Aniya na kinagulat ko.
Jack..
"And whatever you saw, it's not gonna happen anymore coz you're here by my side, Natsu." Masuyong dagdag niya at napasinghap pa ako nang bigla niya akong siilin ng halik. Matagal at maalab ang halik na iyon. Napapikit ako at masuyong tinugon ang halik ni Salamander.
At matapos ang halik na iyon ay napatingin pa ako sa kanya at bahagyang nagtaka kung bakit naroon kami sa sulok.
Nakangiting hinawakan niya ang kamay ko.
"Let's go? They're waiting for us." Aniya saka ako iginiya.
Why am I crying? Takang bulong ko sa isip habang sinasalat ang mga mata ko.
Did I just cried in front of her? Damn!
Ngunit natigilan din ako habang inaalala ang nangyari. Alam kong may nakita o naalala akong pangyayari kanina subalit...
I can't remember it anymore.
What's happening to me?
Naguguluhan ako. Pansin kong napapadalas ang mga pangitaing nakikita ko subalit hindi ko ito maalala kapag nagigising ako.
Well, whatever it is. I think it's not the issue anymore.
Saad ko sa isip saka napatingin sa magkahawak kamay namin ni Jack.
Wait. Kami na ba? Kelan pa kami naging close ng Salamander na 'to? At bakit parang-!
Ngunit natigilan ako nang maalala ang milagrong ginawa namin kanina sa clinic. Biglang uminit ang mukha ko sa naalala.
Shit! May nangyari na naman samin??! Oh damn Zero!
"Whoah! Look who's here! The love birds came!"
Hayst! Bahagya kong binawi ang kamay ko na hawak ni Jack nang marinig ang bungad ni Cody.
Siguradong aasarin na naman ako nito.
Ngunit natigilan ako nang mas hinigpitan pa ni Salamander ang hawak sa kamay ko.
"So, what happened to you? Ba't ka namumula ha dude?" Ani Cody habang pilyong nakangiti.
"Shut up!" Asik ko nalang sa kanya saka sya nilampas.
Marahan namang binitiwan ni Salamander ang kamay ko kaya lumapit ako kay Drew.
"Where you've been?" Takang tanong naman ni Drew.
"Sa clinic." Tipid kong sagot saka nag iwas ng tingin. But knowing Drew. He might have hunch for what happened.
"Don't tell me you and Jack-!" Bulong ni Drew subalit tinakpan ko ang bibig nya.
"Shut up!" Sabi ko at bahagya siyang pinanlakihan ng mata.
"Yo, guys. Gusto nyo bang magbeach this weekend? Just to have fun. Since we're all friends now, am I right?" Ani Cody na nakaakbay pa kay Jichell.
"Since when did they became close?" Takang tanong ko kay Drew habang nakatingin kina Cody at Jichell.
"Just a while ago."
"What?" Di makapaniwalang saad ko.
"Yo dude, ano? Gusto nyo ba?" Ani Cody habang nakatingin samin.
Nagkatinginan kami Drew.
"Yes they do. Right Natsu?" Ani Jack na nakatingin sakin.
Akmang sasagot ako nang magsalita si Shane.
"Jack! We can't. You can't stay in the su-!"
"Shut up Andy. I know what I'm doing." Putol naman sa kanya ni Jack subalit bakas ang pagtutol sa mukha ni Shane.
"So, it's official then. We're going on a beach this weekend." Sigaw pa ni Cody habang napalakpak naman si Jichell.
"Yey! I like the beach Cody Sean!" Sigaw pa nito.
"I like you too Jace! 😘" Pacute namang sagot ni Cody dito.
"Tsh!" Halos sabay pa kaming napangiwi ni Drew sa mga ito.
--
Someone's Pov
Napatiim bagang si Heart nang makita ang masayang grupo na nasa outpost.
Siya dapat ang kasama nina Zeck ngayon kung di lang nakialam sa kanila si Jack. Ngitngit ang kalooban niya habang nakakuyom ang mga kamaong nakatingin kay Jack na noon ay nakatingin lang kay Zero.
Naiinis siya kay Jack. Pakiramdam niya ay inagaw nito ang atensyon ng mga kaibigan niya. Galit siya rito dahil may kakayahan itong baguhin ang nasa isip ng mga taong nasa paligid nito.
At ang mas kinaiinis niya ay binabalewala nalang siya ng mga dati niyang kakilala.
Wala naman siyang ginawang kasalanan dito.
Hindi niya maintindihan kung bakit siya pinarusahan ng ganun ni Jack gayung siya nga ang biktima rito. Siya ang matagal na ginawang sex slave ni Jillian. Pero bakit siya parin ang nagawang parusahan ng isang halimaw na gaya ni Jack.
Kahit gaano pa kalakas ang kapangyarihan mo. Alam kong may kahinaan ka pa rin. At kapag nalaman ko na ang tungkol dun.
Dudurugin kita maging ang mga taong mahalaga sayo!
Anang isip niya saka galit na nilisan ang sulok na pinagtataguan niya.
Ngunit nagulat pa siya nang makasalubong si Ashley.
"Hi Pres. Good morning." Bati nito sa kanya saka siya nilampasan.
Natigilan siya saka nasundan nalang ito ng tingin.
Pati ang bestfriend ko. Hindi narin ako kilala.
Napaluha nalang siya saka mas lalong nadagdagan ang galit kay Jack.
Isinusumpa ko Jack. Magbabayad ka!
Galit na sigaw ng isip niya.
Bahagya naman natigilan si Jack saka marahang lumingon sa papalayong babae.
I'm waiting agent X.
--