webnovel

Devil 2: The Rules

Zero's Pov

Natapos ang pang umagang klase na halos hindi ko namamalayan. Masyado kasing okupado ng babaeng nasa likuran ko ang isip ko. Bawat galaw niya ay ramdam na ramdam ko maging ang paghinga nya yata ay nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Sa buong umagang iyon ay ni hindi ko man lang siya narinig na nagsalita, palagi kasing yung Shane ang sumasagot sa bawat itanong ng prof sa kanya. At halos lahat ng prof ay naweirduhan din sa kanila. Ngayon lang nagkaroon ng katulad nyang estudyante dito at nagtataka lang ako kung paano syang nakapasa sa interview at exam ng school gayong di naman sya marunong makisama maging sa prof. Parang simula kanina ay dalawang beses ko lang syang narinig na nagsalita.

"Haay, kainaman naman si Sir Bio oh, kailangan talaga ganito karami ang assignment na ibigay?" Reklamo ni Dy habang nakatingin sa notebook nya.

"Hindi ka pa nasanay sa kanya eh halos araw araw naman nya tayong binibigyan ng ganitong assignment." Sagot ni Drew.

"Huhu...duduguin na naman ag utak ko dito eh. Sino ba kasing nag imbento ng subject na 'to? Badterp naman oh!"

"Palagi mo nalang yang tanong. Tumambay tayo sa library mamaya nang may maisagot naman tayo sa bio." Natatawang saad ni Drew.

"Uy Zee, ano't ang tahimik mo dyan? Kanina ka pa ah?" Siko sakin ni Dy.

"What?" Iritableng baling ko sa kanya habang nag aayos ako ng gamit. Lunch break na kaya sa cafeteria na ang tuloy namin.

"Kita mo 'to, tinatanong lang nagagalit na agad. Kanina ka pa badterp ah, problema mo?"

"Ang ingay mo, yun ang problema ko. Tayo na ngang bumaba." Asik ko sa kanya saka tumayo na.

"Haay, kita mo 'to. May mens ka ba ngayon ha?" Natatawang asar nya pa ngunit di ko nalang sya pinansin. Akmang aalis na ako ng makita ko ang dalawa sa likuran ko na nag aayos na din ng gamit at sabay pang tumayo.

"We can try the school cafeteria. They said they have delicious food here." Magiliw na wika ni Shane sa isa na animoy walang ganang nilingon ang kasama.

"I only eat what I cook Andy." Wala paring emosyon na sagot niya.

Grabe, mamamatay ba sya kung kakain sya ng luto ng iba? Ibang klase talaga. Mas maarte pa pala 'to kay Drew pagdating sa pagkain eh.

"I know. But you're not gonna die if you taste someone else's food. It's not like you're gonna cooked everyday for your lunch. Jack, where here in school and schools have breaktime and you have to feed yourself not only lunch but -!" NApatigil sa pagsasalita si Shane nang tingnan siya ng masama nito.

"Okay, okay..I'll call Tanda to bring your lunch. Okay? Hehe." Nakataas pa ang kamay na ani Shane na akala moy sumusuko sa pulis.

Tsh, sino naman kaya yung Tanda na yun? Pangalan ba yun ng tao? Ang panget naman!

"Tss. No need. Let's try the Cafeteria." Nanlaki ang mga mata ni Shane sa tinuran niya.

"Really?! Are you sure about this? You're not going to eat your own lunch? We're going to eat with the others and-!"

"Are we going to eat or not?"

"Oh! Ah, haha..yes of course! HAha...God I'm hungry." Masayang saad ni Shane saka nagpatiuna pang lumabas ng classroom na sinundan naman ng isa. At gaya kanina ay ayun na naman ang angas maging sa paglalakad nya.

"Grabe, ang weird nga nilang dalawa ano? Marunong ba silang magtagalog?" Bahagya pa akong natauhan sa sinabing iyon ni Dy na noon ay nanonood din pala gaya ko.

"There's something about them." Ani Drew.

"What do you mean?" Takag tanong ko.

"It's like they don't used to go to school? Or something like that. I think they used to study home only." Sagot ni Drew.

"Oo nga ano? Kasi tingnan mo ang reaksyon ng Shane na yun parang pinapaliwanag nya pa kay Jack na may cafeteria ang mga school at dun kumakain ang mga estudyante. Ang weird diba?" Si Dy.

"Eh ano ba ang pakialam ko sa kanila?" Asik ko sa kanila.

"Wow, parang kasalanan pa naming pinag uusapan natin sila ngayon ah! Eh ikaw nga itong-!"

"Ano?!" Nandidilat na putol ko kay Dy.

"Wala! Tayo na ngang makakain sa cafeteria ng school." Makahulugan pa niyang sagot saka nagpatiuna pang umalis. Natatawa namang sumunod sa kanya si Drew saka ako sumunod na rin.

Pagdating sa cafeteria ay di na naman matawaran ang tilihan ng mga estudyante habang kinikilig.

Medyo nawala ang pagkabagot ko ng makakita ng mga magagandang chicks. Yung iba ay mga dati ng nagpapacute samin, mga old student habang meron ding mga freshman at transferee ang nakikisali.

"Oh gosh girls, dumating na ang Punisher, lagot ang dalawang yun sa kanila."

"Yeah right! My God I don't want to look at them!"

"They're so creepy, don't you feel that girls?"

"Just by looking at them its like somethings gonna happen lalo kapag gumagalaw ang babaeng yun na nakaleader jacket!"

"We'll see what the punisher will do to them!"

Nagtaka pa ako nang marinig ang bulungang iyon ng ibang estudyante.

Sinong sinasabi nilang lagot samin? Meron na naman bang lumabag sa rules namin?

Napahinto pa kami at bahagyang natigilan nang makita ang dalawang pamilyar na estudyante na nakaupo sa upuan namin. Oo, may sarili kaming upuan sa cafeteria at kung sino man ang makiupo roon ay may parusa.

What the heck?!

Nagkatinginan kaming tatlo at waring maging sina Dy at Drew ay nagataka at nagtatanong ang mga matang tiningnan ako.

"They're sitting in our seats." Parang wala pa sa sariling wika ni Dy.

"They're transferees, they don't know about the rules. We should tell them about it." Agap ni Drew.

"We never told to anybody about the rules Drew, but we punished them at that instant and there's no exception when it comes to our rules." Asik ko sa kanya saka muling tiningnan ang dalawang nagsisimula ng kumain.

Kinuha ko ang cp ko at tinawagan ang mga tauhan ko.

"C'mon Zee, I'm not sure if this is the right time for this."

"Shut up Drew, you know the rules!" Sinamaan ko sya ng tingin kaya naman napapailing nalang syang tumingin sakin.

"Fine. But I'm telling you, I think they're not just an ordinary transferees we might get in trouble if we touch them." Aniyang may kalakip na babala.

"And what would you expect me to do? Let them do what they want? They're in my school Drew, and I have my own rules to obey." Bakit parang hindi nya na naman yun naiintindihan? Palagi nalang syang ganyan sa tuwing ipapatupad ko ang matagal ko ng rules!

"We know nothing about them!" Medyo inis na ring wika niya. Magsasalita pa sana ako ngunit pumagitna na samin si Dy.

"Whoa, whoa..guys ano ba? Magsisimula na naman ba kayo ng away? At dito pa talaga sa cafeteria?" Sita niya samin.

"Pagsabihan mo yang kaibigan mo!" Asik ko sa kanya.

"Me? No! Kayong dalawa ang mag usap, I'm out of it!" Inis ding asik ni Drew at saka kami tinalikuran.

Damn!

Lalo lang akong nakaramdam ng pagkainis sa ginawa nya.

Isasakripisyo nya ang pagkakaibigan namin dahil sa dalawang yun? That's bullshit! I know he's a gentleman but rules is rules and he's fucking knew about that!

"Dude, chill ka lang okay? Sa office nalang tayo kumain." Ani Dy at tinapik ako sa balikat. Gusto ko pa sana syang sagutin ngunit nakita ko na ang grupo nina Renz kaya naman tumahimik nalang ako saka tinanguan sina Renz at nagpatiuna na kay Dy na lumabas ng cafeteria.

Gusto ko sanang mapanood kung anong gagawin nina Renz ngunit mukhang kailangan ko pang suyuin ang maarteng si Drew. Minsan talaga badtrep ang ugali ng isang yun eh.

At bago pa kami tuluyang lumabas ng cafeteria ay muli kong nilingon ang dalawa na noon ay nalapitan na nina Renz.

Tingnan natin kung hanggang saan ang angas mo.

****

Jack's Pov

Tss! He has his own rules to obey? Hmm, bully huh? Why am I always get into trouble with the bullies. I thought this school is the best school?

I heard them fighting over his 'own rules' thing. Tss, where in the world did they get those rules? Uso pa ba yun?

Yes, I heard their conversation. I can hear everything around me even they're hundred miles away from me.

Thanks to my bead.

Ezequil Zeroin Montero. Tsk, tsk..

I never see his face cause his too close to me. Pero kapag nasa malayo siya ay saka ko lang makikita ang kabuuan nya. It's so strange pero hindi ko nararamdaman ang presensya nya at malalaman ko lang na nasa paligid sya kapag nagsalita na sya.

And that's new to me. Lahat ng taong nakikilala ko ay nararamdaman ko agad kapag nasa malapit lang sila pero hindi sya.

What's so special about him?

When I heard a footstep coming to us I signaled Andy to be ready for their welcome.

Hindi ko nalang sila pinansin dahil mukhang tama nga si Andy na masarap ang pagkain nila dito kaya naman sumubo nalang ako ng pagkain ko.

"I told you it's delicious right?" Nakangiti pang wika ni Andy.

"Hmm..they're good, but still not sure if they're healthy." Sagot ko naman.

Natawa nalang sya saka nagpatuloy sa pagkain ngunit nagsilapitan na samin ang mga inutusan ni Ezequil upang bigyan kami ng punishment because we dare to sit in their seats. Tss, so childish!

"Hello ladies, pwede ba kaming makijoin?" Nakangising bungad ng isang lalaki habang nakahawak sa upuan sa tabi ko. Hindi ko sya pinansin bagkus ay nagpatuloy lang ako sa pagkain.

I know Andy's doing the same. Something I hate the most was disturbing me from eating delicious food. Nasisira kasi ang sestema ko at kapag natigil ako sa pagkain ng wala sa oras ay dun mabilis uminit ang ulo ko.

"Wow, talaga ngang kakaiba kayong dalawa ah! Alam nyo ba kung kaninong upuan ang ginagamit nyo ha?" He continue.

Still eating and doesn't care.

"Putsa, naririnig nyo ba akong dalawa ha?" Inis na sigaw nito at kinalampag ang mesa at sa ginawa niya ay natapon ng kunti ang soup ko.

Tsk!

At nang hindi parin kami umimik ay galit niyang dinampot ang pasta ko ngunit naging maagap ang kamay ni Andy upang dakmain ang kamay niya bago nya pa mahawakan ang pasta na hindi ko pa nagagalaw.

"I'm not gonna do that if I were you." Seryosong wika ni Andy rito.

Bahagyang natigilan ang mga ito ngunit sabay sabay ding natawa.

Tss, same as the others! Pathetic!

I saw other students hurriedly took their lunch and leave the place even the cashiers and crews are packing their things just to stay away for what will gonna happen to us. Pero hindi ko nalang yun pinansin at parang walang pakialam na pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.

"Gusto ko lang sanang bigyan kayo ng leksyon pero mukhang hindi lang leksyon ang gusto nyong matikman. Sayang mukha pa naman kayong girlfriend material kaya sorry nalang girls, it's duty calls." Nakangis pa nitong saad saka sumenyas sa kasama nito.

"Take them." Utos pa nito sa kasama. Naramdaman kong lumapit sakin ang isa ngunit bago pa man nila ako mahawakan ay mabilis ng kumilos si Andy upang pigilan ang mga ito.

She jump on her seat at itinukod ang kamay sa mesa upang buhatin ang buong bigat nya saka mabilis na sinipa sa dibdib ang lalaking palapit sakin. Tumalsik ito sa mga kasama nito.

"What the heck?" Bulalas ng leader ng mga ito. Halatang hindi nila napaghandaan ang ginawa ni Andy.

Tss, she's always this brutal. She can fight them with words but she still choose to fight them in physical.

Hindi ko sila pinansin bagkus ay pinagpatuloy ko parin ang pagkain ko.

"So may ibubuga pala kayo kung ganun? Hindi sana namin kayo sasaktan pero dahil sa pinapakita nyong ito samin mukhang kailangang taasan ang level ng parusa nyo ah." Nakangisi paring wika ng leader at nagtawag pa ulet ito ng mga kasama kaya kung kanina ay nasa limang tao lang sila ngayon ay nasa sampu na.

Tss, ganun ba talaga kabigat ang kasalanan namin para sa ganyan karaming punisher?

Good thing that no ones around except us.

"Renz, mukhang mahihirapan tayo sa isang 'to ah. At parang wala pang pakialam ang kasama nya. hah! Ang sarap pa ng kain oh!" NAtatawang sabi ng bagong dating saka hinarap si Andy na noon ay nakatayo lang sa harap nila at nakatalikod sakin.

"Sinabi mo pa. Mukhang may ibubuga eh, at maliksi kaya mukhang mahihirapan tayo at lagot tayo kay Zero pag nagkataon na di natin nagawa ang trabaho."

"Eh di pagtulungan na natin." Nakangising sagot nito saka sinugod si Andy. Ngunit dahil si Andy yun ay di ko nalang sila pinansin.

Kinuha ko ang pasta at yun naman ang nilantakan ko.

Hmm..malasa sya, pero mas masarap parin ang sariling luto ko.

Kakaiba ang pasta nila dahil may kasama iyong mga dahon dahon na di ko alam ang tawag. But I should try this recipe sometimes. Habang kumakain ay purong sigaw at igik lang sa sakit ang narinig ko maliban sa mga purong tanong na ginagawa ng mga estudyante sa labas ng cafeteria.

At nang matapos ako kumain ay tiningnan ko ang pagkan ni Andy at natawa pa ako ng bahagya ng makitang ubos na pala yun.

Basta pagkain ang bilis nya talaga.

Napailing nalang ako saka tumayo at nilingon sila na noon ay busy parin.

"Andy, it's almost time." Yaya ko pa sa kanya habang nakikipagbuno pa siya sa dalawang leader ng grupong iyon. Bagsak na ang halos lahat ng naroon at yung dalawa nalang ang natitirang malakas. At sa isang tumbling ni Andy ay tumumba ng sabay ang dalawa kaya naman mabilis niyang pinagpag ang sarili at inayos ang damit saka lumapit sakin.

"Nabusog ka ba?" Nakangiti pang tanong niya.

"Mmm." Sagot ko sabay tango.

"I told you, masarap din ang food nila diba? Gusto mo bang hingin ko ang recipe nila?"

"Nah! I know it already. I'm just going to try it sometimes."

"Okay." Aniya saka sabay na kaming lumabas ng cafeteria at gaya ng inaasahan ay marami ng estudyante ang nag aabang dun upang makiusyoso kung ano na ang nangyari sa loob.

"Oh God, Anong nangyari sa loob bakit parang wala namang ginawa sa kanila ang punisher?"

"Oo nga, baka hindi sila naparusahan."

"But that's unfair! Bakit naman nila bibigyan ng specialty ang dalawang yan?"

"Maybe because they're Creepy?"

Bahagya kong hininaan ang hearing aid ko upang hindi ko nalang marinig ang mga sinasabi nila.

Tss, uso rin pala tsismoso't tsismosa dito. I thought this is a highly standard school when it comes to students. Eh wala rin naman silang pinagkaiba sa ibang schools na may mabababang standards.

Nang makalampas kami sa tumpok ng mga estudyante ay bahagya pa akong natigilan ng maramdaman ang pares ng mga matang nakamasid samin.

Tss, hanggang dito ba naman sinusundan ako ng malas. Haayy! Hindi na talaga sila nadala.

"Is there a problem?" May pag aalalang tanong ni Andy.

"Wala naman, meron lang tayong bisita."

"Na naman?!" Napangisi pa ako sa reaksyon niya.

"Sa'n sila naroon?" Iritabling tanong niya.

"There." Kalmadong sagot ko saka nakangising tiningnan ang may kalumaan ng building dalawang kanto mula sa school at kitang kita ko kung papanong nagulat ang taong iyon na nakahawak pa sa kanyang telescope at akala mo'y nakakita ng multo at dali daling nagtago.

Tss, you can run as long as you want but you can never hide to me.

"Crap, I can't see anything. It's too far." Inis na wika ni Andy saka ako tiningnan na para bang sinasabing 'eh di ikaw na ang malinaw ang mata!' with matching taas ng kilay.

Napangisi nalang ako sa kanya saka nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit natigilan na naman ako ng may maramdamang kakaiba habang nakatingin sa blangkong hallway.

Hmm, at sino na naman kaya ito?

Medyo natigilan pa ako ng makasalubong ang dalawang nilalang na kakalabas mula sa pinanggalingang room.

Bakas sa mukha nya ang pagkagulat na makita ako at bahagya pang nakaawang ang mga labi niya.

Tss, mukha syang si Natsu Dragion ng Edolas. Mukhang lampa.

Habang wala namang pakialam ang babaeng kasama niya subalit bakas din sa mukha nito ang pagtataka at pagtatanong kung sino ako.

Surprise much?

Ngunit nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at hindi sila pinansin hanggang sa malampasan sila.

That girl with him! I'm sensing something with her. Are they into each other?

--

A/N: Natsu Dragion ay kabaliktaran ni Natsu Dragneel ng Fairy tail.

次の章へ