Twin brother?!
Sumasakit ata yung ulo ko dahil sa aking narinig. Nanlalaki ang matang napatingin ako kay Brynthx.
"What are you doing here?" tanong ni Brynthx saka lumapit sa kapatid
Palipat lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa at walang kaalam alam sa mga nangyayari.
Can someone explain this to me?
"I just want to surprise you and Mom" sagot nito. "By the way, where is she?"
"Umalis siya kasama yung kaibigan niya" sagot naman ni Brynthx at umupo sa sofa.
Ganon din ang ginawa ng kambal niya at umupo sa tabi nito habang ako ay naiwang nakatayo at naguguluhan parin sa nangyayari.
"Who is she?" tanong ng kambal ni Brynthx at tinuro pa ako
"Helia" maikling sagot ni Brynthx
"Siya pala yung babaeng lagi mong kinukwento----" hindi na niya naituloy ang kanyang sinasabi nang mabilis na takpan ni Brynthx ang kanyang bibig.
"A-are you trying to kill me?" hinihingal na sabi nito nang makawala sa pagkakahawak ni Brynthx
"Just shut up" iritadong sabi ni brynthx sa kapatid.
Napakislot naman ako nanag magtama ulit ang paningin namn nung kambal ni Brynthx
"Why are you still standing there?"
"H-huh?"
"Site here" sabi nito at tinapik at bakanteng pwesto sa tabi nito
Mabilis na umiling naman ako biglang sagot. Nakita kong napabuntong hininga siya kaya hinili niya ang kamay ko at pinaupo sa tabi niya.
Bakit sa lahat ng pwedeng upuan ay sa gitna niyo pa talaga.
Nasa kaliwa ko si Brynthx habang nasa kanan ko naman yung isa.
"Nice to meet you" sabi ulit nito dahil kanina ay hindi ko naabot ay kamay niya dahil nagsalita na si Brynthx. Nahihiyang inabot ko naman ito.
Umabot na ng minuto na magkahawak kami ng kamay pero ayaw niya parin akong bitiwan. Lumapit si Brynthx at siya na ang naghiwalay ng kamay naming magkahawak.
"That's enough" sabi nito.
"Okay man, chill" sagot naman ng kapatid niya niya at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere sa parang sumusuko na talaga.
"Kaylan ka aalis?" tanong ni Brynthx
"Aalis agad?! kadadating ko lang tapos paaalisin mo na agad ako. Grabe ka naman parang hindi tayo magkapatid" reklamo naman nito at ngumuso pa.
"Pfftt---" mabilis na pinigilan ko agad ang aking tawa.
Magkaibang magkaiba ang personality nilang dalawa. Parang kabaliktaran ni Brynthx yung kakambal niya.
"Ni hindi mo nga ako binati 'e tapos paaalisin mo na agad ako matapos natin hindi magkita ng walong buwan." reklomo ulit niya sa kapatid at nagpaawa na parang bata.
Napatingin naman sakin si Brythnx kaya sinenyasan ko siyang pagbigyan yung kapatid niya. Bumuntong hininga siya bago napipilitang ibuka ang kanyang dalawang braso. Agad naman lumapit ang kapatid niya at mahigpit na niyakap si Brynthx.
"Welcome home" sabi ni Brynthx habang hinahagod ang likod ng kapatid.
Nakakatuwa lang na nakikita ko ang ganyang side si Brynthx. Buti na lang ay dumating yung kapatid niya. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko pa malalaman na may kambal pala siya. Wala man lang nagsabi sakin. Grabe kayo.
Siya siguro yung pang apat na tao dun sa picture frame na nakita ko. Si Tita Kristine, Tito Christian, Brynthx at yung kambal niya.
Ano nga ulit yung pangalan niya?
"Stop it!" sabi ni Brynthx nung subukan siyang halikan sa pisngi ng kanyang kakambal.
"Miss ko na yung pinakamamahal ko kapatid" sabi nito saka sinubukan ulit halikan sa pisngi si Brynthx
"Gross" sagot ni Brynthx sabay punas sa pisngi nito.
"Ang arte mo naman!" reklamo ng kapatid niya.
HIndi ko na napagilan ang tawa ko kaya napatingin silang dalawa sakin.
"Sorry for laughing...." sabi ko at umayos ng tayo.
"By any chance..." sabi nung kapatid ni Brynthx at nagsimulang lumapit sakin.
"W-what" kinakabahang tanong ko
"Are you his girlfriend?" tuloy nito sa sinasabi at itinuro si Brynthx
What?! Me?! G-g-girlfriend?
"What?! N-no I'm n-not " natatarantang sagot ko at hindi magawang tignan ng diretso yung magkapatid
"Really?" paninigurado nito at mas lalong inilapit ang mukha niya sakin para makita ang reaksyon ko.
Panay naman ay iwas ko sa tingin niya. Bakit naman sa lahat ng bagay ay gilrfriend pa ang naisip niya. Ilang taon pa lang sila pero 'yan na agad ang iniisip niya.
Wait...bata pa ba yung 18?
Lumapit na si Brynthx samin at hinawakan sa kwelyo at kapatid saka ito hinila palayo sakin.
"That's enough. Let's eat I'm kinda hungry" sabi ni Brynthx saka hinila ang kapatid papunta sa kusina.
sabi ni Brynthx ay nagugutom daw siya kaya magluluto sana ako kaso hindi ko alam ang gusto nila kaya tinanong ko sila gusto ayos lang ba kung magpapadeliver na lang ako ng pagkain. Mabuti naman ay hindi sila maselan kaya pumayag naman agad silang dalawa.
"Hey Blythe" tawag ni Brynthx sa kapatid
Blythe. That's right. Blythe is his name. I just remember now. Thanks to Brynthx.
"Bakit?" sagot ni Blythe
"Bakit ngayon mo lang naisipang umuwi?" tanong ni Brynthx sa kapatid
Hindi ko na narinig ang sumunod na usapan nila dahil naisip kong lumabas muna. Mabuti na yung magkausap silang dalawa. Hahayaan ko muna sila dahil sabi nga ni Blythe ay walong buwan silang hindi nagkita. Kung ano man ang pag uusapan nila ay labas na ako don.