webnovel

Chapter 10

Ang nakaraan:

Nagpakita ang dalawang misteryosong matanda sa kanyang panaginip, binalaan siya nito na may mangyayaring masama sa Lola niya kaya pagkagising niya ay nagmadali silang pumunta sa Sanctuary. Kinalaban niya ang limang lalaki na nagtangkang magnakaw sa bahay ng Lola niya, tatakas sana ang isa pero paghabol ni Diane ay nakapalibot na ang mga pulis. Tumakbo si SPO3 at sinabing kumakalat na ang virus sa buong mundo. Ang zombie virus.

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 10

Ang

Simula

"Diane!" Rinig kong sigaw ng importanteng tao sakin. Si Mama.

Lumingon ako habang hawak si Trinity sa kamay, paglingon ko ay yakap agad ni Mama at Papa ang sumalubong sakin.

Tumingin ako kay Trinity, binitawan ko ang kamay niya at pinahawak ko siya sa damit ko dahil baka mawala nanaman siya.

Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay.

Niyakap ko rin pabalik si Mama at Papa dahil na miss ko sila.

5 o'clock na ngayon

Umiiyak si Mama at Papa sa balikat ko, si Papa ang unang bumitaw, sumunod si Mama pero nakahawak siya sa magkabilang balikat ko.

Nasa likod nila Mama at Papa sila Manang at Driver.

Tumalikod si Papa at nagpunas muna ng luha bago muling humarap sakin.

Sila Lolo at Lola ay natutulog ngayon sa loob ng bahay. Sabi ng Doctor ay kailangan nilang magpahinga dahil natakot sila ng sobra. Siguro sakin sila natakot dahil ako ang may hawak ng katana at humiwa sa dibdib ng isang lalaki.

Hindi naman ako mamamatay tao eh *pout*.

"Anong bang nangyari sayo anak? Takot na takot kami ng malaman naming hindi ka pa nakakauwi kala lola mo. A-ano bang nangyar-"

Hindi na nila natapos ang sasabihin nila dahil napatulala nalang si Mama sakin. Tumingin ako kay Papa para magtanong kung bakit pero nakatulala lang sila sakin. Ganun rin sila manang at driver nang sulyapan ko sila.

"Mama, bakit po?" taka kong tanong sa kanila. Sumulyap ako kay Trinity na ngayon ay nagtatago sa likod ko at nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.

Binigyan ko siya ng 'bakit ganyan sila makatingin?' look. Itinuro niya ang mata niya kaya tiningna ko maigi ang mata niya pero wala namang dumi.

Bumuntong hininga siya at maingat na hinatak ang damit ko papalapit sa kanya at bumulong siya ng...

"Yung mata mo, medyo kumikinang" bulong niya.

Agad akong napatingin sa kanya at pumikat. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko dahil base on my observation ay nag-re-react din ang mata ko kung anong nararamdaman ko.

Kapag galit, excited, masaya o ano pang narardaman ko ay maaaring kuminang ang mata ko. Hindi naman masyado makinang na parang lumiliwanag pero kasi halatang hindi ka normal na tao kapag nakita nilang kumikinang ang mata mo sa dilim.

Nang huminahon na ako ay humarap na ako

"Ma?" Tanong ko

"Anong nangyari sa mata mo? Bakit naging light blue yan? Diba dark brown yan dati diba?" Pakiramdam ko nanigas ako sa kinakatayuan ko.

Uhhm ohh, hindi ko alam ang isasagot ko

Tumikhim ako "Baka ganto na po talaga ang kulay ng mata ko?" Engot kong sagot.

Meron ba nun? Nagbago ang kulay ng mata mo ng biglaan? Ang tanga kong magpalusot.

"Oh, anak nandito ka na pala" lumabas sa kuwarto nila Lola sila Lolo at Lola.

Mabilis na lumapit sila Mama at Papa at nag mano. Umupo sila sa sala at tiningna ako nila Mama at Papa na parang sinasabing lumapit ka samin. Lalapit na sana ako ng makita kong parang natigilan si Lola at Lolo kaya hindi na ako tumuloy.

Pumasok na kami ni Trinity, umupo pero hindi masyado malapit kala Lolo, Lola,Mama at papa. Hindi pumasok sa loob sila Manang at Driver. Siguro dahil may gagawin pa sila.

"Ikaw diba yung pumasok sa kuwarto namin?" Tanong ni Lola.

Tumango ako. Napaghandaan ko na anh sasabihin ko pero nakalomutan kong paghandaan ang tungkol sa mata ko.

"Paano mo nga pala nalaman na may magnanakaw?" Takang tanong ni Papa kaya sa kanya ako napatingin

"May narinig po kasi akong nag-uusap na limang lalaki. Sinabi rin kasi nila po ang location ng pagnanakawan nila kaya nalaman kong sila Lola po ang nanakawan. Sinumbong ko narin po sa pulis pero hindi sila naniwala kaya chat ko nalang po kayo" pulusot ko

Wooohhh! Ilang beses akong nagpractice para diyan.

"Paano kung napahamak ka? Hindi namin alam ang mangyayari samin ng Mama mo kapag nawala ka dahil nag-iisa ka naming anak." Papa

Ngumiti ako sa kanila "Hindi po mangyayari iyun" sabi ko sa kanila para hindi na sila magtanong.

Napatingin ako kay Trinity na bagsak na ang ulo sa balikat ko at natutulog na. Tsk, tsk, tsk, ilang beses kong sinabi na matulog na kasi kanina pero ayaw daw niya. Baka iwanan ko daw siya.

Hindi din muna ako tatakbo ngayon dahil buong araw rin akong tumakbo at gumamit rin ako ng heat kaya napapangiwi ako minsan dahil sumasakit ang binti at braso ko.

"Diane, hindi mo sinagot ang tanong ko kanina" sabi ni Mama

Napatingin sila Lola at Lolo kay Mama.

"Ano ba yung tinatanong mo sa kanya?" Tanong ni Lolo.

"Kung bakit naging light blue ang mata niya. Idagdag mo pa kung saan niya nakuwa ang mga gamit niyan yan gaya ng katana niya." Sabi ni Mama habang nakatingin sa katana ko.

Katabi ko ang bag ko at nandoon ang katana at si Coolet. Ibinalik na din kasi ni Trinity kanina dahil wala na daw siyang pag-gagamitan.

Napalunok ako sa tanong ni Mama. PATAY! (T_T)

"Uhmmm, kasi Mama uhmmmm hindi ko rin po alam? Pag gising ko kasi po ganto na kulay ng mata ko" sabi ko kay Mama ng makahanap ako ng palusot.

"Saan mo naman nakuwa yang mga gamit mong yan?" Turo niya sa belt ko na puro armas.

Napatingin ako kay Trinity na natutulog

"Ibinigay po sakin ni Trinity jung napadaan po ako sa kanila" sagot ko. Napag-usapan rin naman namin ito ni Trinity kaya ayos lang.

Tumango tango sila Mama at Papa pero hindi pa pala tapos.

"Ano ba talagang nangyari sayo nung papunta ka dito? Nang malaman namin na hindi ka panakakarating dito ay nag report kami sa pulis at nakita ang kotse mo Manila. Umamin ang driver na ninakaw niya ito. Tinanong namin siya kung saan niya ninakaw pero ng pumunta kami doon ay wala ka na" mahabang sabi ni Mama

"At sino yang cute na batang kasama mo?" Dagdag ni Papa

Bumuntong hininga ako bago ako mag simula mag kuwento. Kuwento ko sa kanila lahat. Kung paano ako nanakawan at hanggang ngayon.

Siyempre ay hindi ko binanggit ang tungkol sa kagat at kala Lola Ding at Lolo Dong.

Nang matapos akong mag kuwento ay agad na nagsalita si Lola.

"Ang ibig mong sabihin ay ipinaubaya ng Lola niya sayo si Trinity?" Lola

"Opo" sagot ko

Ang ibang pulis ay nakikinig din sa kuwento ko. Hindi padin kasi sila umaalis dahil kailangan kong sagutin lahat ng tanong nila. Pati narin ang tungkol sa paano ako nawala.

"Kung ganun ay kailangan natin siyang dalhin sa DSWD" Suggest ng isang police.

Agad kong naramdaman ang init sa buo kong katawan ko dahil sa narinig. Ramdam ko ring napaupo si Trinity sa narinig. Siguro ay kahit natutulog siya ay alam parin niya ang nangyayari sa paligid niya at narinig niya ang sinabi ng police.

Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya ng humawak siya sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sakin at umiiling.

Sumeryoso ako at tiningnan ng deretso sa mata ang nag suggest na pulis. Kita ko ang pagkagulat niya ng magtama ang paningin namin.

"Huwag mong subukan" seryoso at malumanay na sabi ko pero bawat salita ay may diin.

Kita ko sa peripheral vision ko na napatingin sakin sila Mama,Papa, Lolo, at Lola. Nagulat siguro sa inasta ko.

Hindi ko alam pero napatingin ako sa kamay ng police dahil nanginginig ito. Napa ngisi nalang ako.

Ang lakas mong mag suggest pero tatlong salita lang ang binitawan ko, nanginginig ka na diyan.

Tinapik tapik na siya ng mga kasamahan niya pero wala parin ang nangyari. Kaya isang malakas na batok na galing sa kasamahan niya ang nagpagising sa kanya.

"Bakit natulala ka nalang diyan?" tanong sa kanya

"W-wala" nabubulol niyang sagot

Hinatakan na siya ng mga kasama niya palabas.

"Anong nangyari dun?" Rinig kong bulong ni papa

Nagkibit balikat din ako dahil hindi ko talaga alam. Ang alam ko lang ay tiningnan ko siya ng deretso sa mata at nagsalita.

3rs Person's POV

Bumaba sa kotse si President Salazar. Siya ang  kasalukuyang Presidente ng Pilipinas.

Agad na nagsi yuko ang mga police na nakakakita sa kanya.

"Ano ba kasing problema? Bakit takot na takot ka?" Bigla siyang napahinto dahil may narinig siya.

"Ano pong problema President?" Takang tanong ng secretary niya.

"Shhhhh"

Tumahimik naman ang secretary niya pati narin ang mga bodyguards.

"A-ang weird kasi. N-nung tiningnan niya ako s-sa mata ay nanginig nalang bigla ang mga tuhod at kamay ko. L-lalo na nung nagsalita siya. N-nakakatakot" Nauutal niyanh tanong

"Sino ba kasi yun?" Tanong ng isang kasamahan.

"Ang pagkakarinig ko kanina ay Diane daw" sagot ng isa

Napangisi nalang si Presideng Salazar dahil mukhang hindi siya nagkamali sa pinili.

Napanood niya kasi ang laban ni Diane nung nakahostage si Trinity. Pina-imbistigahan niya sina Trinity at Diane dahil naging interesado siya.

Inalam niya lahat ng tungkol kay Trinity at siya rin ang dahilan kung bakit nahuli ang nagnakaw ng kotse ni Diane.

Walang kaalam-alam sina Diane, Trinity at pamilya ni Diane na pinuntahan sila ng Presidente.

Habang nag-uusap sila Diane at ang magulang niyo ay may kumatok. Napatingin sila sa pinto at gulat na napatayo dahil nasa tapat ng pinto ang Presidente.

Hindi alam ang gagawin ng magulang ni Diane kaya nagsiyuko nalang sila bilang paggalang.

"Magandang umago po Presidente. Bakit po kayo naparito?" Magalang na tanong ng Ama ni Diane.

"Magandang umaga rin sa inyo. Maari ba akong tumuloy?"

"Opo opo, upo po kayi" sagot ng tatay ni Diane.

Kabato ang mga magulang ni Diane dahil ngayon lang nila nakaharap ang Presisente.

Umupo ang Presidente, samantalang ang secretary ay nakatayo sa gilid nito kasama ang mga bodyguards.

"Ano pong mapag lilingkod po namin sa inyo" Tatay ni Diane

"Hindi na ako magpalaligoy-ligoy pa. Tungkol ito sa inyong anak na si Diane."

Agad napalunok ang mga magulang ni Diane dahil baka ipadakip ito. Si Diane naman ay parang wala lang sa kanya dahil nakatingin lang ito sa Presidente. Samantalang si Trinity ay mahigpit ang kapit kay Diane dahil nahihiya siya at natatakot na baka paghiwalayin sila.

"Alam niyo naman ang nangyayari sa mundo diba? Mabilis na kumakalat ang zombie sa buong mundo. Pati ang mga malalakas na bansa ay walang nagawa dahil hindi tinatablan ng bala ang mga zombie." Patuloy ng Presidente

Tumango naman ang mga magulang ni Diane.

"Isa si Diane sa napili kong magliligtas sa mundo. Mabilis siyang kumilos at malakas rin siya ayon sa napanood ko kaya kung maaari ay pahintulutan niyo ang aking nais." Presidente

Agad na tumutol ang tatay ni Diane

"Hindi ako papayag. Kayo narin ang nagsabi samin na kahit bala ay hindi tinatablan ang mga zombie. Edi paano nila tatalunin ang zombie kung hindi ito tinatablan ng baril" medyo mataas ang tonong sagot ng tatay ni Diane.

"Inaasahan ko na yan pero wala rin tayong magagawa. Lahat ng bansa ay nakasalalay satin. Ipinapaubaya na nila sa Pilipinas ang kaligtasan ng mundo. Kahit ako ay gulong gulo na sa mga nangyayari" Presidente. 

"Pero paano nga nila matatalo ang mga zombie? Gaya ng sabi niyo ay hindi tinatablan ng bala ito. Paano nila katatalo ng lahat na yun? Milyon milyon ang mga zombie dahil kalat nga ito sa buong mundo."

"Merong magtuturo sa kanila sa ibang bansa. Isa itong isla sa kanlurang bahagi. Isasanay sila dito bago sila palabanin." Tumigil muna si President bago nagpatuloy  "Please, nagmamakaawa ako. Payagan niyong sumama ang anak niyo sa mga sasanayin"

Gulat ang lahat na napatingin sa kanya dahil nagmamakaawa na ito.

Nag-usap muna ang mga magulang ni Diane bago sumagot

"Payag na kami pero hindi namin alam kung papayag si Diane" sagot ng ama sabay tingin kay Diane.

Tumingin ang Presidente kay Diane kaya napabuntong hininga nalang si Diane

"May magagawa pa ba ako? Eh lahat kayo ay sang-ayon na" walang magawang sagot ni Diane.

Takot si Diane pero hindi niya lang pinapakita dahil nakatingin sa kanya lahat ng mga tao at police.

Ngumiti ang Presidente

"Maraming salamat" pinagdikit nito ang kamay at yumuko ng bahagya

Ang bahay ngayon ng Lola ni Diane ay puno ng mga pulis at maraming nanonood sa kanila. Maraming namamangha dahil halos magmakaawa na ang Presidente basta mapapayag lang.

Diane's POV

"Ako nalang ang mag-aalaga kay Trinity habang wala ka Diane" Biglang sagot ni Mama pagkatapos magpasalamat samin ni President.

Bigla akong napatingin kay Trinity dahil naramdaman kong nanlalamig siya at humigipt ang kapit niya sa kamay ko.

"No!" She suddenly shouted "I won't be seperate from her! You can't do that! No! I won't stay here! I will follow her wherever she goes. You can't take me from her! That isn't fair!"

Nagulat ako sa biglang sigaw niya. Ngayon ko lang narinig siyang sumigaw simula ng magkasama kami. Ayos lang sakin kung sasama siya sakin dahil proportektahan ko siya kahit anong kapalit.

Hindi lang ako ang nagulat. Lahat kami ay nagulat dahil sa bigla niyang sigaw.

Tumingin siya sakin habang tumutulo ang luha niya. Bakas sa mata niyang natatakot siya na baka pumayag ako sa sinabi ni President.

Ngumiti ako sa kanya para malaman niya ang sagot ko.

"Hindi pwede hija dahil masyadong delikado, baka mapahama-"

Hindi na natapos ang sinasabi ng secretary ni President nang tingnan ko siya sa mata.

"Decision niyang sumama sakin kaya huwag kang makielam." Seryoso kong sabi.

Nagsalubong ang kilay ko ng makita kong naginginig na siya. Bakit siya nanginginig eh nagsasalita lang naman ako? Lalaki siya at malaki ang katawan niya, kaya bakit siya nanginginig? Weird, sya na ang pangalawang nanginig ng tingnan ko sa mata.

"Are you okay secretary?" Tanong ni President sabay tingin tingin sakin tapos babalik ulit ang tingin niya sa secretary niya. Mukha tuloy siyanh abnoy (–_–,)

"Pangalawa na siyang nanginig"

"Bakit sila nanginginig?"

"Hindi rin namin alam. Basta pag tinitingnan sila sa mata nung babaeng kulay blue ang mata, bigla nalanh silanh nanginginig"

Ayan ang mga naririnig kong bulungan ng mga police at tao sa paligid namin.

"I-i'm okay President" utal niyang sagot

"Bakit ka nauutal?" President

Hindi sumagot ang secreyary kaya nagtanong ulit si President.

"Inuulit ko, bakit ka nauutal? Sagutin mo ako ng tapat" sabi ni President

"N-nakakatakot kasi siya" nauutal niyang sagot habang nakayuko. Siguro nahihiya dahil sa laki niyang yan ay natatakot siya.

May mga naririnig akong mga bulungan pero may mga tumatawa.

"I don't get it. Bakit ka natatakot sa kanya? Wala naman siyang ginawa sayo." Sabat ni Mama

Lalong napayuko ang secretary

"Answer her question" President Salazar said

"I don't know Ma'am. Nangtingnan niya po ako sa mata ay bigla nalang akong natakot" nakayukong sagot niya.

Nag-usap pa sila, maya-maya ay may tinawagan si President at dumating ang isang Doctor.

Magkasabay na lumabas ang Doctor at secretary sa bahay. Siguro ay sa labas i-che-check up ang secretary.

"Pasensya na sa abala" President

"Ayos lang President Salazar" sagot ni Papa

Nag-usap sila President at Papa kaya hindi na ako nakinig sa pinag-uusapan nila.

Tiningnan ko si Trinity sa tabi ko. Nakayuko siya, siguro ay nahihiya dahil sumigaw siya kanina.

Inakbayan ko siya, nilapit ko siya sakin at hinalikan siya sa ulo.

"Are you okay?" Tanong ko habanh nakangiti sa kanya.

"Yes, i'm okay. Inaantok lang po ako ng kaunti" sagot niya

"Sige, tulog ka na" sagot ko sa kanya

"Do you promise not to leave me?" Sagot niya habang nakahiga sa hita ko.

Nasa sofa kami nakaupo kaya pwede siyang humiga.

"Yes, I promise" sagot ko

Ngumiti siya "Okay, see you later" tumango ako bilang sagot.

"Good night my baby" hinalikan ko siya sa pisngi.

Ramdam ko ang mga titig sakin ng mga tao pero wala akong pake. (-_-)

"Good night ate Diane" ngumiti muna siya sakin bago niya ipikit ang mata niya.

Hiniga ko ang ulo ko sa sandalan. Hindi ako inaantok pero gusto ko lang matulog dahil wala naman akong gagawin. Wala rin akong pake kung nandiyan sa MR. PRESIDENT *Full of sarcasm* dahil lagi ko naman siyang nakikita sa tv.

★★★★

Abangan sa susunod na kabanata:

-Bakit laging nanginginig ang mga tinitingnan ni Diane?

★★★★

Hanggang sa muli, paalam! :)

Please comment and vote! Have a nice day!

次の章へ