webnovel

Chapter 3

Alanganin akong ngumiti

"Sino po kayo?" Diane

"Ikaw ang tinakda" nagsitayuan lahat ng balahibo ko ng marinig ko ang boses ng matandang babae.

"Tinakda?" Takang tanong ko

Anong tinakda ang sinasabi nila Lola?

"Tinakdang magliligtas sa mundo" sabi ng misteryosong Lolo

Oh my god! Anong sinaaabi nila? Nag dru-drugs yata sila eh

"Nag dru-drugs po ba kayo?" Alanganin akong ngumiti

Ngumiti ang matandang lalaki at may inabot sa aking isang parang arnis na bakal pero maliit lang siya. Kulay black siya at may pulang guhit sa gitnang parte.

"Sa oras na magising ka ay hawakan mo ang magkabilang dulo nito at ikutin mo pataas ang nasa kanan at pababa naman ang nasa kaliwa. Magagamit mo ito sa tamang panahon." Mysteryosong Lolo

Kinuwa ko ito at nagpasalamat kahit hindi ko naman alam kung para saan toh.

Lumapit pa siya lalo sakin at daha-dahan in

yumuko at sa hindi malamang dahilan ay hindi ako makalagaw.

"Patawad" mahinang bulong niya sa tainga ko. Kinuwa niya ang kaliwang kamay ko at kinagat ako sa bandang taas ng pulso. Napahiyaw ako sa sobrang sakit.

Umagos ang masaganang dugo ko.

Welengya, mukhang may lahing aso si Lolo ah. Nangangagat bigla eh nag-uusap lang kami.

Humiwalay ang ngipin niya at tinanggal ang pagkaakakapit sa siko ko.

Napaluhod ako sa sobrang sakit. At parang sinusunog ito.

Hindi nagtagal ay napa bagsak na ako sa malamig na sahig dahil sa panghihina. Tuloy-tuloy parin ang paglabas ng dugo ko.

Bumibigat narin ang mga talukap ng mata ko. Bago ko ipikit ang mata ay nakit kong magkatabi ang mistoryosong matandang lalaki at babae. Pareho silang nakatingin sakin ng may.... Pag-alala?

Pagkatapos akong kagatin ay mag-aalala siya? Mukhang naka drugs nga ang mga ito.

~~~

March 1, 2020

Bigla akong napabangon sa hinihigaan ko. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nasa kuweba ako at madaling araw palang siguro.

Nakahinga ako ng maluwag

Napatingin ako sa binti ko. HUHUHHU mamatay na yata ako. Ang alam ko kasi pag nakagat ka ng cobra pwede kang mamatay pero nakalimutan ko kung hanggang ilang oras o araw nalang tatagal buhay mo.

Maya-maya ay nalala ko bigla yung panaginip. Bigla akong natakot.

"Akala ko totoong nangyar-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may kumirot.

Nanlaki ang mata ko ng may nakita akong parang kagat ng isang tao sa pulsuan ko. Nagdudugo ito kaya dali dali kong kinuwa ang knife ko sa bag at humiwa sa damit ko.

"Panong nangyari yun eh panaginip lang yun." Natatakot kong bulong..

Tinalian ko ang sugat ko para hindi na masyadong dumugo. Napako ang tingin ko tabi ko.

May mga gamit kasi sa tabi ko na hindi ko alam kung kanino galing. May dalawang black katana, dalawang tactical bowie knife, dalawang archery guard, dalawang black arnis na bigay ng matanda sakin sa panaginip, maraming palaso,dalawang leather arrow quiver, dalawang hindi ko alam ang tawag basta belt siya pero pwede mo siyang lagyan ng mga weapons.

'bakit puro dalawa eh nag-iisa lang naman akk?' taka kong tanong sa sarili.

Gusto kong sampalin ko ang sarili dahil baka panaginip lang ito pero base sa kirot na nararamdaman ko ay totoo ito. Pero saan galing ang kagat ko sa pulso at ang mga gamit na nandito?

Nababaliw na ba ako dahil hindi ako makauwi?

'Sa oras na magising ka ay hawakan mo ang magkabilang dulo nito at ikutin mo pataas ang nasa kanan at pababa naman ang nasa kaliwa'

Naalala kong sabi ng matanda. Nakita ko ang parang black arnis na nalapag sa gilis ko. Kinuwa ko ito at pinagmasdan maigi. Kinapitan ko ito sa magkabilang at dahan-dahan kong pinihit kagaya ng sabi ng matanda. Medyo nahirapan ako dahil kumikirot ang sugat ko.

Bigla kong nahagis ang black arnis- ay hindi yun arnis. Isa itong pana.

Pagka-ikot ko kasi ay bigla itong humaba at naging pana kaya naibato ko ng wala sa oras. Kailan ba ang tamang oras? *pout* Ang sakit tuloy ng sugat ko dahil nabigla.

Tumayo ako at kinuwa ang archer. Tiningnan ko ito maigi. Ang ganda niya at ang cool. Marunong ako gumamit nito pero kaunti nalang. Inikot ko uli at bumalik sa maliit na parang arnis. Wow

Babalik na sana ako ng biglang sumakit ang buong katawan ko. Nanlalabo ang paningin ko at kumikirot ang buong katawan ko.

Maingat kong tinanggal ang salamin ko at pinunasan dahil baka nadumihan lang pero ng sinuot ko uli ay malabo parin.

Dahan-dahan akong umupo dahil hindi ko na kayang tumayo. Parang sinusunog ang mga muscle ko.

"Siguro naman ay mawawala na toh pag-gising ko" mahinang sabi ko

~~~

March 2, 2015

Nagising ako dahil hindi ko na talaga kaya. Tatayo na dapat ako ng mapahiyaw ako sa sakit.

Ang sakit kapag gumagalaw ako. Parang binabali ang mga buto ko kapag gagalaw ako.

Matutulog nalang uli sana ako pero ramdam kong hindi talaga ako mapakali. Parang gusto kong gumalaw pero hindi ko naman kaya dahil sa sobrang sakit.

Sinubukan ko uling gumalaw at kahit sobrang sakit ay tinitiis ko. Hindi ko pinapansin ang umaagos na luha sa mata ko.

Ng makatayo na ako ay dahan-dahan kong inabot lahat ng gamit ko. Pati narin ang mga gamit na hindi ko alam kung saan galing. Tinitiis ko ang sakit ng katawab at sakit ng binti ko dahil sa kagat ng cobra.

Pinalitan ko na rin ang belt ko. Sinuot ko yung nakita kong belt na pwedeng lagyan ng weapons. Nilagay ko sa belt ko ang isang tactical bowie knife at ang katana samantalang ang iba pa ay nasa bag ko nilagay.

Sinuot ko narin leather arrow quiver at nilagyan ng palaso. Hindi na kasi magkakasya sa bag ko kung hindi ko susuotin ito. Yung isang katana ay nakalagay sa gilid ng bag ko.

Ang bigat ng tokneneng < T_T >

Lumabas ako sa lugar na yun ng sobrang bagal dahil sobrang sakit kapag gumagalaw ako. Pahaon narin siguro dahil sa sikat ng araw.

Kumakapit ako sa mga nadadaanan kong mga puno dahil baka matumba ako bigla. Hindi rin ako makalakad ng maayos dahil nanlalabo ang mga mata ko.

Habang naglalakad ng mabagal ay nadapa ako dahil hindi ko nakita yung bato. Napaluha nalang ako sa sobrang sakit. Ang sakit na nga ng katawan ko tapos madadapa pa ako.

"Isusumpa ko lahat ng mga bato, putengena ka" nanggigigil kong sabi.

Naiinis ako. Kumapit ako sa puno para makakuwa ng suporta at hindi tuluyan mahulog.

Napapikit ako ng mariin dahil sa sakit ng katawan at sakit ng sugat ko. Dagdag mo pa na hindi pa ako kumakain.

Ano ba tong napasok ko HUHUHUHU. Natutulog lang naman ako eh tapos nanaginip ako ng weird. Tapos nag ka-leche-leche na yung katawan ko.

Bakit ba kasi ako kinagat ni Lolo. May lahi ba siyang aso o aswang na bigla-biglang nangangagat. Pagnagkita talaga kami kakagatin ko talaga siya.

Habang naglalakad ako ay nararamdaman kong gumagaan ang pakiramdam ko pero ramdam ko parin ang sakit.

Sana naman huwag akong mabulag HUHUHU.

Naglalakad ako ng may makita akong mangga. Napangiti ako dahil mababa lang puno ng mangga dahil pa-slant ang puno.

Alam kong hindi dapat kumain ng mangga pag wala ka pang laman ang tiyan mo pero mas okay ng sumakit ang tiyan kaysa mamatay ako sa gutom.

Pumitas ako ng mangga at kinuwa ko ang knife ko dahil tatanggalan ko ng balat. Alangan naman kainin ko ang balat? Subukan niyo lang sabihing oo at papakain ko sayo toh *pout*

Ng matanggal ko na ang balat ay kinain ko na toh. Nakailang mangga pa ako dahil ang sarap. Hindi ko alam ang tawag dito pero matamis ang lasa niya at kulay yellow ang balat niya.

Uminom na ako ng tubig ng maumay na ako sa mangga. Dahan-dahan akong humiga sa puno dahil masakit pa ang katawan ko at hindi ko kayang umaykat baka mahulog pa ako.

Pinagmasdan ko ang binti ko. Tuyo na ang dugo nito pero kita mo parin ang sugat.

Bumuntong hininga ako. Ayaw ko pang mamatay HUHUHU < T_T >

Napatingin ako sa langit. Kahit malabo ang mata ko ay tanaw ko parin orange na langit. Siguradong palubog na ang araw.

Ano kayang ginagawa nila Mama at Papa ngayon? Alam na kaya nilang nawawala ako? Sabi ko pa naman kay Mama tatawag ako pagnakarating na ako.

Sa dami ng tanong ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

~~~

4 weeks passed (March 30, 2015)

Minulat ko ang mata ko. Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno. Mukhang madaling araw palang ngayon.

Malabo pa kasi ang mata ko kahapon kaya hindi ako makaakyat sa puno para ikabit ang hammock ko.

Marami ang nangyari sa dalawang linggo ang lumipas at marami rin akong napapansin na pagbabago sa katawan ko.

Una sa lahat ay dahil maaga na kasi akong nagigising. Four o'clock palang ay nagigising na ako ng kusa.

Hindi naman ako mabilis magising dati kasi kahit paluin ako ni Mama ay pahirapan parin.

Pangalawa ay feeling ko rin ay medyo lumakas ang stamina ko at lumakas ako dahil tumatagal ako ng halos kahalating araw bago mapagod at bibihira nalang ako pawisan kahit tirik ang araw. Hindi naman ako ganto dati kasi mabilis akong mapagod.

Dati kasi ay bigat na bigat ako sa bag ko pero ngayon medyo gumaan na. Or nasanay lang ako?

At ang pinaka weird ay kapag hindi ako tumakbo o mag jogging ay sasakit ang buong katawan ko. Basta kapag nakatunganga lang ako at hindi ako kumikilos ng matagal ay sumasakit ang katawan ko. Hindi ko narin kayang umupo hanggang apat na oras dahil sumasakit ang katawan ko.

Base kasi sa observation ko nung 2nd day ay nawala yung sakit ng katawan ko ng tumakbo ako dahil hinabol ko yung manok.

Puro manok ulam ko mamaya magkaka pagkpak na ako nito < °°, >

Mabuti nga at buhay pa ako eh. Ako na ata ang pinakamahabang nabuhay kahit nakagat na ng cobra.

Tiningnan ko ang sugat ko sa hita at magaling na ito.

Nadako ang tingin ko sa pulso ko. Nakatakip ng archery gurad ang kagat kaya hindi ito mahahalata. Halos dalawang isang linggo kong hindi nakita ang kagat kasi hindi ko naman hinuhubad ang archery gurad ko.

Napagdesiyunan ko na linisin ko ang sugat. Tinanggal ko ang archer guard at napatitig.

Magaling na ang sugat ko at nag-iwan nalang ito ng silver scar. Ang pinagtataka ko lang ay bakit silver ang scar? Normal ba yun?

Isinawang bahala ko nalang ito. Binalik ko na ang archery gurad at tumayo

Napansin kong madumi ang salamin ko kaya tinanggal ko para punasan pero may napansin akong kakaiba.

Nanlaki ang mata ko ng makakita ako ng maayos at hindi lang yun dahil wala akong salamin pero medyo weird lang dahil parang blue ang paligid? Or imagine ko lang yun?

"Hays, wag mo na ngang pansinin muna. Ang mas importante ay nakakakita na ako ng malinaw" sabi ko

Pero paano nangyari yun? Malabo ang mata ko simula bata pa ako dahil lagi akong nag-ce-cellphone. Kaya paano bigla nalang naging malinaw ang paningin ko.

Napatigil ako sa pag-iisip ng maramdaman ko ang heat warning.

Tuwing umaga kasi ay kailangan kong tumakbo dahil kung hindi ay sasakit ang katawan ko. Hindi na rin ako pwedeng umupo ng matagal gaya ng dati. At ang isa pa ay bago ako matulog ay kailangan kong tumakbo para makatulog ako.

Iba yung sakit na tinutukoy ko dahil itong heat warning ay umiinit ng umiinit ang katawan mo hanggang sa sumakit na ang mga muscle mo at kalamnam.

May narinig akong tunog ng baboy. Kinuwa ko ang arnis ko at ginawa kong pana. 1st time kong gagamitin ito dahil ngayon labg umayos ang paningin ko.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang baboy. Kumuwa ako ng palaso at inasinta ang baboy. Siniguro ko talagang tatamaan ito sa ulo bago ko pakawalan.

"Yehey head shot" tuwa kong sabi

Kinuwa ko ang gamit ko at tumakbo papunta sa baboy. Nakita ko siyang nakahiga at patay na.

"Sorry" mahinang sabi ko.

Lagi akong nag-sosorry sa mga napapatay ko dahil naaawa ako sa kanila. Nandito lang naman sila sa gubat dahil naghahanap ng makakain pero ako toh at pinapatay sila dahil kailangan kong kumain kung hindi ay ako ang mamamatay.

Kinatay ko na ang baboy at inihaw.

Pagkatapos kong kumain ay yung mga natira ay nilagay ko na sa plastic.

Nang maayos ko na lahat ng gamit ko ay tumakbo na ako dahil tumataas ang init ng katawan ko. Ayaw ko ng patagalin ito dahil sobrang sakit nito kung magkataon.

Hanggang isang oras lang ang kaya kong tiisin ang heat warning. Pag tumaas na ang heat warning yung tipong sumasakit na ang katawan mo ay kailangan mo ng tumakbo pero sa una ay masakit pero kailangan mong tiisin para mawala.

Kaya dapat ay kapag nararamdaman mo na ang heat warning ay magsimula ka ng mag work out o tumakbo.

Tinatawag ko itong heat warning dahil yung init ay parang nagbababala ito.

Nagsimula na akong tumakbo bago pa tumaas ang heat warning.

~~~

Pagabi na ng tumigil ako. Hindi dahil napagod ako kundi dahil may parang narinig akong umiiyak.

Tama ba ang narinig ko? May narinig akong umiiyak, ibig sabihin may tao. Napangiti ako sa ideang iyon

Sinundan ko ang pinanggalingan ng iyak at nawala ang ngiti ko sa labi.

Nakapatong sa kanya ang lalaki at pilit nagpupumiglas ang batang babae. Oo tama kayo. Batang babae.

Meron ring isang lalaki na nakakapit sa kamay ng babae at nakatakip sa bibig ng batang babae.

Huhubarin na sana niya ang short ng batang babae ng hindi ako nagdalawang isip na kuwain ang pana ko at tirahin siya.

Napasigaw siya sa sakit dahil tumama sa bilakat niya ang pana. Tumakbo naman ako papalapit sa kanila kaya napatingin sakin ang lalaki. Kinuwa niya ang balisong at sinugod ako.

Winasiwas niya ang balisong at natamaan ako sa kanang braso. Ng maka-timing ay hinuli ko ang kamay niya at pinilipit hanggang sa mabitawan niya ang balisong. Binato ko ang kamay niya kaya napaatras siya kaya umikot ako at sinipa siya sa leeg.

Sumugod naman yung isa sakin kay nilabas ko ang katana ko. Hindi ako marunong gumamit nito pedo alam kong kaya kong gamitin toh. Pag natamaan sa kanya siguradong hiwa o putol ang matatamaan.

Agad siyang napahinto ng makita ang hawak ko at biglabg tumakbo papunta sa kasama niya at binuhat.

Napa ngiwi nalang ako ng makita kong natumba sila sa kamamadali.

Nakarinig ako ng maliit na yabag kaya napatingin ako sa direction nito at nakita ko ang batang babae na tumatalbo papynta sakin.

Sa tingin ko ay seven years old pa lang siya. Madumi at sira-sira ang damit at shorts. Madumi ang mukha at magulo ang buhok. Nakayapak rin siya.

Yumakap siya sa tuhod ko "Salamat ate" sabi niya

Ngumiti ako at umupo para magkapantay kami.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan kung mag sugat siya. Meron siyang sugat sa tuhod at siko.

Napatingin ako sa braso ko dahil kumirot.

May nakita akong hiwa dito. Siguro ay nadaplisan ako kanina. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba or hindi pero parang nagbago ang kulay ng dugo ko.

Naging kulay silver.

Napailing nalang ako dahil imposible iyon

"Ayos naman po. Kayo po? Ayos lang po ba?" Tanong niya.

Ang sarap kurutin ng mukha niya

Tumango ako "Anong pangalan mo pala cute girl?" Bigla kong tanong.

Sabi kasi ni Mama ay tanungin ko muna ang pangalan ang tao bago ko kausapin.

Humagikgik siya. Wahhhhh ang cute at ang liit ng boses niya 😍

"Ang pangalan ko ay Diane. Kaya ikaw? Anong pangalan mo little cute girl?" I asked her again

"Ang pangalan ko po ay Trinity" Trinity said while giggling

★★★★

(Laura)

Abangan sa susunod na kabanta:

-Ano ang nangyari at bakit may mga nararamdaman siyang kakaiba?

★★★★

Hanggang sa muli, paalam :)

(Leather arrow quiver)

(Katana)

(Archery guard)

(Tactical bowie knife)

次の章へ