webnovel

Wife

Inspired ako sa paggawa ng wedding gown ni Margareth. Pakiramdam ko kasi sa akin 'yung ginagawa ko.

"Matagal ka pa ba dyan?" Napalingon ako kay Jared, nakalimutan ko na kasama ko pala sya. Tumayo sya sa harapan ko.

"Ah, oo eh. Kailangan kasi makita kaagad ni Margareth." Tinuloy ko ang pagdadrawing. "May pupuntahan ka ba?"

"May meeting ako."

"Sige, mauna ka na lang. Uuwi na lang ako mag-isa." Tinuon ko ulit ang atensyon sa design. Kailangan kong gandahan.

"Hihintayin kita. Isasama kita sa meeting." Napatingala ako sa kanya.

"H-Ha? Wala naman akong maitutulong doon." Akala ko aalis na sya, 'yun pala ay naupo lang sya.

"I'm giving you 10 minutes, kapag hindi ka pa tumayo dyan ay hihilain kita." Seryosong sabi nito at inilabas ang cellphone.

Hindi ko na hinintay matapos ang 10 minutes, kaagad na akong tumayo dala ang sketch pad, doon ko na lang tatapusin.

"Nanita, ikaw na ang bahala dito. Mauuna na kami." Sabi ni Jared pagkalabas namin ng office.

"Salamat po Ma'am at Sir." Nakangiting sabi Nanita, ngumuti na lang din ako.

Saglit lang ay nakarating na kami sa Montefalcon Inc. Sinalubong kami ng mga empleyado na bumabati.

"Sir, nasa meeting room na po ang lahat." Napatingin ako sa secretary ni Jared. Napakaganda nya at mukhang istrikta. Napatingin sya sa akin."Mrs. Montefalcon."

Nagulat ako. Alam nya? Ngumiti na lang ako.

"My apology. We're late." Nagsitayuan lahat ng marinig ang boses ni Jared. Naupo sa tabi 'yung secretary nya kaya tumabi ako.

"Mrs. Montefalcon, doon po ang upuan nyo."

"Ha?" Tinuturo nung secretary 'yung katabing upuan ni Jared sa unahan. "Ay hindi na. Dito na lang ako."

"Reserve na upuan po 'yun para sa inyo." Inalalayan ako nitong tumayo.

"H-Hindi na."

"Elaisa. Sit here." Nagtinginan sa akin ang lahat at may nagbulong-bulungan.

Kagat labi akong tumayo at naglakad papunta sa harapan. Halos masira na 'yung sketch pad dahil sa sobrang kaba ko. Tumingin ako sa mga nakaupo, at napansin ko na 'yung isang babae ay masama ang tingin sa akin. Hindi ko na lang sya pinansin.

"And let's start.."

Sa totoo lang, wala akong naintindihan sa mga pinag-uusapan nila. Puro stocks, budget, building at kung ano-ano pa. Mas lalo akong bumilib kay Jared, kayang-kaya nyang sagutin lahat ng tanong sa kanya.

Hindi tuloy ako natapos sa pagdedesign. As in wala akong nagawa. 6pm na ng matapos sila sa meeting at napagdesisyonan na kumain sa isang chinese restaurant.

"Jared." Hinila ko ang suit nya para mapansin ako.

"Why?" Nakakunot noo na tanong nya sa akin.

"Kailangan bang kasama pa ako?" Alanganing tanong ko.

"Of course." Sagot nito at dire-diretso ng pumasok sa loob. Wala na akong nagawa kundi at sumunod na lang.

"Mr. Montefalcon, hindi mo pa pinapakilala sa amin ang magandang babae na kasama mo."  Natigilan ako sa pagsubo ng magsalita ang isa sa mga kasama namin. Tingin ko ay nasa 40 years old na sya.

"This is Elaisa." Maiksing sabi ni Jared. Wala ng kasunod.

"Hello po." Isa-isa kong nginitian ang mga nasa lamesa.

"So I assume that you own a big company." Sabi naman nung babae na tingin ko ay nasa 45 years old.

Napangiti ako ng alanganin. Ano pa ang pagmamay-ari ko? 'Yung Elaisa's Closet.

"Isang maliit na boutique lang po." Nilingon ko si Jared, kumakain lang sya.

"How humble you are. Ano ba ang pangalan ng company mo? I haven't heard your name before." Tanong ulit nung babae.

"Ela--"

"She's my wife." Natahimik ang lahat sa sinabi ni Jared. Kahit ako ay hindi makaimik. It's the first time na ipakilala nya ako bilang asawa.

"Oh? Really? I was shocked. So you're Elaisa Montefalcon?" Tumango na lang ako.

Tapos na kaming kumain pero hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko kaya tahimik na lang akong nakinig sa kanila.

"So, how long have you been married?" Naghihintay ang lahat sa sagot ni Jared.

"One year."

"Really? How come we didn't know that?" Tanong ni Mr. Chua.

"Are you ashamed because of her?" Napatingin ako sa babae kulang na lang ay magbra. Kanina ko pa 'to napapansin na malagkit kung tumingin kay Jared.

"Can't we have our own privacy?" Nagulat din ako sa sinabi ko. Oo mabait ako, 'wag lang ako uumpisahan.

"Yes you have dear. Nakakapagtaka lang, it's so clean. To think that you marry one of the hottest bachelor in the country." Tinaasan pa ako nito ng kilay.

"Are you jealous? You sound so bitter." Natatawang sabi ko at tinaasan ko rin sya ng kilay. Naramdaman ko ang kamay ni Jared sa kanang hita ko pero pinalis ko 'yun. Hindi nya manlang ako tulungan? Alam ko naman na kinakahiya nya ako eh.

"Me? Are you kidding? Why should I?" Tumawa pa sya ng plastic.

"I don't know. It seems like you like my husband and you're jealous because he marry me." Ngumisi pa ako. Naramdaman ko na naman ang kamay ni Jared sa hita ko at marahang pinisil 'yun. Kinilabutan ako. Hinayaan ko lang ang kamay nya doon kasi kahit ano namang tanggal ko ay ibabalik nya pa rin 'yun.

"Wow, so boastful of you. Look at yourself and me?" Mapanglait na sabi ko.

"Well, I dressed formal and you? Did you just came out from a night club?" Inosenteng tanong ko. Nanggigigil na ako sa galit.

"Sweetheart, Calm down." Bulong sa akin ni Jared. Inirapan ko lang sya.

"You're funny." Ngumiti ng alanganin 'yung babaeng ampalaya.

"Mas lalo ka na." Nginitian ko rin sya.

"We have to go. It's already late. Thanks for the dinner." Nagpaalam na kami sa mga business partner nya. Tinignan ko pa saglit 'yung ampalayang babae at nginisian.

"Bye." Kumaway pa ako.

次の章へ