webnovel

Trauma 2

THIRD PERSON'S POV

"T-Tito, parang awa nyo na po. Tama na po, tito. T-Tito." Mahinang usal ni Elaisa.

Awang awa na sya sa sarili nya. Minsan na syang nagahasa at ayaw nya ng mangyari ulit 'yun, pilit nya ng kinakalimutan ang ala-ala na 'yun pero unti-unting bumabalik dahil sa ginagawa ng lalaki pinakamamahal nya.

"Tito! Tama na po. Nagmamakaawa po ako. A-Ayoko na po. Hindi na p-po ako magsusumbong kina m-mama." Wala sa sariling sabi nya. Suko na sya, hindi na sya makakalaban. Hinding hindi na sya makakatakas sa masamang karanasan nya.

Tila natauhan naman si Jared sa narinig nya dahil bigla lang napatayo. Halos sabunutan na nya ang sarili dahil sa nakikitang itsura ni Elaisa. Puro pasa ang katawan at may dugo sa gilid ng labi. Kaagad nyang tinanggal ang pagkakatali nito.

"E-Elaisa." Hinawakan nya ang mukha nito.

"Wag! Wag! Hindi na ako lalaban! Wag mo po akong sasaktan! Tito!" Nagwawala na si Elaisa. Namaluktot ito sa gilid ng kama.

"No! I won't hurt you." Pili nyang nilalapitan si Elaisa pero kada hawak nya ay umiiyak ito at kung ano-ano ang pinagsasabi.

"Tito! Parang awa nyo na po!" Paulit ulit na sigaw ni Elaisa habang nakapikit.

Nakaramdam sya ng awa sa nasasaksihan nya ngayon. Hindi kaya may masama itong karanasan?

Nagdilat ng mata si Elaisa, at halata doon ang takot. Nanginginig pa ito at umiiyak.

"A-Ayoko na, please." Pinagdikit pa nito ang dalawang kamay.

"I-I'm sorry. Nadala lang ako ng galit." Hahawakan nya sana si Elaisa ng pumiksi ito. Napailing na lang sya. Inabutan nya ito ng kumot.

Tatayo sana ang asawa nya ng bigla itong matumba at mawalan ng malay.

----

It's been three days at hindi pa rin nagigising ang asawa nya. Traumatic stress is the reason why she passed out, kailangan nitong sumailalim sa therapy pag gising para maiwasan ang ganoong pangyayari. Napasabunot si Jared sa sarili. Hindi nya pa nasasabi ang nangyari sa Mommy nya, hindi nya alam kung paano.

Ang una nyang aalamin ay yung mga sinasabi Elaisa kanina.

"T-Tito, parang awa nyo na po. Tama na po, tito. T-Tito."

Naikuyom nya ang mga kamao nya. Napakatanga nya, nagpadala sya sa galit at init ng ulo. Tinignan nya ang asawa mahimbing natutulog.

Hindi ito ang unang pagkakataon na dinala ang asawa nya sa hospital, unti-unti na syang tinutubuan ng konsensya. Paano nya nagawa ito sa asawa na walang ibang ginawa kundi ang asikasuhin sya?

"Ate!" Natigil sya sa pag iisip ng marinig ang maingay na boses ng nakababatang kapatid. "Kuya!" Umiiyak ito na yumakap sa kanya.

"Why are you crying?" Naguguluhang tanong nya.

"S-Si Ate? Okay lang ba sya?" Tanong nito at naupo sa sister in law na tulog pa rin hanggang ngayon.

"Yeah, sabi ng mga doctor, magigising din sya. Kailangan nya lang magpahinga." Pagkatapos kong magpaliwanag ay nakatanggap ako ng hampas sa braso.

"Anong ginawa mo sa kanya? Isusumbong kita kay Mommy!" Sigaw nito at hinampas na naman ako. Hinawakan ko sya sa braso dahil masakit na, though I deserve more than that.

"Nagkasagutan lang kami kanina." Umiwas ito ng tingin sa kapatid.

"Last na 'to kuya, kapag may nangyari ulit na hindi maganda kay Ate, isusumbong kita kay Mommy at Daddy!" Inisnaban sya ng kapatid at lumapit ulit sa sister in law.

Napakamot na lang sya ng ulo. Sa loob ng ilang buwan na pagsasama nila ng asawa ay hindi nya ito kinayang mahalin, lalo na't maiisip nito ang dahilan ng pagpapakasal sa kanya. Pera.

Pera ang katapat ng magulang nito kaya sya ipinakasal sa kanya. Wala syang nagawa dahil ang Mommy nito ang nasunod.

"Kuya! Gising na si Ate!" Natatarantang sigaw ni Jewel.

Kaagad na lumakad papalapit si Jared sa asawa. "Elaisa." Tawag nya dito.

Nanlaki ang mata ni Elaisa ng makita ang lalaking nanamantala sa kanya. Kaagad syang naiyak, natatakot na baka saktan at gamitin na naman sya.

Bumabalik na naman sa ala-ala nya ang nangyari, ayaw na nya. Suko na sya.

"Lumayo ka...sa akin! Wag k-kang lalapit! Wag! W-Wag!" Naghuhurumintadong sigaw nito.

"Sweetheart, It's me Jared." Pilit nyang hinahawakan ang kamay ng asawa pero winawaksi sya nito.

"Wag po! M-Maawa po kayo." Humahagulgol na sabi nito. Umupo ito at pilit na isinisiksik ang sarili kay Jewel na umiiyak na rin.

"Kuya!" Sigaw ng kapatid.

Napatungo na lang sya at saka lumabas ng kwarto. Sa sobrang inis ay nasuntok nya ang pader ng hospital.

Bakit ganoon ang reaksyon sa kanya ng asawa nya? Bakit takot na takot ito? Dahil ba sa pagpupumilit nya?

Kinuha nya ang cellphone at may kinontact. "Ivan. I need all information about my wife, her past, people around her, the accident. Everything." Sabi nya sa kausap.

[Yes, Sir.] Sagot ng nasa kabilang linya. Ivan is his private investigator and a close friend.

Napabuntong hininga na lang sya.

次の章へ