webnovel

Tonton Lizares

NEWTON ISAAC L. LIZARES

"Who wants to volunteer to send this personally to the Leonardia - Osmeña family?"

We all stop from what we are doing and look at Mommy when she approached us as we re-arrange and cultivates her plants. She's holding something, like a paper. And what we are doing now is not a bonding of our sibling union, it's kind of a punishment. Domino effect. Kuya Deck did something, kaya pati kami nadamay sa parusa. Kuya Deck kasi, masiyadong tanga, hindi nag-iingat.

Pero may kasalanan din naman ako. Si Kuya Deck lang talaga 'yong medyo tanga kaya nalaman nina Mommy at Daddy kaya kami ngayon nandito.

"Mommy, isn't it enough that we cultivate all your plants?" sabat ni Siggy, halatang pagod na pagod na rin.

"Ah, so nagrereklamo ka, Sigmund? I still have a lot of plants at the greenhouse that needs abono. Or you can make araro the nearby land. It needs araro, badly."

Pfft. Mas lalo lang nalugmok ang mukha ni Siggy sa sinabi ni Mommy.

"Mommy naman!"

"So, shut up, Sigmund, and just do your work!"

"Tumahimik ka na nga, Siggy. Madagdagan pa 'tong gawain natin, lulunurin talaga kita sa balon."

Napa-iling na lang ako sa pinagsasabi nitong si Sonny. Makapagsalita parang hindi mas matanda sa kaniya ang kinakausap niya.

"Any volunteer? Nothing? O-"

"My!" I raised my hand and got her attention. Tinanggal ko na rin ang suot kong gardening gloves.

"We have a volunteer! Come here, Isaac!" She smile widely and convince me to approach her.

"Mommy, ako na lang!" sabi pa ni Kuya Deck nang makalapit ako kay Mommy.

"You are prohibited to go out of the house for the whole day, Rene! Shut up too and continue cultivating that plant."

Uungot-ungot namang nagpatuloy si Kuya Deck sa ginagawa niya. Mommy faced me.

"I want you to give this personally to your Tito Rest or Tita Blake or whoever is in their house right now. Understand, Isaac?"

"What's this, My?" I asked while she's giving me that piece of paper in an envelope.

"An invitation for the anniversary of the milling."

My brows furrowed as I checked on that invitation. It has the company's name imprinted on it and on the other side is the Leonardia - Osmeña family's name. There are lots of Osmeña in town, so you must emphasize the other names etched on their family if you want to recognize who will you dealing with.

"Wala po ba kayong organizer para magbigay sa kanila nitong invitations?"

"Magrereklamo ka o ipagpapatuloy mo 'yong ginagawa mo kanina? I told you, Isaac, the nearby-"

"Okay na, My! Aalis na po ako! Can I use the car, right?" I kissed her cheek to finally dismiss her.

"Just be home after doing the task!"

"Kuya! Dala ka pizza, please! Nakakaumay na ang dried fish!"

"Do not ever say nakakaumay ang dried fish, Thomas!"

Napangisi na lang ako sa reklamo ng mga nakababata kong kapatid as Mommy tried to scold them again. Bukod kasi sa pinag-ayos kami ni Mommy sa lahat ng tanim niya sa malawak naming bakuran, pinagbawalan din kaming kumain ng kahit anong meat sa araw na ito. Tanging ang ipinakain niya sa amin kaninang umaga ay danggit at iba pang klaseng tuyo. Kaninang pananghalian naman ay ang sardinas na galing pa talaga sa lata. 'Yong hindi pa talaga ginisa man lang o ininit. Hardcore 'yong parusang naranasan namin ngayon. I can already imagine the worst na ulam namin mamayang gabi. And I can imagine na walang merienda'ng magaganap kaya mabuti na sigurong umalis ako at napag-utusan.

Hindi na ako nag-atubiling magbihis pa ng damit. Okay pa naman itong suot ko at hindi pa naman ako masiyadong pinagpapawisan sa ginagawa namin kanina. And I needed this distraction instead of diverting it to the plants. Baka mapagdiskitahan ko 'yon at masira pa, mas lalo lang akong mapapagalitan. I just need this time to think.

Pero pisting yawa! Kinse anyos na katulad ko? May iisipin talaga? Pisti naman kasi. Sa lahat ba naman kasi ng mapapansin ko, ang bestfriend pa ng Kuya ko.

Our family driver assisted me in getting the car then I drove to the Leonardia - Osmeña's house. Sabado ngayon. Paniguradong walang tao sa bahay nila but I went anyways. Gusto ko lang munang makatakas sa gawain. Kuya Deck isn't allowed to go out of the house. Einny's kind of like planting, one thing he got from Mommy kaya hindi man lang nakinig sa usapan kanina kasi masiyadong tutok sa mga pananim. Sonny and Siggy are still babies in our eyes so, can't let them go easily and let them drive away. While Darry… well, he's saved. He's always saved. Sana nga ako na lang ang bunso para nasa ibang bansa rin ako ngayon.

The Leonardia - Osmeña's house isn't that far. When I got there, I just parked the car beside their big fence made of pure steel alloy and walked to the main gate where the guard post stood.

I asked the family's whereabouts. Ang sabi ng guard, the parents aren't there but the two kids are. Kaya agad akong pinapasok. Pero bago ako nakapasok, napatingala ako sa third floor ng malaki nilang bahay. It's an open area there kaya makikita mo agad kung may tao ba roon. I believe it's their gym area.

I saw Yosef malapit sa barandilya ng third floor. He's talking with a girl that is surely not Tonette because Tonette has a short curly hair while that girl, who's talking with Yosef and holding a punching gloves, is a long-haired girl. Naka-side view kasi kaya hindi ko masiyadong mamukhaan.

One of their housemaids guided me inside the house. The other one called the attention of Tonette, na ayon sa kaniya ay nasa kitchen daw, abala sa baking session niya.

Kuya Deck must be really frustrated by now. Kaya gustong-gusto niyang siya ang pumunta rito para makita niya si Tonette. Crush niya kasi talaga si Tonette. Maasar nga mamaya.

"Ton, hi! Diretso ka na lang sa itaas, nandoon si Kuya. Kailangan ko pa kasing i-check 'yong bini-bake ko, malapit nang maluto."

I quickly studied Tonette's get up. She's cute with her pink apron on and pink gloves pot holder or whatever is that, I forgot what is that called.

"Okay. Third floor?"

"Mm-Hmm, third floor. Susunod ako."

I nodded at Tonette as I walk through their stairs that will lead me to the last floor of their house.

Pero habang papalapit ako sa palapag na iyon, mas klaro ang naririnig kong ingay na kanina ko pang naririnig. It's like Yosef and that girl are talking pero naririnig ko rin ang bawat suntok sa parang punching bag.

Pero hindi pa tuluyang nakakatapak sa huling baitang ng hagdan paitaas, tumigil na ako para panoorin sila sa ginagawa nilang exercise.

Sunod-sunod ang pagsuntok na ginawa ng babae habang si Yosef naman ay siyang nagpipigil sa kabilang side ng punching bag. Magaling siya, may mga mali lang sa stance niya, pero mukhang may maibubuga. Feeling ko rin malakas ang suntok niya kasi kitang-kita ko ang pag-atras ni Yosef sa tuwing susuntok ang babae. But they're talking with something that I don't really understand.

Who's this girl again?

But they they stop and they transfer to mitts. Nagpatuloy din ang usapan nila.

"Continue. Makikinig ako sa sasabihin mo."

"What I mean is… may nagugustuhan nga ako. Nagugustuhan ko 'yong mga babaeng nagagandahan mo, mga babaeng gusto mo rin."

What? She's a girl and she likes girls? Weird.

Yeah, I know, weird.

And I think I know who she is.

All I know is she's my crush's girl bestfriend.

Pisting yawa, Tonton! Ada? Again? Stop thinking about her!

"Punch harder, Zetty!"

Yeah, she is indeed Ada's bestfriend. Her name's Zetty pala? Nakikita ko lang siya kapag nagtitipon-tipon ang barkada ni Ada at minsan na nakikisama kami.

"You mean… you like girls?" Yosef continued.

Yeah, she likes girls talaga? Yeah, she's kind of a bit boyish like Ada but she's not the type na magkakagusto sa isang babae. Or am I wrong on judging her by her appearance even before knowing her? Stop it, Tonton, it's bad being a judger.

"Parang ganoon na nga."

"Katulad ka rin ng Mama mo?"

"Am I?"

"Continue! Punch harder!"

Nakakapanghinayang naman kung ganoon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kanilang dalawa nang marinig at makita ko sa ilalim si Tonette na paakyat na rin. Baka ma-weird-uhan kapag nakita lang akong nakatayo roon and basically eavesdropping from other's conversation.

I approach the two. The punches are getting stronger and hyper. But I halted when they talked again seriously. Lalo na nang magsalita si Yosef kahit na sumusuntok pa 'yong Zetty.

Sometimes, Yosef has this kind of sense of thinking that you can't imagine he has. Barumbado katulad ko pero seryoso pagdating sa buhay, lalo na kapag usapang pamilya.

Tuluyan akong nakalapit sa kanila, as in literal na nasa side na nila ako, like a coach watching his players practice.

But instead of greeting me in a normal way, a punch just landed on my face.

And it literally shaked my world. It shaked me to the core that I actually saw an angel approach me. Mabuti agad akong nagising sa aking pagkakatulala sa lahat ng nangyari. Kung hindi, baka sumama na ako sa anghel na nakita ko kani-kanina lang.

She said she's sorry and kitang-kita ko naman sa mukha niya ang pagka-guilty sa ginawa niya. Pero I still can't believe na kababae niyang tao, ang lakas ng suntok niya. It literally shaked my world. Nagka-aparisyon pa nga ako ng anghel nang mangyari iyon. Sana hindi niya napansin na nakatingin ako sa kaniya.

Sana hindi niya nalaman na dahil sa suntok na iyon, nag-iba na ang tingin ko sa kaniya. Sana hindi niya nalaman na dahil sa suntok niya, naliwanagan ako sa isang bagay na malabong-malabo sa akin noong una. Sana hindi niya nalaman na dahil sa kaniya, nagkaroon ako ng lakas loob para magkaroon ng girlfriend. Sana hindi niya nalaman na mas malakas talaga ang suntok niya kaysa sa mga lalaking nakasuntokan ko sa school. Sana hindi niya nalaman.

But plot twist… she likes girls. She fucking like girls!

One afternoon, under the heat of the scorching sun, I scrolled on my Facebook account. I saw some random posts that some of my Facebook friends were being tagged. Uncle Doane, Mommy's I-don't-know-how-many degrees cousin, and his wife Auntie Annellia, were one of the oldies I added on Facebook. In a random circumstances, it appeared on my news feed that they were being tagged by an account named Zetty Saratobias.

We were actually invited but due to my parents different, and kind of important, errands, hindi kami nakapunta. May pinuntahan din akong ibang lakad. At sana pala pumunta na lang ako. Sana pala pinilit ko na lang ang mga kapatid ko na pumunta sa first birthday ng third child nina Uncle Doane and Auntie Annellia.

Because she was there. She posted a photo of her and Medi playfully posed at the celebrant's cake. The cake is cute. Medi is cuter. But she is the cutest.

I don't know but I just found myself staring at that photo for quite some time until I had the courage to comment a greeting to my so-far-away relative. I can comment to Uncle Doane and Auntie Annellia's post about their youngest but I chose to greet Medi on Zettiana's post. I don't know. I just don't know.

When I got the courage to comment on her post, naghintay naman ako ng isa pang oras. I also don't know why I am just staring at that photo. Aware akong para na akong tanga pero ewan ko ba!

And then she added me. She added me! Zettiana Aelexandrae Saratobias just added me on fucking Facebook! What the hell?!

I... uh… actually didn't know what to do. I don't know. It just gave me courage to hit other girls. It gave me courage to have a girlfriend now.

But yeah, she likes girls. She still like girls.

As I rummage through my old files from my DSLR. A group picture from summer of two thousand five appeared on my files. We were with the Osmeñas and their friends and then I saw her from that picture. Natawa lang ako kasi nakasimangot siya sa picture na iyon. She's directly looking at that camera but she's obviously not in the mood and ang gago ko kasi nakalimutan ko na kung anong nangyari sa araw na iyon, kung bakit siya nakasimangot, kung bakit kami nagkasama nang araw na iyon. Maybe I was too focused with Ada in the past years that I totally forgot that she already existed in my life a few years back.

Kung hindi pa pala ako nasuntok, hindi ko pa siya mapapansin. And I am still an asshole for noticing her kahit na obviously… she likes girls. Fucker.

"Oy, pupunta ka sa birthday ko 'di ba?"

I was playing counter strike when Therence, my childhood buddy, asked me that. Hindi ko nilubayan ang tingin sa screen pero sinagot ko naman ang tanong niya.

"Mommy confirmed the attendance. So, we're coming," kibit-balikat na sagot ko.

"Pupunta ba si Decart at Einny?"

"Dunno. Kuya Deck's busy with college. Einny's busy all year round, so don't expect him to come."

"Ang daya naman niyang si Einstein. Kapag nagkikita-kita kayo with the Osmeñas, present ang attendance niya. Pero kapag kami nagkaroon ng important event, hindi naman siya uma-attend."

"You don't know how many batoks Einny received and Kuya Deck did just to drag his ass for that. At saka, he's more motivated to join the group than joining some social events. Hindi ka naman kasi crush ni Einny."

"Wow! Salamat ha? Salamat sa pagpapamukha sa akin na wala talaga akong pag-asa kay Einny."

Natawa ako ng kaonti kahit na talo naman ako sa nilalaro ko. Sumandal ako sa gaming chair niya at napatingin sa kaniya. She's busy with her laptop.

I'm here in her house, wasting time. Madalas ako rito kaya hindi na nakakapanibago. Therence is so cool to be with kaya kami nagkasundo. Kung hindi lang siguro sila nag-transfer ng high school dito sa city namin, baka araw-araw ko nang nakikita ang pagmumukha nito.

"Wala ka talagang pag-asa. Kasi kapag si Einny may nagustuhang isang babae, hindi na niya inaalis ang tingin niya sa babaeng iyon."

"So… it's true then? Crush nga niya si Farrah?"

"Mahal…" I corrected. "Paracetamol lang malakas!"

She pouted and gave her attention to me. "Ang sayang naman. Pero sige lang, hindi ko rin naman type 'yong mga nerdy guys."

"Ako na lang kasi ang shotain mo. Hindi naman ako nerdy."

She dramatically rolled her eyes and showed me her middle finger. "Asa ka pa! Hindi ka nga nerdy but you're an asshole. At saka, magugunaw na lang ang mundo't ikaw na lang ang maiwan na lalaki rito, hinding-hindi talaga kita papatulan."

I look at the screen and smirk. "Okay. Likewise. The feeling is mutual."

After a while, Therence's twin sister, Therese, barge in her room. Tiningnan niya lang ako na parang hangin at agad dumiretso sa kama kung saan nakadapa si Therence habang nakatingin sa laptop niya. Padarag siyang umupo sa edge ng kama at masamang-masama ang naging tingin sa kaniyang harapan. Nagkatinginan pa kami ni Therence nang malingonan ko ang puwesto nila but she just shrug her shoulder kaya ibinalik ko na lang ang tingin sa computer ni Therence.

"Why didn't you tell me that Fedgie surprised Zetty yesterday?"

I was about to click the play again button when I heard Therese mentioned Zettiana's name. Bumalik ang tingin ko sa kambal at nakinig sa susunod na pag-uusapan nila.

"Ano naman ngayon kung hindi ko sinabi?"

"You know naman I was absent yesterday! And it's her birthday. Fucking braces naman kasi!"

Yeah, it was her birthday yesterday. Nalaman ko dahil kaniya-kaniyang post ang mga kaibigan niya sa kaniya sa Facebook. Lahat naman 'yon ni-like ko pero ang gago ko, hindi ko man lang binati si Zettiana.

At saka, ano 'yong sinabi ni Therese? May sumorpresa sa kaniya? Gago! Hindi ko alam ang tungkol dito ah? They never mentioned about it on Facebook.

"Sus ko. Ano naman ngayon kung hindi ko sabihin? Akala ko nga alam mo na kahapon, e. At saka, wala 'yon, busted si Fedgie. Tawang-tawa nga ako sa ogag, pahiya siya, e."

"Busted?"

Yeah, busted?

"Yep. Hindi na sinabi kung anong rason. Base sa mga kaklase natin, ang sabi raw ni Fedgie, wish niyang sagutin siya ni Zetty. 'Tang ina ang ogag. Nagwi-wish kasi kahit hindi niya birthday, kaya ayan, semplang ang panliligaw hindi pa lang nagsisimula."

A small smile crept in my lips when I heard that. I don't know the reason but yeah, mabuti nga't busted. That Fedgie guy did deserve that though. He deserved it for pressuring Zettiana in front of the crowd.

"Ton, can you use headphone?"

Napatingin ako sa kambal nang tawagin ni Therese ang attention ko. Tumango rin si Therence sa akin, encouraging me to command Therese's utos. Kinuha ko na lang ang headphone sa tabi ng CPU and wear it.

"Yeah, sure."

Isinuot ko ang headphone, played again the counter strike, but with a low volume.

Hindi ako chismoso! Nagbabakasakali lang na i-mention ulit ni Therese ang pangalan ni Zettiana.

"Ate… I'll invite her on our birthday."

"Zetty?"

"Yep. I think kailangan ko nang umamin."

Umamin? "Fuck!"

Yeah, I know, I cursed aloud. It's reasonable because namatay ako sa counter strike at nagulat na rin sa sinabi ni Therese. Pero… anong umamin?

I can feel that Therence looked at me pero hindi ko na pinansin. Mukhang hindi rin naman nila ginawang big deal ang pagmumurang ginawa ko. Nagmumura naman talaga ako kapag naglalaro ng ganito.

"What? Aamin ka na?"

"Oo. I'm gonna show her the painting on our birthday. Yosef said about her mother being a lesbian. It gave me a chance to tell her what I'm really feeling, baka sakaling matanggap at maintindihan niya rin ako. Tapos b-in-usted niya pa si Fedgie. Baka 'di ba magkaroon ako ng pag-asa?"

Wow! Wait, teka, sandali! Therese likes Zettiana? What the fuck?

Humigpit lang ang hawak ko sa mouse as I listened to their conversation but hindi na ulit nasundan pa. I was basically dead-staring at the screen while thinking thoroughly about the twins' conversation about Zettiana.

But that didn't happen again.

Sumandal ako sa gaming chair and sip on my fair share of coffee as I was staring at my shots I took today. Buong araw akong tulog at buong gabi rin akong gising. Parehong ginagawa ang mga dapat gawin at binabantayan kung saka-sakaling magising ang bata.

Simpleng larawan lang naman itong nakikita ko ngayon but it took me back to the time where I first notice her.

It's been a year since I left.

Paglapag ko sa mug, sumilip ako sa maliit na siwang ng pinto na sinadya kong buksan para agad na makita kung anong movement ng kuwarto. Nang makitang at ease pa rin ang kuna ni Haz, muli akong tumingin sa screen.

I exit the tab and click the Z album. I, once again, inflict myself the pain I never thought I'll feel for the rest of my life.

Ayon nga kay Therence, umamin nga si Therese nang gabi ng birthday party nila. I saw her there. Tatamarin na sana ako ng gabing iyon pero nang makita siya, ginanahan na ako. Nawala rin agad ang excitement ko nang dalhin siya ni Therese sa second floor, kung saan ang rooms nila.

I think that was the time she confessed to her.

But thanks to my asshole brothers and pursuant parents at naihatid namin siya pauwi. Gusto ko siyang kausapin nang gabing iyon, makipagsabayan sa biruan nila tungkol sa araw ng pagsuntok niya sa akin that happened two years ago pa. Pero hindi ko magawang makipagsabayan dahil mas iniisip ko ang confession na ginawa ni Therese.

Tinanggap kaya niya?

It went on for months pero wala akong narinig na kahit anong balita tungkol sa kanilang dalawa ni Therese. Naging normal naman ang takbo ng buhay nila. At kahit tanungin ko pa si Yosef, alam kong wala ring sasabihin ang isang iyon.

Baka nga hindi niya tinanggap. Sana nga hindi tinanggap.

Hanggang sa nakita ko siya after the first day of simbang gabi. Actually, sumasama naman talaga ako sa parents ko na mag-simbang gabi dahil sa kaniya. Noong nakaraang taon, nang minsang sumama ako isang araw, nakita ko siya kasama ang grandparents niya. Na-mention no'ng Lola niya kay Mommy na sumasama talaga ang apo nilang si Zettiana kapag simbang gabi pero minsan daw ay hindi.

And that became my motivation to join simbang gabi the next year. Wala akong pakialam kung makulangan man ako sa tulog o kung ano, basta gusto ko lang mag-simbang gabi ngayon.

I got gigs, photography gigs, during the Paskuhan sa Yutang Bulahan but nagsumikap pa rin akong maka-attend ng simbang gabi at sumama kina Mommy at Daddy kahit kulang-kulang sa tulog.

Nakaka-engganyo kasi siyang makita, lalo na kapag eksaktong nagsi-sermon na si Father pagdating sa homily ay nakatukod ang ulo niya sa balikat ng Lola niya. Minsan naman sa Lolo niya. Tapos kapag mag-uusap na ang grandparents niya at ang parents ko, doon ko nalalaman na tulog pa siya noong panahon na iyon. Hindi ko kasi makikita agad kasi nasa likuran kami naka-puwesto pero straight na straight ang tingin ko papunta sa puwesto nila.

Nakakawala ng antok kapag nakikita ko siyang ganoon, promise. It's like watching a dramatic series in the middle of chaotic war.

Nag-simbang gabi ako para mapansin siya. Pero halos patapos na lang ang simbang gabi, palagi pa ring umuurong ang dila at buong pagkatao ko na yata kapag pinapansin niya ako. Palagi niya rin kasi akong nauunahan sa pagpansin tapos minsan tumititig lang siya sa akin. Nauunahan ako ng pagka-conscious dahil sa paraan ng kaniyang pagtitig. I hate it when her eyes isn't as expressive just like the others. Hindi ko tuloy alam kung anong ibig sabihin ng mga tingin niya. Bakit ba kasi siya tumititig. Hindi ko tuloy alam kung anong magiging interpretation ko sa titig niyang iyon.

Hanggang isang araw, dahil sa sobrang stress ko kung paano siya papansinin, nakapag-yosi ako ng wala sa oras sa simbahan at ang gago biglang may nakakita sa ginawa ko.

At sa lahat ba naman ay 'yong tao pang dahilan kung bakit ako na-stress.

"Kuya… someone caught me smoking at the back of the church."

Kuya Deck puff on his cigarette. Hindi niya alam kung tatawa o ano.

"Ang tanga mo naman. Sino? Sinumbong ka?"

Sinadya naming gawing alibi ang paglilibot para i-check ang mga tubo para makapag-smoke. Kuya Deck can legally smoke now because he's of right age. Ako kasi bawal pa kasi nga seventeen pa lang. At saka, ayaw din naming mag-smoke kasi naiirita si Mommy sa smell ng smoke at ayaw lang naming pahugasin kami ni Mommy kapag naabutan niya kaming nagyo-yosi mismo sa bahay.

"Bakit ka ba kasi nag-smoke sa gitna ng misa?" dagdag na tanong niya bago pa man ako makasagot sa unang tanong niya.

"Naiirita lang," pagdadahilan ko.

Oo, Kuya ko siya. Oo, kapatid ko siya. Pero hindi lahat kailangang malaman ni Kuya. At saka delikadong magsumbong kay Kuya Deck. Mas mapagkakatiwalaan pa si Einny kaysa sa kaniya.

"Kanino naman?"

"Sa taong nakakita sa aking nag-smoke sa likod ng simbahan."

"Teka, nairita ka sa taong nakakita sa 'yong nag-smoke sa likod ng simbahan? Bakit? Ano bang ginawa niya para mairita ka? Imposible namang mas naunang nakita ka niyang nag-smoke kaysa ang mairita? At saka sino ba?"

"Nicho and Justine's cousin."

"Si Zetty?" natatawang tanong niya kaya tumango ako. Muli siyang humithit sa sigarilyo niya at tuluyan na talagang natawa. "Hindi 'yan magsusumbong. Mukha lang 'yang sumbungera pero hindi 'yan nagsasabi sa iba."

Pinadaan ko ang dila ko sa labi ko at napatitig sa nagsasayawang tangkay ng tubo.

Nakakairita lang kasi. Minsan ko na nga lang makitang magkaroon ng ibig sabihin ang tingin niya, 'yon pang gulat na gulat nang makitang nagsi-sigarilyo ako sa likuran ng simbahan.

Sumakto naman ang sinabi ni Kuya Deck sa sinabi ni Zettiana kanina. Agad nga siyang nagsabi na hindi siya magsasabi sa iba pero ang gusto ko lang naman talagang sabihin no'n ay ang mag-explain sa nagawa kong paninigarilyo. Na gusto ko nang tigilan talaga ang bisyong iyon.

Pero saka na lang… sa birthday na lang ni Kuya Deck. Total pupunta naman siya.

Hindi ko alam pero mas lalo siyang gumanda nang ipaputol niya ang buhok niya. Yeah, she looks really good with that long, straight, kind of messy, hair. But she looks more confident with that cropped hair. Bagay na bagay sa kaniya. I really want to tell her that.

But me being an asshole, umuurong din ang kaluluwa ko sa tuwing kaharap siya.

At dumating ang birthday ni Kuya Deck. The whole gang: mga batang hamog ng simbang gabi, are here. Her cousins are here. Her friends are here. But she isn't.

Nang dumating sila, lalo na ang mga pinsan niya, ay kapansin-pansin na wala ang presensiya niya. Mas maingay 'yon sa lahat. Magkasing-ingay sila ni Ada. Yeah, Ada's here pero wala ang isa pang maingay.

Nang tanungin ni Kuya Deck para na lang akong naging lantang gulay nang marinig na nag-hiking siya. Maaga raw na pinuntahan ni Therese, ayon sa kuwento ni Justine, para ayaing mag-hiking sa Mt. Lunay. Pero baka raw maagang makauwi at susunod na lang. Baka susunod na lang.

Mas lalo lang akong nawalan ng gana nang pag-usapan nila ang tungkol kay Zettiana at Therese.

Oo, umamin nga si Therese pero ang hindi ko lang inaasahan ay tinanggap pala ni Zettiana ang confession na iyon ni Therese.

Buong akala ko hindi niya tinanggap! Buong fucking akala ko!

Parang gusto ko tuloy umakyat bigla ng Mt. Lunay. Pampawala lang sa stress na nararamdaman ko ngayon.

Pero paniguradong dadating siya. Hindi siya 'yong tipong uunahin ang ibang bagay kaysa sa lakad ng barkada. Ang sabi ni Yosef, in-assure daw talaga ni Zettiana na pupunta siya. Kapag nag-assure siya, talagang pupunta siya.

Pero sa kalagitnaan ng prayer para masimulan na ang lunch, biglang bumuhos ang isang malakas na ulan. Napatingin ako sa glass wall ng malawak na salas.

Nakababa na kaya siya? Sana nga. Sana papunta na siya ngayon dito. Sana nakababa na siya before pang umulan. Sana na-stranded lang siya sa bahay nila at papunta na dapat dito kaya natagalan. At kung ano-ano pang sana.

Sa loob naman ng manor ang handaan ni Kuya Deck kaya safe sa ulan at mga piling tao lang naman ang nandito kasi mamayang gabi pa ang mga kaibigan ng family namin.

Pero imbes na kumain, lumabas muna ako sa may porch ng manor. Tinatantiya ko ang ulan. Medyo malakas pa rin ito pero unti-unti na ring tumitila. Siguro mamaya ay titila na rin ito.

Dumiretso lang ang tingin ko sa direksiyon ng Mt. Lunay na saktong kitang-kita sa porch ng manor. Medyo malayo pero kitang-kita ng dalawang mata ko na wala na roon ang malaking krus. Akala ko nga namamalikmata lang ako pero nang tumila ang ulan, doon ko na-klarong wala na talaga ang krus.

Bumalik ako sa loob ng manor nang tawagin ako ng isa sa mga kasambahay. Hindi pa rin ako kumakain at kaya ako pumasok ay para makuha ang phone ko. But when I went back to the table, they're now talking with something else.

"Ano? Nakababa ba? Ang lakas ng ulan, oh?" Yosef asked Ada who's busy with her phone. Maya't-maya niya itong nilalagay sa tenga niya tapos ibaba naman agad pagkaraan ng ilang segundo.

"Kaka-reply lang ni Ate Nene… she's not yet in the house pa raw. Akala raw kasi niya didiretso siya rito. 'Yong ibang tao sa bahay, umalis din daw," sabi naman ni Justine habang patingin-tingin sa phone na hawak niya.

Are they talking about Zettiana?

Humigpit lang ang hawak ko sa headboard ng dining chair nang sagutin ni Ada ang tanong ko sa isipan.

"Hindi na talaga sumasagot si Zettiana, e. Unattended."

"Baka nandoon lang 'yon kina Therese tapos dead batt na ang phone niya. Wala na 'yon doon sa tuktok. At saka baka nga walang ulan doon. Mukhang dito lang banda sa amin," sabi pa ni Kuya Deck.

But I wasn't convinced. The moment Ada said she's unattended, hindi na nawala ang kaba sa puso ko.

Sana nga lang at walang ibang masamang nangyari sa kaniya.

"E, Ada, paano mo matatawagan ang phone ni Zetty, e, iniwan ng gaga ang phone niya sa bahay. 'Di ba kanina, nagri-ring lang? O, e, ngayon paniguradong dead batt na 'yon katatawag mo. Ang sabi ni Manang Nene, may maingay daw sa kuwarto nina Krezian. Nang i-check niya, nakita niya ang phone ni Zetty sa kama nito pero dead batt na."

Napatingin kaming lahat kay Nicho dahil sa sinabi niya. He's not even nervous at all. Mas lalo lang tuloy akong ninerbiyos nang malamang hindi niya dala ang phone niya! Bakit ba kasi nang-iiwan ng phone?

"Bahala na nga lang 'yang Zettiana na 'yan. Batukan mo na lang mamaya, Deck, kapag dumating," sabi pa ni Yosef.

Hindi man lang nabawasan ang pag-aalalang naramdaman ko kahit pa sabihin nila 'yon. Para bang sa bawat pagpatak ng segundo ay lalo lang akong kinakabahan.

Kung hindi ko narinig na sinabi ni Farrah ang tungkol sa post ni Therence, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.

Bigla kong nahiram ang motor ni Nicho dahil sa pagmamadali. Gumawa na lang ako ng rason para mapahiram ako. Mabuti naman at mabait, napagbigyan ako. Sinabi ko lang na may pupuntahan lang ako saglit, babalik din agad.

Pero bago tuluyang makaalis, sinubukan kong tawagan si Therence pero hindi sumasagot. Nag-chat na lang ako sa kaniya.

Newton Lizares: umakyat ka ng lunay? Pababa ka na?

Therence Anjelina Ponsica: wag ka ngang tumawag. Nandito si Fred.

Therence Anjelina Ponsica: oo. Pababa na kami. Nakakagulat 'yong malakas na ulan kanina.

Therence Anjelina Ponsica: natumba na 'yong krus sa lunay. Chika ko sayo mamayang gabi.

Newton Lizares: saan kayo after?

Therence Anjelina Ponsica: hahatid namin si zetty sa kanila tapos uwi tapos pahinga tapos maghihintay ng gabi para makapunta sa inyo.

Therence Anjelina Ponsica: bakit? Boring ba ang birthday ng Kuya mo?

Nang mabasang ihahatid nila si Zetty pauwi, doon ko napagpasiyahang dumiretso na sa kanila para maghintay. Isasakay ko na lang siya sa motor na ito ni Nicho para makapunta siya sa birthday ni Kuya Deck. Bahala na.

Nagawa ko pa nga'ng makipaglaro ng basketball sa mga tambay habang naghihintay sa kanila dahil sa sobrang tagal niyang makarating sa kanila.

Maya-maya lang ay nakita kong may humintong kotse sa tapat ng gate nila kaya agad akong nagpaalam sa mga kalaro kong tambay. Sinakyan ko ang motor ni Nicho at agad na nakarating, saktong paalis na ang kotse, sa tapat ng gate nila. Sinusubukan niyang buksan at sinilip pa ang loob ng gate.

Isang malaking kaginhawaan sa akin ang makita siyang buo at walang kahit anong galos sa katawan. Pero agad ding napanghinaan ng loob nang mapag-desisyonan niyang hindi na siya pupunta dahil sa pagod.

Parang gusto kong balibagin ang motor ni Nicho dahil sa sobrang inis, e!

Wala na ba talagang pag-asa? Talaga bang mas pinipili niya si Therese kaysa ang mapansin ako higit pa sa ginagawa niya ngayon?

Out of reflex, agad kong na-close ang tab ng folder na tinitingnan ko nang marinig ang mahinang iyak ng bata. Agad akong tumayo at lumabas ng make-shift office at pinuntahan ang kuna ni Haz.

Therese is sleeping soundly at mukhang hindi narinig ang mahinang iyak ng bata. Pero hindi ko na pinansin 'yon. Mas pinansin ko na lang ang batang nangangailangan ng atensiyon ko.

Pina-dede ko lang si Haz gamit ang formula na naka-prepare na agad. Tumahimik din naman siya at agad kinain ng antok nang maubos ang gatas. I hum a little until he really is asleep.

Napatitig ako kay Haz. Dalawang taon na rin pala ang nakalipas since that La Union trip that I swear I will never forget.

Kesyo dalawang taon, tatlong taon, o ilang taon pa 'yan, nagmistulang sariwa pa rin sa isipan ko ang lahat ng memories na ginawa namin together. All the effort I exerted. All the feelings I exerted. Lahat naman 'yon ay totoo. Walang halong panggagago. Ako lang talaga itong gago.

Matapos niyang mag-joke, iniwan niya lang akong bigla sa malapit sa banyo ng Osmeña mansion. Zettiana's obviously drunk by now. Sinubukan kong pigilan ang ngiti ko pero natatawa talaga ako, e. Bukod sa she called me Tonix, talagang nag-joke pa siya na kahit papaano ay havey naman. That made me up all night.

Sinundan ko siya sa paglalakad hanggang sa dumiretsong hilata siya sa malaking sofa ng grand living room ng mansion.

She's a mess but she still looks cute. Ganito pala siya malasing? Nagjo-joke? Naiihi? Agad natutulog? First time ko siyang makasabayan sa ganitong klaseng inuman at talagang sa debut pa ng dati kong crush. Kahit na nairita ako kanina sa closeness nila ni Therese, parang nawala ang lahat ng iyon nang makita ang estado niya ngayon. I got to see her drunk side, Therese won't. Perks of being a friend. Perks of being by here side.

Walang pag-aalinlangan ko siyang binuhat at agad inihatid sa guest room na tutulugan namin tonight. Nang dahil doon, nagkaroon ako ng chance para mapagmasdan ang tulog niyang mukha. Para nga siyang anghel kung matulog. Mukhang hindi nga ako nag-aparisyon nang suntukin niya ako. Talagang kaharap ko siya na mukhang anghel.

Sa sobrang tuwa, nakuha ko ang phone ko at kinuhanan siya ng picture. Ang cute-cute talaga nitong Zettiana'ng ito. Nakakapanggigil.

Pero ang sayang lang at sa kapwa babae pa nagkagusto. Fucker.

Ewan ko. Hindi naman ako lasing pero kung ano-ano na naiisip ko.

Kung hindi lang biglang pumasok si Nicho sa kuwarto, baka tuluyan ko nang nahalikan ang maamong mukha niya. Sa sobrang kaba, nakapaghanda ako ng rason para sabihin kay Nicho kung sakaling kuwestiyonin niya ang presensiya ko sa kuwartong parehong tutulugan naming lahat.

Pero laking pasasalamat ko na lang na medyo lasing na si Nicho nang makapasok.

"Sabi na, scam ang isang 'to. Magsi-CR daw pero nandito na," nagkandabuhol-buhol pang sabi ni Nicho habang nakaturo kay Zettiana.

Hindi yata niya ako napansin kasi dumiretsong higa na siya sa tabi ni Zettiana hanggang sa sumunod na ang kapatid niya na si Madonna at dumiretsong hilata rin katabi naman ng Kuya niya.

Minsan talaga ang weird ng mga Saratobias na ito. Kung hindi ko lang talaga alam na malayong kamag-anak namin ang mga Vaflor, baka iisipin kong ang promotor sa kanila ay si Nicho. Pero mukhang si Zettiana ang leader ng pagiging weird malasing sa kanila.

Napabuntonghininga na lang ako at pareho kong kinumutan ang magpi-pinsang ito. Naglatag na rin ako ng foam at naisipang matulog na lang din kaysa ang bumalik sa tumpokan kanina. Guardian angel muna ako ng tatlo.

But when the succeeding months went by, mas lalo na lang akong nawalan ng pag-asa. Lalo na no'ng mag-college at malamang nasa parehong apartment naka-stay ang dalawa. Dinagdagan pa na palagi siyang hindi sumisipot kapag naisipang magkita-kita ng barkada sa Bacolod.

Mas lalo lang akong nag-bisyo, nagbarumbado, naglaro sa buhay. Hindi na ba talaga matitibag ang relasyon nilang 'yan?

Bumalik ako sa make-shift office and sinimulang i-edit ang mga kailangang i-edit.

Back to work, Tonix. No more opening of unnecessary folders. This is your new life now. If you can't forget the past, just don't think about it rampantly. It's gonna be your death if you do.

Matapos ang ilang oras na pag-i-edit at unti-unti ko nang nakikita ang liwanag sa labas ng bahay, napagpasiyahan kong matulog naman. Hindi na rin naman nagising si Haz at paniguradong gigising na rin mamaya si Therese kaya it's time.

Huminga akong malalim, at dahil sa pagod, agad ding nakatulog.

Naging ganoon ang buhay namin ni Therese dito sa Massachusetts. Gising siya buong umaga, ako naman ang tulog. Tulog siya buong gabi, ako naman ang gising para magtrabaho at para na rin alagaan si Haz. Naging ganoon ang buhay namin hanggang sa lumaki-laki si Haz at unti-unti nang nakakagapang, kumakain, nagkakaroon ng reflexes na suitable at his age.

Natutunan ko naman ang maging ama. Pero hindi ko natutunan kung paanong magmahal ng iba.

One day, during college days, Therence asked to chauffeur her early in the morning. Sakto namang seventy-thirty din ang klase ko kaya dinaanan ko na siya sa apartment nila.

Ang plano ko, bababa ako at pupuntahan mismo si Therence sa apartment nila para makita ko kung anong situwasiyon nila roon. Pero malayo pa lang, natibag na ang plano ko kasi kusang nagpakita ang babaeng ichi-check ko lang sana sa loob.

Malayo pa lang, ibinaba ko na ang windshield sa side ko. Huminto ako sa tapat niya pagkatapos.

She called my name. Halatang nagulat. Sabagay, simula no'ng mag-start ang college days namin, hindi na kami palaging nagkikita. Ako, nakikita ko siya. Pero siya, hindi niya ako nakikita kasi masiyado siyang tutok sa Therese niya. Fucker.

Pero nang paglabas ni Therence at tawagin niya akong babe. Parang gusto ko siyang balibagin bigla. Hinalikan niya pa ako sa noo pagkatapos.

Gustong-gusto ko siyang offer-an ng hatid no'n pero masiyadong madaldal si Therence, pinapaalis na ako kaya umalis na lang ako.

Kung hindi ko lang kaibigan simula pagkabata itong si Therence, matagal ko na rin itong binalibag.

Ang sarap balibagin ng mga taong hadlang sa love life ko!

That was also the time, Therence offerred me to be her boyfriend. Subukan daw namin. Baka raw mag-work. O, e, ako 'tong gagong naglalaro, pumayag agad. Baka rin maging daan 'yon para mapalapit ako kay Zettiana.

There is an improvement to that. Dahil sa pagpayag kong maging kami ni Therence, nagkaroon ako ng access sa apartment nila. Nakita ko ang loob. Nakita ang higaan niya. Nakita ko ang mga gamit niya. Nakita ko ang space niya.

Sa tuwing pupunta nga ako roon, mas gusto ko 'yong umuupo sa kama niya. Minsan napapahiga na rin at pa-simpleng niyayakap ang unan niya kapag napapasarap ang usapan namin ni Therence.

Ang gago mo talaga kahit kailan, Newton! Pero isang maabilidad na gago!

Pang-limang beses na akong nakapunta sa apartment nila nang bigla siyang dumating. Akala ko talagang nakauwi na siya, pero may kinuha lang. Monthsary daw nila. Yuck, ang corny.

Umalis din siya agad matapos makuha ang dapat kunin. Mukhang pinuntahan nga si Therese. Wala na lang talaga akong nagawa kundi ang sundan siya ng tingin paalis. Gusto ko sanang sa labas na kumain pero nakapagpa-deliver na kami ni Therence at ihahatid na lang kaya wala ring nagawa.

Nang kunin ni Therence ang order sa labas. Nagkaroon ako ng chance na tingnan ang naiwan niyang blueprint tube. Tiningnan ko ang lahat ng gawa niya.

No wonder architecture ang kinuha niya. Bagay na bagay nga siya sa field na ito.

Her name is Zettiana Aelexandrae Saratobias, a second year student of BS Architecture at La Consolacion College - Bacolod. Kung forte ko lang talaga ang pagdo-drawing, sinamahan ko na sana siya sa LCC. Kasi kahit hindi ko kayanin ang course na iyon, kung may puhunan lang ako sa pagdo-drawing, sinubukan ko sana.

She likes banana muffin. She wants to have an art exhibit of her own works than to focus on being an architect. She loves her Mama but she never said she love her. She's a month older than Nichodemus Vaflor. She likes mindight conversation, kasi para sa kaniya, mas seryoso ang tao kapag tahimik na ang mundo. She loves doing adventures but she's too afraid to take some risk. But if needed, she will take the risk. She loves painting. She never met her father and we never talked about it because I respected that side of her life. She loves to explore. She hates cheater. She's joking, even if it's corny, when she's drunk. She's more likely to tell some unnecessary secret when she's drunk. She's real when she's drunk but it doesn't happen always kasi marunong na siyang mag-control sa sarili niya kapag inuman na. She's the coolest person I've ever known. She's unvulnerable. She's hard to read. She's hard to understand. She's eager to learn new things. She's bubbly. She's cute. She's beautiful. She's amazing. She's… the one I love the most.

My favorite memory of her, from all the memories we made, was when the time she fell asleep on a plane. Originally ay nasa balikat ni Nicho siya nakasandal. But Nicho stood up dahil pupunta raw lavatory. Ipinasa niya ang ulo ni Zetty sa balikat ko. That was the time, na ramdam na ramdam ko ang biglaan kong pagngiti kahit sa simpleng posisyon lang namin na iyon. She's so near. I can literally smell her hair. But still, she's yet too far to reach.

Parang kulang na kulang ang bugso ng hangin para maabot siya.

"Masarap ba?"

Nilasahan ko ang scrambled egg na niluto ni Therese. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Mm-Hmm. Sakto na ngayon ang timpla."

"Talaga? Hindi na maalat?"

"Hindi na."

Therese smiled in relief at saka kumuha ng sariling share ng scrambled egg.

She didn't know how to cook but she tried when we live together. Ako nga madalas ang nagluluto sa aming dalawa kung saktong gising ako at hindi masiyadong gahol sa trabaho. Pang-ilang beses na siyang nagluto ng scrambled egg pero palaging nauuwi sa maalat, sobrang alat, sunog, hilaw, matabang, at kung ano-ano pang imperfections. Sinabihan ko kasi siyang magsimula siya sa simpleng prito lang bago siya mag-learn ng complicated foods that involves two or more recipes.

This is the life I wanted. 'Yong kahit hindi siya marunong magluto, okay lang, kasi willing naman akong turuan siya para lang matuto siya o kaya hindi ko na tuturuan para ako na lang ang magluto at mapagsilbihan ko siya habang buhay. Pero hindi siya 'yong babaeng pinangarap kong makasama sa buhay na gusto ko. I am living the life but I'm not living with the woman I intend to live with.

"Lumalaki na si Hazia. Unti-unti na niyang nali-learn ang alphabet. Dito ba natin siya pag-aaralin?"

"Depende sa 'yo. Puwede rin naman dito," kibit-balikat na sagot ko.

"Gusto ko sana sa Pilipinas. Pero alam ko namang imposible iyon."

Ngumiti lang ako kay Therese at hindi na dinagdagan ang usapan naming dalawa.

For years, we tried. We tried partnering for Hazia's growth. Para maramdaman ng bata na mayroon siyang kompletong pamilya. Para maramdaman ng bata ang pagmamahal galing sa aming dalawa, lalong-lalo na sa akin.

Sinubukan kong mahalin si Therese. Pero sa tuwing nakikita ko siya, mas lalo ko lang naaalala si Zettiana sa kaniya. Mas lalo kong iniisip kung what if kaming dalawa ang nandito, living the peaceful life. What if.

But I promised Therence to return the favor soon, kabayaran man lang sa pagsagip niya sa buhay ko noon. She saved my life kaya kami naging magkaibigan na dalawa. She once saved my life from being hit by a truck. She saved my life. Utang na loob. Utang kabubut-on. 'Yon ang naging puno't-dulo ng lahat ng ito.

My parents wanted to pay her and her family for saving my life. Pero hindi niya tinanggap. Bukod sa masiyado siyang bata, wala siyang pakialam sa pera. Ang gusto lang daw niya ay ang maging kaibigan ako at ang reserve na favor na puwede niyang hilingin sa future. It was fine for me. Kahit anong hiling, kahit imposible, tutuparin ko.

I just never thought she'll gonna use the favor for the sake of her twin sister.

It's not just a dying wish. But also a return-the-favor wish. Hindi puwedeng tanggihan. Hindi puwedeng ipagpalipas.

Therese got karma after she cheated with Zettiana. Nag-cheat 'yong babaeng ipinalit niya kay Zettiana. In other words, nagkandaleche-leche ang buhay niya simula nang iwan niya si Zettiana. Hanggang sa may nakilala siyang isang lalaki. Nadala siguro sa bugso ng damdamin, nabuntis.

She got pregnant when Therence was battling with her own sickness. Pero kahit na ganoon, mas inisip pa rin ni Therence ang sariling kapatid.

The guy who impregnated Therese ran away and never showed up ever again. Hindi puwedeng maiharap si Therese sa mga magulang nila nang buntis, walang ama, at hindi mapapanindigan. She'll gonna be loathed, disowned, and God-knows-what they will dow with her. And Therence don't want that to happen.

They need someone who will stood up and be the father of Therese's child… and marry her.

Nalaman ko ang lahat ng ito, the night of Therence sudden rush to the hospital. The supposed to be dinner night with Zettiana.

Wala akong alam no'n. Masiyado akong naka-focus sa condition ni Therence na hindi ko man lang nagawang i-check si Zettiana. Mas lalo lang akong naguluhan nang kausapin na ako ni Therence tungkol doon.

My intial reaction… hindi puwede, hindi ako pumayag. Kasi how can I stood up for something I never did? Hindi ko anak ang dinadala ni Therese. Paano ko paninindigan, at worst, ay pakakasalan? Nakakaputang ina, 'di ba?

Nilatagan ko sila ng choices na puwedeng gawin sa bata, sa sarili ni Therese, sa situwasiyon, at kung ano-ano pa. But Therence was so determined to choose me as the father that up to her death, 'yon ang naging hiling niya.

One last sign, I said, one last fucking sign from Zettiana.

Because my phone was broken and I don't know how to contact Zettiana anymore, and being here in States just to help the Ponsicas, lakas-loob kong tinanong si Kuya Deck tungkol kay Zettiana.

But he just said… she's doing good, she's busy with her studies and exposures, busy with life basically. And he never asked about me. As in never. Mas madalas pang magtanong si Farrah tungkol sa akin kaysa sa kaniya. She never, ever, asked about my sudden disappearance.

Siguro nga, ako lang talaga ang nagmamahal sa aming dalawa. Kasi siguro kahit anong gawin ko, hinding-hindi siya magmamahal ng lalaking katulad ko.

I am still living the life. Not until my parents noticed that Hazia's not from our blood. Neither the Ponsicas. You can't see any relevance. Mas lalo lang nadagdagan ang duda nila nang sabihin ni Einny ang tungkol sa napag-usapan namin nang makauwi ako sa Pilipinas kasama si Therese at Hazia. Nilasing ako ng gago kong kapatid. Siguro nasabi ko sa kaniya ang mga hindi dapat sabihin. Then boom… my parents were so outrage with what they knew that immediately they demanded a DNA testing. Nalaman din ng mga Ponsica at mas lalo lang nagkagulo ang lahat.

But before the result came out, I took the chance to be with them for the last time. Napamahal na ako sa bata. Apelyido ko ang dala niya. Kahit hindi siya galing sa akin, natutunan kong maging ama para sa kaniya. Mahal na mahal ko si Hazia and that thought of him being separated from me gives me unknown feeling. Kasing lala nang malamang wala nang pakialam si Zettiana sa akin.

Peri masiyado kong inisip ang resulta ng DNA testing na hindi ko na alam kung saan sila dadalhin para sa pagba-bonding namin. But Mommy was quick to suggest what must go to an exhibit. Sumang-ayon kami pero sumama siya. Ang sabi niya, mamimili raw siya ng painting na ilalagay sa manor.

Pero ang totoo, gusto niyang samahan kami at pigilan with something. Alam niya kasing nag-uusap kami ni Therese about our relationship. Na what if, subukan namin, pero this time, it's for real. And I will legally adopt Hazia kung saka-sakaling tanggalin ako bilang ama niya. Wala man akong pagmamahal na nararamdaman kay Therese, pero kaya ko silang alagaan gaya nang ginawa ko nitong nakalipas na limang taon. Nakaya ko ng limang taon, kakayanin ko pa ng ilang taon.

Pero ang totoo, alam ni Mommy kung sino ang artist behind that Zee Mondejar.

It was her, the love of my life, the sky I wasn't able to touch back then. Zettiana Aelexandrae Saratobias, now, Mondejar. It was her. It was fucking her!

Mommy knew I loved Zettiana. Mommy knew about us in the past.

That's why when the result came out, they were all devastated. Agad nilang ni-request na kailangan namin ng annulment na dalawa.

Ayoko. Ayoko sana. Pero naglolokohan lang kami rito kung sakaling sinabi kong ayoko kasi after kong makita si Zettiana, alam kong ako mismo ang magfa-file ng annulment as soon as possible. And it happened as soon as possible.

I can't bear living someone's promise behind. But I can't also bear to see the one I love being left behind. There are options, that I didn't see way back then, that flashed in front of me kaya kailangan kong i-grab para lang makasama ang babaeng mahal ko.

Kasi all this time, it was her, it is her.

Siya lang 'yong babaeng dapat pakakasalan ko.

Siya lang 'yong babaeng dapat kasama ko pagtanda.

Siya lang 'yong babaeng magiging ina ng mga anak ko.

Siya lang 'yong babaeng dapat ay mahal ko.

At siya na ngayon ang nandito sa tabi ko.

Two different artists that bound to meet together.

Painter and photographer. Not quite a good combination because it's like the past meets the future. But it's bearable, katulad ng suntok niya. It's always bearable kahit masakit, kahit magulo, kahit masalimoot, kahit hindi puwede. It's always bearable when it's with her.

Two different art forms that bound to collide with each other.

Just like I said, not a good combination but they did well on colliding with each other. The past meets the future. The paintbrush meets the shutter and lens. The paint meets the camera. The photo paper meets the canvas. The paint meets the photograph. The painter meets the photographer. Newton meets Zettiana.

United with the same subject: to express theirselves.

And we did. We successfully expressed ourselves with our own chosen art form.

People make art just to be understood by the people around them. I make art to finally see who is really meant for me.

And that's me, baby. You know it's only me who is really meant for you.

Ang buhay ng tao ay parang isang pinta. Minsan maganda, minsan magulo, minsan masalimoot, minsan hindi mo maintindihan, minsan… parang wala lang. It consist of variety of colors that represents how they feel. Depends on the situation. Pero 'yong tao mismo ang pintor ng buhay niya. Siya ang may control kung anong magiging kalalabasan ng kaniyang ipininta. Kung ginagawa niya ba ito para maintindihan siya ng mga tao o para maintindihan niha ang kaniyang sarili.

And you happened to do both. You are supposed to do both. Kailangan mong maintindihan ang sarili mo at kailangan ding maintindihan ng mga tao ang sarili mo. Give and take. Katulad sa photography, you photograph the ones that made you smile, the ones that made your heart settle in comfort, the ones that you appreciate the most. You photograph it in order the world to see its beauty. Kaya nga 'di ba ipino-post mo sa social media para makita rin ng iba.

But the purest art of all lies within the human itself. It is the art of loving someone unconditionally. Walang kuskos-balungos. Walang what ifs. Walang buts. Walang rason. Walang eksplenasyon. Kung mahal mo, mahal mo. Kung hindi, hindi na dapat pilitin pa.

Saktong natapos ang wedding vows ko at ang pagsuot ko sa kaniya ng wedding ring. I can literally feel her shaking hands as I hold her tightly. Mas lalo ko lang itong hinawakan nang matingnan ko na ang kaniyang mukha, fighting the urge to hug her.

"Promise fulfilled," I whispered, enough para marinig niya.

Naramdaman ko ang mahigpit niyang hawak sa akin as her eyes get teary.

"Ito 'yon?"

"Oo, ito 'yong pangako ko. Pasensiya kung natagalan. Pero alam mo naman na tutuparin ko pa rin 'yon kahit umabot pa tayo ng katandaan. Kasi 'di ba, ikaw ang aking hantungan?"

Nahirapan man ang alon nang sinubukan niyang abutin ang kalangitan. Pero sa huli, kahit marami ang nadamay, naabot niya rin ito.

Anong nangyayari kapag naaabot ng alon ang kalangitan? Mas lalong minamahal ni Newton si Zettiana.

Je t'aime, Zettiana.

~end~