webnovel

Chapter 11

Pinili mo pero pinili ka ba niya?

Masaya ka pero masaya ba siya?

Pinaglalaanan mo ng oras at panahon pero ganoon din ba siya?

Mahal mo pero mahal ka ba niya?

Puso ko ay matagal na nanahimik mag-isa

Ngunit ito ay nagulo mula ng makilala ka

Akala ko nung una ay paghanga itong nadarama

Pero habang tumatagal minamahal na pala kita.

Noong una at may kilig at saya

Pero biglang napalitan ng sakit at luha

Akala ko kayo ay wala na

Pero ng makita ko kayong magkasama

Puso ko ay nasaktan katulad noong una.

Akala ko ikaw sa kanila ay iba

Pero kayo ay pareho pareho lang pala

Sa una maghahatid ng ligaya

Pero sa huli puso ay hahatiin lang sa dalawa.

---Arrette---

"Come on, honey, let's go back to our room para makapagpahinga ka na pati na din si Tito James." Aya ni Billie sa anak. "Can I stay here, Mommy?" Sabi ni Lucas. "No, honey. Kailangan ninyong magpahinga pareho para mawala na ang fever n'yo." Sagot ni Billie. "I'll behave, promise. I'll just sleep. Please, Mommy." Patuloy na pakiusap ni Lucas. Hindi maintindihan ni Billie kung bakit ganoon kadali napalapit si Lucas kay James. Timid si Lucas lalo sa mga hindi niya kilala. Ito na ba ang sinasabi nilang lukso ng dugo. Napabuntong hininga si Billie sa naisip at nakalimutan na nag-iintay ng sagot ang kanyang anak.

Tumikhim si James at saka lang bumalik sa sarili si Billie. "Don't worry, we'll just sleep. I'll call you if something happens to him." Sabi ni James. "Pero malikot siyang matulog saka hinahanap niya ako kapag nagising siya sa kalagitnaan ng kanyang tulog." Sabi ni Billie. "Then, let's all sleep together." Nakita ni Billie ang nakakalokong ngiti na naglalaro sa mukha ng binata. Inirapan niya lang ito at hinarap ang anak.

"Promise me, you'll behave and hindi mo kukulitin si Tito James, okay?" Sabi ni Billie. "Promise!" Masayang sagot ni Lucas at nagmamadaling humiga sa kama. "I'll wake you both after four hours." Sabi ni Billie at naglakad na papuntang pinto. "Pwede bang mauna mo na akong gisingin tapos kunwari nainom ko na ang gamot." Sabi ni James. "Remember the pinky swear, Ja-mes." Huli na para bawiin ni Billie ang tawag niya sa binata noon lalo kapag galit na siya. Nagningning ang mga mata ni James. "I've missed that." Nagmamadali namang lumabas si Billie na pulang pula ang mukha.

"I think panahon na para kausapin mo ang mag-ama." Nagulat pa si Billie ng magsalita si Angela na nakasandal sa pader. "Nakakagulat ka naman!" Sabi ni Billie na hawak pa ang dibdib. "Maiintindihan naman nila Logan ang sitwasyon pati na din nila Tito at Tita. Lucas needs his dad and James needs to know na meron kayong anak." Patuloy ni Angela na hindi naman pinapansin ni Billie na deretsong nagpunta sa kusina. "Billie!" Naiinis na sabi ni Angela ng hindi pa din nagsasalita ang pinsan.

"What!?" Sabi ni Billie na kinukuha sa ref ang mga gamit na iluluto niya para sa lunch.

"Kailangan mong kausapin si Lucas at James." Muling ulit ni Angela sa sinabi niya kanina. "Do you think ganoon lang kadali ha? Lucas is only five years old. How can he understand na ang daddy niya ay ang lalaking kasama niya ngayon? Ano'ng sasabihin ko kay James? Hey, Lucas is your son!" Ramdam ni Angela ang stress na nararamdaman ng pinsan. Nakita din niya na nangingilid na ang luha ni Billie kaya niyakap niya ito. "Sorry, I'm sorry." Hindi na napigil ni Billie ang iyak. Napahagulgol siya sa balikat ng pinsan.

"Mommy..." Parehong napatingin sila Billie at Angela sa pinanggalingan ng boses at pareho ding nawalan ng kulay ang kanilang mga mukha ng makitang karga ni James si Lucas. Seryosong nakatingin ang binata kay Billie.

.....

"Let's start from the beginning." Ramdam ni Billie ang galit na pinipigil ni James. Nasa master's bedroom sila ngayong dalawa. Iniwan muna nila kay Angela si Lucas pero ang dami munang excuses bago pumayag ang bata. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" Umikot ang mata ni James. "Don't beat around the bush, Bill. Kanina pa ko nagpipigil. Actually, kahapon pa so if I were you, I'll start talking." Lalong kumabog ang dibdib ni Billie. Una, dahil sinabi ni James ang tawag ng binata sa kanya kapag galit na ito at pangalawa, ang kaseryosohan ng mukha ng binata pati na ang pananalita nito. Lumunok muna ng laway si Billie dahil feeling niya ay tuyot na tuyot na ang lalamunan niya pagkatapos ay huminga ng malalim.

-----FLASHBACK-----

Pray and everything will be okay...

Don't loose hope...

Have faith...

Tomorrow is another day to start a new beginning...

All of these are trials to make us more stronger and hold on to HIM...

arrettecreators' thoughts
次の章へ