webnovel

A GLITCH

Nagmadali akong mag impake ng mga gamit ko. Damit lang naman ang dadalhin ko sa bago kong lilipitan kaya hindi ako natagalan. I badly want to get out of this place. Hindi ko alam kung ano ang meron pero di na ako mapalagay kung iisipin ko na mananatili pa ako rito ng ilang araw.

I packed my clothes and the things that I'd be needing when I leave this place. Nung tapos na ako sa mga gamit ko ay naupo ako sa sofa at kinuha ang mga pinamili kong pagkain.

I need to eat atleast. I started eating and filling my stomach. I will be needing my body intact when I get out of this place and so I ate a lot devouring almost all the food that I bought.

When I was satisfied with the amount of food that I ate I laid back on my couch and cogitate of how I would come up with a scheme on how to kill that horny shit.

The side of my lips rose and I immediately got my cap ang keys to go outside my apartment building. I went to a store to buy a rat poison. I bought so many of them and then I proceeded to walk into a fastfood restaurant and I quickly ordered food.

I went back to my apartment as fast as I could and put 3 packets of rat poison in each container and mixed it well enough that if you look at it, you'll be deceived and just straight up die.

When I was satisfied with how it looked I closed the lid and put it back in the plastic bag. It stood up, unlocked my door and went inside his room. Hindi naman naka lock ehh. Actually parang gusto niya ngang pumasok talaga ako sa kwarto. It was wide open.

Nakahiga siya sa sofa niya habang naka tingin sa TV at ng makita ako nagmadali naman siyang umupo.

"Oh!" I said handing him his death.

"What's that?" Tanong niya sakin habang nakatingin sa plastic bag na dala ko.

"Pagkain. Peace offering ko sa pagsira ng pintuan mo." Sabi ko sabay abot sakanya ng plastic bag. Tinanggap niya naman ito at nilagay sa sa mesa na nasa harap niya at binuksan ang mga food containers na dala ko.

Peace offering my ass. I'm giving you your own medicine and it will take you just minutes to say goodbye to this fucking world.

"Ang apologetic mo naman. Thanks by the way. Atsaka bayadan mo din ako. Ang laki ng bayad para sa maintenance sa building nato. Hindi moko madadali sa pagkain lang ano!" He said not breathing.

Mamamatay ka din naman ehh why bother fix the door. I rolled my eyes and went back to my room. Andaming sinasabi.

Ayokong matagalan sa room niya. Naririndi ako sa boses at nakakairita ang presensya niya. Pero atleast wala na akong problema. Wala ng mang tatangka sa buhay ko and back to my happy life again. Yey. Ang exciting.

I grabbed my bag and a luggage and went outside my door. Nag madali akong mag lakad para hindi niya ako matawag oh makita man lang. I'm done with him.

I went inside the closest elavator that I could get into and immediately closed the door. Ayoko ng may kasabay. I fixed the cap on my head in order to fully cover my face. Cameras are everywhere and it's better to be safe than get caught later.

Sa hallways walang CCTV pero halos meron lahat ng elevator sa building nato. It's a so so apartment building atsaka maliit lang naman ang nakatira dito kaya no need to be uptight with the security of their people kasi halos lahat ng nakatira dito, magkakilala.

I'm positive it'll take time for me to get caught sa pag po-poison dun sa lalaki na yun. But it's kinda suspicious kung sa araw ng pagkamatay niya ako aalis. And the fact that I didn't use gloves when I help all of the containers.

I mean it'll take time 'cause I'm not in the system but still. Another complication for me to resolve in order to evade possible problems in the future.

I didn't think this through. I let my emotions get the best of me and I willingly surrendered without thinking that plan straight. Shit!

"Hi ma'am how may I help you?" Sabi ng babae sa front desk ng building nato. Bahala na, aalis na ako dito period.

"Room 302 check out." Sabi ko sakanya at tumingin sa paligid. I'm just used tp being vigilant 'cause otherwise ,mamamatay ako sa nerbyos kung anong pwedeng mangyari sakin.

"Keys ma'am?" She asked for the keys and I gave it to her. She was typing something on her computer, maybe my receipt and transactions or records that I have. Matagal-tagal din kasi ako dito.

"Do you want to take your advance payment ma'am?" She asked handing me the receipt to sign.

"No, keep it." Sinabi ko sakanya at pagkatapos kong pirmahan yung receipt ay binalik ko sakanya yung isa pang copy ng receipt para may record din sila.

"Yung boyfriend niyo ma'am bakit hindi niyo kasama?" Paalis na sana ako ng marinig ko ang sinabi niya. I didn't looked back at her and just stood there wanting to hear the rest of what she's about to say.

"Ang sweet naman po ng bago niyong boyfriend ma'am, nanghiram pa ng spare key sa room niyo para mabigyan kalang ng pagkain. Ang sweet niya po, bagay na bagay po kayong dalawa. Bakit nga po pala hindi kayo nasa isang room? Eh mag jowa naman po pala---"

Hinarap ko siya at tinignan ng mabuti.

"Anong sabi mo? Why the hell would you think na boyfriend ang tao na yun?" Kunot noo kong tanong sakanya. Medyo natakot ata sa tono ng boses ko kaya medyo naging stiff siya. I have never been this hostile towards her kaya nanibago siguro.

Anong klaseng service ang meron sila kung pinagbibigay lang nila ang susi ng apartment ko sa kung sino sino?

They are practically selling my privacy to that guy na hindi ko man lang kilala at pinag hihinalaan ko pang siya na ang papatay sa akin.

"Ehh kasi ma'am sabi niya po hindi po raw kayo kumakain pa tapos--"

"Kahit na. You have no right to invade my privacy. Kahit mamatay pa ako sa gutom dapat 'di niyo binibigay ang susi ko sa kung sino sino lang at---"

"Kasi ma'am tumawag po kasi si Sir Bodhi dito sa front desk. Kahapon pa po siya tawag ng tawag almost every hour nga po at tinatanong sakin kung pwede raw po bang manghiram siya ng susi sa room niyo. Ehh kaso po building policy na bawal po ipamigay pero ang kulit po talaga ni Sir kaya sinabihan po namin na kami nalang po ang papasok at mag hahatid ng pagkain sa room niyo kasi daw po talagang nag-aalala na daw po siya sa inyo. Pero ma'am ako na po mismo ang pumasok na room niyo at wala akong ginalaw dun ma'am di nga po talagang pumasok iniwan ko lang po malapit sa doorway niyo po kasi yun yung utos ni Sir."

Agad kong binitawan ang mga dala ko at tumakbo sa pinakamalapit na elevator. Ilang beses kong pinindot yung button pataas pero masyadong matagal bumukas.

"Shit!" Napamura nalang ako at agad tinakbo ang hagdanan. Nasa ika-limang palapag ang room ko kaya maraming mga hakbang ang kailangan kong takbuhin.

That moron. Bakit hindi niya sinabi. Is that why wala siyang ginawang masama sakin nung pumunta ako sa kwarto niya except sa malaswa niyang pinag sasasabi?

Was I too paranoid? I really thought he was an undercover but now that I think of it, he is too dumb to be working with the Government.

If that's the case, what was he doing outside my room with that knife? And his aura that time. Parang may masamang balak. Like he's hiding skulls in his closet.

A two-faced murderer of a sort. But his gesture says otherwise. Talaga bang gusto niya lang akong pakainin? Ni hindi ko nga siya kilala.

Nasa 4th floor na ako ng makaramdam na ako ng pagod. Masyado siguro akong maraming nakain kanina kaya ang bigat ng katawan ko. Hinihingal na ako kaya napahawak na ako sa railings ng hagdanan para sa suporta. Ba't ang bilis kong mapagod ngayon?

My body can't keep up kaya napahinto ako saglit at hinabol ang hininga.

We only met once. At hindi pa maganda ang nangyari pero ganun na siya kung mag-alala. Technically wala naman siyang kasalanan sa akin.

Kaya hindi niya dapat makain yung binigay ko sakanya. He's not part of my plan kung talagang namumuhay lang siya ng payapa. As I said earlier, I plan all my kills and if it's true that he's not really after me then he doesn't deserve to die.

Nag patuloy ako sa pagtakbo sa hagdanan hoping na hindi pa niya nakakain yung binigay ko sakanya. But if he did, he won't make it and he'll surely die.

Ng makarating na ako sa floor namin ay agad akong naglakd papunta sa room niya. Habang papalapit ng papalapit ako, sa ano mang hindi malamang dahilan, bumibilis ang tibok ng puso ko.

Sana hindi niya pa nakain. Parang gusto ko ng umatras pero kailangan ko paring tignan kung buhay pa ba siya o hindi na.

I slowly peaked from his doorway and I was. Confused.

Why is he.. Crying?

Naka upo lang siya sa sofa habang pinagmamasdan ang mga pag kain na binigay ko sakanya. He slowly touched the containers, took a deep breath and a few tears escape his eyes.

He's..

So fucking weird.

Talagang na touch siya sa poisoned food na binigay ko sakanaya? Unbelievable!

"Ahem." Pagpaparamdam ko sakanya at agad namang yumuko sa gilid at pinunasan ang mga luha niya. What a dramatic bitch. Akala mo napakaselan eh manyak naman.

He looked at me and his eyes softened for a split second and then his expression changed. That was quick. He now has that playful grin plastered on his face.

"Oh kapitbahay, nandyan ka pala?" Tanong niya sakin. Ang bilis ata mag bago ng emosyon ang taong to?

"Pwede kong bawiin yan?" Tinuro ko yung mga pag kain na thankfully hindi niya pa nagagalaw.

"Binabawi ko na lahat yan. Bibigyan nalang kita ng pera pambili ng pagkain atsaka yung pagpapa-ayos ng pinto mo. Akin na yung mga yan." Sabi ko sakanya.

"Binigay mo na sakin eh bakit mo babawiin? Ang saya ko pa naman kasi nag paid-off yung effort ko para lang makakain ka. Akala ko talaga may anger issues ka at basta basta ka nalang pupunta sa room ko. Pati pinto dinamay pa." Sermon niya.

"Kaya nga babayadan nalang kita eh. Akin na kasi yung mga pagkain!" I said starting to get annoyed by him.

"Ayoko nga. Binigay ko ma ehh, uubusin ko to lahat. Mukhang masarap pa naman lahat ng mga pinamili mo. Sayang effort mo diba?" Sabi niya ng akmang bubuksan ang isa sa mga containers.

"No!" Sigaw ko sakanya at napatingin naman siya sakin.

"Just fucking give me that damn food or else pati itsura mo sisipain ko." Banta ko sakanya. He can't really use it anyway.

"Ay ang sama. Bakit ba atat na atat ka na makuha toh? Unless may gayuma to o lason." Sabi niya na parang wala lang kung mamamatay siya sa lason. You nearly ate it dumbass. Something in me felt scared. Alam ba niya?

He just looked at me and for a few minutes I was just standing in front waiting for him to hand me the food containers.

Be chill. Nagbibiro lang yan.

"Amin na!" Medyo pasigaw kong sabi. He is certainly deaf alongside being a pervert.

Mukhang natauhan naman yata yung kaluluwa niya at binalik na ang mga food containers sa plastic bag at nag lakad papunta sakin. Hindi siya umangal at nilahad na ang plastic bag sa akin.

"Sa susunod hindi mo kailangan mangialam ng buhay ng may buhay. Hindi ako mamamatay kung di ako kakain ng ilang oras. We are not that close para gawin mo yun. Alam mo ba na dahil sa ginawa mo kailangan kong lumipat ng ibang hotel kasi akala ko napaka shitty ng mga employees dito at ang dali lang para sakanila na buksan ang room ko. If you want to help, stop sticking your nose in other people's business. Stop prying ang worry about yourself. Mas lalo kang napapahamak sa ginagawa mo. You nearly died." I said the last words in a much lower voice.

Masyado kasing pakialamero, malapit na tuloy matuluyan. I took a quick look on his face at pagkatapos nun ay agad na akong umalis sa harapan niya at nagtungo sa elevator.

I waited for the elevator to open and when it did I went inside quickly. Tapos na ang kailangan kong gawin dito. Even though he is not my probable killer, he's to nosy that it's a problem in itself.

As the elevator door slowly closed I could hear his faint voice shouting.

"Wait, I want to tell you something Isl---" hindi ko na narinig yung huling sasabihin niya, not that I'm interested anyway. Ayoko ko ng makita pa siya. Puro gulo lang at pahamak ang nangyari sakin.

I don't want to see his face again. I don't feel safe. Nung bumukas na ang elevator ay mabilis akong pumunta sa front desk para kunin ang mga naiwan kong bag kanina.

"Ang gamit ko?" Tanong ko sa babae at itinuro niya naman ito sa akin. Nung nakuha ko na ang mga ito tumingin ako sakanya.

"Next time, be aware of your actions, kung hindi eh malamang wala ka na sanang trabaho ngayon. At saka pwede? Don't go around opening other people's room just because some random told you so. You should know better." I said to her. Confusion was very evident on her face.

"Bakit po ma'am ano po bang nangyari?" Takang tanong niya.

What? Kanina lang kami nag usap ah. Hindi niya ba naalala? Imposible!

"Wait. I need to tell you something!" Bigla akong nataranta sa boses na narinig ko kaya tumakbo na ako paalis sa building nayun.

Pumara agad ako ng taxi at sumakay na. Mabuti nalang at hindi niya ako naabutan. Tapos na ako sakanya at ayoko ko ng makiya siya. Puro problema lang ang dadating sa akin.

The car started to move and told the driver the location to where I'm going. I sat comfortably on the back seat and as I was watching outside the window, something glitched. Alam kong hindi ako nag mamalik-mata lang. I know what I saw.

"Ma'am saan po tayo?" Kunot noo akong napatingin sa driver.

And from that moment on, I know that something is fucking wrong!

次の章へ