"Ayla…"
"S-Sia, si Nanay…"
"Tahan na, Ayla, please."
Yumakap ako nang mahigpit kay Sia at dinama ang sakit ng mga sinabi ni Tatay. Wala na si Nanay, patay na raw si Nanay, at ayokong tanggapin ng utak ko 'yon kasi masiyadong masakit. Nakakabobo. Nakakawala ng silbi.
"H-Hey… I've heard what happened. I'm so sorry for your lost, Ayla."
Sa kalagitnaan ng aking paghuhuramentado, biglang dumating si Callie para tulungan sina Sia na pakalmahin ako. Maski si Chandy ay nakita ko kanina na umiiyak habang nakatingin sa akin. Halos maglupasay na ako sa sakit na nararamdaman ko mula sa balitang sinabi sa akin ni Tatay. Hindi ko na mabigyan ng pansin ang mga nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa akin ngayon.
Ang sakit lang kasi. Ang pinakamasakit pa no'n ay ang fact na wala ako sa tabi niya, nilang dalawa. Nakakapanghina. Oo, alam kong hindi ako masiyadong malapit sa mga magulang ko pero kahit papaano ay mahal ko naman sila, lalo na si Nanay. Kahit hindi niya ipinapakita sa akin, alam kong naiintindihan niya ako at handa niya akong gabayan sa lahat ng dagok na pinagdaanan ko sa buhay. At tila'y parang lahat ng memories na kasama ko si Nanay -- masasaya man o malungkot -- ay nanumbalik sa akin.
Ilang oras bago ako kumalma. Nalulungkot pa rin ako, nasasaktan pa rin ako, pero wala ng luhang lumalabas sa mata ko. Nakatulala lang ako sa isang tabi habang inaalala ang mga alaalang kasama ko pa si Nanay.
Tahimik ang buong bahay. Nandito lahat sila pero mukhang nakikiramdam lang sa akin at ni-isang salita at ingay ay hindi lumabas mula sa kanilang mga bibig.
To break the long and hurtful silence, I heavily sighed.
"What's your plan?" Tanong ni Sia.
Lumingon ako sa kaniya at nagpapasalamat na rin na binasag niya ang katahimikan at lakas-loob nang nagtanong.
Pagak akong ngumiti at napapagod akong tumingin sa kaniya. Inaantok na rin ako. Gusto ko na lang magpahinga muna. Masakit na ang mga mata ko pati ang puso ko.
"Kailangan ako ni Tatay ngayon. Ako na lang ang maaasahan niya kaya siguro kailangan kong umuwi na." Malungkot akong ngumiti sa kaniya sa hindi ko malaman kung pang-ilang pagkakataon na.
"What about your work, Ay? Your contract?"
Napatingin ako kay Chard nang siya ang sumagot ng tanong sa sinabi ko sa pinsan ko.
"Seriously, Chard?"
Pinigilan ko si Callie sa iri-reak niya sa sinabi ni Chard. Nahihimigan ko na kasi ang hindi pagsang-ayon mula sa kaniya.
"Kailangan kong umuwi, e. Mapapakiusapan naman siguro ang kompanya kung mag-f-file ako ng kahit ilang weeks lang na leave."
Chard sighed at saka siya tumango sa sinabi ko.
"Okay. Sasama kami. I think it's time to use that one month leave I'm planning to file for next month."
Masiyadong magulo ang utak ko para intindihin pa ang mga pinagsasabi ni Chard kaya tumango na lang ako.
Kailangan kong umuwi. Kailangan ako ni Tatay ngayon. Kahit hindi niya sinabi sa akin kanina habang kausap ko siya na kailangan niya ako at kailangan kong umuwi, nararamdaman ko sa boses niya na kailangan niya ng karamay and his siblings and Nanay's relatives aren't enough to comfort him and ease the pain. Kahit na next year pa dapat ang uwi ko, napaaga ito ngayon. Ngayon ako pinaka-kailangan ni Tatay.
Instead of filing a leave, I decided to quit my job. I needed to quit my job. For Tatay. Kahit kay Tatay man lang.
Kinabukasan, nag-file nga ako ng resignation letter. Si Sia ay uuwi rin, sasabay na sa akin. Si Chard at Chandy, pinaaga na ang supposedly next month vacation nila sa Pilipinas. Si Callie naman, kahit gustong-gustong samahan at damayan ako sa dagok na pinagdadaanan ko ngayon ay walang nagawa kundi ang manatili na lang muna sa NZ. Naiintindihan ko naman ang situwasiyon niya at hindi naman niya kailangang gawin pa iyon. A simple condolence is enough.
Alam ni Tatay na uuwi ako kaya ang isang linggong burol lang ay in-extend ng dalawang linggo. Isang linggo pa akong nag-process ng mga kailangang i-process dito. Mahirap na iwan ko na lang bigla ang kompanyang apat na taon ko ring naging tahanan. Nasanay na rin ako sa buhay ko rito sa NZ at biglaan pa itong pag-uwi ko. Kaya pagdating sa Pilipinas, halos nakatulala lang ako at hindi pa rin makapaniwalang uuwi na ako sa Pilipinas. Nag-condolence lang ang mga kasamahan ko sa opisina bago ako tuluyang umalis ng NZ.
Everything were well-planned but I needed to do it earlier. I just need to.
Mahigpit ang naging hawak ko sa trolley bag na hawak ko. Nasa cart na tulak-tulak ni Chard ang ibang maleta, ibang gamit, at iilang pasalubong na inihanda ko. Ang karamihan sa mga pasalubong na talagang inihanda ko ay pina-balikbayan box ko na lang. Siguro sa susunod na buwan makakarating na 'yon, kung walang anomalya o kung papalarin.
Si Chandy naman ay hawak-hawak ni Sia. Kalalabas lang namin sa arrival area ng airport ng probinsiya. Ang sabi ni Sia, si Oasis daw ang susundo sa amin while sina Chard naman ay may sariling sundo.
Masaya kong binati si Oasis nang makita ko siyang nakaabang sa amin paglabas namin ng arrival area. Pinuri ko ang mga improvements niya physically, lalong-lalo na sa pagbibinata niya. Palagi ko siyang nakikita sa screen sa tuwing nakikipag-usap siya sa Ate niya pero nakakamangha pa rin talaga kapag nakita mo sa personal ang mga changes niya sa buhay.
It was a bitter yet genuine encounter with Oasis after a very long time 'cause we all know, me being home right now is not the happiest part of this life.
I was quite the whole trip going home. Halos ang magkapatid lang ang nag-uusap at hindi ako makasabay kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-o-overthink sa kung ano man ang mangyayari once na makita ko ang burol ni Nanay.
Hindi ko alam kung anong totoong nangyari sa kaniyang pagkamatay kasi mas pinili kong pag-usapan namin ni Tatay ang parteng iyon ng personal, gusto kong marinig mismo ng personal.
That almost three hours trip going home brought torment inside my heart. Ang sakit isipin lahat nang nangyayari ngayon. Parang hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko ang nangyari sa aking Nanay, sa ilaw ng aming tahanan, sa kaagapay ng aking Tatay, sa babaeng nagbigay sa akin ng buhay, ang dahilan ng aking pagkabuhay, ang aking Nanay Helena.
Nang papasok na kami sa kanto papunta sa bahay, doon na kumabog ng mabilis ang puso ko at namuo na rin ang luha sa gilid ng aking mata. Malayo pa lang ang bahay pero nakikita ko na ang iilang presensiya ng mga tao na lalong nagpalala ng aking mabigat na nararamdaman. Umiwas na lang ako ng tingin para mapigilan na maibuhos ang lahat ng sakit.
"Nandito na tayo, Ate Ayla."
Napaigting ang aking panga nang huminto na ang sasakyang dina-drive ni Oasis at siya na rin mismo ang nagsabi no'n.
Diretso lang ang tingin ko, pilit iniiwasan matingnan ang mismong bahay. Feeling ko kasi kapag titingin ako ay baka bigla na lang akong bumigay. Kailangan kong magpakatatag. Umuwi ako para may masandalan si Tatay hindi para maging mahina kaya walang puwang ang pagpapakahina ngayon. Kailangan kong magpakatatag.
I pulled my shit together for a better ambiance.
Bago tuluyang bumaba, nakita ko pang nakatingin sa akin si Sia pero hindi ko gusto ang paraan ng kaniyang pagtingin kasi mas lalo itong nakadadagdag sa inaalala ko kaya ngumiti ako sa kaniya para hindi na siya mag-alala pa. At para na rin hindi na ako mag-alala pa.
Sinalubong kami nina Tatay pagkababa namin ng sasakyan. Kasama niya sina Tito Orlan at Tita Cecil at iilang pamilyar na mukha ng mga kamag-anak. Malawak ang naging ngiti nila, taliwas sa dapat na inaasahan kong magiging reaksiyon nila once na makita ko sila. Pero ngumiti man sila nang napakalawak, hindi maipagkakaila ang lungkot na nararamdaman nila sa ngayon. I tried so hard to smile pero nang makita ang mukha ni Tatay matapos ang limang taon na hindi pag-uwi sa Pilipinas, tuluyang bumagsak ang luhang kanina ko pang pinipigilan.
Anak ng baboy naman, Ayla, ang usapan natin 'wag tayong iiyak, a?
"'T-Tay…" Mahinang tawag ko sa kaniya nang magkaharapan na kaming dalawa.
"A-Anak…"
Kusa akong yumakap kay Tatay and the moment na maramdaman ko ang mainit niyang pagtanggap, doon ko na hindi napigilan ang luha kong tuluyang rumagasa sa pagbuhos.
"Welcome home, anak," sabi ni Tatay habang nakayakap kami sa isa't-isa.
"Welcome home, mga anak."
Sari-saring pagbati ang narinig ko galing sa iba't-ibang taong nasa paligid ko pero ang pagbati lamang ni Tatay ang pinagtoonan ko ng pansin.
Doon din ako nagkaroon ng lakas ng loob na tingnan ang direksiyon ng bahay namin. Dahil sa ginawa ko, mas lalo lang nitong piniga ang puso kong durog-durog na ngayon.
When you're trying your best to succumb your self to calmness, the pain will always prevail. Basta masakit sa 'yo ang nangyayari ngayon, kahit anong takbo mo sa sakit, talagang masasaktan at masasaktan ka.
Mas lalo lang humigpit ang yakap ko Tatay nang maramdaman ang invisible pain na nararamdaman ko ngayon.
Tahimik ang pagdating naming iyon, para bang may invisible na hangin na namutawi sa atmosphere namin na kahit hindi namin pag-usapan ay alam kong alam nila kung ano itong sakit na nararamdaman namin ngayon ng pamilya.
Sumunod ako kay Tatay nang igiya niya ang daan papunta sa bahay namin na ngayo'y purong sementado at may kalakihan na. Isa ito sa mga na-ipundar ko habang nasa NZ ako. Gusto ko mang i-appreciate ang naipundar kong ito, mas nanaig pa rin talaga ang kaba at ang sakit.
Marahan kong pinunasan ang luhang bumabagsak sa aking mata habang nakatingin sa puting kabaong sa gitna ng aming sala. Hindi ko aakalain na una kong makikita ng personal ang bagong gawang bahay na ito at sa ganito pa talagang situwasiyon. I was somehow expecting dati na kapag once nakauwi na ako sa Pilipinas, sasalubungin ako nina Nanay at Tatay sa bagong gawang bahay namin at sabay-sabay naming ito-tour ito at ipapakita sa anak ko. Pero hindi na yata mangyayari iyon, wala na si Nanay, wala na ang minsang naging sandalan ko sa buhay.
Lumapit ako sa kabaong ni Nanay at pinagmasdan siya. Para lang siyang natutulog. At sa lahat ng pagkakataon na makikita ko siyang naka-make-up, hindi ko aakalain na nasa loob na siya ng kabaong.
'Nay, ang ganda mo. Ang ganda-ganda mo.
Sumikip ang dibdib ko at kusang nagsibagsakan na naman ang mga luhang hindi na yata maubos-ubos.
Sa unang pagkakataon sa buhay ko, ngayon ko lang na-appreciate ang magandang mukha ni Nanay. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit nabighani sa kaniya si Tatay. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit palaging sinasabi sa akin nina Tiya Judy at ng iba pa niyang kapatid kung bakit daw pinipilahan siya ng mga manliligaw noon pero mas pinili niya si Tatay kesa sa kanila. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng iyon, ngayong wala na siya. Sobrang saklap ng buhay. Kung kailan wala na siya, saka mo lang talaga mapapagtanto ang lahat. Bakas man ang katandaan sa kaniyang mukha, nangingibabaw pa rin ang angking ganda nito.
Nanginginig ang kamay kong hinaplos ang bandang crystal ng kaniyang kabaong na animo'y hinahawakan ko ang kaniyang mukha.
Gusto kong ngumawa at maglupasay at tanungin ang lahat nang nakakarinig kung bakit sa lahat ng tao, 'yong Nanay ko pa ang mamamatay. Gusto kong isisi sa lahat ng taong makakarinig ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
But at the end, I choose to silently cry until the pain linger inside my bones, up to my grieving soul.
Naramdaman ko ang mainit na yakap ni Tatay habang tahimik kong dinadama ang sakit nang pagkawala ni Nanay. Mas lalo yata akong naiyak dahil sa ginawang iyon ni Tatay.
Ang dami ko nang napagdaanan sa buhay. Ang daming tao nang nawala sa buhay ko. Ang daming pagsubok na ang sumubok na baguhin ang takbo ng buhay ko. Itong pagkawala ni Nanay, isa ito sa mga pagsubok na alam kong masakit pero kailangan kong tanggapin. Alam kong sooner or later ay mawawala na rin sila sa mundo, doon naman papunta ang edad nila pero masiyado pang maaga para mawala si Nanay. Wala pa sila sa ganoong edad kaya sobrang hirap tanggapin nitong pagkawala ni Nanay. Ang hirap i-sink in sa utak ko.
Hinayaan ako ng lahat na taimtim na magdasal sa harapan ng kabaong ni Nanay. Wala ni-isang nangahas na lapitan ako at kausapin. Si Tatay naman ay agad ding umalis sa tabi ko at hinayaan ako sa kapayapaang hinahanap ko.
Nanatili ako roon ng ilang minuto at napagpasiyahang kailangan ko na talagang ibalik sa normal ang buhay ko para matulungan ko si Tatay at nang masandalan niya ako sa ganitong klaseng dagok na dumating sa buhay namin.
Nagpahinga ako saglit. Kumain kami nina Sia. Pinagsilbihan naman kami agad ng mga taong nandito. Nandito 'yong mga kamag-anak ni Nanay. Ang relatives lang sa side ni Tatay ay sina Tito Orlan.
Naiwan kaming dalawa ni Sia rito sa kusina. Katatapos lang naming kumain at makipag-usap sa pamilya namin sa naging biyahe namin pauwi. Lumabas muna saglit si Tatay dahil may mga kakilala raw siyang dumalaw at magbibigay galang sa burol ni Nanay. Sina Tito Orlan naman ay ganoon din. Habang si Tita Cecil naman ay siyang nangasiwa sa mga pagkain at merienda'ng ihahain sa mga bisita.
"You saw him?" Pagbabasag niya sa katahimikan.
Busy ako sa cell phone ko nang bigla siyang magsalita kaya isinantabi ko muna ang cell phone na hawak ko at itinoon sa kaniya ang buong atensiyon ko.
"Saw who?"
"Eningeer Sonny?"
Kusang kumunot ang noo ko dahil sa sinagot nitong si Sia. Wala akong idea sa unang sinabi niya at mas lalo akong naguluhan nang banggitin na niya ang pangalang iyan.
Kahit ayokong tumawa, dinaan ko na lang sa tawa ang sinabi nitong si Sia. Medyo hunghang talaga 'to kahit kailan, alam na nga niyang magkasama kami mula no'ng umalis kami ng NZ tapos tatanungin ako kung nakita ko 'yon? Ang eng-eng.
"Bakit ko naman makikita 'yon?"
"Hindi mo siya nakita kanina pagdating natin? He was here."
What?
Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi ni Sia. Seryoso ang mukha niya at halata talagang hindi siya nakikipagbiruan sa akin.
"He was really here. Akala ko nga namamalikmata lang ako. But I asked Mama and she said it's really him. Nasa labas lang siya no'n ng bahay kanina. Siguro hindi mo napansin kasi preoccupied ka na kay Tito Boyet."
Gusto kong sabihin ni Sia na joke niya lang 'yon at pinagti-trip-an niya lang ako pero matagal akong nakatitig sa kaniya at seryoso pa rin talaga ang mukha niya.
"Gagi, hindi talaga ako nagbibiro. Tanong mo pa kay Tito Boyet. He's really here, Aylana."
"Anak ka ng baboy, ano namang gagawin no'n dito? Namamalikmata ka lang, hindi siya 'yon, Olesia. At saka, hindi magandang biro 'yang ginagawa mo, ha. Kararating lang natin sa Pilipinas at nandito tayo para sa Nanay ko."
"Bahala ka. Go out then and see for yourself, I think he's still there."
Umiling na lang ako sa sinabi ni Sia at kahit gusto ko mang sundin para i-confirm, nilabanan ko ang sarili ko para mapigilan ang gustong mangyari.
Sumimsim na lang ako sa gatas na inihanda sa akin kanina. Napapaisip na rin sa sinabi ni Sia.
Anak ng baboy naman! Ano namang gagawin niya rito? Hindi naman namin siya kamag-anak para makiramay siya. Ano ba! Nangti-trip lang 'tong si Sia, Ayla, 'wag ka talagang maniwala.
"Tinanong ko kanina si Mama kung kasama ba ni Engineer Sonny si Aye pero he's not around daw. Hindi pa raw nakakabisita si Aye dito sa burol ni Tita Helen."
Humigpit ang naging hawak ko sa baso ng gatas at mariing tiningnan ang sari-saring pack ng kape na nagkalat sa lamesa ng kusina at inintindi ang sinabi ni Sia.
'Yong anak ko… My Aye…
"Magpapahinga muna ako sa kuwarto para mamaya. Pakitawag na lang ako kung mag-s-start na 'yong prayer vigil ni Pastor Encarquez." Tumayo ako at niligpit ang ginamit kong baso.
"'Kay. Uuwi na rin muna ako. Balik din ako tonight. And he's our Tito Oliver, Ayla, not just Pastor Encarquez."
"Ge, whatever. See you later. Pakisabi na rin sa kanila tulog muna ako."
'Yong bagong kuwarto ko rito sa bahay ay malapit lang sa kusina kaya hindi na ako makakadaan pa sa salas kung saan nakalagak ang kabaong ni Nanay.
Kumaway lang ako kay Sia bago ako pumasok sa kuwarto at doon, para akong binagsakan ng langit at lupa sa biglang pagragasa ng mga kailangang isipin.
Kahit papaano ay gumaan-gaan na kanina ang mabigat na nararamdaman pagdating ko. Ang bumabagabag lang talaga sa akin ngayon ay ang sinabi ni Sia.
Gustong-gusto ko nang makita ng personal ang anak ko. Sabik na sabik na ako sa kaniya. Heaven knows how much I really misses him. Heaven knows how much I love him. Heaven knows how much I really want to be with him. Na kahit kailangan kong pagtoonan ng pansin ang pamilya ko ngayon, siya pa rin ang iniisip ko.
What if none of these fucked up, 'no? Siguro normal na namumuhay ako ngayon kasama ang dapat ay buo kong pamilya. Sana dapat nandito lang ako sa Pilipinas sa loob ng limang taon na iyon, nakikipag-bonding sa anak ko, sa mga magulang ko, sa pamilya ko. Normal at tahimik. Payapa gaya ng pangarap ko. But everything were fucked. I fucked it up and here I am right now, silently crying for the nth time, blaming myself, blaming everyone to what had happen to my life.
Nang tuluyan akong sumandal sa pintuan ng aking kuwarto, pagsisisi sa lahat ng nangyari ang una kong naramdaman.
Hindi ko na alam kung saan 'to patungo, may patutunguhan pa ba talaga ito? Nakikinita kong wala na at wala na yata itong katuturan pa. Ang mabuhay sa ganitong klaseng buhay ay tila walang kabuluhan.
I'm on the state of breaking down. Lahat nang napagdaanan ko noon ay parang nanumbalik sa akin na tila ba'y sariwang-sariwa pa sila. That feeling I felt when Ate Aylen died came back. Dati, wala pa akong kamuwang-kamuwang sa totoong pakiramdam kapag nawalan ka ng mahal sa buhay. It feels like it's more painful than bearing a child. I thought being away for a while will ease the pain. Wala rin pa lang pinagkaiba, the pain is still evident.
Natigil lang ako sa pagdamdam ng lahat ng sakit nang mag-ring ang cell phone ko.
Richard Plaza is calling…
Pinunasan ko ang mga luha ko at agad na in-accept ang call ni Chard.
"Open your cam, gusto ka makita ni Chandy," 'yan agad ang naging bungad ni Chard nang i-accept ko ang call. Walang sabi-sabi ko namang sinunod ang gusto niyang mangyari. Chandy is really clingy towards me talaga. Ilang oras pa lang kaming nagkahiwalay, heto't tumatawag na.
"Hi, Chandy!" Agad na bati ko nang bumungad sa akin ang mukha ni Chandy sa screen ng cell phone ko.
"Hi, Mommy Ayla. How are you? Are you sad? Don't worry, we're on our way there na po to visit your Nanay's wake po."
Kusa akong napangiti sa ipinakitang pag-aalala ni Chandy sa akin. Kaya mahal na mahal ko 'tong batang 'to, e. At saka, hindi na naman dapat sila kailangang pumunta agad dito sa bahay para makiramay. Kararating lang nilang Pilipinas pero ito ang una nilang pupuntahan. Tutol ako kanina sa desisyon nilang ganito pero masiyadong mapilit si Chard na sinabayan pa ni Chandy kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto nila na bumisita ngayong gabi at dito na rin magpalipas ng gabi.
"Okay, baby, I'm waiting," nakangiti kong sagot.
She imitated a kiss on the screen na wala sa sarili kong ginaya.
"Daddy's driving po, Mom, kaya I answered the call."
"Okay. Behave there, baby. I'm waiting."
Madalian lang ang naging usapan namin ni Chandy kasi agad din naman niyang binaba ang tawag.
Imbes na matulog, gaya ng nauna kong plano, mas pinili kong magbihis na lang muna at ayusin ang iilang gamit bago lumabas ng kuwarto para matulungan ang mga taong nandito na mag-prepare ng mga kailangang gawin. Paniguradong marami ang dadalaw gaya ng sinabi ni Tatay nitong mga nakaraang araw.
I was arranging my stuffs when I saw a box inside my closet. Before kong ilagay ang mga gamit ko, mahahalata mo nang ito lang ang laman ng empty closet na iyon kaya one look of it, agad nang mapapansin 'to.
Sinipat ko ito ng tingin and lend some time to check this unfamiliar box. Wala akong idea kung anong laman nito 'cause it's my first time seeing this kind of box inside the closet of my room. And my room is really empty since the construction of this. Ngayon lang ito malalagyan ng gamit, now that I'm home.
Plano ko sanang lumabas na ng kuwarto pero umupo muna ako sa kama ko at binuksan ang box na hawak ko na ngayon. Kasing laki lang siya ng shoe box kaya paniguradong hindi rin naman ganoon karami ang laman nito.
Unang bukas ko pa lang ng box, bumungad na agad sa akin ang isang picture frame. My heart skipped a bit nang makita ko ang mukha ng mga taong nasa frame. I got it out and stared for it for too long.
A small tear came out from eyes when a memory of that photo came back to me.
It's a family picture. Me, Sonny, and Aye, during his christening day, five years ago.
Hindi ko maalalang nagkaroon ako ng kopya no'ng picture namin during his binyag, at mas lalong hindi ko maalala na nilagay ko pa ito sa picture frame. Kaya paanong nagkaroon ng ganitong kopya sa loob ng bahay namin at mas lalo na sa loob ng kuwarto ko?
But nevertheless, seeing this picture brought bitter-sweet feelings to me. Masaya akong makita ito pero nagdadala ng pait sa buhay ko kapag naaalala ko ang nangyari sa araw na iyon. It's the day I lost my son to them.
Afraid of what's inside the box, mas pinili kong isantabi muna ito at tuluyan nang lumabas.
Siyempre, I composed my self muna bago ako humarap sa lahat. Baka akala nila, iyak lang ako nang iyak sa loob ng kuwarto. Panira kasi ng moment 'yong picture na 'yon, e.
Saktong pagkalabas ko ng kuwarto ay ang pagkakita ko sa isang lalaki na nakasandal sa lababo ng bahay at prenteng nakahawak lang sa mug niyang sa tingin ko'y may laman na kape. Agad na nagtama ang tingin naming dalawa the moment I closed the door behind me. 'Yong pakiramdam nang makita ko ang picture kanina ay muli kong naramdaman nang makita ko siya mismo sa aking harapan at parang walang emosyon kung makatingin sa akin.
I froze. I literally froze in shock and in pain. I don't know kung bakit nakaramdam ako bigla ng pain. That was five years ago and I already told my self that whatever happened between us are all in the past now and I should move on.
"You're back."
My whole system bombarded again when after five years, I heard his thunderous voice. It feels surreal, it feels familiar, it feels like home.
"Y-Yeah. I am." Kusa akong umiwas ng tingin dahil hindi ko makayanan ang paraan ng kaniyang pagkakatingin sa akin.
Gusto ko nang umalis sa kusina at tuluyang lumabas dahil sa kabang aking nararamdaman pero tila ba'y pati ang paa ko'y na-semento na yata sa sahig na kinatatayuan ko.
Saka lang ako tuluyang nakagalaw nang tumalikod siya sa akin at mukhang hinugasahan ang ginamit niyang mug sa lababong nasa likuran niya. Pagkakataon ko na sana 'yon na umalis na kaso napigilan na naman ako ng kaniyang mala-kulog na boses.
"Mabuti naman at naisipan mong umuwi. I thought hindi ka na uuwi."
Dahan-dahan kong ikinuyom ang kaliwang kamao ko nang marinig an sinabi niya. Hindi ko gusto ang tono ng kaniyang boses kaya bumalatay ang inis sa buo kong katawan.
"Anong ginagawa mo nga pala rito?" Kahit gustong-gusto kong magreklamo sa tono ng kaniyang boses, pinigilan ko pa rin ang sarili kong maibuhos lahat ng sakit na naramdaman ko, limang taon na ang nakararaan.
Imbes na sagutin ako ng isang matinong sagot, isang kibit-balikat lang ang sinagot niya sa akin bago ako nilampasan para sana lumabas na ng kusina.
Ano 'yon?
"Daddy! Your phone's ringing. Mama Bea is calling you."
Hindi natuloy ang pag-alis niya sana sa kusina nang biglang may pumasok na bata sa loob at agad na lumapit sa kaniya at ipinakita ang cell phone na hawak nito.
The moment na tinawag niya si Sonny na Daddy, hindi ko na inalis ang tingin sa bata kahit likuran ko lang ang nakikita niya. Tumibok muli ang aking puso at matinding kaba ang naramdaman ko sa napagtanto.
My Aye…
"Thanks, boss. By the way, why are you here? Who's with you?"
Pinigilan ko ang sarili kong lapitan siya at paulanan ng yakap at sabihin sa kaniyang kay tagal ko siyang pinanabikan. Hindi ko aakalain na sa ganitong klaseng situwasiyon ko makikita ang anak ko matapos ang limang taon na pagkakawalay sa kaniya. Hindi ko alam kung anong una kong gagawing! Napapangunahan ako ng kaba!
"Daddylo brought me here. He said kasi na you're here and you left your phone in the house. I talked to Mama Bea and she said she really needs to talk you po."
Bakit ni isang salita ay hindi ko maibigkas? Gusto kong magsalita para maagaw ko ang atensiyon niya pero bakit nababahag ang buntot ko't hindi ko alam kung anong gagawin?
Anak ko…
"Okay. Let's go to your Daddylo now, boss."
Akma silang aalis na dalawa sa kusina nang nagkaroon na ako ng lakas ng loob. Kailangan kong gawin 'to. It's now or never. I'm gonna make a move before it becomes too late for my chances.
"S-Sonny…"
Tagumpay ang ginawa kong pagpigil sa kanila kasi napatigil sila sa paglalakad. Nakahawak si Sonny sa mumunting kamay ni Aye habang mariing nakatayo at nakatigil, hindi man lang lumilingon sa akin.
Lumingon sa akin 'yong bata at 'yon na yata ang pinakamagandang nangyari sa akin ngayong araw. Ngumiti ako sa kaniya, 'yong ngiting magpaparamdam sa kaniya kung gaano ko siya ka-mahal kahit na hindi ko siya nakapiling sa loob ng limang taon.
"Hi po, good evening po."
And I melted right away when he innocently greeted me. It feels like that simple greetings means that he loves me. Parang timang pakinggan pero kinilig ako sa simpleng pagbati niyang iyon.
Upang mapigilan ang sarili kong mapahikbi sa sobrang tuwang nararamdaman ko, sinapo ko ang bibig ko ito kahit naiiyak na tiningnan ang inosenteng mukha ng anak ko.
"A-Aye…" Tawag ko sa kaniya.
"I'm sorry po but my name's not Aye po. Mommyla said no one should call me Aye, po. My name is Solano po. But you can call me Sol, po."
"C'mon, Sol, your Mama Bea must be waiting for my call."
Ang luhang sinubukan kong pigilan ay tuluyang nang bumagsak dahil sa sinabi ng anak ko. Nang sarili kong anak.
Halos matumba ako dahil sa panghihina. Nakakuha ako ng suporta sa pader at sobrang nasaktan dahil sa sinabi niya.
No one is calling him Aye? How? Why? At sino si Mama Bea? Hindi ba talaga ako kilala ng sarili kong anak? Ni-minsan ba ay hindi niya ako pinakilala? Hindi ba naghanap ang anak ko sa akin? Ang dami kong tanong, sa sobrang dami, hindi ko alam kung saan ako magsisimula at kung kakayanin ko bang marinig ang mga sagot sa tanong ko.
~