Jennie's Point of View
Isang buwan na rin pala ang lumipas matapos kaming mapadpad dito. Hindi naging madali ang bawat araw sa amin, hindi kailanamn magiging madali ang pananatili sa impyernong ito. Kung tutuosin ay maswerte pa rin kami na humihinga hanggang ngayon.
"Alam mo? Nakakapanibago sila." Sambit ni Nayeon habang pinagmamasdan ang mga estudyante na binabati kami.
Nagagawa na nilang ngumiti sa amin. Iyon kasi ang utos ni Supremo, kailangan nila kaming pakitaan ng maganda. Kahit na alam kong napipilitan lang sila.
"Hayaan mo na. Masasanay ka rin." Sambit ko.
Dumiretso kami sa library kung saan sasamahan ko si Nayeon sa paghahanap ng libro para sa assignment nya. Si Rosé naman ay masakit ang ulo kaya nasa dorm lang kasama si Jisoo tapos ang mga boys? Ewan, gumagala siguro.
Agad na naagaw ng pansin ko ang librarian na matanda na. Nakangisi ito sa akin kaya ibinalin ko sa iba ang aking tingin. Anong meron sa ngisi nya?
Umupo kami sa isang table kung saan hinihintay ko si Nayeon na makabalik dahil hinahanap pa nya ang libro. Sandali kong inikot ang aking paningin, parang ordinaryong library, napakaraming sign ng katahimikan, may mga mangilan-ngilan ding estudyante ang narito.
"Ikaw si Jennie?"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil paglingon ko sa kaliwa ay mukha agad ng librarian ang tumambad sa akin. Nakangisi pa rin ito sa akin. Hindi ko gusto ang ngisi nya.
"O-Opo." Sagot ko.
"Totoo nga ang balita. Mabilis kang nagkaroon ng posisyon at naitaas sa ika-siyam na pwesto." Sabi nya habang nakatingin sa aking uniform.
Hindi ko nagawang sumagot dahil hindi pa rin ako naka get over sa panggugulat nya sa akin.
"Parang nauulit ang lahat. Sana nga..." Aniya. "Sana sa pagkakataong ito, magtagumpay na." Dugtong niya.
Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Mahaba ang buhok nitong kulot at puti, kulubot na ang balat nito at nababalutan ang mata nya ng makapal na eye glass. Nakalagay sa name plate sa kaliwang dibdib nya ang pangalang 'Hae-sun'.
"A-Ano pong sinasabi nya?" Tanong ko. Hindi ko kasi maintindihan. Anong sinasabi nyang mauulit mula? Ano ang tinutukoy nya?
"Kaibigan mo 'yon?" Tanong nya sabay turo kay Nayeon na nagkakalkal sa mga libro. "Alam ba nila?" Tanong nya.
"Ano po? Teka, ano po ba ang sinasabi nyo?" Wala talaga akong maintindihan.
"Nag-aaral sila ng mabuti para mapasali sa Highest 10, para makaalis dito. Pero ikaw, kasali ka na. Ano pang ginagawa mo sa impyernong ito?" Tanong nya sabay mahinang tumawa.
Napalunok ako nang mapagtanto ang ibig nyang sabihin. Natikom ang aking bibig.
"Alam mo na hindi ba? Nagpaniwala ka naman?" Tanong nya."May mali sa bawat kwento, tandaan mo Jennie, walang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo lang din. Kahit na mga kaibigan mo, huwag kang magtitiwala. Ikaw din. Baka maulit ang nangyari dati. Mag-iingat ka."
Tumalikod na sya at pumunta muli sa upuan nya sa dulo kung saan naroroon ang kanyang table.
Hindi ko parin ma-absorb lahat ng sinabi nya. Hindi tama 'yon, kaibigan ko sila, dapat ko silang pagkatiwalaan. Ginugulo nya lang ako, tama! Ginugulo lang nila ako. Hindi ako makikinig sa kanila, pinagkakatiwalaan ko ang aking mga kaibigan gaya ng pagtitiwala nila sa akin.
"Oh? Anyare sa'yo? Tulala ka." Tanong ni Nayeon na nakaupo na pala sa aking harapan.
Umiling na lang ako at pinanuod siyang magbasa sa libro. Hindi nila ako kayang traydorin, hindi rin nila ako babaliktarin. Hindi talaga.
"Nayeon? Gaano mo kagustong makalabas dito?" Tanong ko.
Napatingin siya sa akin na nakakunot ang noo. Nakataas rin ang kaliwang kilay nito na parang nawi-weirduhan sa tanong ko.
"Ano bang klaseng tanong 'yan Jen? Syempre gustong-gusto." Sagot nya. "Bakit ikaw? Ayaw mo ba?" Tanong nya pabalik.
"Syempre gusto!" Sagot ko sabay mahinang tumawa.
Ang sikip sa dibdib na kahit gusto ko talagang makaalis dito ay hindi na maaari. Hindi nila ako papaalisin. Hindi nila ako hahayaang makalabas ng humihinga. Kahit na anong gawin ko, mabubulok na rin ako dito.
Lumabas na ako ng library at iniwan si Nayeon na hindi pa rin tapos.
Naglakad-lakad ako at as usual ay ngumingiti sa akin lahat ng makakasalubong ko. Hindi sinasadyang mapadpad ako sa music room kung saan may naririnig akong may tumutugtog.
Sumilip ako at nakita ang isang lalaking may hawak na gitara at kumakanta. Nakasalamin din ito gaya ng mga nerd.
Ang ganda ng boses nya kaya hindi ko na napigilang pumasok. Natigilan siya sa pagtugtog nang makita ako.
Mabilis siyang tumayo at binitawan ang gitara.
"S-Sorry binibini." Aniya sabay yuko sa akin.
"Hindi. Okay lang, ang galing mo namang tumugtog." Puri ko.
Napaangat ang ulo nya at tumingin sa aking mga mata. Napaka inosente ng kanyang mata at parang walang bahid ng kasamaan.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko.
"Ako po si Taehyung Kim."
Napanganga ako matapos marinig ang pangalan niya. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa kanyang labi. Mali ang narinig ko hindi ba? Taehyung Kim? Mali! Hindi iyon siya! Hindi siya ang leader ng Hell's Angels. Not this innocent guy.
"A-Ano?"
"Taehyung Kim po." Ulit nya.
Inangat nya ang isang parte ng tela sa polo nya kung saan nakasulat ang number 3.
Siya nga. Siya ang leader ng HA. Pero bakit ganon? Napaka inosente niya? Parang hindi mo aakalain na isa rin siyang demonyo. Shit!
"May problema ba?"
"Ikaw ang leader ng Hell's Angels." Tanong ko.
Mahina itong tumawa. Isang nakakakilabot na tawa. Isang tawa na parang mahirap kalimutan. Innocent evil. Hindi dapat minamaliit ang mga tao base sa itsura nila dahil hindi natin alam kung ano ang nasa loob nila.
"Ako nga binibini."
Nanuyo ang lalamunan ko. Ngayon ko lang din napansin ang tattoo sa kanang braso nya. Isang ahas na nakapako. Ito ba? Ito ba ang simbolo ng HA? Makamandag ang pako. Kaya pala ganon nalang ang epekto non kay Kai.
"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, hindi lahat ng mabuti sa'yo ay totoo, dahil minsan... mas demonyo pa sila sa mga inaakala mong demonyo."
Hindi ko nagawang makakilos sa kinatatayuan ko nang lapitan nya ako. Inayos nito ang eye glass nya at tinitigan ako sa mata.
Those eyes! Ang kaninang inosente na ngayon ay parang ang mata ni Jeongyeon. Hindi mo kayang titigan ito ng matagal sahil parang hinihigop nito ang buo mong lakas. Masyado itong nakakilabot.
"Number 9 huh? Kahanga-hanga ka. Pero wala kang ring kwenta para sa amin at sa kanila, mamamatay ka rin, maaring ako o uba ang gumawa no'n. Sayang ka, tatanungin kita." Aniya.
Nanatili ang mga mata nya sa akin habang ako ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumalabas na ngayon sa kanya ang totoong demonyo. Demonyong nakakubli sa loob ng inosenteng lalaking ito.
"Sumali ka sa amin. Gawin kitang reyna. Ako mismo ang magliligtas sa'yo."
Napanganga ako. "Ayoko." Matigas kong sambit.
Ayoko maging reyna ng demonyo. Mas gugustuhin ko na lang ang mamatay kesa sa sumanib sa kasamaan. Hindi ako kailanman sasanib sa kahit na sinong demonyo.
"Sayang ka. Mamamatay ka rin. Gusto mo ngayon na?"
Namutla ako nang tutukan nya ako ng pako sa leeg. Hindi ako makahinga ng maayos. Ang sikip at pakiramdam ko na kahit isang galaw lang ay ikamamatay ko na.
"Demonyo ka rin, mas demonyo ka pa sa amin." Bulong niya.
Ramdam ko ang tip ng pako sa leeg ko. Ang lamig nito. Nakakakilabot. Nanginginig na rin ako.
"Patayin mo na ako..." Sambit ko
Humalakhak siya at inalis ang pako sa leeg ko. Tinawanan nya ako na parang ang sinabi ko ay ang nakakatawang biro na narinig nya.
"Tama nga sila. You are not afraid of death at parang si kamatayan pa ang takot sa iyo. Pero hindi ka muna mamamatay. Hindi muna sa ngayon na may silbi ka pa."
Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang tatlong lalaki.
"Ayon siya!"
Nanlamig ako nang sugurin nila si Taehyung at paulanan ng suntok. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko.
Bakit hindi siya lumalaban? He is a monster too but why the hell is he not fighting back?!
"Itigil nyo 'yan!" Sigaw ko.
Natigilan sila at humarap sa akin. Halatang nagulat sila nang makita ako. Hindi ata nila ako nakilala kanina.
"S-Sorry binibini."
Hindi ko sila pinansin at dumiretso ako kay Taehyung na nakangisi. Putok ang labi nya.
"Bakit hindi ka lumalaban?" Tanong ko.
"Binibini! Layuan mo ang lalaking nerd na iyan! Basura siya!" Sigaw ng isang lalaki sa likod ko.
Nanlaki ang mata ko nang may mapagtanto. Hindi kaya... Hindi nila alam na ang lalaking ito ay kasama sa H10 dahil tinatago niya ang numero sa polo niya.
Shit!
"Tama binibini. Hindi nila ako kilala, hindi nila kilala na ako ay isang demonyo."
Napaatras ako nang sugurin na naman siya ng mga lalaki. HIndi ko alam pero lumabas ako ng music room.
Kaya pala. Kaya pala nila siya ginaganyan dahil hindi nila alam kung sino siya. Na siya ang leader ng HA! Na isang demonyo! Hindi nila siya kilala!
Hindi ko alam kung kanino ako maaawa. Kay Taehyung o sa tatlong lalaking iyon.
"Tapos na ba siyang bugbugin?"
Napadako sa lalaking pula ang buhok ang aking tingin. Naaalala ko siya. Siya ang sinabi sa akin ni Rosé na nakita nya ng mangyari ang pagpatay kay Daniel Kang.
May tattoo ito na maliit na pako sa gilid ng kanyang braso na parang nakabalot sa isang koronang tinik.
"Isa ka rin sa kanila?" Tanong ko.
Sumilip siya ng bahagya sa pinto at napailing.
"Nakakainip naman. Hindi pa rin siya tapos bugbugin." Aniya sabay inat na animo'y inaantok na.
"Tulungan mo na siya." Sabi ko.
Sandali nya lang akong tinitigan sabay tumawa ng bahagya. Inayos nya ang buhok nyang pula bago umiling.
"Hindi pwede. Pero tandaan mo ang mukha ng tatlong lalaking 'yan... Sila na ang susunod sa yapak ng iba pang namatay."
Kinilabutan ako. Sigurado akong totoo ang sinabi nya. Pagbabayaran ng tatlong lalaking iyon ang kapangahasan nila.
Ang nerd na binubugbog nila ang pinuno ng isa sa kinakatakutang gang dito. Hell's Angels, Taehyung Kim. Ang pumapangatlo sa pinakamtaas sa loob ng impyernong ito.