webnovel

Chapter 45

SCARLET

Tatlong araw ang nagdaan, walang paramdam si Megan. Ilang araw na akong naghihintay na tawagan niya ako o i-text pero wala akong natanggap kahit isa. Kahit simpleng tuldok lang.

As in, wala.

Ghad! Please help Megan na kausapin niya ako.

I'm badly want to talk with her pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako sa mga nangyari no'ng araw na... napagdesisyon namin na ipagpatuloy ang aming nararamdaman.

As a matter of fact, hindi ko alam kung anong nature ang meron pagdating about dating ng girl to girl.

Kailangan bang may isang taong mag-i-insist na ligawan isa sa amin? Sorry. Wala talaga akong alam at first time ko lang humantong sa ganitong relationship.

Naninibago ako. At saka first time ko lang.

Lalo tuloy akong na-stress. Nago-overthink na baka magbago si Megan sa kanyang desisyon baka nga umatras siya. Alam naman natin kahit sino pwede magbago ang ihip ng hangin at magbago ng desisyon.

Ayokong mangyari 'yon sa kanya.

Napasigaw na lang ako sa mga naiisip ko. Hindi talaga 'to nakakatulong sa aking isipan lalo ko lang pinapalala itong iniisip ko.

Napatakip na lang ako ng unan sa aking mukha dahil nababanas na ako sa kakahintay.

Ilang minuto ang lumipas, biglang nagring ang aking phone.

At, mukhang namamalik-mata lang ako. Pero hindi, e.

Hindi ko akalaing si Megan ang tumatawag sa cellphone ko ngayon.

Dininig ata ni Lord ang aking hiling. Ang saya tuloy sa pakiramdam. Excited kahit kinakabahan.

Sinagot ko agad ito.

"Don't call her, Quinn..."

Isang familiar na boses na mismong alam ko na kung sino 'yon.

Pero... kasama niya si Miss Quinn.

Ah! Baka nasa office sila.

"Hello?" tanong ko at mukhang may naririnig akong ingay sa kabilang linya.

"Huwag kang pasaway, Meg."

Rinig kong sabi ni Ms. Quinn sa kanya at lalo tuloy ako nagtaka kung anong nangyayari sa kanilang dalawa.

"I told you to get some rest. Pero nanatili ka pa ring pasaway at gusto mo pa magtrabaho."

"Can you just let me work, please? Marami pa akong tatapusin na trabaho. Tigilan mo ako."

"Hello, Scarlet?"

"Hello po..." nahihiya kong bati kay Ms. Quinn.

"Pasensya na kung naririnig mo ang bangayan namin dalawa. Pero kailangan ko talaga ng tulong mo para iuwi itong si Megan sa lungga niya."

"Ako po?" Hindi ba ako nanaginip na kausap ko si Quinn na iuwi itong si Megan na walang sapat na tamang rason para siya ang ihatid ko sa bahay niya.

Bakit ako?

"Yes."

"Kaya niya naman po." nahihiyang pagdadahilan ko sa kanya.

"She have a fever, Scar. You need to take care of her."

"Bakit po ako?"

Oh ghad! Bakit ko 'yon sinabi? Parang ang dating na ayaw kong alagaan si Megan. Ang risky kasi kung sa condo ko siya ihahatid, lalo na doon pa naman sa lugar na 'yon, may nagtatangkang ibulgar ang namamagitan sa aming dalawa ni Megan.

Saka nahiya tuloy ako.

"Wala kang balak na alagaan si Megan?" pagtatakang tanong ni Ms. Quinn.

Kinabahan tuloy ako sa tanong ni Ms. Quinn.

Gusto ko man alagaan siya pero nakakahiya lang kasi hindi ko alam kung paano mag-alaga ng may sakit. Basta may gamot kayang-kaya ko na.

"Hindi po ba mas maganda na ipa-check-up na lang siya sa clinic?" tanong ko kay Ms. Quinn.

"Ikaw lang ang gamot sa sakit niya. Hindi ka ba concern sa kalagayan niya?"

Natahimik ako sa tanong ni Miss. Quinn.

Hindi ko masagot pero kung aaminin ko ngayon, oo concern talaga ako sa kanya.

"Ang corny mo, Quinn. Ibaba mo na 'yan . Huwag mo na guluhin si Scarlet." rinig kong sabi ni Megan kahit malayo ito pero rinig na rinig ko ang kanyang boses, "Mukhang wala naman siyang time para sa kalokohan mo, Quinn. Ibaba mo na 'yan." pagtataboy na sabi ni Megan na mukhang naiirita na siya kay Ms. Quinn.

Gusto ko tuloy puntahan siya pero nahihiya lang talaga ako. Lalo na alam ni Ms. Quinn na gusto namin ang isa't isa.

Naiisip ko lang na hindi ba weird sa paningin niya na yung CEO ng EyeRed at Artist ng EyeRed ay may something sa isa't isa? Lalo na pareho silang babae?

Gano'n din naman iisipin ng mga tao sa kalagayan namin. Opinion ko lang naman.

Hindi lang siguro ako komportable na may nakakaalam bukod sa amin ni Megan. Pero alam ko naman na mapapagkatiwalaan si Ms. Quinn. Tutal secretary niya ito at mukhang close silang dalawa.

Sige na nga makapunta na nga.

"Sige po. Pupunta na po ako. Within 30 minutes nandyan na po ako." nahihiyang sabi ko.

"Sure. Salamat. Ingat ka."

"Sige po. Kayo rin po." pagkatapos ko sabihin ito, binaba ko na ang linya.

Heto naman ang gusto ko diba? Makita at makausap si Megan buong magdamag?

Sulitin ko na talaga hangga't may pagkakataon pa.

***

Nandito na ako sa EyeRed sa mismong parking lot. Kakatapos ko lang magparada nitong kotse na minamaneho ko ngayon. To be honest, hindi sa akin ang kotse ko kaso day-off ng aking driver kaya ako na lang nagdrive nito. Hindi naman legit na sa akin ang kotse na ito. Galing lang ito sa kompanya na ni-rent lang namin. Nakabawas na 'yon sa mimsong sweldo ko sa EyeRed kaya kahit ako may right akong gamitin dahil ako naman nagbabayad.

Kakalabas ko lang sa sasakyan ko habang naka-face mask ako na black para hindi ako mamukhaan ng iba lalo na if ever na may stalker ako.

Pagkatapos ko lumabas, sinarado ko na ang pinto ng driver seat at nagsimula na akong pumupunta sa daanan papunta sa office ni Megan.

Nakaramdam ako ng biglaang paghila sa aking braso, kaya nagulat ako at lalong kinabahan kung sino man ang naglakas ng loob para hatakin ako.

Gusto ko pang mabuhay, Lord!

Hinatak niya ako at napasandal ako sa isang malaking poste at sinandal niya ako. Tinakip niya ang aking bibig.

Megan?

Napakunot-noo ako dahil si Megan ang nanghila sa akin.

Nawala na ang kutob ko ngunit pumalit naman ng pagbilis ng tibok ng aking puso ko dahil ang lapit ng mukha niya sa akin habang tinatakpan niya ang aking bibig na mukhang busy siya sa pagsisilip.

Pero ano bang ginagawa ni Megan? Bakit siya ganito umakto?

"After ko pagbilang 1 to 3, mauna kang pumasok sa shotgun seat ng sasakyan mo." bulong niya sa akin at nagtaka ako kung bakit niya ito sinasabi.

"Makinig ka sa akin. Kung hindi, mapapahamak tayong dalawa." bulong niya ulit at pumalit na naman ng tibok ng puso ko sa kaba.

Ha? Mapapahamak?

Hindi ko alam kung ano pinagsasabi ni Megan pero sinunod ko na lang ang kanyang utos. Baka kung ano pang mangyari kung pairalin ko pagiging matigas kong ulo.

Sa ngayon, busy pa siya sa pagmamatyag at pagtago namin dito. Lalo na hindi pa rin ako komportable sa aming posisyon dahil ang lapit na naman ng mukha niya.

Ramdam ko pa nga ang paghinga niya, e.

Okay lang talaga ako.

Kinilabutan tuloy ako ngayon at nag-iinit ang aking mukha at hindi nagtagal, nagtitigan kaming dalawa.

Bigla na naman tumibok ang aking puso na mismong ayaw na kumalma ito.

Pansin ko rin na unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa akin.

Napapikit na lang ako.

Ilang segundo nakalipas, nakapikit pa rin ako at sumilip ako kay Megan na pinagpatuloy niya ulit ang pagsilip niya.

Nakakahiya ka, Scarlet. Napaka-assuming mo.

"Brad, hindi mo ba nakita yung babae dumaan sa elevator?"

"Wala, pre. Baka iba siya dumaan."

"Tara doon tayo. Baka doon dumaan 'yong Scarlet na 'yon."

Bigla ko itong narinig at out of nowhere kong naisip imposible na magkakaroon ako ng stalker. Pero sa narinig ko, mukhang delekado nga talaga ako mag-isa.

Lalo na magkasama kaming dalawa ngayon ni Megan. Balak ko pa naman siya bisitahin siya sa office pero biglang sumulpot si Megan para magtago kami.

Kaya pala nandito si Megan para iligtas ako sa mga 'yon.

Naalala ko nga pala na inuutusan ako ni Ms. Quinn na iuwi itong si Megan dahil may sakit daw ito. Tamang-tama naman ang timing dahil nandito na agad si Megan. Nagsimula akong kapain ang kanyang noo at leeg kung mataas ang temperature niya o hindi naman masyado. Para alam ko kung dadalhin ko talaga siya hospital kahit sa ayaw niya at sa gusto.

Nagulat tuloy ako na hinawi niya agad ang aking kamay at hinawakan niya ito ng mahigpit.

Galit ba siya?

Natulala ako sa kanyang expression dahil hindi ko maintindihan kung galit ba siya o ayaw niya ang aking ginawa sa kanya..

"Ha? Sorry..." mahina kong sabi sa kanya at dumeretso agad ako sa driver seat para magmaneho.

Hindi ko na rin hinintay ang kanyang signal para sumakay sa kotse dahil pakiramdam kong may mali akong ginawa sa kanya. Mukha kasing ayaw niya talaga yung ginawa ko sa kanya.

Gusto ko lang naman malaman at wala akong ibang intensyon kundi nag-aalala ako sa kanyang kalagayan.

Hays...

Narinig kong bumukas ang pinto ng shotgun seat at nagpanggap akong walang pakialam at walang nangyari kanina kahit nalungkot ako sa inasta niya.

Wala naman kasi akong nagawang kasalanan.

Binuksan ko na ang makina ng kotse at para maihatid ko na si Megan kahit ganito ang mood ng atmosphere naming dalawa.

At nagsimula na akong magmaneho. Kanina pa ako panay tingin sa side mirror which is tinitingnan ko sa aking peripheral vision kung ano tinitingnan ni Megan.

"Gusto mo ba matulog sa bahay ko?"

Natawa ako sa gulat dahil sa sinabi ni Megan. Hindi ko inaasahan na out of nowhere siya magsasalita tungkol dito. Especially, kung ganito ang usapan tungkol sa sleep-over ko sa bahay niya parang... kasi.....

Ang awkward.

Pasensya na sa kanya na hindi ako sanay sa ganitong set-up namin ni Megan na may relasyon sa isa't isa. Nahihirapan din ako mag-approach kung sino ba dapat. Kung ano ang tungkulin ko na may gusto sa kanya.

"Hangin ng aircon ba ang kausap ko?" sarcastic niyang tanong sa akin.

"Ihahatid lang kita." sagot ko sa kanya.

"Tss. Wala ka talagang balak makausap at makasama ako 'no?" tanong niya sa akin.

"Excuse me, Megan. Sino ba workaholic sa ating dalawa? Hindi ba't ikaw? Ilang araw na kaya ako naghihinta -" napatigil ako sa aking sinabi at napagtanto ko na nadala ako sa emosyon ko.

Pinalo ko ang aking bibig dahil nadulas ako.

Nakakahiya ka na naman, Scarlet.

" 'Ilang oras na ako naghihintay...' Ha? Bakit hindi mo ko tawagan?" tanong niya sa akin at natahimik ako sa tanong niya.

Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Gusto ko sana idipensa pero hindi ko alam kung paano. Wala ako maisip na i-dadahilan ko sa kanya.

"Tss. Huwag ka na mahiya sa akin, Scar. Sasagutin ko naman kung miss mo ko." pang-aasar niya sa akin, "Aray ko. Ang sakit ng ulo ko tuloy." daing niya bigla.

"Ayan tuloy na-karma ka." sabi ko sa kanya at tiningnan ko siya na hinihilot niya ang kanyang sentido.

"Okay ka lang ba?" nag-alala kong tanong sa kanya habang sumandal siya at pumikit, "Dadalhin kita sa hospital." suggestion ko sa kanya at umiling naman ito.

"Ayoko. Alam mo naman delikado na baka makita tayo ng iba. Pahinga lang 'to." pagdadahilan niya.

"Ang tigas kasi ng ulo mo." inis kong sabi sa kanya.

Wala na rin ako narinig na salita mula sa kanya at pansin kong nakatulog na ito agad habang nagmamaneho ako.

Hays... Pakiramdam ko kailangan ko talagang alagaan 'to si Megan.

Kailangan ko rin siyang bilhin ng gamot at lutuan siya ng pagkain para pakainin ko siya bago painumin ng gamot. At saka, para makapagpahinga na siya ng mahimbing.

Alam ko na rin kung nasaan ang kanyang bahay dahil pumunta na rin kami doon at binigay niya rin sa aking ang address kanina para maging silbi bilang pag-guide papuntang bahay niya.

***

"Meg..." tawag ko sa kanya habang ginigising ko siya at ilang sandali lamang napamulat siya ng mata.

"Nandito na ba tayo?" tumango ako sa kanyang tanong.

Akmang lalabas na siya ngunit pinigilan ko siya, "Alalalayin na lang kita. Hintayin mo 'ko." agad ko sinara ang makina at lumabas agad sa driver seat para buksan ko ang pinto.

Pagkatapos, pinagbuksan ko siya. "Hindi ako pilay para alalayin mo ako. Kaya ko na 'to." pamimilit niya pero sa kalagayan niya mukhang tutumba na ang kanyang katawan dahil ang tamlay na niya kumpara kanina.

"Matamlay na nga katawan mo, kaya mo? Magtigil ka." pagsaway ko sa kanya habang inaalalayan ko siya.

Napatigil kami sa pinto, "1007. 'Yan ang PIN ko." matamlay niyang sabi. Pagkatapos kong pindutin ang PIN biglang tumunog ito kaya binuksan ko na.

"Nasaan ba kwarto mo?" tanong ko sa kanya at tumingin ako sa kanya na may bahid ng masamang ngiti at pag-iisip itong si Megan.

Hindi halatang may sakit talaga 'tong si Megan. Ibang Megan talaga 'tong kasama ko.

"Ngiti-ngiti mo dyan." binitawan ko siya at bigla itong natumba kaya inalalayan ko ulit, "Tigas ng ulo mo. Isipin mo rin sarili mo." sermon ko sa kanya habang inaalalayan ko siya hanapin ang aking kwarto.

"Nasaan ba yung kwarto mo para makatulog ka? Magluluto pa ako para makainom ka na ng gamot." tanong ko sa kanya at tinuro niya na lang ito at napatingin naman ako kung saan direksyon ang tinutura niya.

Pagkatapos kong makita, dinala ko na siya sa kwarto at tuluyan na siyang humiga.

Kinapa ko ang kanyang noo ngunit hindi naman ito mainit. Lalong kinapa ko ulit ang kanyang leeg, hindi naman ito mainit.

Ibig sabihin...

"Uto-uto ka talaga, Scarlet." biglang bumangon si Megan habang tinatawanan ako.

Kaya pala kanina ayaw niya ako pahawakan sa noo niya para i-check siya kung may lagnat o sinat ito.

Nainis tuloy ako lalo.

Grabe ha? Ang galing niya umakto parang may sakit talaga.

Sinamaan ko siya ng tingin at umalis na lang ako sa kwarto dahil sa inis ko sa kanya. Ngunit hinatak niya ako ng malakas at napaupo ako sa kama niya.

Magkaharap kami ngayon ni Megan.

Biglang mabilis na naman tibok ng puso ko dahil sa mga tingin sa akin ni Megan.

"Ano?" inis kong sabi sa kanya.

"Gusto lang kita makasama ngayon. Ayaw mo ba?"

Natulala ako at lalo tuloy bumilis tibok nito.

"Ewan ko sayo. Tigilan mo ak-"

Hindi ako nakahinga no'ng hinila niya ako para sunggaban niya ako ng yakap.

"Pasensya na kung natagalan ako. Ilang araw ko na rin pinag-iisipan kung paano kita kakausapin pero wala akong magandang plano para magkita tayo. Buti na lang may mabait akong secretary na ayaw na ayaw niya palagi ako nagtatrabaho kaya tinataboy niya ako sa'yo ngayon." rinig kong sabi niya habang nagkayakap kaming dalawa.

Bigla akong na-flattered sa mga sinabi niya.

Akala ko ma-d-dissappointed ako kung wala siyang plano para kausapin niya ako. Pero hindi pala.

Bigla akong pumiglas sa pagkayap niya.

Napaisip ako kung papaano ito mag-w-work? Wala rin naman akong ideya sa mga ganito.

Iba kasi ang alam ko sa mga lalaki. Bonding lang, same trip kung ano nagustuhan, landi-doon at landi -dito. Pero kasi pagdating katulad ng ganitong sitwasyon namin ni Megan, sa pananaw ko parang seryoso yung pagpapahalaga ng relationship niyo sa isa't isa. Yung tipong masyadong senti/emotional yung ganitong type ng relationship. Parang ayaw ko ng ganoon.

Gusto ko yung katulad sa mga lalaki na sobrang sweet sa isa't-isa. Momol everywhere tapos bonding sa labas. Nakakamiss lang yung mga moments na gano'n.

"Anong meron sa mukha mo? Bakit nakaganyan ka? Nakasimangot na nag-iisip." nagising ako sa puna sa akin ni Megan.

"Wala 'to. Namiss lang kita." palusot kong sabi sa kanya at nagpanggap akong wala akong naiisip.

Bigla akong nagulat no'ng hinalikan niya ako sa labi ngunit sandali lang ito.

Nakaramdam tuloy ako ng pag-init ng aking mukha at tinakpan ko ito.

"A-anong g-gawin n-natin?"

Nautal pa nga ako.

Pinagtawanan ako ni Megan at nagtaka ako kung bakit ganito kasaya si Megan sa harap ko.

"Bakit? Anong nakakatawa?" pagtataka ko sa kanya at huminahon ito sa kakatawa.

"Iba ba iniisip mo?" natawa na lang dahil sa binanggit niya at umiling ako agad.

"Ha? Iba kaya tinutukoy ko!" depensa kong sabi sa kanya.

Naitanong ko kasi 'yon dahil para maiba yung usapan namin dahil sa hinalikan niya ako. Gusto ko lang i-change yung topic naming dalawa.

Pero itong si Megan may halong kahalayan ang naiisip ito ngayon kaya lumayo ako sa kanya.

"Oh! Bakit ka lumalayo? Oh! Lumalayo ka ha? Lumapit ka." puna niyang sabi sa akin habang lumalayo ako sa kanya.

"Baka kung anong gawin mo sa akin. Mahirap na. Okay ka na ba? Aalis na ako." seryosong biro ko sa kanya.

"Anong aalis ka na? Ngayon lang tayo nagkasama, aalis ka na?" nakabusangot na sabi ni Megan.

"E, wala naman ako gagawin dito. Wala ka naman sakit." biro kong dahilan sa kanya.

"Tss. Umalis ka na." masungit na pagtataboy sa akin ni Megan.

Aba! Nagsungit na si Megan.

Lumapit ako sa kanya at tumabi pero... lumayo ito sa akin.

Nagtampo ang lola niyo.

"Binibiro ka lang, Meg. Nagsuplada ka na." panunuyo ko sa kanya habang lumalapit ako sa kanya kahit nakatalikod lang ito.

Gusto ko man yakapin siya pero ang awkward nang dating pero bahala na.

Niyakap ko siya at humarap siya bigla sa akin at hinalikan niya ako.

Tumugon naman ako sa kanyang halik hanggang lumalim ito. Nang-init ang aking katawan at pakiramdam ko namumula na ang aking pisngi at tenga ko.

Napatigil siya sa paghalik sa akin.

Bigla kaming nag-iwasan ng tingin.

"A-ano... Magluluto muna ako ng makakainan natin." awkward kong tawa at sabi sa kanya.

"Oo. S-sige."

Mabilisan akong tumayo at lumabas sa kwarto ni Megan.

Pagkatapos, napasandal na lang ako sa pader at ngayon, kinapa ko ang aking dibdib.

Ang bilis na naman tibok ng puso...

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

> wattpad: @itsleava

> twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
次の章へ