webnovel

Chapter 43

SCARLET

Papunta ako ngayon sa music room para magrecord ng aking bagong single dahil 'yon ang sinabi ng aking bagong manager ngayon araw. Hindi ko kasama siya dahil may aasikasuhin siyang importante kaya mag-isa ako ngayon papunta sa record room.

Sanay naman na ako mag-isa.

Ang problema lang hindi ko alam kung saang record room ang pupuntahan ko.

In fact, isa lang alam ko ng mga lugar kung saan ako magr-record.

Medyo kinakabahan ako ngayon.

Hindi ko alam kung sa pagrerecord o ano, makikita ko si Megan dito sa floor na 'to.

Malapit lang kasi office ni Megan sa record room dito. Naalala ko pa nga na inabutan niya ako ng panyo at lalo na ginamot ko yung paltos niya dati.

Sa puntong 'yon, masaya sa pakiramdam na kaharap mo yung idolo mo tapos nakausap mo siya sa personal.

Pero...

Hindi ko alam...

Na isang araw biglang nagbago ang lahat.

Noong simula na may naramdaman akong kakaiba sa kanya.

Parang nakalimutan ko na idolo ko siya. Na dapat lang na hangaan ko siya.

Hangaan lang.

Nagbago ang tingin ko sa kanya noong may nararamdamn ako sa kanya.

Yes, masaya sa pakiramdam pero hindi pala ganito ang inaasahan ko.

Tama nga si Megan, magiging komplikado ang lahat. Kung parehas lang kami may lakas ng loob para i-take risk itong nararamdaman naming dalawa....

Siguro masaya kami kahit nahihirapan kami sa sitwasyong ito.

Hindi lang ako ang pwede lumaban sa relasyon namin, dapat pati rin siya.

Hays...

Dapat bang nilugar ko 'yong sarili ko sa kanya? Para hindi na kami magkaganito.

Ang sakit kasi sa pakiramdam na ganito ngayon ang sitwasyon namin.

Parang nagsisisi ako.

Lalo na nahihirapan ako.

"Sorry, Miss!"

Bigla akong nabangga habang lumilipad ang aking isip.

"Sorry! Sorry!" paumahin kong sabi sa kanya habang nakayuko ako.

Nakabunggo pa nga ako habang may iniisip.

Nagmadali na lang ako sa paglalakad dahil sa sobrang hiya ng aking ginawa.

Magfocus ka muna sa trabaho, Scarlet. Hindi nakakatulong ngayon 'yan.

"Sorry talaga, Miss!" Napatigil ako sa kanyang pagsabi.

Akala ko tapos na dahil nagsorry na kaming dalawa, e.

Lumingon ako sa kanya at umiling ako.

"Hindi rin kita napansin. Pasensya na." nahihiyang sabi ko.

Tiningnan ko siya ng maigi.

Pwera sa pagiging gwapo niya, mukhang nakita ko na siya sa aking paningin.

Hindi ko lang mapagtanto pero familiar siya sa aking paningin. Parang nakita ko na siya dati.

"It's okay." ngumiti ito sa akin, "Can I ask you something?" tanong niya sa akin.

Ngumiti ako, "Oo naman po. Ano po 'yon?"

"Nakasalubong mo ba si Megan? Pumunta ako sa office niya. Wala pa raw siya."

"I don'-"

"Why are you here?"

Nagulat ako sa narinig ko. Pero expected ko na nga si Megan ito. Familiar na ako sa boses niya lalo na kapag seryoso ito.

"Hi!" nahiyang bati nitong lalaki kay Megan.

I need to get out of here.

Mukhang istorbo lang ako sa pag-uusapan nila kaya humarap ako kay Megan.

"Mukhang may pag-uusapan po kayo. Mauna na po ako." sabi ko sa kanya at umiwas na ako ng tingin.

Nagsimula na akong maglakad.

Sa bawat paglakad ko nakatingin lang ako sa gitna ng dinaanan ko. Pero ramdam ko na nakatingin siya sa akin. It makes me feel uncomfortable kaya nagmadali na ako sa paglalakad ko.

Wala akong panahon para dito. Kailangan ko muna gawin ang dapat kong asikasuhin ngayon.

Magfocus ka lang, Scarlet.

Nakaramdam ako ng pagkahatak niya sa aking braso at hindi ko sinasadyang napatingin sa kanya.

Nainis ako sa kanyang ginagawa. Una, nagulat ako dahil hindi ko naman inaasahan na hatakin niya ako sa braso. Pangalawa, nandito ang kanyang kakilala. Baka isipin nitong kakilala ni Megan na may namamagitan sa aming dalawa.

Sinamaan ko siya ng tingin para alisin niya ang aking braso ngunit matigas pa rin ang kanyang ulo.

"Bakit nandito ka?" mahinang bulong ko kay Megan, "Bitawan mo ako." mariin kong sabi sa kanya para bitawan niya ako.

For sure, kitang-kita nitong pangyayari ang kakilala ni Megan.

Tinitigan niya ako sandali at lumingon ito sa kakilala niya.

"Hindi mo ba sasagutin tanong ko?" inis niyang tanong sa kakilala niya.

Aba! Dinedma niya lang ako? Wow ha?!

Nagtaka ako kung bakit sobrang cold niya sa kakilala niya.

Nagkatampuhan ba sila?

"Hinahanap kita. Pero mukhang nasa office ka talaga." sabi niya kay Megan, "Are you two friends?" narinig kong sabi mula sa likod ko.

Napapikit ako ng mariin at sinamaan ko talaga ng tingin si Megan.

Baka naman pwede mo na niya ako bitawan.

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa braso ko at humarap sa kakilala.

"Hindi." mabilis kong tanggi sa tanong niya.

"She's lying." nagulat ako sa sagot ni Megan.

Ha? Ako nagsisinungaling? Ano na naman takbo ng utak ni Megan at nasabi niya 'to?

Akala ko ba magpapanggap kami na hindi kami magkakilala tapos....

Sumasakit brain cells ko. Nakaka-stress isipin. Napatingin ako sa kakilala ni Megan na naghihintay ng aking sasabihin.

Bumuntong-hininga na lang ako, "Actually, we're friends." pag-aamin ko kahit isa ito sa mga kasinungalingan, "Kailangan ko na pong pumunta sa record studio." nagsimula na akong magpaalam at umalis na ako.

"By the way, hinatak kita kasi hindi dyan ang papuntang record studio." napatigil ako sa sinabi ni Megan at lumingon ako sa kanya.

Nag-init tuloy ang aking mukha sa kahihiyaan kong pagsusungit sa kanya.

Sabi ko nga.

"Magtatanong na lang ako kay Ms. Quinn." sabi ko at nagmamadali na akong umalis sa kinaroroonan ko. Baka kung ano pa mangyari kung mananatili pa ako rito.

"Samahan mo na lang muna siya. Hintayin na lang kita sa office mo."

Napasapo na lang ako sa ulo. Imbes talaga hindi kami dapat magkasama. Pilit ng tadhana magsama kami kahit isang sandali lang.

Hindi ito nakakatulong sa sitwasyon namin.

"Okay." tipid na sagot ni Megan sa kakilala niya.

"Bye!" pagpapaalam ng kanyang kakilala ni Megan kahit nakatalikod lang ako.

Huminga ako ng malalim at nasa harapan ko na si Megan na nakatingin sa akin dahil kitang-kita ko sa aking peripheral vision ko.

"Mas okay kung hindi ka na lang sumang-ayon 'no?" inis kong sabi sa kanya.

"It's look weird kung hindi ako sumang-ayon. Tara na." sabi niya sa akin at sinundan ko na siya.

"Seryoso ka? Ihahatid mo ako do'n?" tanong ko sa kanya.

"May problema ba?" tanong niya rin sa akin.

"Mas okay kung mag-usap na lang kayong dalawa sa office. Kaya ko na 'to." pamimilit kong sabi sa kanya.

"You are the one who needs help, Scarlet. Sa lawak ng kompanyang 'to, kabisado mo ba?"

Umiling ako, "No. Pero magtatanong na lang ako. Baka importante pag-uusapan niyo." sabi ko sa kanya at tiningnan niya lang ako na mukhang nakikiramdam siya.

"Nagseselos ka ba?"

Natawa ako bigla sa tanong niya, "Hindi." sabi ko sa kanya at umalis na agad ako.

"If you are not jealous, dapat hindi mo ko pinipilit na mag-usap kami ni Diego."

Hinila ko si Megan habang naghahanap ako ng bakanteng room para makapag-usap kami ng maayos. Panay silip ako sa mga dinadaanan naming room at ilang sandali lamang, nakakita ako at pumasok kaming dalawa sa room kahit madilim ito. Para hindi mahalata na may tao sa loob.

Napatigil ulit ako sa paglalakad, "Megan, please just stop it. Hindi ka talaga nakakatulong sa sitwasyon natin." iritang sabi ko sa kanya.

"Look. I am here to help you pero mukhang ayaw mo naman tanggapin tulong ko. Ano bang problema?"

"Problema? Hindi mo ba alam? 'Yong sitwasyon natin, Megan. Nahihirapan ako kaya makisama ka na lang dahil ginusto mo 'to at wala akong choice kundi sundin ang kagustuhan mo!" inis kong sabi, "Dapat inuna mo na lang kakilala mo sa akin kaysa sa akin. Kung gusto mong back to normal tayo, hindi mo ako kasama ngayon. Ghad!" sabi ko sa kanya at sabay irap sa kanya.

"I really can't help it. Gusto ko nga na back to normal tayong dalawa pero nahihirapan ako." mahinang sabi ni Megan.

"Bakit ba natin pinapahirapan sarili natin, Megan?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam. Pero pasensya na kung hindi ko matupad ang kagustuhan natin." sincere niyang sabi sa akin.

"Hindi na talaga pwede magbago desisyon mo 'no? Itutuloy mo na talaga. Poor me." natatawang peke na sabi ko, "Mauna na ako." sabi ko at tumalikod na ako sa kanya at nagsimula na akong buksan ang pinto.

Hinatak na naman ako ni Megan sa aking braso at napasandal ako sa pader na ngayo'y malapit kami sa isa't isa.

"Bitawan mo ko!" pagpupumigil kong sabi sa kanya habang unti-unti niyang lumalapit ang mukha niya.

"Megan, hindi nakakatuwa ginagawa mo." pagbabanta kong sabi sa kanya ngunit wala pa rin epekto sa kanya at patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa sa akin.

"Scarlet, just give me one more time to kiss you." sabi niya.

Biglang tumibok ang aking puso sa kanyang sinabi. Naguguluhan ako kung bakit siya ganito sa akin.

Napagtanto ko na may pumipigil lang sa kanya pero gusto niya ata 'tong ginagawa niya ngayon. Hindi ko na kailangan sabihin dahil gusto ko rin naman 'to.

Kaya hinayaan ko na lang siya na halikan niya ako.

Ramdam kong dumampi ang aming bibig sa isa't isa ngunit pumiglas ako.

Pumiglas ako dahil ayoko. Ayoko. Natatakot ako na baka isang araw, hindi ko na maialis ang nararamdaman ko sa kanya.

At saka nakapagdesisyon na siya kaya kailangan ko na rin magdesisyon para sa sarili ko.

Kailangan ko nang ihinto itong namamagitin sa amin ni Megan.

"Ayoko na, Megan. Suko na ako." mahinang sabi ko at tuluyan na akong umalis.

Baka hindi ko kayanin na manatili ka sa puso ko.

***

MEGAN

"Ayoko na, Megan. Suko na ako."

Bigla akong napagbasakan ng mga bato sa buong katawan ko dahil sa kanyang sinabi.

Tuluyan na niya ako iniwan mag-isa dito.

Napasapo na alang ako sa ulo ko.

It is really my fault.

It's your fault, Megan. Panindigan mo 'yan.

Nagsisisi ako na ito ang pinili kong desisyon namin sa sitwasyon namin pero wala ako magawa, e. Hindi ko kaya magtake ng risk para dito.

Natatakot ako na baka masira itong pinaghirapan ni Dad lalo na inako ang responsibilidad bilang CEO sa alang-alang na magkatuluyan si Quinn at Hexyl.

Ayoko masayang effort ko para alagaan ang EyeRed.

Sorry, Scarlet. Mukhang hindi talaga mangyayari kagustuhan natin hanggang pangarap na lang siguro 'yon.

Lumabas na ako dito at dumeretso na ako sa office kung saan naghihintay si Diego doon. Actually, alam kong pupunta siya dito pero pinasabi ko kay Quinn na wala ako sa office.

Iniiwasan ko kasi si Diego sa kadahilanan nga na may gusto siya sa akin. Nagconfess siya sa akin noong inaya niya ako mag 'friendly dinner' kaming dalawa. Doon niya sinabi ang toong nararamdaman niya pero hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya sa akin.

Pagkarating ko sa office ko, bumungad si Diego na nagbabasa ng magazine at napatingin siya sa akin.

"You're here." magiliw niyang sabi at inayos niya ang kanyang damit. Nagpapa-impress ito sa akin for sure.

Akala mo naman mukha siyang attractive sa paningin ko.

Tss. No effective. Sorry.

Dinedma ko na lang siya at dumeretso ako sa desk ko para tingnan kung ano na naman mga tinambak ni Quinn na babasahin kong report sa table ko.

Umupo na ako sa aking upuan at nagsimula na akong magbasa ng mga report sa iba't ibang department.

"Megan, pwede ba kitang istorbohin? May gusto lang ako sabihin sa'yo?" napatigil ako sa kanyang sinabi at tiningnan ko siya ng masama.

"Why are you here ba?" pagsusungit kong tanong sa kanya.

"It is all about my Dad and your Mom." nagtaka ako sa sinabi niya kaya napatayo ako agad at pumunta sa sala para mag-usap kami.

"Ano?" atat kong tanong sa kanya.

"Gusto ng mom mo na magpakasal tayo." natawa na lang ako sa sinabi ni Diego.

"Hindi nakakatuwa joke mo." iritang sabi ko sa kanya.

"I hope it's not pero hindi, e."

"So what? Pumayag ka?" pagtataka kong tanong kay Diego, "Mukhang papayag ka naman, e. Ikaw lang naman one-sided sa sitwasyon natin." inis kong sabi sa kanya.

Baka gumagawa ng paraan si Diego para makuha niya ang kanyang kagustuhan niya.

"Magbibigay ng malaking shares ang Mom mo sa kompanya ko kung mangyayari ang kagustuhan namin. Kung hindi mo alam, palugi na ang business namin. Gusto ko lang iligtas ang pinaghirapan ko. Sana matulungan mo ako, Megan."

Natawa na lang ako.

"Paano kagustuhan ko?" hamon kong tanong niya sa akin.

"What do you want, Megan? Gagawin ko ang lahat basta tulungan mo ang kompanya ko."seryoso niyang sabi sa akin.

Bigla akong nagulat sa pagbukas ng pinto at hindi ko akalaing nandito si Mom.

"Mom.."

It is my first time seeing her na dumalaw sa EyeRed si Mom at alam ko kapag dumating siya sa EyeRed may importante siyang gagawin dito sa EyeRed.

May posisyon pa rin si Mom dito dahil siya ang chairwoman sa EyeRed Entertainment at ako lang naman ang CEO nito.

"Mukhang seryoso pinag-uusapan niyo." puna sa amin ni Mom.

"You know it already, Mom." cold kong sabi kay Mom at nabigla si Mom sa pagsabi ko.

Naiirita ako pero hindi ko na kayang itago 'tong matagal ko na nararamdaman ng pagtitimpi.

"Gusto kong magpakasal ka kay Diego. He is a good guy at willing naman siya na mahalin ka. Especially, palugi na ang kompanya nila."walang-gana niyang sabi habang tumitingin siya sa kanyang salamin.

Napangiti na lang ako dahil naririndi na akong pakinggan ang sinasabi ni Mom.

I need to respect her pero sana respetuhin niya desisyon ko sa buhay. Kasi parang wala na akong natitirang pagmamahal sa sarili ko puro na lang sa EyeRed at lalo na sa ibang tao.

Inako ko na nga responsibilidad ko sa pagiging CEO dahil kay Hexyl kasi ayokong nahihirapan kapatid ko dahil lang sa trabaho.

"Mom, maraming paraan para tulungan sila. Pero hindi naman maganda na magpapakasal ako sa isang taong tingin ko lang ay kaibigan." pagpapaliwanag ko kay Mom at napansin kong biglang sumeryoso ang mukha ni Mom.

"Can you leave us alone, Diego? Mukhang kailangan ko kausapin si Megan." ngiting utos ni Mom kay Diego at napansin kong ngumiti si Diego at nagbow ito.

Tuluyan na itong tumaya at umalis sa office ko. Pagkatapos naming hintayin si Diego, nagulat ako na may nilapag si Mom ng litrato sa central table.

"Please explain mo sa akin lahat ng picture na 'yan, Megan?!"

Kinuha ko ang mga litrato at hindi ako makahinga sa nakita kong litrato.

Itong mga litrato namin ni Scarlet na papasok siya sa condo ko at kitang-kita na tumuloy siya sa loob ng condo ko.

What the f!

"Paano?" hindi ko makapaniwalang tanong kay Mom.

" 'Paano?' May dumating lang naman na envelope sa bahay at walang pangalan ang sender. Megan, for your information this could be a treat to our company! Maraming taong gustong itumba ang EyeRed. Hinahanap nila ang weakness ng EyeRed which is ikaw ang target nila. So paano mo lilinisin ito, Megan? At isa pa, huwag mong sabihin na may namamagitan sa inyo?"

"Hell! No!" pagsisinungaling kong tanggi sa akala ni Mom.

Hindi niya pwede malaman tungkol sa amin ni Scarlet.

I'll try to convince her na hindi tama ang kanyang ina-assume. Sabi ko na nga ba... darating talaga ako sa puntong ito. Ayoko sa lahat madiskubre ni Mom lalo na sa iba ang tungkol sa amin ni Scarlet.

Ayoko masira ang imahe ko.

Kaya gusto kong putulin ang koneksyon namin ni Scarlet pero hindi ko naman kaya. Sa tuwing nakikita ko siya, gusto ko siyang makita at masilayan kahit makausap man lang siya kahit tinataboy niya ako.

"QUINN!!" sigaw ni Mom at nakita kong biglang tumayo si Quinn sa desk niya sa labas ng office ko.

Pagkarating niya dito sa office ko, nakatayo siya at nakayuko lang ito.

"Sino 'tong babaeng 'to?!" mainit ang ulo niyang tanong kay Quinn.

"Si Scarlet po. A-ano..." nauutal niyang sabi kay Mom, "Isa sa mga bagong artist sa EyeRed."

"Mag-uusap kaming dalawa. Magset ka ng dinner naming dalawa ngayon." tumayo na si Mom at tuluyan na itong umalis sa office.

No...

Kitang-kita ko na hinihintay na may sasabihin ako kay Quinn noong kinuha niya ngayon ang litrato sa center table.

"What the! Megan, imposible na hinayaan mo si Scarlet na pumasok sa condo mo? May hindi ba ako nalalaman? Hindi ka basta-basta nagpapasok nang kahit sino. Kilala kita."

"Sumasakit ang ulo ko, Quinn. Mamaya na tayo mag-usap." walang-gana kong sabi at umupo ako sa aking upuan.

"Tell me, Megan." pamimilit ni Quinn at inikot ko ang aking upuan.

"It's too complicated, Quinn. Tinapos ko na ang koneksyon namin."

Tss. Nadulas pa nga ako.

"I don't get it."

Inikot ko ulit ang aking upuan at napatingin ako kay Quinn na kanina pa inaantay ang aking kasagutan.

I think Quinn will help me this time especially sa sitwasyon namin ni Scarlet.

Kaya nakapagdesisyon akong sabihin ang totoo kahit kinakabahan ako except sa pagkagulat niya.

"I..."

"Ano?"

Huminga ako ng malalim at binitawan ko ang gusto kong sabihin.

"I like her, Quinn."

Nakita kong kumunot-noo si Quinn at napapikit ito sandali ng kanyang mata.

Siguro dahil nakagawa ako ng ikakasira sa EyeRed.

Goodluck sa atin, Quinn.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
次の章へ