webnovel

Chapter 41

SCARLET

Where am I right now?

"I need to get back at my dorm, Megan..."

Yes! I'm here with Megan. Nandito ako ngayon habang hinahabol siya ngunit hindi niya ako pinapansin.

Kailangan ko talagang bumalik sa dorm. Hindi ako nararapat dito. Hindi ako handang makita ang mother ni Megan.

Mahihimatay talaga ako.

Naalala ko noong nagtago ako sa condo ni Megan sa kwarto niya, rinig ko ang usapan nila ng kapatid niya na si Sir Hexyl.

Hindi siya nagpapasok ng kahit sino sa condo.

At ngayon, nandito ako sa bahay nila.

I'm just her fan. 'Yon lang. Expected ko naman 'yon. At saka, hindi ako komportableng kasama siya ngayon dahil sa nangyari kanina sa practice room.

Oh! Ghad! Naalala ko na naman sinabi niya.

'Yong sinabi niya na kailangan niyang itigil ang nararamdaman niya.

Gets ko naman na may gusto siya sa akin pero bakit....

Bakit kailangan niyang itigil 'yon? Hindi ba pwedeng ituloy niya na lang nararamdaman niya sa akin?

At saka naalala ko na naman sinabi niya kanina habang nasa byahe kami papunta dito.

Ang sabi niya habang patuloy ako sa pag hindi sang-ayon sa kanyang gusto mangyari na pumunta dito, hindi raw niya ako papupuntahan kung hindi niya ako gusto.

Huh?

Sa totoo lang napakagulo niya.

Hindi ko alam kung saan ako lulugar sa sinabi niya.

Kanina gusto niya itigil nararamdaman niya sa akin pero kanina lang rin naman, gusto niya iparating sa akin na gusto niya ako.

Ano ba talaga?

"Hey, Scar..."

Nagulat ako at kinilabutan ako sa ginawa niya.

Binulungan niya ako sa aking tenga.

Kumunot-noo ako dahil naiinis ako ngayon kung bakit ganito siya sa akin.

Hindi ko gusto na sungitan siya dahil hindi ako ganitong klaseng tao pero ewan nababanas ako ngayon sa kanya.

Kakalimutan ko muna na iniidolo ko siya. Set aside muna 'yon hanggang may nararamdaman pa rin ako sa kanya.

"Ano?" seryosong tanong ko sa kanya at hindi siya makapaniwala na ganitong trato ko sa kanya.

"A-are you mad?" worried niyang tanong sa akin.

"Hindi. Kailangan ko nang umuwi." sabi ko sa kanya at hininga na lang siya.

Hinawakan niya ako sa makabilang braso para iharap niya ako nang maigi.

"Look, Scar. The moment na sinabi ko na gusto kita kanina ganito na trato mo sa akin. Sobrang cold. Hindi ka ganito." sabi niya sa akin.

"Ha? Akala ko ba kailangan mong itigil nararamdaman mo sa akin? Bakit mo sa akin ginagawa ito?" pagtatakang tanong ko sa kanya, "You..... " napabuntong hininga ako at napahinto sa sinabi ko saglit.

Hindi rin ako makatiis na hindi sabihjn sa kanya dahil sobrang triggered na triggered ako sa inis ko ngayon sa kanya.

"You are making me so confuse right now, Meg. Hindi ko alam kung saan ako lulugar." inis na sabi ko sa kanya.

"Hindi lang ikaw, Scar. Ginugulo mo rin ako. Alam ko na gusto mo ko no'ng tumugon ka sa halik ko pero itong pagtrato mo sa akin, pinapakita mo na hindi mo ko gusto. Masakit para sa akin kung alam mo lang." seryosong sabi niya sa akin at napqbitaw siya sa braso ko.

Napaface palm na lang siya at nakayuko ito.

"Gusto mo ba ako? Kasi parang gusto mong sabihin sa akin na nasasaktan ka dahil ganitong treatment binibigay ko sa'yo?" seryosong tanong ko sa kanya at napatingin siya sa akin.

Hindi siya sumagot pero nagtitigan lang kaming dalawa ngayon.

Bakit ang tagal niyang sumagot? Oo at hindi lang naman ang pwedeng isagot pero mukhang nahihirapan siya pumili.

"Alam mo, Megan. Kung hindi mo 'ko gusto o gusto, mabilis lang sagutin ang tanong ko sa'yo. Pero mukhang naguguluhan ka pa, kaya huwag mo nang sagutin." sabi ko sabay ngiti ng peke sa kanya.

"By the way, kailangan ko nang umuwi, Meg. Iuwi mo na ako sa condo ko. Pagod ako." sabi ko sa kanya at nakatingin pa rin siya sa akin.

"Uy, Meg. Sabi ko iuwi mo na ako. Nakatingin ka pa rin sa akin." sabi ko sa kanya at nagsimula na akong pumunta sa kanyang kotse.

Ngunit pinigilan niya ako sa paghawak ng sa aking kanang braso.

Nagtaka ako at lumingon sa kanya.

"Hindi ka uuwi." hinatak niya ako at niyakap niya ako bigla.

Nagulat ako sa ginawa niya.

Nagsimula nang tumibok ang aking puso.

Hays! Kumalma kang puso ko! Jusme!

"I can feel your heartbeat." rinig kong sabi niya sa pagyakap niya sa akin.

Naka-estawa pa rin ako habang yakap niya. H-hindi ko rin kayang pumiglas dahil ramdam ko rin na gusto ko na ganito lang kami magkayakap.

Pero hindi, e. Sobrang unfair sa akin 'to.

Gusto ko siya pero hindi niya masabi na gusto niya ako.

Kumalas ako ng pagkayap niya sa akin ngunit nilakasan niya ang pwersa para yakapin niya ako.

"B-bitawan mo ako..." utos ko sa kanya ngunit dinedma na lang ito.

"Siguro sapat na 'to para malaman mo na gusto ba kita o hindi..."

Lalo tuloy tumibok ang puso ko sa sinabi niya.

Hindu na kumalma ang aking puso.

Pero kailangan kong marinig mula sa kanya.

Gusto ko lang marinig... Gusto ko lang ng assurance na gusto niya ako para gustuhin ko rin siya.

Para na rin palayain itong nararamdaman ko sa kanya kung hindi niya kaya akong ipaglaban.

Kaya kumalas ako sa pagkayap niya. Binigay ko ang pwersa ko para umalis sa pagkayap niya.

"Scar..."

"Megan, Oo at hindi lang pero bakit nahihirapan ka sagutin tanong ko?" inis kong tanong sa kanya.

"First time lang ako, magkagusto sa isang katulad mo na babae....Bago lang sa akin 'to. Naninibago ako. Hindi ako sanay lalo sa ganitong sitwasyon na nangyayari sa atin." sabi niya.

"Inaamin kong gusto kita pero...."

"Pero ano?" curious kong tanong sa kanya.

"Pero magiging komplikado ang lahat kapag ipagpapatuloy ko pa ito. Maraming madadamay. Lalo na pangarap mo." sabi niya, "Kaya hindi ko masasagot dah naguguluhan pa rin ako kung magiging okay 'to kapag ipagpapatuloy ko 'to."

"Parehas tayong babae, Megan. Ngunit may nararamdaman ako para sa'yo..." huminto ako sa pagsalita para hawakan ang kanyang kamay, "Hindi ganito gusto kong mangyari sa atin. Ayokong magmahal ng isang tao na takot magtake ng risk dahil sa pag-iibigan namin. Megan, gusto kong ipaglaban mo rin ako, hindi lang ako. Pero wala naman akong karapatan na gawin ang sasabihn ko sa'yo, e. Nirerespeto ko naman desisyon mo. Kung hindi mo kaya." ngumiti ako sa kanya pero may halong pait at lungkot sa aking sinabi.

Binatawan ko agad ang kamay niya ngunit naramdaman kong hinawakan niy ako pero pumiglas agad ako.

"I am so sorry..." sabi niya at kita kong paluha ang kanyang mata.

Ngumiti ako ng peke sa kanya.

Pero pakiramdam ko na may dumudurog sa puso ko ngayon.

Hindi ko kaya na magiging ganito ang mangyayari sa amin. Gustung-gusto ko siya sa puntong gusto ko mahalin siya ng malaya.

Pero si Megan Juxred 'to, e.

Sino ba naman ako para diktahan ko siyasa kanyang sariling buhay? Diba?

Isa lang naman akong fan na babaeng may gusto sa kanya. Kaya hindi ko pwede sabihin na ipaglaban niya ako.

Alam ko rin naman na hindi magiging madali ang lahat sa amin 'to.

CEO siya ng EyeRed. Isa rin akong artist niya na may pangarap.

Naiintindihan ko naman ang sitwasyon naming dalawa pero bakit ganito nararamdaman ko?

Nasasaktan ako.

"Scar, ihahatid na kita." cold niyang sabi sa akin at dumeretso siya sa kanyang kotse.

Hindi lang ako ang nasasaktan. Ramdam kong pati rin siya.

Gusto kong umuwi pero bakit hindi ko kayang kumilos para pumasok sa kanyang kotse?

Scar, aminin mo na lang gusto mo siyang makasama ngayon.

Arghh!

"Hindi na, Ms. Megan." sabi ko ng malakas sa kanya at napatigil siya.

Napansin kong lumingon siya pero nakapoker face lang ito sa akin.

"D-dito na lang ako matutulog sa bahay mo." kinakabahan kong sabi sa kanya at bigla niya akong nilapitan kaya napaiwas ako ng tingin.

"Why?" seryosong tanong niya sa akin.

"A-ano kasi... alam kong pagod ka na rin lalo na kung ihahatid mo pa ako." pagpapaliwanag ko sa kanya at napansin kong kumunot ang kanyang noo.

"Isa lang room ko." seryosong sabi niya sa akin.

"Ay! Mag-grab na lang ako papuntang condo." sabi ko sa kanya sabay tawa ng awkward.

"Tss. Pwede naman tayo matulog in the same bed. Stupid."

"Ha? Tayo?" turo ko sa aming dalawa at umiling ako.

Akala niya talaga, walang nangyari kanina. No. No.

"Uuwi na lang pala ako, Ms. Megan." sabi ko sa kanya, "Mag-isa lang..."

"Ihahatid na kita. You'll stay at the backseat para maging komportable ka naman."

Siguro nga. Mas better na nasa likod na lang ako kaysa tabihan siya.

Hindi ko kaya ipakita sa kanya na sobra akong nalulungkot sa nangyari ngayong araw.

***

"We're here..." mahinang sabi niya at pagkatapos, nagsimula na siyang mqglakad paauwi.

Ngunit ayoko pang umalis siya.

Ewan... Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero alam ko lang talaga gusto ko siya makasama.

Kahit hindi pwede.

"Wait..."

Napansin kong napatigil ito at lumingon siya sa akin.

Kita kong nagtaka ito, "What?" walang-gana tanong niya sa akin.

Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin sa kanya na magstay siya dito.

Well, para saan pa? Sino ba naman ako para sa kanya para magstay siya sa condo ko?

Mas mabuti siguro na magpanggap na lang na walang nangyari ngayong araw.

Pero kaya ko ba? Kakayanin ba?

"N-nothing. Ingat ka." tumawa ako ng peke sa kanya.

Feeling ko na-weirduhan siya sa akin at ilang saglit dinedma niya ako.

Pagkatapos, tuluyang umalis na siya at pinagmasdan ko siyang papalayo sa akin hanggang mawala na siya sa aking paningin.

Ang bigat sa puso.

Sobrang bigat.

***

"Earth to Scarlet!"

Nagising ang aking diwa at napansin kong nandito kami ni Quinn sa office ni Megan. Buti na lang may importanteng ginagawa ngayon si Megan kaya hindi ko siya makikita ngayon.

Halata naman na iniiwasan ko siya pero may parteng gusto ko siya masilayan sandali lang.

"Ano po ulit 'yon? Pasensya na po." pagpapaulit niyang sabi ko sa kanya.

"Scarlet.... What's wrong? Alam kong may bumabagabag sa'yo." napalingon agad ako sa kanya na mukhang halatang curious siya

"Can I ask you something?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Why? Is it personal?"

"Kind of."

"Go on..."

"What will you choose to fight for , someone you love or your dream?" napangiti si Ms. Quinn at napasandal siya sa kanyang upuan.

"Wow. Interesting question, Scarlet. Aminin mo may gusto kang iba 'no?" pang-aasar niyang tanong sa akin.

Umiling ako para i-deny ito, "Hindi po, a."

"Heto talaga. Okay lang magkagusto. Ano ka ba? Huwag mo lang sabihin kay Megan." natatawang sabi niya sabay sara ng folder at tumingin siya sa kisame sabay nag-isip.

Biglang sumeryoso ang kanyang mukha habang nag-iisip at tumingin siya sa akin pagkatapos.

"This time... pipiliin ko yung mahal ko." sagot niya.

"Bakit?"

"He's my happiness. Kahit hindi ko man matupad pangarap ko parang na-achieve ko pa rin pangarap ko." ngiti niyang sabi sa akin.

"Ikaw ba?"

Nagulat ako sa kanyang tanong.

"Ako po? Bakit ako?" natawa na lang ako at umiling ako dahil ayokong sagutin ang sarili kong tanong sa kanya.

"Answer it."

"Hindi ko po alam." pagsisinungaling kong sagot sa kanya.

Siyempre, pipiliin ko siya.

Mas importante para sa akin magmahal kaysa sa pangarap ko.

Nakakapagtaka lang na bakit hindi ko pinili si Francis noong kami pa? Mas pinili ko pa nga pangarap ko sa kanya.

Sobrang focus ko talaga sa pangarap ko kaya minsan hindi ko na siya naiisip man lang.

Sa tagal naming relasyon, parang naging routine na lang namin magdate. Imbes na romantic date, parang nakipagkita lang ako sa kaibigan ko na madalang na kami nag-uusap.

Gano'n lang.

Pero pagdating kay Megan, naisip ko agad na siya ang pipiliin ko.

Ngunit napaka-imposibleng mangyari na ako rin pipiliin niya.

Ewan. Disappointed lang ako.

"Take your time to choose, Scarlet. Hindi ka naman minamadali ng tadhana." natatawa niyang sabi sa akin, "But for now, career muna ha?" panigurado niyang sabi sa akin.

Tumango ako bilang sang-ayon, "Yes po. Career muna po."

Nakarinig kami ng pagkabukas ng pinto kaya napalingon agad kami kung sino ito.

Ms. Megan...

Nagtama ang aming mga mata ngunit nauna akong umiwas sa kanya.

Nagsimula na naman tumibok ang aking puso.

"What are you doing, Quinn?" rinig kong tanong niya kay Quinn habang nakayuko ako ngayon.

"Ina-update ko lang siya kung ano magiging plano ng debut niya. Why are you here, Meg?"

"May naiwan ako dito." napapikit ako ng mariin sa kanyang sinabi.

For sure, gusto niya lang ako makita kaya nandito siya.

Inayos ko na lang ang aking sarili at tiningnan na lang si Ms. Quinn kahit kitang-kita ko siya sa gilid ng aking peripheral vision na may hinahanap siya.

"So maibalik ko lang pinag-uusapan natin..." sabi niya at may binigay siyang papel sa akin. Tinanggap ko ito.

"This is your sched next week."

Ngunit biglang nawala sa aking mga kamay ang schedule ko. Hinanap ko ito agad at kitang-kita ko na hawak ni Megan ang sched ko.

Nagulat din ako na pinicturan niya ito at binalik niya rin sa akin.

Ang weird niya.

Tinanggap ko ulit at sumilip ako kay Quinn.

Kitang-kita ko na nagulat din sa ginawa ni Megan.

Alam kong na-weirduhan din ito.

Hindi ka lang nag-iisa, Ms. Quinn.

Ang alam ko kasi na balik trabaho na kami ni Megan pero itong pinapakita niya na naman sa akin...

Mukhang ginugulo na niya na naman ang aking isipan lalo na puso ko.

"Hey, Megan. Anong ginagawa mo?"

Napalingon ako kay Megan habang busy sa phone niya. Feeling ko binabasa niya schedule ko sa phone.

Bakit ganito umakto nito?

"Kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin pa ako." nagmamadaling sabi ni Megan at napansin kong ngumiti ito sa akin.

Pagkatapos, tuluyan na itong umalis.

Ngunit natulala na naman ako sa ginawa sa akin ni Megan.

Ayaw na naman kumalma nitong puso ko.

"Napaka-weird niya these past few weeks simula noong nasa Davao tayo." puna ni Ms. Quinn na mukhang nagtataka ito.

"Really?"

"Pumunta siya dito dahil may nakalimutan siyang kukunin pero wala naman siyang dala no'ng umalis siya. Weird niya talaga."

Sinabi mo pa.

Natawa na lang ako ng peke at pinagpatuloy ko na lang pagbabasa ng sched ko.

Dedmahin mo na lang siya, Scarlet.

***

Nandito ako ngayon sa lobby ng EyeRed. Tutal wala naman masyadong tao na ngayon dahil nagsisimula nang magsara ang EyeRed.

Hinihintay ko pa si Aubrey na sunduin niya ako.

Ang tagal niya.

Kanina ko pa siya tinetext, walang reply.

Tawagan ko na nga.

Nagsimula na akong tawagan si Aubrey mula sa phone ko at nagr-ring na ito.

Ilang segundong lumipas ay nabigla ako sa pagsagot ni Aubrey.

"Oh my ghad! I am really sorry, Scarlet. Malapit na ako. Nakatulog ako. Muntik ko nang makalimutan. Huhuhu. Sorry talaga!"

"Bilisan mo na kaya. Pasara na ang EyeRed."

"Okay. Okay. Heto na."

"Baba ko na. Ingat k-"

"Scarlet...."

Bigla akong kinabahan sa tono ng boses ni Aubrey.

"Why?"

"Ano kasi.... Scarlet..."

"Ano?"

"Huwag kang mabibigla ha?"

"Ano nga?"

"Promise ha?"

"Oo na. Sabihin mo na."

"Ano kasi... Scarlet...."

Bumungad sa aking paningin si Megan na palabas na ito ng EyeRed pero napansin niya ako.

Mukhang papunta na ito sa akin.

Natataranta na talaga ako ngayon. Lalo na kinakabahan sa sasabihib ni Aubrey.

"He's here."

"Sino? Boyfriend mo?" tanong ko agad.

"Sana pero hindi, e."

"Sino nga?"

"Si Francis. Gusto ka niyang makausap ngayon."

Parang nabagsakan ako ng malaking bato sa akin mula sa itaas sa sinabi ni Aubrey.

Napababa ako ng linya at napasapo na lang ako sa ulo ko.

Nandito na siya.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
次の章へ