MEGAN
Panibagong araw naman at kagigising ko lang ngayon.
It's 7:23 in the morning.
Inayos ko na rin ang aking higaan. Pagkatapos, lumabas na ako sa kwarto ko.
Napansin ko agad si Scarlet na nakasuot ito ng pang-jogging.
"Ms. Quinn, aalis na ako." paalam niya kay Quinn habang nagluluto si Quinn ng breakfast sa kusina.
Kita kong lumingon si Quinn at nagtaka ito sa kanya, "Bakit ka aalis? Sino kasama mo?" tanong sa kanya ni Quinn.
"Si Kenji. Niyaya niya po ako magjogging ngayon." ngumiti ito.
Pinagpapatuloy niya talaga ang plano ko.
Tss.
"Nagpaalam ka ba kay Meg?" tanong ni Quinn sa kanya at tumango ito.
Kanina pa ako naka-steady sa may pinto habang minamatyagaan ko sila na nag-uusap. Mukhang busy sila at hindi nila ako napansin na nakikinig sa kanilang usapan.
"Nagtext na po ako sa kanya. Tul-"
"Gising na ako." walang-gana kong sabi at umupo ako sa may sofa at kinuha ko ang aking remote para buksan ang tv para manood.
"Magpaa-"
"Magjogging ka na." walang-gana kong sabi sa kanya.
Ilang sandali lamang, nakarinig ako ng kalampag ng pinto hudyat na lumabas na si Scarlet.
Gusto niya talaga makasama si Kenji ngayon. Aba! Kahapon, magkasama sila sa shoot. Ngayon naman magkasama sila ulit.
Parang gusto ko na palayasin si Scarlet ngayon ah! At doon na siya kay Kenji tumira! Kainis.
Huwag na niya ipagpatuloy pagiging artist niya sa EyeRed.
Magsama na lang silang dalawa ni Kenji. Doon naman siya masaya, e.
"Oh! Bakit ganyan itsura mo? Para kang binagsakan ng malaking bato galing sa langit." puna sa akin ni Quinn.
Napansin ko rin na nakakunot na pala ang aking noo ngayon habang nanonood ako ng tv. Mas tinuon ko na lang ang atensyon ko sa panonood ng Mr. Bean.
"Magkasama na naman ang dalawa." rinig kong sabi ni Quinn habang inaasikaso niya ang pagluluto sa kusina, "Kung ako sa'yo Megan, itigil mo na 'yang plano mo." suhestiyon niya at napalingon ako sa kanya.
Pinatay ko na rin ang tv dahil tapos na ang aking pinapanood.
"Bakit? Hindi ba't nakakatulong ako para kay Scarlet? At saka hindi na rin ako kukulitin ni Kenji." tumayo ako at pumunta ako sa dining room kung saan kakain ako ng breakfast.
"Hindi ka nakakasiguro. Lalo na, pamilyar sa mga tao si Scarlet dahil madaming viral na lumabas sa media noong nasa ig live ito ni Hex at nasa grocery kayong dalawa. Ayoko lang naman magkaroon ng issue sa kanya." pagpapaliwanag ni Quinn sa akin.
"Anong gagawin ko kung gusto niya rin plano ko?" tanong ko kay Quinn at lumingon siya sa akin habang may hinahalo siya sa tasa.
"Hindi pwede, Meg. Sumunod ka naman sa akin. Bilin sa akin ng Mom mo na pipigilan kita sa mga desisyon na hindi tayo magkatugma. Katulad nito." sabi niya at lumapit siya sa akin, "Megan, pinagbigyan kita na isama mo si Scarlet dito sa Davao kahit ayoko." dagdag niyang sabi sa akin.
Lahat na lang.
"Wala ba akong kalayaan para magdesisyon kung ano gusto ko?" seryoso kong tanong sa kanya.
Umupo ito sa harapan ko, "Ayaw mo talaga balikan si Kenji, ano?" tanong niya sa akin at nabigla ako sa kanyang tanong.
Wala na akong panahon balikan si Kenji dahil naubos na. Naubos na pagmamahal ko sa kanya.
Wala na siyang magagawa.
Ngumisi ako, "Hindi ba halata?" sabi ko sa kanya, "Bakit parang umaasa ka na may babalikan ko pa siya?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Hindi naman sa gano'n, Meg Pero...." ngumiti ito sa akin, "Ako na kakausap kay Kenji. Basta itigil mo na 'yang plano mo." sabi niya sa akin at tumayo na ito para ipagpatuloy niya pag-aasikaso sa kusina.
Gusto ko pa rin ipagpatuloy plano ko kahit hindi maganda ang aking pakiramdam kapag nalalaman ko magkasama sila.
Ako naman may pakana nito, e. Bakit ko ihihinto itong plano ko? Diba?
Panindigan mo Megan ang plano mo. Ginusto mo 'yan, e.
Napasandal na lang ako at tiningnan ko ang aking phone sa aking bulsa.
Nakatanggap ako ng message na hindi nakaregister na number sa phone ko.
From: +63995********
Hello~! Si Scarlet 'to. Niyaya ako ni Kenji magjogging ngayon. Baka matagalan din kami.
Nakaramdam ako ng inis.
Inis na hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Parang gusto kong sumabog ngayon.
Bakit sila parati magkasama? Bakit magkasama silang dalawa ngayon?!
Hindi naman dapat na palagi sila magkasama dahil tapos na rin ang shooting ni Scarlet. Dapat dito lang siya sa hotel.
Tapos may oras pa siyang maglakwatsa na akala mo hindi siya makakakilala ng mga tao sa labas. Akala niya dito siya nakatira sa Davao at malaya siya.
Pwes! Nagkakamali siya.
Lalo na paano kung may nangyari sa kanya ng masama? Responsibilidad ko siyang alagaan dahil ako ang may pakana na pumunta siya sa Davao.
Ilang araw lang sila magkasama ni Kenji pero parang magkakilala sila ng matagal. May oras pa magjogging?
Parang pinunta ni Scarlet dito para magbakasyon kaysa tulungan niya ako sa plano. Pasalamat siya tinutulungan ko siya para matupad pangarap niya.
"Argghh!" nahampas ko ang lamesa sa inis ko.
"Omo- Megan, may problema ba? Nakakagulat ka naman." rinig ko pagkagulat ni Quinn at napansin ko ito na papalapit ito sa akin na puno ito ng pagtataka.
ARGHH! She's getting on my nerves!
Pumunta agad ako sa kwarto ko para makapagbihis.
"Megan, ano ginagawa mo?" nonagtatakang tanong ni Quinn sa akin habang natataranta sa akin kung bakit ako nandito ako sa closet naghahanap ng magandang damit.
"Meg, maglalayas ka na ba?"
"Ayaw mo na ba maging CEO?"
"Sabihin mo lang. Aaku-"
Tss. Dumadagdag pa sa inis ko si Quinn.
Napatigil ako sa paghahanap ng damit para sa pagjogging ko at tumingin sa kanya, "Magbihis ka na dahil magj-jogging tayo. I'll give you 10 minutes to prepare." walang-gana kong sabi sa kanya.
"Ha? Bakit?" nalilito niyang tanong sa akin.
May nararamdaman akong hindi maganda kapag magkasama sila.
"Trip ko lang." sabi ko at tumingin ako sa kanya na napatulala lang sa akin, "Maganda ba ako para tingnan mo, Quinn?" asar ko sa kanya.
Natawa siya, "Pinagsasabi mo? Makabihis na nga. Napakahangin dito." sabi niya habang nagpapanggap ito na nilalamig.
Napailing na lang ako at tinuon ko na lang ang atensyon ko ngayon sa paghahanap ng damit.
***
"Alam mo Meg, nakakapanibago ka ngayon." puna sa akin ni Quinn habang nagjojogging kami dito sa park.
100 percent sure ako na dito sila magjojogging dahil ito lang ang pinakamalapit na lugar sa hotel kung saan pwede magjojogging.
Kapag nakita talaga kita Scarlet, Ikakaladkad kita papuntang hotel pauwi.
"Why?" walang-gana kong tanong sa kanya.
"Kahit hectic schedule mo ngayon, may time ka para magjogging. Ano sumagi sa isip mo bakit mo 'to ginagawa?"
Para kunin si Scarlet kay Kenji.
"Trip ko lang." walang-gana kong sagot kay Quinn.
Panay tingin ako sa aking paligid. Nagbabakasakali ako na baka makita ko si Scarlet.
Alam ko nakaponytail 'yon kanina at nakablack yon na suot.
Saan ka na ba, Scarlet?
"Mukhang may hinahanap ka, Meg?" napalingon ako kay Quinn at umiwas ako ng tingin.
"Wala. Naninibago lang." palusot na sagot ko.
"Omo- Si Scarlet ba 'yon, Meg?" nabigla ako at tiningnan ko ang tinuturo ni Quinn.
Kitang-kita ko nakatingin siya kay Kenji habang nagjojogging sila.
Mukhang nagkakasiyahan sila.
Tss.
Jogging ba 'to parang hindi, e.
Pinamumukha niya talaga sa akin na mas masayang kasama si Kenji sa akin? Ang kapal niya, a?!
Oh! Ngumingiti pa siya ng matamis kay Kenji ngayon. Bakit hindi niya magawa sa akin? Hay nako!
"Nakasimangot ka dyan, Meg?" puna sa akin ni Quinn.
Naiinis ako.
"Nag-eenjoy ka ba makasama ako?" biglaang tanong ko at lumingon ako kay Quinn.
Napaisip siya sa tinanong ko, "Meg, anong klaseng tanong 'yan? Napaka-random naman." natatawang sabi niya sa akin.
Napaisip ito, "Oo? kapag nasa maganda kang mood siguro. Nag-eenjoy ako. Bakit?" sabi niya sa akin.
Umiling ako at ngumiti ng peke sa kanya.
Kapag maganda lang mood ko, nag-eenjoy si Quinn.
Ah,! Kung i-aapply ko kay Scarlet, Ang ibig sabihin, kapag kasama ko si Scarlet lalo na't palagi ako masungit sa kanya, hindi siya nag-eenjoy?
Ah! Kaya pala hindi ko makita-kita ang kanyang ngiti kapag nagkakasama ko siya.
Kaya pala mas gusto niya makasama si Kenji araw-araw
Kaya rin pala ngayon ko lang nakita kung paano siya ngumiti kay Kenji.
So... kasalanan ko pa?
Kumirot na naman ang aking puso at nahalo pa ng inis.
Kapag talaga hindi ko na matiis 'tong inis ko sa kanya, hihilain ko pauwi si Scarlet kahit alam kong labag sa kalooban niya.
Napahinto siya, "Hala! Nadapa si Scarlet!" nabigla ako sa sinabi ni Quinn at nataranta agad ako.
Hinanap ko agad kung saan banda sina Scarlet at Kenji.
Ilang sandali lamang nakita kong lumuhod si Scarlet at dahan-dahan ito inalalayan ni Kenji para umupo sa bench.
Dahil sa taranta ko kung ano gagawin ko, sumugod ako sa pwesto nila. At pagkarating ko, tinabig ko si Kenji, "Ako na!" pamimilit ko.
"Ms. Megan, a-anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?"
Napatingin ako sa sugat sa kaliwang tuhod ni Sarlet, "Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" inis ko kay Scarlet.
Lumingon ulit ako sa paligid dahil naghahanap ako ng mauupuan ni Scarlet. Buti na lang nakita ko na may malapit na bench.
"Uupo ka do'n." turo ko sa bench at inakbay ko ang kanyang kaliwang braso sa balikat ko para alalayin siya, "Aalalayin na kita ngayon." sabi ko sa kanya.
"Ako na, Meg." napalingon ako kay Kenji at sinamaan ko siya ng tingin.
"Huwa-" hindi ko na pinatapos sa sasabihin ni Scarlet dahil nag-umpisa na ako alalayanin siya papunta sa kinaroronan ng bench na nakita ko, "Dahan-dahan lang!" reklamo niya.
May gana pa 'tong magreklamo? Tinutulungan na nga.
Ngayon, nakarating na kami sa pwesto ng tinuro ko kanina. Inalalayan ko si Scarlet umupo at alam kong nasa likuran ko lang si Kenji.
Hinarap ko si Kenji at sinamaan ko siya ng tingin, "Huwag na huwag mo nang guguluhin si Scarlet. Napapahamak lang sa'yo kapag kasama ka niya." bilin ko kay Kenji at napakamot na lang ito ng ulo.
"E, kasalanan niya naman kung bakit siya nasugatan. Hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya." rason ni Kenji at napangisi ako sa dahilan niya.
"Kung hindi mo siya inaya, hindi siya magkakasugat ngayon." tinaasan ko siya ng kilay at inirapan ko siya.
"Tama na. Sugat lang 'to. Malayo 'to sa bituka." awat sa amin ni Scarlet at humarap din ako sa kanya.
"Ikaw na babae ka, sasama ka pa dito sa lalaking 'to kung may mangyari sa'yo ng masama, responsibidad ko rin ang buhay mo." inis kong sabi sa kanya, "Tapos may gana ka pang ngumi-"
"Hala, Scarlet! Anong nangyari sa'yo?" biglang sumulpot si Quinn habang sinsermon ko pa si Scarlet, "Bibili ako ng gamot. Sumama ka sa akin, Kenji." utos niya kay Kenji.
Pansin kong mas gusto niyang nandito siya kaysa samahan si Quinn.
Aba! Hindi talaga mangyayari gusto niya.
"Samahan mo na si Quinn, kasalanan mo naman, e." sabi ko kay Kenji at napakamot na lang ito ng ulo dahil wala siyang choice kundi sumama kay Quinn.
Tuluyang umalis na ang dalawa at natira kaming dalawa dito ni Scarlet.
Tumingin ako sa kanya na panay sa kanyang sugat, "Ang hapdi." daing niya.
Lmuhod ako at hinipan ang kanyang sugat, "Hintay lang. Kumukuha na sila ng gamot." sabi ko sa kanya at pagkatapos kong hipan tumingin ako sa kanya.
Biglang tumibok ng mabilis ang aking puso.
Nagkatitigan kami ni Scarlet ngayon na hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.
I want to look her pretty eyes. Lalo na mukha niya.
Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Napaka-weird ng pinagsasabi ko lalo na mabilis ang tibok ng puso ko.
Umiwas agad ako ng tingin at nakaramdam ako ng pagngawit ko kaya umupo ako sa tabi niya. Lumayo rin ako sa kanya.
Trip ko lang lumayo sa kanya.
"Ba-bakit nandito kayo? Paano niyo nalaman na nandito kami ni Kenji?" rinig kong tanong mula kay Scarlet habang tumitingin ako sa mga taong dumadaan.
Napaisip din ako sa kanyang tanong.
Bakit nga ba ako nandito ako?
"Hindi ko alam." walang-gana kong sagot sa kanya.
Rinig kong tumawa siya, "Ha? Hindi mo alam? Paano nangyari 'yon? Hindi ka naman pupunta kung wala kang dahilan." nagtatakang tanong sa akin ni Scarlet.
Kinabahan ako sa sinabi niya, "Really? I'm not sure." alanganin kong sagot sa kanya.
Hindi ko rin alam pero dinala lang ako ng paa ko dito.
"So.. sinusundan mo ba kami?" tanong niya sa akin at nanlaki ang mata ko sa tanong niya sa akin.
"Ako?! Hindi, a. Nakita ka ni Quinn kaya sumugod ako dito agad dahil nadapa ka." pagpapaliwanag ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at lumapit, "Mukha ngang nag-alala ka nga sa akin kanina, e." sabi niya at lumayo ako sa kanya.
Biglang bumilis ang aking tibok ng puso ko. Kinapa ko ito at pinalo ang aking dibdib para pigilan ko ito.
"Megan, are you okay?" nag-aalalang tanong niya at kitang-kita ko nag-alala ito.
Recently, lagi ganito nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong dahilan. Sa tuwing magkasama kami ni Scarlet, ganito nararamdaman ko.
Anong nangyayari sa akin?
"I'm okay." pagpapakalma ko sa kanya ngunit hindi siya convincing sa sinabi ko, "I am really okay, Scarlet." sabi ko ulit sa kanya.
"Tagal naman nila." rinig kong sabi niya.
Miss na siguro niya si Kenji. Paluin ko siya ng bato dito, e.
Humarap ako sa kanya kahit nakaupo ako, "Bakit? Miss mo na si Kenji?" iritang tanong ko sa kanya.
Nabigla si Scarlet sa sinabi ko, "Ha? Hindi! Itong sugat ko mahapdi na kasi." pagdadahilan niya sa akin.
"Ah."
Kala ko gusto niya makasama si Kenji kaysa sa akin.
"Bakit mo naman naitanong?" nahihiyang tanong niya sa akin.
"A-ano... w-wala. Kita ko lang na masaya ka kapag kasama mo siya kaysa sa akin." mahinang sagot ko at umiwas ako ng tingin sa kanya.
Totoo naman. Kita ko talaga na masaya siya kanina.
Yumuko ako at pinaglaruan ko ang aking mga daliri. Medyo nahihiya ako ngayon. Ramdam ko rin na ang bigat ng puso ko.
"Paano mo nasabi?"
"Kita ko kanina habang nagjojogging kayo." nahihiyang sabi ko at napakamot ako ng ulo.
"Why are you so honest, Meg?" napatingin ako sa sinabi niya, "Pero manhid ka naman." pailing-iling itong sabi sa akin.
Pinagsasabi nito? Manhid? Saan? 'Di ko siya gets.
Nagtaka ako sa kanya kaya tinitigan ko siya para maintindihan ko ang sinabi niya kanina sa akin.
Parang may gusto siyang sabihin ngayon ngunit pinipigilan niya lang sarili niya.
Ilang sandali lang, binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
Gusto ko lang makita siyang nakangiti. Sa akin lang at hindi sa iba.
"Andito na kami!!" napalingon kami kina Quinn at Kenji na hingal na hingal ito na may dalang med kit.
***
Right now, nandito ako sa sala nanonood ng horror sa tv. Gusto ko lang marelax ngayon dahil kakatapos ko lang magtrabaho kanina.
It's already 11pm at mag-isa lang ako sa sala nanood. Si Quinn nasa kabilang room niya at si Scarlet nasa kwarto naman. Hindi ko alam kung tulog na siya or gising pa siya.
I am just chilling here right now. Hindi naman ako masyado takot sa pinapanood ko dahil sanay na ako nanonood ng horror kasama si Hexyl. Mas duwag 'yon pero gusto niya naman manood ng horror. May sayad sa utak 'yon. Hindi ko nga alam kung bakit siya nagustuhan ni Quinn, e.
Bigla akong bumukas ang pinto at napalingon ako kay Scarlet na nakabungad sa may pintuan.
Pero umiwas ako ng tingin sa kanya at tinuan ang aking atendyon sa pinapanood ko.
"Ano pinapanood mo?" rinig kong tanong ni Scarlet at nakikita ko sa aking peripheral vision na umupo ito malapit sa akin.
"Juicecolored! Horror pala!" lumingon ako sa kanya at napatakip ito ng kanyang kamay sa mukha.
Napangisi ako, "Tss. Matulog ka na kung takot ka naman." walang-gana kong sabi sa kanya.
"H-hindi, a. Hindi lang ako sanay manood ng ganyan." pagdadahilan niya, "Samahan na lang kita. Mag-isa ka, e." sabi niya at dinedma ko lang siya habang busy ako sa pinapanood ko.
"Bahala ka." sabi ko at nagpatuloy na ako sa panonood.
Habang nanonood ako, nararamdaman ko na nagulat si Scaret sa scene na may lumitaw na duguang babae sa screen. Lumingon naman ako sa kanya at natawa ako ng palihim.
Buti na lang madilim dito sa sala dahil pinatay ko kanina dahil sanay ako manood na nakapatay ang ilaw.
Nanonood pa siya kung takot naman. Tigas ng ulo nito.
Nilipat ko sa ibang channel at natapat pa mismo sa romance.
Okay na 'to. Hindi na siya siguro matatakot. Ewan ko na lang sa kanya kung takot pa siya sa romance.
"Bakit niyo po nilipat?" tumingin ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Malamang natatakot ka." umiwas ako ng tingin at tinuon ko ang aking atensyon sa panonood.
"Okay lang naman po sa akin kung gusto mo panoorin 'yon."
Naiinis ako sa sinabi niya. Alam kong hindi siya okay sa pinapanood ko. Takot na takot nga siya, e. Tapos sasabihin niya okay lang 'yon?
"Okay lang matakot? Baka hindi ka pa makakatulog kung hahayaan kita manood." inis kong sabi sa kanya.
Natawa ito ng mahinhin, "Pasensya na 'yon talaga kinatatakutan ko." sabi niya, "May tanong po pala ako sa'yo." napalingon ako sa kanya.
"Nagsisimula ka na naman, Scarlet. Lubayan mo ako. Nananahimik ako." inis kong sabi sa kanya at nanood ulit ako.
"Ano po kinatatakutan mo? Natanong ko lang kasi sanay na sanay na po kayo manood ng horror." natulala ako sa sa pinapanood ko dahil sa tanong ni Scarlet.
Naalala ko ngayon ang hindi ko malimot-limot.
Kahit gusto kong makalimutan pero imposible.
"I don't want to talk about it." seryosong sabi ko sa kanya at lumingon ako sa kanya ngunit tumango ito.
I'm really scared to the sounds of the thunder.
'Yon ang rason kung bakit namatay si Dad. Dahil sa akin.
Dahil sa kinatatakutan ko.
Sa tuwing umuulan, sinasamahan ako ni Quinn o Hexyl dahil baka manginig ako sa takot kapag kumidlat hanggang tumila ang ulan at mapakalma nila ako.
Naalala ko lahat nangyari sa Dad ko. Paulit-ulit nagsisink-in ang pangyayari 'yon.
Hanggang dumating sa punto na sinisisi ko ang pagkamatay ng Dad ko.
Alam ng dad ko na takot ako sa kulog. Lagi siyang pumupunta sa kwarto ko at para pakalmahin ako. He will stay beside me hanggang kumalma ako.
Pero ang problema naka-lock ang pinto noong oras na 'yon at hindi ko kayang buksan ang pinto dahil sa takot ko.
I was so scared that night at gumagawa ng paraan si Dad para siraan ang pinto.
He will do everything to save me.
Pero hindi inaasahang pangyayari, inatake sa puso ang dad ko habang sinasagip niya ako.
Kung hindi dahil sa kinatatakutan ko, buhay pa ang Dad ko.
Ako ang dahilan kung bakit namatay siya dahil sa lecheng kulog na kinatatakutan ko.
Naramdaman ko na tumutulo ang aking luha sa aking pisngi kaya pinunasan ko ito.
It's been a while na umiyak ako ng ganito.
Nakakapanibago.
Lumingon ako sa katabi ko. Nakatulog na pala si Scarlet sa sofa habang nagdadrama ako dito.
Napa-iling ako dahil antukin pala ito kapag may pinapanood. Nagbuntong-hininga na lang.
Inayos ko ang aking sarili at inalalayan ko siyang humiga sa sofa at nilagyan ko ito ng unan sa ilalim ng ulo niya.
Kumuha ako ng kumot sa kwarto niya at kinumutan ko ito.Pagkatapos ko siya kumutan, napatitig ako sa kanyang mukha.
Biglang bumilis ang tibog ng puso ko.
She's look an angel when she sleep like this.
Napaupo ako at patuloy ko tinitingnan. Gusto ko siyang titigan ng ganito.
Na... ganito kalapit.
'I really want to kiss her.'
'Yon ang sabi ng utak ko ngayon.
Napailing ako, "No, Megan." bulong ko.
'I really want to kiss her right now.'
Tss. Hindi maaari....
Ngayon ko lang napagtanto kung bakit tumitibok ang puso ko at lalo na kung bakit ako ganito sa kanya ngayon.
Hindi dahil sa may sakit sa puso ako kundi...
May gusto na ako sa kanya.
Alam kong dinedeny ko pa dati itong nararamdaman ko. Akala ko nga flattered lang kaya wala naman masama kundi hayaan ito.
Pero unting-unti ito nagpapatuloy hanggang hindi ko na makontrol sarili ko. Dumating sa punto ngayon na gusto ko siyang halikan.
Alam kong kapag gusto ng isang tao na halikan ito, ibig sabihin gusto niya.
May gusto nga ako sa kanya.
Napagtanto ko kanina kung bakit sinundan ko si Scarlet kung saan sila magjojogging ni Kenji.
Dinala ako ng aking paa sa mismong lugar na 'yon na hindi ko alam. Maski ako wala akong ideya kung bakit nando'n ako.
Lalo na't nakaramdam ako ng pagseselos dahil nakangiti siya kay Kenji kanjna. Naiinggit ako kaya naiinis ako.
Pero hindi ko masisisi itong nararamdaman ko.
Hindi naman masama magkagusto sa isang tao.
Pero bakit pa sa kanya na mismong fan at artist ko pa?
Lalo na pareho kaming babae...
Hindi pwede 'to.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!