webnovel

Chapter 30

SCARLET

"Dito ka lang. Kakausapin ko lang si Quinn." utos sa akin ni Ms. Megan habang naghihintay ako dito cup noodles na maluto ito. Nandito ako ngayon sa loob ng 7/11 para mahimasamasan na talaga ako.

Ngayon, kasalukuyang lumabas si Ms. Megan sa 7/11 para makausap ang kanyang secretary niya.

Ang sabi nga pala ni Ms. Megan kanina sa akin, isasama niya ako papuntang Davao.

Siyempre, may hiya naman ako sa katawan kaya tumanggi ako.

Sinabi ko doon na lang ako sa dorm namin magstay kahit wala akong kasama.

Kaya ko naman dahil ako rin naman ang may pakana na maglasing ako kanina.

Bahala na si batman kung anong excuses ko na sasabihin ko sa sa aking Manager kung nahuli niya ako.

Pero i-ininsist ni Ms. Megan na sumama raw ako sa kanya sa ayaw ko at sa gusto ko.

Siyempre dahil fan niya ako, pumayag ako dahil mahaba pa naman panahon ko para magbakasyon.

At... masaya ako na makasama si Ms. Megan sa magiging adventure namin dahil kasama niya ako.

Ang saya sa pakiramdam na kasama mo yung idolo mo na kayong dalawa lang magkasama.

"Hey. Are you done?" nagulat ako kay Ms. Megan.

Andito na pala siya. Ang bilis naman pag-uusap nilang dalawa.

Back to the reality, tinatanong niya pala ako ngayon na tapos na ako kumain ng cup noodles ko.

Sa ngayon, hindi pa dahil sobrang init nito kaya pinapalamig ko muna.

Umiling ako at tumingin sa salamin na nasa harap ko lang. Nakamasid ang ako sa mga sasakyan na patuloy bumabyahe.

"Why are you so quiet?" napatingin ako bigla sa tanong ni Ms. Megan at nagtaka ako kung bakit niya tinatanong sa akin.

Napansin kong umupo siya sa tabi ko sa kanan at kinuha niya ang cup noodles ko. Hinalo niya rin ito para sa akin at hinipan niya para lumamig.

Minsan hindi ko siya ma-gets.

Minsan masungit siya pero maya-maya nagiging mabait naman siya sa akin katulad nito.

Kinuha niya cup noodles ko para hindi na masyado mainit 'tong cup noodles na 'to.

Habang naghihintay sa kanya, ramdam ko na inaantok na ako pero kailangan ko talaga humigop ng sabaw para hindi masyadong hangover ang aking kinabukasan.

"You look sleepy." puna sa akin ni Ms. Megan at nagtitigan kami pero umiwas siya dahil inaasikaso niya ang pagihip sa cup noodles ko.

Sana palagi siyang maalagain sa akin kahit hindi ako lasing. Gusto ko maramdaman ang pagiging caring ni Ms. Megan kaysa pagsusungit niya.

Bumuntong-hininga na lang ako at nagsimula na akong kumain.

Biglang sumagi sa isipan ko kung bakit kailangan pa ako sumama sa Davao?

Pwede naman ako magstay na lang muna sa hotel at mauna na lang siya doon. Baka maging sagabal lang ako sa aasikasuhin niya.

"Kailangan ba talaga ako sumama sa inyo savDavao?" inulit ko ang aking tanong ko kanina pa.

Malay niyo nagkamali lang aking pandinig kanina.

"Oo, kailangan. I don't want you to be alone."

Pagkatapos, tumitig siya sa akin na mukhang nagdikit ang pagtitigan namin dalawa ngayon.

Biglang tumibok ng mabilis ang aking puso sa kanyang sinabi.

Pero bakit?

Na-flattered lang ba ako sa sinabi niya dahil sobrang concern niya sa akin?

Imposible naman na m-magkakagusto ako sa kan—

Bakit ako nautal?

Okay. Scarlet, baka na-doble lang ang pagkasabi mo. Malay mo iniba na. Char lang!

"Tss. Hindi muna ako magsusungit sayo."

Nanlaki ang aking mata sa gulat, "Wow! Talaga ba? Maniniwala po ba ako?" asar ko kay Ms. Megan ngunit batok ang kanyang sagot sa akin.

"Babawiin ko n—"

"Sus! Eto naman si Ms. Megan. Hindi po mabiro." shy type kong sabi sa kanya habang ngumingiti ng palihim.

"You look ewan." puna niya sa akin at tumingin ako sa kanya.

"Conyo ka, girl?" natatawang asar ko sa kanya pero sinamaan ako ng tingin ni Ms. Megan.

Okay, Scarlet. Baka sungitan ka nito. Huwag mo na asarin. Awat muna.

"Tss." tipid niyang sabi sabay irap sa akin.

Napansin kong hinawakan niya ang aking cup noodles, "Kumain ka na." utos niya sa akin, "Gusto mo bang subuan pa kita?" inis niyang tanong sa akin.

Great idea, Ms. Megan.

Nag-puppy eyes ako sa kanya at ngumanga ako dahil hinihintay ko ang pagsubo niya sa akin.

Ngunit napansin kong kunot-noo ito sa akin na pakiramdam kong malapit na siya ma-inis talaga pero okay lang 'yan.

I-enjoy muna natin hangga't hindi pa siya naiinis. Ahehehe.

"Ano ka bata? Hoy, Scarlet. Matanda ka na. Nagpapasubo ka pa sa akin. Close tayo? Mahiya ka naman." masungit niyang sabi sa akin.

Tinulak ko si Ms. Megan ng mahina, "Eto naman hindi mabiro. Laging seryoso." natatawang sabi ko sa kanya at nagulat siya sa aking ginawa.

Nagpeace-sign na lang ako para hindi siya magalit.

"Kumain ka na lang dyan. Gusto ko na rin magpahinga." walang-gana niyang sabi at tumayo agad siya kaya nagtaka ako.

"Bilisan mo." utos niya sa akin kaya binilisan ko na kahit medyo mainit pa rin pero hindi na katulad ng kanina.

Napansin kong lumabas na siya at pumunta siya sa kanyang kotse. Ngunit sumandal muna siya sasakyan habang hinihintay ako matapos dito.

Tanaw ko si Ms Megan dito sa pwesto ko habang may inaasikaso siya sa kanyanh phone.

Hindi ko maisip na dumating sa point na ganito na kami ka-close.

Dati-rati patay na patay ako sa kanya na makita ko siya pero iba talaga ngayon ang aming pinagsamahan.

Iba yung pakiramdam na tinitigan niya ako ng matagal, nagwawala talaga mga inner organs ko sa katawan ko.

Hindi ko alam kung nagbuhol na ba sila, dahil nakasama ko na naman si Ms. Megan.

Pero ngayon pakiramdam ko, nagboost lahat ng energy ko kapag nakasama ko o kahit man lang makita si Ms. Megan.

Minsan nakakalimutan ko maging emotional dahil sa kanya.

Siguro nga. Makulit ako pagdating sa kanya pero masaya ako sa ginagawa ako.

Nag-eenjoy naman ako.

Kahit masungit talaga si Ms. Megan sa akin, kaya kong tiisin pagkasungit niya.

Lagi ko iniisip, what if hindi ako naging artist pero nakilala ko siya coincidentally.

Hindi ba niya kaya ako susungitan?

Pero hindi ko naman hinihiling na hindi ako maging artist ng EyeRed, I am wondering right now.

Kumabaga si Ms Megan ang isa mga sa equipment ko para maging successful artist ako someday.

Malapit-lapit na rin kami magdebut ng QoH. Basta matapos lang performance namin sa concert ni Ms. Megan, magiging busy na rin ako.

Pagkatapos kong maubos ito, lumabas agad ako at tumakbo sa kinaroroonan niya.

"Done!" magiliw kong sabi sa kanya.

"Get in. We're now going to hotel." utos niyang sabi sa akin at tumango ako sabay ngiti sa kanya.

Sinunod ko naman ang kanyang utos na pumasok sa kanyang sasakyan. At gano'n na rin siya, pumunta na siya sa kanyang driver seat at nag-umpisa na siyang magmaneho.

Nakaramdam ako ng antok mga ilang sandali, kaya sumandal ako sa inuupuan ko.

***

"Excuse me, Miss. May pinareserve ba na room si Quinn?" rinig kong tanong ni Ms. Megan sa babaeng receptionist habang nasa likod lang niya ako.

Maraming nakatingin kay Ms. Megan pero buti na lang hindi nila ako makilala dahil nakamask ako at nakashades na black. Lalo na't naka hoody ako damit.

Inutusan ako ni Ms. Megan na isuot ko ito para iwas magkaroon ng issue sa aming dalawa.

"Yes Ma'm. Here's your room card, Ma'm." rinig kong sagot ng babaeng receptionist sa kanya.

"Isa lang? I told her na dalawa." malakas na tanong ni Ms. Megan na mukhang nakuha niya ang atensyon ng mga tao sa kanya.

"Please calm down, Ma'm. Check ko lang po sa system. Please wait for a while." sabi ng receptionist na babae at kitang-kita ko natataranta si Ate Girl.

Ayoko sa lahat magkaroon din ng issue wala sa oras si Ms. Megan.

"Pak—"

Kaya hinila ko papuntang likod ko at humarap ako sa babaeng receptionist na kausap niya kanina.

Kaya ako na kakausap sa kanya.

"I'm her friend by the way. Isa lang ba pinareserve ni Ms—Quinn pala. Ni Quinn, Ate?" tanong ko at tumango naman si Ate girl pagkatapos niya i-check sa system.

"Y-yes, Ma'm." sagot nito sa akin.

"Pasensya na sa kasama ko. By the way, can we reserve another room?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Sorry po pero wala na pong vacant na room para magpareserve kayo, Ma'm." sabi niya at tumingin ako kay Ms. Megan na umiiling ito, "Puno na po talaga, Ma'm. Kanina pa po." dagdag niyang sabi.

Mukhang hindi siya papayag na magkasama kami sa loob ng room.

We're both female naman. So ano naman?

Wala naman ako gagawin sa kanyang masama kundi makikitulog lang.

Napaka-choosy naman ni Ms. Megan. Ayokong makasama niya ako.

Swerte ka kapag kasama mo 'ko, Ms. Megan. Char!

"Sige. 'Yon na lang, Ate. Thank you." ngumiti ako kahit nakatakip ang aking bibig.

Inabot sa aking room card at binigay kay Miss Megan na nakakunot-noo siya sa akin pero kinuha niya ito.

"Tss. We can reserve another VIP room, Scar." sabi niya at nagtaka naman ako kung bakit.

Ayaw niya ba ako makasama?

"Hindi niyo po narinig sinabi niya kanina. Wala ng vacant room para magreserve." pagpapaliwamag kong sabi sa kanya.

Kaya ko naman mag-adjust. Kaya kong matulog sa sofa. Wala naman akong arte sa katawan basta makatulog ako sa malambot na higaan. Oks na sa akin. Makakatulog naman ako ng mahimbing.

"Kahit sa lapag na lang po ako." suggestion ko pero umiling siya.

"No. I won't do that. Baka malamigan ka." pag-aalala kong sabi niya.

So nag-alalala nga siya sa akin kaya gusto niya ng dalawang room.

Aaah...

"Ayos lang po sa akin. Wala rin naman po tayong choice kundi magshare sa isang room." sabi ko at iniwasan niya ko ng tingin.

Ngunit wala naman akong narinig na may sinabi siya kaya pakiramdam kong binalewala niya lang ang rason ko.

Nagsimula na lang siya maglakad at tumingin ako sa receptionist na babae na kanina pa ata 'to nakikinig sa usapan natin.

Nginitian ako at nagbow ako bilang paggalang. At tuluyang umalis ako at sumunod kay Ms. Megan.

***

"I told you! Na hindi ka pwede sa lapag. Malalamigan ka." inis siya sa akin.

E, kasi naman. Gusto ko sa loob ng kwarto niya pero nasa lapag ako.

May comforter naman ako bilang higaan ko. May unan din at saka ka isa pang kumot. Sapat na sa akin 'to kaso..

Etong si Ms. Megan, naiinis sa akin ngayon. Ayaw niya na nasa lapag ako.

Walang sofa dito sa loob ng kwarto niya puro study table, closet, kama, side table ng kama at may lamp sa gilid lang nandito.

E, saan ako lulugar kung gano'n?

"Tss." rinig kong sabi niya habang kinuha niya ang unan sa lapag at nilagay niya ito sa kama ko.

"Saan po ako kung ayaw niyo naman ako sa lapag?" tanong niya sa akin.

"Sa tabi ko." tipid niyang sagot sa akin.

Ha? Sa tabi niya?

Nakaramdam na naman ako sa aking puso.

Hindi ba ayaw niyang maging close kami?

Sobrang lapit ng pagitan naming dalawa tapos may balak pa siyang tabihan ko siya sa kama.

Hindi naman sa ayaw pero... hindi ko lang akalain na i-susuggest niya sa akin na tabihan ko siya.

Alam kong naiilang din siya sa akin. Ramdam ko rin ngayon at alam kong nararamdaman niya 'yon sa akin.

"Hindi ka po ba naiilang sa akin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Anong klaseng tanong 'yan?" nagpapanggap na inis na tanong niya sa akin.

"Alam ko naman po ayaw niyo po ako makatabi. At lalo na't hindi tayo close." seryosong sabi ko sa kanya.

"Tss. I have no choice, Scarlet. Hindi naman ako masamang tao para patulugin kita sa lapag." sabi niya sa akin.

Pakiramdam ko ngayon na sobrang awkward ang atmosphere namin ngayon.

Yung puso ko hindi makahinga at lalo na't mainit ngayon ang aking katawan.

Pero pininipilit ko lang maging comfortable kahit hindi naman talaga.

Wala talaga ako magagawa.

Inayos ko ang aking higaan at pakiramdam kong nakamasid siya sa akin dahil kitang-kita ko sa aking peripheral vision ng mata ko.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya pero bigla siyang kumilos para ayusin din niya ang kanyang unan.

Pero tumingin siya sa akin pagkatapos, "What?" iritang tanong niya sa akin.

"Wala po." tumawa na lang ako para mawala ang awkward ng atmosphere naming dalawa.

Humiga na kaming dalawa ni Ms. Megan ngayon habang nakatingin pa rin ako sa kisame.

Sa totoo lang hindi talaga akokomportable sa posisyon naming dalawa na magkatabi kami nakahiga..

Ikaw ba naman makasama mo sa isang kama idolo mo, hindi ka ba mababaliw at maloloka dahil napakaswerte mo?

Lalo na't sobrang init ng katawan mo.

Pakiramdam ko nga namumula mukha ko buti na lang hindi nakikita ni Ms. Megan itsura ko.

"Are you okay?" napatingin ako kay Ms. Megan na nakatingin ito sa akin ngunit mahina lang ang pagkasabi niya.

I can feel her breathe..

Ano ba 'tong pinagsasabi ko.

"H-ha? O-oo naman po." sabi ko at tumawa ako ng pilit.

Hindi talaga ako komportable. Gustung-gusto ko matulog na lang sa lapag.

"Sa lapag na lang po ako matulog." nahihiyang sabi ko kay Ms. Megan.

Nakita ko itong kumunot ang kanyang noo, "Why?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko po sa baba." nahihiyang tugon ko.

"No." mariin niyang sabi sa akin at tumalikod na siya sa akin.

"Pero gusto ko po." pamimilit kong sabi aa kanya.

Bumuntong-hininga na lang ako dahil wala naman akong choice kundi sa tabi talaga ako ni Ms. Megan matutulog.

"May atraso ka pa sa akin, Scarlet. Kaya sumunod ka."

"P-po? P-paano?"

"Hinalikan mo ko sa loob ng sasakyan kanina."

"Ha? Bakit wala ako matandaan."

"Kaya lahat ng utos ko sa'yo susundin mo simula ngayon."

"H-hala! P-paanong nangyari, Ms. Megan?!" nalolokang tanong ko sa kanya.

"Naantok na ako. Goodnight." 'yon lang ang narinig kong sinabi niya at hindi na muling nagsalita siya.

Tinulugan pa nga ako sa lagay nito.

Nakakaloka, Scarlet!!!

Mukhang hindi ako makakatulog ng mahimbing dahil sa kanyang sinabi.

"Hinalikan ko ba talaga siya?" napakalakas tuloy pagkasabi ko sa kanya at napansin kong gumalaw ang kama.

Jusme, Scarlet! Magtatanong ka na lang sa isip mo, nasabi mo pa nga ng malakas.

Nagising ata siya sa aking sinabi.

"Mukha ba akong sinungaling?"

"Malamang hinalikan mo 'ko."

Juicecolored! Nakakahiya.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
次の章へ