webnovel

Chapter 28

MEGAN

"Masarap 'to, Ms. Megan!" magiliw niyang sabi habang nandidiri ako kay Scarlet dahil dito sa mismong tabi ng kalsada kumakain.

Pansin ko itong nasasarapan kumain ng street foods at may gana pa ito na alukin ako dito. E, hindi naman ako kumakain baka masira pa tyan ko.

"Try mo 'to." alok sa akin ni Scarlet na hindi ko alam kung ano tawag pero orange ang kulay niya na bilog ito.

"Huwag mo kong lasunin. Kumain ka na lang dyan." inis kong sabi sa kanya at nakita itong sumimangot.

Kinain niya na lang ang pagkain na inalok niya sa akin.

"Iha, mayaman ba ang kasama mo?" tanong ng tindero ng street foods at mukhang mga bndang 50s ng kanyang edad.

"Opo. Maselan po siya sa pagkain kaya ako na lang kumakain." sabi niya at tumingin na lang ako sa mga bumabyahe ng mga sasakyan habang hinihintay ko si Scarlet kumain.

Kanina ko pa siya pinipilit sa restaurant na lang kami kumain para makakain ako pero hindi na niya mapigilan ang kanyang kagutuman. Napagdesisyon na lang niya na dito na lang siya kumain.

At saka, hinila lang ako ni Scarlet na sumama sa kanya. Wala naman akong balak na samahan siya o kahit kausapin man lang siya dahil hindi naman importante. Pero 'tong Scarlet, mapilit talaga.

"Tapos na po ako, Manong. Magkano po lahat?" napalingon ako kay Scarlet sabay bigay ang mga stick na hawak niya.

Napailing na lang ako dahil hindi ko na nabilang kanyang inubos. Napakatakaw naman nito ni Scarlet.

Napansin kong kumuha siya ng wallet sa kanyang bag at binigay niya ang isang daang piso. Pagkatapos, hinila na niya ako dito na hindi ko na naman alam kung saan kami pupunta.

Pumiglas ako. Ayoko sa lahat hatak ng hatak sa akin lalo na't hindi kami close sa isa't isa.

Bakit nga ba ako sumasama sa kanya?

Oo nga. Bakit nga ba? Makaalis na nga. Bahala na siya kung saan siya pupunta. Para lang akong P.A. panay buntot sa kanya.

Kaya tumalikod na lang ako at naglakad papalayo sa kanya ngunit hinila niya ako at napaharap ako sa kanya.

Lalo akong nainis dahil hinila na naman niya ako, "Ano ba!" inis kong sabi sa kanya.

"Samahan mo na lang ako, please?" kita ito na nagmamakaawa sa akin ngunit inirapan ko siya.

Binitawan ko ang kanyang paghawak sa kamay ko at tinalukaran ko na siya dahil wala akong gana samahan siya.

At saka, kailangan ko rin bumalik sa EyeRed dahil may kailangan daw ako pirmahan ayon kay Quinn. Kaya huwag siyang gumawa ng ikakaistorbo sa araw ko.

Nakaramdam ako ng paghatak niya sa aking braso at mahigpit niyang hinawakan ang aking magkabilang braso.

Kita ko ang kanyang mga mata na nagmumugto ito kaya nagsimula ako mag-alala sa kanya.

"H-hey! are you okay?" tanong ko sa kanya ngunit ngumiti lang siya ngunit peke lamang 'to.

"Sana okay lang ako."

Bigla ko itong narinig mula sa kanya at binitawan niya ako.

"Sige na. Umalis ka na." walang-gana niya sabi sa akin habang ngumingiti ito kahit peke lang ito.

Kinokonsensya niya ba ako?

Nagpapaawa effect lang ba siya sa akin para samahan ko siya?

Hindi niya ako madadaan sa lagay na 'yan.

Baka nga nagpaawa effect lang ito para samahan ko siya.

Umalis na lang ako at iniwang mag-isa si Scarlet.

Bahala siya sa buhay niya.

***

Nagmamaneho ako ngayon pauwi ng condo ko. Kakatapos ko lang magtrabaho sa EyeRed ngunit ramdam ko ang aking pagod sa aking katawan.

'Sana okay lang ako.'

Kanina pa talaga nagsasalita ito sa isipan ko. Paulit-ulit ko 'to napapakinggan parang sirang plaka lang.

Nakakaburyo talaga. Ano naman kung iniwan ko siya kanina doon mag-isa? Hindi ko naman responsibilidad samahan siya dahil may kailangan din ako gagawin kanina. Mas importante pa nga 'yon kaysa sa kanya.

Napailing na lang ako dahil kay Scarlet. Nagpapaawa effect pa 'to sa akin. Hindi talaga niya ako mauuto. Hindi talaga.

Patingin pa lang ako sa mismong harapan habang nagmamaneho ako, biglang may naglakad na babae habang nagmamaneho ako sa mismong daanan.

Buti na lang nagpreno ako. Napansin kong bumagsak ito kaya dali-dali ako lumabas ng kotse.

Nasagasan ko ba siya? Alam ko prumeno ako.

Madidisgrasya kami sa lagay na 'to. Alam na nga naka-green stoplight naglalakad pa siya.

Lalo akong nainis at bumaba agad kung nasagaan ko ba ang babae o hindi.

Pagkatapos, napansin kong nakahilata siya sa sahig na mukhang natulog na ito. Ngunit hindi ko nakita ang kanyang mukha dahil nakatakip ang kanyang buhok.

"Mi-"

"Juicecolored! Bakit ba kita hinayaang maglasing?" rinig ko at napatingin ako sa isang babaeng inaalalayan ito tumayo ngunit wala itong gana maki-cooperate sa kasama niya.

Tss. Ito ring babaeng to hindi iniingatan kasama niya, e.

Lumingon siya sa akin habang inaakay niyang tumayo ang kanyang kasama.

Nanlaki ang kanyang mata noong nakita niya ako na nakatayo sa harapan nila, "Pasensya na p— M-Megan?!" gulat na gulat ng pagkasabi niya.

Nakilala pa nga ako.

"Next time. Alagaan mo kasama mo. Muntik ko na masagasaan siya. Buti na lang nakita ko agad kaya prumeno ako." seryosong sabi sa kanya at napayuko ito.

Tumingin ito ulit, "Pasensya na po. Nasiraan po kasi kami ng sasakyan kaya hindi ko po nabantayan." sabi niya habang tinatayo ang kanyang kasama at inayos ang buhok na nakatakip sa mukha ng babaeng lasing.

Nanlaki ang aking mata at nagulat ako sa aking nakita.

Lasing na lasing si Scarlet.

"Bakit lasing si Scarlet?" tanong ko sa kasama ni Scarlet at napalingon ito sa akin na mukhang nagtataka ito.

"Magkakilala po ba kayo?" nagtatakang tanong sa akin.

Hindi pa nga sinasagot tanong ko, may follow-up pang tanong.

Dinedma ko ang kanyang tanong dahil inalalayan ko siya siya ngayon ipasok sa aking sasakyan habang kasama niya ay nasa labas.

Rinig ko ang ungol ni Scarlet at napansin kong napamulat siya. Ngumisi ito pagkatapos namin ihiga sa upuan ng sasakyan sa likod ng driver seat.

May sayad talaga utak nito kahit lasing na siya.

Pagkatapos ko siya, ipwesto sa upuan, bigla niya hinawakan magkabilaang mukha ko. Ramdam kong pinilit niya ilapit sa mukha niya na mapungay ang kanyang mga mata.

Kahit pumiglas ako, huli na ang lahat at nagulat ako sa kanyang ginawa.

What the f*ck? Hinalikan niya ako! Kadiri!!!

Sino bang hindi magugulat na bigla ako hinalikan lalo na't babae pa? Pasalamat siya na lasing siya kung hindi siya lasing, baka isumpa ko na talaga hindi siya makita habang buhay.

Palalagpasin ko na hinalikan niya ako dahil lasing siya. Never in my life na may hahalik sa akin na babae.

Siya lang talaga.

I need patience. Kahit isang drum lang para mapaliguan ko sarili ko ng pasensya.

"Kamukha mo si Ms. Megan. Yung idolo ko." sabi ni Scarlet habang nakangising nakapikit ito.

Hinawakan niya aking labi at umiwas ako, "Kung lalaki lang ako, liligawan na kita." nakangisi ito, "Bakit ayaw mo akong samahan kanina?" tanong niya sa akin at bigla siya nakatulog.

Lasing na lasing ang bruha. Bakit ba kasi 'to lasing ngayon?

"Gusto kong makasama ka."

Pumiglas ako at napatingin ako sa gilid ko ang kanyang kasama na napakamot na lang ito ng ulo.

Sinara ko muna ang pinto at lumingon ako sa kanya.

"Pagpasensyahan niyo na po si Scarlet. Hinayaan ko po maglasing dahil may pinagdadaanan siya ngayon." kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi.

M-may pinagdadaanan siya?

'Sana okay lang ako'

Naalala ko ulit ang kanyang sinabi. Naglasing siya na hindi ko namalayan na gusto niya ng karamay.

Hindi ko alam na may pinagdadaanan siya.

Bakit napaka-insensitive ko?

"Anong dahilan bakit lasing siya?" seryosong tanong ko sa kanya at tumingin siya sa bintana ng aking kotse na kinaroroonan ni Scarlet.

" 'Yon nga. Hindi siya makamove-on." malungkot niyang pagsagot sa tanong ko, "Matagal na sila ni Francis. Pero biglang iniwan ng walang paalam si Scarlet kaya nagkaka-ganyan siya." dagdag nito.

"Tss. Bakit hindi niya sinabi sa akin kanina?" naiinis na tanong ko.

"Bakit po?"

"Nevermind." dedma ko sa kanyang tanong, "Ka-ano-ano mo si Scarlet?" tanong ko sa kanya.

"I am Aubrey. Bestfriend ni Scarlet. Kayo po? Ka-ano-ano niyo po siya?" magalang niyang tanong sa akin.

Ka-ano-ano ko nga ba siya?

Alam kong.. "Artist ko siya sa EyeRed." matipid kong sagot ko at napansin kong natawa ito.

Nagtaka ako kung bakit ito tumawa.

"Alam ko naman po." patuloy pa rin ito sa pagtawa, "Ang gusto ko pong sabihin, kaibigan niyo po ba siya o ano?" tanong niya sa akin.

Kaibigan?

Hindi maaari maging kaibigan ko siya dahil artist siya ng EyeRed. Iniiwasan ko lang baka magkaroon ng issue para sirain ang career ng artists at lalo na kapakanan ng EyeRed.

"Hindi ko siya kaibigan. Artist ko lang siya." matipid kong sagot sa kanya at tiningnan ako ng maigi.

Mukhang hindi siya naniniwala sa akin.

Huminga siya ng malalim at sumandal siya sa aking kotse. Gusto ko man pagbawalan siya pero mukhang naging seryoso ang kanyang mukha kaya napasandal na rin ako.

"Kamusta si Scarlet?" rinig kong sabi ni Aubrey habang nakatingin kami sa mga sasakyan na bumabyahe.

"She's fine." tipid kong sagot sa kanya.

"Alam mo sobrang idolo ka namin ni Scarlet. Lahat pinupuntahan namin na concert or either fan meet niyo po. Hindi ko nga po alam kung ano pinakain mo sa amin." natatawang kwento niya sa akin.

Ramdam kong sobrang flattered ako sa sinabi ni Rea. Alam ko kung gaano ko ka-idolo ni Scarlet sa akin. Halata naman sa kanyang kakulitan kapag magkasama kami o magkasalubong.

"Si Scarlet sobrang strong niyang tao. Hindi 'yan nagpapaapekto sa mga masasamang sinasabi sa kanya. Binabalewala niya lang kung alam niya naman sa sarili niya na hindi naman totoo. Dahil sa'yo 'yon, Megan."

Napatingin ako kay Aubrey dahil nabigla ako sa kanyang sinabi habang patuloy pa rin siya nakatingin sa mga sasakyang bumabyahe.

"Ako?" hindi ako makapaniwala sa kanyang kwento.

"You inspire her a lot. Mga word of wisdom mo na lagi mo binabahagi sa mga fans mo during fan meet. Parati siya andoon para suportahan ka. Saksi ako sa mga kwento ni Scarlet tungkol sa'yo. Parang kilalang-kilala ka na ni Scarlet."

Gusto ko man magsorry sa kanya dahil napakaselfish ko na ipagpalit itong trabaho ko sa pagiging artist ng EyeRed.

Alam kong isa siya sa mga fans ko na sumusuporta sa akin kahit hindi na ako artist si Scarlet. Pero nananaig pa rin ang pagiging pagkaselfless ko pagdating sa mga mahal ko sa buhay.

Sorry, Scarlet.

I want to save my Dad's dream for this company.

Wala na siya sa mundong ito kaya si Mom na lang nagpursigi na alagaan itong kompanyang 'to.

Andyan si Hexyl para maging CEO pero hindi ko naman hahayaang kapatid ko na magsakripisyo para lang sa pag-ibig.

Ayokong ipagpalit niya ang trabaho para kay Quinn.

Gusto ko man sila sumaya. Gusto ko maging masaya ang mga tao nasa paligid ko.

"Nagulat nga ako kay Scarlet kanina. Medyo lasing na siya that time." tumingin siya sa akin at napakaseryoso nito., "Hinihiling niya na huwag ka na raw maging masungit sa kanya." sabi ni Rea sa akin.

Natawa ako, "Really?" patuloy pa rin ako tumawa.

Napansin ko na nagtataka si Rea kung bakit ako tumatawa.

"She is one of the artist of EyeRed kaya medyo masungit ako sa kanya." ngumiti ako sa kanya.

Inayos ko na ang aking sarili at napansin niya ako kaya umalis na siya sa kakasandal sa kotse ko.

Kailangan ko na rin iuwi silang dalawa. Tumingin din ko sa aking relo kung anong oras na dahil gabing-gabi na talaga.

"Megan?"

"What if..." napatigil ako sa aking pagtingin sa relo dahil lumingon ako agad kay Rea na mukhang may sasabihin pa ito.

"What if she's starting to like you pero..." pagpuputol niyang sabi.

Kumunot ang aking noo, " 'Pero' ano?" tanong ko sa kanya.

"Pero babae siya..." natawa ako sa kanyang sinabi.

"Si Scarlet ba tinutukoy mo?" tanong ko at tumango agad siya, "I knew already na she likes me as a fan kaya wala naman problema do'n." sagot ko.

Nakita kong umiling siya, "Not as a fan." sabi niya sa akin.

Napakamot ito ng kanyang ulo.

"What I mean is...

she's starting to like you in a romantic way."

"Anong masasabi mo?"

Imposible. Imposible talaga.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
次の章へ