webnovel

Chapter 18

SCARLET

Napamulat ako ng aking mata at nasilaw ako sa liwanag.

Kinukuha na ba ako ni Lord?

"Gising ka na pala, Scar." rinig at hindi ko alam kung kanino ang boses na narinig ko.

Ngunit malabo ito sa aking paningin kaya kinuskos ko ang aking mata.

Nakita ko si Aubrey na naka-apron habang may inaasikaso sa dining room. Napansin kong nasa ibang bahay ako ngayon at napabangon ako sa couch.

Dito pala ako natulog.

Naalala ko nga pala dito pala ako natulog dahil ginabi na ako tulungan si Aubrey sa day care center. Ginawa ko do'n ay naging assistant sa mga bata kapag makulit sila habang ginagawa ni Aubrey ang kanyang trabaho bilang teacher sa mga bata. Sobrang saya sa pakiramdam dahil nakasama ko ang mga sobrang cute na batang estudyante sa day care center.

Napaisip nga ako na gusto ko na lang manganak kaysa sa ipagpatuloy ko magtrabaho sa EyeRed bilang solo artists.

Charot lang! Buti nga saktong-sakto pagdating ko sa day care center ay absent ang assistant ni Aubrey at sobrang swerte niya na ako ang naging kapalit.

Bibigyan sana ako sweldo ng principal ng day care center ngunit hindi ko tinanggap. Mas sapat na sa akin na maging masaya muna at walang inaalala habang inaasikaso ko ang mga bata.

"Kumain ka na, Scarlet." pag-aya sa akin ni Aubrey at nakita kong umupo na siya sa lamesa.

Bumangon ako at tinabi ko muna ang kumot at unan. Mamaya ko na lang iligpit pagkatapos kong kumain.

Dumeretso na ako sa dining room at umupo sa upuan. Ngayon, magkaharap na kami ni Aubrey habang kumakain.

"Ayaw mo talagang kunin ang sweldo mo?" rinig kong sabi ni Aubrey habang sumubo ako ng hotdog at fried rice na niluto niya sa akin.

"Ayoko, Aubrey. Naging masaya naman akong bilang assistant mo sa mga bata. Hindi ba halata?" sabi ko sa kanya sabay tumingin sa kanya.

Tumingin siya sa akin, "Slight lang." biro niya at natawa ito sa akin.

"Ang sama mong kaibigan!" kunwaring pagtatampo ko sa kanya.

Pero nakita ko lang ito na nakangisi ito sa akin habang busy siya kumakain ng itlog na niluto niya at fried rice.

Ngayon, tumahimik na naman ang aming kapaligiran dahil hindi naman halata na gutom na gutom talaga kami ngayong umaga.

Kinuha ko ang aking baso at nagsimula akong uminom.

"Kumusta na kayo ni Francis?"

Nabugahan ko ng tubig si Aubrey ng hindi sinasadya.

Juicecolored! Nabigla ako sa kanyang pagtanong sa akin. Sa dami-dami niyang tanong sa akin, 'yon pa ang itatanong niya? Lalo rin hindi ako makakamove-on sa kanya, e.

Inabutan ko siya ng table tissue na nasa lamesa at pinunas niya ito sa kanyang mukha niyang basang-basa, "Bakit mo ba ako binugahan ng tubig?" naninising tanong niya sa akin.

"Pasensya na. Nabigla kasi ako. Ikaw kasi." natatawang sabi ko sa kanya.

"Sinisi mo pa ako. Ako pa talaga." inis niyang sabi sa akin.

Pagkatapos niyang punasan ang mukha niya, tumingin siya sa akin, "Kumusta na nga kayo?"

Wala naman problema na sabihin ko sa kanya ang totoo dahil kaibigan ko naman siya. Siya talaga ang daan kung bakit kami nagkakilala ni Francis. Nagkakilala kami sa kanyang pinsan ni Aubrey na kaibigan naman nito ni Francis. Dahil single ako, si Aubrey ang naghahanap ng boyfriend para sa akin kaya nagset siya ng blind date para sa amin ni Francis. Sa blind date na 'yon ang unang araw nakilala ko si Francis.

"Break na kami." matipid kong tanong sa kanya habang sumubo ako ng fried rice sa kutsarang 'to.

"Ang sarap ng luto mo, Aubrey." pagpupuri kong sabi sa kanya para maiba ang usapan namin.

"Huwag mong ibahin ang usapan. Kilala kita. Bakit? Anong nangyari?" sunud-sunod ang mga tanong niya sa akin ngunit patuloy pa rin akong kumakain.

"Meron ka pa bang kanin?" tanong ko sa kanya kahit dinedma ko lang ang kanyang tanong kanina, "Gutom pa 'ko." sabi ko sabay himas ang aking tiyan para patunay na nagugutom talaga ako.

"Scarlet!" sita niya sa akin at tiningnan niya ako ng matalim.

Alam kong napapatino niya ako sa pagtalim ng kanyang tingin sa akin. Never in my life na nagalit siya sa akin. Siguro may pagkainis siya sa akin pero alam kong hindi niya talaga magagawa 'yon sa akin kung hindi ko siya hahayaang magalit sa akin.

That's what friends are for. Kilala na talaga namin ang isa't isa. We already knew our flaws and differences sa aming dalawa. We need to understand to each other kahit may pagkakataong hindi kami magkatugma na personality.

Hindi kami toxic na mag-aaway kami dahil sa simpleng bagay o kapag may kasalanan ang isa sa aming dalawa.

We really identify as a mature person lalo na't sobrang mature talaga ang friendship naming dalawa.

Parang malapit sa perfect friendship pero hindi naman.

Siguro nga pareho lang kami ng paniniwala through communication sa isa't isa.

Ang paniniwala namin ay kailangan namin mag-usap to fix and understand kapag may problema sa isa't isa.

"Oo na. Oo na." sabi ko.

Napasuko ako do'n kasi takot ako na magalit siya.

"Iniwan niya ako." sabi ko sabay yuko sa kanya.

"Is it a joke?" seryosong tanong niya sa akin at tumingin ako sa kanya na curious siya kung hindi totoo ang sinasabi ko.

Alam ko naman na sobrang supportive niya sa amin simula pa lang nag unang araw ng pagkikita namin.

Siya rin nakasaksi ng pagmamahalan namin ng iilang taon din.

"Sana joke na lang 'no? Pero hindi, e." sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Saan siya ngayon? Pupuntahin ko siya." ramdam ko ang galit ni Aubrey na hawak niya na ang kanyang cellphome para tawagan si Francis.

"Kahit anong gawin mo, hindi pa rin magpapahanap ang isang taong ayaw naman magpahanap." seryosong sabi ko sa kanya.

Tumayo ako at nagsimulang magsandok ng fried rice dahil gutom pa ako.

"So? Susuko ka na agad?" nabigla ako sa tanong ni Aubrey st napatigil ako sa ginagawa ko.

Tumingin ako sa kanya,"Oo. Anong gusto mong gawin ko? Mananawagan ako sa social media kung nasaan siya tapos magmamakaawa sa kanya na bakit ako iniwan ng walang rason? Tanga lang makakagawa no'n." sabi ko sa kanya at nagpatuloy na ako sa pagsalin ng fried rice sa plato ko.

"Hindi ako gano'n ka-tanga."

Bumalik ako sa upuan ko at nagsimulang kumain.

"Iniwan ka ng walang rason? Bigla lang siyang umalis?!" malakas ang tono ng boses pagkatanong niya sa akin.

"Oo. Galing niya diba?" sarcastic kong tanong kay Aubrey na kita kong nagkukuyom ang kanyang kamay sa galit.

Ganyan din nararamdaman ko.

Sakit at galit ng puso para sa kanya.

"Tangin* niya! Huwag niyang tangkaing kausapin ka para lang makipagbalikan kayo! Ako muna makakaharap niya." inis na sabi niya sa akin.

"Nag-uumpisa na nga lang ako magmove-on sa kanya. Kung ganyan lang gagawin niya sa akin, hindi ko talaga siya babalikan. Hindi ako marupok katulad ng iba d'yan." sabi ko.

"Aray!" napatingin ako kay Aubrey sa pag-acting niya na nasasaktan siya sa sinabi ko.

Napa-iling na lang ako sa kanya.

Nakalimutan kong marupok pala 'tong si Aubrey. Binalikan pa rin talaga ang ex niya kahit niloko siya.

'Di ba? Ang tanga niya?

"Kumusta na pagiging fangirl mo kay Megan?" nabigla akong napatigil sa pagkain.

Si Aubrey din nakakaalam na sobrang idolo ko talaga si Ms. Megan. Sobrang supportive niyang kaibigan kahit saan ako magpunta ng mga concerts and live show ni Ms. Megan. Andoon pa rin ako.

Maliban sa pamilya ko pati si Aubrey ang nakapunta sa kwarto na puno ng poster ni Ms. Megan. Minsan nga nangungutang ako kapag kapos ako sa budget kapag bumibili ng album niya. Para dagdag din siya collection ko.

"Hulaan ko? Maganda siya sa personal 'no?" tanong niya at tumango ako sa kanya.

Napansin kong tuwang-tuwa ang loka sa akin, "Sabi mo sa akin kapag nagkita kayo ni Megan, gagawan mo siya ng brownies na favorite niya." kwento niya sa akin.

"Yes. Actually, ginawan ko siya." sabi ko sa kanya at tumayo siya para sabunutan ako pero tumayo rin ako at umiwas sa kanya.

" 'Wag ako, Aubrey." pagbabanta ko sa kanya dahil nanggigil na naman siya sa akin na sabunutan ako.

Alam kong naiinggit 'to sa akin dahil idol niya rin si Ms. Megan.

"Paisa lang, Scarlet! Ang swerte mo, hayop ka!" sigaw niya sa akin at napasuko na siya sa paghahabol sa akin.

Napansin kong umupo na siya at bumalik na ako sa para umupo. Tinuloy ko na kumain nitong breakfast namin.

Nabigla akong sinabunutan ako ni Aubrey, "Aray ko! Aubrey!" sinamaan ko siya ng tingin at nakita kong patuloy siyang kumakain.

Dinedma lang ako. Parang ewan 'to. Nanggulat sa atake niya sa akin. Inggit na inggit talaga 'to. Nararamdaman ko. Halatang-halata.

"Ano experience na nakilala mo si Megan? Mabait? Maganda boses? Sexy ba?" sunud-sunod niyang tanong sa akin.

"Interview ba 'to, teh?" tanong ko sa kanya.

Mukha kasing atat na atat ito malaman tungkol kung ano meron kay Ms. Megan.

"Dali na!"

"Lahat ng sinabi mo. Totoo naman." sabi ko habang puno ang pagkain sa bibig ko.

"Magkwento ka, Scar!" excited na sabi sa akin ni Aubrey.

Mapilit talaga 'tong kaibigan ko. Ayaw niya talaga mabitin sa mga nalalaman niya.

"Nagustuhan naman niya ang brownies na gawa ko at hinatid niya ako sa bahay. 'Yon lang naman." ngiting sabi ko sa kanya, "Masaya ka na?" tanong ko sa kanya ngunit umiling ito.

Ano ba ikwekwento ko sa kanya. E, 'yon lang naman nangyaring maganda sa amin ni Ms. Megan.

Except lang sa...

"Ano pa?" tanong pa sa kin ni Aubrey.

Ngumiti ako kahit fake lang ito, "Wala naman nangyaring masama, na-disqualified lang naman ako bilang representative ng live show." sabi ko sa kanya at nagulat siya sa sinabi ko.

"Kaya pala. Tawag ng tawag sa akin si Mia sa akin. Hinahanap ka. Pero sinabi kong nandito ka." sabi niya sabay batok sa akin, "Alam mo bang nag-aalala sila sa'yo?! Bakit hindi mo sinabi sa kanila na pumunta ka ng day care center kahapon?! Bigla ka raw nawala." sermon niyang sabi sa akin.

"Nakalimutan ko. Sorry na." ngumiti ako at nag-peace-sign sa kanya.

"Nakalimutan ko' ? May meeting daw kayo kahapon pero hindi ka raw sumipot. Bakit? Anong nangyari?" tanong sa akin ni Aubrey na mukhang hot seat na naman ako sa mga tanong niya.

"Nabwisit ko si Ms. Megan para lang pumayag siya maging representative ako ng Queen of Hearts sa survival show." nakangisi kong sabi sa kanya.

"Nahiya tuloy ako magpakita sa kanya."

"Bakit mo kasi kinukulit? Na-bwisit tuloy sa'yo." paninising sabi sa akin ni Aubrey.

"Alam mo naman na pangarap ko sumikat, malaman kukulitin ko talaga si Ms. Megan." napanguso ako sa sinabi ko.

Nabigla ako sa batok ni Aubrey, "Scar! Hindi naman matutupad agad pangarap mo kung kukulitin mo si Megan. At saka, alam ko kung paano ka mangulit ng tao. Nakakabwisit talaga." realtalk niya sa akin.

Hindi tuloy ako napailag sa batok nito ni Aubrey.

Oo na, kasalanan ko na.

"Pero hindi ko maintindiha-"

"Anong hindi mo maintindihan?" curious kong tanong sa kanya.

"Hindi k-"

"Ano?" mapang-asar kong tanong sa kanya.

Nakaramdam na naman akong batok ni Aubrey sa akin, "Patapusin mo kasi ako, Scarlet!" beastmode na sabi sa akin ni Aubrey.

Nakakailang batok na 'to sa akin. Abusado na siya. Charot!

"Oo na. Awat na ako." sukong sabi ko sa kanya.

"Ang gusto ko ngang sabihin kanin-"

"Ano nga?" sabi ko sabay kuha ng hotdog at nilagay ko sa pinggan.

"Papatapusin mo 'ko o ikaw tatapusin ko?" iritang tanong ni Aubrey sa akin.

Aawat na talaga ako. Baka ito pa ang dahilan unang away namin ni Aubrey.

"Magsalita ka na. Hindi na ako magsasalita." matinong sabi ni Aubrey.

"Ayun nga. Hindi ko maintindihan na na-bwisit sa'yo kaya na-disqualified ka?! Napaka-O.A niya ha!" galit na sabi ni Aubrey.

Mga ilang segundo biglang tumahimik ang aming paligid. Rinig lang ang tilaok ng kapitbahay ni Aubrey.

Tinapik ako ni Aubrey, "Bakit ang tahimik? Magsalita ka, Scar." nabulunan pa si Aubrey pagkatapos niyang sabihin ito.

"Sabi ko kasi hindi ako magsasalita. Hahayaan lang kita." pabiro kong sabi ngunit sinamaan niya ako ng tingin.

"Talagang pinolosopo mo pa ako ano?" inis na sabi sa akin ni Aubrey.

Seryoso na ako. Magseseryoso na ako baka maging beastmode 'to si Aubrey. Mahirap kapag nagtatransform ang mga mababait

.

"Hayaan mo na kasi 'yon. Marami pa naman magandang opportunity na darating sa akin." sabi ko sa kanya sabay subo ko ng pagkain.

Tapos na pala ako kumain, ramdam kong busog na busog ako sa kinain ko.

May narinig kaming nagbubusina sa labas ng bahay ni Aubrey, "Scarlet, tingnan mo nga kung sino 'yon." sinunod ko ang kanyang utos.

Pagkarating ko sa bintana, sumilip ako sa may bintana. Nabigla ako sa aking nakita.

Nakita kong binuksan ang pinto ng van at lumabas sina Mia at Ms. Lea sa may sasakyan. Lumapit ako agad kay Aubrey, "Andito na sila." sabi ko sa kanya.

"Labas ka na. Ako na bahala dito. Kahapon pa sila naghahanap sa'yo." sabi ni Aubrey sa akin habang nagliligpit sa aming pinagkainan.

"Sure ka?" pag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Text mo na lang ako. Marami pa akong gagawin sa araw na 'to." ngiting sabi niya sa akin.

"Sige, Aubrey. Ingat ka." pagpapaalam ko sa kanya, "Salamat sa'yo." pasasalamat kong sabi sa kanya at binigyan niya ako ng ngiti.

Kumaway siya sa akin at kumaway na rin ako bilang paalam sa kanya.

Nagsimula na akong lumabas at natatanaw kong magd-doorbell sila ngunit nakita ako ni Zoe na lumabas ng pinto.

Alam kong sisigaw 'to. Pustahan!

"SCARLETTTT!"

'Di ba? Sumigaw si Zoe. Narindi tuloy ako sa kanyang sigaw. Napakarindi ang boses niya.

"Ingay mo talaga, Zoe!" sigaw ko sa kanya.

Narinig kong tumawa ang mga miyembro ng Queen of Hearts.

Na-miss ko sila. Sobra!

Binuksan ko ang gate at bumungad sa akin si Ms. Lea at Mia. Napakamot ako ng ulo.

"Pasensya na po. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na tinulungan ko si Aubrey kahapon." napakamot ako ng ulo pagkatapos kong sabihin ito kay Ms. Lea at ngumiti lang ito sa akin.

Hindi ba siya galit?

Nagsimula sumugod si Zoe sa akin at niyakap ako.

"GROUP HUG TAYO!"

Ramdam kong sinugod din ako ng ibang miyembro sa akin at sinunggaban ako ng yakap.

Hindi ako makahinga sa yakap nila.

Miss na miss ako ng mga lokong 'to. Sobrang namiss ko sila kahit isang araw lang ako nawala.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
次の章へ