webnovel

Chapter 11

MEGAN

Hinintay ko muna kumalma si Scarlet. Mga nagdaang minuto, kumalma na ito at binigay sa akin yung panyo na inabot ko sa kanya.

Nagulat ako sa kanyang ginawa.

"Yuck. Sayo na lang." sabi ko sa kanya at biglang ngumiti siya sa akin.

Napangiti ako dahil ngumiti na siya pero naalala ko nga pala na may aasikasuhin pala ako sa office ko pero ayokong iwan siya mag-isa.

"Sumunod ka sa akin." utos ko sa kanya at tumango siya.

Tumalikod na ako at naramdaman kong sumakit ang aking paltos kaya napasandal ako sa pader.

"Hala! Anong nangyari sa'yo, Ms. Megan?!" malakas na sabi ni Scarlet na nakikita ko na nag-aalala ito.

Panira naman 'tong paltos ko. Ang ganda na ng lakad ko biglang sumakit magkabilaan kong paltos.

Sobrang hapdi pa!

"Ang hapdi!" sabi ko habang nasasaktan ako kaya pinikit ko na lang aking mata.

Napaupo ako sa sahig pero dahan-dahan.

Tinuro ko ang aking paltos sa paa. "Huwag mong hahawakan 'yan! Ang sakit!"

Gusto ko magmura pero hindi pwede! Ang sakit sobra! Ngayon ko lang dinaing ang paltos ko.

"Hay nako, Megan! Kailangan tanggalin 'yang paa mo." sabi niya sa akin at nagulat ako sa pagkabigla ko.

Anong sabi niya? Kailangan tanggalin paa ko? Lalong nagsabay na sumakit ang ulo ko at paltos ko sa sinabi niya.

Mygoodness, Scarlet!

"Gusto mo ata na hindi na 'ko makalakad habang buhay eh!" inis kong sabi sa kanya at natawa siya sa sinabi ko.

"Joke lang! Tanggalin ko muna dahan-dahan itong heels mo." natatawang sabi niya.

Hinawakan niya ang heels ko sa kanan kong paa na bigla sumakit lalo ang paltos ko sa ginawa niya.

"Ano ba! Papatayin mo ba ako sa sakit?! Dahan-dahan lang!" sigaw ko sa kanya at lalo itong natawa.

May gana pa 'tong matawa.

Ako na nga nasasaktan eh! Sadista ata 'to eh!

"Tiisin mo muna." sabi niya habang dahan-dahan niya na itong tinatanggal sa aking paa.

Ininda ko na lang ang hapdi habang tinanggal ito.

"Saang lupalop po ba kayo naglakad kaya nagkapaltos kayo?"tanong sa akin ni Scarlet.

Lumipat siya sa kaliwa kong paa para tanggalin ang heels ko. Nagsimula na siyang tanggalin ito.

"Alam mo huwag mo nang itanong sa akin dahil hindi masaya ang nangyayari ngay-ARAY!!!"

ANG SAKIT TALAGA!!

Ang sakit talaga pagkatanggal niya kahit dahan-dahan ito kaya nasabunutan ko siga dahil hindi ko na kaya.

Ang hapdi na nararamdaman ko galing sa paa.

"ARAY! Ms. Megan!" nagulat ako sa sigaw ni Scarlet. Napagtanto ko na masakit pala ako manabunot kaya bumitaw agad ako sa kanya.

"DAHAN-DAHAN LANG KASI!" sigaw ko sa kanya at natawa ito sa akin.

Kanina talaga umiiyak siya pero ngayon tawang-tawa siya sa akin.

"Anong nangyari sayo, Megan?!"

Napalingon ako kung sino nagsalita.

Nakita ko si Quinn na pumunta siya sa amin na puno ng pag-alala sa mukha niya.

"Kukuha ako ng med kit!" sabi ni Quinn pero hinawakan ni Scarlet sa braso si Quinn para pigilan 'to.

"Ako na po gagamot sa paltos niya."tumingin ng seryoso si Scarlet kay Quinn.

Bigla akong nakaramdam ng weird kay Scarlet dahil parang gusto niyang awayin si Quinn.

Sobrang tagal ang kanilang pagtitigan.

Pwede na ikabit ang linyada ng kuryente sa meralco ang kanilang mga mata. Magkabilaan pa!

"Quinn, kunin mo na lang slippers ko sa drawer." napalingon sa akin si Quinn para matapos na ang pagtitigan nila.

Baka makatayo na sila ng poste ng meralco sa pagtitig nila sa isa't isa.

Tumingin ako sa ginagawa ni Scarlet na nagsisimula na maghalungkat sa kanyang bag.

May nakuha siyang case agad mula sa kanyang bag at binuksan niya ito. Nilabas niya ang band-aid, betadine, cotton buds at ang ayaw ko sa lahat ay ang alcohol.

Ikaw ba naman lagyan ng alcohol sa paltos, hindi ka ba nahihimatay sa hapdi? Baka lalo pang mamaga paltos ko.

Baka hindi na ako makalad kinabukasan.

"Scarlet, gusto mo na ba mawalan ng trabaho?" inis kong sabi kay Scarlet at humalakhak ito ng malakas.

"Hindi po." natatawa niyang sabi.

"Kahit betadine na lang, Scarlet." nagmamakaawang sabi ko sa kanya at natawa ito lalo.

"Ah! Alam ko na. Takot ka dito 'no?" tanong niya sa akin habang pinakita niya ang bote ng alcohol.

"MAHAPDI KAYA!" inis kong sabi sa kanya at napailing ito sa akin.

"Tubig lang 'to. Wala kasi ako mahanap noong isang araw na bote para lagyan ng tubig. 100 percent na tubig naman 'to. "sabi niya sa akin.

Pagka-katiwalaan ko ba siya? Kapag alcohol 'to, papaalisin ko na siya sa EyeRed dahil dito!

"Bilisan mo na. Para matapos na." sabi ko at tumango siya.

Nagsimula siya sa kanan kong paa at pinahiran nang sinasabi niyang tubig sa sugat ko. Ramdam kong humapdi ito. Pero tubig nga siya.

Hindi naman ito mahapdi kumpara sa alcohol.

Pagkatapos nilagyan niya ng betadine ang cotton buds para pahiran at matuyo sa paltos ko. Lastly, nilagyan niya na ito ng band-aid.

Ganoon din ang ginawa niya sa kaliwa kong paa.

Pagkatapos ng ilang minuto na paggagamot sa paltos ko tumayo na ako na naka-paa.

Nakita ko si Quinn na tumatakbo dala ang slippers ko.

Pagkadating niya, nilapag niya sa sahig nang maayos at sinuot ko na 'to.

"Follow me, Scarlet." utos ko sa kanya at pumunta na kaming tatlo sa office ko.

Pagkadating ko sa office, dumeretso ako sa upuan ko para umupo.

Naalala ko pala na kailangan ko na magdesisyon para magawa na ni Quinn ang statement ng EyeRed sa issue ni Clown.

Napatingin ako kay Scarlet na nakatayo sa harapan ko. Nakalimutan kong sabihin sa kanya na umupo muna siya sa sala.

"Hintayin mo na lang ako sa sala, Scarlet. May pag-uusapan lang kami ni Quinn." sabi ko at nakasimangot siyang tumalikod sa akin.

"Quinn." pasimula kong sabi at napatingin siya sa akin.

"Magpopost na lang ako sa page natin sa internet for apologize na hindi ko ma-bantayan nang maiigi si Clown." napa-iling si Quinn sa aking sinabi.

"Masisira image mo kung 'yan lang sasabihin mo, Meg. Mas okay na sabihin mong bilang CEO hindi mo mabigay ng 100 percent para bantayin siya kaya anunsyo mo na lang na magiging hiatus siya sa loob anim na buwan." sabi niya.

Mukhang maganda ang idea ni Quinn doon kaya tumango ako.

"Yes! But I need a public apology video na gawa ni Clown. Gusto ko ng video para magsorry sa taong nadamay niya at as soon as possible ma-post ko 'yon sa page ng EyeRed sa internet para hindi siya ma-demanda. Kapag na-demanda si Clown, magresign na siya sa EyeRed at huwag na siya magpakita sa akin." sabi ko sa kanya at tinatype niya ito sa kanyang tablet bilang notes niya.

"Alright, Meg. Balik na 'ko." sabi niya sa akin at ngumiti sa kanya.

Pagka-labas ni Quinn, pumunta ako sa aking closet para kumuha ng damit.

Kumuha ako ng jacket na itim at leggings pants na black. Saka pumunta na ako sa cr para magpalit.

Pagkatapos ko magbihis, dumeretso na ako sa sala para kausapin si Scarlet.

Biglang napalingon si Scarlet sa akin at umiwas ako ng tingin sa kanya. Umupo agad ako sa couch.

Ngayon, magka-harapan na kaming dalawa. Tumingin ulit ako sa kanya.

Nagdadalawang-isip ako kung gagawin ko siyang solo artist ng EyeRed agad.

Maganda naman boses niya at maganda naman itsura niya. Magaling naman ito sumayaw.

"Kailan ka nagsimula ng pagiging trainee ng EyeRed?"tanong ko sa kanya at nagsimula na siyang mag-isip.

"March po ata." sabi niya. Let's say na March siya.

Noong binuo ang Queen of Hearts mga November na. 8 months siya naging trainee at nakasama siya sa isang girl group na magdedebut this year 2020.

Sinabi rin sa akin ni Quinn na siya ang pinakamaagang nakasali sa isang girl group sa loob ng ilang buwan lang.

So? Sobrang bilis talaga. Karamihan kasi sa Queen of Hearts ay umabot ng 2 years pagiging trainee nila.

Siguro nga sobrang nagustuhan nila performance ni Scarlet.

"Magdidisband na po ba kami?" nabigla ako sa kanyang sinabi.

Ano bang pinagsasabi nito?

Alam kong napagsalitaan ko ang buong grupo ng Queen of Hearts na masakit noong isang araw pero hindi ko naman hahayaan na ma-disband sila.

Gusto ko lang na isipin nila na gawing motivation nila para maganda mapakita nila in public including me.

Minsan may pagka-strict ako pero marunong naman ako lumugar.

Pero balik tayo sa topic, siguro kailangan ko muna sabihin yung balak ko para sa kanya.

Alam kong hindi pa sigurado at gusto ko muna pag-isipan niya muna.

Hindi pwedeng ako lang mag-desisyon para maging solo artist siya sa EyeRed. Siyempre, siya rin mismo.

Pangarap at buhay ang taya dito.

Pero ayokong umasa siya ng sigurado.

Gusto ko rin siguraduhin na worth it siyang maging solo artists para sa EyeRed.

Gusto ko marami pa siyang mapakita sa akin para hindi ako magsisi sa huli. Sana ganoon din siya.

"Scarlet..." mahinahon kong tawag sa kanya.

"Handa ka na bang magperform na mag-isa?" tanong ko sa kanya at nabigla siya sa aking sinabi.

"Ano po?" naguguluhang sabi niya sa akin. Okay na siya pero slow din ito. Masaya talaga pagtripan minsan 'tong si Scarlet.

"Handa ka na bang maging Solo Artists ko?" tanong ko ulit sa kanya.

Biglang namilog ang kanyang mata na nagpapakitang hindi siya makapaniwala.

"Ano po? Handa na ba akong maging solo mo?"

Maganda nga siya pero bingi naman. Wala rin.

Napailing na lang ako dahil sa kanya.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
次の章へ