SCARLET
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at may narinig akong katok mula sa pinto at binilisan kong pinunas ang aking luha sa palad ko.
Pagkabukas ko, may isang lalaking bumungad sa akin. Isang lalaking matangkad at gwapo. Maganda ang build ng katawan niya. Mas matangkad siya sa akin kumpara sa aking height.
Inayos ko ang itsura at pakiramdam ko namamaga mata ko.
Napatingin siya sa aking mata pero binigyan niya na lang ako ng ngiti.
Panira naman ng moment.
"Hi! Nag-rerecording ka?" tanong niya sa akin habang kinukuhanan niya ang sarili niya sa kanyang phone.
Napansin kong naka-live ito sa ig. Kailangan ko nang umalis baka nakakaistorbo ako. Ako pa ang naistorbo kaysa ako.
"Nagpractice lang po ako ngayon. Aalis na po ako." sabi ko at kinuha ko na ang aking bag pero hinawakan niya yung braso.
Napatigil ako sa kanyang ginawa.
May binulong siya sa akin, "I am really sorry kung naistorbo kita sa pag-iyak mo. I need to do this. Sana mapatawad mo ako." Tumango na lang ako at balak ko nang umalis pero pinigilan niya ako ng kamay niyang nakahawak sa aking balikat.
Bigla niyang hinarap sa akin ang phone at tinakpan ko agad ng aking palad sa mukha ko.
"Medyo nahihiya si Ate dahil nasa live tayo." sabi niya sa akin at tinanggal ko dahan-dahan yung kamay ko pero nakatutok na sa kanya ang camera ng phone niya sa kanya.
Tiningnan niya ako at natawa siya.
"Trainee ka dito?" tanong niya sa akin habang kinukuhanan niya ang sarili niya.
Tumango ako sa kanya.
"I am asking you a favor. Pwede ka bang kumanta kahit verse to chorus lang? Please?!" tanong niya sa akin at nadagdag ang aking hiya dahil nasa ig live siya ngayon.
Baka mapagalitan din ako ni Ms. Megan.
"Ah! I think you don't know me. Magpapakilala muna ako." sabi niya at umiling ako sa kanya dahil hindi ko siya kilala ngunit nakakapagtaka lang may ka-hawig ito.
"I'm Hexyl Kid Juxred. Younger brother ni Megan." sabi niya sabay alok ng kanyang kamay para maghandshake kami.
Sabi ko na nga ba kahawig niya si Megan.
Ang dahilan kung bakit kahawig niya ito, magkaparehas sila ng figure sa bandang mata niya.
Sobrang nagulat ako at ang liit ng mundo nakatagpo ko pa ang kapatid ni Ms. Megan.
May nababalitaan akong may kapatid siya pero hindi ito pinapakilala.
Siya pala 'yon!
Nakakabugso ng damdamin dahil hindi ko inaasahang makilala ko siya.
Bigla kong tinanggap ang handshake na alok niya sa akin at bumitaw agad ako.
Nakakahiya naman siguro kung matagalan.
Alam kong pinangarap ko rin maging isang performer ngunit nakakabigla lang kasi sa hindi inaasahang pagkakataon ito pa ang mangyayari sa akin.
Nakatingin pa rin siya sa akin na mukhang naghihintay ng aking kasagutan kaya huminga ako ng malalim.
Tumango na lang ako dahil wala rin naman akong choice para hindi pumayag.
Pero sa totoo lang wala ako sa mood magperform sa kadahilan na lagay ng relasyon namin ni Francis.
Sadyang mapilit lang si Kuya Hexyl kaya napapayag ako.
Syempre kapatid ito ni Megan na dapat talagang pagbigyan.
Pero hanggang chorus lang dapat. Tama na ang exposure.
Siguro sa pagdating ng araw ng debut ng Queen of Hearts, ilalabas ko na talento ko.
"Guys! Pumayag siya! Ihahanda muna namin ang lahat tapos mag-uumpisa ulit ako maglive para sa performance namin. Bye!" pagpapaalam niya sa mga viewer habang kumakaway ito.
Mukhang tapos na ang kanyang live kaya lumingon siya sa akin.
"Thank you talaga. Gusto ko lang pagbigyan mga fans ko." sabi niya.
"Dito na lang tayo sa labas ng recording station para maganda ang view." anunsyo niyang sabi at sumunod ako.
Nakita kong kumuha siya ng dalawang bar chair na nakapwesto na sa gitna.
Nilagay niya ang phone sa kanyang tripod stand na nakapatong sa table.
Nagsimula na siyang magkalikot kaya umupo na lang ako.
Mga ilang minuto na lamang nag-iisip ako kung ano kakantahin namin.
Ayoko maging impromptu ang performance ko. Nakakahiya.
Buti na lang naalala ko ang napakinggan kong playlist sa Spotify. Na-lss ako sa Rockabye ni Clean Bandit.
Gusto kong maging hype naman sa mga viewers ni Kuya Hexyl.
"Hey! Guys! I am back. Maghihintay muna tayo mga viewers." sabi niya habang pumunta na siya sa aking tabi para umupo.
Bigla na naman akong kinabahan.
"Kinakabahan ako." sabi ko sabay tingin kay Kuya Hexyl at lumingon siya sa akin.
Tinapik niya ako sa balikat bilang pagcomfort niya sa akin.
"Kaya mo 'yan! Ano ba kakantahin natin?" tanong niya sa akin habang nakapokus ito sa pagkalikot ng kanyang gitara niya.
"Rockabye na lang po. Huwag po kayo mag-expect na magaling ako kumanta." sabi ko sa kanya at natawa naman sa aking sinabi.
"Ilabas mo lang sa kanta. Magiging maayos ang pakiramdam mo." mahina niyang sabi sa akin at binigyan niya ako ng ngiti.
Kinindatan pa ako. Natawa naman ako sa ginawa niya.
"Mukhang marami na ang aking viewers. Mag-uumpisa na ako ha?" sabi ko kay Hexyl habang nakatuon pa siya sa pagkakapa ng mga chords. Hinintay ko siya saglit.
Narinig ko nagplucking ito mismo sa intro kaya ito ang hudyat na umpisa ng kanta. Nagsimula na ang pagtugtog niya at nagbigay siya ng signal ng huling strum niya.
Huminga ako ng malalim at nagsimulang kumanta.
"She works the night, by the water. She's gonna stress, so far away from her father's daughter. She just wants a life for her baby. All on her own, no one will come. She's got to save him." kinabahan ako sa umpisa kaya pumikit na lamang ako para ramdam ko ang aking pagkanta.
Biglang naramdaman ko ang pagka-conscious ko sa aking pagkanta dahil nasa puntong mababa ang tono na kailangan kong kantahin ng tama.
I need to be careful pero hindi ito tama.
Gusto ko maging perfect ito pero kailangan kong palayaan ang sarili ko at maramdaman ito.
Gusto ko lang mapagtanto ng mga viewers sa kantang ito tungkol mga single mom na nagbuhos ng dugo't pawis para buhayin ang kanilang anak.
Para na rin mabigyan nila ng magandang buhay ito. Katulad ng pagpapalaki sa akin ng aking ina.
Alam ko ring baduy din naisip kong kanta pero ito na lang naisip ko. Gusto ko na rin matapos ito kaya nagpokus na lang ako sa kakantahin ko.
"She tells him "ooh love". No one's ever gonna hurt you, love. I'm gonna give you all of my love. Nobody matters like youuuu. Your life ain't gonna be nothing like my life. You're gonna grow and have a good life. I'm gonna do what I've got to dooooo." Naalala ko kung paano isinilang ng mga nanay ang kanilang anak at binigyan ng sapat na pagmamahal para maging maginhawa ang buhay ito.
Alam ko nagpakandahirap si Mama mabuhay kami dahil nabuhay lang kami sa simpleng buhay.
Pero saludo ako sa aking inay dahil binigyan niya ako ng sapat na edukasyon para maging edukado. Siya ang daan para makuha ko ang inaasam kong pangarap.
Gusto ko na lang magpokus sa aking pangarap at sa mga taong nandyan para sa akin na nagbibigay ng lakas para matupad ko ang aking pangarap.
At hindi para sa mga taong kaya akong iwan.
"So, rockabye baby, rockabye. I'm gonna rock you. Rockabye baby, don't you cry. Somebody's got you. Rockabye baby, rockabye. I'm gonna rock you. Rockabye baby, don't you cry". Para sa aking inay na andyan para sa akin palaging sumusuporta sa pangarap ko ngayon.
Ma, tutuparin ko 'tong pangarap ko at kayo ni Ms. Megan nakakatulong maabot ang aking pangarap.
Kailangan ko maging matibay at.... hindi na 'ko muling luluha pa sa isang katulad niyang kaya akong iwan.
"Rockabye, no nooo ohh" minulat 'ko pagkatapos kong kumunta.
Biglang pumalakpak si Hexyl at napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako.
"Mukhang maghahanda na kami para sa unang single namin." biro ni Hexyl sa mga viewers nito. Natawa na lang ako.
May sayad din pala 'tong si kapatid ni Ms. Megan.
Bakit walang sayad si Ms. Megan?
Saan kaya nagmana si Ms. Megan sa sobrang snob at pagiging masungit ito?
"Kailangan na namin umalis. Sa uulitin mga viewers. I love you all." sabi niya habang kumakaway-kaway kami at tumayo na siya para tapusin ang kanyang live.
Pagkatapos niyang patayin ang live niya, tumingin siya sa akin ng seryoso.
"Why are you crying a while ago?" tanong niya sa akin at bumalik ito sa upuan niya upang umupo ito, "Wala 'yon, Hex." sagot ko sa kanya.
"Sinadya ko talagang guluhin ka dito sa recording room. Gusto ko lang malaman. Hindi naman ako magsusumbong kahit sino lalo na sa kapatid ko." sabi niya sa akin.
Mukhang pwede naman siya pagkatiwalaan.
Alam kong mabait din itong kapatid Ms. Megan.
Mas okay pa maglabas ng problema sa isang taong hindi mo kilala lalo na't naiintindihan ka niya.
Napatingin na lang ako sa dingding na kaharap namin. "Iniwan niya ako ng walang paalam." nalungkot ako sa kanyang sinabi at bumuhos na lamang ang aking luha.
Alam kong gusto niya akong magising sa katotohanan.
Pero natatakot ako. Natatakot ako sa katotohanan na iniwan niya ako.
"Paano kung 'yon ang kanyang paalam?" tanong niya sa akin at nagulat ako sa kanyang tanong kaya napatingin ako sa kanya.
Natawa ako lalo.
"Isang kalokohan 'yan. Kahit 'paalam, Scar.', wala akong natanggap eh." natawa na lang ako na peke at tumingin ulit sa dingding.
"Hindi isang kalokohan 'yon. Sadyang nagsisilbing paalam niyang iwan ka ng walang paalam." sabi niya sa akin at natauhan ako sa kanyang sinabi.
"Hindi porket wala siyang sinabi, hindi na siya nagpaalam?" dagdag niyang tanong sa akin pero umiling siya.
"Hindi nababatay sa salita ng tao, ang batayan kung nagpaalam siya o hindi." tumingin ako sa kanya at tumingala siya sa kisame.
"Alam mo ba kung ano batayin kung bakit hindi na siya nagpaalam sa'yo?" tanong niya ulit sa akin pero hindi ko alam kung ano tamang sagot kaya naghintay na lamang ako sa susunod niyang sasabihin.
"Ang paglisan niya dahil hindi ka niya kayang mahalin pa." sagot nito sa akin at biglang bumuhos lalo aking luha sa masakit niyang sinabi.
Pero bakit hindi ko pa rin matanggap ang paglisan niya sa akin. Gusto ko ng sapat na rason para mapanatag ang aking isip at damdamin.
Matatanggap ko naman kung ano pagkakamali at pagkukulang ko eh. Pero hindi yung iwan niya akong walang rason.
Humagulgol ako sa aking pag-iyak.
Alam kong nakakahiya para sa kanya pero dali-dali na akong umalis sa recording room.
Kinuha ko na ang aking bag at sinuot ko na ito habang nakayuko ako.
Pagkalabas ko, nagulat akong may nakasandal na tao sa dingding na tabi lang ng pintuan.
Pero iniwasan ko na lang ito.
Napansin kong hinarang niya ang kamay niya at hinawakan ako sa braso ko sa kaliwa.
Humarap siya sa akin.
"Oh..." narinig kong sabi nito at nainis ako kung bakit hinawakan niya ako sa braso. Kaya napatingin ako kung sino iyon.
"Ms. Megan..."
Nakita ko rin na nilahad niya ang panyo sa akin.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!