webnovel

05

Karaniwan sa mga nagkaroon ng kasalanan ay humihingi agad ng tawad para mabilis na matanggal ang galit ng taong nagawan nila ng kasalanan. Pero sa kaso ko, hindi ko man lang magawang maglakad at magtungo sa harapan niya at magsabi ng simpleng salitang sorry na dapat ay bukal din sa kalooban ko.

Ewan ko ba pero nahihiya ako. Nakaramdam agad ako ng guilty sa mga ginawa ko kagabi. Lumagpas naba ako sa limitasyon ko? Masyado ko na ba siyang nasaktan? Hindi naman siguro masyado, hindi ba?

Atsaka isa pa nagsasabi lang naman ako ng totoo. Oo, hindi ko siya gusto, naiinis ako sa kaniya pero siyempre hindi ako galit. Paano ba naman kasi pakiramdam ko nasa kaniya na lahat ng atensiyon ni Mama, siya nalang lagi ang kinakampihan at siya nalang lagi ang tama.

Mas nagmukha pa ngang ako ang nakitira rito at hindi siya. Feel at home ang kuya niyo. Pero back to topic tayo. Should i say sorry, or not?

Napabuntong hininga ako at agad na ibinutones ang huling butones ng uniform ko. Pinagpag ko ang palda kong nabahiran ng pulbo na inapply ko sa mukha ko. Dahil sa nangyari kagabi, nahihiya pa tuloy akong lumabas at magpakita sa kaniya.

Pinaypayan ko ang sarili ko atsaka naupo sa kama ko. Tag lamig ngayon pero init na init ako. Ewan ko ba sa sarili ko, baliktad ang pakiramdam. Ninenerbiyos ba ako?

"Just relax, Sid. Relax yourself. This is your house. I mean, this is your Mom's house. You're the legal daughter and he's just a visitor na titira na dito at pinaaral pa ng Mama mo. Mas may karapatan ka at dapat wag kang mahiya. Dapat siya pa nga ang mahiya kasi hindi naman siya rito nakatira." pinaypayan ko ang sarili ko at huminga ako ng malalim.

Tumayo at unti unting lumabas ng kuwarto. Agad akong nagtungo ng kusina habang tumitingin tingin pa sa paligid. Baka bigla nalang siyang sumulpot, pagkadating ko ng kusina ay wala pa ito roon kaya nangingiti akong umupo doon. Kumakain na sina Daya at Mama.

"Goodmorning, Sid. Heto kumain ka ng marami bago pumasok." ani ni Mama na siyang tinanguan ko at nginitian. Buti naman at wala ang lalaking 'yon, ako ang napapansin ni Mama ngayon.

Agad akong nagstart kumain at napatingin kay Daya. Himala at maagang nagising ang babaeng 'to samantalang always siyang late at akala mo siya ang teacher ng eskuwelahan sa sobrang late pumasok.

"Anong nakain mo at ang aga mo atang nagising ngayon, Daya?" tanong ko kay Daya. Natigil ito sa pagsubo ng hotdog at nangingiting ibinaba iyon.

"Ngayon ang unang araw ni Kuya Triton sa school. Siyempre, gusto kong magpa impress at gusto kong makasama siya sa pagpasok para naman maganda ang araw ko." saad nito kaya agad akong natawa at ibinaba ang inumin kong tubig.

"Daya, simula ng nanirahan yan dito sa'tin, alam na niyang late kang gumigising. Isa pa, hindi kayo parehas ng eskuwelahang pinapasukan. Kami ang magka parehas ng school kaya asa ka pa." pinanlakihan ko ito ng mata at binelatan dahilan para naiinis na kinuha nito ang kaniyang gatas at ininom.

"Anong point mo ate —" hindi nito natuloy ang sasabihin ng biglang sumingit si Mama sa usapan naming dalawa.

"Tama na 'yang pagtatalo ninyo at kumain na kayo. Anong oras na at baka malate pa kayo. Tara na rito Triton, kumain kana rin at ng maging maaga ka sa unang pasok mo." saad ni Mama kaya agad akong napatingin sa kabababa na si Triton.

For the first time, na speechless ako sa naging transformation ng isang tao. May igagwapo pa pala itong si Triton. Parang Grant na ang pormahan at level nang gwapo pero siyempre, mas gwapo parin si Grant at lamang si Grant ng mga ilang paligo.

Kung idedescribe ko ang kalagayan ni Daya ngayon. Siya na ang pinaka the best example ng isang taong nastar struck. Titig na titig ito kay Triton, with matching blink blink ng eyes, medyo naka awang ang bunganga at ang nakaka yucky na ekspresyon.

"K-Kuya Triton, ikaw ba yan? Namamalikmata ba ako o sadyang naging g-guwapo ka lang talaga sa transformation mo?" hindi naman halatang gwapong gwapo siya kay Triton dahil nauutal pa siya. Ineng bata kapa, umiinom kapa nga ng gatas mo oh.

Hindi mo ba alam, lagpas pa sa limang taon ang agwat ninyo. Tiyak na hindi ka rin papatulan niyan dahil hindi ikaw ang tipo niya. May gatas kapa sa labi, Daya.

Ang mokong naman natawa pa at ewan ko kung bakit ganoon ang klase ng tawa nito, napaka perpektong tawa naman non at ang sarap sa tenga pero siyempre, mas masarap parin pakinggan ang tawa ni Grant. Si Grant na ata ang pinaka perpektong taong nakilala ko. Kung hindi siya ang the one ko, patayin niyo nalang ako.

"Thanks to Mama at ganito ang naging itsura ko ngayon. Ano, ayos lang ba? Bagay ba?" tanong nito kaya mas lalo akong napangiwi. Naki Mama narin mga tsong.

Ngumiti ng malapad si Daya abot langit bago nagsalita, "Sobra pa sa bagay, Kuya Triton. Pero puwede bang wag nalang kitang tawaging Kuya? Pakiramdam ko kasi mas maganda kung baby— aray naman Mama grabe kayo ha ang sakit sakit non. Tignan niyo nga nalukot na yung uniform ko. Sobrang alaga ko pa naman rito tapos kukusutin niyo lang ng ganon." angil nito ng kurutin siya ni Mama sa kaniyang tagiliran.

"Buti nga sayo karengkeng ka kasing bata ka." bulong ko na mabuti naman at hindi nito narinig dahil kung narinig nito iyon ay siguradong may milyon milyon itong sagot.

"Napaka bata mo pa Daya pero ang galing mo ng bumanat. Anong baby baby ka diyan, paabutin mo muna ng ninety ang grades mo bago ka gumaniyan." saad ni Mama dahilan para matawa ako. Medyo napalakas ata ng kaunti lang ang tawa ko dahilan para mapatingin sa akin si Daya at Triton at diretso naman sa pagsermon si Mama.

"What?" inis na tanong ko sa dalawa dahilan para mapa iwas ng tingin si Triton at mapa irap naman si Daya. Sarap sundutin ng mata nito.

"Mama, may pasok po ba kayo ngayon?" tanong ko kay Mama at agad naman itong umiling at uminom ng tubig bago sumagot.

"Wala akong pasok ngayon kaya gamitin mo na ang kotse. Basta ba't isabay mo si Triton at Daya." ani nito kaya agad akong napatingin kay Triton, may ngisi ito sa labi kaya agad nalang akong tumango. Ano pa nga ba, kesa naman mag commute ako, tinatamad pa naman ako ngayon.

"Sige Mama, ako narin ang mag dadrive. Nasaan ang susi?" tanong ko rito.

"Hindi ikaw ang mag dadrive. Marunong namang mag drive si Triton kaya siya nalang." sabi ni Mama bago sumubo.

Napatingin ako kay Triton, "Marunong kang mag drive? Sigurado ka?" tanong ko rito.

Tumango ito at pinakatitigan ako, "Oo naman. Bakit wala ka bang tiwala sa akin? Don't worry, hindi kita ipapahamak." ngumiti ito bago bumalik sa kaniyang pagkain. Ano bang meron sa kaniya? Ba't parang may kakaiba?

Hindi nalang ulit ako nagsalita hanggang sa matapos kaming kumain. Agad din naman kaming lumabas at hinintay si Triton dahil siya nga raw ang mag dadrive. Sigurado ba siyang kaya niya?

"Ikaw, wala dapat akong malalaman na tumakas ka nanaman sa school mo dahil kung nangyari 'yon lumayas kana sa pamamahay ko, malinawag ba?" saad ni Mama habang pingot nito ang tenga ko kaya agad akong napangiwi. Tumango ako at agad naman nito iyong binitawan. Akala siguro hindi masakit 'yon.

"Let's go. Sakay na." tumango ako atsaka sumakay na. Sa frontseat dapat ako sasakay kaso tinaasan na ako ng kilay ni Daya. Ayos lang, hindi ko naman gustong katabi ang driver.

"Kuya Triton, puwede mo ba akong ihatid sa loob ng classroom namin? Alam mo na, baka kasi pagalitan ako ng teacher ko kasi late ako. Kapag nakakita kasi 'yon ng guwapo, tiklop 'yon eh." palusot ni Daya. Napailing ako atsaka natawa.

"Daya, eight thirty ang exact na pasukan niyo and it's only seven fourty nine so no need to worry. Palibhasa sanay kang late." ani ko rito na siyang ikinairap nito.

Ngumiti naman si Triton kay Daya, "Sure. Ihahatid nalang kita." saad nito dahilan para kiligin si Daya. Ang sarap kurutin sa singit nitong babaeng ito, highschool pa lang lumalandi na.

Hindi niya nalang ako tularin. Ako nga noong nasa ganiyang edad pa lang ako ay pag sasayaw lang ang inaatupag ko hanggang ngayon. Well, siyempre si Grant exception siya doon, ay basta.

Kapag kahinto ng kotse sa harapan ng school ni Daya ay agad rin silang lumabas na dalawa. "Hintayin mo nalang ako rito, Yveon." saad ni Triton na siyang tinanguan ko nalang. Nagpabuhat pa ng bag ang gaga, eto namang si uto uto kinuha nga at binuhat ang bag ng kapatid ko.

Habang naghihintay ay agad kong binuksan ang bintana. Ngunit pagkabukas na pagkabukas ko ay agad rin naman akong inubo. Napa palo palo pa ako sa dibdib ko dahil sa labis na pagubo. Hindi naman makati ang lalamunan ko. Hindi rin naman mausok.

Agad kong kinuha ang tubig ko at uminom doon. Sa ganoong paraan ay kumalma naman agad ako. Nailing nalang ako at inilabas ang cellphone ko. Agad kong naalala ang paguusap namin ni Grant. Oo nga pala, paguusapan namin ngayon yung tungkol doon sa necklace.

Parang tinambol ang dibdib ko sa sobrang kaba. Heto nanaman, ang feeling ng gan'to sa dibdib na kay Grant ko lang nararamdaman.

"Tara na. Naihatid ko na ang kapatid mo." ani ni Triton na kararating lang. Tumango naman ako rito at agad din naman nitong inistart ang kotse.

Habang umaandar ang kotse ay agad ko ring naalala yung paguusap namin kagabi ni Grant. Ngayon lang ulit bumalik ang hiya ko, ngayong kaming dalawa nalang ang magkasama.

Heto na ata ang pagkakataon kong humingi ng tawad. Pero paano, paano ko sisimulan? Nalukot ang mukha ko at agad akong napabuntong hininga.

"Are you okay?" tanong sa akin nito, bakas ang pag aalala sa kaniyang mukha. Kitang kita ko 'yon sa salamin sa harapan, "Do you have any problem?" tanong pa nito.

Umiling ako, "Wala."

"Okay." ngumiti ito at nagpatuloy sa pagdadrive.

Pagkarating namin sa school ay itinuro ko dito kung saan ang parking lot. Agad rin naman kaming bumaba pagka park ng kotse.

Ibinalik ko ang cellphone ko sa bag ko ngunit nagtaka ako ng makitang wala doon ang wallet ko kaya agad kong hinalungkat ang loob non. Nang makitang wala doon ay binuksan ko ang backseat at wala rin doon.

I guess, naiwan ko sa bahay.

"What's wrong?"

"I left my wallet. Give me the key. Uuwi lang ako saglit. Mauna kana." saad ko rito.

Umiling ito, "No. Ako na ang kukuha. Saan mo ba naiwan?"

"Sa kitchen table." saad ko. Tumango ito at agad na sumakay ng kotse. Mabilis na umandar iyon at agad na nawala. Napaubo pa ako atsaka nagpunta sa waiting shed at doon nalang naghintay.

"Mag isa ka lang?" agad akong napatingin sa taong nagsalita sa tabi ko. Nang marinig ko palang ang boses na 'yon ay agad na tinambol ng kaba at excitement ang dibdib ko.

Ngumiti ako rito, "Oh. Ikaw pala, Grant. Meron akong—" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito.

"Let's talk about the necklace, but not here." ani nito at agad na hinila ako papaalis doon. May mga dumating kasing estudyante na mukhang fans niya. Kitang kita ko pa ang panlulumo sa mga mukha nila. Parang gusto ko tuloy matawa ng bonggang bongga tapos kantahin yung ako ang nagwagi.

Nagpunta kami sa likod ng college building at doon nagusap. "Ah... S-Sorry kung nawala ko iyong, n-necklace mo. Hindi ko naman alam na ganon ang m-mangyayari." ilang beses ata akong napalunok habang kausap siya. Sobrang seryoso nitong tumitig, para akong kakainin ng buhay.

"It's okay. No worries." ngumiti ito sa akin dahilan para manlaki ang mata ko. Grabe, mangilan ngilan lang itong ngumiti sa akin tapos ngayon. Nakangiti na ito sa harapan ko.

Tumikhim ito bago nagsalita, "By the way," may kinuha ito mula sa kaniyang bulsa, isang purple box at agad iyong binuksan at inilabas doon ang isang bracelet.

"This is yours." agad akong napatingin sa ibinibigay niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya ngunit hindi siya nakatingin sa akin. Umiiwas siya ng tingin.

"M-Me? As in, sa akin?"

"Tell me if you don't like it. Babawiin ko."

Agad kong kinuha 'yon sa kamay niya. Baka biglang bawiin edi napaway pa tayo.

"No. Akin na 'to."

"Do you like it?" tanong nito, nakatitig na ito sa akin hindi katulad kanina.

Ngumiti ako rito at tumango, "Oo. I like it, so much. Basta galing sayo." ani ko.

Napangiti rin ito atsaka unti unting lumapit sa akin. Ganito yung mga moves na napapanood ko sa mga dramas. Agad rin akong napa atras hanggang sa wala na akong maatrasan. Nakasandal na ako sa isang puno.

Dahan dahang lumapit ang mukha nito sa akin at agad na nakipag eye to eye. Jusko, napaka bango naman ng hininga nito. Kung ganito lang din naman ang makaka titigan ko ayos lang, hanggang sa lumuwa ang mata ko. Rinig na rinig ko rin ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Nagulat ako ng pinitik nito ang ilong ko atsaka natatawang lumayo sa akin. "Hindi ka parin nagbabago. Namumula ka at nauutal kapag ako ang kausap mo. Do you like me that much?" tanong nito dahilan para manlaki ang mata ko.

Kahit kelan hindi ako umamin sa kaniya. Kaya paano niya nalamang may gusto ako sa kaniya? Wag mo sabihin trinaydor ako ng kaibigan kong si Sarah? Wag mo sabihing sinabi niya?

"Joke lang, masyado ka namang seryoso. Alam ko namang di moko gusto." ani nito dahilan para matawa ako, bilang na tawa puwede ng maging ha ha ha.

"Anong hindi, gustong gusto kaya kita. Hindi ko lang sinasabi." bulong ko sa sarili ko na hindi naman nito narinig.

"Oo nga pala, ingatan mo 'yang bracelet na 'yan. Wag na wag mong iwawala 'yan kung hindi magagalit talaga ako sa 'yo." saad nito habang nakangiti. Agad ko naman iyong tinanguan.

"Siyempre. Hinding hindi ko na 'to iwawala. Promise."

"Ibinigay sa akin 'yan ni Mommy and she said i should give it to the person i treasure the most. And that's you, kaya ingatan mo 'yan." ani nito. "Sige, mauna na ako sayo." Tumalikod na ito at agad na naglakad paalis. Ngunit nakaka apat na hakbang pa lang ito ay agad rin itong humarap.

"Oh. I forgot. Mom wants to have a dinner with you. She said it's been months noong last na dinner natin together so, she's inviting you. I'll call you kung kelan. Okay?" tumango ako at agad rin itong tumalikod at umalis na.

Nang tuluyan na itong maka alis ay agad akong nagtatalon na akala mo nanalo na sa lotto pero para sa akin mas sobra pa sa lotto. Sobrang sobra ang saya ko.

Halos halik halikan ko pa ang bracelet na nakasuot sa kaliwang kamay ko sa sobrang saya. Maniwala kayo sa hindi ito ang kauna unahang item na ibinigay sa akin ni Grant. Oh yeah i forgot, yung necklace pala na nawala ang kauna unahan.

"Sobrang saya mo, ah. Mukha ka nang baliw riyan." agad akong napatingin sa likod ko at nakita si Triton, "Here's your wallet." agad ko iyong kinuha sa kaniya.

"Salamat." saad ko.

Tumango ito at ngumiti, "Hmm. Tara na, pasukan na natin. Baka malate pa tayo." saad nito.

Tumalikod ito at agad na naglakad paalis.

"Wait."

"What is it?"

"I'm sorry."

"Sorry? About what?"

Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita, "I'm sorry about kagabi. Sorry sa mga sinabi ko. I didn't mean to—" i was cut off ng magsalita ito.

"It's alright." nangingiting ani nito. Nagulat ako ng bigla ako nitong inakbayan at kinaladkad, "Let's go."

Agad kong pinagpapalo ang kaniyang braso na nakapulupot sa aking leeg. "Sinong nagsabi sa'yong akbayan mo ako? Teka nga. Aish!"

"Tara na. Mahuhuli na tayo sa klase."

"Kapag ako nakawala rito hahampasin kita ng limampung beses. Bitawan mo ako!"

"Edi mas ayaw kong bitawan ka, hahahaha."

"Sa transferee, please come infront and introduce yourself." saad ng teacher namin. Agad akong napatingin kay Triton at inambahan pa ito ng kunwaring suntok ngunit natawa lang ito at agad na nagtungo sa harapan.

"Sino siya, Sid. Kakilala mo?" tanong sa akin ni Sarah. Lumipat ito sa tabi ko dahil nakipagpalit ito kay Harry. Pumayag rin naman si Harry at ewan ko nalang sa kanila kapag nahuli sila ni Ma'am. Para pa namang tigre kung magalit.

Umiling ako rito, "Hindi ah. Ngayon ko lang siya nakita." ani ko kasabay ang pag iling.

Sinundot sundot nito ang tagiliran ko, "Sus. Hindi ako naniniwala sa'yo. Ipakilala mo naman ako. Ang hottie niya ah." bulong nito sa akin na siyang ikina iling ko at ikinatawa.

Pagkapunta nito sa harapan ay agad na naghiyawan ang mga babae kong kaklase. Basta gwapo, kilig ang mga puke nito.

"Goodmorning, everyone. My name is Triton Samonte. You can call me Triton. I hope we can be friends." ngumiti ito dahilan para magsi hiyawan ulit ang mga kaklase ko.

"Aah, ang gwapo mo naman!"

"Marry me, Triton!"

"Nadagdagan nanaman ang gwapo rito sa school. Hinding hindi na talaga ako mag aabsent!"

"Ikaw na ata ang hotdog sa bread pan ko!"

Agad akong napangiwi sa mga komento nila. Sinasabi ko na nga ba.

"Magsitigil kayo!" sigaw ni Ma'am dahilan para mawala ang malalakas na hiyawan ngunit napalitan ng bulong bulungan, halatang pinaguusapan siya.

Pagkatingin ko kay Grant ay nakatingin rin ito sa akin. Ngumiti ako rito ngunit hindi ito ngumiti pabalik at tumingin na sa harapan. Bumalik nanaman siya sa pagiging masungit niya.

Napanguso ako, "Ikaw parin ang pinaka gwapo sa buong mundo para sa akin, Grant." bulong ko sa sarili ko nasa kasamaang palad ay narinig ni Sarah at agad ako nitong tinapik.

"Nagsimula ka nanaman sa ganiyan mo. Wake up na bestfriend, wala ka ng pag asa." saad nito habang tatawa tawa kaya agad ko itong hinampas at pinakita ang bracelet na nasa kaliwang kamay ko.

"Nakikita mo 'to? Ibinigay niya 'to sa akin kanina. Kaya wag mo akong masabi sabihang walang pag asa sa kaniya." nangingiting ani ko, binelatan ko pa ito na naging dahilan ng pag tawa nito.

"Sus. Hindi ako naniniwala. Proofs muna." ani nito kaya agad ko nalang itong inirapan.

"Bahala ka riyan."

Mabilis na natapos ang discussion at agad rin kaming nagligpit ng mga gamit namin.

"Anong gusto mong kainin, Sid? Gusto kong kumain ng vegeatable sandwich. Kagabi pa ako nagcacrave noon, hindi ko naman mautusan sina Manang kasi nakakahiya atsaka hindi naman ako marunong gumawa." saad nito na siyang tinanguan ko.

"Oo na."

Kapag katapos kong maayos ang gamit ko ay agad ko itong isinukbit sa likuran ko.

"Grant, sumabay kana sa amin sa lunch! Wala kaming kasama!"

"Triton, sa amin kana sumabay! Please!"

"Omg, Grant sabay kana sa amin. I'll treat you!"

Napailing iling nalang ako at halos hampasin ang kaklase kong si Meribeth at Monday nang sabihing gusto nilang sumabay kay Grant ng lunch. Neknek nila.

Aalis na sana kami ng humarang sa dinaraanan namin si Triton.

"Puwede ba akong sumabay sa'yo sa lunch, Yveon?" hindi ko masyadong narinig ang sinabi nito dahil naka focus ako kay Grant na tinignan lang ako at agad ring lumabas ng room.

Sino kayang kasabay niya? May kasabay kaya siya? Ako nalang kaya?

"Hoy, Sid. Tinatanong ka." siniko ako ni Sarah kaya agad akong napatingin sa kanila.

"What is it again?" tanong ko.

"Is it okay kung sumabay ako sa inyo sa lunch?" tanong ulit nito kaya agad akong tumango.

"Ayos lang." sabagay, wala rin naman itong kasamang kumain ng lunch.

"Let's go!" masayang saad ni Sarah at agad kaming hinawakan sa magkabilang kamay at agad na hinila papaalis ng classroom.

次の章へ