webnovel

First And Last Date

BEATRIX POINT OF VIEW

 

"Oy! Beaaaaa!"

"Mmm..."

"Bea gising naaaa!"

"5 more minutes, please..."

"Gigising ka? Or ako na lang magpapaligo sayo?" Nagising ako sa banta na 'yon. Pagka-upo ko ay nakita ko si Dawn na naka-ayos na at mukhang ready na ready na.

Nagtaka pa ko kung bakit sya naka-ayos ng ganun. "Saan ka pupunta?"

Napangisi siya, "May date tayo Bea, anu ba! Gisingin mo na nga diwa mo!"

Naalala ko na magd-date nga pala kami ngayon, napamadali naman ako mag-ayos. Sinabi nya na sya na daw bahala gumawa ng almusal. Sana naman magaling sya magluto, at mas lalong sana di masunog ang apartment ko.

Nang matapos ako maligo, namili naman ako ng susuotin ko. After a half hour later, napagdesisyunan kong mag-suot ng floral dress at kinulot ko din buhok ko para bongga. First date ko lang 'to, kaya gusto ko bongga hehe.

Pagkalabas ko umamoy ang mabangong niluluto ni Dawn, "Sinangag?" I asked him.

Napalingon sya sa akin at sumagot, "Yeah----" napangisi ako ng matulala sya sa kagandahan ko. "Woah." Yun lang nasabi nya.

"I know, ang ganda ganda ganda ko. Di ka maka-angal noh?" Natatawa kong tanong.

"Hmmm, oo na lang." Then dinedma nya na ko.

What the ef!?

"Wow, nag-effort pa ko tas ganyan lang gagawin mo?" Inis kong tanong.

"Pfft hahaha!" Nagulat na lang ako ng bigla nya kong yakapin at inikot. "Oo! Ang ganda ganda ganda mo Beatrix Montemayor! Ikaw ang pinakamagandang babae nakita ko ngayong umaga!!"

"The heck Dawn! Ibaba mo koooo!"

"Never hahaha----aaaaahhhh!" Parehas kaming napasigaw ng bumagsak kaming dalawa. Now i'm on top of him, napasandal na lang ako sa dibdib nya and i can hear how fast his heart is beating right now. "Baliw ka talaga Dawn."

"Nakakabaliw ka kasi Bea."

"Pfft, kain na nga tayo!" Sabi ko at tumayo na. Tinulungan ko din syang tumayo at kumain na kami ng almusal namin.

Then after breakfast, nagtaxi na kami papunta sa isang mall. "Uy tara doon!" Aya ni Dawn ng makita nya ang isang shop na nagbebenta ng instruments.

Pinasaksak nya yung piano at napahanga nya ako ng magplay sya ng piano. "Marunong ka pala mag-piano?"

"Yup, nag-aral ako nito noong high school ako." Napangisi sya.

"Yabang ah." Sabi ko. "Sige nga, tugtugan mo ko." Hamon ko at lumaki ngisi ng loko.

"Baka mahulog ka ah, ingat-ingat lang." Napa-ikot mata ko. Mahuhulog pa ba ko? Nahulog na nga ako eh. At ang sakit ng binagsakan ko, di nya ko nasalo. Di naman kasi pwede. Malabo kami mangyari. "Favorite ni mama 'to, sawang sawa na ko sa lumang kanta na 'to pero parang paborito ko na rin dahil gusto ko ding i-rewrite ang mga letseng bituin."

You know I want you

It's not a secret I try to hide

I know you want me

So don't keep saying our hands are tied

You claim it's not in the cards

But fate is pulling you miles away

And out of reach from me

But you're here in my heart

So who can stop me if I decide

That you're my destiny?

Di ko inasahang maganda pala boses nya. May ilang mga taong nagsilapitan upang pakinggan si Dawn, pwede pala maging performer si Dawn. Ang galing nya eh.

And i also feel him, gusto ko di i-rewrite ang mga letseng bituin. Pero anong konek ba ng bituin sa destiny? Nevermind. Pinakinggan ko lang si Dawn dahil alam kong para sa akin ang kanta nya na 'to.

What if we rewrite the stars?

Say you were made to be mine

Nothing could keep us apart

You'd be the one I was meant to find

It's up to you, and it's up to me

No one can say what we get to be

So why don't we rewrite the stars?

Maybe the world could be ours tonight

Tinapos nya doon ang kanta, pinalakpakan sya ng mga tao at napa-bow pa sya. Parang nag-instant concert tuloy si Dawn. Napayakap naman sya sa akin.

"Bea, what if we rewrite the stars?" Bulong nya.

"If we only can, i'll do everything for that to happend." Napayakap din ako sa kanya.

次の章へ