webnovel

Crazy Deal

Aalis na sana si Bea ng pigilan sya ni Dawn, pagkatingin nya kay Dawn ay seryoso nitong sinabi na...

"Samahan mo ko papunta kay Audrey."

Natigilan si Bea panandali sa narinig bago makapag-react sa sinabi ni Dawn.

"Dude, i think i've help enough. Sana maintindihan mo na may sarili din akong buhay, may mga kailangan din akong unahin. Tsaka nasa Benguet sya at two weeks pa bago sya umuwi, maghintay ka na lang."

Umiling si Dawn sa kanya.

"N-No, i can't... t-two weeks is too long..."

"Edi ikaw na lang mag-isa pumunta sa kanya. Kaya mo na sarili mo."

"I'm sorry, but i didn't grew up in Philippines. I'm from America, kaya please, tulungan mo ako."

Napabuntong hininga si Bea sa pangungulit ni Dawn.

"Sorry din, hindi talaga kita matutulungan. Alam mo namang graduating na ako, at kailangan kong ayusin ang pag-aaral ko. Matanggalan pa ko ng scholarship neto eh."

May kinalkal naman si Dawn sa bag nya, medyo kinabahan si Bea. Iniisip nya na baka maghugot ito ng baril at pagbantaan sya, naloka sya at inisip na sana tinanggihan nya itong tulungan nong una pa lang.

Pero salungat ang inilabas ni Dawn mula sa kanyang bag, napanganga si Bea sa nakita.

"I can pay you, just please, samahan mo ako." Mukhang desperado na talaga si Dawn.

Nagda-dalawang isip pa rin si Bea kung tatanggapin nya ang offer ni Dawn, tinanong nya ito.

"I still can't see why i should trust you." Hindi masisilaw si Bea sa pera, kahit gaano pa ito kalaki, alam nya sa sarili nya na kaya nya ding kumita at makapag-ipon ng ganong kalaking halaga. Ayaw nyang tanggapin kasi hindi sya mukhang pera, masyadong ma-pride lang.

"I told you, kamag-anak ako ni Audrey."

"That's not a valid reason."

Napakamot si Dawn sa ulo.

"Ano bang reason ang acceptable? Hindi ba pwede samahan mo na lang ako ng walang rason? Babayaran naman talaga kita."

"Maghanap ka na lang ng iba, tingin mo sa'ken? Mukhang pera?" Nagtaray na si Bea, naiirita na sya sa binatang ito.

Napangisi si Dawn sa narinig kay Bea, "Oo nga noh?... thanks for the idea. Also, thanks again for helping me."

Si Dawn naman ang aalis pero pinigilan sya ni Bea, nagdalawang isip si Bea. "Tsk, fine! Tutulungan kita!" Hindi daw sya mukhang pera, pero naalala nya na kailangan nya na pala magbayad ng renta, ilaw, at tubig next week. Hindi daw talaga sya mukhang pera, promise.

"Huh? Di kakasabi mo lang ng hin----"

"I change my mind, i'll help you find Audrey in Benguet."

Pinigilan ni Dawn na matawa.

"Pero babayaran mo pa rin ako. Okay? Wala ng libre sa panahon ngayon."

"Psh, yeah sure."

Nairita si Bea sa reaksyon ni Dawn, parang gusto nyang bawiin ang mga sinabi nya pero wala eh, nasabi na nya. Paninindigan nya na lang na gagawin nya ito para magkaroon sya ng pera pambayad sa mga kailangan nang bayaran, mawawalan na din kasi sya ng trabaho next week.

Nang makalabas na sila sa building, napatanong si Dawn sa kaniya.

"Uhm, where do you live?"

"Kahit sabihin ko sayo ang address ko, di mo naman din alam kung saan yun e."

Natahimik si Dawn sa pambabara ni Bea, medyo naiinis na din sya dahil nakikita nya ng nagmamaldita na ito sa kanya.

"May matutulugan ka ba later? Mag-che-check in ka ba sa hotel?" Biglang tanong ni Bea. Narealize nya din kasi na umiiral nanaman ang katarayan nya, nag-aalala sya na baka biglang umalis si Dawn at maghanap ng iba. Wala syang pera pag ganon, pero di sya mukhang pero, okay?

"That's why i was asking you where you live, baka pwedeng doon muna ako maki-tulog."

次の章へ