webnovel

Chapter 28

Pinunasan nya ang luha ko at inayos ang magulo kong buhok at sinuklayan.

"Malalagpasan mo rin ito. Hindi habang buhay ay ganito kana lang araw araw. Ako lang ang mahihirapan kapag nakikita ka palaging umiiyak. And please, again. Tumayo ka sa sarili mong paa at huwag mong hayaang makita ka nang ibang tao na mahina ka." Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang sabihin nya ang salitang iyon.

Makalipas ang tatlong araw ay panay lamang ang tulala ko sa loob ng kwarto. Naka uwi na rin ako sa amin at panay ang pag alala ng mga kapatid ko. Dahil na rin siguro na hindi nila ako maka usap.

Marami ang nagsasabing napaka panandalian ng pagsasama namin at marami ding humuhusga sa reaksyon ko. Ngunit sa mga panghuhusga nila ay lalo lamang akong nasasaktan. Hindi nila alam ang bawat kwento ko sa buhay. Hindi ko rin iiyakan agad ang lalaki na iyon kung kakakilala ko lang sa kanya nang maospital siya.

For Pete's sake matagal ko na syang kilala ang hindi ko alam kung bakit hindi nya ako maalala nang ganun lang matapos kami muling magkita nang ma aksidente siya. Oo aaminin ko na hindi ko rin napansin yun nung una pero nang maalala ko ang pagsasama namin mula pagkabata ay nasasaktan lamang ako.

Sinusubukan kong palagi siyang tawagan at i text ngunit hindi nya ito sinasagot. Humahanap pa rin ako ng paraan upang maka usap siya. Ngunit ganun na lang palagi ang aking pagkabigo. Masyado akong umaasa sa taong masaya na para sa iba.

Kaya naman nang dumating si Xyria sa bahay namin ay kinomfort lang namin ang isa't isa. Kaya naman sumunod na lang ako sa payo ni Irish at sumama kay Xy.

Aaminin kong hindi kami umalis ng Pilipinas at pumunta lang kami ng Ilocos upang maka layo layo sa taong minahal namin.

"Hindi ako na inform na mainit pala dito." Sabay kaming natawa ni Xy dahil sa kanyang biro.

Nagulat sya nang napatawa ako. Dahil sa ilang linggo namin dito ay lagi akong tulala at iiyak na naman. Pero ngayon ay bumubuti na ang aking pakiramdam.

"You okay now?" Alalang sambit nito.

"Better." Simpeng sambit ko kahit pa na may kaunting kasinungalingan. Siya naman ngayon ang pinagkatitigan ko.

"Ikaw ba?" Balik kong tanong sa kanya. Ngunit nagulat ako nang umiyak siya sa harap ko kaya naman nataranta akong yakapin sya agad.

"Ang sakit sakit." Hikbi nyang sambit. "H-hindi ko na alam kung saan ko i-ilulugar s-sarili ko." Nahihirapan nyang dugtong.

"Shh." Hinihimas himas ko ang likod nya at hindi pinapahalatang maiiyak na naman ako dahil nadadala ako sa emosyon nya.

"Lahat ginawa ko, pero. W-wala e" Kumalas siya sa yakap ko at pinunasan nya ang luhang tumutulo sa mga mata nya. "Iniisip ko nga e. N-na sana a-ako na lang." Natawa siya sa kanyang sinabi. " Pero parang ang t-tanga ko naman kung s-sarili ko l-lang palagi ang iniisip ko. Na palagi na lang ako ganito. A-araw araw, hindi pa ikinakasal sina ate Rea. G-ganito na -ako." Tiningnan nya ako sa mga mata." Palagi na lang ako naduduwag. K-kase ang h-hirap k-kapag iniisip m-mo lang yung sarili mo at t-takot ka nang masaktan u-ulit." Mabilis kong kinuha ang tubig sa harap ko at pina inom sya ng tubig dahil sa sobrang inilabas nyang emosyon.

Napatulala na lang din ako. Pero iba ako kay Xyria. kase ako handa kong iparaya ang taong mahal ko kung masaya na talaga ito. Ngunit sya.. Napailing iling na lamang ako. At hindi ko aakalain na magsasalita siya sa ilang linggong pagsasama namin dito.

Kinuha ko na rin ang panyo ko sa mga luhang hindi matigil tigil. "S-sabihin mo a-ate. M-mali b-ba ako? Kung s-siya ang m-minahal k-ko?" Tanong nito ngunit hindi ako sumagot. Hindi dahil wala akong maisagot. Kundi dahil nagmahal lang naman siya nang taong hindi para sa kanya.

Kung ako ang tatanungin ay baka may pag asa pa siya sa kapatid ko. Ngunit hindi ko iyon sinabi at pinatahan na lamang siya.

次の章へ