webnovel

Chapter 6

Bitten Chapter 6

Liam's Point of View

"Liam."

...

"Liam." Tawag ulit ni Tucker sakin.

"Mmh...? Ano?" Sagot ko naman, alam niyang natutulog eh.

"Natutulog ka ba?" Tanong niya, obvious ba? Tumalikod ako sakanya para 'di niya ako maistorbo.

May kung anong hangin ang tumatama sa mukha ko animo parang inaamoy ako.

Pero binalewala ko nalang, inaantok pa kasi ako eh.

Maya maya naman ay naramdaman ko nalang na parang hinahalikan ang kamay ko, alam kong si Tucker 'yon, sino pa ba, ramdam ko ang init ng bibig niya nang sinubo niya ang daliri ko, nakikiramdam lang ako kaya naka pikit parin ako.

Patuloy niya paring dinidilaan ang kamay ko, nakita ko siya nakapikit habang sinusubo ito, mainit ang loob ng bibig niya.

Atsaka nakita ko kung paano siya nag palit ng anyo sa pagiging aso. Umaga na pala.

Iwinawagayway ko ang kamay ko para matanggal sa bibig niya.

"Ahh, umalis ka nga." Ani ko, habang tumutulo ang laway niya sa kamay ko.

Binitiwan niya naman agad ito tsaka lumundag pa baba sa higaan ko, napadaing nalang ako.

"Ugh, bakit mo ba ako ginigising ng ganito ka aga, bakiiit?" Sabi ko sakanya na ngayon ay nakalabas na sa kwarto ko.

...

Natapos lahat ang mga gawain ko kaya umupo ako sa sofa kasama si Tucker.

Kinuha ko naman ang laptop at ang bago niyang collar.

"Ipapahiram ko muna sayo 'tong laptop ko sayo... tsaka eto din collar mo may phone number ako naka lagay jan if incase." Ani ko sabay lapag sa center table ang mga gamit.

"Gamitin mo yung laptop para sa research. Hanapin mo yung lahat na pwedeng gamitin mo para sa trip patungong Siberia." Sabi ko

"Alam mo na... mga transportation, visa, lodging... yung mga ganong bagay." Dagdag ko.

"You've got a long way to go..."

"Naiintindihan mo naman ang mga sinabi ko diba?" Pagsisiguro ko sakanya.

Itinaas niya naman ang paa niya kung saan nakalagay ang collar.

"Oo 'yan. Make sure na suot mo ang collar na 'yan kung lalabas ka..."

"Pero wag mong itry na lalabas ng ikaw lang, since ako na ang mananagot ng mga lahat ng gagawin mo." Dagdag ko sakanya.

Sinimulan niya naman ang pagbukas ng laptop gamit ang ilong niya sakto namang nabuksan niya ito.

"Titingnan ko din yung mga airline pet policies kung ako sayo."

"Travling by ship might be a better alternative... tingnan mo din 'yon." Dagdag ko.

"Wag kang gagawa ng kabaliwan ha?" Sabi ko at nag simula naman siyang mag type sa keyboard.

"Mag research ka lang jan." Sabi ko, may lalakarin pa kasi ako.

"Kailangan ko ng umalis ngayon para sa isang meeting." Pagpaalam ko sakanya.

"Mag pakabait ka dito tsaka wag kang magkakalat." Sabi ko sakanya kaya tumayo na ako sa sofa.

"Hindi ako magtatagal okay, babalik agad ako ng mga 4 hours or max." Ani ko, kaya sinundan niya ako sa pintuan.

He whined.

"See you. Stay out of trouble while I'm gone!" Sabi ko sabay labas sa pinto kita ko naman na ang gesture ng tenga niya ay bumaba. He whine again.

Tsaka sinira ko naman ang pinto tsaka umalis na.

...

"May aso ka pala Mr. Torres?" Out of the blue na tanong ng ka meeting ko ngayon sabay may inabot sa balikat ko kaya sinundan ko ang kamay niya.

"I saw this." Sabay pakita niya ng isang balahibo, it is gray I'm sure kay Tucker 'yon.

"Is it a big one?" Tanong niya, he turned his voice to, ewan ko or ako lang talaga.

"Ah, oo." Sagot ko naman sakanya.

God, ang sexy niya para sa isang editor lang.

"May aso din ako, ilang taon na yung sayo?" Tanong niya.

"Ha? Ah... hindi ako sure eh. Pero he's still pretty young." Ani ko sakanya.

"Oh god. Puppies are a mess. Kailangan pa ng mahaba habang panahaon para itrain sila..."

"You know raising a dog taught me what it means to love someone to death."

"I'm sure na nakaka-relate ka din." Dagdag niya.

"Hmm, I guess." Sagot ko lang sakanya.

"Aww, I love talking to other dog owners, busy ka ba? Tapos na yung meeting pero gusto mo pa bang um-order ng isa pang kape?" Alok niya sakin. Parang may something.

"Ha? Well..." Is he...

"Sige, bakit naman hindi." Ani ko.

Nag tanggal naman ang pag uusap namin dalawa siya yung tipong lalake na hindi nauubusan ng sasabihin.

"Uuwi na pala ako, 7 na kasi." Pag paalam ko sakanya.

"Sige hatid na kita, saan ka ba naka-tira?" Sabi niya sabay tayo.

"Ha? Wag na mag co-commute nalang ako, baka maistorbo pa kita." Sabi ko, nag commute lang din kasi ako kanina papuntang cafe, hindi ko lang trip mag kotse ngayon.

Ilang tanggi pa ang ginawa ko pero hindi talaga siya nag patinag.

"I insist okay? Hatid na kita." Sabi niya, pumayag nakang din ako kasi alam kong hindi ko siya mapipigilan.

Nagtagal ang byahe pero naka uwi naman ako sa condo ko ng ligtas.

Nasa parking lot kami ng building ng condo ko ngayon.

"I had a really nice time today." Ani niya, kaya tinanggal ko na ang seat belt ko.

"Maybe we'll see each other again...?" Sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko, hindi ko inexpect na gagawin niya 'yon, ramdam na ramdam ko ang paghinga niya na tumatama sa mukha ko.

Unti unti niya namang inilapit ang mukha niya kaya napa-pikit nalang ako.

Maya maya pa ay nag vibrate ang phone ko, binalewala ko lang pero nag tuloy tuloy ang pag vibrate nito.

Hahalikan niya na sana ako, kaso lang may storbo.

"It's all right, sagutin mo yung tawag." Ani niya na naka ngiti.

"I don't think na may tumatawag siguro..."

"Haha... excuse me for a second..." Ani ko sabay talikod sakanya, tiningnan ko naman ang kanina pa nag vavibrate ko na phone.

Why am u getting so many notifica- Tucker.

"...Sorry. I think I'd better go home now." Pag paalam ko sakanya.

...

"Hindi mo naman na kailangan pang pumunta pa dito." Sabi ko, kasi hinatid niya rin ako sa condo unit ko.

"Gusto ko lang masiguro na makaka-uwi ka ng ligtas pa uwi." Ani niya.

Pumasok ako sa condo ko at binuksan ng kaunti ang pintuan para maka usap ko siya.

"Sige. M-mag kita nalang tayo siguro ulit." Sabi ko.

"Night, Liam."

"Tatawag ako..." Sabi niya sabay tingin sa likod ko.

Kaya tiningnan ko naman kung ano ang tinitingnan niya, si Tucker.

"Bye!" Sabi ko sabay sarado sa pintuan. Napadikit naman ako sa pintuan kasi nasa harap ko si Tucker.

"Hmm? Boyfriend mo?" Ani niya.

"Ha? Hindi! He's just an editor I met for work!" Sagot ko.

"That's not important..."

"What the hell is this?!" Ani ko sabay pakita ko sakanya ng notifications ko.

"Ginamit mo yung email address ko para gumawa ng instagram account?"

"I keep getting weird notifications, you idiot!" Ani ko.

Hinawi niya naman ang phone ko nasa harao ng mukha niya.

Hinawakan niya batok ko at inamoy ang leeg ko.

"Sinungaling." Ani niya.

"Naamoy ko nga ang pabango niya sa leeg mo."

Kaya tinakpan ko ang leeg ko sa hiya.

To be continued.

次の章へ