Please VOTE!
"Please raise the hands of the transferees." Iyon ang utos ng Prof. nila sa klase.
At itinaas niya ang kanyang kamay. Nag tinginan naman sa kanya lahat dahil siya lang pala ang bago at pawang magkaka klase lahat at hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang mga ito.
May mangilan ngilan na babae ang umirap sa kanya and she doesn't care.
"Introduce yourself." Utos ulit ng Prof. niya. Tumayo naman siya at nag pakilala.
"I'm Rence Isabelle Legaspi. 19 years old." Walang ka emosyon emosyon niya na pakilala.
"Mukhang tigasin." Narinig niyang sabi ng isang kaklase mula sa harapan.
"Suplada." Sabi naman ng isang lalaki sa likod.
"Emo, kamo!" Sabi ng isa saka tumawa. Hindi naman niya pinansin ang ang mga sinasabi ng mga kaklase niya.
"Baka rocker!" Sabay naman ng isa at lalong lumakas ang pag tawa ng mga ito.
"Okay, para naman ganahan kayo at mag sipag kayo sa pag aaral. Let's have a review quiz, sa lahat ng pinag aralan niyo in the past years. At tignan nga natin kung karapat dapat nga kayo sa bilang ng mga natira sa batch niyo."
"Sir! Ka uumpisa lang ng pasukan quiz agad. Ano ba naman yan'." Reklamo ng isang kaklase niyang lalaki.
"Oo nga Sir! first day ngayon, dapata mag kwentuhan muna tayo sa nag daan na bakasyon." Segunda naman ng isa.
"It's just a simple quiz, guys. So, let's start." Iyon ang sabi ng kanilang Prof. kaya nag labas na sila ng papel kahit ayaw pa ng iba.
She secretly smirks, gusto niya iyon dahil hindi naman sa pagyayaban pero mahusay din siya sa pag aaral.
Nag simula na ang quiz nila. Karamihan naman sa mga tanong ng Prof. ay madali lang kaya mabilis niyang nasagutan ang mga ito.
Magkahalong identification at problem solving ang uri ng quiz nila.
May naririnig siyang mga mura at pagmamaktol sa mga kaklase niya. Natutuwa siya dahil nahihirapan ang mga ito at hindi niya alam kung bakit.
Siguro ay dahil gusto niyang maging una sa klase kaya't pabor sa kanya kung sakali na babagsak ang lahat ng mga ito.
"Tapos ka na Mr. Woodman?" Pagtataka ng Prof. nila.
Pati siya ay nagulat at lihim na napa tingin sa lalaki na nag pass ng papel. Bumalik ito sa kina uupuan sa dulo malapit sa bintana at tumingin lang ito sa labas.
(Paano nito agad natapos iyon? Siguro ay marami itong bagtaw at hindi na sinagutan ang iba. The guy is tall! And he's damn handsome.)
Matangkad ang lalaki, maputi, singkit at matangos ang ilong para itong halimbawa ng mga nasa greek mythology.
May kahabaan nga lang buhok nito ngunit hindi manlang iyon naka bawas sa ka gwapuhan nito. At sa tingin niya ay mas gwapo ito sa mahabang buhok nito.
"Ang guwapo talaga ni Rey!" Narinig niyang sabi ng katabi at kinikilig pa ito.
At napapa iling naman siya. She needs to focus para maka perfect.
"A perfect remarks Mr. Woodman. Mukhang nadalian ka sa quiz ko, dapat yata ako ang nag handa." Natutuwang sabi ng Prof. nilang lalaki. Mukhang nasa late 40's na ito.
Gusto naman niyang mag ngitngit dahil na unahan siya nito na mag pass. At naka perfect pa ang hudyo!
Wala pa yatang tumatalo sa kanya pag dating sa lessons. At ng ma check niya ang kanyang papel ay ipinass niya na ito sa Prof. at bumalik agad sa upuan.
(Gusto mo ng laban huh? Bring it on.)
"Wow!" Gulat naman na bulalas ng Prof. nila tila hindi ito sana'y na may mas magaling pa sa nerd na iyon.
"A perfect remarks too, for Ms. Legaspi. Mukhang may katapat ka na Mr. Woodman." Pag uulot naman sa kanila ng kanilang Prof. ngunit tuwang tuwa naman ito.
Tinignan lang naman siya nito at ibinalik ulit ang tingin sa labas. Tila wala itong paki elam.
(Well, I don't care either.) Isip isip niya.
Natapos na ang kanilang klase, napansin niya na kagaya din niya si Woodman na walang kaibigan o ni kinakausap man lang.
He looks like he has it's own world. Lagi itong mag isa at wala man lang kinaka usap, siguro ay wala itong kaibigan.
Hindi man lang ito nakikinig sa klase nila at lagi lamang naka tingin sa labas ngunit kapag tinanong ito ng kanilang Prof. ay nasasagot naman nito ang lahat. Mayamaya pa ay lumapit ang tatlo niyang kaklase dito.
"Rey, baka naman puwede mo akong turuan. Hindi ko kasi alam kung paano ito i- solve." Halatang nagpa pacute lang ito dito. At iyong dalawa naman na kasama nito ay kilig na kilig.
"Sorry, pero busy ako." Tipid naman na sabi nito at agad na tumayo sa desk at lumabas. Hindi man lang ito lumingon sa likod.
"Suplado pa din pero at least nag salita siya." Kilig na kilig naman na sabi ng tatlo. Ang akala niya ay ma iinis ang mga ito ngunit kinilig pa ang mga loko. She really can't understand.
Tumayo na siya ng desk at akmang aalis ng lapitan siya ng tatlong babae na nagpapa tulong kay Woodman kanina.
"Uy, baka naman puwede mo kaming turuan hindi kasi namin makuha." Dahilan ulit ng mga ito sa kanya.
"Well, that's not my problem. Go, get a tutor because I'm not a teacher. I'm busy, so good luck." Walang ka emosyon emosyon niya na sabi. Hindi man lamang niya tingnan ang mga ito. At lumabas siya agad mula sa room.
"Akala mo naman kung sinong matalino. Kabago bago ang yabang." Narinig naman niyang sabi ng isa sa mga ito. Nag kibit balikat lang siya dahil tapos na ang obligasyon niya sa pakikipag kapwa tao.
"Kaya nga saksakan ng sama ng ugali." Sang ayon naman ng isa.
"Feeeling!!" Galit naman na sabi ulit ng isa.
Na salubong naman niya sa labas ng room si Woodman at nag lock ang kanilang mga mata. Siya ang unang bumawi ng tingin at diretsong umalis. Marahil ay kanina pa ito sa pinto at narinig ang pag uusap nila ng kanyang mga kaklase.
And she don't mind. Marami pa siyang kailangan na tapusin na paper works kaya't kailangan niya umuwi agad. Hindi niya alam na sinundan siya ni Rey ng tingin hanggang sa hindi na siya matanaw nito.
~~~~~
At last! They've met! Yipieee.
Sino kaya ang mas magaling?
Abangan! Nextw week! Marami pang magaganap.
Susubukin ang tigas ni Isabelle!
At may lihim na nagma matyag. Sino kaya iyon? Hahaha