webnovel

Chapter 28

Faris' POV

Because! I'm fvcking jealous!

Because! I'm fvcking jealous!

Because! I'm fvcking jealous!

Napasapo na lamang ako sa aking noo nang maalala ko ang nangyari kahapon.

Pagkatapos niya kasi iyong sabihin, hindi na ito magsasalita at seryoso lang mapahanggang ngayon.

"Sky/Ris" sabay naming sabi.

Bumuntong-hininga naman ako saka siya tiningnan.

"Ikaw na mauna" saad ko rito habang nakaupo kami sa sofa.

Kasalukuyan akong naglalaro sa aking mga daliri habang kausap ang lalaking ito.

"I'm sorry"

"Ha?" Bakit ba ang hilig niya magsorry?

"Wag mo nang alalahanin pa 'yong nangyari kahapon---"

"Tss, wala 'yon" of course maaalala ko 'yon!

"..."

Pagkatapos ko 'yon sabihin, tumahimik naman kami habang nakatingin lang sa sahig.

"Aalis pala tayo ngayon" mahinang saad nito. Tumango lang ako kahit hindi ko alam kung saan ang punta namin.

Dumeretso na ako papunta sa aking kwarto at kaagad na nagbigis ng simpleng damit. Nanatiling nakalugay lang ang aking buhok saka ko ito marahang sinuklay.

Pagkatapos kong magbigis bumaba na ako at sinalubong si Sky na kanina pa pala nakatayo at nakatingin lang sa wrist watch niya. Lumapit ako rito at kinalabit siya para mapansin niya ang prisensya ko.

Lumingon ito sa gawi ko kaya ngumiti ako rito.

"Let's go"

Kaagad kaming pumunta sa sasakyan niya na nakaparking sa garahe, nauna na akong pumasok sa loob at umayos ng upo. Sumunod naman ito sa akin at pumasok rin siya sa sasakyan.

Tahimik lang kami habang bumabyahe.

"Saan pala tayo pupunta?" Curious na tanong ko.

"My parents" Parents niya?

"Bakit? Ipapakilala mo na ako sa kanila? Hindi mo pa nga ako girlfriend eh" gulat na sagot ko rito. Tumawa naman ito at ginulo ang buhok ko.

Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi. It was my tongue's fault.

"Bakit naman kita ipapakilala? Hindi naman kita girlfriend"

Palihim na nanalaki ang aking mga mata rito. Parang sinaksak ng isang daang kotsilyo ang aking puso.

Ang sakit naman kasi nito magsalita eh. Sino bang hindi masasaktan no'n?

"Ouch" bulong ko ng sabihin niya iyon. Ang harsh niya naman sa akin, grabe siya ha.

"And also, kilala ka na rin nila" tangina 'tong lalaking 'to, masakit magsalita.

Bumuntong-hininga ako. "Okay" ani ko at tumingin sa labas.

Parang nahihiya ako sa sinabi ko kanina. Bakit ko ba kasi 'yon sinabi? Hindi nga naman niya ako girlfriend. Ang tanga ko talaga, ang tanga-tanga to.

"Baliw!"

"Sinong baliw?" Napatakip ako sa bibig ko dahil napalakas ko pala 'yong sinabi kong baliw. Baliw nga naman talaga.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at pilit itong nginitian.

"Ano kasi... M-may... Uhmm... M-may baliw. Tama, may baliw d-doon kanina... Na daanan natin" nauutal naa sagot ko sa kanya at pilit na ngumiti para mapaniwala ko ito.

Maniwala ka Mareng Sky!...

"You're stammering, baby" anito kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin at tumingin sa harap.

"Wala 'to ano, makati kasi 'yong lalamunan ko" pagsisinungaling ko at kaagad na yumuko.

Baliw!...

"Really? Here" binigay niya sa akin ang isang water bottle kaya kaagad ko itong tinanggap at kaagad na inubos ang laman niyon. "You really drunk too much, huh?"

"Thanks" ani ko at linagay sa tabi ko ang water bottle.

"We're here" saad ni Sky at kaagad na bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.

Ngumiti naman ako rito at bumaba.

Bumungad sa akin ang isang Chateau. Napa-awang na lamang ang ako sa aking nakita, hindi ko mapigilang hindi mamangha sa aking nasilayan. Napakalaki ng Chateau.

A dream house.

"So, this is your house, I mean your Chateau" Pagsisimula ko sa usapan.

"Hmm" he hummed. Naglakad kami papalapit sa gate ng bigla itong bumukas.

"Oh, high-tech" ani ko habang nakanganga.

Hindi ko maiwasang hindi ma mangha sa loob ng kanilang Chateau. Ang sobrang laki nito at ang sobrang lawak. Sila na ata ang pinakamayang pamilya na nakilala ko. They are way more richer than our family.

"This way" ani ni Sky at lumiko doon sa may kanto, sumalubong naman sa amin 'yong tatlong mga kasambahay at kinuha nila 'yong coat ni Sky.

"Good Morning, ma'am, sir" tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Hanggang sa dumating kami sa malaking balkonahe ng chateau. All furnitures are all glass furnitures.

Who would have thought that this guy walking near me is a secret Billionaire.

"Ang yaman niyo pala" bulong ko kay Sky. Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Huminto kami ng makakita kami ng limang tao na nakatalikod sa amin at parang napansin nila ang prisensya namin kaya lumingon ito sa amin.

May dalawang mid 20s at dalawa ring same as my parents I think at isang nasa mid 70s

Ngumiti silang lahat at kaagad na lumapit sa amin.

"My hijo, you're here" nakangiting saad nong ginang sa anak niya.

"Mom, Dad" anito at hinalikan ang pisngi ng mga magulang. "Hi, Grammy" anito sa lola niya.

Sinuklian ito ng yakap nong lola niya at hinaplos ang mukha nito na parang namimiss na nito ang kanyang apo.

"Oh, hijo. Ang laki mo na talaga" Napapansin ko na masaya 'yong lola niya na nakita siya. Masaya rin 'yong pamilya nito.

"Hi, Love"

Hi, Love

Hi, Love

Hi, Love

Hi, Love

Nagpaulit-ulit lang sa aking isipan ang sinabi sa isang babae. Paris?

Siya si Paris? Siya 'yong girlfriend ni Sky? Hmm, mas maganda pala ako sa kanya.

"Hello" ani ni Sky at hinalikan ang pisngi nong babae. Parang masaya sila habang nag-uusap at parang wala ngang nakapansin sa akin.

Na miss ko tuloy 'yong Mommy ko. Hay, namiss ko na talaga si Mommy.

Tumikhim naman ako kaya halos lahat ay napatingin sa akin.

"Siya ba 'yong anak ng mga Pérez?" Masayang tanong ng ina nito at lumapit sa aking gawi.

Maguwid lang akong tumayo habang nakatingin sa papalapit na ginang.

"Ang ganda naman" saad ng ina nito at hinawakan ang aking buhok pati na rin 'yong mukha ko.

"Kuya! Is she our sister-in-law?" Masayang saad nong babaeng tumatawag ng love kay Sky.

Kuya? Tangina! Na loko ata ako...

"Kuya, is she your girlfriend? Bakit po ang ganda niya?" Tanong naman nong isang babae na katabi ni Sky. Parang kambal 'yong dalawang babae, magkamukha eh.

Tumawa naman si Sky. "No, she's not my girlfriend, babies"

Ouch!...

Totoo naman eh, HINDI niya ako girlfriend.

"Yeah, tama po 'yong anak niyo. We are not compatible" sagot ko sa mga magulang, kapatid at sa lola nito habang nakangiti.

Natigilan naman ang lahat habang nakatingin lang sa akin, kulang na lang ay lagyan ng mga question mark ang itaas ng mga ulo nito.

Alam kong nagtataka ito kung bakit ko 'yon sinabi. Totoo naman talaga eh, we are not compatible.

"Bakit naman, ate?" Tanong nong isang kapatid ni Sky.

First time kong tinawag na ate. Ang sarap pala sa feelings na tawagin ka ng ate ano? Pero bakit niya naman ako tinawag na ate? Parang magkaedad lang kami eh.

Hindi ko na iyon pinansin at tumingin sa kanila. "Your brother has another person. I mean, he already found his person" ani ko at sumulyap kay Sky na ngayo'y nakatingin rin sa aking gawi.

Bigla namang dumapo sa braso ni Sky ang palo mula sa ina nito at piningot pa ang tenga nito.

Todo aray naman ito sa ina kaya nagsitawanan na lang kami.

Ang cute naman ng pamilya ni Sky. Palaging magkakasundo eh.

"Kuya!"

"Hijo, por pabor!

"Anak naman"

"Luh ka, kuya"

Nagtataka ako kung bakit nila iyon sinabi sa kuya nila. Tanging blangko lang ang expresyon ng anak ng mga Baldassare and he shrugged. Maglalakad na sana ito papaalis sa gawi namin nang bigla hilain ng ina.

"Hijo, you never told us that you already have a girlfriend" ani ng ama nito.

Ito naman pala si Mareng Sky eh. Napaka tangik, hindi man ang sinabi sa pamilya...

"Baka po naghihintay lang siya ng tamang panahon. Everything waits naman po diba?"

"No, hija. When it comes to the in-laws walang hiyaan" kaya pala ang kapal ng mukha ni Sky, unang araw pa lang ng pagkikita namin pinagsalitaan ba naman ako.

"Dad---"

"Hijo, let's settle this! Hindi mo sinabi sa amin na may girlfriend ka na pala" ma otoridad na saad ng ama nito, hinila naman siya ng kanyang ina at pinaupo sa isang upuan.

"Now, kailan ka pa nagka girlfriend?" ani ng ina nito at hinawakan ang magkabilaang balikat ng anak at linapit pa rito ang mukha.

Gusto kong matawa sa expresyon nito ngayon. Parang nagulat na nainis na ewan. Basta nagmumukha siyang tangik.

"When she answer me yes?" Nasapo ng mga magulang ang kanilang mga noo dahil sa sagot ng anak nito.

Pilosopo ang gago...

"Hijo, por pabor... Umayos ka naman, kailan ka pa natutong magbiro?" Sabat ng lola nito.

"When I started to talk?" Mukhang naiinip na sa inis ang mga magulang nito, dahil sa walang silbeng pagbibiro ng anak.

"Let me talk to him po" sabat ko sa kanila.

Umayos ito ng upo saka tumingin sa akin na parang bata.

"Sky, it's your parents. Talk nicely" suway ko rito.

"Kuya, sabi mo sa amin you won't have a girlfriend, dahil gusto mo na nasa trabaho lang 'yong focus mo. Work is your priority, right?" sabat ng kapatid nito.

"Oo nga, kuya. But it turns out into opposite one"

Napangiti ako dahil sa sinasabi ng mga kapatid nito. Ang cute nila.

Hindi naman ako ganyan ka cute eh. Mukhang magkaedad lang kami, pero parang ang cute nila.

"Kuya, may girlfriend ka ba talaga? Ipakilala mo naman sa amin oh"

"Tama" mariing sabat ko rito.

I also wanted to meet her mysterious girlfriend or BOYFRIEND.

Baka nga may girl-boyfriend 'tong si Mareng Sky.

"Okay, ipakilala mo sa amin 'yang girlfriend mo" seryosong saad ng lola nito at bumuntong-hininga.

"Sige, hijo. Mas mabuti pa kung gano'n"

"Tss. Wala akong girlfriend, okay? I don't have any person, wala akong jowa, wala akong kasintahan, wala akong minamahal na tinatago. I don't have girlfriend, jowa, kasintahan, minamahal na tinatago"

"All this time you are lying? You lied to me!" Gulat na sigaw ko at ako na kusang pumalo sa kanya.

Grrrrr!...

"Hijo, you didn't just lied to her, you also lied to us, your family" ani ng ina nito at nakisabay na rin sa akin sa pagpalo.

Nauna akong huminto at inirapan siya saka inayos na rin 'yong gumusot kong damit.

Tinaasan ko ito ng kilay at marahan na hinawi ang aking buhok.

Sinungaling si Mareng Sky...

"With all due respect Mr and Mrs. Pérez and to your family. Your son is a fvcking pompous asshole" inis kong usal at bumuntong-hininga.

"I'm sorry, baby. I'm just messing with you" tumawa pa ito ng matapos niya iyong sabihin.

Sumenyas ako sa kanya na tumigil sa pagtawag sa akin ng baby.

Napansin kong tumahimik ang paligid kaya palihim akong napalunok.

"Baby?" Napapikit naman ako ng magtanong ang ama nito.

"Ano po kasi, baby... baby po kasi 'yong palayaw ko" pagsisinungaling ko sa mga ito at tiningnan ng masama si Sky. Ayan tuloy, puro kasi baby eh.

I'am sorry Mrs. and Mr. Baldassarre, I lied.

"Ah, baby ka pala. I mean, baby pala ang palayaw mo. It's nice"

"Ang cute po pakinggan, ate" saad nong kapatid ni Sky.

Ngumiti ako rito at kinakabahang bumuntong-hininga.

"Mom, ano pala 'yong paguusap natin?" Tanong ni Sky sa ina saka tumayo.

"Magtanghalian muna tayo bago ko iyon sasabihin sa iyo"

Sumunod kami sa kanila papunta sa dining room at umupo sa mga upuan na nandoon.

Malaki rin 'yong dining room at may mahabang mesa sa gitna nito. Palihim akong napawow habang linibot ang aking tingin sa buong paligid.

Royal Palace?...

"Hija, don't be shy. Mi Casa Es Su Casa" saad ng lola nito kaya tumango naman ako.

Parang may halong Espanyol tong lola ni Sky, malalaman mo kasi ito sa kutis ng lola niya pati na rin sa pananalita nito.

Sa tono ng boses nito, halata na ang pagkaespanyol sa pamamaraan ng pananalita nito.

"Okay po"

Umupo na kami sa upuan at nagsimula nang kumain. Tahimik lang akong kumakain habang nag-uusap ang pamilya nito.

"Alam mo ba, hija. Si Sky, mahilig 'yan sa libro, kaya nga nagpaggawa kami ng library sa kwarto nito eh. Sa dinami-rami ng libro sa kwarto niya, na basa na niya ito lahat" saad ng ina nito at sumulyap sa anak.

Ngumiti lang sa akin si Sky kaya tinunguan ko ito.

Lahat ng pangyayari mula pagkabata ni Sky ay kinwento ng ina nito sa akin. Ang swerte pala ni Sky, nagkaroon siya ng ina hanggang sa lumaki siya. Nandyan pa rin 'yong ina niya.

Tumikhim ako."Excuse me, may I ask?" Tanong ko.

"Sure, hija" saad ng ina nito.

"Pinaglihi niyo ho ba sa barbie si Sky?" Tanong ko sa ginang saka sumulyap sa gawi ng anak nito.

Nangunot ang noo nito at tumigil mula sa pagkain.

"Of course not, bakit?"

"Ang hilig niya po kasi manuod ng mga barbie eh. Hehehe" tumawa pa ako ng mahina saka sumulyap uli kay Sky.

"Really, hijo? Bakla ka?!" May bahid na pagkagulat ang yono ng boses ng ginang habang gulat na nakatingin sa anak.

"N--"

"Oh my! Bakit hindi mo sinabi sa amin?"

"Mom, hi---"

"Anak, maiintindihan naman namin eh"

"Mom, I'am n---"

"Hijo, okay lang sa amin kung bakla ka. Kaya pala ayaw mo mag girlfriend eh, gusto mo pala ng boyfriend" mahina akong natawa saka sumulyap kay Sky.

Halos hindi na maipinta ang mukha nito sa inis. Bahagya pa akong natawa nang sabunutan nito ang sariling buhok.

Nagsimula na ring magingay ang mga tao na nasa loob ng dining room, pati na rin 'yong mga kasambahay nito.

"Mamá, por pabor, let me talk. You're killing me" inis na saad ng anak.

"Bien" anito saka tumahimik. Tumahimik tin ang buong paligid sabay ng pagtahimik ng ina.

"I'm not gay, okay? Hindi ako bakla at hindi rin 'yon mangyayari. Stop talking nonsense, okay?" seryosong saad ng anak saka bahagyang bumuntong-hininga.

"Bueno" sagot ng lola nito.

Tahimik lang ako saka sinulyapan si Sky.

Hindi rin nagkalaunan ay tumahimik nanaman ang paligid at pinaguusapan ang iba't-ibang mga bagay.

"Nasaan nga pala 'yong mga magulang mo?" Napalunok naman ako para mawala ang bara ng aking lalamunan.

Ayan nanaman sila.

"Si Daddy po, nasa business trip si Mommy naman...."

"Saan na pala 'yong Mommy mo? Hindi ko kasi ito nakikita"

"Sumakablinag buhay na po 'yong Mommy ko, simula nong bata pa po ako. Na Miss ko na nga po siya eh. Ang swerte po ng anak ninyo, may mga magulang pa samantala 'yong sa akin naman, busy si Daddy, si Mommy naman wala na rin"

"Hindi ka ba makakagala or having fun somewhere else?" Sabat ng ama nito.

"Hanggang mall lang po ako. Na kidnapped po ako noong eleven years old pa lang po ako. Kaya ngayon na lumaki na ako, may bodyguard pa rin ako. Bawal po akong pumunta sa parke, bawal po akong umalis ng bahay na mag-isa. Simula pagkabata ko po, hindi ko pa po nasubukang gumala ng malayo na walang nakasunod sa akin" mahabang saad ko, dahilan ng mapatahimik ang mga ito at hindi umimik.

"Mahirap talaga ang ganyan, hija" ngumiti naman ako rito habang inaalala ang aking mga nakaraan.

"Oo nga po. Minsan na tanong ko na lang po 'yong sarili ko kung ano ang pakiramdam na may nanay hanggang sa paglaki, anong pakiramdam na kasama ang pamilya na gumala, anong pakiramdam na walang nakagapos sayo. Lahat po kasi 'yan hindi ko naranasan. Gusto ko pa po nakaramdam ng pagmamahal ng isang ina, ng isang pamilya. I want to feel that I have my mother beside me" malungkot kong saad rigo at yumuko para takpan ang isang butil ng luha ng tumulo mula sa mga mata ko.

"Here, wipe your tears. Nakakapanget ang iyak. You're ugly now" tumingin naman ako sa gilid ko nang maglahad ng panyo si Sky.

"Salamat" ani ko at humingos. Pinahiran ko naman 'yong aking luha at linapag 'yong panyo sa mesa.

"Kawawa ka naman pala, ate. Wag po kayong mag-aalala, we can be your family" saad ng kapatid nito kaya bahagya akong ngumiti rito.

"Thank you"

"Hija, sa simula lang 'yan mahirap, but you need to be brave and conquer everything. Soon, you will be crowned with success" saad ng ina nito kaya tumango ako at pilit na alisin sa aking isipan ang aking masasamang mga panahon.

"Nawalan rin ako ng ina, ang lungkot ko nga noon eh. Pero nandyan naman si Mamá eh. Siya 'yong stepmother ko" aniya at tinuro 'yong lola ni Sky.

"Hija, we can be family" sabat ng lola nito saka ngumiti.

"Pareho tayo, hija. Pero ang sa akin nga lang iniwan ako ng ina ko sa edad na sampo. Kumakayod lang kami para magkaroon ng masaganang buhay" sabat ng ama nito.

Hindi ko inakala na kapareho rin pala sa akin ang nangyari sa mga magulang ni Sky.

Hanggang sa matapos kaming kumakain mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko sa kanila. Parang naging magkalapit ang mga loob namin.

Lumabas muna kami ng mga kapatid ni Sky dahil may pinaguusapan ang lola, ina at ama nito.

"Ate, ilang taon na po ba kayo? Ano nga po pala ang pangalan niyo, ate?" Tanong ng kapatid nito habang nakaupo kami sa upuan malapit sa kanilang swimming pool.

"Faristair ang pangalan ko. I'am twenty-two, ikaw ba?"

"Skyzer Nah Baldassare po" Sagot nito kaya tumango ako. Maganda rin pala 'yong pangalan nila, may pagka panglalaki nga lang, but it's beautiful.

"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko rito.

"Eighteen pa lang po ako" saad nito at ngumiti sa akin.

Eighteen?!...

Eighteen pa lang siya? Bakit ang mature ng mukha niya? Pati na rin 'yong mukha ng kakambal nito?

Pinagloloko niyo ba ako?...

"Eh 'yong isang kapatid mo?"

"Si Skydale naman po, eighteen rin po" anito at tumingin doon sa kapatid niya. Lumingon rin ako rito na naglalakad papalapit sa amin.

"Ate kain ka po" ani ni Skydale at binigay sa akin ang isang dried mango.

Tinanggap ko naman ito.

"Thank you, Dale" aniko.

"Kilala niya na po pala ako?"

"Hmm, Skydale" maikling sagot ko at binuksan 'yong dried mango.

Bumunot ako ng isa rito saka iyon sinubo.

Ang sarap naman pala ng dried mango eh.

"Skydale Ahn Baldassare po" bakit puro Sky sila? Don't tell me pangalan ng tatay nila nagsisimula rin sa Sky?

"Anong pangalan ng Mommy niyo?"

"Daity po, si Dad naman Cloud Han Baldassare" ay iba pala. Cloud pala tapos sila 'yong Sky.

Ang bobongga pala ng mga pangalan ng mga inpaktang ito.

"Ris, let's go" rinig kong tawag ni Sky sa akin ng makalabas sila ng pintuan.

"Ngayon na?"

"Hmm" aniya at nagpaalam sa kanila bago lumabas ng gate.

Sumakay na kami ng sasakyan at kaagad na pinaandar ito, tahimik lang kami sa buong biyahe.

Nakikinig lang ako ng musika habang sumasabay na rin sa pagkanta.

Bigla na lang ako nakarinig ng putok ng baril, kaya napabalingkawas ako ng upo.

"Shit!" Mura ni Sky at kinuha 'yong baril na nasa ilalim ng upuan nito. "Duck, close your eyes" utos nito sa akin.

Kinakabahan naman akong yumuko at nagtago sa ilalim ng upuan sabay pikit.

Puro putokan lang ng baril ang aking narinig, biglang binagga 'yong sasakyan namin kaya napabalik ako sa aking maayos na pagkakaupo, while my heart is beating so fast and loud.

Gulat na napalingon sa akin si Sky at parang sinabayan oa iyo ng galit.

"I said duck! They are after you" saad nito pero hindi ako nakinig sa kanya.

Hindi ako makakagalaw sa lakas ng kabog ng aking dibdib, halos maputulan na ako ng hininga sa sobrang kaba.

Shit! This is a nightmare...

"I said duck, damit!"

"I can't, I'm nervous" ani ko at pilit na gumalaw pero nangunguna ang takot at kaba na akong nararamdaman.

Lumingon ako sa gawi nito at nakita ko kung paano niya barilin 'yong driver ng sasakyan na humahabol sa amin.

Basag ang ulo nito at lumiko-liko pa 'yong sasakyan na iyon at nahulog sa bangin.

Nagulat na lamang ako sa ginawa niya. He just killed a man.

Hindi ako nakapagsalita at kaagad na umupo ng maayos, hindi ako lumingon kay Sky, hininto niya 'yong sasakyan sa isang open field, lumabas ito at may kung anong ginawa.

Sumunod ako sa kanya at kaagad an hinarap ito.

"Y-you kill?" Tanong ko sa kanya habang nauutal at kinakabahan. "Answer me, pumapatay ka?" Malumanay kong tanong.

"I kill for your sake"

"Gosh, but you still kill. Gano'n na rin 'yon"

"Kung hindi ko sila papatayin ikaw ang mamamatay. Gusto mo ba 'yon? Ha? Sa tingin mo ba hindi ka nila uurungan? Hindi lang ikaw ang mamamatay, pati na tin ako. I kill, because I care for you"

Kaagad naman akong napahawak sa aking nkk. Hinilot niya naman 'yong sintido niya at tumingin sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"You hate to see people killing, I'm keeping it from you, because I don't want you to hate me" huminahon ako sa sinabi niya at bumuntong-hininga.

Napakagat na lamang ako sa ibaba ng aking ibabang at bumuntong-hininga ulit.

"Maiintindihan ko naman 'yon eh" mahinang sagot ko.

"Now, you hate me?"

Bumuntong-hininga ako ulit at tumingin sa kanya. "I don't hate you. I can't hate you. You kill, because you care for me. I can't hate someone who saved me from war, I can't hate someone who became part of my life, I can't hate someone who can gave their life or surrender their life for me, I can't hate someone whom I care"

Pagkasabi ko niyon kaagad ko siyang yinakap ng mahigpit.

"I just don't want you to get killed. Nagagalit ako dahil natatakot ako na iiwan mo ako, natatakot ako na mamamatay ka dahil lang sa akin" mahinang saad ko habang yakap-yakap pa rin siya.

Tumahimik naman ito at hinarap ako sa kanya.

Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko, ang ilong niya sa ilong ko, ang labi niya sa labi ko at dahan-dahan niya akong hinalikan.

"I can't loos you either"

次の章へ