webnovel

Chapter 1

chapter 1 - Rookie

ZIRO

NASA kalagitnaan ako ng pagtulog ng magising dahil nakaramdam ako ng sakit sa t'yan na parang may mabigat na bagay na nahulog. "ARAY!" Sigaw ko dahil sobrang sakit talaga parang dinambahan ako ng taong sobrang taba.

"Gising ka na ba?" tanong ng isang pamilyar na boses ng babae. "MUKHA BA?" Si Sora lang pala ang dumamba sa akin, grabe ang bigat nya pala o baka dahil 'yon sa pagtalon n'ya sa akin. "Bakit mo ba ako ginising?"

"Nakalimutan mo na ba?" Napakunot ang noo ko dahil sa tanong n'ya. Pilit kong inalala kung anong meron ngayong araw pero walang pumapasok na ideya sa isip ko. Napailing na lang ako sa tanong n'ya. Nakatanggap ako ng malakas na sampal kay Sora at halos mamula ang pisngi ko dahil sa lakas no'n. "Napaka-ulyanin mo!"

Nag-walk out nalang bigla si Sora na hindi ko man lang alam ang dahilan. Wala talaga akong naaalala na may espesyal ngayong araw o baka- Birthday n'ya ngayon. "Lagot baka nagalit sya dahil nakalimutan ko ang birthday n'ya." Bulong ko sa sarili.

Sumilip ako sa awang ng pinto sa kwarto ni Sora at nakita kong nagsusuklay ito ng buhok at ayos na ayos. "Mukang birthday nga n'ya." Bulong ko sa sarili. Nang papalapit na ito sa pinto ay agad akong nagtago sa cabinet na malapit saakin.

"Ziro? Na saan ka na?" Kita pa din sa mukha n'ya na galit ito kaya hindi muna ako lumabas ng cabinet dahil baka masapak ako ng babaeng 'to. "Hay!" Lumabas ito ng kwarto upang hanapin ako kaya lumabas na din ako sa cabinet ng makalayo s'ya. Napahawak ako sa pisnge ko dahil sumasakit pa rin iyon. Hindi ko alam kung anong klaseng dyosa ba 'yon. Nanakit kahit wala ka namang ginawang masama.

Napabuntong hininga ako at bumalik sa kwarto ko para magbihis. Siguro naman ay pwede ng gumala ngayon dahil wala namang ibinigay na Mission si Felisha pero gusto ko na talagang magkaroon na naman ng task para makausad na ako lvl. 15. Kung pwede nga sana ay magpatulong ako kay Sora pero hindi ko alam kung pwede ang may mga grupo bawat players. Para kahit papaano magkaroon naman ng alliance at matutulungan ang bawat isa. Sinuot ko nalang ang damit na lagi kong sinusuot tuwing laban. Isa iyong Brown na damit na may mahabang manggas at sa pang iba-iba naman ay itim. Sinuot ko na din ang Plate armor ko na proteksyon ko sa aking dibdib, libre ito saakin ni Sora kaya isusuot ko ito.

Matapos kong mag-bihis ay lumabas na ako sa kwarto at nakita ko naman ang paparating na si Sora at mas lalong nagsalubong ang kilay nito. "Nand'yan ka lang pala! Ano bang klaseng tainga meron ka? Hindi ka sumasagot pag tinatawag!"

"Sorry na kasi! Ito na nga oh nakapagbihis na ako." Pinasadahan n'ya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Siguro ay naalala mo na ang araw ngayon."

Talagang birthday n'ya nga, pero wala talaga akong natatandaan na may sinabi s'ya sa akin na birthday n'ya ngayon. Tumango na lang ako at sinundan s'ya. Nilisan na namin ang lumang simbahan at naglalakad na kami sa pasilyo patungo sa labas ng bayan.

Napatingin na naman ulit sa akin ang mga tao, siguro ay namumukhaan nila ako kahapon na mukhang sinukahan ang buong katawan. Hindi ko na pinansin pa at patuloy lang ang pagsunod kay Sora.

"Pwede naman sigurong sa simbahan na lang tayo mag-celebrate," Saad ko. Saglit s'yang napahinto at nagtatakang tumingin sa akin. "Sobrang layo naman kasi ng pupuntahan natin para lang i-celebrate ang birthday mo." Mas lalong kumunot ang kan'yang noo at napatingala sa taas at pilit pinapahinahon ang sarili n'ya at sa pagsalubong ng kilay pero nang madako na ang tingin n'ya sa akin ay hindi n'ya napigilang sapakin ako sa balikat, napangiwi ako dahil sa sobrang sakit na parang pinalo ng dos por dos. "Tanga ka ba?"

"Ano na namang ikinagalit mo?"

"Sabi ko na nga ba at hindi mo maaalala ang sinabi ko sa'yo no'ng nakaraan. Wala akong sinabing birthday ko ngayon! Ang sabi ko may date tayo ngayon!" Saka ko lang naalala ang sinabi n'ya sa akin. Kaya naman hindi ko maalala kasi no'ng oras na sinabi n'ya 'yon ay abala ako sa paglinis ng mga items ko para sa paghahanda sa challenge papunta sa dungeon at hindi ko masyadong inisip ang sinabi sa akin ni Sora.

"Pero bakit naman tayo magdadate?" Takang tanong ko. "Kasi ito na ang month na naging familiar mo ako, isipin mo na lang na isa 'tong friendly date." Kahit nagtataka pa rin ay tumango na lamang ako. "Tara na." Aya n'ya sa akin. Habang naglalakad ay hindi mapirmi ang mata ko sa pagtingin-tingin sa paligid. Napakalaki ng lugar namin, at kahit sino mang pumunta dito ay siguradong hindi mabobored dahil sa mga pwedeng gawin na talaga namang hindi ipinagbabawal ng mga head leaders sa bayan na s'ya ring may alam tungkol sa mga halimaw na nakakulong sa dungeon.

"Malayo pa ba?"

"Nasa sentro pa 'yon, wag kang atat." Tinikom ko na lang ang bibig ko. Ang alam ko ay ang sentro ay ang lugar kung saan nakatayo ang malaking palasyo na tinitirhan ng mga Arc Knight na s'yang pinakamalakas na grupo sa amin, pero ilan lamang ang nakakakilala sa kanila. Pati ako ay walang nalalaman tungkol sa grupo nila. Ayon sa haka haka ay once in a blue lang daw nakikita ang totoo nilang mukha, dahil kapag nakikipaglaban na sila sa napakalaking dugeon ay lagi silang nakamask na isa ding item na hindi namin mabili bili. Hindi ko naman alam kung totoo kasi hindi ko naman sila nakita.

Narating na din namin ang sentro o ang Main square at mula dito sa kinatatayuan namin ay kitang kita namin ang mga manininda na nakahilera sa bawat daanan. Tahimik kaming nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na naman mapirmi ang mata ko at pinagtitingnan ang kaliwa't-kanan na pamilihan.

"May pera ka ba?" Saglit akong nilingon ni Sora. "Bili naman tayo, tingnan mo may tinirintas na sinulid doon oh!" Bumuntong hininga na lang si Sora ng hilain ko s'ya papunta sa pamilihan na maraming nakalagay na mga bracelet na gawa sa tinirintas na sinulid. Kahit naman gamitin ko ang coins na nakuha ko sa dungeon ay hindi 'yon pwedeng ipambili sa personal naming kailangan dahil ang coins ay para lang sa pakikipaglaban at makabili ng mga items na kailangan namin sa laban.

"Pumili na kayo hija, hijo." Pinasadahan ko ng tingin ang mga bracelet at lahat ng iyon ay maganda sa paningin ko kaya hindi ko magawang pumili. "Ito na lang ho." Dahil isa akong dagger user ay pinili ko ang isang bracelet na mayroong pendant ng isang blade.

"Maganda itong pinili mo, alam mo bang minsan ko lang itong gawin?" Kumunot ang noo ko. "Bakit ho?"

"Wala kasing nagkainteres dito, tanging ikaw pa ang unang nakabili ng isang blade bracelet." Kahit nagtataka ako sa sinabi n'ya ay kinuha ko na lang ang bracelet at sinenyasan rin si Sora na pumili ng sa kanya at 'gaya nga ng inakala ko ay pinili n'ya ang pixie bracelet na tanging pak pak lang ng isang pixie.

RIKU

HABANG naglalakad ako sa sentro ay hindi ko mapigilan ang aking mga mata sa pagtingin-tingin sa mga kaliwa't-kanan na pamilihan. Nakatungo ako at pilit tinatago ang aking mukha habang nakasuot ng isang salakot.

Habang nagpalinga-linga ay aksidenteng napatingin ako sa dalawang tao na abala sa pagtingin sa mga suot nilang bracelet. Tinabingi ko ang ulo ko ng makitang pamilyar sa akin ang lalaki. Agad akong napatago at lumiko sa kabilang daan nang lumingon ang lalaking 'yon sa aking kinatatayuan. Pasimple ko minamatyagan ang dalawa na masayang nag-uusap.

Hindi ko mapigilan ang noo ko sa pagkunot ng sinapak s'ya ng babae dahil sa inis. Tahimik na lamang akong nagpatuloy sa paglalakad at iniiwasan ang mga taong bumibili sa mga nakahilerang mga pamilihan.

Iniyuko ko ang ulo ko nang may makitang nakakainteresadong wolf fur. Tiningnan ko ang babae na s'yang nagmamay-ari no'n. "Paano mo nagagawang kopyahin ang wolf fur na 'to?" Nagulat ito ng makita ang mukha ko. Bahagya s'yang yumuko para mag-bigay galang. "Kasama ako sa nakikipaglaban sa dungeon kapag may binigay na quest ang head sa village, kaya naisipan kong kopyahin na lamang dahil hindi mabili bili ng iba ang wolf fur at mahirap patayin ang mga lobo."

Hinawakan ko ang item na 'yon, at kagaya ng meron ako ay napaka-komportable no'n sa kamay. Pero dahil meron na akong item ng wolf fur ay hindi ko na binili pa.

Napalingon kami ng marinig ang mga alulong ng mga hayop na hindi ko malaman kung ano. Napasigaw ang lahat at kan'ya kan'ya ang takbo ng makita ang isang napakalaking Cyclops name katulad ng napatay ko non kahapon pero mas mataas na ang level n'on kumpara sa nakalaban ko. Meron pang ibang dumaying na mga Ogre, at mga Minatour. Animo'y parang nay dumaan na delubyo dahil sa mga halimaw na sinisira ang bawat nadadaanan nilang mga pamilihan. Agad nagsilikas ang mga tao pati na ang babaeng tinanong ko kanina ay nagresemble na at nakasuot na ng kan'yang item. Tiningnan ko ang kan'yang level at malapit na s'yang maging First Rence o mas kilalang level 20.

Nagsisigawan na ang mga tao at agad ko ng pinalabas ang aking saber blade, awtomatikong nawala ang salakot sa ulo ko at lumugay ang hanggang bewang kong dilaw na buhok. Napalingon ako sa babae at sinenyasan s'yang tulungan ang mga taong nagsisilikas.

Agad akong tumakbo at dumaan sa nagsisilbing daanan sa baba ng mga Cyclops. Hindi 'gaya ng pinatay kong Cyclops kahapon ang isang 'to nasa Lvl. 90 na rin ito at mas malakas pa sa akin. Ginamit ko ang lizard clothe ko at tinakbo ang likod ng Cyclops, dahil sa sobrang likot n'ya ay muntik na akong mahulog. Agad akong tumuntong sa kan'yang balikat at agad pinutol ang kan'yang ulo at hiniwa ang kan'yang katawan. Lumayo naman kaagad ako para hindi matalsikan ng kan'yang kulay berdeng dugo.

Napalingon ako ng makita ang isang batang lalaki na hawak ng isang Ogre. Pilit na kumawala ang bata at umiiyak dahil inangat na s'ya ng Ogre para kainin.

"Tulong! Ayaw kong makain ng halimaw!" Agad sumurok ang dugo ko at agad tumakbo papunta sa kanila pero nang iangat ko na ang saber blade ko ay bigla nalamang nagliyab ang Ogre. Agad akong napatingin sa babaeng gumawa no'n at si Miya lang pala. Agad n'yang tiningnan ang batang lalaki na halos ka-edad n'ya lang din.

"Tayo." Humingos ang batang lalaki. "B-bakit?" Malamig lamang s'yang tiningnan ni Miya at walang kahirap hirap n'yang itinayo ang batang lalaki. "Tumabi ka." Sinunod naman s'ya ng bata at nagpatuloy naman sa paglalakad si Miya papunta sa akin.

"Salamat!" Rinig kong sigaw ng bata habang nagtatakbo papunta sa kan'yang mga kasama na kanina pa sigaw ng sigaw. Malamig kong tiningnan si Miya. "Bakit ka nandito?"

"Sinundan kita." Itinutok ko sa kan'ya ang eniquip kong baril. Agad s'yang napataas ng kamay. Ngumisi lang ako sa kan'ya at pinapaputok ang baril sa likod n'ya kung saan naroon ang Minatour. "Akala ko ako ang papatayin mo." Tiningnan ko s'ya ng malamig at itinutok rin sa kan'ya ang baril ko. "Bumalik ka na sa palasyo."

"Ayaw." Pinapaputok ko ang baril sa kanyang balikat at agad naman s'yang napaungol dahil sa sakit. "Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka Miya."

"Ano bang problema mo kapag pupunta ako dito?" Itinabingi ko ang ulo ko at pinaningkitan s'ya ng mata at pinapaputukan ulit s'ya pero hindi ko inakalang may sasalo sa bala na 'yon at agad napakunot ang noo ng makita ang taong sumalo no'n. "Miss baliw ka na ba? Bakit mo binaril ang batang 'to?" Kahit barilin ko naman ang batang ito ay kaya naman nyang pagalingin ang sarili nya dahil may Heal magic ito pero sa lalaking 'to ay hindi ko alam kung meron sya.

"Umalis ka." Naningkit ang kan'yang mata. Sinuri nya ako mabuti na para bang may inaalam "Di ba ikaw 'yong nagligtas sa akin sa gubat?!" Hindi ko s'ya sinagot at ibinaba na lang ang baril ko. Wala akong oras sa kanya dahil may importante akong dapat gawin. "Sh*t grabe ang sakit."

Umalis na ako doon at agad sumugod sa ibang mga halimaw na may binibiktima na, agad kong hiniwa ang katawan ng isang Orge na muntik na rin akong masugatan sa balikat. Nakita ko ang matandang babae na may sugat sa kan'yang t'yan dahil sa pagtusok ng kuko ng halimaw sa kan'yang t'yan. Tutulungan ko na sana kaso may babaeng biglang sumulpot sa harap ng matanda at agad ginamot ang sugat ng babae. Lumingon s'ya sa akin at saka ko lang s'ya namukhaan. S'ya iyong kasama ng lalaking may puting buhok na yon. Meron syang Itim na buhok na nakabuhag-hag at asul na mga mata.

"Ako na ang bahala dito, may kakayahan akong gumaling ng tao, ikaw na ang bahala doon sa mga halimaw."

Tumango ako sa kan'ya at agad sinugod ang ibang mga Cyclops na winawasak ang mga pamilihan gamit ang kan'yang napakalaking maso. Napalingon ang isa sa mga Cyclop sa akin at naglalaway akong tiningnan at handa na akong kainin. Agad akong ngumisi ng inangat na n'ya ang kan'yang maso. Tumakbo ako at eniquip ang sword ko. Sinundan ako ng Cyclops 'gaya ng inakala ko. Narating ko ang lugar kung saan wala ng mga tao pero agad akong napamura ng makita ang lalaking nabaril ko kanina at iyong babaeng gumamot sa matanda.

"'Wag ka na munang sumali sa laban, Ziro. Masyadong mababa ang level mo para sa mga halimaw na yan, siguradong mamamatay ka sa isang maso lang ng Cyclops sa'yo." kung ganon ay ang lalaking may puting buhok nayon ay si Ziro.

"Kaya ko naman ang sarili ko, gamutin mo na lang kasi ang sugat ko." Wala ng nagawa ang babae at pumikit na lang at hinawakan ang braso n'yang may tama ng baril sa kagagawan ko. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila at agad nilingon ang Cyclops na paparating na sa lugar namin.

"Dito ka na lang Ziro, kami na ang bahala dito." Pigil sa kanya ngunit mapilit talaga ang lalaking ito.

"Ayaw ko, lalaban rin ako." Rinig kong saad ni Ziro. Agad akong tumakbo papunta sa Cyclops at agad hinanda ang sandata ko. Inequip ko ang Heaven God saber ko na main Weapon ko.

Agad ko itong winasiwas at agad s'yang sinaksak pero kahit gano'n kalalim ang saksak ko sa kan'ya ay nagawa pa rin n'ya akong masipa, napaungol ako dahil sa sakit ng pagkabagsak ko sa lupa. Lumapit na sa akin ang cyclops at hindi kaagad ako nakatayo dahil sa lakas ng impact.

Agad sumulpot sa harap ko ang babae at kaagad n'yang inangat ang kan'yang kamay at ginawa ang kan'yang ritwal. Mayroon s'yang iginuhit sa ere at nagulat na lamang ako ng biglang nagbago ang kan'yang katawan at naging isa s'yang napakalaking lobo.

Agad s'yang sumugod sa cyclops at hindi ko inakala ang sunod n'yang ginawa, binutasan n'ya ang mismong dibdib ng cyclops at agad n'ya itong kinain.

"Sora! Tigilan mo na 'yan!" Lumapit si Ziro kay Sora at agad kinuha ang puso ng cyclops na nasa bibig ng lobo. "Bumalik ka na sa sarili mo, hindi mo makokontrol ang sarili mo bilang lobo." Pero hindi nakinig ang lobo nang makitang maraming paparating na mga Minatour at Orge.

"Ang dami pa nila!" Agad akong tumayo at sinalakay ang isang Orge. Walang kahirap-hirap ko itong ginilitan sa leeg at hiniwa ang katawan. Napalingon ako at nakita ang pagsalakay ng lobo sa isang Minatour, na animoy gutom. Pinanood ko ang pagtalon ng lobo sa katawan ng Minatour pero ang hindi ko inasaan ay ang biglang pagkawala ng Minatour at napunta sa likod ng lobo at agad itong sinaksak sa likod, napa-alulong s'ya. "Sora!!" Sigaw ni Ziro na hindi makapaniwala sa nangyari.

Tumakbo si Ziro papunta sa kan'yang kasama pero napahinto s'ya nang biglang may liwanag na bumalot sa katawan n'ya pero hindi ko na iyon pinansin at agad ring tumakbo papunta sa Minatour na handa ng tuluyan ang lobo. Agad kong sinaksak ang Minatour at pina-ikot ang sandata sa tyan nito at ilang minuto pa lang ay nawalan na ito ng buhay. Hinugot ko ang sandata at hindi pa ako nakuntento at hiniwa pa ang katawan n'ya.

Umupo ako at tiningnan ang walang malay na si Sora. Nagbalik na s'ya sa kan'yang dating katawan pero kitang kita mula sa likod n'ya ang napakalalim na sugat. Agad ko s'yang pinasan at nilagay muna sa gilid at tinapalan ang kan'yang sugat para hindi s'ya matuluyan, pero ang pinagtataka ko ay kung bakit wala man lang s'yang Hp bar.

Sa paglingon ko ay hindi ko inakalang may isa pang Orge, kaya hindi ko naiwasan ang kan'yang matulis kuko kaya agad akong nasugatan. Tiniis ko iyon inangat ang sandata. Sinaksak ko s'ya at agad naman itong binawian ng buhay. Napapikit ako at napaupo sa damuhan dahil sa sakit na dinulot ng pagkasaksak sa akin ng matulis n'yang kuko.

Inakala ko na tapos na ang lahat pero hindi ko inaasahan na isang dragon ang paparating sa main Square. Ubos na ang mana ko at ang katawan ko ay hindi na kinakayang lumaban kahit mataas pa naman ang Hp ko. Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Ziro na nasa gitna at handang salakayin ang Lvl. 100 na Dragon. Rookie (Lvl. 10-15) pa lang s'ya pero ramdam ko ang malakas na aura na nanggagaling sa kan'ya. Pa'no n'ya matatalo ang isang dragon gamit ang isang Dagger lang?

Nanlilisik ang kanyang pulang mata at punong-puno iyon ng galit dahil sa kanyang kaibigan na ngayon ay walang malay. "Pasensya ka na, Sora." Saad nito.

Sa pagbaba ng malaking dragon ay yumanig ang lupain. Pinilit kong tumayo upang tulungan ang lalaking iyon pero hindi na talaga kaya ng katawan ko, kapag hindi pa umalis ang lalaking 'yan ay tiyak ang kamatayan n'ya. Nagsimula ng tumakbo si Ziro papalapit sa dragon at umilag sa bawat atake sa kanya nito. Walang makakapigil sa kan'ya lalo na't puno s'ya ng galit na maaaring makapatay.

次の章へ